35
Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya para sa UNANG LINGGO SA PANAHON NG PAGDATING NG PANGINOON TAON A 1 Disyembre 2019

UNANG LINGGO SA PANAHON NG PAGDATING NG PANGINOON€¦ · Daragsa sa kanya ang lahat ng bansa. Ang maraming taong lalapit sa kanya ay magsasabi ng ganito: “Halikayo, umahon tayo

  • Upload
    others

  • View
    39

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya para sa

    UNANG LINGGO

    SA PANAHON NG PAGDATING

    NG PANGINOON

    TAON A

    1 Disyembre 2019

  • PASIMULA __

    Kapag natitipon na ang sambayanan, ang pari at mga tagapaglingkod ay lalakad patungo

    sa dambana samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

    Pagsapit sa dambana, ang pari at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang alinsunod sa

    hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang pari sa dambana sa pamamagitan ng paghalik

    sa ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos, ang pari ay

    paroroon sa kanyang upuan.

    Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay

    magkukrus, ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:

    a Ngalan ng Ama,

    at ng Anak, † at ng Espiritu Santo.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang ipinapahayag:

    ng pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,

    ang pag-ibig ng Diyos Ama,

    at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo

    nawa’y sumainyong lahat.

    Sasagot ang mga tao:

    At sumaiyo rin.

    S

    A

  • PAMBUNGAD NA PANANALITA __

    Ang pari o ang diyakono o anumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng

    maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipinagdiriwang.

    inamahal kong mga kapatid,

    sumapit na naman tayo

    sa panibagong taon sa Liturhiya ng Simbahan.

    Pinasisimulan natin ngayon

    ang Panahon ng Paghahanda

    sa pagdating ng Panginoon.

    Nananawagan tayo sa Kanya nang walang alinlangan.

    Itinataas natin sa Kanya ang ating puso at isipan.

    Nagtitiwala tayong higit sa kanyang kalinga at

    pagmamahal.

    Tayong mga makasalanan niyang nilalang

    ay natitipon ngayon sa pagdiriwang

    ng banal na Misteryo.

    Kaya’t upang maging marapat tayo

    sa pagdiriwang na ito,

    halina’t pagsisihan ang mga nagawa nating kasalanan.

    m

  • PAGSISISI SA KASALANAN __

    Magkakaroon ng saglit na katahimikan. Pagkatapos nito, lahat ay sabay-sabay na aamin sa

    nagawang kasalanan.

    naamin ko sa makapangyarihang Diyos,

    at sa inyo, mga kapatid,

    na lubha akong nagkasala

    Ang lahat ay dadagok sa dibdib.

    sa isip, sa salita, sa gawa

    at sa aking pagkukulang.

    Kaya isinasamo ko

    sa Mahal na Birheng Maria,

    sa lahat ng mga anghel at mga banal

    at sa inyo, mga kapatid,

    na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

    Ipahahayag ng pari ang pagpapatawad.

    aawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,

    patawarin tayo sa ating mga kasalanan

    at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    Isusunod ang mga pagluhog na “Panginoon, kaawaan Mo kami,” maliban kapag naganap

    na ito kaugnay ng ibang paraan ng pagsisisi sa kasalanan.

    HINDI AAWITIN ANG PAPURI SA DIYOS.

    I

    K

  • PANALANGING PAMBUNGAD __

    ma naming makapangyarihan,

    bigyan Mo kami ng paninindigang

    tumahak sa landas ng kabutihan.

    sa pagdating ni Kristo

    makasalubong nawa kaming may mabubuting gawa

    upang kapiling Niya sa gawing kanan

    kami ay makapisan sa Iyong pinaghaharian

    sa pamamagitan Niya

    kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    A

  • Liturhiya ng Salita ng Diyos

    UNANG PAGBASA: ISAIAS 2: 1-5 __ Tinitipon ng Panginoon ang lahat ng bayan

    tungo sa walang hanggang kapayapaan ng kaharian ng Diyos.

