28
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response 10

Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

  • Upload
    others

  • View
    439

  • Download
    68

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 7:

Disaster Response

10

Page 2: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

ii

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V

Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lawrence A. dela Cruz

Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD

Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison

Tagaguhit: Vincent D. Robles

Tagalapat: Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

iii

10

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 7:

Disaster Response

Page 4: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Disaster Response.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Disaster Response.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

v

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito

ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng Community-Based Disaster

Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan.

Sa Modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng Ikatlong Yugto ng Disaster

Risk Reduction and Management Plan. Partikular ang mga nararapat gawin sa

panahon ng pagtugon sa panahon ng kalamidad. Nahahati ito sa tatlong leksyon:

Leksyon 1 – Kahulugan ng Disaster Response

Leksyon 2 – Mga Pagtataya sa Disaster Response

Leksyon 3 – Kahalagahan ng Pagsasagawa ng Disaster Response

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang kahulugan at mga konsepto ng Disaster Response;

2. natatalakay ang tatlong uri ng pagtataya sa Disaster Response; at

3. nasusuri ang kahalagahan ng mga gawain nakapaloob sa yugto ng

Disaster Response.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

2

Subukin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa

inilaang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa ikatlong yugto ng Disaster Risk Reduction and Management

(DRRM) Plan?

A. Disaster Rehabilitation and Recovery

B. Disaster Prevention and Mitigation

C. Disaster Preparedness

D. Disaster Response

2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Ikatlong Yugto ng Disaster Risk Reduction

and Management Plan?

A. tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad

B. gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang

masamang epekto ng mga kalamidad

C. inihahanda ang mamamayan sa paparating na kalamidad

D. sinusuri kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad

3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng

Ikatlong Yugto ng DRRM Plan?

A. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang

kalamidad.

B. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang

komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating

na kalamidad.

C. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad.

D. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga

pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad.

4. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa mga pangangailangan ng

mga biktima ng kalamidad?

A. Damage Assessment

B. Loss Assessment

C. Needs Assessment

D. Risk Assessment

5. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang

pagkasira ng mga ari-arian at/o imprastruktura dulot ng kalamidad?

A. Damage Assessment

B. Loss Assessment

C. Needs Assessment

D. Risk Assessment

Page 9: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

3

6. Alin sa sumusunod na pagtataya ang tumutukoy sa pansamantalang pagkawala

ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon?

A. Damage Assessment

B. Loss Assessment

C. Needs Assessment

D. Risk Assessment

7. Paano nagkakaugnay ang konsepto ng damage at loss?

A. ang loss ay resulta ng damage

B. ang damage ay resulta ng loss

C. walang damage kung walang loss

D. wala silang kaugnayan

8. Nabaha ang lupang taniman ni Mang Tonyo. Sa anong pagtataya nararapat

mailagay ang kanyang sitwasyon?

A. Damage Assessment

B. Loss Assessment

C. Needs Assessment

D. Risk Assessment

9. Gumuho ang mga gusali sa paaralang pinapasukan ni Ana. Sa anong pagtataya

nararapat mailagay ang kanyang sitwasyon?

A. Damage Assessment

B. Loss Assessment

C. Needs Assessment

D. Risk Assessment

10. Si Joy ay isang cashier sa pinapasukang department store. Baha sa kanyang

mga dadaanan at hindi siya makapapasok. Sa anong pagtataya nararapat

mailagay ang kanyang sitwasyon?

A. Damage Assessment

B. Loss Assessment

C. Needs Assessment

D. Risk Assessment

11. Si Juan ay bahagi ng DRRM team sa Bayan ng Bagong Nayon. Ayon sa kanyang

ginawang assessment ay hindi makakontak ang mga tao sa kanilang mga

kaanak upang makahingi ng tulong. Bilang pagtugon, alin sa sumusunod ang

maimumungkahi niya sa mga kinauukulan upang matulungan ang mga tao sa

Bagong Nayon?

A. Magpamigay ng mga libreng bigas at delata sa nasabing lugar.

B. Magsagawa ng medical mission upang magamot ang may sakit.

C. Tawagan ang mga telecommunications company upang matulungang

isaayos ang mga nasirang poste.

D. Magsagawa ng clearing operations sa mga kalsada dulot ng mga

nagbagsakang puno.

