8
User
User
DMWMark
i
Edukasyon sa Pagpapakatai – Ikawalong Baitang Alternative Delivery
Mode Unang Markahan – Modyul 4.1-2Week7 Panlipunan at Politikal sa
Pamilya Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,
Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis
Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng : Department of Education – Region VII,
Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg.Sudlon, Lahug,
Cebu City
Telefax: (032) 255-6405
E-mail Address:
[email protected]
Editor: Jane O. Gurrea
Tagasuri: Nova A. Pardillo
Management Team
Schools Division Superintendent -Dr. Marilyn S. Andales, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent -Dr. Cartesa M.
Perico
-Dr. Ester A. Futalan -Dr. Lea B. Apao
Chief, CID -Dr. Mary Ann P. Flores EPS in LRMS -Mr. Isaiash T.
Wagas EPS in EsP -Mrs. Jane O. Gurrea
User
User
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao
ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mga
Katangian ng
Pagpapakatao.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
User
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Panlipunan at Politikal sa
Pamilya
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
matulungan kang maiugnay ang
Tuklasin
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
User
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
ng natutuhang kompetensi.
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na
ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.
User
DMWMark
vi
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
(Week 8)
a.)Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng
mapagmahal na
pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan
(papel
na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong
panlipunan (papel na
pampolitikal): EsP8PBIh-4.3
b) Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at
pampolitikal na papel
ng pamilya. EsP8PBIh-4.4.
Tungkol saan ang modyul na ito?
Gusto mo bang malaman ang papel na panlipunan at pampolitikal ng
pamilya?
Ano kaya ang kaugnayan ng pamilya sa lipunan at politikal? Bakit
mahalaga ang papel
ng pamilya sa lipunan at sa poltikal? Paano kaya naisasakatuparan
ang papel na
ginagampanan ng pamilya larangang ito? Kung gusto mong malaman,
paano mo ito
sisimulan?
Ang modyul na ito ay naglalaman ng buong aralin tungkol sa: Modyul
4: Ang
Papel na Panlipunan at Pampolitikal ng pamilya. Ito ay nagbibigay
ng kaliwanagan
tungkol sa kahalagahan ng papel na ginagampanan ng pamilya. Naging
makabuluhan
ang isang lipunan at ang politikal na larangan sa pamamagitan nang
pagsasagawa ng
bawat pamilya ng kanilang mga tungkulin.
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.)Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng
mapagmahal na
pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa kapitbahay o pamayanan
(papel na
panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan
(papel na
pampolitikal): EsP8PBIh-4.3
b) Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at
pampolitikal na papel ng
pamilya. EsP8PBIh-4.4.
Paunang Pagtataya (Pre-test)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Piliin ang titik ng
tamang kasagutan.
Isulat sa papel ang inyong mga sagot.
1.Bakit sa ibang pamilya ang pagtutulungan ay HINDI natural na
dumadaloy?
A. dahil takot sila na mabawasan ang kanilang pera
B. dahil hindi napaunlad ang pampolitikal na katangian
C.dahil kasalanan ng mahirap kung bakit wala silang pera
D.dahil kaligayahan nilang palaging naghihirap ang mahirap
2.Ang pagsusulat sa gobyerno upang maisasaayos ang nasirang tulay
na nasalanta
sa bagyo na dinadaanan ng mga tao upang makapunta sa lungsod ay
papel ng
pamilya sa anong aspekto?
D. Papel de Liha
3. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at
tungkulin?
A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong
panahon.
B. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at
tungkulin ng
pamilya.
C. Bahagi ang mga ito ng papel na pmpolitikal ng pamilya.
D. Maraming pamilya ang karapatan lang ang ipinaglalaban ngunit
hindi
ginagampanan ang tungkulin.
User
DMWMark
3
4. Ano ang paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud
na itinuro at
natutuhan sa loob ng pamilya?
A. Ang pagpapayaman ng pamilya
B. Ang pagmamahalan ng pamilya
C. Ang pagtulong ng pamilya
D. A ng pagkawasak ng pamilya
5. Alin sa mga katangiang ito ang inilalarawan ng isang pamilyang
may malasakit at
bukas ang tahanan para sa mga taong nangangailangan?
