30
Filipino at ang Wika ng Pagtuturo Ipinaskil noong 09/15/2008 ni Roberto Añonuevo Hindi ko na sana papatusin ang usapin ng wika sa pagtuturo, ngunit nabasa ko noong 12 Setyembre 2008 ang pitak ni Maya Baltazar Herrera na pinamagatang Educating the Filipino sa Manila Standard Today at marapat sagutin. Payak lamang ang tesis ng kaniyang akda: Ingles ang dapat maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan, dahil ito ang wika ng negosyo. Ang Ingles umano ang magbubukas ng maraming oportunidad, at maghahain ng mga posibilidad, sa mga Filipino. Kailangan ang Filipino sa negosyo at kalakalan. Ngunit makitid na puwang lamang ang ibig silipin ni Herrera sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Hindi niya isinaalang-alang ang malaking posibilidad ng paggamit ng Filipino sa pagpapabilis ng modernisasyon ng agrikultura, siyensiya, teknolohiya, inhinyeriya, batas, kalusugan, at iba pang aspekto ng lipunan. Hindi nakita ni Herrera na higit na mahalaga ang kahusayan sa isang larang [i.e., field], at ang kahusayang iyon ay wala sa pagsasalita ng Ingles, bagkus sa pagkakaunawa at pagsasakatuparan nang malalim at malawak sa mga konsepto ng naturang larang. Ang hinuha ko’y hindi talaga tumitingin sa estadistika at datos itong si Herrera. Inaakala pa rin niya na ang ekonomiya natin ay

Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

Citation preview

Page 1: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

Filipino at ang Wika ng   Pagtuturo

Ipinaskil noong 09/15/2008 ni Roberto Añonuevo

Hindi ko na sana papatusin ang usapin ng wika sa pagtuturo, ngunit nabasa ko noong 12 Setyembre 2008 ang pitak ni Maya Baltazar Herrera na pinamagatang Educating the Filipino sa Manila Standard Today at marapat sagutin. Payak lamang ang tesis ng kaniyang akda: Ingles ang dapat maging midyum ng pagtuturo sa mga paaralan, dahil ito ang wika ng negosyo. Ang Ingles umano ang magbubukas ng maraming oportunidad, at maghahain ng mga posibilidad, sa mga Filipino.

Kailangan ang Filipino sa negosyo at kalakalan.

Ngunit makitid na puwang lamang ang ibig silipin ni Herrera sa paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo. Hindi niya isinaalang-alang ang malaking posibilidad ng paggamit ng Filipino sa pagpapabilis ng modernisasyon ng agrikultura, siyensiya, teknolohiya, inhinyeriya, batas, kalusugan, at iba pang aspekto ng lipunan. Hindi nakita ni Herrera na higit na mahalaga ang kahusayan sa isang larang [i.e., field], at ang kahusayang iyon ay wala sa pagsasalita ng Ingles, bagkus sa pagkakaunawa at pagsasakatuparan nang malalim at malawak sa mga konsepto ng naturang larang.

Ang hinuha ko’y hindi talaga tumitingin sa estadistika at datos itong si Herrera. Inaakala pa rin niya na ang ekonomiya natin ay gaya ng ekonomiya ng Estados Unidos at Europa, kaya kahit ang wika ng mga ito ang dapat pagsumundan ng mga Filipino. Ang malaking bahagi ng Filipinas ay nakaayon sa agrikultura. Dahil dito, kinakailangan ang pagpapahusay ng teknolohiya hinggil sa agrikultura. Kailangan ang subsidyo ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda. Kailangan ang abanseng impraestruktura, patubig, transportasyon, telekomunikasyon, bukod sa epektibong pamamaraan ng edukasyon. At sa pagtuturong ito ay tinitiyak kong higit na magiging epektibo kung gagamit ng Filipino na sinusuhayan ng iba pang lalawiganing wika sa Filipinas, imbes na gagamit ng Ingles.

Ang pagpupunyagi ng mga akademiko na gamitin ang Filipino bilang wika ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ay may batayan, at patutunayan ito kahit ng mga pagdinig sa batasan, o sa pahayag

Page 2: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

ng United Nations. Mabilis na matututo ang mga bata ng mga konseptong matalik sa kanilang puso at lugar kung gagamit ng Filipino at kaugnay na lalawiganing wika. Ito ay dahil magkabalahibo ang Filipino at ang mga lalawiganing wikang gaya ng Iluko, Bisaya, Bikol, Palawan, at iba pang wika, kompara sa Ingles. Magkasalungat ang polong pinagmumulan ng Filipino at iba pang lalawiganing wika kung ihahambing sa Ingles, ayon sa pag-aaral ng antropologong si Dr. Melba Padilla Maggay.

Ang paggamit ng Filipino ay hindi nangangahulugan ng pagpatay sa mga lalawiganing wika, bagkus pinalalakas pa nito ang lalawiganing wika dahil mailalahok ang malaking bahagi nito sa korpus ng Filipino. Isang halimbawa nito ang UP Diksiyonaryong Filipino (2001), na naglahok ng mga salitang mula sa mahigit 100 wika sa Filipinas. Habang ginagamit ang Filipino, lalong mahihikayat ang mga lalawiganing wika na linangin nang maigi at itampok ang angking ugat at kultura. Filipino ang pinakamadaling paraan upang bigkisin ang mga Filipino, na hindi kayang gawin ng Ingles, at patutunayan ito kahit sa mass media.

Lalakas ang negosyo sa paggamit ng Filipino.

Mapasisigla din ang kalakalang panloob, dahil hindi maaasiwa ang mga Filipino na magpa-Ingles-Ingles kahit hindi naman kinakailangan. Mapagagaan ang mga transaksiyon sa bangko, telekomunikasyon, at transportasyon kung Filipino ang gagamitin. Mahihikayat ang libong kabataan na magtuon sa siyensiya at teknolohiya dahil madali nilang maisasabuhay ang mga konsepto at karunungang nasagap nila sa pamamagitan ng Filipino.

Hindi ko sinasabing huwag nang mag-aral ng Ingles. Kailangan pa ring mag-aral ng Ingles kung ibig kausapin ang mga dayo. Ngunit kapag mga Filipino na ang nag-uusap ay dapat gamitin ang wikang Filipino upang magkaunawaan ang nakararami. Dapat tandaan ni Herrera na hindi lahat ng Filipino ay ibig magtrabaho sa ibayong dagat o kaya’y pumasok na ahente sa call center. Maraming propesyonal na Filipino ang ibig magtrabaho at magsilbi sa Filipinas, at tulungan ang mga kapuwa nila Filipino na nasa alanganing kalagayan, at makipag-usap sa kanilang kababayan sa wikang matalik sa kanilang buhay.

