21
University of the Philippines Manila College of Arts and Sciences Department of Social Sciences Political Science Program “GAPANGAN” Isang Pag-aaral sa Ugnayan ng Kahirapan at Pagbebenta ng Boto sa Barangay “P”, Malate, Manila Isang Seminar Paper na ipinasa kay Professor Fatima Alvarez Castillo Thesis Adviser Bilang parte ng mga rekisito sa Political Science 198 Special Topics in Political Science 2nd Semester, SY 2014 - 2015 Chynthia O. Adriano 2011 38080 May 31, 2015

“GAPANGAN” - dspace.cas.upm.edu.ph:8080

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

University of the Philippines Manila College of Arts and Sciences

Department of Social Sciences Political Science Program

“GAPANGAN” Isang Pag-aaral sa Ugnayan ng Kahirapan at Pagbebenta ng Boto sa Barangay “P”,

Malate, Manila

Isang Seminar Paper na ipinasa kay

Professor Fatima Alvarez Castillo

Thesis Adviser

Bilang parte ng mga rekisito sa

Political Science 198

Special Topics in Political Science

2nd Semester, SY 2014 - 2015

Chynthia O. Adriano

2011 – 38080

May 31, 2015

ABSTRAK

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay maintindihan at maipakita ang

ugnayan ng ekonomiko at pulitikal na aspeto ng kahirapan. Madalas, tinitingnan ang

pagbibili at pagbebenta ng boto bilang isang market exchange o transaction. Ang

pagtingin na ito ay nagresulta sa sentral na kaalamang ipinagpapalit ng mga mahihirap

ang kanilang karapatan sa mga panandaliang benepisyo o utility. Ipinapakita ng pag-

aaral na ito na mayroong mas malaki at mas malawak na epekto ang kahirapan, bukod

sa materyal na kasalatan, gaya ng kawalan ng pwersa sa pulitikal na aspeto ng bansa.

Ang pagiging gising, o kahit na hindi gising, ng isang mahirap sa kawalan ng

kapangyarihan na ito ang nagiging dahilan upang sila ay bumaling sa pagbebenta ng

boto.

INTRODUKSYON

Larawan mula sa Twitter.com

Ipinapakita ng larawan sa itaas ang inspirasyon sa pagsasagawa ng pag-aaral

na ito. Ang inilalahad sa tweet na iyan ay isang komentong hindi naiiba. Kung ating

titingnan, marami pang tao ang nagpapaskil ng kanilang mga kaparehong hinaing sa

iba’t ibang porma ng medya, partikular na ang online media. Nauso pa nga ang

terminong “Bobotante”, na ginagamit upang punahin ang mga botanteng “walang pinag-

aralan” at “ignorante”. At sino nga ba ang madalas hindi nakakapag-aral? Sino ang mga

hindi nakakapagtapos? Eh di ang mga mahihirap, na siya ring bumubuo sa mayorya ng

botanteng Pilipino.

Ngunit ang masaklap sa usaping ito ay ang agarang paninisi at tila pagtatangi

sa mga mahihirap dahil sa paniniwalang sila ay nagbebenta ng kanilang boto.

Nagbebenta man o hindi, gustong ipakita ng pananaliksik na ito ang mas malalim na

pagtalakay sa sitwasyon ng mga mahihirap, sa konteksto ng kanilang pagdedesisyon

sa kung sino ang ilalagay sa balota. Nais nating makita na ang kahirapan ay mas

malawak at hindi lamang limitado sa materyal na aspeto, gaya ng kakulangan sa pera,

pagkain, o damit.

Noong nakaraang eleksyon sa Pilipinas, naging talamak na naman ang

pagbibili ng boto. Ayon sa tagapagsalita ng Commission on Elections (COMELEC) na si

James Jimenez, maraming dumating na report ukol sa ganitong kaso. Ayon sa kanya,

maraming local na kandidato ang nagbibigay ng mula P200-P5000.1 Ayon naman sa

mga obserbasyon ng mga pari na sininop ni Prof. Randy David ng University of the

Philippines2,

Obispo ng Pangasinan Mario Peralta: “Talamak talaga ang

pagbibili ng boto sa lahat ng bayan. Napakalungkot na

development nito. . . lumala pa.”

Obispo ng Sorsogon Arturo Bastes: “Namayani talaga ang pulitika

ng pera noong May 13. Personal na interes at benepisyo ang

nagpasya sa boto.”

Sinabi ni Father Dave Porcalla, koordinator ng PPCRV sa

Autonomous Region for Muslim Mindanao na ang perang

ipinamudmod sa North Cotabato ay umaabot mula P5000

hanggang P20, 000 kada pamilya.

