Click here to load reader

Rebyu sa Progreso ng at Salin-suri ng Piling Dokumento sa ... · PDF fileGobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at NDFP mula sa “The ... ng GRP sa panahon ng administrasyong Estrada

  • View
    346

  • Download
    37

Embed Size (px)

Text of Rebyu sa Progreso ng at Salin-suri ng Piling Dokumento sa ... · PDF fileGobyerno ng Republika...

  • 1 sa 21

    Rebyu sa Progreso ng at Salin-suri ng Piling Dokumento sa Usapang

    Pangkapayapaan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at National

    Democratic Front of the Philippines (NDFP): Tungo sa Tagumpay ng Usapang

    Pangkapayapaang Nakabatay sa Pagkakaisa Para sa Pambansang Kaunlaran

    ni John Kelvin R. Briones

    (sanaysay na nagwagi ng Ikatlong Gantimpala sa

    Gawad Komisyon sa Wikang Filipino/KWF sa Sanaysay 2014 na may temang

    Wikang Filipino: Wika ng Kapayapaan)

    ~~~

    Lupa nating hati-hati/Pag-isahin nating muli.

    mula sa awiting Kapayapaan ng Tropical Depression

    ~~~

    Popular na awitin sa buong Pilipinas ang tunog-reggae na Kapayapaan, senyales

    ng matinding uhaw ng sambayanang Pilipino sa pagkamit ng tunay na kapayapaan sa

    bansang deka-dekada nang pinagod at pinaluha ng mga digmaang walang katapusan

    isang trahedyang dinanas at dinaranas pa rin ngayon ng maraming bansa gaya ng

    pinatutunayan sa ulat Global Peace Index 2014 ng Institute for Economics and Peace,

    isang respetadong global na think tank sa mga usaping pang-ekonomya at

    pangkapayapaan. Ayon sa ulat na ito, pang-29 ang Pilipinas sa pinakamagugulong (o

    di mapayapang) bansa sa buong mundo, at South Sudan naman ang pinakamagulong

    bansa. Humigit-kumulang 100 bansa ang nakakuha ng mababang marka sa nasabing

  • 2 sa 21

    sukatan ng kapayapaan na sumasaklaw sa ibat ibang aspekto tulad ng pag-iral ng

    domestiko at internasyonal na digmaan; seguridad at kaligtasang panlipunan; at

    militarisasyon. Samantala, Europa ang itinuturing na pinakamapayapang kontinente (na

    coincidentally ay siya ring pinakamaunlad sa antas ng kita, kalusugan, edukasyon at iba

    pang salik na sosyo-ekonomiko). Samakatwid, binibigyang-diin ng ulat na kabi-kabilang

    umiiral ang digmaan at kapayapaan sa daigdig.

    Ang pagiging global ng trahedya ng digmaan na pinagkagastahan ng mga bansa

    tinatayang $9.8 trilyon noong 2014, ayon sa Global Peace Index Report 2014 at sa

    pag-asang dulot ng kapayapaan ay napakasalimuot kayat nangangailangan ng

    matamang pagsusuri at paglalagay sa akmang konteksto. Sa pananaw ng mga

    gobyernong totalitaryan, ito ang kawalan ng oposisyon sa kanilang paghahari. Sa

    pananaw naman ng mga non-government organizations (NGO), walang kapayapaan

    kung walang katarungan; may rebelyon sapagkat hindi lahat ay nakikinabang, at sa

    halip ay napagsasamantalahan o kayay inaapi ng/sa status quo. Alinsunod naman sa

    pananaw ng mga rebelde ang kapayapaan ay sinonimo ng pagkawasak ng poder-

    imprastraktura ng kinamumuhiang reaksyunaryong gobyerno na hindi nakatutupad sa

    nakatalang kasunduang panlipunan (karaniwang nasa Konstitusyon ng alinmang

    bansa). Bahagi ng poder-imprastrakturang ito ang monopolyo ng maliit na porsyentong

    elite sa resorses ng bansa. Samakatwid, malinaw na may dimensyong ekonomiko ang

    pag-iral ng digmaan, at ang paghahangad na makamtan ang kapayapaan sa

    pamamagitan ng rebolusyon at/o negosasyon. Alinsunod sa mga teorista sa agham

    pampolitika, ang mga isyu ng politikal na ekonomya ay mahalaga sa porma at paggana