Page 10: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

4

12. Dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Barangay Santa Rosa ay

inerekomendang i-lockdown ito. Ayon sa pinakabagong census ay mas marami

ang senior citizens sa kanilang lugar. Alin sa sumusunod ang HIGIT na dapat

isama sa kanilang mga relief goods ayon sa kondisyon ng kanilang residente ng

kanilang barangay?

A. mga delata at instant noodles

B. mga gamot at bitamina

C. mga damit at kumot

D. mga sabon at toothpaste

13. Alin sa sumusunod ang HINDI halimbawa ng needs o pangangailangan ng mga

tao sa panahon ng kalamidad?

A. paglalaro ng mobile games

B. bigas, delata at tubig na inumin

C. tahanang may bubong at dingding

D. mga damit na maisusuot

14. Bakit mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng mga bumalangkas ng DRRM

Plan lalo sa pagpapatupad ng mga gawain sa Ikatlong Yugto nito?

A. upang matugunan ang pangangailangan ng iilan

B. upang matugunan ang pangangailangan ng mga kamag-anak ng mga

opisyales ng pamahalaan

C. upang matugunan ang pangangailangan ng lahat ng apektado ng

kalamidad

D. upang hindi matugunan ang pangangailangan ng lahat

15. Kung ikaw ay isang ordinaryong mamamayan nasa gitna ng isang kalamidad

ano ang maitutulong mo sa mga gawaing nakapaloob sa Ikatlong Yugto ng

DRRM Plan?

A. Magmukmok sa bahay hanggang matapos ang kalamidad.

B. Mag-post nang mag-post sa social media ng walang katuturang bagay.

C. Makiisa sa mga gawain ng mga nagpapatupad ng batas.

D. Sumuway sa utos ng mga nagpapatupad ng batas.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 11: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

5

Aralin

1 Ikatlong Yugto ng DRRM

Plan: Disaster Response

Sa pagtugon sa mga panahon ng kalamidad ay mahalagang alam ng mga

namamahala ang nararapat gawin upang matugunan ang pangangailangan ng mga

tao sa panahon na nagaganap ang kalamidad. Kinakailangan na alam ng mga ito

ang mga pangangailangan ng mga tao na dapat maibigay; ang mga gusali at

imprastruktura na kailangang isaayos; at ang mga serbisyong nawala na kailangang

maibalik upang manumbalik sa normal na daloy ng buhay ang mga tao.

Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa Ikalawang Yugto ng DRRM

Plan na Disaster Preparedness. Upang mapagtibay ang natutuhan mo ukol rito,

punan ang Checklist sa ibaba ng mga nararapat gawin bago tumama ang isang

kalamidad. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

Page 12: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

6

Tuklasin

Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang mga salitang may

kaugnayan sa araling tatalakayin. Isulat ang inyong sagot sa inilaang sagutang

papel.

Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga salitang nabuo ang pamilyar sa iyo?

2. Ano ang kasing-kahulugan ng mga ito sa wikang Filipino?

3. Kaya mo bang bigyan ng kahulugan ang mga ito?

Ang aralin ito ay tatalakay sa mga paghahandang nararapat gawin ng

pamahalaan at ng mga mamamayan nito sa panahon ng kalamidad. Kung marami

kang nasagot sa mga katanungan sa itaas ay madali mong maiintindihan ang

paksang pag-aaralan. Kung kaunti naman ang iyong nasagot ay dapat lamang na

pag-aralan mong mabuti ang susunod na babasahin at gawin ang mga gawain binuo

para maintindihan mo ang ating paksang-aralin.

Suriin

Tinatawag na Disaster Response ang ikatlong yugto ng DRRM Plan. Dito ay

inaalam ang lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad. Ang impormasyong

makukuha rito ay magsisilbing batayan upang maging maaayos ang pagtugon sa

mga pangangailangan ng mga mamamayang nakaranas ng kalamidad sa isang

komunidad.

PORENSSE

DESEN

SOSL

MAGEDA

Page 13: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

7

Binubuo ng tatlong pagtataya ang yugto ng Disaster Response. Ito ay ang

Needs Assessment, Damage Assessment at Loss Assessment.

