Click here to load reader
View
7
Download
0
Embed Size (px)
Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya para sa
HUWEBES
SA UNANG LINGGO
SA PANAHON NG PAGDATING
NG PANGINOON
5 Disyembre 2019
PASIMULA __
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo
sa dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.
Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa
hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik
sa ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay
paroroon sa kanyang upuan.
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus, ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:
a Ngalan ng Ama,
at ng Anak, † at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinapahayag:
ng pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,
ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.
Sasagot ang mga tao:
At sumaiyo rin.
S
A
PAMBUNGAD NA PANANALITA __
Ang pari o ang diyakono o anumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng
maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipinagdiriwang.
ga kapatid,
wika sa atin ng Panginoon sa Mabuting Balita
na hindi lahat ng tumatawag sa Kanya ng
“Panginoon, Panginoon”
ay tiyak nang makapapasok sa Kanyang kaharian
kung hindi sila susunod sa kalooban ng Diyos.
Ang panahong ito ay nararapat na pagkakataon
upang magbalik-loob,
at sumunod sa kalooban ng Diyos.
Halina’t dumulog sa hapag ng Panginoon,
at upang maging marapat tayong gumanap
sa banal na pagdiriwang,
halina’t pagsisihan ang mga nagawa nating kasalanan.
PAGSISISI SA KASALANAN __
m
Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa
nagawang kasalanan.
naamin ko sa makapangyarihang Diyos,
at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
Ang lahat ay dadagok sa dibdib.
sa isip, sa salita, sa gawa
at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad.
aawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin tayo sa ating mga kasalanan
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
Isusunod ang mga pagluhog na “Panginoon, kaawaan Mo kami,” maliban kapag naganap
na ito kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan.
HINDI AAWITIN ANG PAPURI SA DIYOS.
I
K
PANALANGING PAMBUNGAD __
ma naming makapangyarihan,
ipakita Mo ang Iyong lakas
at kami ay Iyong tulungan
upang ang hinahadlangan
ng aming kahinaan at kakulangan
ay mapalaya ng Iyong pag-ibig na mapagbigay
sa pamamagitan ni HesuKristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:
Amen.
A
Liturhiya ng Salita ng Diyos
UNANG PAGBASA: ISAIAS 26: 1-6 __ Ang bayang matuwid na nananatiling tapat ay makapapasok.
ANG SALITA NG DIYOS MULA SA AKLAT NI PROPETA ISAIAS
a araw na iyo’y ganito ang aawitin sa Juda:
“Matatag ang ating lungsod,
hindi tayo maaano,
matibay ang muog.
Bayaang bukas ang mga pintuan,
upang makapasok ang bayang matapat.
Binibigyan mo ng lubod na kapayapaan
ang mga taong matapat na tumatalima
at nagtitiwala sa iyo.
Magtiwala kayong lagi sa Panginoon,
‘pagkat Siya ang kublihang walang hanggan.
Ibinababa Niya ang mga palalo,
lungsod mang matatag ay ibinabagsak;
Pati muog ay winawasak,
hanggang sa maging tapakan ng mga taong-hamak
at tuntungan ng mga mahirap.”
Ang Salita ng Diyos.
S
SALMONG TUGUNAN: Salmo 117: 1 at 8-9. 19-21. 25-27a __
Pinagpala’ng dumarating sa ngalan ng Poon natin.
O pasalamatan
ang Panginoong Diyos, ‘pagkat Siya’y mabuti;
ang Kanyang pag-ibig
ay napakatatag at mananatili.
Mabuting ‘di hamak,
na doon sa Poon magtiwala ako,
kaysa panaligan yaong mga tao.
Higit ngang mabuting
ang pagtitiwala’y sa Poon ibigay,
kaysa pamunuan ang ating asahan. (Tugon)
Ang mga pintuan
ng banal na templo’y inyo ngayong buksan,
ako ay papasok,
at itong Panginoo’y papupurihan.