  • 3 sa 21

    ng mga prosesong pangkapayapaan na pawang sumasaklaw sa mga usaping gaya ng

    kontrol sa likas na yaman, kahirapan at iba pang isyung pangkaunlaran (Selby, 2011).

    Bilang kontribusyon sa pagpapalawak ng diskursong Filipino hinggil sa mga

    usapang pangkapayapaan, babaybayin ng papel na ito ang progreso ng usapang

    pangkapayapaan sa pagitan ng Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ng

    National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na kumakatawan sa Communist

    Party of the Philippines (CPP1) at New Peoples Army (NPA). Sa praktikal na antas,

    ilalahad din sa sanaysay na ito ang salin-suri ng dokumentong NDFP 10-Point

    Proposal for a Concise Agreement for an Immediate Just Peace (2011), tungo sa

    ikapagtatagumpay ng usapang pangkapayapaang nakabatay sa pagkakaisa para sa

    pambansang kaunlaran.

    Ilang Tala Hinggil sa Mga Kontemporaryong Rebeldeng Grupo: Anim na Blokeng

    Di Matinag-tinag

    Sa buong daigdig, anim na aktibong makakaliwang rebeldeng grupo na lamang ang

    natitira: ang Sendero Luminoso (Landas na Kumikinang) sa Peru, Fuerzas Armadas

    Revolucionarias de Colombia-Ejercito del Pueblo/FARC-EP (Armadong Pwersang

    Rebolusyonaryo ng Colombia-Hukbo ng Bayan) sa Colombia, Communist Party of

    India-Maoist/CPI-M (Partido Komunista ng India-Marxista-Leninista-Maoista) o kilusang

    Naxalite sa India, Unified Communist Party of Nepal-Maoist/UCPN-M (Pinag-isang

    Partido Komunista ng Nepal-Maoista) sa Nepal, Kurdistan Workers Party/PKK (Partido

    1 Ginamit sa sanaysay na ito ang Ingles na CPP sa halip na Filipinong PKP sapagkat ang isa pang partido komunista

    sa Pilipinas na itinayo noong 1930 ay higit na kilala bilang PKP, bagamat ang CPP na itinatag naman noong 1968 ay ginagamit din ang pangalang PKP sa mga dokumento nito sa Filipino. Sa mga dokumento ng CPP na masisipat online, ang 1968 ay itinuturing na taon ng muling pagtatatag ng kanilang partido na ang bulto ng mga unang kasapi ay galing sa PKP na itinatag noong 1930.

  • 4 sa 21

    ng Mga Manggagawa sa Kurdistan) sa Kurdistan o bahagi ng Turkiya, at Communist

    Party Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front of the

    Philippines/CPP-NPA-NDFP (Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan-

    Pambansa-Demokratikong Prente ng Pilipinas). Ang anim na pangkat na ito ay

    naghahangad na wasakin ang mga umiiral na reaksyunaryong gobyerno sa kani-

    kanilang bayan upang makapagtayo ng mga sosyalista, komunista, o malasosyalistang2

    gobyernong sekular, kaiba sa mga teroristang grupo (ayon sa malawak na konsensus

    ng maraming bansa), gaya ng Jemaah Islamiyah, Al Qaeda at Islamic State in Iraq and

    Syria (ISIS)3 na walang malinaw na alternatibong nais ipalit sa umiiral na sistemang

    sosyo-ekonomiko. Sa anim na aktibong makakaliwang kilusang rebeldeng nabanggit,

    ibat iba rin ang antas ng pag-iral (o kawalan) ng usapang pangkapayapaan.