1. Needs Assessment-inaalam ang pangunahing pangangailangan ng mga

nakaranas ng kalamidad katulad ng mga pagkain, tirahan, damit, gamot at iba

pang kagamitan. Mahalagang malaman ang mga ito upang maibigay sa mga

nasalanta ng kalamidad kung ano talaga ang kanilang pangangailangan. Dahil

dito ay maiiwasan ang pagbibigay ng sobra-sobra o mga bagay na hindi naman

kailangan ng mga biktima ng kalamidad.

2. Damage Assessment-inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura

bunsod ng kalamidad. Inaalam rito kung may nasirang mga tulay, kalsada at

maging mga gusali gaya ng sa mga ospital at paaralan. Mahalaga ito upang

malaman ng kinauukulan kung ano dapat ayusin upang manumbalik sa normal

na buhay ang mga nasalanta ng kalamidad.

Page 14: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

8

3. Loss Assessment- inaalam rito ang mga nawalang serbisyo gaya ng suplay ng

tubig, kuryente at maging operasyon ng mga ospital at paaralan. Inaalam rin dito

kung natigil ang produksyon ng ilang pangunahing pangangailangan gaya ng sa

pagkain at gamot. Mahalaga ang bahaging ito upang malaman ng mga

kinauukulan kung anong serbisyo o produksyon ang kinakailangang maibalik

agad upang magamit ng mga tao.

Sa tatlong assessment na ito, maituturing na magkaugnay ang damage

assessment at loss assessment. Ang mga bagay na nawawala (loss) ay dulot ng mga

bagay na nasisira (damage). Halimbawa, kapag nasira ang mga ospital ay

maaapektuhan nito ang serbisyo na ibinibigay sa mga taong maysakit. Gayundin sa

mga paaralan, kung saan, natitigil ang pasok ng mga mag-aaral dahil sa mga hindi

magamit na pasilidad. Isa pang halimbawa nito ang pagkasira ng mga tulay at

kalsada na nagpapatigil sa tuloy-tuloy na daloy ng mga sasakyan. Ang pagkasira

naman ng mga taniman at hayupan ay nagdudulot pagkahinto ng produksyon ng

mga pagkain.

Kaya naman mahalaga ang

koordinasyon ng mga ahensya na

pamahalaan at lahat ng sektor ng lipunan

na may kaugnayan sa paggawa ng DRRM

Plan. Ang mga naisagawang paghahanda sa

Una at Ikalawang Yugto nito ay dapat

magamit at maisagawa sa Ikatlong Yugto.

Mayroon kasing mga pagkakataon na

naisasawalang bahala ang mga naiplano sa

mga naunang yugto kapag tumama na ang

kalamidad sa isang lugar dahil sa kawalan

ng maayos na komunikasyon at

koordinasyon sa mga sektor na tumutugon

sa kalamidad. Nararapat ring isaalang-alang

ang kaligtasan ng bawat isang tumutugon

sa gitna ng mga kalamidad. Dapat

siguruhing may sapat na kakayahan at

pagsasanay ang mga taong kabilang sa mga

tutugon sa mga kalamidad na darating.

Ilustrasyon ng koordinasyon mula sa

nasyunal na pamahalaan hanggang

sa lokal na pamahalaan

Page 15: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

9

Sa kabuuan, mahalagang maisagawa ang mga assessment sa Ikatlong Yugto

ng Disaster Risk Reduction and Management Plan upang makatugon nang maayos

ang mga taong nakatalaga para rito. Matutukoy ng mga assessment na ito kung ano-

ano ang pangangailangan ng mga tao, ano-anong gusali at imprastruktura ang dapat

maisaayos upang manumbalik ang mga serbisyo at produksiyon na kailangan ng

mga mamamayang umaasa lamang dito para mabuhay. Ang maayos na pagtugon sa

mga kalamidad na dumarating sa isang lugar ay makapagpapadali sa pagbangon at

panunumbalik sa normal na daloy ng buhay ng mga tao.

Narito ang isang halimbawa ng disaster monitoring form halaw mula sa

National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Dito ay

inaalam ang mga impormasyon ukol sa naganap na sakuna gaya ng lokasyon, bilang

ng mga sugatan o namatay, mga nasirang imprastruktura at marami pang iba. Sa

pamamagitan nito ay makikita ng mga tutugon sa kalamidad kung ano ang kanilang

aasahan at kung paano nila tutugunan ang kalamidad na naranasan sa isang lugar.