Ang paggamit ng Ingles ay naghahain ng di-inaasahang deskriminasyon sa mayorya ng mga mag-aaral na Filipino. Nahahati ng Ingles ang isip ng mga bata, at ang batang ito, anuman ang

Page 3: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

kaniyang wikang kinamulatan, ay magtataka kung bakit iba ang wika ng paaralan at iba ang wika ng tahanan. Nakakiling ang timbangan pabor sa mga batang mayayaman, na nakapag-aaral sa mga esklusibong paaralan, at ang mga magulang ay pulos Inglesero. Ngunit ang gayong tagpo ay taliwas sa nangyayari sa iba pang panig ng kapuluan. Nauuna ang pagdidikdik ng gramatika at punto ng Ingles, imbes na pinag-aaralan nang maigi ang mga konseptong nakapaloob sa isang larang, gaya ng agham, matematika, at kasaysayan.

Isinaad ni Herrera na ang realidad daw para sa maraming Filipino ay Ingles ang pangunahing wika sa Filipinas. Ingles ang ginagamit sa kontrata, kalakalan, pahayagan, restoran, at hukuman. Totoo ito lalo sa metropolis, ngunit hindi ito nangangahulugan na higit na naging epektibo ang Ingles bilang wika ng transaksiyon. Maraming Filipino ang nagogoyo dahil hindi nila nauunawaan ang mga pinirmahang kontratang nasusulat sa Ingles. Marami ang nahihirapan sa pakikipagkalalan dahil hindi maunawaan ang Ingles pagtungo sa mga lalawigan. Maraming restoran ang nalulugi kahit sabihin pang Ingles ang nakasulat sa menu. At maraming nabibilanggo at nabibitay dahil ang wika ng hukuman ay wikang taliwas sa dapat asahan ng mga akusado.  Ang problema ng wika ay matingkad na makikita sa batasan at hukuman, at kahit gaano kahusay umingles ang mambabatas, ang abogado, at ang hukom, natitiwalag pa rin ang mayorya ng mga Filipino dahil sila-sila ring mambabatas, abogado, at hukom ang nagkakaunawaan sa kanilang diskursong Ingles.

Ang pag-aaral ng Ingles ay dapat ituring bilang isa lamang sa mga banyagang wikang maaaring pag-aralan at matutuhan ng Filipino. Bakit kailangang limitahan sa wikang Ingles ang dapat matutuhan ng mga Filipino? Bakit hindi wikang Bahasa Malay o Espanyol o Mandarin? Hindi dapat pangibabawin ang Ingles na ikababansot lalo ng Filipino at ng iba pang lalawiganing wika sa Filipinas, gaya ng nagaganap sa ngayon. Ang realidad ay malaganap na ang Filipino ngunit waring nakapikit pa rin ang negosyo, ang akademya, ang batasan, at ang pamahalaan na pawang ibig ipagpatuloy ang saliwang kolonyal na patakaran na pinairal noon ng rehimeng Amerikano. Malawak ang posibilidad sa paggamit ng Filipino, lalo sa negosyo at kalakalan, at ito ang dapat subukin at isagawa, para sa lubusang ikalalago ng bansa.

http://alimbukad.com/2008/09/15/filipino-at-ang-wika-ng-pagtuturo/

Mandato

BATAS REPUBLIKA BLG. 7104

ISANG BATAS NA LUMILIKHA NG KOMISYON SA WIKANG FILIPINO, NAGTATAKDA NG MGA KAPANGYARIHAN NITO, MGA TUNGKULIN AT MGA GAWAIN, NAGLALAAN NG GUGULIN UKOL DITO, AT PARA SA IBA PANG MGA LAYUNIN

Pagtibayin ng Senado ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas na nagkakatiponsa Kongreso

Page 4: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

SEKSYON 1 Maikling Pamagat. – Ang Batas na ito’y makikilalang “Batas ng Komisyon sa Wikang Filipino.”

SEK. 2 Paghahayag ng Patakaran. – Alinsunod sa atas ng Konstitusyon, inihahayag dito na patakaran ng pamahalaan na tiyakin at itaguyod ang ebolusyon, pagpapaunlad at pagpapayaman pa ng Filipino na wikang pambansa ng Pilipinas, batay sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at iba pang wika. Tungo rito, ang pamahalaan ay gagawa ng kinakailangang mga hakbang upang maisakatuparan ang naturang patakaran.

SEK. 3 Katuturan ng mga Termino. – Gaya ng pagkakagamit ng batas na ito, ang mga sumusunod na mga termino ay binibigyan ng ganitong mga katuturan:

a. Komisyon – tumutukoy sa Komisyon sa Wikang Filipino.b. Tagapangulo – tumutukoy sa Tagapangulo ng Komisyon.c. Filipino – tumutukoy sa wikang pambansa ng Pilipinasd. Mga Wika ng Pilipinas – tumutukoy sa mga katutubong wika ng Pilipinas, kasama ang wikang pambansa at mga wikang rehiyonal at lokal.e. Wikang Rehiyonal – tumutukoy sa lingua franca o sa karaniwang sinasalitang wika ng rehiyon.f. Pangunahing wika – tumutukoy sa isang wikang sinasalita at ginagamit ng sangkalimampu (1/50) man lamang o dalawang porsyento (2%) ng lahat ng Pilipino, batay sa pinakahuling natipong datos ng Pambansang Opisinang Sensus.g. Wikang Oksilyari – tumutukoy sa isang partikular na wika, na sinasalita sa ilang tiyak na pook, na umaalalay o tumutulong sa pambansa at/o opisyal na mga wika sa nakatalagang mga tungkulin nito.h. Iba pang mga wika – tumutukoy sa mga wikang dayuhan, maging opisyal o hindi man, kailan man at nakaimpluwensya sa mga katutubong wika at kultura sa isang kaantasan.i. Mga Rehiyong Etnolinggwistiko – tumutukoy sa ilang tiyak na lawak heograpikal na ang isang partikular na grupo ng mga tao ay nagsasalita ng isang wika.j. Mga Disiplina – tumutukoy sa iba’t ibang larangan ng karunungan

SEK. 4 Paglikha ng Komisyon sa Wikang Filipino. – Nililikha sa pamamagitan nito ang isang komisyon na makikilalang Komisyon sa wikang Filipino, na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang grupong etnolinggwistiko at iba-ibang disiplina, na magsasagawa, mag-uugnay atmagtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas na tuwirang sasailalim ng Tanggapan ng Pangulo.