    ANG SALITA NG DIYOS MULA SA AKLAT NI PROPETA ISAIAS

    to ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz

    tungkol sa Juda at sa Jerusalem:

    Sa mga huling araw,

    ang bundok na kinatatayuan ng Templo ng Panginoon

    ay namumukod sa taas sa lahat ng bundok.

    Daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.

    Ang maraming taong lalapit sa kanya

    ay magsasabi ng ganito:

    “Halikayo, umahon tayo sa bundok ng Panginoon,

    sa Templo ng Diyos ni Jacob,

    upang malaman natin ang Kanyang mga daan

    at matuto tayong lumakad sa Kanyang mga landas.

    Sapagkat sa Sion magmumula ang Kautusan,

    at sa Jerusalem, ang salita ng Panginoon.”

    Siya ang mamamagitan sa mga bansa

    at magpapairal ng kapayapaan.

    Kung magkagayun,

    gagawin na nilang sudsod ang kanilang mga tabak,

    at karit ang kanilang mga sibat.

    I

  • Wala nang magsasanay sa pakikibaka

    at mawawala na ang mga digmaan.

    Halina kayo, sambahayan ni Jacob,

    at tayo’y lumakad sa liwanag ng Panginoon.

    Ang Salita ng Diyos.

  • SALMONG TUGUNAN: Salmo 121, 1-2. 4-5. 6-7. 8-9__

    Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos.

    Ako ay nagalak, sa sabing ganito:

    “Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”

    Sama-sama kami matapos sapitin,

    ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem. (Tugon)

    Dito umaahon ang lahat ng angkan,

    lipi ni Israel upang magsambahan,

    ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,

    pagkat ito’y utos na dapat gampanan.

    Doon din naroon ang mga hukuman

    at trono ng haring hahatol sa tanan. (Tugon)

    Ang kapayapaan nitong Jerusalem,

    sikaping sa Poon yao’y idalangin:

    “Ang nangagmamahal sa ‘yo’y pagpalain.

    Pumayapa nawa ang banal na bayan,

    at ang palasyo mo ay maging tiwasay.” (Tugon)

    Dahilan sa aking kasama’t katoto,

    sa ‘yo Jerusalem, ang sabi ko’y ito:

    “Ang kapayapaa’y laging sumaiyo.

    “Dahilan sa templo ng Poong ating D’yos,

    ang aking dalangi’y umunlad kang lubos. (Tugon)

  • IKALAWANG PAGBASA: ROMA 13: 11-14a __ Ang pagliligtas sa atin ay higit na malapit ngayon.

    ANG SALITA NG DIYOS MULA SA SULAT NI APOSTOL SAN PABLO

    SA MGA TAGA-ROMA

    ga kapatid:

    Alam ninyong panahon na

    upang gumising kayo sa pagkakatulog.

    Ang pagliligtas sa atin ay higit na malapit ngayon

    kaysa noong tayo’y magsimulang manalig sa kanya.

    Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag.

    Layuan na natin ang lahat ng gawang masama

    at italaga ang sarili sa paggawa ng mabuti.

    Mamuhay tayo nang marangal

    at huwag gugulin ang panahon

    sa paglalasing at magulong pagsasaya,

    sa pagpapakasawa sa pita ng laman at kahalayan,

    sa alitan at inggitan.

    Ang Panginoong Hesukristo

    ang paghariin ninyo sa inyong mga buhay

    at huwag paglaanan ang laman

    upang bigyang-kasiyahan ang mga nasa nito.

    Ang Salita ng Diyos.

    m

  • ALELUYA (Salmo 84:8)

    Aleluya! Aleluya!

    Pag-ibig mo’y ipakita,

    lingapin kami tuwina

    iligtas kami sa dusa!

    Aleluya! Aleluya!

    MABUTING BALITA: MATEO 24: 37-44 __ Kaya magbantay kayo, at maging handa kayong lagi.

