Click here to load reader

Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa

  • View
    614

  • Download
    38

Embed Size (px)

Text of Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa

PowerPoint Presentation

Ang Filipino Bilang Wikang Pambansa:Paglilinaw ng Kalikasan at Proseso ng Paglilinang

Linawin natin ang probisyong pangwika sa ating Konstitusyon. Sa Artikulo XIV Seksyon 6:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samanatalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.

Idekonstrak natin ang probisyong ito.

Una: malinaw ang itatawag sa wikang pambansa ng Pilipinas, at ito ay FILIPINO.

Ikalawa: itoy wikang nasa proseso ng paglilinang.

Ikatlo: may dalawang saligan ng pagpapayabong at pagpapayaman sa wikang ito :

Ang umiiral na wika o diyalekto sa ating bansaIba pang wika o wikang dayuhan.

Ano ba ang pormal na deskripsyon ng Filipino bilang wikang pambansa???

Ang wikang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika at ebolusyon ng ibat ibang barayti ng wika para sa ibat ibang saligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.

Sa deskripsyon ng KWF, ipinagdidiinan na ang wika ay buhay at dahil nga buhay ito, ito ay dinamiko.

Ngunit pansinin ang proseso ng paglinang

Binigyang-diin ang: Panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di katutubong wika

Totoong nanghihiram ang wika natin sa di katutubong wika o mga dayuhang wika, lalo na para sa mga konseptong walang direktang katumbas sa ating wika.

Ngunit kaiba sa karniwang panghihiram, ang panghihiram ng wika ay inaari na rin nating sariling atin ang salitang ating hiniram.

Magbigay ng ilang salitang hiram mula sa ibang wika na inaaring atin

Itinuturing na ring Filipino ang mga salitang ito. Hindi na natin kailangan pang ibalik ang mga ito sa wikang ating pinaghiraman dahil bagamat hiram nga ay atin na ito.

Ngunit maituturing nga kayang panghihiram ang panghihiram natin ng salita sa ibang wika sa Pilipinas?

Hindi na rin maitatatwa ang pagpasok sa Filipino ng mga bokabularyong mula sa mga wika sa sa ating bansa. Tulad ng :Jihad(Muslim)Buang / Gurang (Bisaya)Manong / Manang (Ilocano)Pinakbet (Ilocano)

Mapupuna sa resolusyon ng KWF ang sinasabing panghihiram bilang proseso ng paglinang sa mga salitang ito na mula sa ibat ibang wika sa ibat ibang panig ng ating bansa.Kailangan pa ba nating hiramin ang bagay na sa atin na naman???

Pag-aambagKapag ang mga salita ay nagmula sa Mindanao, Katimugang Luzon o sa Visayas, hindi iyon hiniram ng Filipino dahil sa atin din nagmula iyon. Samakatuwid, mas mainam na gamitin ang salitang pag-aambag sa halip na panghihiram.

Samakatuwid, ang Filipino ay hindi Pilipino na batay sa Tagalog. Ngunit kailangang linawin na hindi rin ito ipinanukalang amalgamasyon o pantay-pantay na representasyon ng lahat ng wika. Demokratiko man, imposible ang konseptong ito ni Demetrio Quirino Jr. (Almario, Bernales, et al., 2006)

Ano pa ang higit na kaibahan ng Filipino sa Tagalog at Pilipino???

Ang Tagalog ay isang wikang natural at may mga katutubo itong tagapagsalita. Isa rin itong partikular na wika na sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa na tinatawag ding Tagalog. (Constantino sa Bernales, et al., 2002)

Samantala pumasok naman ang salitang Pilipino bilang wikang pambansa noong 1959. bunga ito ng kalituhan naidulot ng pagbatay ng wikang pambansa sa wikang Tagalog na isang pagkakamali. Kaya sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran bilang 59, itinakda na tuwing tutukuyin ang wikang pambansa ito ay tatawaging Pilipino.

Ngunit lumabas na ang Pilipino ay Tagalog din sa estraktura at nilalaman, kaya ito ay itinututring na isang mono-based national language. Naging labis rin na purista ang mga taliba noon. Wala noong pagkakataon ang mga di-tagalog na maging bahagi ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino.

Tinawag ito ni Prof. Leopoldo Yabes na Tagalog Imperialism na nagbunga ng mga negatibong reaksyon sa mga di-tagalog.

Sa kasalukuyan, hindi na argumentong ang Filipino ay Tagalog din. Matagal na itong nasagot sa saliksik ng mga linggwista.

Wika nga ni Almario (Bernales, et al., 2006) hindi lamang natin iniintinding mabuti.

Mga Miskonsepsyon sa Filipino na kailangan ng paglilinaw

Ang pangalang Filipino ng ating wikang pambansa ay hindi nagmula sa Ingles na Filipino na tinatawag sa ating mga mamamayan ng Pilipinas.

Hindi rin akomodasyong pampolitika ang pagbabago ng pangalan ng wikang pambansa mula sa Pilipino tungo sa Filipino.

Kinailangang gawin ang pagpapalit mula sa P tungo sa F, dahil sa modernisasyong pinagdaraanan ng ating wikang pambansa, tulad ng pagdaragdag ng walong titik sa alpabeto at ang paglinang dito salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.

Ano kung gayon ang pinakaesensya ng konsepto ng Wikang Filipino???

Pambansang Lingua FrancaBilang isang lingua franca, ito ang nagsisilbing pangalawang wika ng higit na nakararami sa buong bansa na ating ginagamit sa pakikipagtalastasan lalo na sa siyudad, kahit pa mayroon tayong kani-kaniyang sariling katutubong wika.

Pambansang Lingua FrancaDahil nga lingua franca at pangalawang wika, nakabubo ng barayti nito bunga ng impluwensiya ng ating kani-kanyang unang wika sa paggamit nito.

Ang huling talata ng isang artikulo ng Dr. Almario ay magandang paglalarawan sa esensya ng wikang Filipino bilang isang lingua franca

Nasa kalooban ngayon ng Filipino ang paglinang sa sansyata at ranggay ng Iloco, sa uswag at bihud ng Visaya, sa santing ng Kapampangan, sa laum at magayon ng Bicol, at kahit sa buntan ng Butuanon at sa suyad ng Manobo. Samantalay hindi hadlang sa madaliang pagpasok ng shawarma, sashimi, glasnost, perestroika, shabu, megabytes, coliform, odd-even, at iba pang idaragsang satelayt, at fax, ng globalisasyon.

Inihanda ni:

Bb. Jewel Augustine R. del MundoFilipino (Instructor I)