Disaster Monitoring Form

I. Uri ng kalamidad: Pagbaha dulot ng Bagyong Dodong

Pangalan ng Bayan/Barangay

Brgy. Maligaya Tinatayang bilang ng nakatira:

950

Pangalan ng namumuno sa komunidad: G. Juan dela Cruz

Petsa: Setyembre 29, 2017 Oras: 8:00am-9:00pm

II. Demograpiya

Bilang ng mga taong: Namatay: 1 Nasugatan: 20 Nawawala: 2

Bilang ng mga bahay na naapektuhan

Bahagyang Pinsala: 10

Malubhang Pinsala: 3

Tuluyang Nawasak: 1

Bilang ng pamilyang apektado

Kasalukuyang bilang ng mga bakwit: 500

Tinatayang kabuuang bilang ng mga pamilya: 230

III. Pangangailangan ng mga tao (lagyan ng tsek)

Pagkain Tubig Damit Kumot

Gamot Toiletries Sabong

Panlaba

Banig

Iba pang pangangailangan (ilista)

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

IV. Kalagayan ng mga Imprastruktura

Nasira/natabunang kalsada May bumagsak na puno sa Kalye Mabini.

Nasira/bumagsak na tulay Walang nasirang tulay

Nasira/bumagsak na telecommunications tower

May tumamang sanga ng puno sa isang tore sa Sitio Mapulang Lupa

Nasirang mga gusali Walang nasirang gusali

Mga gamit sa paggawa ng bahay gaya ng pako, plywood at iba pa

Page 16: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

10

V. Kalagayan ng Agrikultura

Mga nasirang taniman Nabaha ang 2 ektarya na taniman ng palay.

Mga nasirang palaisdaan Nabaha ang 1 ektarya ng palaisdaan sa Purok 2

Mga nasirang paghahayupan May 10 baboy, 100 na manok ang natangay ng baha.

Iba pang mga tala

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pagyamanin

A. Panuto: Punan ng mga impormasyon ang akrostik sa ibaba na tutukoy ng

kahulugan ng disaster response. Gumamit lamang ng tig-iisang pangungusap para

sa bawat titik. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

R

E

S

P

O

N

S

E

Page 17: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

11

B. Panuto: Punan ang mga nawawalang salita upang mabuo ang kahulugan ng

disaster response. Piliin ang tamang sagot mula sa mga kahon sa ibaba. Isulat ang

iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

Tinatawag na Disaster Response ang ________________ Yugtong

_________________ Plan. Dito ay inaalam ang ________________ ng

_________________ dulot ng isang _________________.

Ang _________________ makukuha rito ay magsisilbing _________________

upang maging maayos ang _________________ sa mga _________________ ng

mga mamamayang nakaranas ng _________________ sa isang

komunidad.

C. Panuto: Punan ang graphic organizer sa ibaba ng mga angkop na impormasyon

ukol sa tatlong assessment na isinasagawa sa Disaster Response. Isulat ang iyong

sagot sa inilaang sagutang papel.

Needs Assessment

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

Damage Assessment

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

Loss Assessment

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

____________________

(1)

(2) (3)

(4) (5)

(6) (7)

(8) (9) (10)

Para sa bilang 1-5

DRRM Ikatlong kalamidad

lawak pinsalang

Para sa bilang 6-10

batayan impormasyong kalamidad

pagtugon pangangailangan

Page 18: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

12

D. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at alamin kung ito ay tumutukoy

sa Needs Assessment, Damage Assessment o Loss Assessment. Isulat sa inilaang

sagutang papel ang mga titik na NA kung ito ay tumutukoy sa Needs Assessment,

DA kung ito ay tumutukoy sa Damage Assessment o LA kung ito naman ay

tumutukoy sa Loss Assessment.

_______ 1. Inaalam rito ang pagkawala ng serbisyo at pagtigil ng produksyon.

_______ 2. Tinutukoy dito ang mga napinsalang ari-arian o imprastruktura.

_______ 3. Inaalam sa assessment na ito ang mga pangangailangan ng mga

nasalanta ng kalamidad.

_______ 4. Mahalaga ito upang matukoy ang kailangang kumpunihin o ayusing

imprastruktura upang makabalik sa normal na buhay ang mga tao.

_______ 5. Mahalaga ito upang malaman kung ano ang kailangan ng mga tao na

nasalanta ng kalamidad.

_______ 6. Maaaring mapasama sa pagtataya na ito ang mga pagkain, damit at

tirahan.

