Click here to load reader

EPEKTO SA PAG-AARAL NG KAKULANGAN SA PASILIDAD NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KURSONG

  • View
    18.809

  • Download
    1.064

Embed Size (px)

DESCRIPTION

EPEKTO SA PAG-AARAL NG KAKULANGAN SA PASILIDAD NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KURSONG

Text of EPEKTO SA PAG-AARAL NG KAKULANGAN SA PASILIDAD NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KURSONG

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Kolehiyo ng PagnenegsyoSta. Mesa, Maynila

EPEKTO SA PAG-AARAL NG KAKULANGAN SA PASILIDAD NG MGA MAGAARAL SA UNANG TAON NG KURSONG I.T. SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS TAONG PAMPAARALAN 2010-2011

Bilang pagtugon sa kahingian sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. (FILI 1023)

Mga Mananaliksik Bernales, Rachel Conde, Joan Crisologo, Lacel Escalera, Angelique Gonzalbo, Maybellyn Macayanan, Nathaniel Angelo Maalac, Marjorie Villasin, Jennifer Joy Viray, Kevin

BSBA-HRDM 1-6N

Bb. Mayluck A. Malaga

Marso 2011

TALAAN NG MGA NILALAMAN Pasasalamat Paghahandog Kabanata I Panimula Kaligirang Kasaysayan Balangkas Teoretikal Balangkas Konseptual Paglalahad ng Suliranin Hipotesis Kahalagahan ng Pag-aaral Saklaw at Limitasyon Katuturan ng mga Salitang Ginagamit Kabanata II MGA KAUGANAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG KASAYSAYAN

Banyagang Literatura Banyagang Pag-aaral Lokal na Literatura Lokal na Pag-aaral Kabanata III PARAANG GINAMIT Pamamaraang Ginamit Populasyon at bilang nito Paraan ng pagpili ng kalahok Instrumentong gagamitin

Paraan ng pangangalap ng datus Uri ng gagamiting estastika Kabanata IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS Kabanata V PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT

REKOMENDASYON

MGA TALAHANAYAN

1. GAMIT NA WALA SA LOOB NG INYONG KOMPYUTER LABORATORYO 2. KABUUAN KOMPYUTER SA LABORATORYO 3. BIALNG NG BAGONG KOMPYUTER SA LABORATORYO 4. PAGGAMIT NG KOMPYUTER (ISNG MAG-AARAL SA ISANG KOMPYUTER) 5. BILANG NG NAGHAHATI SA KOMPYUTER 6. PAGKAKAROON NG TEKNIKAL NA PROBLEMA SA MGA KOMPYUTER 7. EPEKTO NG KAKULANGAN NG KOMPYUTER 8. DAHILAN NG KAKULANGAN NG KOMPYUTER SA INYONG LABORATORYO 9. KAHALAGAHAN NG KOMPYUTER SA LOOB NG LABORATORYO 10. KAHALAGAHAN NG KOMPYUTER SA PAG-AARAL

PASASALAMAT

Ang pag-aaral na ito sa mga EPEKTO SA PAG-AARAL NG KAKULANGAN SA PASILIDAD NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KURSONG I.T. SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS ay hindi posibleng magawa at matapos ng wala ang tulong ng mga sumusunod at suporta ng mga sumusunod na tao na lubos na pinasasalamatan ng mga mananaliksik. Una, ang Panginoong Diyos na syang nagbigay ng kalakasan at kaalaman sa bawat mananaliksik at siyang gumabay sa bawat mananaliksik bago at pagkatapos ng pananaliksik na ito. Pangalawa, sa bawat magulang ng mga mananaliksik; Kay G. at Gng. Bernales, G. at Gng. Conde, G. at Gng. Crisologo, G. at Gng.Escalera, G. at Gng. Gonzalbo, G. at Gng. Macayanan, G. at Gng. Maalac, G. at Gng. Villasin, G. at Gng. Viray, na siyang sumagot sa pinansyal na pangangailangan ng bawat mananaliksik matapos lamang itong pananaliksik, ganun din ang suporta at nahikayat sa bawat mananaliksik na tapusin ang pananaliksik na ito. Kay Bb. Mayluck A. Malaga, na siyang tumulong at gumabay sa bawat mananaliksik bago at matapos ang pananaliksik na ito. Sa bawat kapatid ng mananaliksik na tumulong at nagbahagi ng mga kaalaman sa upang lalong mapaganda at maayos ang pananaliksik na ito. Sa mga mag-aaral sa kagawaran ng I.T. ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nagsilbi bilang mga tagatugon sa ginawang surbey ng mga mananaliksik. Maraming Salamat sa inyong lahat, sa oras na inilaan para sa mga mananliksik.

PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito tungkol sa Epekto sa pag-aaral ng kakulangan sa pasilidad ng mga mag-aaral sa unang taon ng kursong I.T. sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay inihahandog ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na tao na siyang naging dahilan at inspirasyon sa bawat mananaliksik upang magawa ng mabuti ang pag-aaral na ito.

Una, sa Panginoong Diyos nating lahat na laging nandyan, nagbigay kalakasan at kaalaman sa bawat mananaliksik. Gumabay sa bawat hakbang na gagawin ng mga mananaliksik. Pangalawa, sa bawat pamilya ng mananaliksik na nagbigay ng suporta hindi lang pinansyal maging pisikal at emosyonal na pangangailangan. Kay Bb. Mayluck A. Malaga, na siyang gumabay sa bawat mananaliksik ay sya ring tumulong at nagbahagi ng kanyang kaalaman upang lalong maayos at mapaganda ang pananaliksik na ito. Sa kapwa mag-aaral ng mga mananaliksik na lubusang nagsisikap at nagsusunog ng kilay sa pag-aaral. Sa mga mag-aaral ng I.T. sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nagsisikap kahit na may kakulangan sa mga pasilidad sa kanilang kagawaran.

KABANATA I PANIMULA

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang EPEKTO SA PAG-AARAL NG KAKULANGAN SA PASILIDAD NG MGA MAG-AARAL SA UNANG TAON NG KURSONG I.T. SA POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS ay naglalayong alamin ang epekto sa kakulangan sa pasilidad ng mga mag-aaral ng I.T. negatibo man o positibo ang mga ito. Isa sa mga tunay na ipinagmamalaki ng kurso ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang kursong Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) na sakop sa kagawaran ng I.T. Sa pag-aaral ng kursong ito kailangan talaga ng mga laboratoryo ng kompyuter. Ang kursong ito ay sadyang sensitibo, sa kursong ito papasok ang pag-poprogram sa kompyuter, kung walang kompyuter, walang I.T., at kung walang I.T. walang kompyuter. Isa ding dahilan kung kayat maraming mag-aaral na nahuhumaling na pasukin ang kursong ito, dahil sabi nga in demand ang kursong nabanggit. Gaano nga ba kahalaga ang kompyuter at maayos at kompletong pasilidad ng isang unibersidad para sa mga mag-aaral ng I.T.? Sa pananaliksik na ito nais ng mga mananaliksik na alamin ang mga kakulangan sa pasilidad at ang mga epekto nito sa bawat mag-aaral sa kagawaran ng I.T. sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Sapat nga ba ang Budget ng Gobyerno para sa mag-aaral ng nasabing kagawaran.

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay naitatag noong 1904 at unang tumanggap ng akreditasyon noong 1900. Ang kasalukuyang pangulo ay si G. Dante G. Guevara, ito ay nagsimula bilang Manila Business School (MBS) noong Oktubre taong 1904 at ang mga naunang naituro ay Typing, Bookkeeping, Stenography, at Telegraphy. Marami sa mga naging mag-aaral nito ay galing sa mga probinsya kung kaya ang MBS ay ginawang isang pambansang paaralan at noong taong 1908 ito ay pinalitan bilang Philippine School of Commerce (PSC), taong 1904, ang pagiging isang pamantasang pang-komersyo nito ay tumawag sa pansin ni pangulong Manuel L. Quezon na nangakong ipaparating sa Pambansang Kapulungan (National Assembly) ang nais nitong magkaroon ng isang gusali para dito. Naaayon sa Presidential Decree 1341, ang kolehiyo ay pinangalanang Polytechnic University of the Philippines (PUP) at naging udyok upang mas pagibayuhin ang mga tinuturong kaalaman at kasanayan.