SEK. 5 Pagkakabuo ng Komisyon. – ang Komisyon ay bubuuin ng labing-isang (11) komisyoner, na ang isa ay magsisilbing Tagapangulo. Kakatawanin ng mga komisyoner ang mga pangunahing wika ng Pilipinas, na binibigyang-katuturan sa Seksyon 3 ng Batas na ito: Tagalog, Sebwano, Ilokano, Hiligaynon at ang pangunahing wika ng Muslim Mindanao; ang Kahilagaang mga Pamayanang Kultural; ang Katimugang mga Pamayanang Kultural; at ang iba pang mga wika ng Pilipinas o mga rehiyong linggwistiko ayon sa maaaring ipasya ng Komisyon; Sa Pasubali, Na apat (4) man

Page 5: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

lamang sa mga komisyoner na ito ay kakatawan din sa iba’t ibang disiplina. Ang Tagapangulo at dalawa (2) sa mga komisyoner ay magsisilbi nang full-time; ang natitirang walo (8) ay magsisilbi nang part-time at dadalo sa regular at espesyal na mga pulong ng Komisyon.

SEK. 6 Paghirang at Kwalipikasyon ng mga Komisyoner. – Ang mga komisyoner ay hihirangin ng Pangulo, sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghirang, mula sa listahan ng mga nominee na isusumite ng iba’t ibang rehiyong linggwistiko sa bansa. Hihirangin ng Pangulo muln salabing-isang (11) komisyoner ang Tagapangulo at ang dalawang (2) komisyoner na full-time.

Hihirang ang Pangulo, mula sa nalalabing walong (8) komisyoner, ng apat (4) na komisyoner na magsisilbi para sa takdang panahong liman g (5) taon at apat(4)na magsisilbi para satakdang panahon na tatlong (3) taon. Kung absent ang Tagapangulo, pipili ang mgakomisyoner ng isang pansamantala o akting Tagapangulo mula sa dalawang (2) komisyoner na full-time.

Walang sinumang mahihirang na komisyoner matangi kung siyaý likas na isinilang na mamamayang Pilipino, mga tatlumpung (30) taong gulang man lamang, nag-aangkin ng malinis na katangiang moral at kinikilala sa kanyang kadalubhasaan sa linggwistika, sa kultura at sa wika ng rehiyong etnolinggwistiko at sa disiplinang kanyang kinakatawan.

SEK. 7 Takda ng Panunungkulan. – Ang Tagapangulo at ang dalawang (2) komisyoner na fulltime ay magsisilbi sa loob ng takdang panahon na pitong (7) taon. Ang apat (4) na nalalabing komisyoner ay magsisilbi sa loob ng takdang panahon na limang (5) taon at ang apat (4) na iba pang komisyoner, sa loob ng takdang panahong tatlong (3) taon. Ang mga komisyoner ay maaaring hiranging pang komisyoner, sa loob ng takdang panahong tatlong (3) taon. Ang mga komisyoner ay maaaring hiranging muli ng Pangulo para sa maksimum na isang (1) takdang panahon ng panunungkulan sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghirang.

SEK. 8 Bakante. – Kung sakali’t magkaroon ng bakante bago matapos ang takdang panahon ng panunungkulan ng isang Komisyoner, ipagsisilbi lamang ng kahalili ang di natatapusang bahagi ng takdang panahon ng katungkulang nabakante. Ang Komisyon, sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa petsa ng pagkakaroon ng bakante, ay magrerekomenda sa Pangulo ng panghalili mula sa listahan ng mga nominee na isinumite ng partikular na rehiyong etnolinggwistiko na apektado ng bakante, sa kompirmasyon ng Komisyon sa Paghirang: Sa Pasubali, Na, kung sakali’t ang Komisyon ay magkulang sa pagsasagawa ng naturang rekomendasyon, ang bakante ay lalagyan ng Pangulong tauhan, na mula rin sa listahan ng mga nominee at sa pagsang-ayon ng Komisyon sa Paghirang.

SEK. 9 Kompensasyon. – Ang tagapangulo at ang dalawang (2) komisyoner na fulltime ay may magkakatulad na ranggo, mga pribilehyo, sahod, mga alawans at iba pang mga gantimpagal katulad ng sa Tagapangulo at mga kagawad, ayon sa pagkakasunod, ng ibang mga Komisyong Konstitusyonal, na hindi mababawasan sa loob ng takdang panahon ng kanilang panunungkulan. Ang bawat isa sa mga komisyoner na part-time ay

Page 6: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

tatanggap ng kanyang kompensasyon sa anyo ng onoraryum para sa bawat pulong na kanyang dadaluhan, sa halagang itatakda ng Komisyon.

SEK. 10 Tuntunin ng mga Kaparaanan at mga Pulong. – Ang Komisyon ay maglalagda ng sarili nitong mga tuntunin at mga prosidyur at magsesesyon nang minsan man lamang sa isang buwan o sindalas ng pangangailangan ayon sa pasya ng quorum para sa pagganap ng mga gawain nito.

SEK. 11 Istrukturang Organisasyonal. – Itatakda ng Komisyon ang istrukturang organisasyonal nito: Sa Pasubali, Na ang mga tauhang teknikal ng Komisyon ay hindi saklaw ng mga tuntunin at mga regulasyon ng Tanggapan ng Pasahod at/o mga pangunahing pangangailangan sa eligibility ng Komisyon ng Serbisyo Sibil.

SEK. 12 Direktor Heneral. – Magkakaroon ng isang Direktor Heneral na hihirangin ng misyon para sa takdang panahon ng panunungkulan na pitong (7) taon na maaaring mahirang muli para sa maksimum na isang (1) term. Itatakda ng Komisyon ang mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at kompensasyon ng Direktor Heneral.

SEK. 13 Ang Sekretaryat. – Magkakaroon ng sekretaryat na pamumunuan ng Director Heneral. Ang mga gawain, mga tungkulin at kompensasyon ng mga tauhan nito ay itatakda ng Komisyon, sa rekomendasyon ng Direktor Heneral.