_______ 7. Maaaring mapasama sa pagtataya na ito ang mga nasirang tulay,

kalsada at mga gusali.

_______ 8. Maaaring mapasama rito ang kawalan ng serbisyo ng mga hospital,

kawalan ng pasok sa paaralan at kawalan ng suplay ng kuryente at

tubig.

_______ 9. Dahil dito ay maiiwasan ang pagbibigay ng sobra-sobra o mga bagay

na hindi naman kailangan ng mga biktima ng kalamidad.

_______ 10. Mahalaga ang bahaging ito upang malaman kung anong serbisyo o

produksyon ang kinakailangang maibalik upang magamit ng mga tao.

E. Panuto: Punan ng mga angkop na impormasyon ang graphic organizer sa ibaba

ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng koordinasyon at mga kakayahan sa

pagsasagawa ng Disaster Response. Isulat ang iyong sagot na inilaang sagutang

papel.

Page 19: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

13

F. Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang salitang TAMA kung

wasto ang ipinahahayag at MALI kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa inilaang

sagutang papel.

_________ 1. Kapag nagtutugma ang mga naiplano sa una at ikalawang yugto sa

mga gagawin sa disaster response ay magiging maayos ito.

_________ 2. Ang kawalan ng kakayahan at mga pagsasanay ng mga taong

magsasagawa ng disaster response ay magdudulot ng disgrasya.

_________ 3. Dapat ay magkaiba ang ginagawa ng lokal na pamahalaan at

nasyonal na pamahalaan sa disaster response.

_________ 4. Ang disaster response ay tungkulin lamang ng pamahalaan.

_________ 5. Ang pagkakaisa ng lahat sa panahon ng kalamidad ay makakatulong

upang matugunan ang pangangailangan ng lahat.

_________ 6. Mahalaga ang komunikasyon at koordinasyon sa pagitan ng mga

taong nakatalaga sa pagsasagawa ng disaster response.

_________ 7. Kinakailangang panatilihin ang hindi pagkakaintindihan kahit pa sa

panahon ng pagtugon sa mga kalamidad.

_________ 8. Ang disaster response ay tungkulin lamang ng mga mamamayan.

_________ 9. Ang tamang pagpaplano ay makapagpapadali sa proseso ng

pagtugon tuwing may sasapit na mga kalamidad.

_________ 10. Magtatagumpay ang disaster response kahit hindi naisagawa ang

una at ikalawang Yugto ng DRRM Plan.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat ang iyong sagot sa

inilaang sagutang papel. Limang puntos bawat isa.

1. Bakit mahalagang maisagawa ang disaster response sa isang lugar na

nasalanta ng isang kalamidad?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Page 20: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

14

2. Ano ang kaugnayan ng mga konsepto ng damage at loss? Magbigay ng mga

halimbawa.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang may koordinasyon at kakayahan ang mga nagsasagawa ng

disaster response?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Punan ang isang halimbawa ng Disaster Monitoring Form na halaw mula sa

National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Aalalahanin

o magtanong-tanong ukol sa isang kalamidad na naganap sa inyong barangay.

Upang magabayan ka sa isasagawa mong gawain ay isaisip ang sumusunod na

sitwasyon:

Sitwasyon: Ipagpapalagay mo na ikaw ay bahagi ng DRRM team ng inyong

barangay. Mayroong naganap na kalamidad at kinakailangan mong punan

ang isang Disaster Monitoring Form sa inilaang sagutang papel.

Kinakailangang tama ang mga datos na maitatala mo rito upang

makapagbigay ng tamang impormasyon sa mga tutugon sa pangangailangan

at mga nasirang imprastruktura. Mamarkahang ang ginawa mong disaster

response form sa rubric sa ibaba.

Rubric sa Pagmamarka ng Disaster Monitoring Form

Kraytirya Di- Pangkaraniwan

4

Kahanga-

hanga

3

Katanggap-

tanggap

2

Pagtatangka

1

1. Kalidad ng

datos

Angkop at may

kaugnayan ang

mga datos sa

paksa.

May

kaugnayan sa

paksa

May kaugnayan

sa paksa ngunit

ang ibang datos

ay di - angkop.

Walang

kaugnayan at

di - angkop.

2. Bilang ng

datos

Higit sa

itinakdang bilang

Nakasunod sa

itinakdang

bilang

May ilang

kakulangan

Maraming

kakulangan

Page 21: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

15

3. Kayarian

May kaiga-

igayang

kayarian,

artistiko, maayos

ang kabuuang

ginawa.