(www.wikipedia.com)

Taong 1997 ng pasimulan ang PUPWebsite Project na kinilala naman ng pangulong Fidel V. Ramos. Ang proyektong ito ay nagsimula lamang bilang isang pag-aaral ng grupong Abyss Creative Group. Ito ang panahon na napalitan ang kursong Bachelor in Information Technology (BIT) bilang Bachelor of Science in Computer Science at ang Bachelor in Data Computer Processing and Management (BDCPM). Ang PUPWebsite Project ay pinalitan bilang PUPWebsite at nailunsad noong Enero 27 taong 1998 sa Geocities.com. (www.google.com)

Ang Information Technology Center ay itinatag sa pamamagitan ng tulong ng pangulong Joseph Estrada na ngayon ay itinuturing na Implementing Program ng IT21 Project ng Pamahalaang Nasyonal. Marami pong mga nagdaang Pangulo ng Pilipinas ang nangako sa PUP ngunit si Pangulong Estrada po lamang ang siyang tumugon upang maisakatuparan ang aming ICT Center, na naging income generating project ng Unibersidad sa pamamagitan ng mga kontrata nito sa Philhealth at iba pang sangay ng pamahalaan, ayon kay Dr. Guevara. (www.pup.edu.ph)

Sa kasalukuyang panahon isang suliranin ang kinahaharap ng ilang mga mag-aaral ng kursong I.T. ito ang kakulangan ng mga pasilidad. Sa patuloy na paglipas ng panahon patuloy din ang pagdami ng mga mag-aaral na gustong makapag-aral sa PUP na kumukuha ng kursong I.T. kaya maaaring naging dahilan din ito kung bakit unti-unting hindi nagiging sapat ang mga pasilidad para sa ilang mga mag-aaral ng kursong I.T., at isa pa sa higit na dahilan ang kawalan ng badyet para magkaroon ng sapat na ma pasilidad.

Niyanig ng mag Iskolar ng Bayan ang kahabaan ng Shaw building, kinalampag ang opisina ng Commission on Higher Education (CHED) upang iparating sa mga miyembro ng Board of Regents (BOR) ang galit at pagtuligsa na mga mag-aaral sa Anti-estudyanteng patakaran at olisiya ng Administrasyong Guevara. Hinda pa dito nagtatapos ang laban ng mga Iskolar ng Bayan. Hinding-hindi maaayos ang mga pasilidad ng PUP kung hindi ito ipaglalaban. Kailangang manindigan at ipanawagan ang mas mataas na budget ng PUP at sa sector ng edukasyon.(www.pup.edu.com)

Dahil sa suliraning ito na kinahaharap ng ilang mga mag-aaral ng I.T. na kakulangan ng mga pasilidad ang mag mananaliksik ay handang tumulong at gumawa ng mga hakbangin kung paano mareresulbahan ang ganitong isyu.

BALANGKAS TEORETIKAL

HERZBERG TWO FACTORY THEORY Ang Herzberg Two Factory Theory ay nagmula kay Frederick herzberg. Tulad ng ilang mga tao ay wala siyang sapat na edukasyon pero humanap siya ng ibang paraan para makamtan niya ang karanungang inaasam. Libro, iyon ang paraan niya. Dahil sadyang matalino ay nakilala siya. At ayon sa kanya ay may dalawang motibasyon na tumutulong sa kanya. Ito ang kanyang teorya na tinaguriang Herzberg Two Theory Factory. INTRINSIC MOTIVATION- direktang motibasyon ng kaisipan o damdamin na tinataglay ng mga taong kulang sa mga kinakailangang bagay. Dulot nito, mas lalo niyang itinatatak sa isipan niya na kailangan niyang magsikap para magkaroon siya ng ganoong bagay.

EXTRINSIC MOTIVATION- motibasyon na nagmula sa motibasyon ng intrinsic motivation. Ngunit dito isinasakilos ng isang tao ang inaasam niyang pa

Search related