SEK. 14 Mga Kapangyarihan, mga Gawain at mga Tungkulin ng Komisyon. – Ang Komisyon, ayon sa mga pertinenteng tadhana ng Konstitusyon, ay may mga kapangyarihan, mga gawain at mga tungkuling gaya ng mga sumusunod:

a. magbalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa upang matiyak ang higit na pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinasb. maglagda ng mga tuntunin, mga regulasyon at mga patnubay upang isakatuparan ang mga patakaran, mga plano at mga programa nito;c. magsagawa o makipagkontrata ukol sa mga pananaliksik at iba pang mga pag-aaral upang isulong ang ebolusyon, pagpapaunald, pagpapayaman at sa dakong huliý istandardisasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas. Saklaw nito ang pagtitipon at pagsasaayos ng mga akda para sa posibleng paglalakip nito mula sa multilinggwal na diksyunaryo o ng mga salita, mgaparirala, mga idyom, mga koteysyon, mga salawikain at iba pang mga wika nasa kasalukuyan ay karaniwang ginagamit o nakasama na sa lingua franca;d. magpanukala ng mga patnubay at mga istandard para sa mga anyuing lingguwistiko at mga ekspresyon sa lahat ng opisyal na mga komunikasyon, publikasyon, teksbuk at iba pang materyales sa pagbasa at pagtuturo;e. ganyakin at itaguyod, sa pamamagitan ng sistema ng mga insentibo, mga grant at award, ang pagsulat at paglalathala sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas, ng mga obrang orihinal, pati na mga teksbuk at mga materyales na reperensya sa iba-ibang disiplina;f. lumikha at magpanatili sa Komisyon ng isang dibisyon ng pagsasaling-wika na gaganyak sa pamamagitan ng mga insentibo, magsagawa at masiglang magtaguyod ng pagsasalin sa Filipino at sa iba pang mga wika ng Pilipinas ng

Page 7: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural ng mga grupong etnolinggwistiko, mga batas, resolusyon at iba pang mga aktang lehislatibo, executive issuances, mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mgadokumentong opisyal, mga teksbuk at mga materyales na reperensya sa ibaibangdisiplina at iba pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasyangkinakailangan sa edukasyon at para sa iba pang mga layunin;g. tawagan ang alin mang department, byuru, opisina, ahensya o alin mang kasangkapan ng Pamahalaan o ang alin mang pribadong entity, institusyon o organisasyon para sa kooperasyon at tulong sa pagtupad ng mga gawain, mgatungkulin at mga pananagutan nito;h. mangasiwa, sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal, ng mga pagdinig publiko, mga komperensya, mga seminar at iba pang mga talakayang panggrupo upang alamin at tumulong sa paglutas ng mga suliranin at mga isyung maykaugnayan sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas;i. bumalangkas at maglagda ng mga patnubay, mga istandard at mga sistema para sa pagmomonitor at pagrereport ng tungkol sa pagganap nito sa antas nasyonal, rehiyonal at lokal; at isumite sa Opisina ng Pangulo at sa Kongresoang taunang progress report tungkol sa implementasyon ng mga patakaran, mga plano at mga programa;j. humirang, sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na mga batas, ng mga opisyal at mga empleado nito at ng iba pang mga tauhang kakailanganin para sa mabisang pagganap ng mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan nito; at itiwalag sila dahil sa malubhang kadahilanan;k. organisahin at reorganisahin ang istruktura ng Komisyon, lumikha o bumuwag ng mgaposisyon, o magpalit ng designasyon ng umiiral na mga posisyon upang matugunan angnagbabagong mga kondisyon o kailanman at dumarating ang pangangailangan; Sa Pasubali,Na ang naturang mga pagbabago ay hindi makaaapekto sa istatus ng mga nasa pwesto,ibaba ang kanilang mga ranggo, bawasan ang kanilang mga sahod o magresulta sa kanilang pagkatiwalag sa serbisyo; atl. gampanan ang iba pang mga aktibidad na kinakailangan sa epektibong paggamit ng naturan sa unahan na mga kapangyarihan, mga gawain, mga tungkulin at mga pananagutan.

SEK. 15 Pribilehiyo sa Koreo. – Ang mga publikasyon ng Komisyon, tulad ng mga diksyunaryo, mga bokabularyo, mga gramatika, mga pamplet, mga sirkular, mga polyeto at lahat ng iba pang katulad na mga bagay na printed aymagtatamasa ng paggamit sa koreo nang libre sa postage.

SEK. 16 Paglilipat ng Umiiral na Ahensya. – Ang lahat ng mga tauhan, mga rekord,mga asset, ekwipment, mga pondo at mga ari-arian ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas sa ilalim ng Atas Tagapagpaganap Blg. 117 ay inililipat sa pamamagitan nito sa Komisyon, na magpapatupad, mamamahala, hahawak at magwawaksi ng naturang mga asset, mga ari-arian at mga apropriyasyon alinsunod sa mga probisyon ng Batas na ito. Ang lahat ng mga saliksik, mga diksyunaryo, mga publikasyon at iba pang mga akdang intelektwal ng Linangan ay itinuturing, gayundin, na nalipat sa Komisyon.

Page 8: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

Bibigyang-bisa ng Komisyon ang paglilipat na ditoý itinatadhana sa paraan na sisiguro sa bahagya lamang pagkaabala sa kasalukuyang mga programa ng Linangan. ang mga tauhang kwalipikado at kinakailangan ng Linangan ay inililipat sa at nilalagom ng Komisyon: Sa Pasubali, Na ang taning, ranggo, sahod at mga pribilehiyo ng naturang mga tauhan ay hindiibababa o lubhang maaapektuhan : Sa Pasubali pa rin, Na sa panahon bago sumapit ang aktwal na asumpsyon ng mga tungkulin ng Komisyon at pagganap nito, lahat ng mga pinuno at mga empleado ng Linangan ay patuloy na gaganap ng kanilang mga gawain at tutuparin ang lahat ng kanilang mga tungkulin at mga pananagutan: Sa Pasubali; sa wakas, Na ang umiiral na Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ay ituturing na nabuwag nasa pagkaorganisa ng Komisyon, aktwal na asumpsyon ng mga tungkulin at pagganap nito gaya ng nararapat.

SEK.17. Laanggugulin. – Ang pondong kinakailangan upang maisakatuparan ang mga probisyon ng Batas na ito ay ikakarga sa apropriyasyon sa lumalakad na taong piskal ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Pagkaraan niyon, ang halagang maaaring kailanganin ay inaawtorisa sa pamamagitan nito na ilaan sa Pangkalahatang Batas ng Apropriyasyon sa taong sumusunod sa pagkapatibay nito upang maging batas.

