of 307 /307
0 LESSON EXEMPLAR GRADE 5 ARTS

LESSON EXEMPLAR GRADE 5...Aralin 6.1 Proseso o Pamamaraan ng Paglilimbag 190-196 Aralin 6.2 Paggawa ng Disenyo Gamit ang Rubber 197-201 at Wood Aralin 6.3 Panimulang Pagkukuskos 202-206

  • Author
    others

  • View
    101

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of LESSON EXEMPLAR GRADE 5...Aralin 6.1 Proseso o Pamamaraan ng Paglilimbag 190-196 Aralin 6.2 Paggawa...

  • 0

    LESSON EXEMPLAR

    GRADE 5

    ARTS

  • 1

    Paunang Salita

    Ang kagamitang ito sa Sining ay inihanda upang

    matulungan ang mga guro gayundin ang bawat mag-aaral.

    Nais ng mga may-akda na lubusang makamtan ang

    pangunahing layunin ng Kagawaran ng Edukasyon, ang

    mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang bawat mag-aaral sa

    tulong ng aklat na ito.

    Ang mga gawaing nakapaloob dito ay isinulat sa payak

    at natural na pamamaraan upang mas maunawaan at mas

    maging makabuluhan ang pagkatuto sa bawat elemento ng

    Sining.

    Ang mga itinakdang gawain ay nilapatan ng iba’t

    ibang estratehiya upang maging epektibo ang pagtuturo. Ito rin

    ay nagbibigay daan sa mga mag-aaral na makapag-isip at

    makalikha ng mga gawaing sining na magdudulot ng saya

    kaganapan sa bawat aralin.

    Ang paggamit ng aklat na ito magsisilbing tulay upang

    maiangat ang antas ng pagkawili at inspirasyon sa pag-aaral

    ng Sining.

  • 2

    Pasasalamat Una sa lahat nais naming magpasalamat sa Poong Maykapal na nagkaloob biyaya ng buhay. Sa kanyang patuloy na

    paggabay ay matagumpay na naisakatuparan ang iniatang na

    gawain .

    Taus –puso ang aming pasasalamat sa mga Evaluators

    Gng. Ma. Teresa E. Caringal , Punongguro III, Lemery Pilot at G.

    Jimmy J. Morillo, EPS-I MAPEH na walang sawang umagabay sa

    amin sa pagsusulat ng mga exemplar. Ang inyong pagtitiwala sa

    aming mga kakayahan ang nagsilbing inspirasyon kung kaya’t

    naging matagumpay ang lahat.

    Pasasalamat din ang aming ipinaaabot sa mga Learning

    Resource Evaluators sa pangunguna ni Gng. Rosalinda A.

    Mendoza, EPS-1, Learning Resource Management and

    Development Systen, sa pagbibigay sa amin ng oportunidad na

    lalong humubog sa amin bilang isang guro.

    Higit sa lahat nais naming pasalamatan ang aming

    pamilya, mga kaibigan, kapwa guro, punongguro, pampurok

    tagamasid at Arts District Coordinator na nagbigay sa amin ng

    pagkakataon na maging bahagi ng panibagong pamilya na aming

    nabuo, ang writers ng Exemplar sa Arts.

  • 3

    ARTS

    LESSON EXEMPLARS

    Karapatang Ari 2016

    nina

    ANGELENE L. REYES

    CYNTHIA D. DELA CRUZ

    MATTHEW V. LUNDAG

    CRESENCIANA A. PEREZ

    GIOVANNI C. PETALLIO

    Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at

    pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa tagapaglathala.

    Tagapayo

    ROSALINDA A. MENDOZA

    EPS 1, LRMDS

    Mga Tagasuri

    CECILIA B. ALCANTARA LORNA U. DINGLASAN

    CLARIZZA B. PENIZ VICKY P. DE TORRES

    AIREEN V. HERNANDEZ LOUIE L. ALVAREZ

    Mga Dibuhista

    CHERRY AMOR R. LAROZA EDNELINDA B. ROBLES

    JENNIFER B. MERCADO CLYO O. BENDANA

    MARIE GRACE E. MAGSINO RONNEL G. HERNANDEZ

    Tagapag-ugnay

    RUSSEL L. PEREZ

    Program Development Officer II/LRMDS

    Schools Division of Batangas

  • 4

    TALAAN NG NILALAMAN

    Paunang Salita 1

    Pasasalamat 2

    Karapatang Ari 3

    YUNIT 1 PAGGUHIT 8-91

    Badget ng mga Gawain 9

    Aralin 1 Pagdiriwang ng Pistang Pilipino 10-17

    Aralin 2 Cross Hatching at Shading sa 18-26

    Iginuhit na Larawan ng Banga

    Aralin 3 Arkitektural na Disenyo sa mga 27-35

    Pamayanang Kultural

    Aralin 4 Pagguhit ng mga Produkto na 36-42

    Ginamit sa Kalakalan

    Aralin 5 Mga Sinaunang Kagamitan o 43-49

    Kasangkapan

    Aralin 6 Pagguhit ng mga Archaeological 50-58

    Artifacts ng Bansa

    Aralin 7 Mga Lumang Gusali sa Pamayanan 59-67

    Aralin 8 Pakikibahagi sa Payak na Eksibit 68-74

    Panimulang Pagsusulit 75-80

    Panapos na Pagsusulit 81-85

    Unang Markahang Pagsusulit 86-91

    YUNIT 2 PAGPIPINTA 93-150

    Badget ng mga Gawain 95

    Aralin 1 Mga Likas at Makasaysayang Pook 96-102

    na tinalaga bilang World Heritage Sites

    Aralin 2 Arkitektural at natural na anyo/ 103-110

    kaanyuan ng mga lugar na nakikita

    sa larawan

    Aralin 3 Istilo ng Pagpipinta 111-119

  • 5

    Aralin 4 Tanyag na Pilipinong Alagad 120-125

    ng Sining

    Aralin 5 Paggamit ng Komplementaryong 126-130

    Kulay sa Pagpipinta

    Aralin 6 Ilusyon ng Espasyo sa 3 - Dimensyonal 131-135

    na Guhit

    Aralin 7 Kahalagahan ng mgaLandscape na may 136-145

    Kaugnayan sa Kasaysayan ng Bansa

    Ikalawang Markahang Pagsusulit 146-150

    YUNIT 3 PAGLILIMBAG 151-241

    Badget ng mga Gawain 153-154

    Aralin 1 Mga Kwentong Bayan at Alamat 156-159

    Kayamanan ng ating Bansa

    Aralin 2 Makabagong Paraan ng Paglilimbag 160-166

    Aralin 3 Iba pang Gamit ng mga Limbag 167-172

    na Sining

    Aralin 4 Iba’t-ibang Gamit sa Printed Artwork 173-177

    Aralin 5 Paglalapat ng kulay 178-183

    Aralin 6 Paglilimbag Gamit ang Sketch o Krokis 184-189

    Aralin 6.1 Proseso o Pamamaraan ng Paglilimbag 190-196

    Aralin 6.2 Paggawa ng Disenyo Gamit ang Rubber 197-201

    at Wood

    Aralin 6.3 Panimulang Pagkukuskos 202-206

    Aralin 6.4 Proseso o Pamamaraan ng Paglilimbag 207-213

    Aralin 6.5 Pinaraming Bersyon o Kopya na Pareho 214-218

    ng Tatak na may Maayos at Pantay na

    Proseso ng Paglilimbag

    Aralin 7 Pagtitipon ng mga Inilimbag 219-225

    Aralin 8 Contrast sa mga Inukit na Likhang Sining 226-230

    Aralin 8.1 Pagtatanghal sa mga Obra (Eksibit) 231-236

    Ikatlong Markahang Pagsusulit 237-241

  • 6

    YUNIT 4 3-D AT ISKULTURA 242-302

    Badget ng mga Gawain 244

    Aralin 1 Mga Kagamitan sa Paggawa ng 245-250

    3-Dimensyonal Craft ( Paper Beads)

    Aralin 2 Mga Paraan sa Paggawa ng 3D Crafts 251-256

    (Papier Mache)

    Aralin 3 Mga Gamit ng mga Nagawang 3- Dimensional 257-262

    Craft

    Aralin 4 Kaalaman sa Kulay, Hugis at Balanse 263-268

    sa Paggawa ng Mobile, Paper

    Mache at Papier Beads

    Aralin 5 Paggawa ng mga Likhang-Sining na 269-275

    Tatlong Dimensyonal ( Mobile )

    Aralin 6 Paglikha ng Disenyo sa Paggawa 276-281

    ng mga Likhang-Sining na 3- Dimensional

    Aralin 7 Paggawa ng Papier-Mache Jar 282-288

    Aralin 8 Paggawa ng Paper Beads 289-295

    Panapos na Pagsusulit 296-298

    Ika-apat na Markahang Pagsusulit 299-302

    Talasanggunian 303-305

    Mga May-Akda 306

  • 7

  • 8

    LESSON EXEMPLAR

    GRADE 5 FIRST QUARTER

    WRITERS: ANGELENE L. REYES GIOVANNI C. PETALIO CYNTHIA D. DELA CRUZ

    CUENCA DISTRICT MALVAR DISTRICT BALAYAN EAST DISTRICT

    MATTHEW V. LUNDAG CRESENCIANA A. PEREZ

    NASUGBU EAST DISTRICT TAYSAN DISTRICT

    ARTS

  • 9

    BADYET NG MGA GAWAIN SA ARTS

    UNANG MARKAHAN

    PAMANTAYAN SA PAGKATUTO BILANG NG LINGGO

    DAMI NG ARAW

    CODE

    Nakikilala ang mga pangyayari, kaugalian at kultura na impluwensiya ng mga mananakop sa ating bansa sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan 1 1 A5EL-Ia

    Naibibigay ang ilusyon ng lalim at layo upang gayahin an gang 3D na larawan gamit ang pamamaraang cross hatching at shading sa pagguhit ( lumang pamamaraan ng paggawa ng palayok, banga, at mga instrumentong pangmusika) 1 1 A5EL-Ib

    Naipapakita, nailalarawan at natutukoy ang iba’t ibang arkitektural na disenyo na nakikita sa pamayanang kultural tulad ng bahay kubo, bahay, na Torogan, bahay na bato at iba pa 1 1 A5EL-Ic

    Napagtatanto na an gating kapuluan ay may angkop na lokasyon na naging dahilan upang maging bahagi tayo ng maunlad na sinaunang kalakalan 1 1 A5EL-Id

    Napapahalagahan ang mga artifacts o sinaunag kagamitan, tahanan, kasuotan, wika at pamumuhay-gamit, pagkain, palayok at mga kasangkapang may impluwensiyang kanluran 1 1 A5EL-Ie

    Nakalilikha ng ilusyon ng espasyo sa tatlong dimensyong guhit ng mga mahahalagang archaeological artifacts na makikita sa aklat, museo (Pambansang Museo), at mga sangay nito sa Pilipinas, lumang gusali o simbahan sa ating pamayanan o komunidad 1 1 A5EL-If

    Nakagagawa ng myural at nakaguguhit ng mga sinaunang bahay, simnbahan o gusali ng kanyang komunidad o pamayanan 1 1 A5EL-Ig

    Nakikibahagi sa payak na eksibit ng mga labi o relikya ng lumang tahanan ng bansa at pagtukoy sa mga ito sa pamamagitan ng larawang iginuhit 1 1 A5EL-Ih

    Nakapagkukuwento tungkol sa sariling pamayanan sa pamamagitan ng sariling likhang-sining 1 1 A5EL-Ij

  • 10

    YUNIT 1: Pagguhit

    ARALIN BILANG 1: Pagdiriwang ng Pistang Pilipino

    Buod ng Aralin:

    I. Layunin

    A. Natutukoy ang mga pangyayari, kaugalian at kultura na impluwensya ng

    mga mananakop na dumating sa ating bansa sa pamamagitan ng

    pakikipagkalakalan (A5EL-Ia)

    B. Naiguguhit ang isang masayang karanasan na kakikitaan ng kaugalian at

    kulturang may impluwensya ng mananakop

    C. Napapahalagahan ang mga tradisyon at kultura gaya ng pagdiriwang ng

    pista sa pamamagitan ng isang eksibit

    Art History

    Art Production

    Art Criticism

    Art Appreciation

    Makulay ang

    kulturang Pilipino.