    † ANG MABUTING BALITA NG PANGINOON AYON KAY SAN MATEO

    oong panahong iyon:

    Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad:

    “Ang pagdating ng Anak ng Tao

    ay matutulad sa pagdating ng baha

    noong panahon ni Noe.

    Noon, ang mga tao’y nagsisikain,

    nagsisiinom at nag-aasawa,

    hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe.

    Dumating ang baha nang ‘di nila namalayan

    at tinangay silang lahat.

    Gayun din ang mangyayari

    sa pagdating ng Anak ng Tao.

    Sa panahong iyon,

    may dalawang babaing magkasamang gumigiling;

    kukunin ang isa at iiwan ang isa.

    n

  • Kaya magbantay kayo,

    sapagkat hindi ninyo alam

    kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.

    Tandaan ninyo ito:

    kung alam lamang ng puno ng sambahayan

    kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw,

    siya’y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin

    ang kanyang bahay.

    Kaya maging handa kayong lagi,

    sapagkat darating ang Anak ng Tao

    sa oras na ‘di ninyo inaasahan.”

    Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

    At saka isusunod ang Homiliya at Pangaral.

    Pagkatapos ng Homiliya, ipahahayag ang Sumasampalataya.

  • PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA __ KREDO NICENO-CONSTANTINOPOLITANO

    umasampalataya ako sa isang Diyos

    Amang makapangyarihan sa lahat,

    na may gawa ng langit at lupa,

    ng lahat na nakikita at ‘di nakikita.

    Sumasampalataya ako sa iisang Panginoong HesuKristo,

    Bugtong na Anak ng Diyos,

    Sumilang sa Ama bago pa nagkapanahon.

    Diyos buhat sa Diyos,

    liwanag buhat sa liwanag,

    Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo

    sumilang at hindi ginawa,

    kaisa ng Ama sa pagka-Diyos,

    at sa pamamagitan Niya ang ginawa ang lahat.

    Dahil sa ating pawang mga tao

    at dahil sa ating kaligtasan,

    Siya ay nanaog mula sa kalangitan.

    Ang lahat ay yuyuko.

    Nagkatawang-tao Siya

    lalang ng Espiritu Santo

    kay Mariang Birhen

    at naging tao.

    At saka magpapatuloy ang lahat.

    Ipinako sa krus dahil sa atin.

    Nagpakasakit sa hatol ni Poncio Pilato,

    s

  • namatay at inilibing.

    Muli Siyang nabuhay sa ikatlong araw

    ayon sa Banal na Kasulatan.

    Umakyat Siya sa kalangitan

    at lumuklok sa kanan ng Amang Maykapal.

    Paririto Siyang muli

    na may dakilang kapangyarihan

    upang hukuman ang mga buhay at mga patay.

    Sumasampalataya ako sa Espiritu Santo,

    Panginoon at nagbibigay-buhay

    na nanggagaling sa Ama at sa Anak.

    Sinasamba Siya at pinararangalan

    kaisa ng Ama at ng Anak.

    Nagsalita Siya sa pamamagitan ng mga propeta.

    Sumasampalataya ako sa iisang banal na Simbahang

    Katolika at Apostolika

    gayundin sa iisang binyag

    sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan,

    at hinihintay ko ang muling pagkabuhay ng nangamatay

    at ang buhay na walang hanggan.

    Amen.

  • O kaya, para sa Simbahan sa Pilipinas, pinahihintulutang gamitin ang sumusunod:

    KREDO NG MGA APOSTOL

    umasampalataya ako

    sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,

    na may gawa ng langit at lupa.

    Sumasampalataya ako kay HesuKristo,

    iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.

    Ang lahat ay yuyuko.

    Nagkatawang-tao Siya

    lalang ng Espiritu Santo

    ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.

    At saka magpapatuloy ang lahat.

    Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,

    Ipinako sa krus, namatay, inilibing.

    Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.

    Nang may ikatlong araw ay nabuhay na mag-uli.

    Umakyat sa langit.

    Naluluklok sa kanan

    ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.

    Doon nagmumulang paririto at huhukom

    sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

    Sumasampalataya naman ako

    sa Diyos Espiritu Santo,

    sa banal na Simbahang Katolika,

    s

  • sa kasamahan ng mga banal,

    sa kapatawaran ng mga kasalanan,

    sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao

    at sa buhay na walang hanggan.

    Amen.

    Matapos ang Pagpapahayag ng Pananampalataya, isusunod ang Panalangin ng Bayan.

    Maaaring isagawa ang Ritu ng Pagbabasbas at Pagsisindi ng Kandila ng Adbiyento sa

    tagpo ng Panalangin ng Bayan.

  • PANALANGIN NG BAYAN __

    Ang pari o ang diyakono o anumang angkop na tagapaglingkod ay makapagbibigay ng

    maikling paliwanag tungkol sa buod ng Misang ipinagdiriwang.

    ga kapatid,

    sa pagsisimula natin sa panahong ito ng Adbiyento,

    tayo’y naghihintay sa pagbabalik ni HesuKristo

    sa katapusan ng panahon,

    at sa paghahanda natin sa masayang pagdiriwang

    ng Pasko ng Pagsilang,

    tayo’y tumutugon sa paanyaya ni Hesus

    na manatiling gising at parating nananalangin.

    Ang ating itutugon:

    KRISTO, PAKAPAKINGGAN MO KAMI!

    Babanggitin ng tagabasa ang mga sumusunod na kahilingan:

    Upang tayo’y gabayan ni Papa Francisco sa panibagong

    taon sa buhay ng Simbahan nang may payak na puso, at

    halimbawa sa atin kung paano mamuhay nang may

    integridad. Kristo, pakinggan Mo kami.

    Upang ang lahat ng Kristiyano ay mamuhay nang kaaya-

    aya tulad ng sikat ng araw, hindi naglalasing, pagtatalo o

    pagseselos at sa oras ng tukso, ang Panginoong

    HesuKristo nawa ang ating sandata. Kristo, pakinggan

    Mo kami.

    Upang patuloy tayong manalangin sa mga kapwa nating

    Kristiyanong patuloy na inuusig sa iba’t ibang panig ng

    m

  • mundo dahil sa kanilang pananampalataya na

    humahantong sa pagpatay sa kanila, at para sa lahat ng

    tao na ang kanilang kalayaan sa pagsamba ay hindi

    pinahihintulutan. Kristo, pakinggan Mo kami.

    Upang ang bawat bansa ay hindi na kailanman mag-

    away-away, o magkaroon ng pag-aaway sa mga

    mamamayan nito. Kristo, pakinggan Mo kami.

    Upang makapiling ng Diyos ang mga kapatid nating

    pumanaw na at sila’y mahimlay sa walang hanggang

    kapayapaan. Kristo, pakinggan Mo kami.

    Pagkatapos nito, ipahahayag ng Pari ang Pangwakas na Panalangin nang magkadaop ang

    mga kamay:

    ma naming makapangyarihan,

    bigyan Mo kami ng biyayang ‘manatiling gising’

    upang aming mamalas si Hesus na Iyong Anak,

    sa pagsambang inihahandog namin,

    sa Salitang aming ipinahahayag,

    sa mga taong mahirap at nangangailangan,

    at sa lahat ng taong nagpapakita sa amin

    ng kabutihan at pagpapatawad.

    Iniluluhog namin ito

    sa pamamagitan ni HesuKristo na aming Panginoon.

    Amen.

    a

  • Liturhiya ng Eukaristiya

    PAGHAHANDA NG MGA HANDOG AT DAMBANA __

    Pagkatapos, sisimulan ang awit sa pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga

    tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis at ang

    Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

    Nababagay ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng

    pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga

    dukha.