May kaiga -

igayang

kayarian,

maayos ang

kabuuang

ginawa.

Maayos ang

pagkakasulat

subalit hiwa -

hiwalay ang mga

pahina.

Di- maayos

ang

pagkasulat,

hiwa-hiwalay

ang pahina.

4. Pagpapasa

ng gawa

Nakapagsumite

sa itinakdang

araw.

Nakapagsumite

sa tamang

oras.

Nakapagsumite

ngunit huli sa

itinakdang araw.

Higit sa 1

linggo ang

kahulihan.

Tayahin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat ang titik ng tamang sagot sa

inilaang sagutang papel.

1. Pang-ilang Yugto ang Disaster Response sa Disaster Risk Reduction and

Management Plan?

A. Una

B. Ikalawa

C. Ikatlo

D. Ikaapat

2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa yugto ng disaster response?

A. tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad

B. inihahanda ang mga mamamayan sa paparating na kalamidad

C. gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang

masamang epekto ng mga kalamidad

D. tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad

3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng

Ikatlong Yugto ng DRRM Plan?

A. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad.

B. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga

pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad.

C. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang

kalamidad.

D. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang

komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating

na kalamidad.

Page 22: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

16

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa needs assessment?

A. Inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng mga

kalamidad.

B. Inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente.

C. Inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas

ng kalamidad.

D. Inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya.

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa damage assessment?

A. inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng

kalamidad

B. inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente

C. inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas

ng kalamidad

D. inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya

6. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa loss assessment?

A. inaalam ang mga nasirang ari-arian at imprastruktura bunsod ng

kalamidad

B. inaalam dito ang mga nawalang serbisyo gaya ng tubig at kuryente

C. inaalam dito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nakaranas

ng kalamidad

D. inaalam dito ang mga panganib na maaaring magdulot ng disgrasya sa

mga tao

7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng damage at loss?

A. ang loss ay idinudulot ng damage

B. ang damage ay idinudulot ng loss

C. walang damage kung walang loss

D. wala silang kaugnayan

8. Nasira ang pangunahing kalsada patungong Barangay San Simon. Sa anong

pagtataya nararapat mailagay ang sitwasyong ito?

A. Damage Assessment C. Needs Assessment

B. Loss Assessment D. Capacity Assessment

9. Namatay ang mga alagang manok ni Aling Tessie dahil sa malawakang pagbaha

sa kanilang nayon. Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang

sitwasyon?

A. Damage Assessment C. Needs Assessment

B. Loss Assessment D. Capacity Assessment

10. Nangangailangan ng mga damit at kumot ang pamilya ni Ben na nasunugan

noong isang araw. Sa anong pagtataya nararapat mailagay ang kanyang

sitwasyon?

A. Damage Assessment C. Needs Assessment

B. Loss Assessment D. Capacity Assessment

Page 23: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

17

11. Si Pedro ay bahagi ng DRRM team sa Bayan ng Maliksi. Ayon sa kanyang

ginawang assessment ay nasira ang tulay na nagdudugtong sa Bayan ng Maliksi

sa iba pang kalapit-bayan. Bilang pagtugon, alin sa sumusunod ang

maimumungkahi niya sa mga kinauukulan upang matulungan ang mga tao sa

nasabing bayan?

A. Magpamigay ng mga libreng bigas at delata sa nasabing lugar.

B. Magsagawa ng medical mission upang magamot ang maysakit.

C. Tawagan ang mga telecommunications company upang matulungang

isaayos ang mga nasirang poste sa Maliksi.

D. Gumawa ng pansamantalang madadaanan hanggang sa magkaroon na ng

pondo upang mapagawa ang nasirang imprastruktura.

12. Dahil sa tagal ng paghupa ng baha sa Barangay Nagbalon ay naubusan na ng

suplay ng pagkain ang mga tagaroon. Bilang pagtugon ng DRRM team ng

kanilang barangay, alin sa sumusunod ang HIGIT na dapat mapasama sa

kanilang relief goods?

A. mga delata at instant noodles C. mga damit at kumot

B. mga gamot at bitamina D. mga sabon at toothpaste

13. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng needs o pangangailangan ng mga tao sa

panahon ng kalamidad?