    Pinatunayan ito

    sa paraan ng

    pagdiriwang ng

    pista sa iba’t

    ibang bahagi ng

    ating bansa na

    isinasagawa sa

    ating lalawigan ng

    Batangas na

    impluwensya ng

    mga mananakop

    na dumating dito

    noong panahon

    ng kanilang

    pakikipagkalakan.

    Naiguguhit ang

    isang

    masayang

    karanasan na

    kakikitaan ng

    kaugalian at

    kulturang may

    impluwensya

    ng mga

    mananakop

    Nasusuri ang

    gamit ng linya at

    hugis sa iginuhit

    na tradisyon

    tulad ng

    pagdiriwang ng

    pista na

    impluwensya ng

    mga

    mananakop.

    Napapahalagahan

    ang iba’t ibang

    tradisyon gaya ng

    pagdiriwang ng

    pista na

    impluwensya ng

    mga mananakop

    sa pamamagitan

    ng gawaing

    pansining.

  • 11

    II. Paksang Aralin

    A. Elemento ng Sining : linya, hugis

    B. Prinsipyo ng Sining : Pag-uulit ng linya, ritmo, balance

    C.Kagamitan : lapis, anumang uri ng pangguhit at pangkulay, bond paper

    o anumang malinis na papel.

    D.Sanggunian : Sining sa Araw-araw 5, www.ph.images.com

    E.Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga tradisyon at kultura

    III.Pamamaraan

    A.Panimulang Gawain

    1.Balik-aral

    Sino sino ang mga mananakop na dumating sa ating bansa?

    (Isa-isahin ang mga pangalan)

    Paano tayo nakipagkalakalan sa kanila?

    2.Pagganyak

    May kabutihan bang naidulot ang pagdating ng mga mananakop sa

    ating bansa? Bakit?

    Anong impluwensya ang kanilang naiambag sa paraan ng ating

    pamumuhay at kaugalian?

    B. Panlinang na Gawain

    1.Paglalahad

    Naging mas makulay ang kultura ng mga Pilipino dahil sa

    impluwensya ng mga mananakop na dumating at nakipagkalakalan

    sa ating mga ninuno. Ilan dito ay ang pagmamano, paggalang

    sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda at pagiging relihiyoso.

    Naimpluwensyahan rin ang uri ng pananamit, awitin at sayaw.

    Naging kultura rin natin ang magarbong paghahanda tuwing may

    pista at paglalagay ng mga palamuti tulad ng banderitas na lalo

    pang nagpapatingkad ng mga pagdiriwang. Ang mga palamuting

    http://www.ph.images.com/

  • 12

    ginagamit nila ay nagpapakita ng pagkamasining nating mga

    Pilipino.

    (Pagpapakita ng larawan ng mga pagdiriwang ng pista o

    festival sa probinsiya ng Batangas tulad ng Parada ng Lechon sa

    Balayan, Batangas, Calacatchara Festival ng Calaca, Kambingan

    Festival ng Tuy at iba pang makukulay na pagdiriwang.)

    Parada ng Lechon sa Balayan at Calacatchara ng Calaca

    Pagtatanong sa mga bata ng tradisyon at kultura na umiiral sa

    kanilang lugar sa pagdaraos ng pista.

    2.Gawaing Pansining

    Ang mga bata ay guguhit ng mga halimbawa ng tradisyon na

    impluwensya ng mga mananakop gaya ng pagdiriwang ng pista sa

    kani-kanilang lugar.

    (Sumangguni sa LM, Aralin 1.)

    Ipaskil ang natapos na likhang sining

    3.Pagpapalalim sa Pag-unawa

    a.Ano anong mga pangyayari , tradisyon at kultura na impluwensya

    ng mga mananakop ang nabanggit sa ating talakayan?

    b.Ano anong mga linya at guhit ang iyong ginamit sa iyong gawaing

    sining?

  • 13

    C. Pangwakas na Gawain

    1. Paglalahat

    Paano nakatulong ang pagiging makasining ng mga Pilipino

    sa pag- unlad ng tradisyon, kaugalian at kultura ang ating bansa na

    impluwensya ng mga mananakop?

    (Sumangguni sa LM, TANDAAN)

    2. Repleksyon

    Paano ka nakikibahagi sa mga tradisyon tulad ng

    pagdiriwang ng pista na impluwensya ng mga mananakop sa iyong

    lugar?

    Paano pa natin mapapagyaman ang kaugaliang ito?

    IV. Pagtataya

    Suriin ang ginawang likhang-sining at lapatan ng katumbas na

    puntos gamit ang rubrik.

    Mga Sukatan

    Nasunod nang

    wasto ang mga

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    (3)

    Nasunod ang

    mga

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    ngunit may

    kaunting

    pagkukulang

    (2)

    Hindi nasunod

    ang

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    (1)

    1. Natukoy ang mga

    tradisyon gaya ng

    pagdiriwang ng pista na

    impluwensya ng mga

    mananakop sa ating

    bansa.

  • 14

    2. Nakaguhit ng

    halimbawa ng tradisyon

    gaya ng pagdiriwang ng

    pista na nagpapakita

    ng impluwensya ng mga

    mananakop sa ating

    bansa.

    3. Nakasunod nang

    tama sa mga hakbang

    sa pagguhit.

    4.Naipakita ang

    kawilihan sa

    pamamagitan ng

    pagguhit ng sariling

    likhang sining.

    V. Takdang Gawain/Kasunduan

    Magtala ng iba pang mga kaugalian at kultura na impluwensya

    sa atin ng mga mananakop at ibahagi sa talakayan bukas.

    Magdala ng mga sumusunod na mga kagamitan:

    Bond paper, lapis, kagamitang pangkulay

    YUNIT 1: Pagguhit

    ARALIN BILANG 1: Pagdiriwang ng Pistang Pilipino

    Ang ating bansa ay mayaman sa tradisyon, kaugalian at kultura na

    impluwensya ng mga mananakop. Nakipagkalakalan sila sa ating mga

    ninuno. Ang pakikipagkalakalang ito ay hudyat rin ng pagbabago sa

  • 15

    paraan ng pamumuhay at kaugalian ng ating mga ninuno.

    Naimpluwensyahan rin ang uri ng pananamit, awitin at sayaw. Naging

    kultura rin natin ang magarbong paghahanda tuwing may pista at

    paglalagay ng mga palamuti tulad ng banderitas na lalo pang

    nagpapatingkad ng mga pagdiriwang. Ang mga palamuting ginagamit nila

    ay nagpapakita ng pagkamasining nating mga Pilipino.

    Parada ng Lechon sa Balayan at Calacatchara ng Calaca

    Pagdiriwang ng Pistang Pilipino

    Kagamitan : lapis, kagamitang pangkulay, o anumang uri ng pangguhit

    at bond paper o anumang malinis na papel.

    Hakbang sa Paggawa:

    1. Kumuha ng bond paper o anumang malinis na papel. Pumili ng uri ng

    pagdiriwang ng pista na napag-aralan o isinasagawa sa inyong lugar.

    2. Iguhit ang napiling pagdiriwang sa bond paper o anumang malinis na

    papel gamit ang lapis.

  • 16

    3. Kulayan at sundan ng kagamitang pangkulay o craypas ang iginuhit na

    pagdiriwang.

    4. Ipakita ang balance sa pag gamit ng kulay, linya at hugis.

    5. Ipaskil ang iyong iginuhit at humanda sa pagpapahalaga gamit ang rubrik.

    Likas na mahusay ang mga Pilipino sa larangan ng sining.

    Mayaman din sa tradisyon, kaugalian at kultura ang ating bansa na

    impluwensya ng mga mananakop. Bunga nito, higit na napaunlad ang

    ating kasaysayan at nakilala ang ating bansa saanmang sulok ng mundo.

    Suriin ang ginawang likhang-sining at bigyan ng katumbas na

    puntos gamit ang rubrik.

    Mga Sukatan

    Nasunod

    nang wasto

    ang mga

    pamantayan

    sa pagbuo ng

    likhang-sining

    (3)

    Nasunod ang

    mga

    pamantayan

    sa pagbuo ng

    likhang-sining

    ngunit may

    kaunting

    pagkukulang

    (2)

    Hindi nasunod

    ang

    pamantayan

    sa pagbuo ng

    likhang-sining

    (1)

    1. Natukoy ang mga

    tradisyon gaya ng

    pagdiriwang ng pista

    na impluwensya ng

    mga mananakop sa

  • 17

    ating bansa.

    2. Nakaguhit ng

    halimbawa ng

    tradisyon gaya ng

    pagdiriwang ng pista

    na nagpapakita ng

    impluwensya ng mga

    mananakop sa ating

    bansa.

    3. Nakasunod nang

    tama sa mga

    hakbang sa pagguhit.

    4.Naipakita ang

    kawilihan sa

    pamamagitan ng

    pagguhit ng sariling

    likhang sining.

  • 18

    YUNIT 1: PAGGUHIT

    ARALIN BILANG 2: Cross Hatching at Shading sa Iginuhit na Larawan

    ng Banga

    Buod ng Aralin

    Art

    History

    Art

    Production

    Art

    Criticism

    Art

    Appreciation

    Ang banga ay isa

    sa mga

    pangunahing

    kagamitan ng

    ating mga

    ninuno.

    Mahalaga ang

    ginampanan ng

    mga ito sa

    pagtuklas ng

    mga bakas at

    paghubog ng

    kultura at sining

    ng bansa. Bakas

    ang katalinuhan

    at

    pagkamalikhain

    ng ating mga

    kababayan sa

    San Juan,

    Batangas na

    nagpakita ng

    kahusayan sa

    paggawa ng

    banga.

    Naisasalarawan

    ang isang 3-D

    na bagay gamit

    ang

    pamamaraang

    cross hatching

    at shading na

    nakapagbibigay

    ng ilusyon sa

    pagguhit.

    Nasusuri ang

    mga uri ng

    linya at

    pamamaraang

    paulit-ulit sa

    nilikhang

    sining gamit

    ang

    pamamaraang

    cross hatching

    at shading.

    Nabibigyang-

    halaga ang mga

    sinaunang

    bagay gaya ng

    banga bilang

    bahagi ng

    kasaysayan na

    nagpapakita ng

    pagkamalikhain

    ng ating mga

    ninuno.

  • 19

    I. Layunin

    A.Naisasalarawan ang isang 3-D na bagay gamit ang pamamaraang cross

    hatching at shading na nakapagbibigay ng ilusyon sa pagguhit.

    B.Nakagagawang ilusyon ng lalim at layo sa pagsasalarawan ng isang 3D

    na bagay gamit ang pamamaraang cross hatching at shading sa pagguhit

    (lumang pamamaraan ng paggawa ng palayok, bangka, banga at mga

    instrumentong pangmusika). (A5EL-Ib)

    C.Napapahalagahan ang mga sinaunang bagay gaya ng banga bilang

    bahagi ng kasaysayan na nagpapakita ng pagkamalikhain ng ating mga

    ninuno.