    Ngayon nama’y tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan

    ng tinapay na bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong:

    apuri-puri Ka,

    Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.

    Sa Iyong kagandahang-loob,

    narito ang aming maiaalay.

    Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa

    ang tinapay na ito

    para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

    Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

    Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal

    nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

    Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man.

    Ang diyakono o ang pari ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang

    dinarasal nang pabulong:

    a paghahalong ito ng alak at tubig

    kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo

    na nagpagindapat makisalo sa aming pagkatao.

    k

    S

  • Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang

    nakaangat sa dambana habang dinarasal nang pabulong:

    apuri-puri Ka,

    Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.

    Sa Iyong kagandahang-loob,

    narito ang aming maiaalay.

    Mula sa katas ng ubas

    at bunga ng aming paggawa ang alak na ito

    para maging inuming nagbibigay ng Iyong Espiritu.

    Ilalapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

    Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal

    nang malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

    Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man.

    Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal nang pabulong:

    iyos Amang Lumikha,

    nakikiusap kaming mga makasalanan.

    Tanggapin Mo ang aming pagsisisi bilang handog

    upang kami’y matutong sumunod sa Iyo

    nang buong puso.

    Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng pari ang mga alay at ang dambana, pagkaraa’y

    iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

    Pagkatapos, ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay,

    samantalang pabulong niyang dinarasal:

    Diyos kong minamahal,

    kasalanan ko’y hugasan

    at linisin Mong lubusan ang nagawa Kong pagsuway.

    k

    D

    O

  • Pagbalik ng pari sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang kamay sa mga

    tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinapahayag:

    analangin kayo, mga kapatid,

    upang ang paghahain natin ay kalugdan

    ng Diyos Amang makapangyarihan.

    Sasagot ang mga tao:

    Tanggapin nawa ng Panginoon

    itong paghahain sa Iyong mga kamay

    sa kapurihan Niya at karangalan

    sa ating kapakinabangan

    at sa buong Sambayanan Niyang banal.

    Pagkaraa’y ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang mga panalangin

    ukol sa mga alay.

    PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY __

    ma naming Lumikha,

    tanggapin Mo ang aming mga alay

    na Ikaw rin ang nagbigay.

    Magdulot nawa ito ng gantimpalang kaligtasan

    na ngayon pa man ay amin nang pinakikinabangan

    sa pamamagitan ni HesuKristo

    kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    m

    A

  • PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT __

    Ngayo’y sisimulan ng pari ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat. Ilalahad niya

    ang kanyang mga kamay habang Kanyang sinasabi:

    umainyo ang Panginoon.

    Sasagot ang mga tao:

    At sumaiyo rin.

    Pagkaraa’y isusunod niya habang itinataas ang kanyang mga kamay:

    taas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

    Sasagot ang mga tao:

    Itinaas na namin sa Panginoon.

    Habang nakataas ang mga kamay, kanyang ipahahayag:

    asalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

    Sasagot ang mga tao:

    Marapat na Siya ay pasalamatan.

    S

    I

    P

  • UNANG PREPASYO SA PANAHON NG PAGDATING __ Ang dalawang pagdating ni Kristo

    ma naming makapangyarihan,

    tunay ngang marapat

    na Ikaw ay aming pasalamatan

    sa pamamagitan ni HesuKristo

    na aming Panginoon.

    Siya’y isinugo Mo upang matupad

    ang Iyong magandang balak para sa lahat.

    Hindi Niya ikinahiyang mamuhay nang mahirap

    upang mapakisamahan Niya kaming matapat.

    Siya’y hindi na iba sa amin

    upang maitampok Niya kami sa Iyong piling.

    Sa Kanyang lantarang muling pagdating

    ang pakikisama Niya’y puspusang magniningning

    at ang pangako Niyang kapana-panabik

    ay inaasahan namin lubos na makakamit.