Nakatanggap naman si Obispo Pablo David ng sobre na

naglalaman ng campaign leaflet ng isang partylist nominee

kasama ang isang malutong na P200. “Lahat ng iba pang pari sa

aking parish ay nakatanggap ng parehong sobre mula sa mail.”

Habang nananatili pa rin ang praktis ng pagbibili ng boto, kasabay nito ang hindi

mamatay-matay na isyu ng pagbebenta ng boto. Kaya naman kahit marami nang pag-

1 http://www.philstar.com/headlines/2013/05/16/942666/comelec-vote-buying-rampant

2 AIM

aaral ang nagawa patungkol sa mga usaping ito, nagpapatuloy ang pagpapalalim ng

pag-unawa sa isyu.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maintindihan pa ang pagbebenta ng boto

sa pamamagitan ng mas malalim na pagtingin sa kahirapan, na tila rason kung bakit

nagbebenta ng boto ang mga tao. Ang ating kaalaman ay madalas nakapokus sa

materyal na kakulangang dinaranas ng mga tao, dahilan kung bakit nila pinipili ang

short term benefits na makukuha mula sa mga kandidato tuwing eleksyon. Sa

pananaliksik na ito, ating ilalatag ang isyu sa konteksto ng pulitika, at lalayo sa purong

ekonomikong pagtingin.

BALANGKAS NG PAG-ANALISA

Deprivations at Alienation

Sa konsepto ni Ralph Miliband ng deprivations3, kanyang sinabi na ang iba’t

ibang dimensyon ng kahirapan ay bumubuo sa isang network of deprivations.

Partikular, kanyang pinagtuunan ang hindi gaanong kapansin-pansin , ayon sa kanya,

na porma ng deprivation- ang pulitikal.4

Sinasabi ni Miliband na di gaya ng ibang mga porma, ang pulitikal na elemento

ng kahirapan ay hindi masyadong natatalakay, kumpara sa ekonomiko, kultural, o iba

pang porma nito. Nabanggit din naman niya na dahil ito ay mas mahirap makita.5 Ang

pagiging tila invisible nito ay, marahil, dahil sa kalayuan nito sa materyal na mundo

kung ibabase sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao.

Lalo pa itong naitatago dahil sa tila “pantay” namang pagmamay-ari ng mga

karapatang pang-mamamayan, mahirap man o mayaman ang isang tao. Halimbawa na

lamang, lahat ng mamamayang nasa tamang edad at pasok sa iba pang

kwalipikasyong itinakda ng estado ay binibigyan ng pagkakataong bumoto. Bukod rito,

3 Ayon sa depinisyong ibinibigay ng Oxford Dictionaries, ang deprivation ay “ang kakulangan o kawalan ng isang

bagay na mahalaga at kinakailangan” 4 Ralph Miliband, ‘Politics and Poverty’, sa Poverty, Inequality, and Class Structure, p. 183

5 Ibid, p. 183

may akses din ang bawat mamamayan sa iba pang porma ng partisipasyon sa pulitikal

na proseso ng bansa.6

Ngunit sabi ni Miliband, sa katotohanan, kung ating titingnan nang mabuti,

nawawala ang kahulugan ng mga karapatang ito. Mayroong mahalagang epekto ang

ekonomikong estado ng isang tao sa kanyang pulitikal na buhay, sapagkat “ang

economic deprivation ay sanhi ng political deprivation”. Samantala, lalong pinapalalo ng

political deprivation ang pagiging economically deprived ng isang tao. Kung kaya’t sa

tagal ng panahon, nagtutulungan ang bawat isa sa pagpapalakas nilang dalawa.7

Economic deprivation

Political deprivation

Para kay Miliband, isang mahalagang katangian ng isang mahirap ang uring

kanyang kinabibilangan. Ang pagiging mahirap, ayon sa kanya, ay ang pagkakaroon ng

trabaho, pagiging isang manggagawa, at madalas ay nasa full-time employment, ngunit

tumatanggap lamang ng kakaunting sweldo. Sabi niya, karamihan ng mga pamilyang

nabubuhay sa kahirapan ay binubuo ng mga nanay at/o tatay na nakakatanggap

lamang ng ganitong kakarampot na kita. (Inilalarawan ni Miliband rito ang sitwasyon ng