    II. Paksang Aralin

    A.Elemento ng Sining:Linya, hugis

    B.Prinsipyo ng Sining : Paulit-ulit ng linya

    C.Kagamitan : Lapis, charcoal, bond paper o anumang malinis na papel,

    banga

    D.Sanggunian : Music, Art and P.E. 5, pp.112-115

    E.Pagpapahalaga: Kahalagahan ng mga sinaunang bagay

    III. Pamamaraan:

    A.Panimulang Gawain

    1.Balik-aral

    Sino sa inyo ang nakadalo na isang pistahan?

    Papaano ipinagdiriwang ang pista sa inyong bayan?

    (Ipaliwanag na ito ay isa sa mayamang tradisyon na may

    impluwensyang kanluranin.)

    2.Pagganyak

    Magpakita ng iba’t ibang larawan ng mga banga

  • 20

    Halimbawa ng mga banga na ginamit ng mga ninuno

    Itanong:

    Anong larawan ito? Ano ang masasabi ninyo sa mga banga

    sa larawan?

    Sa paanong paraan nagiging bahagi ng kasaysayan ng ating

    bansa ang sining ng pagbabanga?

    B.Panlinang na Gawain

    1.Paglalahad

    Ang banga ay isa sa mga pangunahing kagamitan ng mga

    sinaunang Pilipino. Ito ay ginamit ng ating mga ninuno bilang

    imbakan ng tubig at pagkain. Ginamit din ng ating mga ninuno ang

    banga bilang lagayan mga labi ng mga taong yumao. Iba-iba ang

    hugis, laki, lapad at disenyo ng mga ito.

    Kasabay ng pag-unlad ng ating pamumuhay, ang mga

    pamamaraan at disenyo sa pag-gawa ng banga (pottery) ay umuunlad

    din. Dito nakilala ang bayan ng San Juan, Batangas sa mahusay na

    paggawa ng mga banga na may iba’t- ibang makabagong disenyo at

    hugis. Kasalukuyan, ang mga ito ay may malaking ambag sa

    pagtalunton sa makulay na kasaysayan at mayamang sining ng bansa.

    Pag-aralan nating iguhit ang isang banga sa 3-dimensional

    na pamamaraan.

    Gagawin natin itong makatotohanan sa pamamagitan ng

    ilusyon ng kapal, lalim, testura at distansya na maipapakita natin

  • 21

    gamit ang cross hatching at shading sa pagguhit.

    Tignan ang halimbawa ng cross hatching at shading sa

    larawan.

    Larawang ginamitan ng cross hatching at shading

    2.Gawaing Pansining

    a.Pagsasalarawan ng isang banga gamit ang pamamaraang cross

    hatching at shading.

    Maaring gumamit ng lapis o uling sa pagguhit.

    b.Ibigay ang mga pamantayang pangkaligtasan bago gawin ang

    likhang sining.

    (Sumangguni sa LM, Gawin )

    3.Pagpapalalim sa Pag-unawa

    Anong mga pamamaraan sa pagguhit ang ginamit mo sa

    pagsasalarawan ng banga?

    Sa paanong paraan mo na gamit ang linya at hugis upang

    isalarawan ang bagay na iyong ginuhit?

    Maari bang makalikha ng ilusyon ng testura, kapal at distansya

    gamit ang linya? Ipaliwanag.

    C.Pangwakas na Gawain

    1.Paglalahat

    Anong kaisipan ang natutunan ninyo sa ating aralin ngayon?

    2.Repleksyon

    Bakit dapat pahalagahan ang mga sinaunang kagamitan na

  • 22

    nagpapakita ng pagakamalikhain ng ating mga ninuno?

    Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga sinaunang bagay

    na ito?

    IV. Pagtataya

    Sukatin ang antas ng iyong kakayahan gamit ang kaukulang puntos sa

    rubrik na nasa ibaba.

    PAMANTAYAN

    Nakasunod

    sa

    pamantayan

    nang higit sa

    inaasahan

    (3)

    Nakasunod sa

    pamantayan

    subalit may

    ilang

    pagkukulang

    (2)

    Hindi

    nakasunod

    sa

    pamantayan

    (1)

    1. Naisalarawan ang

    isang banga na

    may ilusyon ng

    lalim, layo, kapal,

    at distansya ng

    maayos.

    2. Nagamit ang

    pamamaraang

    cross hatching at

    shading sa aking

    likhang sining.

    3. Nagamit ang iba’t

    ibang uri ng linya

    ng wasto maging

    ang prinsipyo ng

    paguuli-ulit sa

    aking likhang

    sining.

  • 23

    4. Naipamalas ang

    pagpapahalaga sa

    mga sinaunang

    bagay na may

    ginampanan sa

    kasaysayan ng

    sining sa ating

    bansa.

    V. Takdang Gawain/Kasunduan

    Subukang iguhit ang larawan ng bote sa isang bond paper. Gamitin

    ang paraang cross hatching at shading upang maging mas

    makatotohanang pagmasdan ang iyong likhang sining.

    Magdala ng mga sumusunod na mga kagamitan para sa ating

    susunod na gawain: Lapis, gamit pangkulay, lumang karton, lumang

    kalendaryo na maari pang guhitan.

    YUNIT 1: PAGGUHIT

    ARALIN BILANG 2: Cross Hatching at Shading sa Iginuhit na

    Larawan ng Banga

    Isa sa mga pangunahing kagamitan ng mga sinaunang

    Pilipino ay ang mga banga. Ginamit nila ito sa iba’t-ibang pamamaraan.

    Ginamit ng mga ninuno natin ang mga banga bilang imbakan ng tubig at

    pagkain. Ito rin ay ginamit bilang sisidlan ng labi ng mga taong yumao.

    Iba-iba ang hugis, laki, lapad at disenyo ng mga ito.

    Sa ating gawaing pansining, isa sa larawan natin ang isang

    banga – isang uri ng bagay na 3D. Gagawin natin itong makatotohanan sa

    pamamagitan cross hatching at shading sa pagguhit.

  • 24

    Ang cross hatching ay isang pamamaraang pansining na kung

    saan ginagamitan ng linya bilang “hatch”. Ang linya ng “hatch” ay may ibat

    ibang pagkakaayos at di inat ang pinagpatong-patong ng mga linyang ito

    ay lumilikha ng krus kaya ito ay tinawag na “cross hatching”.

    Sa pamamagitan ng cross hatching, maaring makagawa

    ng ilusyon ng lawak, laki, taas at distansya dahil sa iba’t-ibang density at

    contour ng linya.

    Tignan ang halimbawa ng cross hatching at shading sa

    larawan.

    Larawang ginamitan ng cross hatching at shading

    Pagsasalarawan ng isang banga gamit ang

    pamamaraang cross hatching at shading.

    Maaring gumamit ng lapis o uling sa pagguhit.

    Kagamitan: lapis, bond paper o anumang malinis na papel

    Hakbang sa Paggawa

    1.Kumuha ng lapis, bond paper o anumang malinis na papel na maaring

    guhitan. Tingnan ang banga na ipapakita ng guro

    2. Matama itong masdan at iguhit ito sa inyong papel.

    3. Gamitin ang pamamaraang cross hatching at shading.

  • 25

    4. Maghanda para sapagpapahalaga at pagpapaliwanag ng iyong ginawang

    likhang sining.

    Ang cross hatching at shading ay mga pamamaraan sa

    pagguhit na nakapagbibigay ng ilusyon ng lalim, layo, distansya at

    kapal.

    Sukatin ang antas ng iyong kakayahan gamit ang kaukulang

    puntos sa rubrik na nasa ibaba.

    PAMANTAYAN

    Nakasunod

    sa

    pamantayan

    nang higit sa

    inaasahan

    (3)

    Nakasunod sa

    pamantayan

    subalit may

    ilang

    pagkukulang

    (2)

    Hindi

    nakasunod

    sa

    pamantayan

    (1)

    1. Naisalarawan

    ang isang banga

    na may ilusyon

    ng lalim, layo,

    kapal, at

    distansya ng

    maayos.

  • 26

    .

    2. Nagamit ang

    pamamaraang

    cross hatching at

    shading sa aking

    likhang sining.

    3. Nagamit ang

    iba’t ibang uri ng

    linya ng wasto

    maging ang

    prinsipyo ng

    paguuli-ulit sa

    aking likhang

    sining.

    4. Naipamalas ang

    pagpapahalaga sa

    mga sinaunang

    bagay na may

    ginampanan sa

    kasaysayan ng

    sining sa ating

    bansa.

  • 27

    YUNIT 1: Pagguhit

    ARALIN BILANG 3: Arkitektural na Disenyo sa mga Pamayanang

    Kultural

    Buod ng Aralin

    Art

    History

    Art

    Production Art Criticism Art Appreciation

    Ang mga

    disenyong

    arkitektural ay

    nagpapakita ng

    mayamang

    imahinasyon at

    pagkamalikhain

    ng iba’t ibang

    pamayanang

    kultural sa bansa.

    Isa na rito ang

    mga lumang

    bahay sa Taal,

    Batangas. Ito ay

    sumasalamin sa

    kagalingan ng

    mga Sinaunang

    Pilipino sa

    iba’tibang

    larangan ng

    Sining.

    Nakaguguhit ng

    larawan sa

    isang bookmark

    ng ibat ibang

    arkitektural na

    disenyo na

    nakikita sa

    pamayanang

    kultural tulad ng

    bahay kubo,

    Bahay

    naTorogan,

    bahay na bato,

    atbp

    Nasusuri ang

    linya at hugis

    na ginamit sa

    iginuhit na

    arkitektural na

    disenyo sa

    isang

    bookmark.

    Napahahalagahan

    ang mga

    disenyong

    arkitektural na

    makikita sa iba’t-

    ibang

    pamayanang

    kultural.

  • 28

    I. Layunin

    A.Naipapakita, nailalarawan at natutukoy ang ibat - ibang arkitektural na

    disenyo na nakikita sa pamayanang kultural tulad ng bahay kubo, bahay

    na torogan, bahay na bato,simbahan, carcel, atbp. (A5EL-1C)

    B.Nakaguguhit ng larawan sa isang bookmark ng ibat ibang arkitektural na

    disenyo na makikita sa pamayanang kultural tulad ng bahay kubo, bahay

    na torogan, bahay na bato, simbahan, carcel, atbp

    C.Napapahalagahan ang mga sinaunang bagay gaya ng banga bilang

    bahagi ng kasaysayan na nagpapakita ng pagkamalikhain ng ating mga

    ninuno.

    II. Paksang Aralin

    A.Elemento ng Sining: Linya, hugis

    B.Prinsipyo ng Sining: Paulit-ulit na linya at ritmo

    C.Kagamitan: Lapis, gamit pangkulay, marker, pahabang piraso ng karton,

    yarn

    D.Sanggunian: Music, Art and P.E. 5, pp.116-121, www.ph.images.com,

    101 Filipino Icons by Bench

    E.Pagpapahalaga:Naipagmamalaki ang pagiging malikhain ng ating

    mga ninuno

    III. Pamamaraan

    A.Panimulang Gawain

    1.Balik-aral

    Anong pamamaraan sa pagguhit ang maaring gamitin upang mabigyan

    ng ilusyon ng lalim, layo, distansya at kapal ang bagay na iguguhit?