    Kaya, kaisa ng mga anghel

    na nagsisiawit ng papuri sa Iyo

    nang walang humpay sa kalangitan,

    kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan:

    Aawitin o bibigkasin nang malakas ang Santo.

    A

  • IKATLONG PANALANGIN

    NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

    Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal.

    ma naming banal,

    dapat Kang purihin ng tanang kinapal

    sapagkat sa pamamagitan ng Iyong Anak

    na aming Panginoong HesuKristo

    at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu

    ang lahat ay binibigyan Mo ng buhay at kabanalan.

    Walang sawa Mong tinitipon ang Iyong sambayanan

    upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw

    maihandog ang malinis na alay

    para sambahin ang Iyong ngalan.

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga

    alay habang siya'y nagdarasal.

    ma,

    isinasamo naming pakabanalin Mo

    sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu

    ang mga kaloob na ito

    na aming inilalaan sa Iyo.

    Pagdaraupin ng pari ng kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,

    samantalang kanyang dinarasal:.

    Ito nawa ay maging Katawan at Dugo †

    ng Iyong Anak at aming Panginoong HesuKristo

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

    na nag-utos ipagdiwang ang misteryong ito.

    A

    A

  • Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag ng

    malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihngi ng kahulugan ng mga ito.

    Noong gabing ipagkanulo Siya,

    Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang

    patuloy na ipinahahayag:

    hinawakan Niya ang tinapay,

    pinasalamatan Ka Niya,

    pinaghati-hati Niya iyon,

    iniabot sa Kanyang mga alagad

    at sinabi:

    Bahagyang yuyuko ang pari.

    TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:

    ITO ANG AKING KATAWAN

    NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

    Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito

    sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

    Ang pari ay magpapatuloy:

    Gayundin naman, noong matapos ang hapunan,

    Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang

    kanyang patuloy na ipinahahayag:

    hinawakan Niya ang kalis

    muli Ka Niyang pinasalamatan,

    iniabot Niya ang kalis sa mga alagad

    at sinabi:

  • Bahagyang yuyuko ang pari.

    TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:

    ITO ANG KALIS NG AKING DUGO

    NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,

    ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS

    PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT

    SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

    GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

    Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo,

    at luluhod siya bilang pagsamba.

    Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

    pagbunyi natin ang misteryo

    ng ating pananampalataya.

    Ang mga tao ay magbubunyi:

    Si Kristo ay gunitaing

    sarili ay inihain

    bilang pagkai’t inuming

    pinagsasaluhan natin:

    Hanggang sa S’ya’y dumating.

    Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

    ma,

    ginugunita namin

    ang pagkamatay ng Iyong anak

    na sa ami'y nagligtas,

    gayundin ang Kanyang muling pagkabuhay

    I

    A

  • at pag-akyat sa kalangitan

    samantalang ang Kanyang pagbabalik

    ay pinananabikan,

    kaya bilang pasasalamat

    ngayo'y aming iniaalay sa Iyo

    ang buhay at banal na paghahaing ito.

    Tunghayan Mo ang handog na ito

    ng Iyong Simbahan.

    Masdan Mo ang Iyong Anak

    na nag-alay ng Kanyang buhay

    upang kami ay ipakipagkasundo sa Iyo.

    Loobin Mong kaming magsasalu-salo

    sa Kanyang Katawan at Dugo

    ay mapuspos ng Espiritu Santo

    at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

    Tagapamuno o ibang Nakikipagdiwang:

    ami nawa ay gawin Niyang handog

    na habang panahong nakatalaga sa Iyo.

    Tulungan nawa Niya kaming magkamit

    ng Iyong pamana

    kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birheng Maria,

    ng kabiyak ng puso Niyang si San Jose,

    kaisa ng mga Apostol, mga martir,

    at kaisa ng lahat ng mga Banal

    na aming inaasahang laging nakikiusap

    para sa aming kapakanan.