Britanya noong 1950s ngunit ang ganitong sitwasyon ay makikita sa konteksto Pilipinas

hanggang sa kasalukuyan).8

Ang pagiging politically deprived ng mga mahihirap na ito ay makikita sa

kanilang kawalan ng impact o pressure sa mga desisyong ginagawa ng gobyerno.9

Dagdag naman ni Finifter, ang kawalan ng pulitikal na kapangyarihan ay hindi lamang

base sa kasalukuyang kaganapan; maaari din itong magmula sa pag-iisip o

karamdaman ng isang tao na siya’y walang magagawa sa usaping gobyerno.10

Nananatiling malaking hamon para sa kanila ang pagkakaroon ng boses, lalo na ang

6 Miliband,p. 183

7 Miliband, p.184

8 Miliband, p. 188

9 Ibid.

10 Finifter 1970, as cited by Senekal, B. A. (2010). “Alienation in Irvine Welsh’s Trainspotting” Literator 31(1),

19-35

makapagsalita para sa kanilang sarili. Ayon nga kay Miliband, kung hindi ito magagawa

ng mga mahihirap, ay wala nang mas epektibo pang makakagawa nito para sa kanila.11

Maipagpapatuloy o maiuugnay ang political deprivation ni Miliband sa konsepto

naman ni Seeman ng powerlessness na nag-uugat sa ideya ni Karl Marx ng alienation.

Ayon kay Marx, nai-alienate ang mga manggagawa sa lipunan nang dahil inaagaw ng

mga kapitalista ang kanilang pamamaraan ng pagdedesisyon.12

Mula dito, sinasabi ni Seeman na ang alienation sa porma ng kakulangan o

kawalan ng kapangyarihan ay makikita sa kaisipan ng indibidwal na wala siyang

magagawa para impluwensyahan ang mga bagay-bagay patungo sa nais niyang

kahihinatnan. Makikita ito sa pagkakaiba ng paglalarawan ng isang tao sa isang

kaganapan sa nais nitong mangyari sa kaparehong sitwasyon.13 Sinusundan din ito ni

Kalekin-Fishman na nagsasabing ang ganitong uri ng alienation ay nararanasan ng

isang indibidwal kapag gising siya sa pagkakaiba ng nais niyang gawin at ang tingin

niya’y kaya niyang gawin.14

Utang na Loob

Sa halos lahat ng pulitikal na sistema, mahalagang parte ang ginagampanan

ng pulitikal na kultura o political culture. Sa Pilipinas, ang utang na loob ay tila isang

prinsipyo na ng isang tao. Sa pag-araw-araw na buhay, kailangang magpasalamat sa

mga bagay na naibibigay o naitutulong ng isang tao sa iyo at suklian ito ng

kagandahang loob. Bagamat ang pagkakaroon ng ganitong kultura ay maituturing na

maganda sa maraming aspeto ng buhay ng isang indibidwal, hindi nagiging maganda

ang epekto nito kapag inilagay sa konteksto ng pulitika sa Pilipinas.

Ang pagkakaroon ng utang na loob ay nakakabit pa rin sa kahirapan. Kapag

ang isang tao’y mahirap at siya ay nabigyan ng isang regalo o bagay na hindi niya

hinihingi, kahit na maliit lamang, ang kanyang pagpapahalaga sa natanggap at sa

11

Miliband, p. 191 12

Seeman (1959), as cited by Senekal, B. A. (2010). “Alienation in Irvine Welsh’s Trainspotting” Literator 31(1), 19-35 13

Ibid 14

Kalekin-Fishman (1996), as cited by Senekal, B. A. (2010). “Alienation in Irvine Welsh’s Trainspotting” Literator

31(1), 19-35

nagbigay nito ay hindi magiging kapareho ng pagpapahalagang ibibigay rito ng isang

mayaman. Kung gagamitin ang isang konsepto sa ekonomiks, hindi magiging pantay

ang utility ng isang mayaman at mahirap dahil magkaibang libel ang kaya nilang abutin

kung ibabatay sa ekonomikong resources.15

Ipinaliliwanag nina Bart Victor at Woodrow Lucas ang epekto ng mga ganitong

pagreregalo sa mga mahihirap, “ang mga regalo o pagtulong ay maaaring magbigay ng

kita sa mga mahihirap, ngunit hindi nito pinalalawak ang kanilang kalayaan. Lahat ng

pagbibigay ay gumagawa ng mga porma ng pagkakautang. At ang mga mahihirap

lamang ang tunay na nakakaintindi sa bigat ng mga utang na naibibigay ng mga

ganyang regalo.”16

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Isang case study ang ginawa ng mananaliksik gamit ang isang barangay, na

tatawaging Brgy. “P” sa papel na ito. Nakita ng mananaliksik na maganda ang barangay

para sa pag-aaral dahil sa (1) Nakumpirma nito na may naganap na

15

Beisner, C. (2001), p. 114 16

Victor, B. & Lucas, W. (2007).

