Upload
daneela-rose-andoy
View
755
Download
23
Embed Size (px)
Citation preview
ANG ATINGPANITIKANG FILIPINO
Ni Ella Andoy
PANIMULA
Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang-na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugatna titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunodsa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo angsalitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles naliterature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin nalitera na ang kahulugan ay letra o titik.
ANO ANG PANITIKANG FILIPINO?
Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalitao pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sapamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayangniyakap ng mga Pilipino.
MGA URI NG PANITIKAN
1. Panggawaing Panitikan
2. Masining na Panitikan
3. Malikhaing Panitikan
Panggawaing Panitikan
Ang layunin ng panggawaingpanitikan ay mapalaganap angkaalaman sa gayon ang ganitong uring gawain at karunungan.
Masining na Panitikan
Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag namasining na panitikan.
Ang masining na panitikan ay may kambal na layunin:
a. pukawin ang guniguni't gisingin ang damdamin; at
b. magturo o maghikayat,
Malikhaing Panitikan
Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin ang ating guniguni at damdamin nanakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ito binansagang gayon sapagkat:
a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi pangyayaring binigyang-kulay ng isang maalab na damdamin at muling hinubog guniguni ng kumatha.
b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon ang pangitain ukolsa kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng panahon.
c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sagayong paraa’y gisingin sa ating mga puso ang damdaming nag-uudyok dito upang lumikha at maghandog sa mambabasa.
d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulotng isang kagalakang nagtataas sa ating kalagayan sa buhay.
ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARALNG ATING SARILING PANITIKAN
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilangpaniniwala at pag-uugali.
3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikanupang lalong mapayabong.
5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN
Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay
ayon sa hinihingi ng hangarin:
1. Paglalahad - kung nais magpaliwanag.
2. Paglalarawan — kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay, at iba pa.
3. Pagsasalaysay — kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mgapangyayari.
4. Pangangatwiran kung nais magpaniwala, manghikayat, o mag-paganap.
MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYAPI SA PANITIKAN
1. Klima
2. Gawaing Pang-araw-araw
3. Kinatitirahan
4. Lipunan at Pulitika
5. Relihiyon at Edukasyon
DALAWANG ANYO NG PANITIKAN
•Ang panitikan ay may dalawang anyo: Patula at Tuluyan.
PANITIKANG PATULA
Ang panitikang patula ay masining napagsasama-sama ng mga piling kaisipan samga taludtod, may sukat at tugma o malayang taludturan.
PANITIKANG TULUYAN
Ang panitikang tuluyan naman ay gumagamitng payak at direktang paglalahad ng kaisipan at maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sakatutubong takbo ng pangungusap.
MGA URI NG TULA
1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin
2. Tulang Pasalaysay
3. Tulang Patnigan
4. Tulang Pandulaan
Tulang Liriko o Tula ng Damdamin
Ito ay matatawag ding tula ng puso. Nagsasaad ito ng
marubdob na karanasan, guniguni, o damdamin ng may-akda.
1. Dalit – tulang nagbibigay ng parangal saMaykapal.
2. Soneto - tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.
3. Elehiya - ang paksa nito ay ang alaala ng isang namatay, Ito ay isang uri ng panaghoy o panangis,
4. Oda - tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaangnagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.
5. Awit— ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa, kaligayahan, at iba pa.
Tulang PasalaysayIto ay tulang may kuwento at may mga pangunahing tauhang
gumagalaw. Ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma ang paksa nito.
1. Epiko - mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isangbayani sa mga kaaway. Ito ay may mga tagpong kababalaghang hindikapani-paniwala.
2. Awit at Korido - mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mgakilalang tao sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe, at prinsesa. Angawit ay may labindalawang pantig samantalang ang korido ay may wawaluhing pantig.
3. Balad - tulang inaawit habang may sumasayaw
Tulang Patnigan
1. Karagatan - paligsahan sa tula na nilalaro bilang parangal sa isangpatay.
2. Duplo - paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam nagabi sa bakuran ng namatayan matapos mailibing ang patay bilangpang-aliw sa mga naulila nito.
3. Ensileda - isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyamna gabi.
4. Balagtasan —isapang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitanng katwiran sa pamamaraang patula,
Tulang Pandulaan
Ito ay dulang isinusulat nang patulatulad ng moro-moro at komedya.
MGA URI NG TULUYAN
1. Maikling Kuwento
2. Sanaysay
3. Talambuhay
4. Dula
Maikling Kuwento
Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isangpangunahing tauhan sa isang takdang panahon.
Sanaysay
Ito ay naglalahad ng kuru-kuro at pansariling kaisipan ng manunulat hinggilsa anumang paksa.
Mga Uri ng Sanaysay
1. Pormal o maanyo
2. Impormal o personal
Pormal o Maanyo
Seryoso ang tono at nakatuon sa paksa angpaglalahad at lumalayo sa katauhan ng manunulat. Ito ay may malinaw na balangkasat ginagamitan ng maingat na mga salita at mabisang pangungusap.
