26
“Si Andoy, ang Palakaibigan” ni M.C. M. Caraan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 cHAP2 lESSON 2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

“Si Andoy, ang Palakaibigan”

ni M.C. M. Caraan

Araw ng Sabado, maagang nagising si Andoy. Ito ang araw na pinakahihintay niya dahil makakapaglaro siya ng matagal.

Matapos niyang mag-almusal at maligo, lumabas na siya ng bahay at nakipaglaro sa kanyang mga kaibigan.

Ipinakilala kay Andoy si Gab. Si Gab ay anak ng kaibigan ng nanay ni Andoy.

Matatagalan pa ang pag-uusap ng kanilang mga ina kaya niyaya ni Andoy na maglaro si Gab. Ipinakilala rin niya si Gab sa kanyang mga kaibigan.

Habang sila ay naglalaro, may isang malaking mama na lumapit sa kanila. Nagsalita ang mama na may malakas at malaking boses. Napatigil sila sa kanilang paglalaro. Ganito ang naging usapan.

1. Sino-sino ang nakasalamuha ni Andoy ng araw na iyon?

2. Paano niya pinakitunguhan ang panauhin? ang bago niyang kakilala? ang mama na hindi niya kilala?

3. Anong ugali ang ipinakita ni Andoy?

Pag-usapan Natin

Ating Tandaan Kakilala o hindi,

kaibigan o panauhin ay dapat nating

pakitunguhan ng pagiging magiliw.

Kaibiganin natin sila ng may pagtitiwala

at pag-iingat.

Nakatagpo ka na ba ng mga panauhin/bisita, bagong kakilala o mga taga-ibang lugar?

Paano mo sila pinakitunguhan?

Gumawa ng isang diyalogo.

Paano kung … 1. Umalis sandali ang ate mo. Dumating ang bisita niya na kanina pa hinihintay. Ikaw lang ang naiwan sa bahay. Ano ang dapat mong gawin?

Paano kung … 2. May matandang babae na naglalakad sa gitna ng kalsada. Bigla itong nahilo at nabuwal. Walang katao-tao sa lugar kung hindi ikaw. Ano ang dapat mong gawin?

Paano kung … 3. Bagong lipat ang kapitbahay mong si Tin-tin. Nakita niyang ikaw ay nagsasayaw. Tumigil siya sa inyong bahay at pinapanood ka habang nagsasayaw. Paano mo ipakikita ang pagiging magiliw at palakaibigan?

Isulat ang tsek (/) kung tama ang pag-uugali na ikinikilos sa bawat pangungusap at ekis (X) naman kung hindi. Sagutan ito sa inyong papel.

1. Magiliw kong kinakausap ang aming mga panauhin.

2. Kung may bago akong kakilala, iniiwan ko siya sa isang tabi.

3. Kung may bagong tao sa aming lugar, magiliw akong nakikipag-usap sa kanya na may pag-iingat.

4. Tumatago ako sa likod ni nanay kapag mayroon siyang kausap na di ko kakilala.

5. Pinatutuloy ko sa aming bahay ang aming mga bisita.

Pagiging magiliw at mapagtiwala

gawin ng may pag-iingat sa bagong kakilala

Gintong ARAL