A. Pampalakas ng impluwensiya
D. Para makilala sa lipunan
6.Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit dapat na mauna ang
pagmamahal sa
kapwa tao bago ang debosyon sa pamilya maliban sa:
A. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring paggamit ng
kapangyarihan
at posisyon para sa sariling kapakanan.
B. Ang pagiging labis na makapamilya ay katumbas din ng pagiging
makasarili.
C. Dapat matutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili
alang-alang sa
ikabubuti ng lahat.
D. Upang wala nang iba pang dapat isipin pa at payapang
makakapamuhay
bawat araw.
7. Isa sa katangian ng mga Pilipino ay ang magiliw na pagtanggap sa
mga bisita.
Paano na sa pagtanggap natin ay nagagampanan natn an gating papel
sa
lipunan?
A. Gamitin ang lahat nang mamahaling mga gamit at gamitin lamang
para sa
mga bisita.
B. Umutang ng pera upang makapaghanda ng masarap at sosyal na
pagkain.
C. Piliin kung sino lamang ang tatanggaping bisita upang sigurado
ang pabor
na maibabalik sa atin.
D. Tanggapin at paglingkuran ng maayos ang lahat ng taong
nangangailangan.
User
User
DMWMark
4
8. Ang ibig sabihin ng karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng
pananampalataya
at pagpapalaganap nito ay:
A. Malaya ang isang pamilya na mamili ng relihiyon.
B. Ikukulong ang pamilyang hindi nagsisimba at hindi naniniwala sa
Diyos.
C. Malaya ang isang pamilya na magpunta sa ibang bansa.
D. Hindi kilalanin bilang isang Pilipino ang walang
relihiyon.
9. Ang sumusunod ay mga karapatan ng isang pamilya maliban
sa:
A. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na
buhay
pamilya.
B. Ang karapatan sa paghingi ng tulong sa gobyerno kahit na ito’y
hindi
pangangailangan.
C.Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay
at
karapatan.
D.Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa
mas
mabuting pamumuhay.
10. Bakit mahalaga ang pagboto sa panahon ng halalan at piliin ang
tapat na
mamumuno o lider sa ating bansa?
A. Makatutulong sila sa pagpapaunlad ng pamumuhay.
B. Makapagbibigay sila ng malaking pera sa botante.
C. Matutugunan ang bawat karapatan ng pamilyang Pilipino.
D. Maiiwasan ang problema sa krimen sa ating bansa.
User
User
DMWMark
5
Tuklasin Alam mo ba na pinakamahalaga ang papel na ginagampanan ng
pamilya para
magkaroon ng kabuluhan ang lipunan at ang politikal na larangan?
Sa
pangkalahatang kaisipan, wala ang mga bayani, wala ang mga
tinitingalang tao, wala
ang mga iniidolo at ang mga mabubuting mamamayan kung wala ang
pamilyang
humuhubog sa isang indibidwal, nag-aaruga, nagtuturo ng tamang
pag-uugali at
magandang-asal para sa kaunlaran at kapayapaan ng isang lipunan.
Ang kaunlaran
at katiwasayan ay hindi makakamit ng lipunan kung hindi
mapapangalagaan ang
pamilya. Sa paanong paraan kaya inalagaan ng lipunan ang
pamilya?
Ikaw, paano mo kaya natulungan ang iyong pamilya para magampanan
ang
papel na panlipunan at pampolitikal? Bago ang lahat, gawin mo ang
gawain sa ibaba.
GAWAIN 1
A.Magbigay ng 3 gawaing pagtulong ng iyong pamily sa
kapitbahay/pamayanan
1________________________________________________________________
2________________________________________________________________
3_________________________________________________________________
1._________________________________________________________________
2._________________________________________________________________
3._________________________________________________________________
C.Batay sa iyong sagot sa ikalawang bahagi,ano-ano kaya ang mga
nahihinuha mong
Karapatan ng pamilya?
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.
