62
1 University of the Philippines, Manila College of Arts and Sciences Department of Social Sciences Kauswagan para sa Tanan! (Kaunlaran para sa Lahat!) Bakit tinututulan ng masa ang land reclamation? In Fulfillment for the Requirements in PS198 Seminar Paper for Publication and Research Report Submitted by: Vanessa Jhene S. Almirante 2008-27146 Submitted to: Prof. Fatima Castillo April 2, 2012

Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

  • Upload
    others

  • View
    23

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

1

University of the Philippines, Manila

College of Arts and Sciences

Department of Social Sciences

Kauswagan para sa Tanan!

(Kaunlaran para sa Lahat!)

Bakit tinututulan ng masa ang land reclamation?

In Fulfillment for the Requirements in PS198

Seminar Paper for Publication

and

Research Report

Submitted by:

Vanessa Jhene S. Almirante

2008-27146

Submitted to:

Prof. Fatima Castillo

April 2, 2012

Page 2: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

2

Panimula

Sa kasalukuyan, ating mapapansin na maraming naglalakihang mga gusali at

iba’t-ibang imprastraktura ang naipapatayo hindi lamang ng pamahalaan kundi lalo na

ng mga pribadong sektor sa lipunan. At dahil sa dami ng bilang ng gusaling

naipapatayo sa bansa ay nagkukulang na ang lupang mapagtatayuan ng mga gusaling

ito. Land reclamation ang naging solusyon sa problemang ito.

Dahil sa reklamasyon ng lupa, nabigyan ng daan ang pagpapatayo ng iba’t-ibang

proyekto ng gobyerno kasama na rin ang ibang pribadong sektor. Ang layunin umano

ng mga proyektong ito ay ang wasto at maayos na paggamit at pamamahala ng mga

ari-arian ng gobyerno. Ilan lamang sa mga maaaring gawin ay ang pagpapatayo ng

mga high rise buildings gaya ng mga hotels, call center companies, resorts kasama na

ang mga floating restaurants na higit na makakatulong upang maka-engganyo ng

maraming turista ang ating bansa. Para sa pamahalaan, ang mga proyekto ito ay

makakatulong upang maisulong ang pag-unlad ng lipunan at ng ating ekonomiya

(Philippine Reclamation Authority, 2011).

Ang mga development projects na kaakibat ng pagreklama ng lupa ay

makakatulong nga sa pag-unlad ng bansa ayon sa gobyerno. Kung kaya’t hindi na

nakakapagtaka kung bakit gayon na lamang ang pagsulong ng pamahalaan sa land

reclamation dahil malaki ang benepisyong makukuha nito dito lalo pa sa pag-angat ng

ating ekonomiya. Subalit sa kabila ng dalang pangako na kaunlaran ng land

reclamation, labis naman ang naging pagtutol dito ng mga mamamayan. Masasabi

bang ayaw nilang umunlad ang Pilipinas o di kaya ay sila ang hadlang sa pag-unlad ng

ating bansa?

Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos at Balangkas ng Pag-analisa

Upang makakalap ng komprehensibong datos ay nagsagawa ang mananaliksik

ng case study. Pangunahing ginamit upang makalikom ng kakailanganing datos ang

key informant interview (KII) at focus group discussion (FGD).

Page 3: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

3

Gamit ang random sampling ay pumili ng tatlo mula sa sampung baranggay na

apektado sa ginawa na at sa mga gagawin pang reklamasyon. Sa bawat baranggay ay

nagsagawa ng focus group discussion (FGD) na binuo ng 5 hanggang 8 residente na

nakatira na sa lugar sa loob ng 9 hanggang 35 na taon. Ang mga nakapanayam ay

binuo ng mga mangingisda, magtatahong, magtatalaba at mga tidero’t tindera na kung

hindi man miyembro ng ALYANSA, isang organisasyon ng mga mangingisda sa

Bacoor, ay miyembro ng ANAKPAWIS. Para na rin hindi malagay sa alanganin ang

buhay ng mga nakapanayam ay minabuti ng mananaliksik na hindi ilahad ang kani-

kanilang mga pangalan.

Maliban pa sa FGD ay nagsagawa rin ng apat na key informant interviews (KII).

Dalawa dito ay mga opisyal mula sa lokal na pamahalaan ng Bacoor, Cavite, isa mula

sa Provincial Planning Development Coordination (PPDC) ng Cavite at isa naman mula

sa Philippine Reclamation Authority (PRA). Dahil sila ang mga kinauukulan na may

direktang kinalaman at ang may awtoridad sa pagreklama ng lupa, sila ay sinisigurong

may sapat na kaalaman hinggil sa paksa.Dahil na rin sa ilang mga sensitibong bagay

na kanilang nabanggit ay hiniling ng mga kinapanayam na huwag nang ilahad ang

kanilang mga pangalan dahil maaapektuhan nito ang kanilang estado sa lipunan.

Upang maanalisa ang mga datos na nakuha mula sa mga kinapanayam, ginamit

ang Classical Marxism sa pag-aaral na ito upang makita kung kaninong interes nga ba

ang isinusulong sa usapin ng land reclamation. Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang

interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri at ito ay taliwas sa interes ng masa

kung kaya’t magkasalungat ang kanilang pagtingin sa mga proyekto gaya ng land

reclamation. Sa German Ideology nga ni Karl Marx ay sinabing, “...the ideas of the

ruling class are in every epoch the ruling ideas, i.e. the class which is the ruling material

force of society, is at the same time its ruling intellectual force” (Works of Marx and

Engels, 1845). Mapagtitibay din ito ng isa pang Marxist-inspired theory, ang Post-

development Theory na nagsasabing ang kahulugan ng development ay salungat sa

tunay nitong epekto at sa halip na pag-unlad ay nagdudulot pa ito ng problema gaya ng

pagkasira ng kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan. Ang teoryang ito ay

Page 4: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

4

magiging angkop na lente sa pagtanaw sa mga naging epekto ng land reclamation

bilang isang development project ng pamahalaan.

Diskusyon

Depinisyon ng Land Reclamation

Ayon sa Philippine Reclamation Authority (PRA), maisusulong ang pag-unlad ng

lipunan at ng ekonomiya sa pamamagitan ng land reclamation at sa wastong

pamamahala at pagpapaunlad sa mga ari-ariang pag-aari ng gobyerno. Ang PRA ay

nagsisilbing tagapangasiwa sa anumang proyekto ng gobyerno na may kinalaman sa

reklamasyon, pagsasagawa ng mga imprastraktura, land development and urban

renewal, gayundin ang pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga proyekto ng ibang

ahensya ng gobyerno. Isinasaad din sa batas na may kapangyarihan ang PRA na

pangasiwaan ang mga pampublikong lupain sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga

lupang hindi na nagagamit o sa pakikipagsosyo sa pribado, publiko o dayuhang

institusyon na may interes sa mga lupaing ito. Naniniwala ang PRA na malaki ang

maitutulong ng pribadong sektor upang masiguro ang pagtatagumpay ng mga

programa ng gobyerno. Sa kabila ng awtoridad nito na pangasiwaan ang mga

pampublikong lupain, kailangan pa rin ng PRA na kumonsulta sa mga ahensya ng

gobyerno gaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of

Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural

Resources (DENR) at ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Sinasabi ng PRA na ang mga proyektong kanilang isinasagawa ay makakatulong at

magiging kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino (Philippine Reclamation Authority,

2011).

Ang Isyu ng Cavitex

Isang kontrobersiyal na isyu sa Bacoor, Cavite ang land reclamation lalo pa sa

usapin ng Cavitex o ng R1 Extension. Bilang ang Bacoor ang sinasabing gateway ng

Page 5: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

5

Cavite, mahalaga para sa lokal na pamahalaan nito na magkaroon ng maayos na

daanan papasok sa lalawigan at magkaroon ng mga modernong imprastraktura upang

makaakit ng investors. Ayon nga sa sinabi ng opisyal ng PRA, bago magsagawa ng

anumang proyekto ay kailangan munang magkaroon ng public consultation. Nabanggit

din niya na nang maisagawa ang konsultasyon ay “via-duct” ang napagkasunduan ng

mga taga-Bacoor, lokal na pamahalaan, pamahalaan ng Cavite, PRA kasama na rin

ang UEM-MARA. Subalit nang pag-aralang muli ang ginawang plano ay nakitang hindi

magiging benepisyo ito para sa Bacoor. Kung itutuloy ang planong via duct ay mas

malaki ang magagastos kung kaya’t malaki din ang magiging toll fee nito. Kapag

mataas ang toll fee ay maaaring kunti lang din ang dumaan sa tulay at malulugi lamang

ang pamahalaan at ang kasamang pribadong sektor. Dahil dito ay napagdesisyunan

nilang gawing tambak na lamang ang kalsada at ang konsultasyon ay naganap lamang

sa pagitan ng pamahalaan at ng PRA nang hindi kasama ang komunidad. Ayon sa mga

nakapanayam na residente ay nagulat na lamang daw sila nang ginagawa na ang

kalsada at hindi na ito “via-duct”.

Land Reclamation ayon sa Pamahalaan

Ayon sa nakapanayam ko mula sa Provincial Planning and Development

Corrdinator (PPDC), ang reklamasyon ay bahagi ng isang “long-term plan” ng Bacoor

upang madagdagan ang land area nito lalo pa at isinusulong ang cityhood nito. Dagdag

pa niya, kapag may isinusulong na development project ang isang lungsod o lalawigan

ay malaki ang share na nakukuha nito lalo pa at bilyon ang badyet nito. Sinang-ayunan

din ito ng isa sa nakapanayam ko sa PRA na nagsabing napakamahal nga at bilyon-

bilyon ang pondong kailangan upang maisagawa ang mga development projects na ito.

Ayon pa sa kanya, kung susuriin daw ay malaki ang naitulong ng Cavitex upang

maayos ang problema sa trapik sa Bacoor. Dagdag pa niya, “Kung magkakaroon pa

ng development projects diyan, dadagsain yan ng investors. It will be like picking

apples.”

Ayon naman sa mataas na opisyal na nakapanayam ko mula sa lokal na

pamahalaan ng Bacoor, malaki ang maitutulong ng land reclamation sa pag-unlad ng

kanilang bayan. Aminado naman siya na malaki ang pakinabang na nakukuha nila mula

Page 6: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

6

sa dagat lalo pa at kilala din ang Bacoor sa masasarap nilang tahong. Subalit para sa

kanya, oras na para makinabang naman ang mga taxpayers. Sabi pa niya, “...Kasi

yang mga yan (tinutukoy ay mga fisherfolks), hindi naman nagbabayad ng mga tax

yan eh... Pero nakinabang na sila nang matagal na panahon. Dapat makinabang

naman ang buong taumbayan. Dapat maging ganun. Hindi yung sarili lang nila

yung iisipin nila... Siyempre yung mga taxpayers, sila din dapat yung

tinutulungan natin eh. Kasi yun dapat ang nagbebenefit sa mga binabayad sa

gobyerno.” Sang-ayon din dito ang nakapanayam ko mula sa Municipal Planning and

Development Coordinator (MPDC). Malaki na daw ang nagagastos ng lokal na

pamahalaan sa mga residenteng nakatira sa tabing-dagat. Wala na daw silang

binabayarang tax ay sa kanila pa napupunta ang pondo ng pamahalaan lalo na kapag

may darating na unos gaya ng bagyo at pagbaha sa lugar at idagdag pa dito ang isyung

pangkalusugan, kung kaya’t oras na raw para makinabang naman ang buong bayan.

Ayon sa pamunuan ng MPDC na aking nakapanayam, pareho namang

nakinabang at makikinabang ang masa at pamahalaan sa Cavitex at sa mga susunod

pang development projects na gagawin. Sa usapin ng Cavitex, nakatulong ito sa mga

residente dahil hindi na nahahampas ng alon ang kanilang mga bangka at bahay dahil

nga sa breakwater ang Cavitex. Dahil still water na ito at hindi ito maalon ay dumami

daw ang nahuling isda, hipon at alimango ng mga mangingisda. Dagdag pa dito, dahil

nga sa lumiit ang area ng pangisdaan ay lumiit din ang kaso ng dynamite fishing dahil

mas mabilis silang mahuhuli ng kinauukulan. Sa usapin naman ng mga susunod pang

development projects na gagawin, kagaya ng mga high-rise buildings, call center

buildings, hotels, resorts, floating restaurants at marami pang iba, binanggit din ng

nasabing opisyal na malaki din ang maitutulong nito sa mga residente dahil

makakapagbigay ito sa kanila ng mas maraming job opportunities. Kung kaya’t ang

benepisyo, pwede rin namang sa masa at pamahalaan. Sabi pa niya, “Mga 50

hectares yang land na property ng government. So sa property pa lang, katakot-

takot na pera na ang pumapasok sa kaban ng bayan. Eh yun pang development,

mas mahal yung buildings. High rise yan. Eh yun pang trabaho. (May) jobs para

sa mga taga dito. Alam mo maraming employment kahit tagawalis ka lang ng

Page 7: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

7

building, tagapunas.” Mga 60- 70% umano ng kikitain sa mga proyektong ito ay

mapupunta din sa lokal na pamahalaan.

Malinaw sa mga salaysay ng mga nakapanayam na opisyal ng pamahalaan ng

Cavite at PRA na positibo ang pagreklama ng lupa dahil malaki ang maitutulong nito

lalo na sa ekonomiya ng bayan. Subalit tinututulan nga ito ng mga pesanteng

mangingisda na nakatira malapit sa dagat. Aminado naman ang mga opisyal na aking

nakapanayam sa mga pagtutol na ito. Para sa kanila ay natural na daw at inaasahan na

ito. Hindi daw ito nawawala sa anumang development projects na gagawin dahil sa mga

maapektuhan. Ayon sa tagapamuno ng MPDC, “...Yan yung mga taong hindi

naiintindihan yung ibig sabihin ng progresibo. Natatakot sila eh. Madidisplace

yung trabaho nila... Kasi para silang tumitingin lang sa isang batya na may tubig.

Pag nilagyan mo ng lupa, mag-i-spill. Gaano ba kalaki ang mundo? Hindi tayo

bounded ng boundaries.” Dagdag pa ng nakapanayam kong opisyal ng lokal na

pamahalaan, kung tutuusin daw ay unang violators ang mga residente dahil sila ay mga

illegal settlers lamang. Nagpatayo din umano sila ng mga bahay nila nang walang

building permit. Wala rin daw silang mga septic tanks at isama pa dito ang isyu ng

pagtatapon nila ng basura. Ang mga residente nga sa ngayon ang sinisisi ng

pamahalaan kung bakit naging madumi at puno ng basura sa Bacoor Bay. Nang

tanungin kung meron ba silang sistema ng garbage collection ay sinabi nitong meron

subalit sadyang matigas lang daw talaga ang ulo ng mga Pilipino. Sabi pa ng

tagapamuno ng MPDC, maliban pa sa nagdudulot ng polusyon, ang mga residenteng

ito ay “eyesore” pa umano sa mata ibang tao. Ayon sa kanya, “Kasi ang Bacoor, siya

yung gateway ng Cavite. (Kapag) ang unang-una mong makikita ay yung

squatters, matuturn-off ka. Kung ako ang investor, hindi na ako mag-iinvest

diyan. Eyesore eh. Pangit na tingnan... Eh in turn, ano ba ang naitulong nila

(tinutukoy ay mga fisherfolks)? Mas malaki pa ang negative na naibigay kaysa

positive.”

Para sa mga opisyal ng pamahalaan, ang land reclamation ay positibo at higit na

makakatulong para sa pag-unlad ng ekonomiya nito, gayundin sa ikaaayos ng mga

imprastraktura nito. Ang pagreklama nga ng lupa ay isang long-term plan ng Bacoor.

Page 8: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

8

Ika nga ng tagapamuno ng MPDC, “futuristic approach” daw ito. Kailangan daw sa

isang mamamahala ay iniintindi ang kapakanan ng libong tao sa Cavite at hindi ng iilan

lang.