    2.Pagganyak:

    Magpakita ng iba’t ibang larawan ng bahay mula sa iba’t- ibang panig

    ng lalawigan ng Batangas.

    http://www.ph.images.com/

  • 29

    Mga lumang bahay sa Batangas

    B.Panlinang na Gawain

    1.Paglalahad

    Isa sa mga pamana ng sining sa ating bansa na may

    maliking ginampanan sa ating kasaysayan ay ang mga masining na

    disenyong arkitrektural mula sa ating pamayanang kultural. Sa

    kasalukuyan, ang mga disenyong ito ay ginagawang basehan ng

    mga arkitekto upang makagawa ng disenyong ginagamit sa mga

    bahay, simbahan at iba’tibang gusali.

    Ipinakita ng iba’t ibang disenyong arkitektural na halos

    magkakatulad ang paggamit ng dibuho, kulay at linya ng disenyo ng

    pamayanang kultural sa disenyo ng makabagong panahon. Ang

    katangiang pagkamalikhain ay hindi nawala bagkus ay lalo pang

    pinagyaman para sa lalo pang ikagaganda ng mga disenyong atin

    nang nakagisnan.

    Tingnan ang mga arkitektural na disenyo ng mga

    pamayanang kultural sa ibaba.

  • 30

    Halimbawa ng pamayanang kultural

    2.Gawaing Pansining

    a.Paggawa ng bookmark gamit ang mga arkitektural na disenyo na

    makikita sa pamayanang kultural sa bansa.

    b. Pag-alala sa pamantayan sa paggawa at pagtutulungan

    (Ipagawa sa mga bata ang nasa LM, GAWIN )

    3.Pagpapalalim sa Pag-unawa

    Anu- ano ang masasabi ninyo sa mga disenyong arkitektural ng

    mga pamayanang kultural? Ipaliwanag.

    Makikita pa rin ba ang mga disenyong arkitektural na ito sa mga

    disenyong ginagamit sa modernong arkitekto ngayon? Magbigay ng

    halimbawa.

    Dapat bang ipagmalaki ang mga disenyong arkitektural na ito?

    Bakit?

    C.Pangwakas na Gawain

    1.Paglalahat:

    Anong kaisipan ang natutunan ninyo sa ating aralin ngayon?

    2.Repleksyon

    Bakit dapat pahalagahan ang mga disenyo ng arkitektural na

  • 31

    makikita sa pamayanang kultural?

    Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga disenyong

    arkitektural na ito?

    IV. Pagtataya

    Sukatin ang antas ng iyong kakayahan gamit ang kaukulang puntos

    sa rubrik na nasa ibaba.

    PAMANTAYAN

    Nakasunod sa

    pamantayan

    nang higit sa

    inaasahan

    (3)

    Nakasunod sa

    pamantayan

    subalit

    may ilang

    pagkukulang

    (2)

    Hindi

    nakasunod

    sa

    pamantayan

    (1)

    1. Nakaguhit sa

    bookmark gamit

    ang mga disenyong

    arkitektural mula sa

    pamayanang

    kultural.

    2. Nagamit ang mga

    linya at hugis sa

    ginawang bookmark.

    3. Naipamalas ang

    pagpapahalaga sa

    mga disenyong

    arkitektural mula

    sa mga

    pamayanang

    kultural.

  • 32

    4.Nasunod nang

    wasto ang mga

    hakbang sa paggawa

    ng likhang sining.

    V.Takdang Gawain/Kasunduan

    Magsaliksik ng iba pang disenyong arkitektural ng mga

    pamayanang kultural na makikita sa ating bansa. Iguhit ito sa isang pirasong

    papel.

    YUNIT 1: Pagguhit

    ARALIN BILANG 3: Arkitektural na Disenyo sa mga Pamayanang

    Kultural

    Ang mga pamayanang kultural sa ating bansa ay tunay na malikhain at

    may angking kagalingan pagdating sa Sining. Isa sa mga patunay ng

    kalinangang ito ang mga disenyong arkitektural na makikita sa mga pamayanang

    ito. Kung susuriin ang mga bahay kubo, bahay na bato sa Vigan, Torogan House

    ng mga Maranao at mga bahay na bato sa Batanes, makikita ang samu’t saring

    disenyo at arkitektural na disenyo ng mga ito.Makikita rin natin ito sa ibang panig

    ng lalawigan ng Batangas.

    Makikita sa iba’t ibang disenyong arkitektural na may kanya- kanyang

    konsepto ng sining ang mga pamayanang kultural na ito sa paggamit ng dibuho,

    kulay at linya ng disenyo sa kanilang arkitekto. Ang mga disenyong ito ay

    ginagawang basehan ng mga arkitekto upang makagawa ng makabagong

    disenyo ng mga bahay, simbahan at iba’t- ibang gusali. Hindi nawala ang mga

    disenyong ito bagkus ay lalo pang pinagyaman para sa lalo pang ikagaganda ng

    mga disenyong atin nang nakagisnan.

    Tignan ang halimbawa ng mga disenyong arkitektural ng mga

  • 33

    pamayanang kultural.

    Halimbawa ng pamayanang kultural

    Pagguhit sa isang bookmark gamit ang mga disenyong

    arkitektural mula sa mga pamayanang kultural

    Kagamitan: lapis, karton, mga kagamitang pangkulay, yarn, marker,

    gunting

    Hakbang sa Paggawa:

    1. Kumuha ng lapis, karton, mga kagamitang pangkulay, yarn, marker,

    gunting

    2. Gupitin ang karton ng hugis parihaba.

    3. Gamit ang mga disenyong arkitektural ng mga pamayanang

    kultural, guhitan at lagyan ng disenyo ang bookmark.

    4. Kulayan ang inyong ginawang disenyo.

    5. Butasan ang karton at talian.

  • 34

    Ang disenyong arkitektural sa pamayanang kultural ay

    nagpapakita ng mayamang kasaysayan at pagkamalikhain ng mga

    Pilipino. Ito ay dapat na ipagmalaki at pahalagahan nating mga

    Pilipino.

    Sukatin ang antas ng iyong kakayahan gamit ang kaukulang

    puntos sa rubrik na nasa ibaba.

    PAMANTAYAN

    Nakasunod sa

    pamantayan

    nang higit sa

    inaasahan

    (3)

    Nakasunod sa

    pamantayan

    subalit

    may ilang

    pagkukulang

    (2)

    Hindi

    nakasunod

    sa

    pamantayan

    (1)

    1. Nakaguhit sa

    bookmark gamit

    ang mga disenyong

    arkitektural mula sa

    pamayanang

    kultural.

    2. Nagamit ang mga

    linya at hugis sa

    ginawang bookmark.

  • 35

    3. Naipamalas ang

    pagpapahalaga sa

    mga disenyong

    arkitektural mula

    sa mga

    pamayanang

    kultural.

    4.Nasunod nang

    wasto ang mga

    hakbang sa paggawa

    ng likhang sining.

  • 36

    YUNIT 1: Pagguhit

    ARALIN BILANG 4: Pagguhit ng mga Produkto na

    Ginamit sa Kalakalan

    Buod ng Aralin:

    Art History

    Art Production

    Art Criticism

    Art Appreciation

    Sa pagtuklas ng

    kasaysayan ng

    bansa, ang ating

    kapuluan ay may

    angkop na

    lokasyon upang

    makipagkalakalan

    sa mga dayuhan

    ang ating mga

    ninuno.

    Naiguguhit ang

    mga produkto na

    ginamit ng ating

    mga ninuno sa

    pakikipagkalakalan.

    Nasusuri ang

    ginawang

    likhang sining

    batay sa guhit,

    hugis at

    espasyo nito.

    Napapahalagahan

    ang mga pangyayari

    noon na ang ating

    kapuluan ay may

    angkop na lokasyon

    sa

    pakikipagkalakalan.

    I. Layunin

    A.Nalalalaman na ang ating kapuluan ay may angkop na lokasyon na naging

    dahilan upang maging bahagi tayo ng maunlad na kalakalan. (A5PL-Id)

    B.Naiguguhit ang mga sinaunang bagay na ginamit sa pakikipagkalakan ng ating

    mga ninuno.

    C.Nasasabi ang kahalagahan na ang ating bansa ay may angkop na lokasyon

    sa pakikipagkalakalan.

    II. Paksang Aralin

    Elemento ng Sining : Espasyo

    Kagamitan : Lapis, malinis na papel, pambura, kagamitang pangkulay (oil

    pastel, water color), pentel pen, pandikit, manila paper

    Sanggunian: https://aqdegamon.wordpress.com/2010/01/12/ ugnayan-ng- mga-

    sinaunang-pilipino-at-mga-dayuhan/

    https://aqdegamon.wordpress.com/2010/01/12/%20ugnayan-ng-%20mga-sinaunang-pilipino-at-mga-dayuhan/

  • 37

    III.Pamamaraan

    A.Panimulang Gawain

    1. Pagganyak

    Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon upang magbenta o

    magtinda, ano ang iyong ititinda? Bakit?

    Saan mo itatayo ang iyong tindahan? Bakit na mahalaga na itayo

    ito sa magandang lokasyon o lugar?

    Ibahagi sa klase ang iyong opinyon ukol dito.

    B.Panlinang na Gawain

    1.Paglalahad

    Kumuha ng mapa o globo. Ituro dito ang ating bansa. Tukuyin at

    talakayin ang lokasyon nito.

    Ang ating bansa ay napapaligiran ng yamang-tubig, dahil dito

    maraming manlalakbay at mga dayuhan ang nakipagkalakalan sa ating

    mga ninuno.

    Maganda ang lokasyon ng ating bansa kaya maraming mga

    dayuhan ang pumunta dito upang ipagpalit ang kanilang produkto.

    Ipinagpalit ng mga Tsino ang kanilang produkto tulad ng lata, porselana,

    bakal, karayom, seda at tingga sa ating mga produkto tulad ng bulak,

    ginto, perlas, sibuyas, banig at kakaw.

    Barter ang tawag sa kalakalan noong unang panahon.

    (Pananaliksik ukol sa iba pang mga produkto na ginamit ng ating

    mga ninuno sa pakikipagkalakan)

    (Pananaliksik ukol sa iba pang mga produkto na ginamit ng mga

    dayuhan sa pakikipagkalakalan)

    2.Gawaing Pansining

    Ibigay muna ang pamantayang pangkaligtasan bago gawin ang

    likhang sining.

    Product Art Display

    (Pagguhit ng mga Produkto na Ginamit sa Pakikipagkalakalan)

  • 38

    a.Produkto ng ating mga Ninuno – Iguguhit ng mga mag-aaral

    na lalake

    b.Produkto ng mga Dayuhan – Iguguhit ng mga mag-aaral na

    babae

    (Sumangguni sa LM, GAWIN)

    3. Pagpapalalim sa Pag-unawa

    1.Saan ang lokasyon ng ating bansa? Anu-ano ang mga bansa na malapit

    dito?

    2. Anong yaman ang nakapaligid dito?

    3. Ano-ano ang mga produkto na ginamit ng ating mga ninuno sa

    pakikipagkalakalan sa mga dayuhan?

    4. Ano-ano ang mga produkto na ginamit ng mga dayuhan sa

    pakikipagkalakalan sa ating mga ninuno?

    C.Pangwakas na Gawain

    1. Paglalahat

    Bakit mahalaga ang lokasyon sa pakikipagkalakalan?