Impormal o Personal
nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindiseryoso ang pagkakalahad ng paksa. Parang kaswal napakikipag-usap lamang ng awtor sa mambabasa. Ito aytinatawag na malayang sanaysay.
TalambuhayIto ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may-akda o
buhay ng isang tao na isinulat ng iba.
Mga Uri ng Talambuhay
1. Maikli — pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may temabilang pokus sa lahat ng gagamiting mga pangyayari.
2. Mahaba — lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ayisinasama. Ito ay nagsisimula sa kapanganakan ng isang tao, sa kanyangpakikipagsapalaran, at maging hanggang sa kanyang pagpanaw.
Dula
Ang dula ay isang uri ng akda nanaglalarawan ngbuhay o ugali ng mga tao sapamamagitan ng mga usapån o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhanna ginaganap sa isang tanghalan.
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGPAPAKILALA NG KASAYSAYAN AT KALINANGAN NG BANSANG PINANGGALINGAN
1. Banal na kasulatan mula sa Palestina at Gresia
2. Koran mula sa Arabia
3. Uncle Tom’s Cabin mula sa Estados Unidos
4. Noli Me Tangere at El Filibusterismo mula sa Pilipinas
5. Sanlibo’t Isang Gabi mula sa Arabia at Persia
6. Canterbury Tales buhat sa Inglatera
7. Iliad at Odyssey mula sa Gresia
8. El Cid Campedor mula sa Espanya
MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO Panahon Bago Dumating ang mnga Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)
Ibanahon ng mga Kastila (1565-1898)
Panahon ng Propaganda at Himagsikan Laban sa rnga, Kastila (1872-1898)
Panahon ng mga Arnerikano (1899-1941)
Panahon ng Hapones (1942-1945)
Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946)
Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)
Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986)
Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986)
Panahon Bago Dumating ang mnga Kastila (Bago mag ika-16 nasiglo)
Pagaling-bibig/ Pasalin Dila lamang angpanitikan sa panahong ito at may impluwensiyangkaisipang Malayo-lndonesyo, Ang panitikan ng panahong ito ay nasa anyo ng alamat, kuwentong-bayan, kantahing-bayan, epiko, at mgakarunungang-bayan.
Ibanahon ng mga Kastila (1565-1898)
Naging panrelihiyon ang paksa ng panitikan ng panahon ng rnga Kastila, Ang layunin ng panitikansa panahong ito ay ang palaganapin angKristiyanisrno. Karamihan ng mga akda ay isinulatng mga prayle, Ito ay panahon ng panunulat at pagkabaguhan ga kaigipang kanluranin.
Panahon ng Propaganda at Himagsikan Laban sa mga, Kastila (1872-1898)
Naging makabayan at mapanghimagsik angpanitikan sa panahong ito.
Panahon ng mga Amerikano (1899-1941)
Ang panitikang Fil spino ga panahong itoay rnay impluwensya ng kaisipangdemokratiko.
Panahon ng Hapones (1942-1945)
Nakilala sa panahong ito ong malayangtula. Tinularan ng ilang makatang Pilipino angtulang llapon na hoccu o haiku, Pagpapaimbabaw at pagdagsa ng henyongpampanilikan ang nangyari sa panahong ito.
Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946)
Naging masiglang muli ang panitikan sapanahong ito pagkatapos ng liberasyon ng Pilipinas. Maraming manunulat ang nagsisulatsa mga wikang Filipino at Ingles.
Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)
Sa panahong ito'y naging maiinit ang paksa ng panitikan, na kinapalooban ng mga tinig at titik ng protesta o paglaban sa pamahalaan o awtoridad.
Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986)
Sikil ang mga panulat sa panahong ito. Limitado ang mga paksang matatalakay. Angmga manunulat ay hindi malayangmagpahayag ng mga sariling damdamin at kanilang mga kaisipan.
Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986)
Sumigla ang pamamahayag, malaya ang mgamamamahayag at mga mamamayan na tumalakay at tumuligsa sa mga pangyayari sa bayan. Nagsimula ito saisang mapayapang rebolusyon na humantong sa pagsiglang panitikan sa iba't ibang larangan.
Pan
itik
an
URI
1. Panggawaing Panitikan
2. Masining na Panitikan
3. Malikhaing Panitikan
MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN
Paglalahad
Paglalarawan
Pagsasalaysay
Pangangatwiran
MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYAPI SA PANITIKAN
Klima
Gawaing Pang-araw-araw
Kinatitirahan
Lipunan at Pulitika
Relihiyon at Edukasyon
ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL NG ATING SARILING PANITIKAN
1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.
3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.
4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong.
5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.
DALAWANG ANYO NG PANITIKAN
Panitikang Patula
Panitikang Tuluyan