Pulitikal na deprivation

KULTURA: Utang na loob

KAHIRAPAN

Alienation sa porma ng

kakulangan o kawalan ng

kapangyarihan

pagbibili/pagbebenta ng boto dito, at (2) Kinalalagyan ito ng magkakaibang income

class na magbibigay puwang para sa kagustuhang mapagkumpara ang mga karanasan

at pagtingin ng magkakaibang income class sa usapin ng pagbibili/pagbebenta ng boto.

Gumamit ng mixed method ang mananaliksik sa pagkalap ng datos. Para

sa kwalitatibong pamamaraan, nagsagawa ng isang key expert interview [KEI] at tatlong

key informant interview [KII] ang mananaliksik. Kanyang nakapanayam ang isang

election expert mula sa hanay ng Center for People Empowerment and Governance

[CenPEG] na si Prof. Bobby Tuazon. Ang mga kalahok naman sa KII ay napili base sa

kanilang mga kaalaman at personal na karanasan sa pagbibili at pagbebenta ng boto,

na nalaman mula sa isinagawang sarbey.

Para sa kwantitatibong pamamaraan, ginamit ang Lynch et al. formula na

makikita sa ibaba upang malaman ang laki ng sample na kailangan. Ang mga kalahok

ay sinadyang (1) Mayroong karanasan sa pagboto at nakalahok sa eleksyon noong

2013 at (2) household head. Ang karanasan sa pagboto, lalo na noong 2013, ay

pinapahalagahan dahil tinitingnan ito ng mananaliksik bilang pagmumulan ng

engagement ng magiging kalahok. Ang paggamit sa household head bilang

kwalipikasyon ay mahalaga naman dahil bilang pinakamatanda sa pamilya, sila ang

kadalasang rehistradong botante at may mas malawak na karanasan sa pagboto.

NZ2 • p (1-p)

Nd2 + Z2 • p (1-p)

(87)(1.96)2 • (.5) (.5)

(87)(.1)2 + (1.96)2 • (.5) (.5)

45.64

Kung saan: Z= 1.96 (value ng isang normal variable na may reliability level na 0.95)

p= .50 (proporsyon ng pagkakaroon ng magandang sample)

1-p= .50 (proporsyon ng pagkakaroon ng mahinang sample)

d= .10 (sampling error)

N= laki ng populasyon

n= laki ng sample

Ginamit ng mananaliksik ang nakuhang listahan ng mga rehistradong botante sa

Barangay “P” noong 2013 upang matumbok ang mga bahay na may nakatirang

rehistradong botante. Bawat address na nakuha sa listahan ay kinabitan ng numero

(mula 1 hanggang 76). Gamit ang isang random number generator website17, napili ang

45 na address na pinuntahan ng mananaliksik (sa tulong ng dalawang opisyal ng

barangay).

RESULTA AT DISKUSYON

Propayl ng mga Kalahok

Talahanayan 1. Ang ABCDE Income Classification at bilang ng mga kalahok sa

bawat klasipikasyon

Klasipikasyon Buwanang Kita Bilang

AB (High-income class) Mahigit sa P100, 000 0

C (Middle-income class) Mahigit sa P20, 000

hanggang P100, 000

11

D (Low-income class) P10, 000 hanggang P20,

000

18

E (Lowest-income class) Mababa sa P10, 000 16

TOTAL 45

17

Random.org

Personal na Karanasan sa Pagbibili at Pagbebenta ng Boto

Makikita sa datos sa ibaba na mayroong pagbibili ng botong naganap sa Brgy.

“P” noong nakaraang eleksyon. Ayon nga sa mga nakapanayam, “marami” at “talamak”

nga daw ito. Mahigit kalahati sa mga kalahok ang umaming sila ay inalokan, at halos

lahat ng mga ito ay tumanggap sa alok. Makikita rin na madami sa low income classes

ang inalokan at tumanggap, samantalang kakaunti lamang sa middle income class na C

(Talahanayan 2).

Bagamat naipahayag sa mga interbyu na hindi naman partikular na target ng

mga mamimili ng boto ang mga mahihirap, bilang mayorya ng ng populasyon ng Brgy.

“P” ay mga mahihirap, sila din ang karamihang bumubuo sa populasyon ng mga

inaalokan at tumatanggap ng pera o anupamang benepisyo mula sa mga kandidato.

Samantala, dahil nga puro mga household head lamang ang kalahok sa sarbey,

ninais pa rin na maisali ang karanasan ng mga iba pang miyembro ng pamilya o

tahanan na may karanasan din sa pagiging botante. Tinanong sa mga kalahok kung

“Sa nakaraang eleksyon, may kandidato ba (o kanyang kasama) ang-alok sa iyong

kapamilya o kasama sa bahay ng pera o kahit na anong materyal na bagay sa panahon

ng kampanya o araw ng eleksyon?” Matapos ito, gaya din noong una, tinanong din sa

kanila kung ang mga alok ba ay tinanggap.