Malinaw sa mga naging pahayag ng mga opisyal na kinapanayam na ang

pangunahing dahilan sa pagsulong ng land reclamation ay ang pagnanais nila na

makalikom ng mas malaking kita ang pamahalaan. Naging prayoridad nito ang

pagtaguyod sa pang-ekonomikong kalagayan ng lipunan kaysa sa kapakanan ng mga

nasasakupan nito. Naging tahasan pa ang pagsabi ng isang opisyal ng lokal na

pamahalaan na ayos lang masakripisyo ang mga malilit na mangingisdang ito kung ang

kapalit naman ay pag-unlad ng kanilang bayan. “...Kaya iilan lang yan (tinutukoy ang

mga fisherfolks). Kahit magsakripisyo na yan, di ba? Kailangan talaga sa

development may magsasakripisyo.”

Land Reclamation ayon sa mga Taong-alat

Sa pag-aaral na isinagawa, labis na tinututulan ng mga residente ang land

reclamation dahil para sa kanila, wala itong naitulong sa kanila at sa halip, puro

perwisyo lang umano ang dala nito. Lumabas na ang pangunahing dahilan sa pagtutol

na ito ay ang masamang naging epekto nito sa kanilang kabuhayan.

Simula umano ng maisagawa ang Cavitex ay naging malabo ang tubig na may

kasama pang masangsang na amoy. Ang pagkalabong ito ng tubig ay dahil sa hindi na

maayos na pagdaloy ng tubig papuntang dagat dahil naharangan na ito ng tambak na

tulay na siya nga ay Cavitex. Dahil dito, ang dumi ay hindi na nakakalabas at naiipon na

lamang na nagreresulta sa pagbuo ng borak o pagkalabo ng tubig. Dahilan ito kung

bakit naging masangsang ang amoy ng tubig dagat na nagresulta sa pagkunti ng uri ng

isdang nahuhuli sa kanilang lugar. Dahil sa pagdumi ng tubig na ito at tuluyang

pagkaubos ng ilang uri ng isda sa bahagi kung saan nangingisda ang mga residente,

naging malaki ang epekto nito sa kanilang pangkabuhayan. Dagdag pa dito ang pagliit

ng area na kanilang pangingisdaan dahil nga sa paglagay ng tambak na tulay na kung

saan nahati nito ang dagat at nalimitahan ang lugar-pangisdaan ng mga mangingisda.

Ayon sa mga nakapanayam na residente, noong hindi pa nasimulan ang konstruksyon,

Page 9: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

9

maraming uri ng isda ang nahuhuli gaya ng bangus, alumahan, talakitok, lapu-lapu,

samara, malabansi, sugpo, alimango, hipon tilapya at marami pang iba. Ang pagiging

sagana nito sa ganitong mga yamang dagat ay nakatulong din upang hindi magkaroon

ng matinding kumpetisyon kahit sa palengke dahil sa iba-ibang klase ng isdang

natitinda. Subalit sabi ng mga residente, simula ng maisagawa ng Cavitex ay kumunti

na ang variety ng isdang kanilang nahuli. Mas dumami umano ang tilapia dahil mas

nakakaangkop ito sa madumi at maputik na tubig at mas mas mabilis pa ito umanong

dumami. Kahit ang mga tahungan at talabahan ay naapektuhan din. Naging mahirap

ang kumpetisyon sa palengke dahil puro na lamang tilapya ang naging paninda ng mga

tindera. Nagresulta ito sa pagkalugi ng mga mangingisda at tindera. Ayon pa sa kanila,

sa sobrang dami ng nahuling tilapia ay umabot pa sila sa pagkakataon na pagkatapos

nilang kumuha para ulamin ay pinagtatapon na nila ito kaysa naman daw mabulok dahil

hindi na nabibili sa palengke. Dahil sa ganitong pagkalugi ay hindi na umano

nakakasapat ang kinikita nila para sa kanilang pamilya. Sapat na lamang daw ito upang

pangkain nila kung kaya’t ang ilan sa mga nakapanayam ay hindi na napag-aaral ang

mga anak. Hindi umano katulad noon na ayon pa nga sa isang nakapanayam, “Dati

kahit lola ka, pwede lumusong at may mahuhuli pang alimasag. Dati wala pang

kalahating oras, naka-isang sako na. Ngayon, wala na.”

Ayon na nga sa mga salaysay na ito ay makikita natin ang negatibong epekto ng

land reclamation sa kabuhayan ng mga residente. Sa kabila ng sinasabi ng

pamahalaan na makakatulong ito sa pag-unlad ng bayan ay tila kabaliktaran naman

ang nangyayari at sa halip ay mas lalo pang naghihirap ang mga pesante sa Bacoor.

Ang bayan ay binubuo hindi lamang ng iilan lalo na ng mga mayayaman lamang. Sa

halip ay binubuo ito lalo at mas mahigit pa ng mga mahihirap kagaya nga ng mga

mangingisda. Kung maaayos lamang ang tulay at maibabalik ito sa orihinal nitong

disenyo na via-duct ay maaaring naging kapaki-pakinabang pa rin ito sa pamahalaan

kasama na ang mga mamamayan.

Isyu ng Relocation Area

Maliban pa sa mga negatibong epekto ng ginawang land reclamation ay ang

pangambang hatid nito sa mga residente hinggil sa lugar na kung saan sila ililipat. Labis

Page 10: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

10

nilang pag-aalala ay kung ililipat sila sa bundok o di kaya ay sa lugar na malayo sa

dagat kagaya ng ilan na rin nilang mga kakilalang mangingisda na inilipat sa Montalban,

Rizal. Ayon pa sa kanila, “Hindi kami pwedeng dalhin sa bundok. Hindi pwede ang

isda dalhin sa bundok. Hindi ang isda marunong maglangoy sa bundok. Dito kami

dapat. Dito kami dapat naglangoy sa karagatan”.

Kaugnay dito ay natanong ng mananaliksik kung may relocation site na bang

nakahanda kung sakali mang matuloy ang mga development projects na plano ng

pamahalaan ng Cavite lalo pa at isa nga ito sa mga alalahanin ng mga residente kapag

na-displace na sila sa lugar. Ayon sa isang opisyal ng PPDC ay may nakakita na silang

lugar na posibleng paglipatan sa mga residente subalit dahil nga hindi pa naman

naisasagawa ang mga nasabing proyekto dahil sa pagtutol na din ng mga residente ay

hindi rin pa nila sinimulan ang paggawa ng mga bahay na paglilipatan sa Kawit o sa

Cavite City. Mahalagang maitala na ang bahay ay kanila ring babayaran sa loob ng

tatlumpung (30) taon. Nang hingin naman ang opinyon dito ng opisyal ng PRA, ang

nasabi niya ay, “Yeah, but you compensate them, you know, bahala sila di ba?... In

any road project of PRA, pag tinamaan ang right of way, they are always

compensated. Even if squatters. There are squatters in our land and we need the

land, we always pay them.” Nang tanungin kung magkano ba ang ibinayad sa mga

tao ay hindi daw nito alam. Ang kanila daw joint-venture partnership, ang pribadong

sektor na sa isyung ito ay ang UEM-MARA, ang siyang nagbayad sa mga residenteng

mangingisda. Subalit nang hingan ng papeles na magpapatunay dito ay sinabing wala

daw siyang alam dahil wala siyang access sa mga papeles na ito ngunit sigurado daw

siyang nabayaran ang mga ito. Nakakuha naman ang mananaliksik ng impormasyon

mula sa opisyal ng lokal na pamahalaan na P20, 000 di umano ang binayad sa mga

residenteng ito subalit wala rin siyang maibigay na papeles na magpapatunay dito.

Ayon sa nakapanayam na mga residente, sa pag-aakalang via duct ang gagawing tulay

ay mayroon nga silang tinanggap na pera na ibinigay ng PRA at UEM-MARA bilang

compensation sa mga masisira nilang tahungan. Sa ginawang panayam ay hindi

nabanggit ng residente kung magkano ang perang kanilang tinanggap.

Page 11: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

11

Ang Pagsulong ng Personal Economic Interest at Isyu ng Kurapsyon sa land

reclamation

Aminado ang opisyal ng PRA na nagsabing may isyu ng kurapsyon na kaakibat

ang land reclamation. Kaugnay ito sa isyu ng pagbibigay ng compensation sa mga

residente. Ayon sa opisyal na ito, hindi rin daw tayo nakakasiguro na ang perang ito ay

nakakarating mismo sa mga tao. Mas madalas daw ay napupunta din ito sa bulsa ng

ilang mga opisyal ng gobyerno. Base sa mga salaysay na ito, masasabi natin na

tumutol man o sumang-ayon ang mga residente, subalit dahil nga sa compensation na

nagmumula sa PRA, ay nakikinabang na ang mga kurakot na opisyal ng pamahalaan.

Sila ang nakikinabang, samantalang ang mga malilit na mangingisda ay nagdurusa.

Ayon sa mga residente na aking nakapanayam, kaya umano magkakaroon ng

bagong land reclamation ay upang pagawan ng Sunrise Building ng kanilang alkalde na

si Hon. Strike Revilla at isang floating restaurant naman umano ang plano ni 2nd District

Representative Lani Mercado. Nang tanungin ko ito upang kumpirmahin sa

tagapamuno ng MPDC ang nasabi niya lang ay, “Wala tayong masasagot diyan.

Pulitika yan eh.”

Bagyo, Basura at Buwis: Panggigipit para na umalis

Hindi na bago sa atin, lalo na sa Maynila, ang maduming dagat. Sa Bacoor, ang

pagdumi ng dagat ay sinisisi ng pamahalaan sa mga residenteng nakatira malapit dito.

Sinasabi ng ilang opisyal ng pamahalaan na tinatapon daw mga residente ang kanilang

mga basura sa dagat kaya madumi at kadalasan pang pinanggagalingan ng red tide.

Idagdag pa dito ang sinasabing walang septic tanks ang mga residente sa kani-kanilang

mga bahay. Subalit mariin itong pinabulaanan ng mga residenteng nakapanayam. Ayon

sa kanila, ang mga basurang ito ay mula pa sa Ilog Pasig at naipon lamang sa kanila

dahil nga sa hindi makalabas ang tubig dahil sa Cavitex na isang tambak na tulay.

Dagdag pa nila, may mga pabrika di umano na kapag naglilinis ay binubuhos ang dumi

sa Ilog Pasig at dumidiretso sa kanila. Sabi ng isang residente, “Yun nga daw. Kami

daw ang madumi. Kasi ang waste namin napupunta daw sa karagatan. Pero yung

mga pabrika na nagtapon, hindi nila nakikita yun. Totally talaga, kami talaga na

Page 12: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

12

mahihirap, kami ang nabubuntunan...” Maliban pa sa mga pabrikang ito ay may mga

oil tankers din umano na nakapondo sa laot ng Manila Bay at nililinis ang mga dumi nito

kasama na ang mga langis. “Siyempre, alangan namang hakutin pa nila pabalik yan

sa bansa nila. Dito na itatapon yan. Lahat ng oil tanker na bumabara diyan na

dumadaong, diyan naghuhugas yan. Bago umalis ng bansa natin yan, malinis na

yan. Lahat ng dumi nila nandito na.”

Ang ilan pang mga nabanggit na problemang kinaharap ng mga residente ay ang

polusyon, fish kill at kalamidad kagaya ng bagyo. Ilan ding isyu ay ang color-coding ng

mga bangka at ang pinakamabigat sa lahat ay ang paglabas ng ordinansa na

nagpapataw ng 50 sentimong buwis sa bawat isang metro kwadrado na bahagi ng tubig

na kanilang paglalagyan ng kanilang kawayan para sa tahong. Kung susumahin, halos

P5,000 ang kanilang babayaran at ayon sa kanila, bilang isang maliit na mandaragat

lamang ay napakabigat ng bayarin na ito. Ang masakit pa daw dito ay wala man lang

naganap na public consultation ukol dito. Dagdag pa nila, sadya umano itong ginagawa

ng kanilang pamahalaan upang maipit ang kanilang kabuhayan at mapilitan na silang

umalis sa kanilang mga tinitirahan.

Sinubukan na din umano nilang humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan, sa

pamahalaan ng Cavite, sa PRA, sa Korte Suprema at maging sa Senado subalit

pinagpasa-pasahan lang umano sila. Kitang-kita dito ang hindi pagmamalasakit ng

pamahalaan para sa mga simpleng mamamayan na sa halip nga na tulungan ay

nagmimistula pang dahilan ito upang mas lalong silang maghirap. Mangiyak-ngiyak

pang sinabi ng isang residenteng nakapanayam, “Kaya ako naiiyak kasi sa sobrang

sama ng loob. Basura ang tingin nila sa amin. Para kaming bola na pinagpasa-

pasahan. Punta kami dito, punta kami doon. Ano bang gobyerno meron tayo?

Kaninang umaga sabi ko sa mga anak ko, wala na tayong maaasahan sa

gobyerno.”

Ang Hinaing ng Organisasyon

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paglawak ng ALYANSA na mayroon ng mahigit

kumulang 500 miyembro. Ayon sa mga residente, “Kailangan mag-unite na dahil ang

Page 13: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

13

laban ng isa ay laban ng lahat. Na ano man yung bagyo na darating satin,

kailangan magkaisa tayo.” Ika pa nila, kung magkakaisa sila ay mas malaki ang

kanilang “bargaining power”. “Na yun ang sinabi samin ni Jamby (Madrigal). Na pag

kayo ho humantong sa bargaining, eh bawat pamilya, isang milyon na. Para

medyo mahaba-haba ang pakinabang ninyo. Tutal hindi naman gobyerno natin

dito ang magbabayad eh. Ibang bansa naman yun. Mga foreigner naman talaga

ang makikinabang dito sa lugar natin.”

Simple lang naman ang hiling ng mga taong-alat sa Bacoor at yun ay ang ayusin

sila at ilagay sa maayos na lugar; sa lugar na kung saan ay malapit din sa dagat kung

saan sila kumukuha ng ikinabubuhay nila. Kapag sila ay naayos na ay hindi na rin daw

magiging basura ang tingin sa kanila ng gobyerno. Aniya ng isang opisyal ng ALYANSA

na nakapanayam, “Sa amin naman, hindi naman kami tutol sa proyekto ng

gobyerno eh. Para din naman sa amin yun. Ang amin lang, tingnan naman nila

kung ano ang epekto nito sa mga kagaya naming mga maliliit.... hindi yung puro

lagi ibang bansa yung priority nila... Anuman man yung pag-unlad, isama naman

kami sa pag-unlad. Na hindi lang yung bayan namin na Bacoor ang uunlad, pati

kami na naninirahan dito, kailangan isama din.”

Sadyang naging negatibo na nga ang naging pagtingin ng mga residente sa land

reclamation. Ayon pa nga sa isang opisyal ng PPDC, nahirapan na umano silang

kausapin ang mga tao hinggil sa bagong reklamasyong pinaplano ng pamahalaan dahil

nagka-trauma na umano ang mga ito sa nangyari sa Cavitex na kung saan sila ay

nalinlang. Dagdag pa niya, naging close-minded na raw ang mga tao kahit pa kung

tutuusin ay para rin sa kanila ang gagawing proyekto. Gayunpaman, hindi man

maganda ang pagtingin dito ng mga residente ay patuloy pa rin ang pagtaguyod dito ng

pamahalaan. Ayon pa sa opisyal ng PRA, “Do you want development or do you

want to stop development here in the Philippines?”

Marahil, wala namang tao ang ayaw nang pag-unlad, subalit malinaw nating

nakita sa pag-aaral na ito kung para kanino nga ba ang pag-unlad na tinutukoy ng

pamahalaan.