    Sisinghap-singhap na ang kilusang Sendero Luminoso sa Peru dahil ang mga

    pinuno nitoy nakabilanggo (Switzer, 2007), at walang nagaganap na usapang

    pangkapayapaan sa kasalukuyan dahil itinuturing na terorista ng gobyernong Peruviano

    ang nasabing grupo kahit na may mga indikasyon na handang makipagnegosasyon ang

    mga natitira pa nitong pinuno (BBC News Online, 2014). Samantala, ang usapang

    pangkapayapaan naman sa pagitan ng FARC-EP at ng gobyerno ng Colombia ay nasa

    huling bahagi na. Ang bansang Cuba na pinamumunuan ng Partido Comunista de Cuba

    (PCC) mula pa noong dekada 60, ang nagbroker ng nasabing usapang

    pangkapayapaan. Tatlong mahalagang usapin na ang natalakay at napagkasunduan ng

    2 Malasosyalista lamang ang PKK sapagkat wala na itong tahas na pagyakap sa ideolohiyang sosyalismo bagamat

    ang baseng masa o mass base nito ay mga manggagawang karaniwan ding baseng masa ng mga tipikal na sosyalista at komunistang kilusang rebelde sa maraming panig ng mundo, at Marxista-Leninista rin ang orihinal nitong oryentasyon hanggang noong madakip ang lider nito noong 1999 (Ocalan, 2007). 3 Ang tatlong grupong itoy nagtatangkang bumuo ng mga estado o kayay supra-estadong Islamiko sa

    pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraang itinuturing na teroristiko ng mga gobyerno ng mga bansang Kanluranin sa Hilagang Amerika at sa Europa, at maging sa malaking bahagi ng Third World.

  • 5 sa 21

    FARC-EP at ng gobyerno ng Colombia, batay sa mga communique na nakapaskel sa

    opisyal na website ng FARCP-EP Peace Delegation (2013 at 2014): una, hinggil sa

    paglaban sa trafficking ng droga; ikalawa, tungkol sa pagpapatupad ng reporma sa lupa

    (redistribusyon ng lupa sa mga magsasaka na baseng masa ng mga rebelde); at ikatlo,

    tungkol sa pagbubuo ng truth commission na mag-iimbestiga sa mga paglabag sa

    karapatang pantao ng mga aktor sa gera-sibil na kumitil na ng 250,000 Colombiano

    mula 1964 (Watts at Brodzinsky, 2014). Muntik nang malagay sa balag ng alanganin

    ang usapang pangkapayapaan sa Colombia dahil bago ang eleksyon, liyamado sa

    eleksyong presidensyal noong Hunyo 2014 ang ultrakonserbatibong kandidato na

    nangakong ibabasura ang pakikipag-usap sa FARC-EP na itinuturing niyang teroristang

    grupo4. Samantala, wala pang pormal na usapan sa pagitan ng CPI-M at ng gobyerno

    ng India (Banerjee, 2014). Katunayan, tila walang tsansa ang anumang pagtatangkang

    diyalogo sa pagitan ng dalawang entidad na ito dahil sa marahas na kampanyang anti-

    insurhensya ng India at sa marahas ding pamamaraan ng mga rebelde na hindi

    nangingiming targetin ang mga publikong imprastraktura gaya ng tren na

    pinaniniwalaang ginagamit ng pulisya at militar ng India, bagay na karaniwang

    nagreresulta rin sa mga kaswalting sibilyan. Gayunman, lumalawak naman ang suporta

    para sa mga Naxalite sanhi ng malawakang diskriminasyon laban sa at dislokasyon ng

    mga Adivasi na nakatira sa mga kagubatang balak gawing minahan ng gobyerno at ng

    mga dambuhalang korporasyong Indian at dayuhan, bagay na tinatalakay na maging ng

    mga mainstream na pelikulang Bollywood gaya ng Chakravyuh5 (2012).

    4 Idineklarang nagwagi sa eleksyon noong Huntyo 15, 2014 ang kandidato na nagsimula ng usapang