1.Sa iyong palagay, ikaw, bilang isang kasapi ng pamilya, ano-ano
ang mga naitulong
mo sa pagsasakatuparan sa ginagampanan ng iyong pamilya sa papel na
panlipunan
at pampolitikal na larangan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Ano ang kahulugan ng pamilya para sa inyo? May ilang taong
naniniwalang
ang isang pamilya’y tulad ng isang magandang kahong puno ng mga
bagay na gusto
nila: pagmamahal, katuwaan, pagkakaroon ng kasama (companionship)
at iba pang
magagandang bagay; isang kahong mabubuksan kailanma’t nais nila ng
mga bagay
na ito. Marahil, mas nakakatulad ng isang walang lamang kahon ang
pamilya.
Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa
rito ng mga
tao. Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may
makuhang anuman
mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga
pamilya,
kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at
paghikayat sa isa’t
isa. Ang mga ito ang nagpapatigib sa kahon. Ang paglalabas ng higit
sa isinilid natin
ay magpapabasyo sa kahon sa malao’t madali.
Gaano man kahirap, importante sa isang pamilyang magkaroon ng
komunikasyon. Kailangan nating kausapin, pakinggan, at unawain ang
isa’t isa.
Kailangang may makahati tayo sa ating mga kaisipan at damdamin. Sa
ganitong
paraan tayo natututong magtiwala at umasa sa isa’t isa.
Balikan
User
Dahil masyadong marami tayong pinagkakaabalahan sa buhay, wala
tayong
panahong makita o makasama ang isa’t isa. Mahalagang maglaan ng
panahon para
magkasama-sama upang makita ang isa’t isa at maging matibay ang
bigkis ng
pamilya. Maraming paraan para magkasama-sama.
Suriin
Ihanda ang iyong sarili na tuklsain ang isang bago at
pinakamahalagang
aralin.Hayaan mong mahasa ang iyong kakayahan at palawakin ang
iyong pang-
unawa sa kabuluhan ng papel na panlipunan at pampolitikal ng
pamilya. Kung kaya
simulan na natin ang pag-aaral.
PAPEL NG PAMILYA SA LIPUNAN
Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging
makasarili
at magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng
lahat. Dito niya
natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na
ang
paglilingkod sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa
kapatiran ng tao.
Mga Tala para sa Guro
User
Ang kapatirang ito ay mangyayari lamang kung mayroong
pinag-ugatang
pagkakapatiran sa pagitan ng mga tunay na magkakapatid sa loob ng
pamilya.
“Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay
ang
mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng
tahanan.” Ang
pagiging bukas palad ay maipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng
mga gawaing
panlipunan. Maaari itong makilahok sa mga samahan na boluntaryong
naglilingkod sa
pamayanan o kaya’y tumutulong sa mga kapus-palad. Higit sa lahat,
dapat na
tumulong ang pamilya sa mga nangangailangang hindi naaabot ng
tulong ng
pamahalaan. Isang halimbawa ang mga pamilyang nagbukas ng kanilang
mga
tahanan para sa mga naaapektuhan ng pagbaha at mga sakuna. Marami
ang mga
pamilyang ito na hindi nagdalawang-isip at buong pagtitiwalang
pinatutuloy ang mga
kapitbahay na kumakatok sa kanilang pinto at mga puso.
Nakalulungkot lamang na
mayroon ding mga nagbibingibingihan sa mga daing ng mga kapitbahay
dahil sa
kawalang-tiwala sa kapwa. Minsan kung sino pa ang higit na
makapagbibigay sila pa
ang nagsasara ng kanilang pinto. Nakatali sila sa materyalismo at
higit na
nagpapahalaga sa mga ari-arian kaysa sa pagtulong sa kapwa.
Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay
ang
mga pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng
tahanan. May mga
pamilyang naging tradisyon na kumukuha sila ng isang bata sa
bahay-ampunan
tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan, upang pansamantalang
tumira sa kanila.