Sitwasyunal na kasagutan

Gumamit ng mga sitwasyunal na katanungan ang mananaliksik upang malaman

ang pagtingin ng mga kalahok sa pagbibili at pagbebenta ng boto. Inaasahan din na sa

pamamagitan nito ay mas maiintindihan ang intensyon ng mga kalahok. Gagamitin din

ang mga kasagutan dito upang maikumapara sa empirikal na datos.

Nang tanungin ang mga kalahok kung tatanggap ba sila ng alok mula sa isang

kandidato sa susunod na eleksyon (Figure 2), mahigit sa kalahati (53.33%) ang

nagsabing hindi. Makikita na ito ay malayo sa mahigit 90% na bilang ng mga

tumanggap noong nakaraang eleksyon. Para sa mga nagsabing sila ay tatanggap, ang

dahilan nila ay « sayang » daw kasi kapag hindi ito tinanggap. Ito ang karaniwang sagot

na makikita sa lahat ng income classes. Samantala, kapansin-pansin na 31.25% ng

mga nasa E ay nagsabing kailangan nila ng pera kaya nila ito tatanggapin (Figure 3).

Para naman sa mga hindi tatanggap, , ang pinakapangkaraniwang sagot na makikita sa

lahat ng income class ay ang paniniwalang mali ang pagbibili ng boto (22.22%) at ang

takot na magkaroon ng utang na loob sa kandidato (11.11%) (Figure 4).

Upang makita kung papano tinitingnan ng isang botante ang mga kandidatong

namimili ng boto, sinubukang tanungin ang kanilang desisyon. Nang tanungin kong

iboboto ba nila o hindi ang kandidatong namimili ng boto, 25 o mahigit kalahating

porsyento ng mga kalahok ang sumagot ng “awtomatikong hindi ko iboboto” (Figure 5).

Samantala, marami din (33%)18 ang nagsabing maaari pa rin nila itong iboto.

Ayon sakanila, depende pa rin daw ito sa kandidato, kung siya ang gusto nila o kilala

nila ito. Pinapakita nito na minsan, maaaring hayaan ng botante ang pagbibili ng boto

kung sa tingin nila’y may katangian itong karapat-dapat para sa posisyong

tinatakbuhan.

Halimbawa na lamang, isa sa mga nakapanayam ang nagpahayag ng pagiging

okay lang ng pagbibili ng boto at tila pagtulong pa nga sa kandidatong sinusuportahan.

Nang tanungin kung tumatanggap siya ng alok, kanyang sinabi na,

“Depende. Pag ano, kasi kunwari ka-partido, hindi mo na kukunin. Ise-share mo

yun. Kunwari ako, sa iba mo nalang ibigay. Sure ka na sa akin. Makakatulong

yan. Pero kung kalaban, bigay mo sakin, tapos iboboto mo kung sinong gusto

mo; na sa tingin mo yung talagang makakatulong kasi kagaya niyan nagbigay

diba tapos alam mo babawiin din naman sa pondo.”

Ang Kondisyunal na Pagtingin sa Pamimili ng Boto

Naipakita sa itaas na maaaring maging kondisyunal ang pagtingin ng mga tao sa

pagbibili ng boto. Sa pangkalahatan, tinitingnan nila itong masama; at naniniwala silang

ang mga kandidatong namimili ay siguradong mangangamkam kapag sila ay napunta

18

Apat sa mga kalahok na sumagot dito ang nagsabing maaari pa rin nilang iboto ang kandidato kung ito ang pinili ng kanilang simbahan.

na sa pwesto (“babawi” kumbaga, ayon sa lahat ng nakapanayam). Subalit kapag ang

kandidatong kanilang sinusuportahan ang nagbili ng boto, maaaring ito ay katanggap-

tanggap at walang maging epekto sa kanilang desisyon. (Tandaan na sa sitwasyong ito,

solid na ang suporta ng botante).

Para sa botanteng wala pang solid na sinusuportahan, maaaring mag-iba naman

ang pagtingin sa kandidatong namimili. Halimbawa, isa sa mga nakapanayam na

umaming ibinoto niya ang nagbigay sa kanya dahil sa kanyang natanggap ang

nagsabing, “At least nagbigay, kesa yung iba. Pare-pareho lang din naman. Buti siya

nagbigay. Yung iba sinasarili lang.”