Page 14: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

14

Konklusyon

Naging angkop ang paglapat ng Classical Marxism nina Marx at Engels sa

naging resulta ng pag-aaral. Sa pag-aaral ngang ginawa ay namalas natin kung

paanong mas nangibabaw ang interes ng pamahalan, bilang naghaharing-uri, kumpara

sa interes ng masa. Naging pangunahing hangarin nito ang mas mapaunlad ang

ekonomiya sa pamamagitan ng mga ipapatayong imprastraktura para makaakit ng mga

investors, sa halip na paunlarin ang buhay ng mga pesante sa Bacoor. Kung tutuusin

pa nga ay handa silang isakripisyo ng pamahalaan mapaunlad lamang ang kanilang

bayan. Ang pagkabuo nga ng ALYANSA bilang organisasyong tumutol sa land

reclamation at mga development projects ng pamahalaan ay patunay lamang ng isang

social class consciousness na nakamit ng mga residente matapos maranasan ang

negatibong epekto ng mga proyektong ito.

Naging mabisang basehan din ang post-development theory ni Sachs na

nagsasabing taliwas umano sa kahulugan nito ang tunay na epekto ng salitang

development. Sa halip na pag-unlad, nagdulot pa ito ng mga problema gaya ng

pagkasira ng kalikasan at kabuhayan ng mga tao at iba pa. Ito nga ay napatunayan sa

ginawang pag-aaral nang sa halip na pag-unlad na sinasabi ng gobyerno ay mas lalo

pang naghirap ang mga residente dahil sa pagkasira ng kanilang mga kabuhayan.

Idagdag na rin dito ang pagkasira ng yamang-dagat sa Bacoor.

Muli, naging pangunahing katanungan sa pag-aaral na ito ay “Bakit tinututulan

ng masa ang land reclamation?” Mula sa mga datos na nakuha sa mga kinapanayam

ay nakakuha ang mananaliksik ng anim (6) na dahilan sa sinasabing pagtutol.

1. Ang pagreklama ng lupa ay nakapagdulot ng negatibong epekto sa

kabuhayan ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng yamang-tubig na

dahilan din ng pagkunti ng kanilang huli at kita. Ang kinikita ay nakakasapat

lamang sa pagkain ng isang pamilya kung kaya’t sa ilang pamilya ay hindi na

nakakaya pang pag-aralin ang mga anak.

Page 15: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

15

2. Nakapagbigay din ito ng takot sa mga residente sa posibilidad na maaari

silang mapaalis sa kanilang tinitirahan anumang oras na walang anumang

pag-alala mula sa kanilang pamahalaan o kung meron man, ay maaari silang

ilipat sa isang relocation area na malayo naman sa kanilang pinagkukunan ng

kabuhayan.

3. Pilit na itinataguyod ng pamahalaan ang pagreklama ng lupa dahil sa laki ng

pakinabang na makukuha mula sa mga proyektong ito at sa laki ng kita na

mapapasok nito sa kaban ng pamahalaan. Para sa kanila, hindi na baleng

maghirap at magsakripisyo ang mga maliliit na mamamayang ito basta’t para

sa ikauunlad ng bayan.

4. Malinaw na nais ng gobyerno na ang makinabang naman ay ang mga

taxpayers dahil sa kanila umano nanggagaling ang pondo ng pamahalaan

kaya nararapat lamang na sila naman ang makinabang dito. Hindi ito dapat

sa mga maliliit na mamamayan na maliban sa illegal na at hindi pa nga

nagbabayad ng tax ay sa kanila pa daw nauubos ang pondo ng pamahalaan

lalo pa pag may kalamidad.

5. Nahahaluan din ng pulitika ang isyu ng land reclamation kung saan

napupunta umano sa bulsa ng kurap na mga opisyal ang compensation na

nagmumula sa pribadong sektor sa halip na maibigay sa mga apektadong

residente. Sinasabi ring matataas na opisyal ng pamahalaan ang nasa likod

ng ilang mga development projects na ito at umaabot pa sa punto na sila

mismo ang nagmamay-ari ng mga pinapatayong buildings, resorts at iba pa.

6. Positibo ang tingin ng pamahalaan sa land reclamation dahil nakikita nila

itong daan sa pag-unlad at pagtaas ng ekonomiya subalit hindi naisama sa

pag-unlad na ito ang mga maliliit na mangingisda, magtatahong, magtatalaba

at tindera.

Page 16: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

16

Ang nabanggit ay ang mga dahilan kung bakit tinututulan ng masa ang land

reclamation suablit mahalagang maitala na ang mga ito ay applicable lamang sa lugar

kung saan isinagawa ang pag-aaral.

BIBLIYOGRAPIYA

Burgos Jr., N. (2011) Aquino gov’t urged to scrap reclaim projects; damage to

environment and livelihood cited. Inquirer Visayas retrieved from

http://newsinfo.inquirer.net/23144/aquino-gov%E2%80%99t-urged-to-scrap-

reclamation-projects August 21, 2011

Consultative Workshop on Land Reclamation and Alternative Land Use (2007)

Foundation for Environmental Security and Sustainability (FESS) USAID

Dacayo Jr., J. (2005) Final Report on Land Reclamation National Economic

Development Authority (NEDA) USAID

Elmer, H. Sociology and Political Theory: a consideration of trhe sociological basis

of politics 1889-1968. Barnes New York A.A. Knopf 1984 p. 162

Land Reclamation woes for Philippine fishermen (2009) retrieved from

http://www.youtube.com/watch?v=BLnjBFmLPQs August 20, 2011

Loss of coastal ecosystems (2008) retrieved from

http://www.wildsingapore.com/wildfacts/concepts/loss.htm August 20, 2011

Liuag, D. (2011) Birds of Coastal Lagoon. Philippine Daily Inquirer retrieved from

http://opinion.inquirer.net/7683/birds-of-coastal-lagoon August 21, 2011

Marx, K. (1845) The German Ideology retrieved from

http://www.marxists.org/archive/marx/works/1845/german-

ideology/ch01d.htm#d1 November 2, 2011

Morales, M. (2011) Floods feared from reclamation project in Las Piñas-Parañaque

Page 17: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

17

Lagoon. Philippine Daily Inquirer retrieved from

http://newsinfo.inquirer.net/10306/floods-feared-from-reclamation-project-in-las-

pinas-paranaque-lagoon August 21, 2011

Neuman, L. (2006) Social Research Methods: Quantitative and Qualitative

Approaches, 6th edition. Boston: Pearson Education, Inc.

Oddsdottir, E. et.al. (2008) The influence of land reclamation and afforestation on soil

arthropods in Iceland Soil Conservation Service of Iceland, Gunnarsholti, Iceland

Omar, M. (2008) Bedok Land Reclamation retrieved from

http://infopedia.nl.sg/articles/SIP_999_2008-10-28.html August 20, 2011

Philippine Reclamation Authority (2011) retrieved from http://www.pea.gov.ph

August 20, 2011

Postrado, L. (2011) Manila Pushes Bay Reclamation Plan. Manila Bulletin retrieved

from http://www.mb.com.ph/node/322804/manila-pu August 21, 2011

Seychelles considers reclaiming more land (n.d.) retrieved from

http://www.afrol.com/articles/22260 November 2, 2011

The Works of Marx and Engels (1845) retrieved from

http://www.marxists.org/archive/marx/works/1845/germanideology/ch01d.htm#d1

November 2, 2011

Page 18: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

18

University of the Philippines, Manila

College of Arts and Sciences

Department of Social Sciences

Kauswagan para sa Tanan Bakit tinututulan ng masa ang land reclamation?

Research Report

In Fulfillment for the Requirements

in PS198

Vanessa Jhene S. Almirante BA Political Science

Second Semester, Academic Year: 2011-2012

Page 19: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

19

Balangkas ng Nilalaman

Pagkilala ………………………………………. 20

Acronym ………………………………………. 21

I. Panimula ……………………………………… 23

a. Ispesipikong Katanungan …………………. 24

II. Pagsusuri ng Kaugnay na Literatura …………………. 25

III. Balangkas ng Pag-analisa …………………. 33

IV. Pamamaraan ng Pananaliksik …………………. 35

a. Disenyo ng Pananaliksik

b. Pag-analisa ng Datos

c. Limitasyon

V. Etika ……………………………………… 39

VI. Resulta ……………………………………… 40

VII. Diskusyon ……………………………………… 48

VIII. Konklusyon ……………………………………… 50

IX. Bibliyograpiya ……………………………………… 52

a. Apendiks ……………………………………… 54

Page 20: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

20

PAGKILALA

Hindi magiging matagumpay ang pag-aaral na ito kung hindi dahil sa mga taong

tumulong, sumuporta, nagdasal at nagtiwala sa aking kakayahan. Ang pahina pong ito

ay para lamang sa inyo.

Sa mga mangingisda, magtatahong, magtatalaba at tindera sa Bacoor, Cavite na

naging inspirasyon ko sa pag-aaral na ito, maraming salamat po sa inyong pakikibahagi

sa pag-aaral na ito. Salamat sa pagbahagi ng inyong buhay, karanasan, sakit at hirap

na dinanas. Para po sa inyo ito. KAUSWAGAN PARA SA MGA TAONG-ALAT!

Sa mga nakapanayam ko mula sa lokal na pamahalaan ng Bacoor, mula sa

pamahalaan ng lalawigan ng Cavite at sa opisyal ng Philippine Reclamation Authority

(PRA), maraming salamat po sa oras na ibinigay ninyo at sa inyo pong pagtitiwala sa

akin. Salamat po dahil alam kong kahit naging medyo hesitant kayong lumahok ay

naging matapat kayo sa pagsagot sa aking mga katanungan. Kung sa Ingles nga po ay

hindi ito “sugar-coated”, kung kaya’t kahit papaano ay hanga po ako sa inyong

paninindigan at iginagalang ko po ang inyong mga kasagutan. KAUSWAGAN PO

SANA PARA SA TANAN!

Kay Ate Rog, Ate Meggie at Ate Lisa ng Center for Environmental Concerns

(CEC), maraming salamat dahil ipinakilala ninyo ako sa mga taong-alat ng Bacoor at

ipinamulat ninyo sa akin ang tunay nilang kalagayan. Kung hindi po dahil sa inyo ay

hindi ko po maiisip ang paksang ito. Sana’y magamit po ang pag-aaral na ito upang

makatulong sa mga taga-Bacoor.

Para sa mga kaibigan at kamag-aral na kasama kong nagpuyat (virtually) at

naging tanungan sa panahon ng kalituhan, sa MAROONS kasama na ang extension, at

kasama na din ang GAB Girls, MARAMING SALAMAT. Kay Ate Mercy Senga na

nagbahagi ng kanyang ginawang pag-aaral upang maging basehan naman ng format at

style ng aking pag-aaral, sa walang-sawang pagkumbinsi sa akin na kunin si Prof

Castillo bilang thesis adviser at sa pagtitiwala sa aking kakayahan na

mapagtagumpayan ito, MARAMING SALAMAT!

Page 21: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

21

Sa aking thesis adviser na si Prof. Fatima Castillo, na pareho ko ring Ilongga,

madamo gid nga salamat sa wala untat mo nga pagpakilig sa akon sa mga comments

mo. Kung hindi tungod sa imo nga paggabay, hindi man ko makahimo sing pirti gid

kanami nga paper. Dako gid nga pribilehiyo nga maging estudyante mo, Ma’am Tim.

KAUSWAGAN PARA SA TEAM TIM! HA HA HA

Sa aking mga kamag-anak na sumusuporta sa akin, mula sa financial, physical,

spiritual, mental at emotional support, maraming salamat. Kina Tita Elsie, Tito Larry,

Tita Vivian, Auntie Zeny, Auntie Rosie, Uncle Randy kasama na ang kani-kanilang

mga pamilya, na alam kong lagi akong isinasama sa kanilang araw-araw na panalangin

at labis akong ipinagmamalaki, MARAMING, MARAMING SALAMAT PO.

Kay Tita Lorna Baylon at sa kanyang ipinagbubuntis na sinamahan ako mula

Makati, hanggang Bacoor hanggang Trece Martires mapa-tricycle man, jeep, FX, bus

na airconditioned o ordinary... I COULD NEVER THANK YOU ENOUGH. Hindi ko

magagawa ang aking mga panayam kung wala ka bilang aking dakilang camerawoman.

Salamat sa iyong walang kapantay na suporta at pagtitiwala sa aking kakayahan.

Sa dalawang taong nagtiwala sa akin nang higit pa sa pagtitiwala ko sa aking

sarili, Josephine Almirante at Jerry Almirante, isa na ito sa mga bunga ng inyong

paghihirap upang ako’y mapag-aral nang maayos. Mula sa ilang taong pagbabanat ng

buto upang maibigay lamang ang pinansyal na pangangailangan sa aking pag-aaral, sa

suporta at pagtitiwala, maraming, maraming salamat. At sa aking kapatid na si Barbie,

na nagsilbi kong “Tagalog dictionary”, thank you.

Salamat din sa aking Mommy Anette, Daddy Juan, Nanay Celia at higit sa

lahat sa aking Tatay Agi (Ireneo). Tay, bal-an ko nga pirmi mo ko gin-updan kag

ginbantayan sa kada byahe ko. Para ni sa imo Tay!

Lahat po ng papuri at pasasalamat ay binabalik ko sa Diyos na nagbigay sa akin

ng talino at lakas upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito.

KAUSWAGAN PARA SA ATON TANAN!

Page 22: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

22

Acronyms

CEC Center for Environmental Concerns

MPDC Municipal Planning Development Coordination

PPDC Provincial Planning Development Coordination

PRA Philippine Reclamation Authority

Page 23: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

23

Panimula

Sa kasalukuyan, ating mapapansin na maraming naglalakihang mga gusali at

iba’t-ibang imprastraktura ang naipapatayo hindi lamang ng pamahalaan kundi lalo na

ng mga pribadong sektor sa lipunan. At dahil sa dami ng bilang ng gusaling

naipapatayo sa bansa ay nagkukulang na ang lupang mapagtatayuan ng mga gusaling

ito. Land reclamation ang naging solusyon sa problemang ito.

Dahil sa reklamasyon ng lupa, nabigyan ng daan ang pagpapatayo ng iba’t-ibang

proyekto ng gobyerno kasama na rin ang ibang pribadong sektor. Ang layunin umano

ng mga proyektong ito ay ang wasto at maayos na paggamit at pamamahala ng mga

ari-arian ng gobyerno. Ilan lamang sa mga maaaring gawin ay ang pagpapatayo ng

mga high rise buildings gaya ng mga hotels, call center companies, resorts kasama na

ang mga floating restaurants na higit na makakatulong upang maka-engganyo ng

maraming turista ang ating bansa. Para sa pamahalaan, ang mga proyekto ito ay

makakatulong upang maisulong ang pag-unlad ng lipunan at ng ating ekonomiya

(Philippine Reclamation Authority, 2011).

Ang mga development projects na kaakibat ng pagreklama ng lupa ay

makakatulong nga sa pag-unlad ng bansa ayon sa gobyerno. Kung kaya’t hindi na

nakakapagtaka kung bakit gayon na lamang ang pagsulong ng pamahalaan sa land

reclamation dahil malaki ang benepisyong makukuha nito dito lalo pa sa pag-angat ng

ating ekonomiya. Subalit sa kabila ng dalang pangako na kaunlaran ng land

reclamation, labis naman ang naging pagtutol dito ng mga mamamayan. Masasabi

bang ayaw nilang umunlad ang Pilipinas o di kaya ay sila ang hadlang sa pag-unlad ng

ating bansa?

Upang mabigyan ng kasagutan ang mga tanong na ito, naging layunin ng

pananaliksik na ito na malaman kung bakit tinututulan ng masa ang land reclamation.

Inalam din kung sino nga ba ang nakikinabang sa mga development projects na

isinagawa at isasagawa pa lamang matapos ang land reclamation at sa epekto ng mga

proyektong ito sa hanapbuhay ng mga residente. Ang mananaliksik ay nakakuha ng

sapat at komprehensibong datos mula sa mga indibidwal at grupo ng taong

Page 24: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

24

kinapanayam, gayundin sa mga libro at artikulong nailathala na may kinalaman sa land

reclamation. Ang mga impormasyong ito ang siyang nagsilbing suporta at naging

batayan sa konklusyon ng ginawang pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga nakalap na

datos ay nakapagbuo ng isang komprehensibo at intelektuwal na pagpaliwanag kung

bakit tinututulan ng masa ang reklamasyon ng lupa.