    Sa gawaing pansining, ano ano ang mga dapat isaalang-alang sa

    pagguhit ng mga produkto na ginamit ng ating mga ninuno sa

    pakikipagkalakalan? (laki, lapad at kapal ng isang bagay)

    2.Repleksyon

    Batay sa iyong nalaman ukol sa pakikipagkalakan ng ating mga ninuno

    sa mga dayuhan, ano ang magandang naidulot nito sa ating kultura at

    sining?

    Paano magiging maunlad ang isang bansa sa pamamagitan ng

    pakikipagkalakalan?

    Paano napapabuti ang relasyon ng dalawang bansa sa

    pamamagitan ng pakikipagkalakalan?

    IV.Pagtataya

    Suriin ang ginawang likhang-sining at lapatan ng kaakibat na

    puntos gamit ang rubrik.

  • 39

    Mga Sukatan

    Nakasunod

    sa

    pamantayan

    nang higit sa

    inaasahan

    (3)

    Nakasunod sa

    pampantayan

    subalit may

    ilang

    pagkukulang

    (2)

    Hindi

    nakasunod

    sa

    pamantayan

    (1)

    1.Naisa-isa ang mga

    produkto ng ating mga

    ninuno at ng mga

    dayuhan sa

    pakikipagkalakalan.

    2. Nasabi ang

    kahalagahan na angkop

    lokasyon ng ating bansa sa

    pakikipagkalakalan.

    3. Nakasunod nang tama

    sa mga hakbang sa

    pagguhit ng mga

    produktong ginamit sa

    pakikipagkalakalan sa

    pagitan ng ating mga

    ninuno at dayuhan.

    1. 4. Nakaguhit b ng mga

    produktong ginamit sa

    pakikipagkalakalan noong

    unang panahon.

    2. 5. Nailigpit ang mga

    kagamitang ginamit sa

    pagbuo ng likhang sining.

  • 40

    V.Takdang Gawain/Kasunduan

    Magsaliksik ng isang produktong ginamit ng ating mga ninuno sa

    pakikipagkalakan at isang produkto na ginamit ng mga dayuhan sa

    pakikipagkalakalan. Iguhit ang mga ito sa isang malinis na papel.

    YUNIT 1: Pagguhit

    ARALIN BILANG 4: Pagguhit ng mga Produkto na

    Ginamit sa Kalakalan

    Batay sa kasaysayan, angkop na lokasyon ang ating bansa sa

    larangan ng pakikipagkalakan. Iba’t –ibang mga produkto ang ginamit ng ating

    ninuno sa pakikipagkalakalan. Maraming dayuhan ang nakipagkalakalan sa atin

    dahil na rin sa magandang lokasyon ng ating bansa.

    Barter ang tawag sa kalakalan o pagpapalitan ng produkto noong

    unang panahon.

    “Product Art Display”

    Kagamitan: Lapis, malinis na papel, pambura, pangkulay (oil

    pastel, water color), pentel pen, lumang photo frame

    Mga Hakbang sa Paggawa:

    1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit.

    2. Para sa mga mag-aaral na lalake, gumuhit ng 3 produkto na

    ginamit ng ating mga ninuno sa pakikipagkalakalan. Para sa mga mag-

    aaral na babae, gumuhit naman ng 3 produkto na ginamit naman ng mga

    dayuhan sa pakikipagkalakan.

    3. Iguhit ang mga ito gamit ang kagamitang pangkulay o oil pastels.

    4. Kulayan ito nang maayos upang maging maganda at kaakit akit.

  • 41

    5. Idikit ito sa manila paper na makikita sa dingding ng inyong silid-

    aralan.

    6. Iligpit ang mga gamit pagkatapos ng gawain.

    Mahalaga ang angkop na lokasyon upang mapadali ang

    pakikipagkalakalan.

    Suriin ang ginawang likhang-sining at lapatan ng kaakibat na

    puntos gamit ang rubrik

    Mga Sukatan

    Nakasunod sa

    pamantayan

    nang higit sa

    inaasahan

    (3)

    Nakasunod sa

    pampantayan

    subalit may

    ilang

    pagkukulang

    (2)

    Hindi

    nakasunod

    sa

    pamantayan

    (1)

    1.Naisa-isa ang mga produkto

    ng ating mga ninuno at ng

    mga dayuhan sa

    pakikipagkalakalan.

    2. Nasabi ang kahalagahan

    na angkop lokasyon ng ating

    bansa sa pakikipagkalakalan.

    3. Nakasunod nang tama sa

    mga hakbang sa pagguhit ng

    mga produktong ginamit sa

    pakikipagkalakalan sa pagitan

    ng ating mga ninuno at

  • 42

    dayuhan.

    3. 4. Nakaguhit b ng mga

    produktong ginamit sa

    pakikipagkalakalan noong

    unang panahon.

    4. 5. Nailigpit ang mga

    kagamitang ginamit sa

    pagbuo ng likhang sining.

  • 43

    YUNIT 1 : Pagguhit

    ARALIN BILANG 5 : Mga Sinaunang Kagamitan o Kasangkapan

    Buod ng Aralin:

    Art History Art Production Art Criticism Art Appreciation

    Matatagpuan sa

    iba’t- ibang panig

    ng Pilipinas ang

    iba’t- ibang

    artifacts o

    sinaunang

    kagamitan,

    tahanan,

    kasuotan, pagkain

    at mga

    kasangkapan na

    ginamit ng ating

    mga ninuno.

    Kabilang dito ang

    gilingang bato,

    plantsang de uling

    na ginamit ng mga

    Batangueňo. Ang

    mga artifacts na

    ito ay

    sumasalamin sa

    uri ng kanilang

    pamumuhay at

    konsepto ng sining

    na mayroon sila

    noon.

    Nakaguguhit ng

    mga artifacts o

    sinaunang

    kagamitan na

    naging bahagi ng

    kulturang Pilipino

    Nasusuri ang

    elemento ng

    sining na ginamit

    sa iginuhit na

    mga artifacts o

    sinaunang

    kagamitan na

    naging bahagi ng

    kulturang

    Pilipino.

    Napapahalagahan

    ang mga artifacts o

    sinaunang

    kagamitan at mga

    kasangkapan sa

    pamamagitan ng

    paglikha ng sariling

    obra.

  • 44

    I. Layunin:

    A.Nakikilala ang mga artifacts o sinaunang kagamitan/kasangkapan na

    matatagpuan sa ating bansa/pamayanan

    B.Nakaguguhit ng mga sinaunang kagamitan/kasangkapan na

    ginagamitan ng iba’tibang elemento ng sining

    C.Napapahalagahan ang mga artifacts o sinaunang kagamitan/

    kasangkapan sa paglikha ng sariling obra (A5PL- Ie)

    II. PaksangAralin

    A.Elemento ng Sining : Espasyo, Linya, Hugis, Kulay at Disenyo

    B.Kagamitan : mga larawan ng mga sinaunang kagamitan/

    kasangkapan,kasuotan,lumang simbahan/paaralan, lapis,

    malinis na papel, kagamitan sa pagkukulay, recycled na

    picture frame

    C.Sanggunian : Sining saAraw-Araw p. 106

    Umawit at Gumuhit, T.M. p. 109-110

    Umawit at Gumuhit, p/ 149-15, www.google.com.ph

    III. Pamamaraan

    A.Panimulang Gawain

    1.Balik-aral

    Anu-ano ang mga halimbawa ng archeological artifacts na matatagpuan

    sa ating bansa? Saan ito kadalasang makikita?

    2.Pagganyak

    Pagmasdang mabuti ang mga larawang aking ipapakita.

    Ano ang napapansin ninyo sa mga larawang ito?

    (Magpapakita ang guro ng larawan ng mga sinaunang gusali tulad ng

    simbahan at paaralan, mga sinaunang kagamitan , kasuotan atbp.

  • 45

    Mga sinaunang gusali

    Mga sinaunang kagamitan

    Mga sinaunang kasuotan

    Saan ito karaniwang matatagpuan?

    B.Panlinang na Gawain

    1.Paglalahad

    Matatagpuan sa ating bansa ang mga artifacts o mga sinaunang

    kagamitan at kasangkapan gayundin ang mga kasuotan, pagkain,

    lumang, simbahan, paaralan at marami pang iba na may

    impluwensya ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa.

    Nagpapapakilala ito ng uri ng pamumuhay mayroon ang ating mga

    ninuno noon. Ang mga artifacts na ito ay patuloy nating iniingatan at

  • 46

    inaalagaan dahil ito ay bahagi ng ating kabihasnan at pagkakakilanlan

    ( Muling pagtuunan ng pansin ang mga larawang ipinaskil)

    2. Gawaing Pansining

    a.Pagbibigay ng mga pamantayan/panuntunang pangkaligtasan

    b.Pagguhit sa napiling artifacts

    (Sumanggunisa LM, GAWIN)

    3.Pagpapalalim sa Pag-unawa

    Anu –ano ang mga artifacts na nabanggit sa ating talakayan?

    Ano ang ipinababatid at kahalagahan ng mga ito sa atin?

    C.Pangwakas na Gawain

    1.Paglalahat

    Ano ang natutuhan mo sa ating aralin ngayon?

    Paano mo ito pinahahalagahan?

    2.Repleksyon

    Paano mo maipagmamalaki ang mga artifacts?

    Mahalaga ba ito sa ating mga Pilipino? Bakit?

    IV. Pagtataya

    Sukatin ang antas ng iyong kakayahan gamit ang kaukulang puntos

    sa rubrik na nasa ibaba.

    Mga Sukatan

    Higit na

    nasusunod ang

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    (3)

    Nasunod ang

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    (2)

    Hindi nasunod

    ang

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    (1)

    1.Nakilala ang mga

    artifacts na

    matatagpuan sa

    ating bansa/

    pamayanan.

    2. Naipakita ang

  • 47

    kawilihan sa pagguhit

    ng napiling obra.

    3. Nakalikha ng

    likhang sining gamit

    ang kaalamang

    natutuhan sa iba’t-

    ibang elemento ng

    sining.

    4.Naipakita ang

    kahalagahan ng mga

    artifacts sa

    pamamagitan ng

    natapos na obra.

    5.Nakasunod nang

    tama sa mga

    hakbang sa paggawa

    at pagguhit ng

    likhang sining.

    V.Takdang Gawain

    Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng mga sinaunang kagamitan at

    kasangkapan at iguhit ito sa isang malinis na papel.

    Yunit I: Pagguhit

    AralinBilang 5: Mga Sinaunang Kagamitan/Kasangkapan

    Maraming mga artifacts o sinaunang kagamitan, tahanan, kasuotan

    at kasangkapanang matatagpuan sa ating bansa. Ito ay mahalagang

    pamana sa atin ng ating mga ninuno. Sinasalamin nito ang uri ng

    pamumuhay, ugali, at paniniwala ng mga sinaunang Pilipino. Kabilang

  • 48

    dito ang gilingang bato, plantsang de uling na ginamit ng mga

    Batangueno. Dahil dito, higit na naging makasaysayan ang ating kultura at

    nagkaroon tayo ng pagmamalasakit sa ating pinagmulan.Nararapat na

    ating pangalagaan at panatilihin ang mga pamanang ito sa atin upang

    patuloy itong mapakinabangan ng ating mga susunod pang salinlahi.

    (Pagguhit ng Sinaunang Kagamitan)

    Kagamitan: lapis, malinis na papel, oil pastel, kagamitang pangkulay,

    water color at brush,recycled na picture frame

    Mga Hakbang sa paggawa:

    1.Ihanda ang mga kagamitan sa paggawa

    2.Isipin ang larawan ng sinaunang kagamitan na iguguhit.

    3.Iguhit ito sa isang malinis na papel.