Ang matulunging kandidato

Lahat ng mga nakapanayam ay nagnanais ng isang kandidatong makakatulong

talaga sa mga tao. Magkakaiba nga lang sila ng pagtingin sa porma ng tulong na

kanilang inaasahan. Makikita ang pagkakaiba sa mga sagot na ipapakita sa ibaba:

Sagot 1: Yung may alam, sa paggawa ng batas, yung mapapakinabangan talaga; hindi yung pag sinabing ganito, uupo ka nalang tapos sunod sa utos, diba? Kelangan yung nakakatulong, yan, unang-una may alam, bakit ka tumakbo? Kasi siyempre may alam ka. Gusto mong tumulong sa ano, hindi yung pangunahing sarili mo ang uunahin mo.

Sagot 2: Yung ano, yung nagagawa niya talaga kagaya ng hinahawakan ko, di na ako mag-aano ng pangalan, tumutulong talaga siya sa tao. Kahit mahirap, di siya tumitingin, kasi galing din siya sa mahirap. Kasi ang ginagawa niya samin, pag humingi ako ng tulong sa kanya, binibigyan niya ako. Isang punta ko lang sa kanya, kahit sinong tao, pag pupunta sa kanya tinutulungan niya. Kagaya nung na-ospital yung asawa ko, isang punta ko lang sa kanya. . .

Sagot 3: Binoto ko kasi nagbigay siya. Tinanggap ko kasi number 1 pangangailangan ng tao ang pera. Lahat naman sila mangungurakot lang eh, kapag nasa pwesto na, ano pang aasahan mo? At least nakatanggap ka, kahit papano. Kesa yung iba, hindi na nagbigay, pagkaupo, yun, mangungurakot pa din.

Sa nauna at pangalawang mga kasagutan, ang tinitingnan nila sa isang kandidato ay

yaong makakatulong sa kanila at hindi mangungurakot o mangangamkam lang kapag nakaupo

na. Sa pangatlong kasagutan naman, mababatid ang isang tila hopeless o wala nang pag-

asang sitwasyon ng pagbibili ng boto sa Pilipinas, at ang resulta nitong pangungurakot

kapag nakaupo na ang isang kandidato. Para sa sumagot nito, wala nang kailangang

asahan mula sa isang kandidato pagdating ng kanyang termino. Dahil dito, naging

positibo pa ang kanyang pagtingin sa mga bumibili ng boto tuwing eleksyon sapagkat

nakita niya ito bilang akto ng pagbabahagi sa parte ng kandidato.

KAALAMAN AT PAGTINGIN SA NG VOTE BUYING

Nang tanungin kung sa tingin ba nila’y gagamitin na naman sa susunod na

eleksyon ang pagbibili ng boto bilang istratehiya ng mga kandidato, tatlo lamang sa

mga kalahok ang nagsabing hindi. Bagamat tinitingnan ito bilang mali, nilalahad ng

nakalap ng mga datos na tila walang naniniwala na ito ay mawawala, kung hindi man sa

ngayon, kahit sa paglipas ng panahon.

Samantala, nang tanungin naman sila kung ano sa tingin nila ang mga dahilan19

kung bakit hindi mawala-wala ang pamimili ng boto, 66.67% ang nagsabing dahil ito sa

kahirapan. Karamihan, lalo na ang mga nabibilang sa low-income class, ang

naniniwalang may mga kandidatong bumibili g boto dahil alam nilang may mahihirap na

botanteng nais magbenta ng sa kanila (Figure 6).

Sinundan naman ito ng pagiging epektibo nito (42.22%), pagiging mayaman ng

mga kandidato (31.11%), ang hindi pagkakahuli ng mga gumagawa nito (28.89%), at

panghuli ang pagiging katanggap-tanggap nito sa lipunan (15.56%).

Ilang respondent din ang nagbigay ng mga karagdagang rason gaya ng

kakulangan sa edukasyon ng mga botante. Gayundin ang kulturang Pilipino na utang

na loob, na nabubuo sapagkat ang mga pulitiko ay may pamamaraan para magkaroon

ito ng gampanin sa personal na buhay ng mga tao. Halimbawa raw ay ang pagiging

ninong nito sa kasal o binyag na ipinagdiriwang ng mga tao. Nabanggit din ang kawalan

ng nasyonalismo ng Pilipino at ang sunod-sa-nakararami nitong pag-uugali. May

nagsabi rin na ang pamimili ng boto ay bentahe kasi ng mga bago lamang sa mundo ng

pulitika. Kailangan niyang gumamit ng pera upang maipakilala ang kanyang sarili. Sa

19

Maaaring sumagot ng mahigit sa isa.

kabilang banda naman, mayroong sumagot na ang pananatili ng vote buying ay dahil

din sa pananatili ng mga political dynasties.

