18
EPP 5- AGRICULTURE ELAINE B. ESTACIO T-1

Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

EPP 5-

AGRICULTURE

ELAINE B. ESTACIO T-1

Page 2: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

PAMAMARAAN SA

PAGGAWA NG

ABONONG

ORGANIKO

Page 3: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

Compost pit

pagsasama-sama ng mga nabubulok na

basura katulad ng dumi ng hayop, dahon,

balat ng prutas, damo at iba pa. Ito ay

maaaring gawin sa bakanteng lote.

Page 4: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

Basket composting

• ito pagsasamasama rin ng mga

nabubulok na basura. Ginagawa kung

walang bakanteng lote na maaaring

paggawan ng compost pit.

Page 5: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

Pamamaraan

sa paggawa ng

compost pit

Page 6: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

•1. Humanap ng medyo mataas na

lugar, tuyo, patag, at malayu-layo sa

bahay o anumang anyong tubig.

Page 7: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 2. Gumawa ng hukay sa isang lugar na anglapad ay dalawang metro, ang haba limangmetro, at ang lalim ay isang metro. Diinan atpatagin ang loob ng hukay. Hayaan itongnakalantad sa araw upang huwag pamahayanng mikrobyo.

Page 8: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 3. Ilagay sa loob ng hukay ang mga pinutol

na damo, basurang nabubulok at mga

pinagbalatan ng gulay at prutas. Ilatag ito

nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang

umabot ng 30 sentimetro ang taas.

Page 9: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 4. Patungan ito ng dumi ng hayop tulad

ng baboy, manok, at baka hanggang

umabot ng 15 sentimetro ang kapal.

Patungan naman ang ikalawang patong

ng lupa, abo, o apog.

Page 10: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 5. Paulit-ulit na gawin ang pagtatambak

hanggang mapuno ang hukay. Panatilihing

tuwid at patayo ang mga kanto ng hukay sa

pamamagitan ng paglalagay ng ilang

pirasong patpat at kawayan

Page 11: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 6. Diligin ang ibabaw ng hukay upang

pumatag. Panatilihing mamasamasa.

Kung tag-ulan naman, takpan ito ng ilang

dahon ng saging sa ibabaw upang hindi

malunod sa tubig.

Page 12: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 7.Tusukan ang compost pit ng ilang pirasongkawayan na inalisan ng buko at binutasan sagilid. Makakatulong ito upang mahanginanang compost at nang madaling mabulokkaagad ang basura.

Page 13: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 8. Pagkalipas ng tatlong linggo, bunutin ang

pasingawang kawayan at haluin ang tambak.

Ipailalim ang kalat na nasa ibabaw upang maging

pantay-pantay ang pagkakabulok ng kalat.

Pagkaraan ng dalawang buwan o mahigit, ayon sa

uri ng basurang ginamit, maaari ng gamitin na

abono ang laman ng compost pit

Page 14: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

Ito ang mga paraan sa paggawa ng

basket composting.

• 1. Pumili ng lalagyan na yari sa kahoy o yero

na sapat ang laki at haba. May isang metro ang

lalim.

Page 15: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-

patong na tuyong dahon, dayami,

pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng

mga hayop, at lupa tulad din ng compost pit

hanggang mapuno ang lalagyan.

Page 16: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan

ng pasingawang kawayan upang mabulok

kaagad ang basura.

Page 17: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng

bubong ang sisidlan upang hindi ito

pamahayan ng langaw at iba pang peste.

Page 18: Pamamaraan sa paggawa ng compost pit

• 5. Alisin ang mga pasingawang kawayan

at haluin ang laman ng sisidlan para

magsama ang lupa at ang nabubulok na

mga bagay pagkalipas ng isang buwan.