SEK. 18. Promulgasyon. – Ang batas na itoý ipinopromulga sa Filipino at sa Ingles atisasalin sa mga wikang rehiyonal ng Pilipinas. Kung sakali’t may pagaalinlangan, ang bersyon sa Filipino ang mananaig.

SEK. 19. Sugnay na nagbubukod. – Kung sakali at ang alin mang probisyon ng Batas na ito o ang aplikasyon ng naturang probisyon ay idineklarang hindi balido, ang natitirang bahagi ng Batas na ito o ang aplikasyon ng naturang probisyon ay hindi maaapektuhan.

SEK. 20. Sugnay na nagpapawalang-saysay. – Ang lahat ng mga batas, mga presidential decree, mga atas tagapagpaganap o mga bahagi niyon na di naaayon sa mga probisyon ng Batas na ito ay pinawawalang-saysay o sinususugan gaya ng nararapat

SEK. 21. Pagkakabisa. – Magkakabisa ang Batas na ito pagkaraan ng labinlimang (15) araw kasunod ng kompletong pagkakalathala nito sa Official Gazette o sa isang (1) pahayagang may pangkalahatang sirkulasyon.

Pinagtibay,

RAMON V. MITRA JOVITO R. SALONGAIspiker ng Kapulungan Pangulo ng Senadong mga Kinatawan

Ang bill na ito na isang konsolidasyon ng Senate Bill No. 209 at House Bill No. 21280ay ipinasa sa wakas ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan noong Hunyo 6, 1991.

CORAZON C. AQUINOPangulo ng Pilipinas

Page 9: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

 

 

ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG. 335

NAG-AATAS SA LAHAT NG MGA KAGAWARAN/KAWANIHAN/ OPISINA/ AHENSIYA/ INSTRUMENTALITI NG PAMAHALAAN NA MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG NA KAILANGAN PARA SA LAYUNING MAGAMIT ANG FILIPINO SA OPISYAL NA MGA TRANSAKSIYON, KOMUNIKASYON AT KORESPONDENSIYA.

SAPAGKAT itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 na “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino”; na “samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika”; at ukol sa “mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles”; at

SAPAGKAT sa pamamagitan ng puspusang paggamit ng wikang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya sa mga opisina ng pamahalaan ay lalong mauunawaan at mapahahalagahan ng sambayanang Pilipino ang mga programa, proyekto at mga gawain ng pamahalaan sa buong bansa, at sa gayon ay magsisilbing instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan para sa pambansang kaunlaran.

DAHIL DITO, AKO, SI CORAZON C. AQUINO, Pangulo ng Pilipinas, ay nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga sumusunod na hakbang:

1.Magsakatuparan ng mga hakbang para sa paggamit ng Filipino sa opisyal na komunikasyon, transaksiyon at korespondensiya sa kani-kanilang opisina, maging nasyonal at lokal;

2.Magtalaga ng isa o higit pang tauhan, ayon sa pangangailangan sa bawat tanggapan upang mangasiwa sa mga komunikasyon at korespondensiya na nasusulat sa Filipino;

3.Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng opisina, gusali at edipisyong publiko, at mga karatula ng lahat ng opisina at mga dibisyon nito o instrumentaliti ng mga iyon at, kung nanaisin, ilagay sa ibaba nito sa maliliit na letra ang tekstong Ingles;

4.Isa-Filipino ang “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan;

5.Gawing bahagi ng programa ang mga pagsasanay ukol sa pagpapaunlad pantauhan ng bawat opisina ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensiya opisyal.

Upang maisakatuparan ang gayong mga layunin, inaatasan ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na bumuo at magsagawa ng programa at mga proyekto na sumasaklaw sa: 1) kampanyang pang-impormasyon tungkol sa kahalagahan at kabuluhan ng wikang Filipino bilang epektibong instrumento ng pambansang pagkakaisa at pagpapaunlad, 2) pagsasalin sa Filipino ng Atas Tagapagpaganap na ito, gayundin ng mga katawagang pampamahalaan upang maging

Page 10: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

sangguniang babasahin ng lahat ng opisina, 3) pagsasanay ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan, 3) pagmomonitor ng implementasyon ng Atas na ito at pagrereport sa panapanahon ng progreso ng implementasyon sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports, at 5) pagsasagawa ng iba pang mga istratehiya para sa puspusang implementasyon ng mga layunin at Atas na ito.

Kaugnay nito, inaawtorisahan ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na sangguniin at hingan ng suporta ang lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ opisina/ ahensiya/ instrumentaliti ng pamahalaan, nasyonal at lokal. Pinawawalang-bisa ng Atas Tagapagpaganap na ito ang Atas Tagapagpaganap Blg. 187 na may petsang Agosto 6,1969.

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag (Mula sa Resolusyon Blg. 96-1 nagsusunog sa Batayan Deskripsiyon ng Filipino na inilalahad ng Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992)

http://www.kwf.gov.ph/?page_id=1946

Maraming Wika, Matatag na Bansa - Chairman Nolasco Page history last edited by PBworks 6 years ago

Keynote na Talumpati  sa 2007 Nakem Conference

Mariano Marcos State University,  Mayo 23,  2007

 

 

MARAMING WIKA,  MATATAG NA BANSA

 

Ricardo Ma. Nolasco Ph.D.

Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino

 

 

Page 11: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

             Isa pong karangalan at pribilehiyo para sa akin at sa Komisyon sa Wikang Filipino na maimbitahan at makapagsalita sa inyong kumperensya.  Ang ibabahagi ko sa inyo ngayong umaga ay tungkol sa bisyon,  direksyon at mga programa ng KWF para sa susunod na tatlong taon,  o hanggang 2010. Ibinabahagi ko ang mga ito sa inyo sa pag-asang yayakapin ninyo ang nasabing mga bisyon,  direksyon at programa bilang sarili ninyong bisyon at programa. 

 

           Kamakailan lamang ay nagkasundo ang pamunuan ng KWF na baguhin ang aming bisyon.  Ang pangarap namin ay:  “maging sentro ng kapantasan sa mga wika at literatura ng mga Pilipino.”   Umaalinsunod ang pangarap na ito sa aming mandato na paunlarin, palaganapin at panatilihin ang mga wikang ginagamit ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan. 