Maliban pa sa ating kaalaman na makakatulong nga sa ekonomiya ng bansa ang

land reclamation, naging mahalaga ang pag-aaral na ito upang ating makita na sa

kabila ng pag-unlad na ito ay ang laki ng negatibong epekto nito sa buhay ng mga

maralitang Pilipino. Maipapakita din ng pag-aaral na ito ang agwat o “gap” sa

pagkakaiba ng pagtingin ng masa at pamahalaan sa kung ano nga ba ang kaunlaran.

Makakatulong din ang pananaliksik na ito hindi lamang sa mga residente na kasali sa

ginawang case study kundi pati na rin at higit pa sa lipunan, na kung saan maaaring

gawing batayan ang pag-aaral na ito sa mga susunod pang pananaliksik na gagawin.

Research Question:

Bakit tinututulan ng mga residente ang land reclamation sa Bacoor, Cavite?

Specific Questions:

Ano ang mga naging epekto ng mga proyekto sa hanapbuhay ng mga residente?

Ano ang motibo ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong ito?

Sino ang nakikinabang sa mga development projects matapos isagawa ang reklamasyon ng lupa?

Ano ang kaibahan ng paningin ng gobyerno at mamamayan sa usapin ng land reclamation?

Page 25: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

25

Pagsusuri sa mga Kaugnay na Literatura

Depinisyon ng Land Reclamation

Ayon sa Philippines Reclamation Authority (PRA), maisusulong ang pag-unlad

ng lipunan at ng ekonomiya sa pamamagitan ng land reclamation at sa wastong

pamamahala at pagpapaunlad sa mga ari-ariang pag-aari ng gobyerno. Ang PRA na

naisagawa noong 1977 sa ilalim ng Presidential Decree 1084 ay nagsisilbing

tagapangasiwa sa anumang proyekto ng gobyerno na may kinalaman sa reklamasyon,

pagsasagawa ng mga imprastraktura, land development and urban renewal, gayundin

ang pagbibigay ng suportang pinansyal sa mga proyekto ng ibang ahensya ng

gobyerno. Isinasaad din sa batas na ito na may kapangyarihan ang PRA na

pangasiwaan ang mga pampublikong lupain sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga

lupang hindi na nagagamit o sa pakikipagsosyo sa pribado, publiko o dayuhang

institusyon na may interes sa mga lupaing ito. Naniniwala ang PRA na malaki ang

maitutulong ng pribadong sektor upang masiguro ang pagtatagumpay ng mga

programa ng gobyerno. Sa kabila ng awtoridad nito na pangasiwaan ang mga

pampublikong lupain, kailangan pa rin ng PRA na kumonsulta sa mga ahensya ng

gobyerno gaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of

Public Works and Highways (DPWH), Department of Environment and Natural

Resources (DENR) at ng Housing and Urban Development Coordinating Council.

Sinasabi ng PRA na ang mga proyektong kanilang isinasagawa ay makakatulong at

magiging kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino (Philippine Reclamation Authority,

2011).

Pagtaguyod: Mga Positibong Epekto ng Land Reclamation

Isa sa mga kasalukuyang proyekto ng PRA ay ang reklamasyon sa ilang bahagi

ng Manila Bay. Ayon sa artikulo ni Leonard Postrado na “Manila pushes Bay

reclamation plan” (2011), sa kabila ng mga pagtutol ng ilang organisasyon, binigyan na

ng pahintulot ni Joel Chua, Konsehal ng Ikatlong Distrito ng Maynila, ang alkalde ng

Maynila na si Alfredo Lim upang magpasa ng aplikasyon sa PRA upang magkaroon ng

reklamasyon sa Manila Bay. Ayon pa sa alkalde, napag-iiwanan na daw sila ng ibang

Page 26: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

26

mga lalawigan at lungsod, at kailangan na nilang makipagsabayan sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng mga proyekto na maaaring makaakit sa mga negosyante at sino pang

interesado na mamuhunan sa kanilang lungsod. Dahil dito, napagplanuhan ng

pamahalaan ng Maynila na magpatayo ng business hub sa timog bahagi ng Lungsod

ng Pasay. Kung sakaling maaprubahan na ng PRA ang planong ito ng local na pama

halaan ng Maynila, sinasabing makikipagsosyo ito sa isang pribadong sektor upang

maisagawa na ang nasabing proyekto. Kapag natapos na ang proyekto, magkakaroon

di umano ng bahagi ang pamahalaan sa kikitain nito at nangangahulugan ng

karagdagang kita o pondo para sa pamahalaan (Postrado, 2011).

Maliban pa sa Pasay, kasama din sa reklamasyon ang bahagi ng Las Piñas at

Parañaque, partikular na ang Las Piñas- Parañaque Lagoon. Ayon pa sa artikulo ni

Dennis P. Liuag sa Philippine Daily Inquirer na “Birds of Coastal Lagoon” (2011),ang

proyektong tinawag na Three Island Reclamation and Development Project ay

nagkakahalaga ng P14 bilyon. Ang proyektong ito ng PRA at Cyber Bay Corp. ay

sasaklaw ng 635 ektarya ng lupa na papatayuan ng mga pangkomersyal at

pangturismong imprastraktura. Mahigpit itong tinutulan ng iba’t-ibang organisasyon lalo

na ng Wild Bird Club of the Philippines na nagsasabing ang proyektong ito ay isang

matinding banta sa mga ibon at sa mga bakawan na tirahan ng mga ibon na ito. Ang

ilan sa mga ibon ay sinasabing endangered o malapit ng maubos habang ang iba

naman ay migrant o mula pa sa mga kalapit na bansa gaya ng Tsina, Japan at Siberya

na sumayo pa sa bansa upang iwasan ang napakalamig na panahon sa kani-kanilang

mga lugar. Ayon pa dito, mahigit 80 species o uri ng ibon ang napupunta sa lugar na ito.

Mahalaga din umano ang mga bakawan na ito dahil maliban sa ito ang nagsisilbing

feeding area ng mga ibon, nakakatulong dito bilang pananggalan kapag panahon ng

bagyo at nakakatulong din sa paglinis ng polusyon sa tubig. Ayon pa kay Anna Maria

Gonzales, isang urban planner, makakaapekto umano ang proyektong ito sa malala ng

kalagayan ng mga mandaragat lalo pa at nakasalalay ang kanilang ikinabubuhay sa

mismong lugar na iyon. Ayon din kay Michael Lu na isang negosyante at madalas na

dumadalaw sa lugar upang mamalas ang mga iba’t-ibang uri ng ibon mula pa noong

2004, hindi raw siya tumututol sa pag-unlad. Subalit ang pag-unlad na nais niya ay ang

pag-unlad kasama ang mga mamamayan at kalikasan. Mas maigi di umano na

Page 27: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

27

pangalagaan ang lugar at gawing nature sanctuary. Sa ganoong paraan, makikinabang

ang lahat. Magsisilbing itong malinis at maayos na tirahan para sa mga ibon at iba pang

hayop sa dagat. Maaari din itong gamitin para sa mga pananaliksik. Pwede ring itong

gawing pasyalan ng mga taga-lungsod upang pantanggal ng stress. At higit sa lahat,

makakatulong pa ito sa hanapbuhay ng mga naninirahan doon (Liuag, 2011).

Pagtutol: Mga Negatibong Epekto ng Land Reclamation

Kaugnay din dito ang artikulo ni Miko Morales sa Philippine Daily Inquirer na

“Floods feared from reclamation project in Las Piñas-Parañaque Lagoon” (2011). Ayon

sa artikulo, labis na nakasalalay ang hanapbuhay ng mga residente sa dagat kung

kaya’t labis na makakaapekto sa kanilang kabuhayan ang nasabing proyekto. Dagdag

pa dito ang posibleng pagkasira ng mga bakawan sakaling maisagawa na ang plano ng

PRA. Ang posibleng pagkaubos ng mga bakawan, na tumutulong bilang pananggalan

pag may bagyo, ay maaari umanong magresulta sa pagbaha. Ayon kay Cynthia Villar,

dating kinatawan ng Las Piñas, isa sa mga kinatatakutan nila ay ang magiging epekto

ng proyekto sa natural na pagdaloy ng mga ilog papunta sa dagat. Kapag naharangan

ang pagdaloy ng tubig, maaaring umapaw ang tubig sa kalsada at magdulot ng

pagbaha. Ito din umano ang problema ng Malabon at Navotas na naging lokasyon din

kung saan isinagawa ang ilang mga reclamation projects. Dagdag pa ni Villar, kung

laging babahain ang lugar, maaaring kulangin pa ang kikitain nila mula sa gagawing

proyekto sa pagpapaayos ng mga problemang dulot ng baha. At ang pagbaha na ito ay

may direktang epekto sa pamumuhay ng mga residente. Sabi pa ni Villar,

“...development is a sign of progress in the area but any improvement must be carefully

weighed because developments sometimes destroy areas such as the reserve. In any

progress, people must not suffer from development. Some developments are

detrimental” (Morales, 2011).

Gaya ng nabanggit kanina, ang mga proyektong ito ay mahigpit na tinutulan ng

iba’t-ibang organisasyon na pinangunahan ng Pambansang Lakas ng Kilusang

Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya). Sa artikulong “Aquino gov’t urged to scrap

reclaim projects; damage to environment and livelihood cited” ni Nestor P. Burgos Jr. sa

Inquirer Visayas, natampok ang 4th Assembly of the International League of Peoples’

Page 28: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

28

Struggle (ILPS) na ginanap noong ika-7 hanggang ika-p ng Hulyo, 2011 sa Maynila.

Nilahukan ito ng mahigit 500 na aktibista mula sa 43 na bansa gaya ng Amerika,

Argentina, Canada, Timog Aprika, Alemanya, Timog Korea, Tsina, Malaysia, Indonesia,

Hong Kong, Australia, Pilipinas at iba pa. Layunin ng grupo na ipanawagan sa pangulo

na itigil na ang mga proyekto na may kinalaman sa reklamasyon lalong-lalo na ang apat

sa pinakamalaking proyekto ngayon; Caticlan-Boracay sa Aklan, Manila Bay, Laguna

de Bay at ang Panglao Island sa Bohol. Sa pagtitipong ito, inilatag ng grupo ang

kanilang hinaing hinggil sa proyekto sa Caticlan na magsisilbing jump-off point papunta

sa isla ng Boracay. Ayon sa pag-aaral ng isang siyentista mula sa UP Marine Science

Institute (UP MSI), ang P1 bilyong proyektong ito, maliban pa sa epekto sa

ikinabubuhay ng mga tagaroon, ay maaari ding magdulot ng pagkasira ng mga korales.

Subalit sa kabila ng pag-aaral na ito hinggil sa epekto ng reklamasyon, ipinagpatuloy pa

rin ng lokal na pamahalaan ang kanilang proyekto at sinimulan ito noon Disyembre,

2010. Sasaklaw ang proyekto na ito ng 40 ektarya na kung saan 36.82 ektarya ay nasa

Caticlan at 3.18 ay nasa Boracay. Ayon pa sa ILPS at Pamalakaya, layon ng proyekto

na ito na palawakin ang mga port facilities at pagpapatayo ng mga gusaling

pangkomersyal kasama na ang mga health and wellness center. Gayundin ang

nasabing isyu sa Isla ng Panglao sa Bohol. Halos 500 ektarya ng lupa ang gagamitin ng

gobyerno para magpatayo ng mga imprastrakturang pangkomersyal. Hindi rin naiba dito

ang hinaing ukol sa Manila Bay at Laguna Bay Reclamation. Ang nais lamang ng grupo,

dapat ng itigil ang ganitong mga proyekto dahil sa mga epektong dulot nito sa

kabuhayan ng mga mandaragat, sa karapatan ng komunidad at sa mga naninirahang

hayop at halaman sa dagat. Kung kaya’t dahil dito, nagpasa sila ng resolusyon laban sa

mga reclamation projects ng gobyerno na nasa ilalim ng Public-Private Partnership

(PPP) na programa ng Pangulong Aquino. Hinaing pa ng grupo sa resolusyon, “We call

on the Aquino government to respect and uphold the rights of small fishermen and

discontinue this sell out of peoples’ marine resources.” Dagdag pa ng ILPS at

Pamalakaya, “The Philippine government should now seriously review its policy on

reclamation of coastal areas, given the impact of this economic activity to fisherfolk

livelihood, community rights and marine environment. We support the Pamalakaya

resolution calling on Philippine President Benigno Aquino III to stop this cross-nation

Page 29: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

29

reclamation of communal fishing communities for the sake of the capitalist exploiters

and plunderers who are cherished by the PPP regime of Mr. Aquino” (Burgos Jr., 2011).

Pagpapatibay sa Land Reclamation

Ang ganitong isyu ay matagal ng nararanasan ng bansa at noon pa man ay

matindi na ang mga pagtutol dito na ang iba ay umabot pa sa korte. Kung kaya’t noong

2005, nagpagawa ng pag-aaral si dating National Economic Development Authority

Secretary Romulo Neri hinggil sa mga reklamasyon na ito ng gobyerno at kung paano

ito mas makakatulong para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Kagaya nga nang

nasabi, layunin ng “Final Report on Land Reclamation”(2005) ni Atty. Jerry Dacayo Jr.,

na mapag-aralan kung paano mahuhubog ang potensyal ng bansa upang maiangat

ang ekonomiya nito sa pamamagitan ng land reclamation. Nakapaloob sa ulat na ito

ang mga proyekto gaya ng Three Islands Project na mas kilala din bilang AMARI

Reclamation Project (840 ha),South Bay City Project (844 ha), Rizal-Laguna Lakeshore

Road Project (300 ha), South Extension R-1 Expressway Project, Maqueda Bay

Reclamation Project in Catbalogan, Samar (40 ha), Polder Island Development Project

na mas kilala din bilang Laguna de Bay Project (3 000 ha) at ang Cebu Reclamation

Project (295 ha). Ang mga nasabing proyekto ay kumaharap ng iba’t-ibang problema at

pagtutol na nagdulot sa pansamantalang pagtigil ng proyekto dahil sa mga kasong

kinaharap sa korte, subalit kalaunan ay natuloy din. Naisaad din sa ulat na ito ang ilan

sa mga batas na tumatalakay sa karapatan ng pamahalaan at ng PRA sa mga

pampublikong lupain. Isa na dito ay ang Commonwealth Act No. 141 na kilala din bilang

Public Land Act (1936). Ayon dito, “Relevant provisions of this law provides: (a) that

alienable and disposable lands of the public domain include “lands reclaimed by the

government” (Secs. 9 and 59); (b) that reclaimed lands are disposable to private parties

“by lease only” (Sec. 61); and (c) that the lease of reclaimed lands shall be “for

commercial, or industrial or other similar purposes” (Sec. 62).” Isa pang batas na

nabanggit dito ay ang Presidential Decree No. 1084 (1977) o ang Charter of the Public

Estate Authority (kilala na ngayon bilang Public Reclamation Authority) na nagsasaad,

“It declares as State policy “to provide for a coordinated, economical and efficient

reclamation of lands”(Sec. 2), and authorizes the PEA to reclaim land (Sec. 4). It also

Page 30: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

30

authorizes the PEA “to contract loans...as it shall deem appropriate for the

accomplishment of is purposes” (Sec. 12), and empowers any government owned or

controlled financial institutions other than the Central Bank, Government Service

Insurance System and the Social Security System to guarantee loans of the PEA (Sec.

13).”

Kung ating babalikan ang artikulo ni Nestor Burgos Jr., nabanggit doon na

mahigit 500 ang dumalo mula sa 43 na bansa. Dito pa lang, masasabi na natin na

marami ang nakikisama at nakikiisa sa pagtutol ng mga Pilipino sa ganitong uri ng

proyekto ng pamahalaan. Maaaring kadahilanan na nararanasan din nila ang ganitong

mga pangyayari sa kanilang bansa o kung hindi man, maaaring sila ay sadyang

nakikisimpatiya lamang. Subalit may ilan na ring pagsasaliksik na nagpapatunay na ang

isyu ng land reclamation ay hindi lamang sa Pilipinas nangyayari kundi pati na rin sa

ibang mga bansa.