Ang Ugnayan ng Ekonomikal at Pulitikal na Kasalatan

Sa kasaysayan pa lamang ng Pilipinas, nakita na ang pagiging marhinalisado ng

mga mahihirap sa pulitikal na sistema. Ang binigyan lamang ng pagkakataong

makapamuno, gayundin ang pagboto ay ang mga kabilang sa elite o propertied class.

Hanggang ngayon, ang kaganapang ito ay patuloy na tumitindi. Bagamat ang

karapatang bumoto ay lumawak na upang isali ang lahat ng mga makakaabot sa

mababang kwalipikasyong nakalagay sa Konstitusyon, nananatili ang pagiging deprived

ng mga mahihirap sa pulitikal na aspeto.

Kung babalikan ang konsepto ni Miliband, kanyang sinabi na sa paglipas ng

panahon, ang ugnayan ng political at economical deprivation ay tumitibay. Sa lipunang

Pilipino sa kasalukuyan, makikita ang patuloy na kontrol ng mga mayayaman sa

pulitikal na sistema, gayundin ang patuloy na pagkatulak ng mga mahihirap sa labas

nito.

Maaaring nakikita ito o nararamdaman ng mga mahihirap, ngunit nasanay na

lamang din sila. Naitanim na rin sa kanilang isipan na hindi sila para sa pampulitikal na

mundo. Kahit na nakikita nila ang mga kamalian ng sistemang ito, ano nga ba ang

magagawa nila ? Kailangan na lamang nilang tanggapin na ang pagbibili ng boto ay

mangyayari at mangyayari kada eleksyon ; at alam nilang magbubunga ito ng patuloy

na korupsyon sa gobyerno.

Ipinapakita rin na pati ang kanilang ideya ng pagiging matulungin ng isang

opisyal ay tila nanggagaling sa kagandahang loob lamang nito, at hindi nakikita na ang

pagtulong ay naaayon lamang sa konsepto ng accountability bilang siya ay hinalal ng

tao.

Sa pananaliksik ding ginawa, nakita ang pagkakalugmok ng mga maralita sa

sistemang nagingibabaw sa lipunan. Kahit na naniniwala silang mali ang ginagawang

pagbibili ng boto ng mga kandidato at hindi nila gustong tanggapin ang kanilang mga

inaalok, sa huli’y tatanggap pa rin sila. Makikita dito ang pagkakaiba ng kanilang nais

gawin at ng kanilang kayang gawin. Makikita na ang ekonomikal na kakulangan ang

nagpapahina sa pulitikal na kapangyarihan nilang labanan ang mapang-abusong

sistema. Ayon kay Seeman at Kalekin-Fishman, ang pagiging gising sa katotohanang

ito ay nagpapakita sa kawalan ng kapangyarihan ng isang tao.

KONKLUSYON:

Nakita sa pag-aaral na ito na madalas tumanggap ng alok mula sa mga kandidato ang

mga mahihirap. Samantala, bagamat hindi direktang masasagot kung sila ba ay

nagbebenta ng boto, masasabi na ang pagiging bulnerable ng mga ito sa mga alok at

sa pagtanggap ay maaaring maglagay sa kanila sa isang bulnerableng posisyon

pagdating sa pagbebenta ng boto.

Ang sentral na usaping nais ilahad ng pag-aaral na ito ay ang katotohanang hindi

lamang panandaliang benepisyo o di kaya’y pawang kabobohan lamang ang dahilan

kung bakit nagbebenta ng boto ang isang mahirap. Mayroong malalim na

pinagmumulan ang kanilang pagiging tolerant sa ginagawang pagbibili sa kanilang

boto- ang kanilang kawalan ng kapangyarihan pagdating sa pulitikal na mga bagay. Ang

kanilang kasalatan sa ekonomikal na kayamanan (na nagbunga sa kasalatan pa sa

ibang mga bagay) ang naglagay sa kanila sa marhinalisadong posisyon sa lipunan. At

ang posisyon na ito ang patuloy na nagpapawala sa kanilang impluwensya sa lipunan.

Ag kawalan ng atensyon para sa kanila ay nagbubunga ng utang na loob sa mga

kakaunting « tulong » na kanilang natatanggap.

Bilang pinal na mensahe, huwag tayong magalit na ang mga mahihirap ay hindi

edukado o kaya’y ignorante. Huwag nating isisi sa kanila kung bakit mayroon tayong

gobyernong korap o hindi gumagana. Magalit tayo sa tunay na problema. Bakit sila

mahirap?

SANGGUNIAN

Beisner, C. (2001). Prosperity and poverty: The Compassionate Use of Resources in a

World of Scarcity. Wipf and Stock Publishers.