    4.Kulayan ang iginuhit na obra.

    5.Ilagay ito sa isang recycled na picture frame.

    6.Isabit sa dingding ng silid-aralan ang natapos na likhang-sining para sa

    munting eksibit.

    Bahagi ng ating naunang kabihasnan ang mga artifacts.

    Ipinapaalala nito sa atin ang mayamang kultura ng ating lahi at ang

    mataas na antas sa sining ng mga sinaunang Pilipino. Dapat nating

    pangalagaan at ipagmalaki ang mga ito sa pamamagitan ng paggawa ng

    obra upang higit na makilala ang husay at galing ng mga Pilipino at

    malinang ang ating pambansang pagkakakilanlan.

    Sukatin ang antas ng iyong kakayahan gamit ang kaukulang

  • 49

    puntos sa rubrik na nasa ibaba.

    Mga Sukatan

    Higit na

    nasusunod ang

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    (3)

    Nasunod ang

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    (2)

    Hindi nasunod

    ang

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    (1)

    1.Nakilala ang mga

    artifacts na

    matatagpuan sa

    ating bansa/

    pamayanan.

    2. Naipakita ang

    kawilihan sa pagguhit

    ng napiling obra.

    3. Nakalikha ng

    likhang sining gamit

    ang kaalamang

    natutuhan sa iba’t-

    ibang elemento ng

    sining.

    4.Naipakita ang

    kahalagahan ng mga

    artifacts sa

    pamamagitan ng

    natapos na obra.

    5.Nakasunod nang

    tama sa mga

    hakbang sa paggawa

    at pagguhit ng

    likhang sining.

  • 50

    YUNIT 1: Pagguhit

    ARALIN BILANG 6 : Pagguhit ng mga Archaeological

    Artifacts ng Bansa

    Buod ng Aralin

    Art History Art Production Art Criticism Art Appreciation

    Sa pagtuklas ng

    kasaysayan ng

    bansa,

    malaki ang

    naiambag

    ng mga

    archaeological

    artifacts na

    nahukay

    sa iba’t-ibang

    panig ng

    bansa. Ang mga

    nahukay na mga

    banga

    at iba pang

    kagamitan

    ay sumasalamin

    sa

    makasaysayang

    kultura ng mga

    Pilipino.

    Nakaguguhit na 3

    dimensyonal na

    larawan ng

    archaeological

    artifacts na

    kakikitaan ng

    ilusyon ng

    espasyo.

    Nasusuri ang

    ginawang likhang

    sining na 3

    dimensyonal na

    larawan batay sa

    guhit, hugis at

    espasyo nito.

    Napapahalagahan

    ang mga

    archaeological

    artifacts ng ating

    pamayanan sa

    pamamagitan ng

    pagguhit at

    pagpapanatili ng

    mga ito.

    I. Layunin

    A.Nakalilikha ng ilusyon ng espasyo sa 3- dimensyonal na guhit ng mga

    mahahalagang archaeological artifacts gaya ng nakikita sa mga aklat,

    museo, (pambansang museo) at mga sangay nito sa Pilipinas.

    lumang gusali o simbahan sa ating pamayanan (A5PR-If)

  • 51

    B.Naisa-isa ang mga mahahalagang archaeological artifacts na makikita

    o matatagpuan sa aklat, museo, lumang gusali o simbahan sa ating

    pamayanan o komunidad.

    C.Nasasabi ang kahalagahan ng mga archaeological artifacts ng ating

    pamayanan sa pamamagitan ng pagguhit at pagpapanatili ng mga ito.

    II. Paksang Aralin

    A.Elemento ng Sining : Espasyo

    B. Kagamitan : Lapis, malinis na papel, pambura, pangkulay, pentel pen,

    lumang photo frame,video presentation/projector/TV/speaker

    C.Sanggunian : www.google.com.ph

    Umawit at Gumuhit 5

    III. Pamamaraan

    A.Panimulang Gawain

    1. Pagganyak

    Sino sa inyo ang nakapunta na sa isang museo?

    Ano ang iyong nakita?

    Ibahagi ang iyong karanasan sa iyong mga kaklase.

    Ibahagi sa klase ang makikita sa isang art o historical museum.

    B.Panlinang na Gawain

    1.Paglalahad

    Sa pamamagitan ng mga nahukay na mga lumang kagamitan gaya

    ng mga banga at iba pang mga bagay ay lalong nabibigyang linaw ang

    naging uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno.

    Narito ang isa sa mga mahahalagang archaeological artifacts na

    matatagpuan sa ating bansa na maaaring makita sa isang museum.

    http://www.google.com.ph/

  • 52

    Manunggul Jar Death Blanket The Golden Tara

    Panunuod ng video presentation tungkol sa mga archaeological

    artifacts na matatagpuan sa bansa.

    Magpalitan ng opinyon tungkol sa mga archaeological artifacts na

    napanuod.

    Isa-isahin ang kahalagahan at ang mga lugar kung saan

    natagpuan ang mga ito.

    Matatagpuan ang mga archaeological artifacts sa mga museo at

    mga lumang gusali o simbahan sa ating pamayanan. Makikita rin sa aklat

    ang larawan ng mga ito.

    Ipakita ang isang likhang sining (archaeological artifacts) na ginuhit

    ang ilusyon ng espasyo sa 3-dimensyonal na guhit.

    Iginuhit na 3-dimensyonal na larawan ang Manunggul Jar ng

    Palawan na kakikitaan ng ilusyon ng espasyo. Sa pagguhit nito,

  • 53

    isinasaalang-alang ang laki, lapad at kapal ng isang bagay upang lalong

    makita ang kagandahan nito at maging ang iba’t ibang anggulo.

    2.Gawaing Pansining

    Ibigay muna ang pamantayang pangkaligtasan bago gawin ang likhang

    sining.

    Photoframe ng Paborito kong Archaeological Artifact

    (Sumangguni sa GAWIN)

    3.Pagpapalalim sa Pag-unawa

    a.Ano ang mga archaeological artifacts?

    b.Saan natin ito maihahalintulad? Paano ito mailalarawan?

    C.Pangwakas na Gawain

    1. Paglalahat

    a.Bakit mahalaga ang mga archaeological artifacts

    Sa ating kultura

    Sa ating sining

    Sa ating lipunan

    b.Ano ano ang mga dapat isaalang-alang upang makagawa ng

    3-dimensyonal na larawan tulad ng pagguhit sa mga archaeological

    artifacts ng ating pamayanan? (laki, lapad at kapal ng isang bagay)

    2. Repleksyon

    Batay sa mga archaeological artifacts na ating tinalakay, ano ang

    masasabi mo sa sining ng ating mga ninuno? Paano kaya natin

    mapananatili ang mga artifacts ng ating bansa o ng ating pamayanan?

    Bakit mahalaga ang mga ito sa ating pagkakakilanlan bilang

    isang Pilipino?

    IV. Pagtataya

    Suriin ang ginawang likhang-sining at lapatan ng kaakibat na

    puntos gamit ang rubrik.

  • 54

    Mga Sukatan

    Nakasunod sa

    pamantayan

    nang higit sa

    inaasahan

    (3)

    Nakasunod sa

    pamantayan

    subalit may

    ilang

    pagkukulang

    (2)

    Hindi

    nakasunod

    sa

    pamantayan

    (1)

    1.Naisa-isa ang mga

    mahahalagang

    archaeological

    artifacts na makikita o

    matatagpuan

    sa aklat, museo,

    lumang gusali o

    simbahan ng ating

    pamayanan

    2. Nasabi ang

    kahalagahan ng mga

    archaeological

    artifacts sa

    aking pamayanan

    3. Nakasunod nang

    tama sa mga

    hakbang sa paggawa

    ng

    3- dimensyonal na

    espasyo sa mga

    mahahalagang

    archaeological

    artifacts ng aking

    pamayanan

    5. 4. Nakaguhit ng 3-

    6. dimensyonal na

    espasyo ng mga

  • 55

    mahahalagang

    archaeological

    artifacts ng

    pamayanan

    7.

    8. 5. Nailigpit ang mga

    9. kagamitang ginamit

    sa pagbuo ng likhang

    sining

    V.Takdang Gawain/Kasunduan

    Gumuhit sa isang malinis na papel ng isang 3-dimensyonal ng espasyo

    ng archaeological artifacts na makikita o matatagpuan sa inyong rehiyon o

    probinsya at kulayan ito. Ibahagi ito sa klase.

    YUNIT 1: Pagguhit

    ARALIN BILANG 6 : Pagguhit ng mga Archaeological Artifacts ng

    Bansa

    Ang mga archaeological artifacts ay ang mga bagay na

    natagpuan o nahukay sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Maituturing na

    sining ang mga ito sapagkat nasasalamin nito ang mayamang kultura ng

    ating mga ninuno. Taglay ng mga ito ang iba’t ibang kulay, laki, hugis at

    disenyo na nagpapakita ng kakanyahan at pagiging malikhain ng mga

    Pilipino. Matatagpuan ang mga artifacts sa mga museo, makikita rin ang

    larawan ng mga ito sa iba’t ibang aklat pangkasaysayan at mga lumang

    gusali o simbahan.

    Sa tulong ng mga nahukay na artifacts, nalalaman natin ang

    sinaunang pamumuhay ng ating mga ninuno. Nagbibigay ito ng

    impormasyon sa ating pinagmulan at kasaysayan.

  • 56

    Photoframe ng Paborito kong Archaeological Artifacts

    Kagamitan: Lapis, malinis na papel, pambura, pangkulay, pentel pen,

    lumang photo frame

    Mga Hakbang sa Paggawa:

    1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit.

    2. Iguhit ang larawan ng iyong paboritong archaeological artifacts na

    tinalakay ninyo sa inyong aralin.

    3. Ipakita ang ilusyon ng espasyo sa 3-dimensyonal gamit ang krayola

    o oil pastel.

    4. Kulayan ito nang maayos upang maging maganda at kaakit akit.

    5. Isulat ang pamagat ng napiling archaeological artifacts.

    6. Ilagay ito sa lumang photo frame.

    7. Iligpit ang mga gamit pagkatapos ng gawain.

    8. Maaari na itong i-display sa sala o kwarto ng inyong bahay.

    Mahalaga ang mga archaeological artifacts sa ating sining sapagkat

    nasasalamin nito ang ating kasaysayan, kabuhayan at paraan ng pamumuhay

    noong unang panahon. Makikita ang mga ito sa mga museo, mga aklat,

    lumang gusali at mga simbahan.

    Suriin ang ginawang likhang-sining at lapatan ng kaakibat na

    puntos gamit ang rubrik.

  • 57

    Mga Sukatan

    Nakasunod sa

    pamantayan

    nang higit sa

    inaasahan

    (3)

    Nakasunod sa

    pamantayan

    subalit may

    ilang

    pagkukulang

    (2)

    Hindi

    nakasunod sa

    pamantayan

    (1)

    1.Naisa-isa ang mga

    mahahalagang

    archaeological

    artifacts na makikita o

    matatagpuan

    sa aklat, museo,

    lumang gusali o

    simbahan ng ating

    pamayanan

    2. Nasabi ang

    kahalagahan

    ng mga archaeological

    artifacts sa

    aking pamayanan

    3. Nakasunod nang

    tama sa mga hakbang

    sa paggawa ng 3-

    dimensyonal na

    espasyo sa mga

    mahahalagang

    archaeological artifacts

    ng aking pamayanan

    4. Nakaguhit ng 3-

    dimensyonal na

    espasyo ng mga

    10. mahahalagang

  • 58

    11. archaeological artifacts

    ng pamayanan

    12. 5. Nailigpit ang mga

    13. kagamitang ginamit sa

    pagbuo ng likhang

    sining

  • 59

    Yunit 1: Pagguhit

    Aralin Bilang 7: Mga Lumang Gusali sa Pamayanan

    Buod ng Aralin:

    Art History

    Art Production

    Art Criticism

    Art Appreciation

    Maraming mga

    sinaunang

    bahay,

    simbahan at

    gusali na

    matatagpuan sa

    iba’t-ibang

    pamayanan.