Land Reclamation sa Ibang Bansa

Sa “The influence of land reclamation and afforestation on soil arthropods in

Iceland” (2008) ni Oddsdottir et.al., sinasabing 1900’s pa lamang ay meron ng land

reclamation sa kanilang bansa. Sa Gunnarsholt, Rangárvallasýsla County sa southern

Iceland, maraming bukirin ang naisara o nilisan ng mga pamilya dahil sa reklamasyon

na naganap noong 1920. Ang mga reklamasyong ito ay nagdulot ng soil erosion na siya

ding isang dahilan kung bakit nilisan ito ng mga pamilyang naninirahan sa lugar.

Sinasabing 40 porsiyento ng bansa ang naapektuhan ng ganitong mga proyekto nang

mga panahong iyon.

Ang artikulo naman na “Loss of coastal ecosystems” (2008) mula sa

http://www.wildsingapore.com/wildfacts/concepts/loss.htm ay nakatuon sa isyu ng

reklamasyon sa Singapore. Sinasabing nadagdagan ng 17 porsiyento ang sukat ng

lupa ng bansa subalit nabaon naman ang ilang anyong tubig nito. Labis din umanong

naapektuhan sa proyektong ito ang mga hayop at halaman na matatagpuan sa kanilang

mga karagatan. Tinatayang 65 porsiyento ng kanilang mga korales ang tuluyang nasira.

Ang ibang uri ng mga hayop na kadalasang makikita din umano sa lugar, gaya ng

Page 31: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

31

dugong, dolphin, mga pagong at buwaya, ay unti-unti na ring nawawala. Ang iba’t-ibang

coastal activity din umano ay nagdudulot ng pagdumi ng tubig bunga upang maging

malabo ito dulot ng iba’t-ibang kemikal.

Isa sa mga reklamasyon sa Singapore ay ang Bedok Land Reclamation na

tampok sa artikulo ni Marsita Omar (2008) sa

http://infopedia.nl.sg/articles/SIP_999_2008-10-28.html. Ayon dito, mahigit sa 2,157

ektarya na ng lupa ang nasasaklaw ng proyekto na nagsimula pa noong 1960. Mahigit

kumulang 600 na milyong dolyar umano ang nagastos sa proyektong ito. Ang mga

proyektong itinayo ay mga gusaling pangkomersyal at, residential at recreational

housing. Ilan sa mga dating nakatira sa lugar ay mga Malay at Tsino na mangingisda.

Subalit dahil sa proyekto ng reklamasyong ito, napilitan silang maghanap ng ibang

ikabubuhay gaya ng pagbebenta ng sigarilyo, pagkain at inumin.

Subalit sa kabila ng mga hindi magagandang naging epekto ng reklamasyon ng

lupa sa kabuhayan ng ilang mamamayan, positibo pa rin ang tingin dito ng pamahalaan

ng ibang bansa gaya na lamang sa Seychelles. Ayon sa artikulo, kinokonsidera pa ng

bansang Seychelles ang magreklama ng mas marami pang lupa dahil sa napakaraming

benepisyong nakukuha nila dito. Halos lahat ng key facilities (gaya ng kalsada, airport,

industrial area, housing estates) nito ay nagmula umano sa mga nireklamang lupa.

Naging dahilan umano ang mga industriyal na istrukturang ito upang mas lalong

umunlad ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagdagsa ng mga foreign

investors upang mamuhunan sa mga gagawing proyekto. Isang halimbawang nabanggit

ay ang Eden Island na kung saan $50M ang ibinayad ng mga dayuhang namumuhunan

para lamang doon sa lupa. Pagkatapos nito, naging sunod-sunod pa ang mga

reklamasyong kanilang ginawa na sinundan din ng pagpapatayo ng mga industriyal na

imprastraktura. Ayon pa nga sa kanilang pinuno na si Minister Morgan, “In view of the

economic benefits that Seychelles is getting from investments on reclaimed land, for

example from Eden Island, the government is undertaking studies with a view to

considering reclamation of more land” (Seychelles, n.d.).

Ayon naman sa ginawang pag-aaral sa Sierra Leone, isang bansa sa Aprika,

naging negatibo naman ang pagtingin dito ng mga naging bahagi ng workshop na binuo

Page 32: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

32

ng mga kabataan, kababaihan, mga small scale miners, ngo’s at iba pa. Ayon sa kanila,

meron di umanong underground agenda ang mga pulitiko hinggil sa usapin ng land

reclamation na may kaugnay sa reclamation fee na binabayad sa gobyerno bilang

bahagi ng licensing procedure. Ayon pa sa isang partisipante, “When we talk of

ownership, we need to strengthen the minds of our paramount chiefs... they should

work in the interests of the people.” Dagdag pa dito, nabanggit din ng isang partisipante

na kung gagamitin lamang daw ang nareklamang lupa para sa panlipunan sa halip na

sa pang-ekonomiyang kadahilanan, mas makakabenepisyo sa ang mga mamamayan

ng bansa (Consultative Workshop, 2007).

Illegal Settlers: Mga Hadlang sa Pag-unlad?

Sa isang video/documentary, tinalakay nito ang naging kalagayan ng ilang mga

Muslim na nagpasiyang mamalagi sa Cavite dahil sa magulong sitwasyon sa Mindanao.

Sinabing mula pa noong 1970s, nakapagreklama na nang mahigit 700 ektaryang lupa

ang pamahalaan sa Cavite at nagpaplano pa itong magreklama ng mahigit 2,000

ektarya pa ng lupa upang pagtayuan ng mga industriyal na imprastraktura. Noong

Hunyo 2007, pinwersa umanong paalisin ang mga residente sa lugar subalit

nagmatigas ang mga ito at nanlaban. Ang tingin sa kanila ng pamahalaan ay mga illegal

settlers. Ayon naman sa mga residente, isolated di umano sila sa anumang pag-unlad

na nangyayari sa kanilang paligid. Sabi pa ng isang residente,mahirap umanong tumira

sa isang lipunan na kung saan ang turing sa’yo ay hadlang sa pag-unlad (Land

Reclamation, 2009).

Marami din ang bilang ng nakalap na literatura na may kinalaman sa isyu ng

reklamasyon subalit karamihan sa mga ito ay nakatuon lamang sa naging epekto ng

reklamasyon sa kalikasan.

Kung kaya’t isa sa layunin ng pag-aaral na ito ay ang tukuyin kung paano at bakit

nga ba nagkakaiba ang pananaw ng masa at pamahalaan hinggil sa usapin ng land

reclamation. Aalamin din ng mananaliksik kung ano ba ang dahilan bakit magrereklama

ng lupa ang pamahalaan sa Cavite at kung sino ba ang magbebenepisyo sa mga

proyektong isasagawa dito. Hinggil sa mga proyektong ito, aalamin din kung ano ang

Page 33: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

33

mga posibleng maging epekto nito sa kabuhayan at kalusugan ng mga residente sa

lugar.

Balangkas ng Pag-analisa

Ang gagamitin sa pananaliksik na ito ay critical social science. Magiging

pangunahing batayan sa pag-aaral ang teorya na itinaguyod ni Karl Marx at Friedrich

Engels na classical Marxism. Ayon dito, sinasabi na ang mga ugnayan o relasyon sa

mode of production ang siyang nagiging batayan ng class identity. Class, bilang isang

grupo ng mga indibidwal na may pare-parehong means of production. Ayon kay Marx,

ang isang kapitalistang lipunan ay binubuo ng mga social classes;ang proletariat at

bourgeoisie. Sinasabing ang bourgeoisie ay ang mga indibidwal na mayroong sariling

means of production samantalang ang mga proletariat ay ang mga indibidwal na walang

sariling pinagkukunan ng kita at binabayaran ng mga bourgeoisie upang magtrabaho

para sa kanila na kadalasan ay mga naaabuso rin. Dagdag dito ni Engels, dahil ang

bourgeoisie ang may hawak ng means of production, sila rin ang tinuturing na ruling

class. Dahil dito, ang superstructure (political and legal institutions) at ang

mangingibabaw na ideyolohiya (ruling ideas) ang magpapasya ng kung anong

makakabuti para sa interes ng ruling class. Sa German Ideology ni Karl Marx sinabing,

“...the ideas of the ruling class are in every epoch the ruling ideas, i.e. the class which is

the ruling material force of society, is at the same time its ruling intellectual force”

(Works of Marx and Engels, 1845).

Sinasabi lamang ng teoryang ito na ang interes ng pamahalaan ay ang interes

ng naghaharing-uri at madalas ay taliwas ito sa interes ng masa kung kaya’t hindi na

nakakapagtaka kung bakit magkasalungat ang pagtingin ng masa at pamahalaan

hinggil sa isyu ng mga development projects gaya ng land reclamation. Bilang ang

pamahalaan ang ruling class, mas nangingibabaw ang sarili nitong ideya at interes sa

lipunan. Dahil sa pagtataguyod ng sarili nitong interes, nagreresulta ito sa

pagsasamantala (exploitation) sa mas mababang social class, ang masa bilang ang

proletariat. Sa konteksto ng land reclamation, makikita natin kung paanong naging

biktima ang masa sa pagsulong ng interes ng pamahalaan. Sa pagpapatuloy ng

pananamantalang ito, mamumulat ang kamalayan ng nasamantalang social class na

Page 34: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

34

tinatawag na class consciousness. Batay sa kamalayang ito, gagawa ito ng aksyon

upang maprotektahan ang rational nitong interes (Marx, 1845).

Sa teoryang classical Marxism nina Marx at Engels, nakita natin ang magkaiba at

naglalabang interes ng bourgeoisie bilang ruling class at ng proletariat bilang mga

naaabuso.

Isang pang teorya na gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang post-development

theory na isa ring Marxist-inspired theory. Ayon sa tagapagtaguyod nito na si Wolfgang

Sachs, taliwas umano sa kahulugan nito ang tunay na epekto ng salitang development.

Sa halip na pag-unlad, nagdulot pa ito ng mga problema gaya ng pagkasira ng

kalikasan at kabuhayan ng mga tao at iba pa. Patunay lamang dito ang kasalukuyang

kalagayan ng mga bansa sa third world na sa mahigit anim na dekada pagkatapos ng

Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay patuloy pa ring nakakaranas ng matinding

kahirapan, degradasyon at marginalisasyon.

Bilang ang land reclamation ay isa sa sinasabing development projects ng

pamahalaan, masasabi natin na positibo ang kanilang pagtingin dito at tunay itong

makakatulong sa pag-unlad ng bansa. Subalit gamit ang post-development theory,

makikita natin na masama ang magiging epekto ng land reclamation, bilang isang

development project, para sa mga mamamayan. Kagaya ng nabanggit, ilan lamang sa

mga negatibong epekto ng mga proyekto para sa pag-unlad ay ang pagkasira ng

kalikasan at kabuhayan ng mga mamamayan. Sa halip na makinabang sa mga

proyektong ito, naging pasakit pa ito sa masa. Maliban sa pagkasira ng kanilang

ikinabubuhay ay mawawalan pa sila ng matitirahan upang bigyang-daan ang mga

proyektong ito ng pamahalaan. Kung kaya’t angkop lamang na gamitin ang post-

development theory sa pagtukoy ng mga negatibong epekto ng land reclamation sa

mga mamamayan.

Gamit ang dalawang teoryang ito, ang Classical Marxism at ang post-

development theory, magiging isang magaling na batayan ang mga ito upang matukoy

kung bakit labis na tinututulan ng masa ang land reclamation at kung paano ito

nakakaapekto sa kanilang pamumuhay

Page 35: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

35

Pamamaraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pananaliksik na ito, inalam ng mananaliksik ang mga dahilan sa pagtutol ng

mga residente ng Bacoor, Cavite hinggil sa land reclamation. Sinuri sa pag-aaral kung

ano nga ba ang plano ng pamahalaan pagkatapos ng isasagawang land reclamation at

kung makakabuti ba ito para sa mga mamamayan at sa lipunan. Sa pakikipanayam sa

magkabilang panig ay napag-alaman kung sino nga ba nga ang nakikinabang sa mga

proyektong ito. Inalam din kung ano ang naging epekto ng reklamasyong ito lalo na sa

pinagkukunan nila ng kabuhayan. Ang pananaliksik na naging batayan sa pag-aaral na

ito ay gumamit ng case study na isinagawa sa Bacoor, Cavite.

Nagsagawa ng apat na key informant interview at ng tatlong focus group

discussion. Gamit ang key informant interview (KII) kinapanayam ng mananaliksik ang

isa sa pinakamataas na opisyal ng Bacoor, gayundin ang taga-pangulo ng Municipal

Planning Development Coordinator (MPDC) na si Engr. Jesus Francisco, at isang

opisyal rin mula naman sa Provincial Planning Development Coordinator (MPDC).

Kinuha ang kanilang opinyon higgil sa isyu at inalam ang mga plano o proyekto na

kanilang gagawin pagkatapos ang gagawin pagreklama ng lupa. Maliban sa mga

opisyal na ito, nakapanayam rin ang isa sa mga matataas na opisyal sa Philippine

Reclamation Authority (PRA) na siyang nangangasiwa sa usapin ng land reclamation

partikyular na sa Cavite. Sa ginawang panayam, gumamit ng KII guide na naglalaman

ng 15 katanungan na open-ended (Ang KII guide ay makikita sa Apendiks 1).Upang

makapanayam ang isa sa pinakamataas na opisyal sa Bacoor ay personal na nagbigay

ng liham ang mananaliksik upang makapagtakda ng araw ng interbyu. Sa MPDC,

PPDC at PRA naman ay nagsagawa na ng tinatawag na “ambush interview” kung saan

sa araw ng pagbigay ng liham-pahintulot ay kinapanayam na din ang mga nasabing

opsiyal sa kagustuhan na din nito (Tingnan sa Apendiks 2 ang halimbawa ng liham na

ibinigay sa mga opisyal na kinapanayam).

Ang isa pang paraan na ginamit ay ang focus group discussion (FGD). Mula sa

sampung apektadong baranggay, nagsagawa ng random sampling upang makapili ng

Page 36: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

36

tatlong baranggay lamang. Bilang ang mga baranggay na ito ay kasama din sa mga

labis na maaapektuhan kapag naisagawa na ang mga proyekto pagkatapos ng

reklamasyon ng lupa, sila ang napili upang maging batayan sa gagawing pag-aaral.

Ang ginawang FGD sa mga napiling baranggay ay binuo ng 5 hanggang 8 residente sa

baranggay na napili. Ang mga residenteng ito ay nakatira na sa lugar ng 9 hanggang 35

na taon. Sila rin ay binuo ng mga pamilyang may iba’t-ibang hanapbuhay gaya ng

pangingisda, pagtatahong, pagtitinda at iba pa. Mahalaga ring maitala na ang

karamihang kasama sa FGD ay miyembro ng ALYANSA, isang organisasyon ng mga

mangingisda sa Bacoor, at ANAKPAWIS. Bago pa man nagsimula ang FGD ay

nagsagawa muna ng household survey sa mga kalahok. Gumamit rin ng FGD guide sa

ginawang pinayam (Tingnan ang Apendiks 3 para sa halimbawa)

Naging mahalaga na magkaiba ang background ng mga kinapanayam upang

makakalap rin ng iba’t-ibang opinyon. Naging makabuluhan ang mga impormasyong

nakuha sa mga residenteng ito dahil sila mismo ang direktang maaapektuhan sa

ginawa at gagawing reklamasyon ng lupa. Ang kanilang mga sariling karanasan at mga

opinyon ay importante para sa ginawang pag-aaral.

Upang maisagawa ang FGD ay nakipag-ugnayan ang mananaliksik sa pinuno ng

ALYANSA at sa Center for Environmental Concerns (CEC), isang NGO na tumutulong

din sa ALYANSA, upang mai-organisa ang gagawing panayam.