I. paglalaro ng mobile games

II. bigas, delata at tubig na inumin

III. tahanang may bubong at dingding

A. I at II C. I at III

B. II at III D. I, II at III

14. Bakit mahalaga ang koordinasyon sa pagitan ng mga bumalangkas ng DRRM

Plan lalo sa pagpapatupad ng mga gawain sa Ikatlong Yugto nito?

A. Upang matugunan ang pangangailangan ng lahat nang nasalanta.

B. Upang hindi matugunan ang pangangailangan ng lahat.

C. Upang matugunan ang pangangailangan ng iilan.

D. Upang matugunan ang pangangailangan ng mga kamag-anak ng mga

opisyales ng pamahalaan.

15. Si Sarah ay isang ordinaryong mamamayan nasa gitna ng isang kalamidad ano

kaya ang maitutulong niya sa mga gawaing nakapaloob sa Ikatlong Yugto ng

DRRM Plan?

A. Makiisa sa mga gawain ng mga nagpapatupad ng batas.

B. Sumuway sa utos ng mga nakatataas.

C. Magmukmok sa bahay hanggang matapos ang kalamidad.

D. Magpost nang magpost sa social media ng walang katuturang bagay.

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang pag-

aaral sa paksa ng ating aralin. Dahil dito, handa ka nang harapin ang susunod pang

modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa mga

karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang

aking pagbati!

Page 24: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

18

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Gumawa ng isang bidyo ng balita patungkol sa isang kalamidad naganap

sa inyong barangay. Maaari mong gamiting basehan ang mga impormasyong

nakalap mo sa naunang gawain. Siguruhing mabanggit ang mga

pangangailangan, mga nasira at mga nawala sa panahon ng kalamidad na iyon. I-

record at ipadala sa inyong guro ang nagawang balita. Mamarkahan ang inyong gawa

sa pamamagitan ng sumusunod na rubrik:

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY

(4)

MAHUSAY

(3)

NALILINANG

(2)

NAGSISIMULA

(1)

NILALAMAN (50%)

Ang ibinalita ay:

may tuwirang

kaugnayan sa

paksa

buo ang diwa

magkakaugnay

makatotohanan

Nagpamalas ng

4 mula sa 4 na

pamantayan

Nagpamalas

ng 3 mula sa

3 na

pamantayan

Nagpamalas

ng 2 mula sa

2 na

pamantayan

Nagpamalas

ng 1 mula sa 1

na

pamantayan

PAGTATANGHAL

(25%)

Nagpamalas ng:

pagkamalikhain

kahandaan

malinaw at maayos

na bidyo-

kalinawan sa

pagsasalita

Nagpamalas ng

4 mula sa 4 na

pamantayan

Nagpamalas

ng 3 mula sa

3 na

pamantayan

Nagpamalas

ng 2 mula sa

2 na

pamantayan

Nagpamalas

ng 1 mula sa 1

na

pamantayan

PANGKALAHATANG

IMPAK (25%)

Sa kabuuan ang

pagbabalita ay:

nag-iwan ng

tumpak na

mensahe

nakahikayat ng

manonood

positibong

pagtanggap

madaling

intindihin

Nagpamalas ng

4 mula sa 4 na

pamantayan

Nagpamalas

ng 3 mula sa

3 na

pamantayan

Nagpamalas

ng 2 mula sa

2 na

pamantayan

Nagpamalas

ng 1 mula sa 1

na

pamantayan

Page 25: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

19

B. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay ukol sa Ikatlong Yugto ng Disaster Risk

Reduction and Management Plan: Disaster Response. Maaaring talakayin ang

kahalagahan nito at ang mga pagtataya na nakapaloob rito. Limitahan ito sa tatlong

talata na may tig-lima hanggang sampung pangungusap lamang. Isulat ito sa

hiwalay na papel na ipapasa mo sa iyong guro. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba:

Kraytirya Di-

Pangkaraniwan 4

Kahanga-hanga

3

Katanggap-

tanggap 2

Pagtatangka

1

1. Paksa Naipapaliwanag

ng malinaw ang

mga

nasasaliksik

na relatibong detalye na may

kaugnayan sa

paksa

Naipaliwanag

nang malinaw

Naiugnay ang

relasyon ng

pang-

suportang

detalye sa paksa ngunit

di-sapat

Walang

kaugnayan

ang teksto sa

paksa

2. Organisasyon Naisasaayos ng

mabuti ang

pagkakasunod-

sunod nang

mga detalye at nakapagprodyus

ng isang kaaya-

ayang

komposisyon

Naisaayos nang

mabuti ang

pagakakasunod-

sunod ng mga

detalye

Ang

organisasyon

ng mga ideya

ay hindi

sunod-sunod at kulang ang

detalye

Hindi

organisado

ang gawain

3. Balarila Nagpamalas ng

mayaman at

malawak na

kaalaman sa

paggamit ng mga salita at

wastong bantas.