 

           Ang ganitong bisyon at misyon ay pag-amin na bagamat ang KWF ay siyang opisyal na ahensyang pangwika ay  malayo pa rin ito sa pagiging tunay na sentro ng kapantasan at kaalaman sa mga wika at panitikan ng mga Pilipino.  Ang itinatayo namin ay isang sentro ng impormasyon, dokumentasyon at pananaliksik;  na may kuwerpo (corps) ng mga mananaliksik na may mataas na kakayahan sa linggwistika at applied na linggwistika  (hal.  pagtuturo ng wika) at pagsasaling-wika;   isang sentro na katatagpuan at naglalaman ng lahat ng mga pag-aaral at akda tungkol sa mga wika ng Pilipinas;   isang sentro na may kamalig ng mga datos  sa ibat ibang wika,  at sa ibat ibang genre,  kasama na ang audio at video recording  ng mga pangyayaring komunikatibong may mga anotasyon at komentaryo;  isang sentro na lumilikha ng mga orihinal at huwarang  mga diksyunaryo,  gramatika, ortograpiya,   iskolarli

Page 12: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

na mga babasahin,  materyales sa literasiya at reperensya sa pagtuturo sa magkakaibang disiplina;  at isang sentro na dalubhasa rin sa teknolohiyang pang-impormasyon at pangkomunikasyon upang magampanan ang gawain ng pagpapaunlad,  pagpapalaganap at pagpapanatili ng mga wika sa Pilipinas.

 

            Ang katwiran para sa pangarap naming ito ay nagmumula sa aming pagkilala sa kahalagahan ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino—ang wikang pambansa,  ang mga wikang panglokal at mga wika na pang-ibayong dagat--- para sa magkakaibang mga layunin:  para sa literasiya at edukasyon ng ating mamamayan; para sa layuning pangkultura at intelektuwal; para sa pagkakakilanlan at etnisidad;   para sa pakikipagtalastasan sa loob at labas ng bansa;   para sa pag-unlad na pang-ekonomiya;  at para sa kaisahan at katatagang pampulitika. 

 

            Gusto naming isipin na lipas na ang panahon na ang mga gawain ng komisyon—sa katotohanan o sa karaniwang pagkakaalam-- ay eksklusibong nakatuon sa wikang pambansa,  sa kapabayaan ng mahigit na 170ng wika ng ating bansa  at nang walang makatotohanang pagsasaalang-alang sa isa pang opisyal na wika ng bansa,  ang Ingles,  o sa mas eksaktong pormulasyon,  ang Philippine English.

 

            Ito ang landas o linya ng “isang bansa,  maraming wika”,  na siyang simulain ng  kasalukuyang tema ng buwan ng wika 2007,  na   “maraming wika,  matatag na bansa.”

Page 13: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

 

            Ano ang batayan at katwiran ng “maraming wika, matatag na bansa”? 

 

            Ang batayan at katwiran ay may kinalaman sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga Pilipino. Sa halip na isang disbentahe,  itinuturing ng komisyon na  napakalaking bentahe ang pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika.  Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong daigdig,  sa kabila ng palasak at mapangmenos na  palagay na ang mga wikang ito’y pawang mga dialekto lamang.   Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang mamamayan ng daigdig  ay  hindi lang iisa ang alam nitong wika.  Sa karaniwan,  ang Pilipino at ang karaniwang tao sa daigdig ay may alam na dalawa o mahigit pang wika.  Si Hesukristo ang pinakamainam na halimbawa ng pagiging multilinggwal,  sapagkat marunong siya ng Aramaic,  ng Hebrew,  Griyego at Latin.  Si pangulong GMA ay mainam na halimbawa ng isang Pilipino.  Maalam siya sa Kapampangan,  Sinebwano,  Ilokano,  Tagalog,  Ingles at Espanyol.  Dahil sa katotohanang ito,  ang ideya at pangakong pag-unlad sa ilalim ng isang sentralisadong nasyon-estado na may iisang sentralisadong wikang pambansa ay naglalaho.     

 

            Gayunpaman,  mayroon tayong wikang pambansa.   Ito ang wikang Tagalog na nang dahil sa kumbinasyon ng mga sirkumstansyang historikal,  pang-ekonomiya at sosyopulitikal ay naging komon na wika ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo ng ating bayan.  Ang kasalukuyang Filipino ay ang dating wika ng Katagalugan na naging pambansa.  Ang Filipino, kung gayon, ay ang pambansang linggwa prangka. 

Page 14: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

 

            Kung batayang panglinggwistika ang pag-uusapan,  ang wikang pambansa at ang Tagalog ay nabibilang sa iisang wika.  Ang unang batayan sa pagsabi nito ay ang tinatawag na mutual intelligibility.   Ang isang  nagsasalita ng “Filipino” at ang isang nagsasalita ng Tagalog ay magkakaunawaan.  Kung gayon,  nagsasalita sila ng isang wika. 

 

            Ang ikalawang batayan ay ang gramatika.  Ang gramatika ng umiiral na “Filipino” ay walang pinag-iiba sa gramatika ng Tagalog.   Totoong sa ilalim ng konstitusyon,  ang wikang Filipino ay kailangang nakasalig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas.  Pero,  sa ngayon,  ang gramatika ng wikang pambansa ay yaong sa Tagalog.  Tingnan lamang ang mga panlapi ( -um-, -in, -an, at i-)  at ang mga gramatikal na pananda (i.e. ang, ng, sa)  at mga partikulo (i.e. pa, na, kung, daw, kasi).  Hindi ba magkapareho lang sa mga panlapi at gramatikal na pananda at partikulo ng tinatawag na “Filipino”?   Walang panlapi o gramatikal na elementong galing sa Ilokano,  Sebwano,  Ilonggo at sa ibang malalaking wika ang may matatag na katayuan sa wikang pambansa. 