Table 1. Pag-uuri ng mga Kakailanganing Datos, Batis na Pagmumulan ng Datos,

at Pamamaraan ng Pagkuha ng Datos

Grupo ng Datos Pagmumulan Pamamaraan

Mga detalye at

impormasyon ukol sa

gagawing land reclamation

(Pag-alam sa mga dahilan

kung bakit magkakaroon ng

1. Isa sa pinakamataas

na pinuno ng

Bacoor, Cavite

2. Taga-pangulo ng

MPDC

Key Informant Interview

Page 37: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

37

reklamasyon ng lupa at

kung ano-anong proyekto

ang isasagawa pagkatapos

nito)

3. Isang opisyal ng

PPDC

4. Isang opisyal ng

PRA

Pagbabahagi ng mga

dahilan kung bakit

tinututulan ang land

reclamation

Diskusyon ng mga sariling

pananaw at opinyon hinggil

sa gagawing reklamasyon

ng lupa at sa magiging

epekto nito sa kabuhayan

Pagbahagi ng mga sariling

karanasan hinggil sa mga

naging epekto ng mga

nauna nang proyektong

isinagawa ng gobyerno

Mga residenteng ng mga

apektadong baranggay

Focus Group Discussion

Household Survey

Mga batas na sumasaklaw

o may kinalaman sa usapin

ng land reclamation

Mga isyu at kontrobersiya

na may kinalaman sa land

reclamation

Pahayagan, online

news,online journals,

organizational websites,

Document Analysis

Page 38: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

38

Pag-analisa ng Datos

Matapos gawin ang mga interbyu ay inilapat na ang mga panayam sa

pamamagitan ng pag-transcribe. Dahil verbatim o bawat salita ay nasa transcription,

mas nakita at mas nahimay-himay ng mananaliksik ang mga detalye sa ginawang

panayam. Upang masimulan ang case analysis, pagkatapos matranskriba ay ginawan

ng coding scheme bawat panayam. Una ay kinategorya ang mga napiling

mahahalagang datos mula sa transcript. Kasama din dito ang ilang “quotations” na

maaaring makatulong upang mas maipahiwatig ang kahulugan ng ilang datos dahil sa

emosyong kaakibat nito. Maliban dito ay kasama din ang pagbibigay-kahulugan o ideya

ng mananaliksik sa bawat mahalagang datos na napili.

Matapos gawan ng case analysis ang bawat interbyu ay isinagawa naman ang

cross-case analysis kung saan inilapat ang lahat ng case analysis ayon sa kategorya o

sagot sa mga katanungan upang mapagkumpara ang mga sagot ng kinapanayam. Sa

pamamagitan nito ay mas nakita ng mananaliksik ang pagkakapareho at pagkakaiba ng

mga sagot at ideya ng kinapanyam.

Limitasyon

Isa sa masasabing naging hadlang sa pag-aaral ay ang pinansyal na

kakulangan. Sa KII, dahil hindi na-contact nang maayos ang mga dapat sanang

kapapanayamin na matataas na opisyal ng ilang kagawaran sa pamahalaan dahil na rin

sa mali o hindi na updated na numero ng telepono o fax machine na nakalagay sa

kanilang website, kung kaya’t minabuti ng mananaliksik na personal na lamang na

ihatid ang mga liham. Dahil din dito ay nahirapan ang mananaliksik na makapagsagawa

ng follow-up interview dahil na rin sa layo ng lugar kung isinagawa ang pagpanayam.

Ang ilan ding dapat sanang kapanayamin ay hindi available at sinasabing may

pinuntahan umanong ”meeting” o di kaya ay naka-“leave”. Kung kaya’t mula sa pitong

(7) dapat kapanayamin ay apat (4) lamang ang matagumpay na naisagawa.

Page 39: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

39

Sa FGD naman ay masasabing ang kakulangan din sa pera at oras ang naging

limitasyon kung kaya’t tatlong baranggay lamang ang nakapanayam.

Pang-etikang Konsiderasyon

Ang maproteksyonan ang mga impormasyong ibinahagi ng mga kinapanayam ay

isang tungkulin ng pananaliksik na ito kung kaya’t marapat lamang na manatiling lihim

ang pagkakakilanlan ng mga nakapanayam na opisyal ng pamahalaan ng Cavite,

opisyal ng PRA at ng mga residente ng baranggay. Upang masigurong hindi mati-trace

ang mga sagot o impormasyong nakalap sa kinapanayam ay gagamit ng alyas ang

mananaliksik. Dahil sa mga maseselang paksa (gaya ng isyu sa pulitika bilang nasa

likod ng pagsasagawa ng mga proyektong ito) na napag-usapan at nabanggit ng mga

kinapanayam na residente ng baranggay, maaaring malagay sa alanganin hindi lamang

ang kanilang mga hanapbuhay kundi pati na at higit pa ang kanilang sariling buhay at

kanilang mga pamilya. Gayundin ang gagawin sa mga nakapanayam na mga opisyales

ng lokal na pamahalaan ng Bacoor, opisyal ng ng probinsya ng Cavite at tagapamuno

ng PRA. Dahil sa mga sensitibong bagay na kailang nabanggit ay maaari ring

maapektuhan nito ang kanilang pamumuhay at estado sa lipunan. Sa kadahilanang ito,

sinisiguro na ang anumang makalap na datos ay mananatiling eklusibo para sa pag-

aaral na ito lamang.

Upang masiguro ang mga ito ay may kasamang consent form ang mga liham na

ibinigay sa mga kinapanayam sa KII (Tingnan ang Apendiks 4 para makita ang

halimbawa). Ang ilan pa dito ay may kasamang lagda upang masiguro na hindi pinilit,

subalit kusa ang ginawang interbyu. Sa FGD naman ay pinaliwanag nang maayos bago

pa man magsimula ang panayam na mananatiling lihim ang pagkakakilanlan ng mga

kasali upang sila ay maprotektahan at hindi sila malagay sa alanganin. Siniguro rin na

ang anumang impormasyon na makakalap ay para lamang sa pag-aaral na ito.

Page 40: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

40

Resulta

Epekto ng Land Reclamation sa mga Taong-alat

Sa pag-aaral na isinagawa, labis na tinututulan ng mga residente ang land

reclamation dahil para sa kanila, wala itong naitulong sa kanila at sa halip, puro

perwisyo lang umano ang dala nito. Lumabas na ang pangunahing dahilan sa pagtutol

na ito ay ang masamang naging epekto nito sa kanilang kabuhayan (na matatalakay

nang maayos sa mga susunod na talata). Maliban pa dito ay ang pag-alala ng mga

residente sa lugar kung saan sila ililipat. Labis nilang pangamba ay kung ililipat sila sa

bundok o di kaya ay sa lugar na malayo sa dagat. Ayon pa sa kanila, “Hindi kami

pwedeng dalhin sa bundok. Hindi pwede ang isda dalhin sa bundok. Hindi ang

isda marunong maglangoy sa bundok. Dito kami dapat. Dito kami dapat

naglangoy sa karagatan”. Isa pang dahilan na nabanggit ay ang naging pagbabago

sa amoy at kulay ng tubig dagat. Simula umano ng maisagawa ang Cavitex ay naging

malabo ang tubig na may kasama pang masangsang na amoy. Ang pagkalabong ito ng

tubig ay dahil sa hindi na maayos na pagdaloy ng tubig papuntang dagat dahil

naharangan na ito ng tambak na tulay na siya nga ay Cavitex. Dahil dito, ang dumi ay

hindi na nakakalabas at naiipon na lamang na nagreresulta sa pagbuo ng borak o

pagkalabo ng tubig. Dahilan ito kung bakit naging masangsang ang amoy ng tubig

dagat na nagresulta sa pagkunti ng uri ng isdang nahuhuli sa kanilang lugar.

Dahil sa pagdumi ng tubig na ito at tuluyang pagkaubos ng ilang uri ng isda sa

bahagi kung saan nangingisda ang mga residente, naging malaki ang epekto nito sa

kanilang pangkabuhayan. Dagdag pa dito ang pagliit ng area na kanilang

pangingisdaan dahil nga sa paglagay ng tambak na tulay. Ayon sa mga nakapanayam

na residente, noong hindi nasimulan ang konstruksyon, maraming uri ng isda ang

nahuhuli gaya ng bangus, alumahan, talakitok, lapu-lapu, samara, malabansi, sugpo,

alimango, hipon tilapya at marami pang iba. Ang pagiging sagana nito sa ganitong mga

yamang dagat ay nakatulong din upang hindi magkaroon ng matinding kumpetisyon

kahit sa palengke dahil sa iba-ibang klase ng isdang natitinda. Subalit sabi ng mga

residente, simula ng maisagawa ng Cavitex ay kumunti na ang variety ng isdang

kanilang nahuli. Mas dumami umano ang tilapia dahil mas nakakaangkop ito sa madumi

Page 41: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

41

at maputik na tubig at mas mas mabilis pa ito umanong dumami. Kahit ang mga

tahungan at talabahan ay naapektuhan din. Naging mahirap ang kumpetisyon sa

palengke dahil puro na lamang tilapya ang naging paninda ng mga tindera. Nagresulta

ito sa pagkalugi ng mga mangingisda at tindera. Ayon pa sa kanila, sa sobrang dami ng

nahuling tilapia ay umabot pa sila sa pagkakataon na pagkatapos nilang kumuha para

ulamin ay pinagtatapon na nila ito kaysa naman daw mabulok. Dahil sa ganitong

pagkalugi ay hindi na umano nakakasapat ang kinikita nila para sa kanilang pamilya.

Sapat na lamang daw ito upang pangkain nila kung kaya’t ang ilan sa mga

nakapanayam ay hindi na napag-aaral ang mga anak. Hindi umano katulad noon na

ayon pa nga sa isang nakapanayam, “Dati kahit lola ka, pwede lumusong at may

mahuhuli pang alimasag. Dati wala pang kalahating oras, naka-isang sako na.

Ngayon, wala na.”

Benepisyo: Para kanino?

Ngayon, kung sinasabi na makakatulong sa pag-unlad ang pagreklama ng lupa,

nakakapagtaka kung bakit ganito ang naging kalagayan ng mga residente sa Bacoor,

kung kaya’t natanong ng mananaliksik kung sino nga ba ang nakinabang at

makikinabang sa mga development projects ng pamahalaan. Ayon sa nakapanayam ko

mula sa PPDC, ang reklamasyon ay bahagi ng isang “long-term plan” ng Bacoor upang

madagdagan ang land area nito lalo pa at isinusulong ang cityhood nito. Dagdag pa

niya, kapag may isinusulong na development project ang isang lungsod o lalawigan ay

malaki ang share na nakukuha nito lalo pa at bilyon ang badyet nito. Sinang-ayunan din

ito ng isa sa nakapanayam ko sa PRA na nagsabing napakamahal nga at bilyon-bilyon

ang pondong kailangan upang maisagawa ang mga development projects na ito. Ayon

pa sa kanya, kung susuriin daw ay malaki ang naitulong ng Cavitex upang maayos ang

problema sa trapik sa Bacoor. Dagdag pa niya, “Kung magkakaroon pa ng

development projects diyan, dadagsain yan ng investors. It will be like picking

apples.” Ayon naman sa mataas na opisyal na nakapanayam ko mula sa lokal na

pamahalaan ng Bacoor, malaki ang maitutulong ng land reclamation sa pag-unlad ng

kanilang bayan. Aminado naman ang kinapanayam na malaki ang pakinabang na

nakukuha nila mula sa dagat lalo pa at kilala din ang Bacoor sa masasarap nilang

Page 42: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

42

tahong. Subalit para sa kanya, oras na para makinabang naman ang mga taxpayers.

Sabi pa niya, “...Kasi yang mga yan (tinutukoy ay mga fisherfolks), hindi naman

nagbabayad ng mga tax yan eh... Pero nakinabang na sila nang matagal na

panahon. Dapat makinabang naman ang buong taumbayan. Dapat maging ganun.

Hindi yung sarili lang nila yung iisipin nila... Siyempre yung mga taxpayers, sila

din dapat yung tinutulungan natin eh. Kasi yun dapat ang nagbebenefit sa mga

binabayad sa gobyerno.” Sang-ayon din dito ang nakapanayam ko mula sa MPDC.

Malaki na daw ang nagagastos ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng nakatira sa

tabing-dagat. Wala na daw silang binabayarang tax ay sa kanila pa napupunta ang

pondo ng pamahalaan lalo na kapag may darating unos gaya ng bagyo at pagbaha sa

lugar at idagdag pa dito ang isyung pangkalusugan. Kung kaya’t oras na din para

makinabang na ang bayan. Ayon sa pamunuan ng MPDC na aking nakapanayam,

pareho namang nakinabang at makikinabang ang masa at pamahalaan sa Cavitex at sa

mga susunod pang development projects na gagawin. Sa usapin ng Cavitex,

nakatulong ito sa mga residente dahil hindi na nahahampas ng alon ang kanilang mga

bangka at bahay dahil nga sa breakwater ang Cavitex. Dahil still water na ito at hindi ito

maalon ay dumami daw ang nahuling isda, hipon at alimango ng mga mangingisda.

Dagdag pa dito, dahil nga sa lumiit ang area ng pangisdaan ay lumiit din ang kaso ng

dynamite fishing dahil mas mabilis silang mahuhuli ng kinauukulan. Sa usapin naman

ng mga susunod pang development projects na gagawin, kagaya ng mga high-rise

buildings, call center buildings, hotels, resorts, floating restaurants at marami pang iba,

binanggit din ng nasabing opisyal na malaki din ang maitutulong nito sa mga residente

dahil makakapagbigay ito sa kanila ng mas maraming job opportunities. Kung kaya’t

ang benepisyo, pwede rin namang sa masa at pamahalaan. Sabi pa niya, “Mga 50

hectares yang land na property ng government. So sa property pa lang, katakot-

takot na pera na ang pumapasok sa kaban ng bayan. Eh yun pang development,

mas mahal yung buildings. High rise yan. Eh yun pang trabaho. (May) jobs para

sa mga taga dito. Alam mo maraming employment kahit tagawalis ka lang ng

building, tagapunas.” Mga 60- 70% umano ng kikitain sa mga proyektong ito ay

mapupunta din sa lokal na pamahalaan.

Page 43: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

43

Pagtutol vs. Pagtaguyod

Sa mga naunang talata ay nakita na natin na sadyang magkaiba ang pananaw

ng masa at ng pamahalaan hinggil sa usapin ng land reclamation. Para sa mga

nakapanayam na opisyal ng pamahalaan at PRA, positibo ang pagreklama ng lupa

dahil malaki ang maitutulong nito lalo na sa ekonomiya ng bayan. Para naman sa mga

nakapanayam na residente, negatibo ito dahil naapektuhan nito ang kanilang

kabuhayan. Aminado naman ang mga opisyal na aking nakapanayam sa mga pagtutol

na ito. Para sa kanila ay natural na daw at inaasahan na ito. Hindi daw ito nawawala sa

anumang development projects na gagawin dahil sa mga maapektuhan. Ayon sa

tagapamuno ng MPDC, “...Yan yung mga taong hindi naiintindihan yung ibig

sabihin ng progresibo. Natatakot sila eh. Madidisplace yung trabaho nila... Kasi

para silang tumitingin lang sa isang batya na may tubig. Pag nilagyan mo ng lupa,

mag-i-spill. Gaano ba kalaki ang mundo? Hindi tayo bounded ng boundaries.”

Dagdag pa ng nakapanayam kong opisyal ng lokal na pamahalaan, kung tutuusin daw

ay unang violators ang mga residente dahil sila ay mga illegal settlers lamang.

Nagpatayo din umano sila ng mga bahay nila nang walang building permit. Wala rin

daw silang mga septic tanks at isama pa dito ang isyu ng pagtatapon nila ng basura.