    Ang mga ito ay

    sumasalamin sa

    mayamang

    kasaysayan ng

    ating bansa.

    Mababakas din

    sa mga gusaling

    ito ang

    kagalingan ng

    mga Pilipino sa

    iba’t-ibang

    larangan ng

    sining sa

    pamamagitan

    ng mga

    disenyong

    ginamit sa mga

    ito.

    Nakaguguhit ng

    mga sinaunang

    bahay,

    simbahan o

    gusali sa

    pamamagitan

    ng isang myural

    Nasusuri ang

    mga ginamit na

    linya at hugis

    sa iginuhit na

    myural ng mga

    sinaunang

    bahay,

    simbahan o

    gusali.

    Napahahalagahan

    ang mga

    sinaunang gusali

    sa ating

    pamayanan sa

    pamamagitan ng

    eksibit

  • 60

    1. BAHAY

    2. MUNISIPYO

    3. OSPITAL

    4. PAARALAN

    5. PLAZA

    6. SIMBAHAN

    7. TEATRO

    I. Layunin:

    A.Nakagagawa ng myural at nakaguguhit ng mga sinaunang bahay,

    simbahan o gusali sa sariling komunidad o pamayanan. (A5PR-Ig)

    B.Natutukoy ang mga sinaunang bahay, simbahan o gusali na matatagpuan

    sa inyong komunidad o pamayanan.

    C.Napapahalagahan ang mga sinaunang gusali sa sariling lugar sa

    pamamagitan ng isang eksibit.

    II. PaksangAralin

    A. Elemento ng Sining : Espasyo, Linya, at Hugis

    B.Kagamitan: Mga larawan ng mga sinaunang gusali, lapis, malinis na

    papel, oil pastel, kagamitang pangkulay, manila paper at

    tape.

    C. Sanggunian : xiaochua.net,en.wikipedia.org ,www.pinoyadventurista.com,

    wikimapia.org, ivanhenares.com, www.flickr.com

    III. Pamamaraan

    A.Panimulang Gawain

    1.Balik-aral

    Ano- anong mga mahahalagang archeological artifacts ang makikita sa

    ating bansa. Bakit ito naging mahalaga?

    2.Pagganyak - Laro -Pagsagot ng Word Hunt

    P P P N M H W O S P

    X A N L F X I S I I

    S X A B A B H P M T

    I K P R A Z T I B R

    K U H H A D A T A D

    M K A I D L S A H D

    X Y G F N T A L A G

    T E A T R O Y N N J

    M U N I S I P Y O Y

    L H Z S S W I T S C

    http://www.pinoyadventurista.com/http://www.flickr.com/

  • 61

    B.Panlinang na Gawain

    1.Paglalahad

    Mga Lumang Gusali sa Pamayanan

    Kasabay ng pagdaloy ng kasaysayan, kasama ng nagbabago

    ang mga disenyo at pagkakayari ng iba’t ibang gusali sa ating bansa.

    Makikita ito sa mga lumang bahay, simbahan, munisipyo, ospital,

    tahanang pampamahalaan at iba pang pampublikong gusali. Dahil sa

    kagandahan at disenyo ng mga gusaling ito,dinarayo sa iba’t ibang

    bayan ang mga lumang gusali.

    Ang mga lumang gusali ay patunay ng napakayaman ng

    kultura at kasaysayan ng ating bansa. Dahil dito, sinisikap ng ating

    pamahalaan na mapanatili at maingatan ang mga lumang gusali sa

    iba’t ibang dako ng bansa. Noong Marso 26, 2010, naipasa ang

    National Cultural Heritage Act of 2009 (NCHA) na nagtatakda ng mga

    batas at polisiya tungkol sa pagpapanatili at pag-iingat ng mga

    Cultural Heritage sa bansa kabilang na ang mga lumang bahay at

    gusali. Nilalayon ng batas na itong maingatan at mapanatili ang

    kaanyuan at Historical value ng mga gusali na may may Cultural

    Heritage sa pamamaraang nakasasabay sa pagbabagong nagaganap

    sa ating kapaligiran. Ganito pinahahalagahan ng pamahalaan ang

    mga makasaysayang gusali na makikita sa ating bansa.

    Mga halimbawa ng mga lumang gusali sa bansa

  • 62

    Ilan sa mga lumang gusali at simbahan

    (Magpakita ng larawan base sa kung anong lumang gusaling makikita

    sa sariling komunidad)

    a. Paaralan

    b. Simbahan

    c. Hospital

    d. Munisipyo

    e. Palengke

    f. Bahay

    g. Plasa

    h. Unibersidad

    2.Gawaing Pansining

    a. Pagbibigay ng pamantayang pangkaligtasan

    b. Pagsasagawa ng myural ng lumang gusali na makikita sa sariling

    pamayanan.

    (Ipaliwanag kung ano ang myural)

    (Sumangguni sa LM, GAWIN)

  • 63

    3.Pagpapalalim sa Pag-unawa

    a.Ano ano ang mga lumang gusali na matatagpuan sa inyong

    pamayanan?

    b.Ano ang katangian ng mga lumang gusalingi to?

    c.Ihalintulad ang mga lumang gusali at makabagong gusali sa ating

    pamayanan. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito?

    d.Alin sa mga lumang gusali ang iyong nagustuhan? Bakit?

    e.Ano ang kahalagahan ng mga lumang gusali sa ating pamayanan at

    kasaysayan?

    C.Pangwakas na Gawain

    1. Paglalahat

    Ano ang natutuhan ninyo sa ating aralin sa araw na ito?

    (Sumangguni sa LM, TANDAAN)

    2.Repleksyon

    Itanong:

    Ngayong naunawaan ninyo ang kahalagahan ng mga lumang

    gusali sa paghubog ng ating kasaysayan at sining, paano mo ipapakita

    ang pagpapahalaga sa mga lumang gusali sa ating pamayanan?

    IV.Pagtataya

    Sukatin ang iyong kakayahan gamit ang rubrik sa ibaba.

    Mga Sukatan

    Higit na

    nasusunod ang

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    (3)

    Nasunod ang

    pamantayan

    sa pagbuo ng

    likhang-sining

    (2)

    Hindi nasunod

    ang pamantayan

    sa pagbuo ng

    likhang-sining

    (1)

    1. Natukoy ang

    mga lumang gusali

    sa aking

    pamayanan.

    2. Nasabi ang

    pagkakaiba ng mga

    lumang gusali sa

  • 64

    mga bagong gusali.

    3. Naiguhit ang

    mga lumang gusali

    sa aking

    pamayanan sa

    pamamagitan ng

    paggawa ng

    myural.

    4.Nagamit nang

    tama ang mga linya

    at hugis sa aking

    iginuhit na lumang

    gusali.

    5.Nasunod nang

    tama ang mga

    hakbang sa

    paggawa ng myural

    at pagguhit ng mga

    lumang gusali ng

    aking pamayanan.

    IV. Takdang Gawain/Kasunduan

    Magsaliksik ng mga bahay na matatagpuan sa inyong pamayanan. Iguhit ito

    sa isang bond paper at magsulat ng tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa

    gusaling inyong iginuhit.

    Yunit 1: Pagguhit

    Aralin Bilang 7: Mga Lumang Gusali sa Pamayanan

  • 65

    Isa sa patunay ng kayamanan ng ating kultura at kasaysayan ay

    ang mga lumang gusali sa ating bansa. Sa iba’t ibang mga bayan,

    makikita ang mga lumang gusaling ito sa mga simbahan, paaralan, bahay

    at iba pa. Makikita sa mga gusaling ito ang mga katangi-tanging disenyo

    at arkitektura na siyang patunay ng galing at husay ng mga Pilipino

    pagdating sa larangan ng sining. Ang mga lumang gusaling ito ay may

    napakahalagang ginampanan sa paghubog ng kasaysayan ng ating bansa

    kung kaya’t hanggang ngayon ay iniingatan at pinapanatili ng pamahalaan

    ang mga lumang gusaling ito.

    Paggawa ng Myural ng Lumang Gusali sa Sariling Pamayanan

    Kagamitan: lapis, papel,manila paper, kagamitang pangkulay

    Mga Hakbang sa paggawa ng myural:

    1.Ihanda ang mga kagamitan sa paggawa ng myural ng inyong napiling

    lumang gusali.

    2.Idikit ang isang Manila paper sa isang pader at siguraduhing maayos

    itong nakalapat.

    3.Iguhit ang napiling lumang gusali sa Manila paper at kulayan ito.

    4.Matapos ang pagguhit, magtakda ng isang art curator upang magbahagi

    ng kaalaman base sa inyong nilikhang myural.

    5.Iligpit ang mga ginamit at siguraduhing malinis ang inyong pinaggawaan

    ng likhang sining.

    Ang mga lumang gusali ay may mahalagang ginampanan sa

    paghubog ng kasaysayan at sining ng ating bansa. Ito ay nagsisilbing

    katunayan ng mayamang kultura at malikhaing kaisipan ng mga Pilipino.

    Dapat ay pahalagahan at pangalagaan ang mga ito sapagkat ito ay

    nagsisilbing pambansang pagkakakilanlan.

  • 66

    Sukatin ang iyong kakayahan gamit ang rubrik sa ibaba.

    Mga Sukatan

    Higit na

    nasusunod ang

    pamantayan sa

    pagbuo ng

    likhang-sining

    (3)

    Nasunod ang

    pamantayan

    sa pagbuo ng

    likhang-sining

    (2)

    Hindi nasunod

    ang pamantayan

    sa pagbuo ng

    likhang-sining

    (1)

    1. Natukoy ang

    mga lumang gusali

    sa aking

    pamayanan.

    2. Nasabi ang

    pagkakaiba ng mga

    lumang gusali sa

    mga bagong gusali.

    3. Naiguhit ang

    mga lumang gusali

    sa aking

    pamayanan sa

    pamamagitan ng

    paggawa ng

    myural.

    4.Nagamit nang

    tama ang mga linya

    at hugis sa aking

    iginuhit na lumang

    gusali.

    5.Nasunod nang

    tama ang mga

  • 67

    hakbang sa

    paggawa ng myural

    at pagguhit ng mga

    lumang gusali ng

    aking pamayanan.

  • 68

    YUNIT 1: Pagguhit

    ARALIN BILANG 8: Pakikibahagi sa Payak na Eksibit

    Buod ng Aralin:

    Art History Art Production Art Criticism Art Appreciation

    Mayaman ang

    ating bansa sa mga

    sinaunang mga

    bagay tulad ng mga

    kagamitan,

    kasuotan, pagkain

    at mga gusali tulad

    ng sinaunang mga

    bahay, simbahan,

    paaralan at iba

    pang gusali na

    matatagpuan sa

    ating pamayanan.

    Nakikibahagi sa

    payak na eksibit

    ng mga iginuhit

    tungkol sa

    Philippine

    Artifacts at mga

    lumang tahanan.

    Nasusuri ang

    mga larawang

    iginuhit kung

    naaayon sa

    pamantayan ng

    mga Philippine

    Artifacts at mga

    lumang

    tahanan.