Institute of Political and Electoral Reform, (2003). Restudying the Filipino voter today.

Miliband, Ralph., ‘Politics and Poverty’, in Poverty, Inequality, and Class Structure

(Great Britain: Cambridge University Press, 1974)

Mendoza, R. Lopez, M. Yap, D. & Canare, T. (n. d.). The 2013 Philippine Mid-term Elelction: An empirical analysis of dynasties, vote buying and the Correlates of Senate Votes. Asian Insitute of Management

Philippine Microfinance Discussion Papers, (2012). Retrieved from

http://www.microfinancecouncil.org/wp-content/uploads/2012/11/DP-2012-3_Multiple-Borrowing_Household-Survey.pdf

philstar.com. (May 16, 2013). 'Comelec: Vote buying rampant'. Retrieved from

http://www.philstar.com/headlines/2013/05/16/942666/comelec-vote-buying-

rampant

Schaffer, F. C. (2002). Disciplinary reactions: Alienation and the reform of vote buying in

the Philippines. In a conference on “Trading Political Rights: The Comparative

Politics of Vote Buying”, Cambridge, MA (August 26–27). Online: http://web. mit.

edu/CIS/pdf/Schaffer.

Senekal, B. A. (2010). “Alienation in Irvine Welsh’s Trainspotting” Literator 31(1), 19-35 Victor, B. & Lucas, W. (2007). The Poverty Paradox: Is it better to lend than to give?

Vanderbilt Business

Oxford Dictionary

1987 Constitution of the Philippines

Mga talahanayan at figures

Talahanayan 2: Personal na karanasan: Bilang at porsyento ng mga inalokan, at tumanggap sa

alok na pera o kahit na anong materyal na bagay mula sa isang kandidato o middleman20

nito

noong nakaraang eleksyon.

Buwanang Kita Total na bilang Inalokan Tumanggap

C 11 3 (27.3%) 3 (100%)

D 18 11 (61.1%) 10 (91%)

E 16 9 (56.3%) 9 (100%)

TOTAL 45 23 (51.1%) 22 (95.7%)

Talahanayan 3: Karanasan ng mga kapamilya o iba pang miyembro sa tahanan

Buwanang Kita Total na bilang Inalokan Tumanggap

C 11 5 (45.5%) 3 (60%)

D 18 14 (77.8%) 13 (92.9%)

E 16 13 (81.3%) 13 (100%)

TOTAL 45 32 (71.1%) 29 (90.6%)

20

Hiniram ng mananaliksik ang salitang ito kay Schaffer (2002), upang tawagin ang mga taong ginagamit ng mga kandidato sa distribusyon ng pera o mga iba pang bagay na ipinamimigay sa mga tao bilang “bayad”.

Figure 2: Dami ng mga tatanggap at hindi tatanggap kung sakaling may mag-alok sa susunod na

eleksyon

Figure 3: Mga dahilan kung bakit tatanggapin nila ang alok ng isang kandidato o middleman sa

susunod na eleksyon

5 7

9

6

11 7

0

2

4

6

8

10

12

14

16

18

20

C D E

Hindi Tatanggap

Tatanggap

3 3 4

0 1

5

0

2

0

0

2

0

1

2

3

4

5

6

7

8

9

10

C D E

Nahihiya

Takot

Kailangan

Sayang

Figure 4: Mga dahilan ng hindi pagtanggap kung may mag-aalok na kandidato o kanyang

middleman sa susunod na eleksyon

Figure 5: Desisyon patungkol sa isang kandidatong namimili ng boto (sitwasyunal na katanungan)

3

4

3

1

0

0

2

1

2

1

0 0

0

1

2

3

4

5

6

7

8

C D E

Marahil hindi ko kailangan ng pera

Ayokong magkaroon ng utang na loob

Dahil kakailanganin ko na siyang iboto pag tinanggap ko

Mali ang pagbibili ng boto

0 1 1

8

10

7

3

6

6 0

1

1

0

2

4

6

8

10

12

14

16

18

20

C D E

Maaaring hindi ko na iboto

Maaaring iboto ko pa din

Awtomatikong hindi ko iboboto

Awtomatikong iboboto ko

Figure 6: Mga kinikilalang rason sa pananatili ng pamimili ng boto

4 5

10 6

14

10

4

6 4

4

7

2

2

4

1

0

5

10

15

20

25

30

35

40

C D E

Katanggap-tanggap na ito sa lipunan

Hindi napaparusahan ang mga gumagawa nito

Mayaman ang mga tumatakbong kandidato

Dahil sa kahirapan

Epektibo itong mapanalo ang isang kandidato