Nagpamalas ng

malawak na

kaalaman sa

paggamit ng mga

salita at wastong bantas

Nagpamalas

ng limitadong

kaalaman sa

paggamit ng

mga salita at wastong

bantas

Di-angkop

ang mga

salitang

ginamit at

mali ang paggamit ng

bantas

4. Tono ng sanaysay

Tumpak at angkop para sa

pormal na

salaysay at

nagpamalas ng

kahusayan at

tiwala sa sarili

Angkop para sa pormal na

sanaysay at

nagpamalas ng

kahusayan

Nagpamalas ng limitadong

kaalaman sa

paggamit ng

mga salita at

wastong

bantas

Di-wasto at di-angkop

ang sanaysay

5. Kayarian ng

sanaysay

May matatag at

malinaw na

argumento na sinuportahan ng

mahusay na

pagsusuri ng

mga detalye at

wikang ginamit

May matatag at

malinaw na

argumento na sinuportahan ng

mahinang

pagsusuri ng

mga detalye at

wikang ginamit.

Simple ang

argumento na

sinuportahan ng mahinang

pagsusuri ng

mga detalye

at wikang

ginamit

Hindi

mahusay ang

argumento at walang

ginawang

pagsusuri sa

mga detalye

at wikang ginamit

Page 26: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

20

Susi sa Pagwawasto

ISAGAWA

May kaniya-kaniyang sagot

SUBUKIN 1. D 11. C

2. D 12. B

3. D 13. A

4. C 14. C

5. A 15. C

6. B

7. A

8. A

9. A

10. B

TUKLASIN

PORENSSE RESPONSE

DESEN NEEDS

SOSL LOSS

MAGEDA DAMAGE

Pamprosesong Tanong: 1. May kaniya-kaniyang sagot 2. May kaniya-kaniyang sagot 3. May kaniya-kaniyang sagot

PAGYAMANIN A. May kaniya-kaniyang sagot

B. 1. Ikatlo

2. DRRM

3. lawak

4. pinsalang

5. kalamidad

6. impormasyong

7. batayan

8. pagtugon

9. pangangailangan

10. kalamidad

PAGYAMANIN C. May kaniya-kaniyang sagot

D. 1. LA

2. DA

3. NA

4. DA

5. NA

6. NA

7. DA

8. LA

9. NA

10. LA

PAGYAMANIN E. May kaniya-kaniyang sagot

F. 1. TAMA

2. TAMA

3. MALI

4. MALI

5. TAMA

6. TAMA

7. MALI

8. TAMA

9. TAMA

10. MALI

TAYAHIN 1. C 11. D 2. A 12. A 3. B 13. B 4. C 14. A 5. A 15. A 6. B 7. A 8. A 9. B 10. C

BALIKAN

May kaniya-kaniyang sagot

ISAISIP

May kaniya-kaniyang sagot

KARAGDAGANG GAWAIN

A.

May kaniya-kaniyang

gawa.

B.

May kaniya-kaniyang

gawa.

Page 27: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

21

Sanggunian "Incident Monitored Reports". 2019. National Disaster Risk Reduction and

Management Council. http://ndrrmc.gov.ph/ attachments/article/

3850/Incidents_Monitored_covering_the_period_5AM_to_8M_30_August_201

9.pdf.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig:

Department of Education.

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga

Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig:

Department of Education.

"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource

Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/

download/18275.

"The National Disaster Risk Reduction and Management Plan". 2011.

Department of Interior and Local Government. https://www.dilg.gov.ph/

PDF_File/reports_resources/DILG-Resources- 2012116-420ac59e31.pdf.

Page 28: Unang Markahan Modyul 7: Disaster Response€¦ · Unang Markahan – Modyul 7: Disaster Response Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]