Ito yaong pintong
pasukan ng Poon, ang Panginoong Diyos;
tanging ang matuwid
ang pababayaang doo’y makapasok!
Aking pinupuri
Ikaw, O Poon, yamang pinakinggan,
dininig mo ako’t pinapagtagumpay. (Tugon)
Kami ay iligtas,
tubusin Mo, Poon, kami ay iligtas,
at pagtagumpayin sa layuni’t hangad.
Ang pumaparito
sa ngalan ng Poon ay pagpapalain;
magmula sa templo,
mga pagpapala’y kanyang tatanggapin!
ang Poon ang Diyos. (Tugon)
ALELUYA (Isaias 55:6)
Aleluya! Aleluya!
Hanapin ang Poong mahal
S’ya’y ating matatagpuan
sa Kanya tayo magdasal.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA: MATEO 7: 21. 24-27 __ Yaong sumusunod sa kalooban ng Ama ang makapapasok sa kaharian ng langit.
† ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO
oong panahong iyon,
, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad:
“Hindi lahat ng tumatawag sa akin,
‘Panginoon, Panginoon,’
ay papasok sa kaharian ng langit,
kundi yaon lamang sumusunod
sa kalooban ng aking Amang nasa langit.
“Kaya’t ang bawat nakikinig
at nagsasagawa ng mga salita kong ito
ay matutulad sa isang taong matalino
na nagtayo ng kanyang bahay sa ibabaw ng bato.
Umulan nang malakas, bumaha,
at binayo ng malakas na hangin ang bahay na iyon,
ngunit hindi nagiba
sapagkat nakatayo sa ibabaw ng bato.
n
Ang bawat nakikinig ng Aking mga salita
at hindi nagsasagawa nito
ay matutulad sa isang taong hangal
na nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan.
Umulan nang malakas, bumaha,
at binayo ng malakas na hangin ang bahay.
Bumagsak ang bahay na iyon at lubusang nawasak.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
At saka isusunod ang Homiliya at Pangaral.
PANALANGIN NG BAYAN __
Pasisimulan ng Pari ang Panalangin ng bayan sa mga sumusunod na salita:
ga kapatid,
itinuro sa atin ni Hesus
na ang ating pananampalataya ay dapat makita
sa ating mga gawaing may pag-ibig at katarungan,
at hindi lang sa ating mga salita.
Ang ating itutugon:
PANGINOON, DINGGIN ANG AMING
PANALANGIN!
Babanggitin ng tagabasa ang mga sumusunod na kahilingan:
Nawa’y magkaroon ng pagkakasundo sa pagitan ng ating
mga salita at ginagawa, upang sa lahat ng bagay si
Kristo’y ating mamalas, manalangin tayo sa Panginoon.
Nawa’y maitayo natin ang ating ating buhay sa batong
mahusay at tiyak na saligang walang hanggan, si
HesuKristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Nawa sa bawat lugar na mayroong digmaan, karahasan
at terorismo’y magkaroon ng kapayapaan, at ang mga
tao’y mamuhay sa mga ligtas na tahanan, manalangin
tayo sa Panginoon.
Nawa’y itaas natin at patuloy nating idalangin sa Diyos
ang lahat ng nagdaranas ng pag-uusig at diskriminasyon
m
dahil sa kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa
Panginoon.
Pagkatapos nito, ipahahayag ng Pari ang Pangwakas na Panalangin nang magkadaop ang
mga kamay:
anginoon naming Diyos,
sa lahat ng aming pangangailangan
kami ay nanalig sa Iyo,
sapagkat dinirinig Mo ang bawat panalangin.
Palakasin Mo ang mga mahihina
at damayan Mo ang mga nangungulila.
Iniluluhog namin ito
sa pamamagitan ni HesuKristo na aming Panginoon.
Amen.
P
Liturhiya ng Eukaristiya
PAGHAHANDA NG MGA HANDOG AT DAMBANA __
Pagkatapos, sisimulan ang awit sa pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.
Nababagay ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng
pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga
dukha.
Ngayon nama’y