    Napapahalagahan

    ang sariling

    likhang-sining sa

    pamamagitan ng

    eksibit.

    I. Layunin:

    A.Nakikibahagi sa payak na eksibit ng mga larawang iginuhit tungkol sa

    Philippine Artifacts at lumang tahanan (A5PR-Ih)

    B.Nakapagkukuwento tungkol sa kaniyang pamayanan sa pamamagitan ng

    kanyang likhang sining (A5PR-Ij)

    C.Napapahalagahan ang mga sinaunang gusali at kasangkapan sa inyong

    lugar sa pamamagitan ng eksibit

    II. Paksang Aralin

    A.Elemento ng Sining : Pagguhit

    B.Kagamitan: mesa, lapis, malinis na bond paper o puting kartolina,

    mga kagamitan pangkulay, pentel pen,pandikit

  • 69

    C.Sanggunian: Sining sa Araw-Araw p. 106

    Umawit at Gumuhit, T.M. p. 109-110

    Umawit at Gumuhit, p. 149-151

    www.mariaronabeltran.com, www.flickr.com

    D.Pagpapahalaga: Kahalagahan ng pakikiisa at pakikibahagi sa anumang

    gawain sa Sining

    III.Pamamaraan

    A.Panimulang Gawain

    1.Balik-Aral

    Ano ano ang mga lumang kagamitan, at gusali ang makikita sa inyong

    pamayanan?

    2.Pangganyak

    Hanapin sa puzzle ang mga sinaunang kagamitan.

    Q W R T Y P A L A Y O K D

    X C V B N L M A S D F G H

    S A F G T A P A Y A N D F

    W A S D F N H J K L N G R

    E R Y U J T G V N M K L E

    A S D L U S O N G F R G H

    W E T R F A C V B N W Q D

    G I L I N G A N G B A T O

    palayok gilingang bato

    tapayan lusong

    Magkuwento o magbahagi ng ilang kaalaman tungkol dito.

    (Bahala na ang gurong pumili ng nais niyang larawan)

    plantsa

    http://www.mariaronabeltran.com/http://www.flickr.com/

  • 70

    B.Panlinang na Gawain

    1.Paglalahad

    (Magpapakita ang guro ng lumang larawan ng mga kagamitan

    at gusaling matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa)

    Ang mga lumang kagamitan at mga gusaling nasa larawan na

    ating ipinagmamalaki at pinahahalagahan ay bahagi ng sining at

    kulturang Pilipino. Tulad ng lumang bahay ni Jose Rizal sa Calamba,

    Laguna, ang simbahan ng lumang bayan sa Nasugbu, Batangas na

    yari sa koral na bato na itinayo noong panahon ng mga Kastila.

    Kabilang sa lumang kagamitan ng ating mga ninuno ang plantsa na

    yari sa bakal, gilingan na yari sa bato, mga sandok na yari sa kahoy,

    palayok at banga na minolde sa luwad, habihan ng damit na nililok sa

    kahoy, uyayi o duyan na yari sa uway.

    Mga Lumang Kagamitan

    Bahay ni Jose Rizal sa Calamba,

    Laguna

    Simbahan ng Lumangbayan , Nasugbu,

    Batangas

  • 71

    2.Gawaing Pansining

    a.Gumuhit ng lumang bahay o lumang kagamitang napili para sa

    gagawing eksibit. Magbahagi ng ilang kuwento tungkol sa ginawang

    obra.

    b.Ipaliwanag ang panuntunan sa pagguhit at paalaala sa panuntunang

    pangkaligtasan upang higit na maging kaaya- aya ang gagagwing

    eksibit.

    (Gawing Gabay ang rubrik sa pagguhit) 3.Pagpapalalim sa Pag-unawa

    a.Ano ano ang mga pamantayan sa pagguhit ang dapat sundin upang

    maging maganda at kaaya-aya ang inyong mga likhang sining?

    b.Paano ang wastong pagguhit, pagkulay at paggamit ng elemento

    at balance?

    c.Mahalaga bang mapili at magustuhan ng mga makakakita ang

    iyong likhang sining na ilalahok sa eksibit ? Bakit?

    C. Pangwakas na Gawain

    1. Paglalahat

    Paano ninyo nagawang higit na kaaya-aya ang inyong mga

    likhang sining?

    Bilang isang mag- aaral ano ang maaaring maitulong sa

    paghubog ng inyong kakayahan sa isinasagawang eksibit ng mga

    gawain o proyekto?

    Mahalaga ba ito? Bakit?

    2.Repleksyon

    Itanong:

    Paano mo maipagmamalaki at mapahahalagahan ang

    pagguhit o ang iyong mga likhang sining na ilalahok sa eksibit?

    Dapat ba itong pagyamanin? Bakit?

  • 72

    IV.Pagtataya

    Bigyan ng kaukulang marka ang mga mag-aaral batay sa pagsunod sa

    mga pamantayan sa paggawa at paggamit ng rubrik.

    Orihinalidad -----------------------------------------25%

    Pagguhit at pagkulay -------------------------------25%

    Kaayusan at kalinisan ng pagkakagawa --------25%

    Pagkakabuo ----------------------------------------25%

    Kabuuan ---------------------------------100%

    V.Takdang Gawain/Kasunduan

    Sikaping higit na mapaunlad ang pagguhit o paggawa ng mga likhang

    sining at laging lumahok sa mga gagawing eksibit sa paaralan o sa inyong

    pamayanan.

    YUNIT 1: Pagguhit

    ARALIN BILANG 8: Pakikibahagi sa Payak na Eksibit

    Ang eksibit ay isang paraan upang higit na mabigyang kulay at lalong

    mapasigla ang isang pagdiriwang o patimpalak. Malayang naipakikita dito ang

    angking kakayahan ng bawat tao sa alinmang larangan tulad ng mga likhang

    sining o obra, mga proyektong nagpapakita ng yaman ng ating kultura tulad ng

    paglililok, at ito’y malayang nakapaghahatid ng dagdag kaalaman at

    impormasyon sa mga nakakakita.

    Pagguhit / Poster Making

  • 73

    Kagamitan: lapis, bond paper o kartolina, marker, pandikit at mga

    kagamitang pangkulay

    Mga Hakbang sa paggawa:

    1. Kumuha ng isang malinis na bond paper o puting kartolina.

    2. Pumili ng isang lumang kagamitan o lumang bahay na inyong iguguhit.

    3. Iguhit ang napiling disenyo.

    4. Kulayan ang inyong iginuhit gamit ang kagamitang pangkulay, water color o

    oil pastel upang higit na maging kaakit–akit ang inyong likhang-sining.

    5. Panatilihing malinis at maayos ang inyong mga likhang-sining.

    6. Pagkatapos isabit sa paskilan ang inyong mga ginawa.

    Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain at pagkamasining. Ito ay

    minana natin sa ating mga ninuno. Sa ilang mga salinlahi ay makikita ang

    mga masining na likha tulad ng paggawa ng mga lumang bahay at mga

    lumang kagamitan, paglililok at pagguhit.

    Naipakikita ang pagmamahal sa ating kultura sa pamamagitan ng

    pagguhit. Dahil dito, naibabahagi natin sa mga sumusunod na henerasyon

    ang kagandahan at kahalagahan ng mga lumang gusali o bahay at mga

    kasangkapan na bahagi ng ating kultura..

    Dapat nating pangalagaan ang mga ito at ipagmalaki upang malinang

    ang ating pambansang pagkakakilanlan.

  • 74

    Iguhit ang masayang mukha sa angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

    Mga Sukatan

    Napakahusay

    (3)

    Mahusay

    (2)

    Hindi

    gaanong

    mahusay

    (1)

    1. Napapahalagahan

    ang sariling likhang-

    sining sa pamamagitan

    ng eksibit.

    2. Nasunod ang mga

    pamantayan sa pagguhit

    at pagkulay.

    3.Naipakita ang

    kahusayan sa paggawa

    ng elemento at balanse

    4. Nakapagkuwento

    tungkol sa aking

    pamayanan sa

    pamamagitan ng aking

    likhang sining,

    5.Nasabi ang

    kahalagahan ng mga

    lumang gusali.

    6.Nakatapos sa takdang

    oras.

  • 75

    PANIMULANG PAGSUSULIT

    ARTS 5

    TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

    Learning Competencies

    Level of Assessment

    No

    . o

    f D

    ay

    s

    % o

    f T

    ime

    Kn

    ow

    led

    ge

    15%

    Pro

    ce

    ss

    25%

    Un

    de

    rsta

    nd

    ing

    30%

    Pe

    rfo

    rman

    ce

    30%

    No

    . o

    f It

    em

    s

    Ite

    m P

    lac

    em

    en

    t

    1.Pagtukoy sa mga pangyayari,

    kaugalian at kultura na

    impluwensya ng mga

    mananakop na dumating sa

    ating bansa sa pamamagitan ng

    pakikipagkalakalan 2 1 12.5% 2 1-2

    2.Paggawa ng ilusyon ng lalim at

    layo sa pagsasalarawan ng isang

    3-D na bagay gamit ang

    pamamaraang cross hatching at

    shading sa pagguhit (lumang

    pamamaraan ng paggawa ng

    palayok, bangka, banga at mga

    instrumentong pangmusika). 1 1 1

    12.5% 2 7,12

    3.Pagpakita, paglalarawan at

    pagtukoy ng iba’t ibang

    arkitektural na disenyo na

    nakikita sa pamayanang kultural

    tulad ng bahay kubo, bahay na

    torogan, bahay na

    bato,simbahan, carcel, atbp. 2 1 12.5% 2 8,9

    4.Pagkilala sa ating kapuluan

    na may angkop na lokasyon na 1 1 1 12.5% 2 10,14

  • 76

    naging dahilan upang maging

    bahagi tayo ng maunlad na

    kalakalan.

    5.Pagpapahalaga sa mga

    artifacts o sinaunang

    kagamitan/kasangkapan sa

    paglikha ng sariling obra 1 1 1 12.5% 2 3-4

    6.Paglikha ng ilusyon ng espasyo

    sa 3- dimensyonal na guhit ng

    mga mahahalagang

    archaeological artifacts gaya ng

    nakikita sa mga aklat, museo,

    (pambansang museo) at mga

    sangay nito sa Pilipinas.

    (lumang gusali o simbahan sa

    ating pamayanan) 1 1 1 12.5% 2 11,15

    7.Paggawa ng myural at

    pagguhit ng mga sinaunang

    bahay, simbahan o gusali sa

    sariling komunidad o

    pamayanan. 1 1 1 12.5% 2 5-6

    8.Pakikibahagi sa payak na

    eksibit ng mga larawang iginuhit

    tungkol sa Philippine Artifacts at

    lumang tahanan.

    Pagkukuwento tungkol sa

    pamayanan sa pamamagitan ng

    likhang-sining 1 1 12.5% 1 13

    KABUUAN 6 3 3 3 8 100% 15

  • 77

    PANIMULANG PAGSUSULIT

    ARTS - 5

    Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng

    wastong sagot.

    1. Makulay at masayang ipinagdiriwang ang parade ng litson bilang parangal sa

    patron ng bayan. Mayroong parada ng litson at musikong umiikot sa buong

    bayan. Saang bayan sa Batangas ginaganap ang nasabing selebrasyon?

    A. Calaca B. Rosario

    C.Balayan D. Taal

    2. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan sa pista ng kanilang bayan kung saan

    ineksibit ang mga produktong gamit ang papaya. Pinasigla ito ng makulay at

    masayang street dance bilang ba