    K

  • Tagapamuno o ibang Nakikipagdiwang:

    ma,

    ang handog na ito

    ng aming pakikipagkasundo sa Iyo

    ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan

    para sa buong daigdig.

    Patatagin Mo sa pananampalataya at pag-ibig

    ang Iyong Simbahang naglalakbay sa lupa,

    kasama ng Iyong lingkod na si Papa FRANCISCO,

    ang aming Obispo N.,

    ng tanang mga Obispo at buong kaparian

    at ng Iyong piniling sambayanan.

    Dinggin Mo ang kahilingan ng Iyong angkan

    na ngayo'y tinipon Mo sa Iyong harapan.

    Amang maawain,

    kupkupin Mo't pag-isahin ang lahat ng Iyong mga anak

    sa bawat panig at sulok ng daigdig.

    † Kaawaan Mo't patuluyin sa Iyong kaharian

    ang mga kapatid naming yumao

    at ang lahat ng lumisan na sa mundong ito

    na nagtataglay ng pag-ibig sa Iyo.

    Kami ay umaasang makakarating sa Iyong piling

    at samasamang magtatamasa

    ng Iyong kaningningang walang maliw

    sapagkat aming masisilayan ang Iyong kagandahan

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

    sa pamamagitan ng aming Panginoong HesuKristo

    A

  • na Siyang pinagdaraanan

    ng bawat kaloob Mo sa aming kabutihan. †

    Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at kalis na kapwa niya itataas habang kanyang

    ipinahahayag:

    a pamamagitan ni Kristo, kasama Niya at sa Kanya,

    ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,

    Diyos Amang makapangyarihan,

    kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Ang mga tao ay magbubunyi:

    Amen.

    s

  • RITU NG PAKIKINABANG __

    Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na

    mga kamay:

    a tagubilin ng mga nakagagaling na mga utos,

    at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos

    ipahayag natin ng lakas-loob:

    Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat:

    ma namin, sumasalangit Ka,

    sambahin ang ngalan Mo.

    Mapasaamin ang kaharian Mo

    sundin ang loob Mo

    dito sa lupa para nang sa langit.

    Bigyan Mo kami ngayon

    ng aming kakanin sa araw-araw.

    At patawarin Mo kami sa aming mga sala

    para nang pagpapatawad namin

    sa nagkakasala sa amin.

    At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso.

    At iadya Mo kami sa lahat ng masama.

    Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng pari nang may magkadaop na

    mga kamay:

    inihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama,

    pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,

    iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan

    samantalang aming pinananabikan

    S

    A

    H

  • ang dakilang araw ng pagpapahayag

    ng Tagapagligtas naming si HesuKristo.

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin

    sa pag-awit ng pagbubunyi:

    Sapagka’t Iyo ang kaharian

    at ang kapangyarihan at ang kapurihan

    magpakailan man!

    Malakas na darasalin ng pari habang nakalahad ang mga kamay:

    anginoong HesuKristo,

    sinabi Mo sa Iyong mga apostol

    “Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo.

    Ang Aking kapayapaan ang ibinibigay Ko sa inyo.”

    Tunghayan Mo ang aming pananampalataya

    at huwag ang aming mga pagkakasala.

    Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan

    at pagkakaisa ayon sa Iyong kalooban

    Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

    kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    Paharap sa sambayanan, maglalahad at magdaraop ng mga kamay ang pari at sasabihin:

    ng kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

    Sasagot ang mga tao:

    At sumaiyo rin. Aanyayahan niyang magbigayan ng kapayapaan ang sambayanan:

    P

    A

  • agbigayan tayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

    Magbibigayan ng kapayapaan ang mga tao.

    Samantala, hahawakan ng tagapamuno ang ostiya at hahatiin niya iyon sa ibabaw ng

    pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong na dinarasal:

    a pagsasawak na ito,

    ng Katawan at Dugo

    ng aming Panginoong Hesukristo

    tanggapin nawa namin sa pakikinabang

    ang buhay na walang hanggan.