Namimigay din sila ng mga regalo sa mga batang nasa bahay-ampunan o
sa mga
batang-lansangan. May anak na sa halip na maghanda para sa kaniyang
kaarawan
ay hinihiling sa kaniyang mga magulang na ibahagi na lamang sa
bahay-ampunan
ang perang dapat gugulin sa kaniyang handa. Mayroon ding gustong
idaos ang
kaniyang kaarawan sa bahay-ampunan o sa piling ng mga batang
lansangan.
Ang pagbabayanihan ay hindi na bago sa mga Pilipino. Isa ito
sa
ipinagmamalaki nating pagpapahalagang Pilipino. Naipakikita ang
pagbabayanihang
ito sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa isang kapitbahayan ay hindi na bago ang pagbibigayan ng ulam
lalo’t may
okasyon, ang pagbibilin sa mga anak sa kapitbahay kung walang
magbabantay ditong
kapamilya, at ang pagpapahiram ng mga kagamitan sa bahay sa mga
kapitbahay. Isa
sa ipinagmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na
pagtanggap lalo sa mga
panauhin. Inihahain natin ang pinakamasarap na pagkain para sa
kanila, ang
User
pinakamainam na higaan ang ating pinatutulugan, at ang
pinakamaganda nating gamit
ay inilalabas lamang kapag may panauhin. Ngunit may mas malalim na
antas ng
pagtanggap ng mga panauhin.
Ang mabuting pagtanggap na higit na kinakailangan nating ugaliin ay
ang
pagbubukas ng ating mga pintuan sa mga nangangailangan. Magagawa
kaya nating
maghain ng masasarap na pagkain, patulugan ang pinakamainam nating
higaan, at
ipagamit ang pinakamaganda nating gamit sa mga palaboy sa
lansangan?
Ang guro ang magbigay ng pagpapalalim tungkol sa paksang pagtulong
sa kapwa.
Isa itong pagpapahalaga na dapat magampanan ng bawat mag-aaral sa
kanilang
pang-araw araw na buhay.
1. Pag-alalay sa mga matatanda sa pagtawid sa kalsada.
2. Pagvovoluteer sa pag-ganyak ng mga tulong sa mga nasalanta ng
kalamidad.
3. Pagbibigay ng mga pagkain, delata, at pangunahing pangangailan
sa isang
komunidad.
4. Pagbibigay ng mga lumang damit sa mga nasunugan.
5. Pag-aalok ng upuan sa lugar na maraming tao lalo na sa mga
matatanda, buntis,
may kapansanan o mga bata.
6. Pagbibigay ng abuloy sa patay.
7. Pagbibigay ng direksyon sa mga taong naliligaw.
8. Pag-aayos ng gulo sa pagitang ng dalawang taong hindi
magkasundo.
9. Pagbibigay ng payo sa mga kaibigan na may kinakaharap na
problema.
10. Pagpapakain sa ilang mga batang lansangan
(Read more on Brainly.ph -
https://brainly.ph/question/1901272#readmore)
Papel ng Pamilya sa Lipunan
Ang tao ay hind lamang binubuo ng katawan at ispiritu… siya ay
isang panlipunang
nilalang, likas na kaugnay ng iba pang tao, hindi siya ipanganganak
o mananatiling
buhay kundi sa pamamagitan ng ibang tao. Ang pakikipagniig sa ibang
tao ay bahagi
ng kaniyang pagiging tao.”
(Sheen, isinalin mula sa Education in Values: What, Why and For
Whom ni Esteban,
1989.)
User
User
DMWMark
10
Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan
sa
pakikibahagi at pagbibigayan na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa
araw-araw.
Sa loob ng pamilya dapat natututuhan ng tao na iwaksi ang pagiging
makasarili at
magsakripisyo alang-alang sa kapwa – alang-alang sa ikabubuti ng
lahat. Dito niya
natututuhan na ang pagkakawang-gawa ay katumbas ng pagmamahal; na
ang
paglilingkod
sa kapwa ay kinakailangan upang maging kabilang sa kapatiran ng
tao. Ang
kapatirang ito ay mangyayari lamang kung mayroong pinag-ugatang
pagkakapatiran
sa pagitan ng mga tunay na magkakapatid sa loob ng pamilya.