 

            May ilang teorista sa akademya na nagpapalaganap ng ideya na ang kaibahan ng “Filipino” sa Tagalog ay ang pagiging “malaya” ng una,  at ang pagkapurista ng huli.  Ang ibinibigay nilang halimbawa ay ang pagkakaiba ng leksikon ng “Filipino” at ng “Tagalog”,    gaya raw ng “fakulti”,  sa halip na “guro”,  “kolehiyo” sa halip na “dalubhasaan”,  “miting” sa halip na “pulong”  atbp.    Kinikilala ng KWF na ang “purismo” at “Tagalismo” ay mga hadlang sa pagpapaunlad ng wikang pambansa.  Subalit, kailangan ding alalahanin na hindi

Page 15: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

panghihiram ng dayuhang leksikon o leksikon buhat sa iba pang wika ng Pilipinas ang batayan sa pagklasipika ng dalawa o mahigit pang barayti na magkakaibang wika.  (Maging ang mga Tagalog sa Batangas at Bulakan ay nanghihiram din at nagko- code-switch.)  Gaya ng nabanggit sa itaas,  ang pagkakaunawaan at ang gramatika ay higit na mapagpasyang batayan.  Idagdag pa rito ang katotohanan na karamihan ng mga Pilipino ay tumatawag pa rin sa wikang pambansa na “Tagalog”.   at madaling maintindihan kung bakit kakaunti lamang,  maliban sa kakarampot sa akademya,  ang naniniwala na ang  “Tagalog” at ang “Filipino” ay “magkaibang wika.” 

 

            Pero may isang malaki at hindi matatawarang pagkakaiba ang wikang Tagalog noon at ang  wikang pambansa ngayon. Ang kasalukuyang wikang pambansa ay ang pangalawang wika ng nakararaming Pilipino.  Mas marami nang Pilipino ngayon na marunong mag-Tagalog pero hindi ito ang kanilang kinagisnan o unang wika.   Ito ang pangalawang wika nila.  Ito ang isa sa tampok na dahilan sa pagtawag dito ng ibang pangalan—Filipino.  Ito rin ang panlipunang batayan sa paglitaw ng mga pasalitang barayti ng “Filipino”;  mga barayti  na hindi lamang limitado sa Katagalugan at Kamaynilaan, kundi sumasaklaw sa Davao,  Iloilo,  Cebu,  Baguio,  Angeles, Cagayan de Oro,  Zamboanga City at sa ibang punong sentrong lungsod kung saan nagtatagpo ang magkakaibang grupong etniko.  Sa ngayon,  ang barayting pinakaprestihiyoso ay ang barayti sa Metro Manila at kanugnog na mga lugar,  na siyang  itinuturo ngayon sa mga paaralan at pinalagaganap ng masmidya.  Pero hindi maipupuwing na ang wikang Tagalog ay naging pambansa na.

 

Page 16: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

            Ang ganitong mga katotohanan,  sa aking palagay,  ay  hindi nalingid sa mga gumawa ng mga probisyong pangwika sa ating konstitusyon.   Nanalig sila na habang nalilinang,  ang wikang pambansa ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.  Idineklara din nila ang wikang Filipino at ang wikang Ingles bilang wikang opisyal,  pero hindi nila kinaligtaan na ipahayag din na ang mga wikang pangrehiyon ay pantulong na wikang opisyal at midyum ng pagtuturo.    Higit sa lahat,  tiniyak nila ang pagtatayo ng isang komisyon na “magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod” ng mga pananaliksik hindi lamang sa wikang pambansa,  kundi sa iba pang mga wika ng mga Pilipino.  Ang ganitong mga probisyong pangkonstitusyon ay nagkaroon ng katuparan sa pagkakapagtibay ng RA 7104 na siyang lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino.

 

            Ang lohika ng patakarang multilinggwal sa pagpapaunlad ng mga wika sa Pilipinas  ay unti-unting tinatanggap ngayon ng mas maraming mananaliksik sa wika at/o tagagawa ng patakaran sa ating pamahalaan.    Nitong kamakailan,  may isang grupo ng mga mananaliksik  ang naglabas ng KRT 3 Formulation of the National Learning Strategies for the Filipino and English Languages na nagmumungkahi sa pamahalaan na:

 

para sa ECCD (3-5ng taon),  ang paggamit ng wika ng bata sa day care center.  Gagamitin ang Filipino at English (at Arabic) sa mga istorya at panitikan;

para sa Grade 1 hanggang 3, ang paggamit ng wika ng bata bilang midyum ng pagkakatuto para sa lahat ng subject.  Gagamitin ang Filipino at English (at Arabic) bilang

Page 17: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

magkahiwalay na subject para sa oral language development;

para sa Grade 4 pataas,   Filipino bilang midyum ng pagtuturo para sa Makabayan at subject na Filipino at/o panitikan  at English bilang midyum sa Math at Science.  Gagamitin ang wika ng bata bilang pantulong na wika;

samantala, sa sekundarya,  magtuturo ng mga language elective sa wika ng bata,  wikang pangrehiyon,  Arabic at anumang wika sa ibayong dagat;

 

       Ayon sa nasabing dokumento:  “(c)ontrary to being a hindrance,  the languages of children must be considered as enabling factors on which student learning and achievement can be based.  The use of the mother tongue in learning has been found to be the most effective way to bridge learning in all subject areas including the development of future languages.  This is a generalization based on numerous experiences of other multilingual countries as well as empirical studies conducted in the Philippines.”  

 

            Ang isang halimbawa ng empirikal na pag-aaral na nagbibigay-balidasyon sa bisa ng multilinggwal na patakaran ay ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading test sa dibisyon ng Kalinga.   Sa sampung distritong ito,  tanging ang Lubuagan lamang ang may first language component,  ibig sabihin,  ang unang wika ay siyang ginamit na midyum ng pagtuturo sa naturang eskuwelahan,  kahit sa science at math. Ang natitirang siyam na dibisyon ay sumailalim sa regular na edukasyong bilinggwal.   Ipinakikita ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala ng pinakamataas na marka sa

Page 18: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

English (76.5%) at Filipino (76.44%).   Ang pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng  64.5% sa English at 61.4% sa Filipino.     Ang pumangatlo naman ay ang Pasil,  na nakaiskor ng 51.9% sa English at  47.7% sa Filipino.