    Habang isinasagawa ito, aawitin ang Kordero ng Diyos:

    Kordero ng Diyos,

    na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    maawa Ka sa amin.

    Kordero ng Diyos,

    na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    maawa Ka sa amin.

    Kordero ng Diyos,

    na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,

    ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

    Samantala, hahawakan ng tagapamuno ang ostiya at hahatiin niya iyon sa ibabaw ng

    pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong na dinarasal:

    anginoong HesuKristo, Anak ng Diyos na buhay,

    sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,

    binuhay Mo sa Iyong pagkamatay ang sanlibutan.

    Pakundangan sa Iyong banal na Katawan at Dugo,

    M

    s

    P

  • iadya Mo ako sa tanang aking kasalanan

    at lahat ng masama,

    gawin Mong ako’y makasunod lagi sa Iyong mga utos,

    at huwag Mong ipahintulot

    na ako’y mawalay sa Iyo kailan man.

    O kaya:

    ng pakikinabang ng Katawan at Dugo Mo,

    Panginoong HesuKristo,

    ay huwag nawang magdulot

    ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.

    Alang-alang sa Iyong dakilang pag-ibig

    nawa’y aking matanggap

    ang pagkupkop Mo sa akin at kaloob Mong lunas.

    Luluhod ang pari at pagtayo niya’y hahawakan niya ang ostiya na itataas sa ibabaw ng

    kalis. Sasabihin niya sa mga tao nang malakas:

    to ang Kordero ng Diyos,

    na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.

    Mapapalad tayong inaanyayahan sa banal na piging.

    Sasabihin ng lahat:

    Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatulóy sa Iyo

    ngunit sa isang salita Mo lamang ay gagaling na ako.

    Makikinabang ang pari nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na

    nagdarasal:

    Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo

    para sa buhay na walang hanggan.

    Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

    A

    I

  • Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

    Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo

    para sa buhay na walang hanggan.

    Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

    Tatanggap na ang mga tao ng pakikinabang. Habang ginaganap ito, magsisimula ang awit

    ng pakikinabang.

    Titipunin ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan sa kalis na huhugasan. Habang

    ginaganap ito, pabulong na darasalin ng naghuhugas:

    ma naming mapagmahal,

    ang aming tinanggap ngayon

    ay amin nawang mapakinabangan

    at ang Iyong ipinagkaloob

    ay magdulot nawa sa amin

    ng kagalingang pangmagpakailan man.

    Mag-uukol ng ilang saglit na katahimikan pagkatapos na makapakinabang ang lahat.

    Mula sa kanyang upuan, tatayo ang pari at ilalahad ang kanyang mga kamay habang

    ipinahahayag ang Panalanging Pagkapakinabang.

    A

  • PANALANGING PAGKAPAKINABANG __

    ma naming mapagmahal,

    mapakinabangan nawa namin

    ang aming pinagsaluhan

    upang sa aming paglalakbay dito sa lupang papanaw

    aming mapanaligan

    ang Iyong pagpapalang pangmagpakailanman

    sa pamamagitan ni HesuKristo

    kasama ng Espiritu Santo

    magpasawalang hanggan.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    A

  • PAGHAHAYO SA PAGWAWAKAS __

    Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay sa pagpapahayag:

    umainyo ang Panginoon.

    Sasagot ang mga tao:

    At sumaiyo rin.

    Babasbasan ng pari ang mga tao habang kanyang ipinahahayag:

    agpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,

    Ama, at Anak, † at Espiritu Santo.

    Sasagot ang mga tao:

    Amen.

    Ipahahayag ng pari ang paghayo:

    aglayin ninyo sa inyong pag-alis

    ang kapayapaan ni Kristo.

    Sasagot ang mga tao:

    Salamat sa Diyos.

    Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng pari at matapos

    makapagbigay-pitagan ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo habang nagaganap ang

    awiting pangwakas.

    S

    p

    T