* Ang pagtulong ng pamilya sa pamayanan ay paraan upang maisabuhay
ang mga
pagpapahalaga at birtud na itinuturo at natututuhan sa loob ng
tahanan.
* Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos. Nilikha ang mundo para sa
lahat ng
Kaniyang nilalang. Hindi maaaring angkinin ng iilan ang hangin,
tubig, at lupa. Ang tao
ay tagapamahala lamang at hindi lubos na nagmamay-ari ng lupa,
hangin, tubig, at
iba pang nilikha ng Diyos sa mundo.
* Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas
na tagapamahala
ng lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na
isulong ng pamilya
ang mga proyektong nangangalaga sa kalikasan tulad ng Clean and
Green Program.
User
1.Ano-ano ang papel na ginagampanan ng pamilya sa lipunan?
2.Bakit mahalaga ang mga kontribusyon ng pamilya sa lipunan?
Ipaliwanag.
3.Gaano kalaki ang epekto ng pangangalaga ng kalikasan ng pamilya
sa panlipunan?
4.Bilang isang mag-aaral, na magiging isang mabuting mamamayan, sa
tulong ng
paghubog sa iyo ng iyong pamilya, kaya mo bang gampanan ang iyong
tungkulin sa
pamilya? Paano?
5.Ano-ano ang mga gawaing angkop sa panlipunang papel ng bawat
pamilya sa
lipunan?
6. Sang-ayon ka ba na inaalagaan ng lipunan ang pamilya at
inaalagaan din ng
pamilya ang lipunan? Oo o hindi? Bakit? Ipaliwanag.
7.Bakit panlipunang nilalang ang tao? Ipliwanag
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Isulat sa journal ang sagot sa mga tanong na ito.
1. Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang papel na
panlipunan at
pampolitikal?
2. Bilang isang indibidwal, paano mo magagampanan ang iyong
tungkulin sa lipunan
at sa politkal na larangan?
3. Mahalaga ba ang mga karapatan ng pamilya? Gaano kalaki ang
kaugnayan nito sa
pagganap sa papel ng pamilya sa panlipunan at pampolitikal?
User
Gawain 1
Sa kasalukuyang panahon, sa kasagsagan ng isyung COVID 19 Virus,
punan ang
tsart na nasa ibaba batay sa iyong obserbasyon.
Mga pagtulong ng
Tanong:
1. Bakit mahalagang pangalagaan ng pamilya ang pamayanan para
maalagaan ng
pamayanan ang pamilya? Ipaliwanag.Magbigay ng isang halimbawa
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Gawain 5
A. Magsagawa ng survey sa inyong lugar sa Sampung (10) mamamayan.
Itanong ang
sumusunod sa iyong makakapanayam.
1. Tumutulong po ba ang inyong pamilya sa pamayanan o
simbahan?
_____ Oo. Kung Oo, itanong ang Tanong Bilang 2 hanggang 4.
_____ Hindi. Kung Hindi, itanong: Bakit po? Dahilan:
______________
___________________________________________________________________
2. Paano po tumutulong ang inyong pamilya sa pamayanan o
simbahan?
3. Bakit mahalagang tumulong ang inyong pamilya sa pamayanan o
simbahan?
4. Sa inyong palagay, ano-ano ba ang mga pangangailangan ng
pamilya?
5. Sa iyong palagay, natutugunan ba ng ating pamahalaan ang mga
pangangailangan
ng pamilyang Pilipino? Sa paanong paraan?
6. Sa kabilang dako, nagampanan ba ng mga mamamayan ang kanilang
tungkulin sa
lipunan?
Bumuo ng paglalagom sa iyong nakalap na impormasyon at ipakita sa
Graph na
paraan.
B. Gumuhit ng isang sitwasyon na nagpapakita ng papel ng pamilya sa
lipunan lalong-
lalo na sa panahon ng COVID 19 VIRUS. Kulayan at bigyan ng
paliwanag.
User
Pagtatasa: (Post-Test)
A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Isulat ang titik sa
tamang sagot.