Ang mga residente nga sa ngayon ang sinisisi ng pamahalaan kung bakit naging

madumi at puno ng basura sa Bacoor Bay. Nang tanungin kung meron ba silang

sistema ng garbage collection ay sinabi nitong meron subalit sadyang matigas lang daw

talaga ang ulo ng mga Pilipino. Sabi pa ng tagapamuno ng MPDC, maliban pa sa

nagdudulot ng polusyon, ang mga residenteng ito ay “eyesore” pa umano sa mata ng

mga tao. Ayon sa kanya, “Kasi ang Bacoor, siya yung gateway ng Cavite. (Kapag)

ang unang-una mong makikita ay yung squatters, matuturn-off ka. Kung ako ang

investor, hindi na ako mag-iinvest diyan. Eyesore eh. Pangit na tingnan... Eh in

turn, ano ba ang naitulong nila (tinutukoy ay mga fisherfolks)? Mas malaki pa ang

negative na naibigay kaysa positive.” Kaugnay dito ay natanong ng mananaliksik

kung may relocation site na bang nakahanda kung sakali mang matuloy ang mga

development projects na plano ng pamahalaan ng Cavite lalo pa at isa nga ito sa mga

alalahanin ng mga residente kapag na-displace na sila sa lugar. Ayon sa isang opisyal

ng PPDC ay may nakikita na silang lugar na posibleng paglipatan sa mga residente

Page 44: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

44

subalit dahil nga hindi pa naman naisasagawa ang mga nasabing proyekto dahil sa

pagtutol na din ng mga residente ay hindi rin pa nila sinimulan ang paggawa ng mga

bahay na paglilipatan. Mahalagang maitala na ang bahay ay kanila ring babayaran sa

loob ng tatlumpung (30) taon. Nang hingin naman ang opinyon dito ng opisyal ng PRA,

ang nasabi niya ay, “Yeah, but you compensate them, you know, bahala sila di

ba?... In any road project of PRA, pag tinamaan ang right of way, they are always

compensated. Even if squatters. There are squatters in our land and we need the

land, we always pay them.” Nang tanungin kung magkano ba ang ibinayad sa mga

tao ay hindi daw nito alam. Ang kanila daw joint-venture partnership, ang pribadong

sektor na sa isyung ito ay ang UEM-MARA, ang siyang nagbayad sa mga residenteng

mangingisda. Subalit nang hingan ng papeles na magpapatunay dito ay sinabing wala

daw siyang alam dahil wala siyang access sa mga papeles na ito ngunit sigurado daw

siyang nabayaran ang mga ito. Nakakuha naman ang mananaliksik ng impormasyon

mula sa opisyal ng lokal na pamahalaan na P20, 000 di umano ang binayad sa mga

residenteng ito subalit wala rin siyang maibigay na papeles na magpapatunay dito.

Para sa mga opisyal ng pamahalaan, ang land reclamation ay positibo at higit na

makakatulong para sa pag-unlad ng ekonomiya nito, gayundin sa ikaaayos ng mga

imprastraktura nito. Ang pagreklama nga ng lupa ay isang long-term plan ng Bacoor.

Ika nga ng tagapamuno ng MPDC, “futuristic approach” daw ito. Kailangan daw sa

isang mamamahala ay iniintindi ang kapakanan ng libong tao sa Cavite at hindi ng iilan

lang. Ayon pa nga sa isa sa pinakamataas na opisyal ng Cavite, “...Kaya iilan lang yan

(tinutukoy ang mga fisherfolks). Kahit magsakripisyo na yan, di ba? Kailangan

talaga sa development may magsasakripisyo.”

Demonisasyon sa mga Taong-Alat

Kagaya na nga nang nabanggit kanina, labis ang pagtutol ng mga residente sa

pagreklama na lupa dahil bukod sa makakaapekto ito sa kanilang hanapbuhay ay may

posibilidad pa na ma-displace o mapaalis sila sa kanilang lugar. Dagdagan pa yan ng

mga isyu na sinisisi sa kanila ng pamahalaan kagaya na lamang na pagiging dahilan

kung bakit marumi ang dagat. Sinasabi ng ilang opisyal ng pamahalaan na tinatapon

daw mga residente ang kanilang mga basura sa dagat kaya madumi at kadalasan pang

Page 45: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

45

pinanggagalingan ng red tide. Idagdag pa dito ang sinasabing walang septic tanks ang

mga residente sa kani-kanilang mga bahay. Subalit mariin itong pinabulaanan ng mga

residenteng nakapayam. Ayon sa kanila, ang mga basurang ito ay mula pa sa Ilog

Pasig at naipon lamang sa kanila dahil nga sa hindi makalabas ang tubig dahil sa

Cavitex na isang tambak na tulay. Dagdag pa nila, may mga pabrika di umano na

kapag naglilinis ay binubuhos ang dumi sa Ilog Pasig at dumidiretso sa kanila. Sabi ng

isang residente, “Yun nga daw. Kami daw ang madumi. Kasi ang waste namin

napupunta daw sa karagatan. Pero yung mga pabrika na nagtapon, hindi nila

nakikita yun. Totally talaga, kami talaga na mahihirap, kami ang nabubuntunan...”

Maliban pa sa mga pabrikang ito ay may mga oil tankers din umano na nakapondo sa

laot ng Manila Bay at nililinis ang mga dumi nito kasama na ang mga langis.

“Siyempre, alangan namang hakutin pa nila pabalik yan sa bansa nila. Dito na

itatapon yan. Lahat ng oil tanker na bumabara diyan, na dumadaong, diyan

naghuhugas yan. Bago umalis ng bansa natin yan, malinis na yan. Lahat ng dumi

nila nandito na.” Ang ilan pang mga nabanggit na problema kinaharap ng mga

residente ay ang polusyon, fish kill at kalamidad kagaya ng bagyo. Ilan ding isyu ay ang

color-coding ng mga bangka at ang pinakamabigat sa lahat ay ang paglabas ng

ordinansa na nagpapataw ng 50 sentimong buwis sa bawat isang metro kwadrado na

bahagi ng tubig na kanilang paglalagyan ng kanilang kawayan para sa tahong. Kung

susumahin, halos P5,000 ang kanilang babayaran at ayon sa kanila, bilang isang maliit

na mandaragat lamang ay napakabigat ng bayarin na ito. Ang masakit pa daw dito ay

wala man lang naganap na public consultation ukol dito. Dagdag pa nila, sadya umano

itong ginagawa ng kanilang pamahalaan upang maipit ang kanilang kabuhayan at

mapilitan na silang umalis sa kanilang mga tinitirhan. Sinubukan na din umano nilang

humingi ng tulong sa lokal na pamahalaan, sa pamahalaan ng Cavite, sa PRA, sa Korte

Suprema at maging sa senado subalit pinagpasa-pasahan lang umano sila. Mangiyak-

ngiyak pang sinabi ng isang residenteng nakapanayam, “Kaya ako naiiyak kasi sa

sobrang sama ng loob. Basura ang tingin nila sa amin. Para kaming bola na

pinagpasa-pasahan. Punta kami dito, punta kami doon. Ano bang gobyerno

meron tayo? Kaninang umaga sabi ko sa mga anak ko, wala na tayong

maaasahan sa gobyerno.”

Page 46: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

46

Isyu ng Human Rights Violation

Hinggil naman sa usapin ng pagbayad umano sa kanila ng UEM-MARA,

nabanggit ng isang kinapanayam na sila ay binigyan ng partial payment at

napagdesisyunan ng organisasyon na ito ay tanggapin sa pag-aakalang ang gagawing

tulay ay “via-duct” katulad ng sa San Juanico Bridge sa Samar. Ganoon din umano ang

sinabi sa kanila noong nag nagkaroon ng public consultation. Subalit nagulat na lamang

umano sila nang sinimulan na ang proyekto ay tambak na ito kung kaya malaki ang

naging pinsala nito sa kanilang kabuhayan. Nireklamo nila ito sa PRA subalit

pagtatanggol naman ng PRA ay hindi naman sila bibigyan ng permiso ng DENR kung

may nakita itong mali at hindi magandang maidudulot para sa Bacoor (Tingnan ang

Environemntal Compliance Certificate na ibinigay ng DENR sa Apendiks 5). Ayon pa sa

mga residente ay nagkaroon din umano ng isyu ng human rights violation nang tutukan

sila ng baril ng mga tao ng PRA at UEM-MARA matapos nilang pumunta malapit sa

lugar ng konstruksyon upang pigilan sana ang pagsira ng kanilang mga kawayan subalit

sinagot umano sila na pribado ang lugar na iyon at wala silang karapatan na pumunta

dun. Nang tanungin ko ang mga opisyal ng pamahalaan at opisyal ng PRA hinggil dito

ay itinaggi nila ito. Wala raw nangyaring ganoong insidente.

Hinaing ng Organisasyon

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paglawak ng ALYANSA na mayroon ng mahigit

kumulang 500 miyembro. Ayon sa mga residente, “Kailangan mag-unite na dahil ang

laban ng isa ay laban ng lahat. Na ano man yung bagyo na darating satin,

kailangan magkaisa tayo.” Ika pa nila, kung magkakaisa sila ay mas malaki ang

kanilang “bargaining power”. “Na yun ang sinabi samin ni Jamby (Madrigal). Na pag

kayo ho humantong sa bargaining, eh bawat pamilya, isang milyon na. Para

medyo mahaba-haba ang pakinabang ninyo. Tutal hindi naman gobyerno natin

dito ang magbabayad eh. Ibang bansa naman yun. Mga foreigner naman talaga

ang makikinabang dito sa lugar natin.”

Simple lang naman ang hiling ng mga taong-alat sa Bacoor at yun ay ang ayusin

sila at ilagay sa maayos na lugar; sa lugar na kung saan ay malapit din sa dagat kung

Page 47: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

47

saan sila kumukuha ng ikinabubuhay nila. Kapag sila ay naayos na ay hindi na rin daw

magiging basura ang tingin sa kanila ng gobyerno. Aniya ng isang opisyal ng ALYANSA

na nakapanayam, “Sa amin naman, hindi naman kami tutol sa proyekto ng

gobyerno eh. Para din naman sa amin yun. Ang amin lang, tingnan naman nila

kung ano ang epekto nito sa mga kagaya naming mga maliliit.... hindi yung puro

lagi ibang bansa yung priority nila... Anuman man yung pag-unlad, isama naman

kami sa pag-unlad. Na hindi lang yung bayan namin na Bacoor ang uunlad, pati

kami na naninirahan dito, kailangan isama din.”

Page 48: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

48

Diskusyon

Isang kontrobersiyal na issue sa Bacoor, Cavite ang land reclamation lalo pa sa

usapin ng Cavitex o ng R1 Extension. Bilang ang Bacoor ang sinasabing gateway ng

Cavite, mahalaga para sa pamahalaan nito na magkaroon ng maayos na daanan

papasok sa kanilang lalawigan at magkaroon ng mga modernong imprastraktura upang

makaakit ng investors. Ayon nga sa sinabi ng opisyal ng PRA, bago magsagawa ng

anumang proyekto ay kailangan munang magkaroon ng public consultation. Nang

maisagawa ang konsultasyon ay “via-duct” ang napagkasunduan ng mga taga-Bacoor,

lokal na pamahalaan, pamahalaan ng Cavite, PRA kasama na rin ang UEM-MARA.

Subalit nang pag-aralang muli ang ginawang plano ay nakitang hindi magiging

benepisyo ito para sa Bacoor. Dahil kung via-duct ang gagawing tulay ay mas malaki

ang magagastos kung kaya’t malaki din ang magiging toll fee nito. Kapag mataas ang

toll fee ay maaaring kunti lang din ang dumaan sa tulay at malulugi lamang pamahalaan

at ang kasamang pribadong sector. Dahil dito ay napagdesisyunan nilang gawing

tambak na lamang ang kalsada at ang konsultasyon ay naganap lamang sa pagitan ng

pamahalaan at ng PRA. Dito pa lang ay malinaw ang nagawang panlilinlang sa mga

residente ng Bacoor dahil hindi sila nabigyan ng impormasyon hinggil sa ginawang

pagbabago sa plano.

Dahil nga sa tambak na kalsadang ito ay labis na naapektuhan ang kabuhayan

ng mga residente. Kumunti ang variety ng mga nahuling isda, naging mahirap ang

kumpetisyon sa palengke at kumunti ang kita. Maliban pa dito ay naipit sila sa mga

kalamidad at isyu na pilit ibinabato sa kanila ng pamahalaan at mas lalo pang

nagpahirap sa kanilang kalagayan. Idinulog nila ang mga problemang ito sa mga may

kinauukulan subalit pinagpasa-pasahan lamang sila. Nakita natin dito na walang opisyal

ng pamahalaan ang gustong harapin ang isyung ito dahil maaaring guilty sila o di kaya’y

sadyang wala na silang paki-alam sa anumang mangyari sa mga taong ito gaya na

lamang ng nabanggit ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan sa Bacoor.

Malinaw din sa mga naging pahayag ng mga opisyal na kinapanayam na ang

pangunahing dahilan sa pagsulong ng land reclamation ay ang pagnanais nila na

makalikom ng mas malaking kita ang pamahalaan. Naging prayoridad nito ang

Page 49: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

49

pagtaguyod sa pang-ekonomikong kalagayan ng lipunan kaysa sa kapakanan ng mga

nasasakupan nito. Naging tahasan pa ang pagsabi ng isang opisyal ng lokal na

pamahalaan na ayos lang masakripisyo ang mga malilit na mangingisdang ito kung ang

kapalit naman ay pag-unlad ng kanilang bayan.

Hindi rin maitanggi na ang usapin ng land reclamation ay may bahid pulitika.

Ayon sa mga residente, matapos umanong ipagawa ni Gobernador Remulla ang Island

Cove na isang resort sa Kawit, Cavite, ay nagpaplano na ring magpagawa ng Sunrise

Building ang kanilang alkalde na si Hon. Strike Revilla at isang floating restaurant

naman umano ang plano ni 2nd District Representative Lani Mercado. Nang tanungin ko

ito upang kumpirmahin sa tagapamuno ng MPDC, “Wala tayong masasagot diyan.

Pulitika yan eh.” Aminadorin dito ang opisyal ng PRA na nagsabing may pulitika at

korapsyon ding kasama ang land reclamation. Ito naman ay hinggil sa isyu ng

pagbabayad sa mga residente. Ayon sa opisyal na ito, hindi rin daw tayo nakakasiguro

na ang perang ito ay nakakarating mismo sa mga tao. Mas madalas daw dito ay

napupunta din ito sa bulsa ng ilang mga opisyal ng gobyerno. Base sa mga salaysay na

ito, masasabi natin na tumutol man o sumang-ayon ang mga residente, subalit dahil

nga sa compensation na nagmumula sa PRA ay nakikinabang na ang mga kurakot na

opisyal ng pamahalaan. Sila ang nakikinabang, samantalang ang mga malilit na

mangingisda ay nagdurusa.

Sadyang naging negatibo na nga ang naging pagtingin ng mga residente sa land

reclamation. Ayon pa nga sa isang opisyal ng PPDC, nahirapan na umano silang

kausapin ang mga tao hinggil sa bagong reklamasyong pinaplano ng pamahalaan dahil

nagka-trauma na umano ang mga ito sa nangyari sa Cavitex na kung saan sila ay

nalinlang. Dagdag pa niya, naging close-minded na raw ang mga tao kahit pa kung

tutuusin ay para rin sa kanila ang gagawing proyekto. Gayunpaman, hindi man

maganda ang pagtingin dito ng mga residente ay patuloy pa rin ang pagtaguyod dito ng

pamahalaan. Ayon pa sa opisyal ng PRA, “Do you want development or do you

want to stop development here in the Philippines?”

Wala namang tao ang ayaw nang pag-unlad, subalit ang tanong dito ay, “Para

kanino nga ba ang pag-unlad na tinutukoy ng pamahalaan?”

Page 50: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

50

Konklusyon

Batay sa mga nakuhang datos ay minabuting makabuo ng isang malinaw at

komprehensibong konklusyon para sa ginawang pananaliksik.