Ang ganitong mga ebidensya ay nagpapatotoo na maaaring gawing tulay ang lokal na wika upang matutuhan ang English at Filipino. Ang totoo’y maraming mga pag-aaral ang nagpapakita na ang paggamit ng wikang hindi-sa- bata ay hindi makatutulong manapa’y makasasama pa nga sa pang-akademikong performance ng bata.  Mahalagang banggitin muli ang mga napatunayan sa pananaliksik ni Taufeulangaki (2004):

 

ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa na 12ng taon upang matutuhan ang kanilang unang wika;

ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis kaysa mga matanda;

ang may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng pangalawang wika;

mas importante ang pag-unlad pangkognitibo ng bata kaysa paghantad sa ikalawang wika;

 

          Sa isang hiwalay na artikulo,  nabanggit ko na ang eksklusibong paggamit ng Ingles at Filipino ay nagresulta sa tinatawag ni Smolicz, Nical and Secombe (2000) na inferiorization ng iba pang wika sa Pilipinas.  Ninanakaw ng kasalukuyang patakarang bilinggwal ang wika ng bata at hinahalinhan ito ng isang wikang di-pamilyar at tiwalag sa

Page 19: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

kanilang kultura at karanasan.  Ang mensahe ng bilinggwal na edukasyon sa marami nating mag-aaral ay walang kuwenta ang kanilang kinagisnang wika.  Sa halip na tingnan bilang resource at pundasyon ng panimulang kaalaman, itinuturing ang pagkakatuto ng wikang sarili na isang malaking kakulangan o deficiency,  o dikaya’y kapansanan.  Sa halip na pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling kultura’t wika,  pagkutya at pagmamaliit sa sarili ang itinuturo ng kasalukuyang patakaran.

  

Sinusuportahan ng KWF ang anumang kampanya na papaghusayin ang kasanayan sa Ingles ng ating mga estudyante.  Pero kailangang linawin na ang pinakamabisang paraan ay ang pagturo dito bilang pangalawang wika.  Ibig sabihin nito, magsimula sa kinagisnang wika sa unang mga grado.    Kapag mabulas na at matatag na ang kasanayang pangliterasi at pangkognitibo ng estudyante sa kinagisnang wika at kultura,  ipakilala ang Ingles at ang Filipino bilang mga subject.  Sa paglaon ay maaari na ring ituro ang  iba pang subject sa Filipino at Ingles.  Gayunpaman,   ang katatasan sa Ingles ay hindi makakamtan lamang sa eskuwelahan.  Sa labas ng eskuwelahan, kailangang magkaroon ang mga estudyante ng mga modelo o huwaran sa pagsusulat at pagsasalita ng mabuting Ingles, at kasabay nito ng mga pagkakataon para magamit ang kanilang kasanayan sa Ingles.    Sa kasalukuyan ay walang sapat na motibasyon at oportunidad maliban sa eskuwelahan upang mapaunlad ng mga estudyante ang kanilang kasanayan sa Ingles,  laluna sa pagsasalita nito.   

 

            Ang komitment ng KWF sa “isang bansa, maraming wika”  ay makikita sa tema at saklaw ng nakaraang patimpalak na idinaos noong Buwan ng Wika 2006.   Sa simula’t sapul ay

Page 20: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

nakasanayan na namin na magdaos nang taunan ng isang patimpalak lamang,  ang tradisyunal na Gantimpalang Collantes sa sanaysay sa wikang Filipino.     Noong 2006,  sa kauna-unahang  pagkakataon ay nagdaos ang KWF ng magkakahiwalay na mga timpalak sa pormal na pagsulat sa Sebwano (tula at maikling kuwento),  Iloko (tula at maikling kuwento),   Hiligaynon (maikling kuwento) at  Pangasinan (tula).  Ang nagwaging mga akda ay nakatipon ngayon sa isang akda na pinamagatang Ani ng Wika 2006.  Ang tema ng buwan ng wika 2006 ay:  “Ang buwan ng wikang pambansa ay buwan ng mga wika ng Pilipinas.” 

           

            Ngayong taong 2007,  pinalawak namin ang saklaw ng patimpalak para makasama ang Bikol (maikling kuwento at sanaysay),  Samar-Leyte (tula at maikling kuwento),  Kapampangan (tula),  Meranaw (sanaysay), Maguindanao (sanaysay) at Tausug (sanaysay).   Ang tema ng buwan ng wika 2007 ay:  “Maraming wika, matatag na bansa.” 

 

            Ang multilinggwal na adhikain ng KWF ay hindi lamang naipapahayag sa taunang pagdiriwang  ng buwan ng wika  at pagkilala sa mahusay na mga akdang pampanitikan,  kundi sa mga pangmatagalang programa at proyektong inako nitong isakatuparan.  

 

            Ang mga programa’t proyektong ito ay naglalayon na makamit ang sumusunod na pagbabago sa ating kapaligiran: ang pagpabor ng opinyong publiko sa multilinggwalismo.  Hanggang ngayon, marami pa rin ang naniniwala na hindi na kailangang pag-aralan ang wikang pambansa o ang ating mga lokal na wika

Page 21: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

sapagkat “alam na natin ito.”  Laganap pa rin ang maling pag-iisip na ang pagkakaroon ng isang wika ay mapagpasya sa pagbubuo ng isang bansa. 

 

            Upang pumabor ang opinyong publiko sa multilinggwalismo,  plano naming magbigay ng napapanahong mga impormasyon sa OP, DEPED, CHED,  ang Kongreso at iba pang ahensya ng gobyerno  tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa wika.  Makatwiran lamang na ang unang benepisyaryo ng aming mga pananaliksik ay ang pamahalaan na rin. 

 

            Gusto rin naming lumikha ng bagong mga kaalamang pangwika at pampanitikan.  Nais naming palakasin ang:  Philippine Lexicography program,  Philippine Grammars Program,  ang National Translation Program,  ang Phonology, Phonetics and Ortography Program,  mga proyekto sa literasiya at pagtuturo ng wika; Philippine Language Mapping Project;  Bibliography of Philippine Languages project;  Endangered Languages Program;  Philippine corpus; 

 

            Gusto rin naming palaganapin sa publiko at stakeholder ang impormasyon at kaalamang pangwika at pampanitikan. Kayá namin itinatayo  ang:  Library and Archives of Philippine Languages;  pinapataas  ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga seminar,  workshop, lektyur,  at iba pang aktibidad na pang-edukasyon;  pinapaganda ang aming website;  nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research grants;  nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; 

Page 22: Filipino at Ang Wika Ng Pagtuturo

pinalalakas ang mga kakayahang pang-IT at pampananaliksik,  at sinisikap na magkaroon ng sarili naming tahanan at gusali.

 

            Sa pagwawakas,  nais kong ibilin sa inyo ang sinabi ng isang katutubong Amerikano,  isang American Indian,   tungkol sa relasyon ng wika at ng buhay.  Aniya,  kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang panahon.  Pero kailangan natin ang wikang sarili,  para mabuhay nang habampanahon.

 

            Magandang umaga sa inyong lahat

http://wika.pbworks.com/w/page/8021683/Maraming%20Wika,%20Matatag%20na%20Bansa%20-%20Chairman%20Nolasco