1. Bakit mahalaga ang kaalaman ng pamilya sa mga karapatan at
tungkulin nito?
A. Maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong
panahon?
B. Hindi maisusulong at mapoprotektahan ang mga karapatan at
tungkulin ng
pamilya.
C.Bahagi ang mga ito ng papel na pampolitikal ng pamilya.
D.Maraming pamilya ang karapatan lamang ang pinaglalaban ngunit
hindi
ginagampanan ang tungkulin.
2. Ano ang paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud
na itinuro at
natutuhan sa loob ng pamilya?
A. Ang pagpapayaman ng pamilya
B. Ang pagmamahalan ng pamilya
C. Ang pagtulong ng pamilya
D. Ang pagkawasak ng pamilya
3. Ano ang katumbas ng pagkakawang-gawa na natututuhan sa
paglilingkod sa
kapwa?
4. Ang sumusunod ay halimbawa ng hindi pagtulong sa kapwa:
A. Pagtanggap ng abuloy para sa patay.
B. Pagpapakain sa ilang mga batang-lansangan
C. Pag-alalay sa mga matandang tumatawid sa kalsada
D. Pagbibigay ng mga lumang damit sa mga nasunugan
5. Sa anong paraan mo maipapakita ang pangangalaga sa
kalikasan?
A. Maging responsableng tagapangalaga sa likha ng Panginoon.
B. Kumain ng maraming gulay at prutas araw-araw.
C. Pagandahin ang bahay at bakuran upang maiwasang
magkasakit.
D. Awayin ang lahat ng ilegal na namumutol ng puno.
User
Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang
ng
pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng
ating mga
kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal para
sa
pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan,
nutrisyon, at edukasyon
ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangang
matupad ng mga
pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila
ang tulong-
pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer (CCT)
ng mga bansa
sa Latin Amerika at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang
milyon-milyong tao sa buong
mundo.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang
punong
ahensiya ng pamahalaan na namamahala sa 4Ps.
MGA LAYUNIN
May dalawang kambal na layunin ang 4Ps bilang pangunahing
programa
kontra-kahirapan ng administrasyong Aquino:
social assistance: pagbibigay ng pinansiyal na tulong sa
pinakamahihirap na mga
pamilya upang tugunan ang pangunahin nilang pangangailangan;
at
Karagdagang Gawain
User
DMWMark
16
social development: pagsira sa siklo ng kahirapang naipapasa sa
bawat henerasyon
sa pamamagitan ng pamumuhunan sa kalusugan at edukasyon ng
mahihirap na
kabataan. Sasailalim sila sa mga programa tulad ng:
check-up para sa mga buntis at batang may edad 0 hanggang 5 taong
gulang;
pagpupurga ng bulate ng mga mag-aaral edad 6 hanggang 14;
pag-eenrol ng mga bata sa daycare, elementarya, at hayskul;
at
mga sesyon na tutulong sa pagpapabuti ng samahan ng pamilya.
Tinutulungan din ng 4Ps ang pamahalaan ng Pilipinas na matupad
ang
pangako nito sa Millenium Development Goals (MDGs)—ispesipiko sa
pag-alis ng
labis na kahirapan at gutom, sa pagkamit ng unibersal na edukasyong
primarya, sa
pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa kasarian, sa pagpapababa ng
bilang ng
mga batang namamatay, at sa pagpapabuti ng pag-aalaga sa mga
buntis.
Gawain 1
Anu-ano pa ang nalalaman mong naitutulong ng pamahalaan sa
pamilya?
User
1.B 2.A 3.C 4.C 5.B 6.D 7.D 8.A 9.B 10.C
Pagyamanin
User
Lorelel ,Ramos B, Sandigan ng pagpapakatao 8
https://www.officialgazette.gov.ph/programs/ang-pantawid-pamilyang-pilipino-
program/
User
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education, Region VII,Division of Cebu Province
Office Address: IPHO Bldg.,Sudlon, Lahug,Cebu City
Telefax: (032)255-6405
Email address:
[email protected]