Click here to load reader

Ang SINTAKSIS sa Wikang Filipino

  • View
    4.062

  • Download
    41

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang SINTAKSIS sa Wikang Filipino kumbinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga parirala at ang pagsasama-sama ng mga pariralang ito upang makabuo ng pangungusap . pangungusap – ay kalipunan ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong kaisipan. Mga pangungusap na walang paksa : Panawag - PowerPoint PPT Presentation

Text of Ang SINTAKSIS sa Wikang Filipino

Slide 1

Ang SINTAKSIS sa Wikang Filipino kumbinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga parirala at ang pagsasama-sama ng mga pariralang ito upang makabuo ng pangungusap.

pangungusap ay kalipunan ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong kaisipan.

Mga pangungusap na walang paksa:PanawagItay!2. Nagsasaad ng damdaminMasakit!3.Nag-uutosTakbo!4. Pormularyong panlipunanTuloy po kayo.

5. Panagot sa tanongOpo.6. Penomenal o pandiwang palikasBumabagyo.7. Lipong may buong diwa Mahirap mag-isip kapag may problema.

Mga uri ng pangungusap ayon sa layon o gamitAng mga mag-aaral ay matiyagang nag-aaral.- pasalaysay o paturolPaano ba talaga humanap ng tapat na kaibigan? - patanongPakiayos ng mga gamit mo.Ayusin mo na ang mga gamit mo.- pakiusap/pautos4. Naku! Naiwan na nila ako. - padamdam

Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Anyo o KayarianA. PAYAKAng Pilipinas ay isang mayamang bansa.Sama-samang bomoto ang mga matatanda at mga kabataan ng kanilang lugar.Si Eunice ay humiram ang aklat at nagbasa ng pahayagan sa silid-aklatan.Ang mga bata at matanda ay sinuri at binigyan ng libreng gamot.

B. TAMBALAN

Ang mga lalaki ay tumutugtog at ang mga babae ay umaawit.Nag-aral siya nang mabuti; naipasa niya ang lahat ng kanyang pagsusulit.

C. HUGNAYANIniwan niya ako nang malaman niyang nagsiningaling ako sa kanya.Binigyang-parangal ang mga bayani dahil nag-alay sila ng buhay para sa bayan.Patatawarin kita kung mangangako kang magbabago ka.

D. LANGKAPAN1. Umalis na ako ng bahay nang tumila ang ulan at dumating ang hinihintay kong sasakyan.2. Kapag yumaman ako, maglalakbay ako sa buong mundo at bibilhin ko lahat ng bagay na magustuhan ko.

Payak kung ang pangungusap ay nagbibigay ng iisang kaisipan lamang.Tambalan- kung ang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang mga sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig na panimbang(at, o, ngunit, habang, samantalang, pero) o ng tuldok-kuwit (;)

C. Hugnayan binubuo ng isang punong sugnay at isa o higit pang pantulong na sugnay. Pinag-uugnay ito ng pantulong na pangatnig (nang, kung, kapag, kaya, sapagkat, dahil ...)D. Langkapan-binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay at isa o higit pang pantulong na sugnay.

Mga BAHAGI ng Pananalita

1. Magtatrabaho ako nang maayos upang manatiling masaya ang mga taong sa akin ay umaasa.2. Ating hangaan ang mga lumalaban sa kanilang mga karamdaman upang manatiling buhay.3. Alamin ang makakabuti para sa iyong sarili; iwasan ang mga bagay na makapagdudulot sa iyo ng mga alalahanin.

4. Nang maghulog ang Diyos ng kabutihan sa mundo, maraming tao ang mahihimbing na natutulog.5. Ang umaga ay maaliwalas; harapin natin ang maghapon nang buong sigla na para bang punung-puno ng pag-asa.6. Ang pagmamahal ay ipinagkakaloob sa lahat; ito ay isang biyaya ng Maykapal.

DALAWANG BAHAGI ng Pangungusap

Ang umaga ay maaliwalas.paksapanaguri

A. ANG PAKSA (simuno)bahaging pinag-uusapan sa pangungusapkumakatawan sa pinag-uusapan

Mga Uri ng Paksa

Paksang pangngalan/Pariralang pangngalan ang paksa ay nagtataglay ng pangngalan na pinangungunahan ng panandang ang at si.a. Ang aming paaralan ay malawak.b. Nanalo sa eleksyon si Nonoy.c. Nagpadala ng tulong ang NDCC.

Paksang panghalip/Pariralang panghalip- ang paksa ay nagtataglay ng panghalip panaoa. Tumutulong sila sa pamamahagi ng regalo.b. Ako ay sasabay sa iyo mamaya.c. Pumasyal kami sa Ilocos.

3. Paksang pang-uri/pariralang pang-uri ang paksa ay nagtataglay ng pang-uri o mga salitang naglalarawan.a. Ang madaya ay natatalo sa laro.b. Masarap kausap ang magalang.

4. Paksang pandiwa/pariralang pandiwa ang paksa ay nagtataglay ng pandiwa.a. Gusto kong pakinggan ang umaawit.b. Ang mga dumarating ay mga kamag-anak ko.

5. Paksang pang-abay/pariralang pang-abay ang paksa ay nagtataglay ng pang-abaya. Kinalulugdan ang magaling makipagkapwa. b. Kakanta ang dito. Ang doon ay sasayaw.

6. Paksang pawatas/pariralang pawatas ang paksa ay nagtataglay ng pandiwang nasa pawatas na anyo.a. Pangarap niya ang magsayaw.b. Kinaiinipan niya ang mag-aral.

B. Ang PANAGURIbahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.

MGA URI ng PANAGURI1. panaguring pangngalana. Pangulo ang bumisita.b. Ang mga tumutulong ay mga kalalakihan.

2. Panaguring panghalipa. Sila ang aming bisita.b. Ang pag-asa ng bayan ay tayo.3. Panaguring pang-uria. Ang bagoong ay maalat.b. Madamdamin ang kanyang talumpati.4. Panaguring pandiwaa. Nanunuod ang mga bata.b. Ang guro ay sumusulat ng nobela.

5. Panaguring pang-abaya. Sa Linggo ang punta ko sa Hongkong.b. Medyo malala na ang kanyang sakit.

6. Panaguring pawatasa. Magplantsa ang aking bagong trabaho.b. Ang paborito nilang libangan ay maglaro ng DOTA

Magandang Araw!