Naging epektibong batayan sa pag-aanalisa ang Classical Marxism nina Marx at

Engels sa naging resulta ng pag-aaral. Sa German Ideology ni Karl Marx sinabing,

“...the ideas of the ruling class are in every epoch the ruling ideas, i.e. the class which is

the ruling material force of society, is at the same time its ruling intellectual force”

(Works of Marx and Engels, 1845). Sa pag-aaral ngang ginawa ay namalas natin kung

paanong mas nangibabaw ang interes ng pamahalan, bilang bourgeoisie, kumpara sa

kapakananan ng masa, bilang proletariat. Ang pagkabuo nga ng ALYANSA bilang

organisasyong tumutol sa land reclamation at mga development projects ng

pamahalaan ay patunay lamang ng isang social class consciousness na nakamit ng

mga residente matapos maranasan ang negatibong epekto ng mga proyektong ito.

Naging mabisang basehan din ang post-development theory ni Sachs na

nagsasabing taliwas umano sa kahulugan nito ang tunay na epekto ng salitang

development. Sa halip na pag-unlad, nagdulot pa ito ng mga problema gaya ng

pagkasira ng kalikasan at kabuhayan ng mga tao at iba pa. Ito nga ay napatunayan sa

ginawang pag-aaral nang sa halip na pag-unlad na sinasabi ng gobyerno ay mas lalo

pang naghirap ang mga residente dahil sa pagkasira ng kanilang mga kabuhayan.

Idagdag na rin dito ang pagkasira ng yamang-dagat sa Bacoor.

Muli, naging pangunahing katanungan sa pag-aaral na ito ay “Bakit tinututulan

ng masa ang land reclamation?” Mula sa mg datos na nakuha sa mag kinapanayam

ay nakakuha ang mananaliksik ng anim (6) na dahilan sa sinasabing pagtutol.

1. Ang pagreklama ng lupa ay nakapagdulot ng negatibong epekto sa kabuhayan

ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng yamang-tubig na dahilan din ng

pagkunti ng kanilang huli at kita. Ang kinikita ay nakakasapat lamang sa pagkain

ng isang pamilya kung kaya’t sa ilang pamilya ay hindi na nakakaya pang pag-

aralin ang mga anak.

Page 51: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

51

2. Nakapagbigay din ito ng takot sa mga residente sa posibilidad na maaari silang

mapaalis sa kanilang tinitirahan anumang oras na walang anumang pag-alala

mula sa kanilang pamahalaan o kung meron man, ay maaari silang ilipat sa

isang relocation area na malayo naman sa kanilang pinagkukunan ng

kabuhayan.

3. Pilit na itinataguyod ng pamahalaan ang pagreklama ng lupa dahil sa laki ng

pakinabang na makukuha mula sa mga proyektong ito at sa laki ng kita na

mapapasok nito sa kaban ng pamahalaan. Para sa kanila, hindi na baleng

maghirap at magsakripisyo ang mga maliliit na mamamayang ito basta’t para sa

ikauunlad ng bayan.

4. Malinaw na nais ng gobyerno na ang makinabang naman ay ang mga taxpayers

dahil sa kanila umano nanggagaling ang pondo ng pamahalaan kaya nararapat

lamang na sila naman ang makinabang dito. Hindi ito dapat sa mga maliliit na

mamamayan na maliban sa illegal na at hindi pa nga nagbabayad ng tax ay sa

kanila pa daw nauubos ang pondo ng pamahalaan lalo pa pag may kalamidad.

5. Nahahaluan din ng pulitika ang isyu ng land reclamation kung saan napupunta

umano sa bulsa ng kurap na mga opisyal ang compensation na nagmumula sa

pribadong sektor sa halip na maibigay sa mga apektadong residente. Sinasabi

ring matataas na opisyal ng pamahalaan ang nasa likod ng ilang mga

development projects na ito at umaabot pa sa punto na sila mismo ang

nagmamay-ari ng mga pinapatayong buildings, resorts at iba pa.

6. Positibo ang tingin ng pamahalaan sa land reclamation dahil nakikita nila itong

daan sa pag-unlad at pagtaas ng ekonomiya subalit hindi naisama sa pag-unlad

na ito ang mga maliliit na mangingisda, magtatahong, magtatalaba at tindera.

Ang nabanggit ay ang mga dahilan kung bakit tinututulan ng masa ang land

reclamation suablit ang mga ito ay applicable lamang sa lugar kung saan isinagawa ang

pag-aaral.

Page 52: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

52

BIBLIYOGRAPIYA

Burgos Jr., N. (2011) Aquino gov’t urged to scrap reclaim projects; damage to

environment and livelihood cited. Inquirer Visayas retrieved from

http://newsinfo.inquirer.net/23144/aquino-gov%E2%80%99t-urged-to-scrap-

reclamation-projects August 21, 2011

Consultative Workshop on Land Reclamation and Alternative Land Use (2007)

Foundation for Environmental Security and Sustainability (FESS) USAID

Dacayo Jr., J. (2005) Final Report on Land Reclamation National Economic

Development Authority (NEDA) USAID

Elmer, H. Sociology and Political Theory: a consideration of trhe sociological basis

of politics 1889-1968. Barnes New York A.A. Knopf 1984 p. 162

Land Reclamation woes for Philippine fishermen (2009) retrieved from

http://www.youtube.com/watch?v=BLnjBFmLPQs August 20, 2011

Loss of coastal ecosystems (2008) retrieved from

http://www.wildsingapore.com/wildfacts/concepts/loss.htm August 20, 2011

Liuag, D. (2011) Birds of Coastal Lagoon. Philippine Daily Inquirer retrieved from

http://opinion.inquirer.net/7683/birds-of-coastal-lagoon August 21, 2011

Marx, K. (1845) The German Ideology retrieved from

http://www.marxists.org/archive/marx/works/1845/german-

ideology/ch01d.htm#d1 November 2, 2011

Morales, M. (2011) Floods feared from reclamation project in Las Piñas-Parañaque

Lagoon. Philippine Daily Inquirer retrieved from

http://newsinfo.inquirer.net/10306/floods-feared-from-reclamation-project-in-las-

pinas-paranaque-lagoon August 21, 2011

Neuman, L. (2006) Social Research Methods: Quantitative and Qualitative

Approaches, 6th edition. Boston: Pearson Education, Inc.

Page 53: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

53

Oddsdottir, E. et.al. (2008) The influence of land reclamation and afforestation on soil

arthropods in Iceland Soil Conservation Service of Iceland, Gunnarsholti, Iceland

Omar, M. (2008) Bedok Land Reclamation retrieved from

http://infopedia.nl.sg/articles/SIP_999_2008-10-28.html August 20, 2011

Postrado, L. (2011) Manila Pushes Bay Reclamation Plan. Manila Bulletin retrieved

from http://www.mb.com.ph/node/322804/manila-pu August 21, 2011

Seychelles considers reclaiming more land (n.d.) retrieved from

http://www.afrol.com/articles/22260 November 2, 2011

The Works of Marx and Engels (1845) retrieved from

http://www.marxists.org/archive/marx/works/1845/germanideology/ch01d.htm#d1

November 2, 2011

Page 54: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

54

Apendiks 1

Bakit tinututulan ng masa ang Land Reclamation? Key Informant Interview Guide Target Participants: Local Government Officials

1. Profile of interviewee

a. History of reclamation/development projects upon entering the office

b. May mga nakabinbin bang projects bago pumasok sa office?

c. Ano ang 1st reclamation/development project as _______

d. How did it go? May tumutol ba?

2. Nagkaroon ba ng public consultation sa pagitan ng lokal na gobyerno at mga residente? Sa pagitan ng mga kumpanya at residente?

3. Ano ang kinalabasan ng naganap na konsultasyon? May sumang-ayon o tumutol ba?

4. Magkakaroon ba ng displacement? Kung oo, may nakahanda na bang relocation site na paglilipatan sa mga residente?

a. Saan? Ano ang kalagayan ng relocation site?

b. May bayad ba? Magkano? Ilang taon?

c. May ibibigay bang pangkabuhayan?

5. Bakit sa palagay ninyo labis na tinututulan ng mga residente ang land reclamation/dev’t projects?

6. Justified ba ang mga pagtutol na to? Sa tingin niyo ba tama ang kanilang ginagawang aksyon?

7. May mga benepisyong bang makukuha ang lalawigan/baranggay sa mga proyektong gagawin? Kung mayroon, anu-ano ang mga ito? Kung wala, bakit?

8. Ano ang nakitang pagbabago sa kabuhayan ng mga mamamayan matapos maisagawa ang mga proyekto? Nakapagpabuti ba ito o nakapagpalala?

9. May mga residente bang dumulog sa inyo at nagreklamo ukol sa operasyon?

a. Anu-ano ang mga reklamo o isyung inilapit? (human rights issues, social services)

b. Paano ito tinugunan?

10. May halo bang pulitika ang isyu ng land reclamation? (in a sense na may personal interest ba ang ilang LGU officers dito)

11. Ano ang batayang nalalaman ukol sa mga kumpanyang may vested interest sa mga proyekto?

12. Positibo ba o negatibo ang land reclamation? Problema ba ang land reclamation?

13. Sino ang tunay na nakikinabang?

14. Development projects in the future?

15. Ano ang vision niyo sa komunidad?

Page 55: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

55

Apendiks 2

University of the Philippines Manila College of Arts and Sciences

Padre Faura St., Ermita, Manila February 2, 2012 ______________________ Dear Sir: Greetings! I am Vanessa Jhene S. Almirante, a student of the Political Science Program of the University of the Philippines Manila, who is now doing my undergraduate thesis about land reclamation. In this regard, I humbly request your good office to grant me the opportunity to interview you or key officers that would provide information that would enlighten me as to the nature and situation of the land reclamation in Bacoor, Cavite. Land reclamation, especially in connection with the construction of the Cavite Expressway (CAVITEX) has been a controversial issue which has been hounding the local government units (LGUs) in Bacoor. In the interest of fairness and professionalism, I would like to give you the forum to discuss this matter, for me to be able to make a constructive and wise judgment on this matter. I would greatly appreciate if you and your concerned officers would be available on or before February 9, 2012. If this date is not possible, kindly set the date at your most convenient date and time. For any further questions, you can reach me via cellular phone (+639061562042) or through email: [email protected] . In the interest of quality research work and academic excellence, I earnestly hope for your kind and favorable response. Respectfully yours, Vanessa Jhene S. Almirante

Political Science Student University of the Philippines Manila

Page 56: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

56

Apendiks 3

Bakit tinututulan ng masa ang Land Reclamation? Focus Group Discussion Guide Target Participants: Residente ng Brgy. Talaba Dos,Maliksi Uno at Maliksi Tres sa Bacoor, Cavite (expected to be fisherfolks) I. Profile of respondent (before the actual fgd, get the following information and provide name tags to each participants)

1. Pangalan 2. Kasarian 3. Edad 4. Estado Sibil 5. Tirahan 6. Gaano na katagal naninirahan sa lugar

a. Kung hindi tubong Bacoor, kailan lumipat at saan ang pinanggalingan? 7. Relihiyon 8. Trabaho/Source of Livelihood 9. Number of family members 10. Pansariling kinikita sa isang linggo 11. Income in one month ng buong pamilya (range) 12. Organisasyon (kung mayroon)

Short introduction Sharing of research objectives Expectations Check A.Background check

1. Ano pa ang ibang pinagkukunan ng kabuhayan? 2. Sapat ba ang kinikita sa pangangailangan ng pamilya? 3. Ano po ba ang mga problemang nararanasan sa kabuhayan? Paano ito nilulutas? 4. Kailangan pa ba ng permiso sa pangingisda?

a. Saan kumukuha nito? b. May bayad ba? Magkano?

5. Nagbabayad din ba ng buwis ang mga mangingisda o ang mga nagtitinda sa palengke? a. Paano ang bayaran? (cash or kind)

6. Nagkaroon na ba ng karanasan sa bagyo o iba pang kalamidad? a. Anong mga buwan/taon? b. Ano ang nagging epekto sa kabuhayan?

B. Free, prior and informed consent

1. Alam ba ng mga tao sa paligid ng Manila Bay na may mga proyektong gagawin? Sila ba ay nasangguni ukol dito?

C. Government promises

1. Ano ang sinabi ng gobyerno na negatibong epekto ng konstruksyon at iba pang mga proyekto kadikit nito? Sa kabuhayan, kalusugan at kapaligiran?

Page 57: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

57

2. Gaano kalaki ang sakop ng direkta at indirektang maapektuhan ng mga proyektong ito sa lugar? 3. May papaalisin ba sa kanilang mga tirahan? May relocation site ba o karampatang kabayaran? 4. May mga binanggit ba ang gobyerno sa inyong munisipyo o barangay kung may benepisyong makukuha

ang bayan/barangay / organisasyon sa proyektong ito? Anu-ano? F. Anticipated impacts or impacts experienced by residents Positive impacts

1. May mga alam ba kayong mabuting dinulot ang mga proyektong isinagawa ng gobyerno sa lugar? Anu-ano ang mga ito?

2. Nagbukas ba ito ng mga bagong trabaho para sa mga residente ng lugar? a. Ano ang klase ng mga trabaho?

3. Magkano ang kita? Regular ba? Negative Impacts Sa kabuhayan

1. Nang nagsagawa ng bagong proyekto, mayroon bang pagbabago sa takbo ng kabuhayan? 2. Nakatulong ba ito o nakapagpalala? 3. Ano ang mga obserbasyon sa coastal areas ng simulan ang konstruksiyon ng mga proyekto:

a. Pagliit ng sukat ng isdang nahuhuli b. Pagkawala ng mga economically significant species c. Pagkasira ng mga likas yaman tulad ng mangroves (bakawan), coral reefs at seagrasses, d. Pagbabago ng kulay ng tubig. Kulay na naobserbahan, e. Siltation at sedimentation, f. Iba pang mga obserbasyon

Sa kapaligiran at kalusugan

1. Nagkaroon na ba ng displacement ng mga komunidad dahil sa operasyon ng gobyerno? 2. Ano ang epekto nito sa kalusugan ng mga tao? May nabalitaan bang mga sakit na lumalaganap simula ng

pumasok ang konstruksyon sa lugar? Sa karapatang pantao

3. May mga sundalo o pulis bang tumutulong sa pagsasagawa ng proyekto? (probe) 4. May naranasan o nabalitaan na bang paglabag sa karapatang pantao ng mga tumututol? (sinigawan, hinuli) 5. Kung meron, saan nangyari at kailan (kunin ang detalye)?

Socio-cultural impacts

6. Ano ang naging epekto ng konstruksyon sa kultura at sa relasyon ng mga residente? May mga pag-aaway at di pagkakasunduan ba? 7. Sinong mga grupo ang sumasang-ayon sa proyekto? Sa anong kadahilanan? 8. Sinong mga grupo ang tumututol dito? Sa anong kadahilalan?

Response 9. Dinulog niyo na ba ang mga hinahing ito sa lokal o nasyonal na pamahalaan, simbahan o organisasyon? Ano ang mga naging tugon nila?

G. Other issues or concerns

1. Meron pa po bang ibang isyu, problema na kinahaharap ang inyong komunidad na nais niyong ibahagi? 2. Ano ang vision niyo sa komunidad? 3. Ano ang panawagan niyo sa kompanya, pamahalaan at iba pang organisasyon?

Page 58: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

58

Apendiks 4

Consent Form

By signing below, it is certified that the interview was conducted without any form of

harassment, intimidation or coercion and that it is done with full consent of the respondent. All

data acquired through participation in this research will be kept strictly confidential, and will be

used only for academic purposes.

Name and Signature

Page 59: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

59

Apendiks 5

Page 60: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

60

Page 61: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

61

Page 62: Kauswagan para sa Tanan!dspace.cas.upm.edu.ph/jspui/bitstream/123456789/506/1/H... · 2020. 9. 9. · Sa teoryang Marxismo, sinasabi na ang interes ng estado ay interes ng naghaharing-uri

62