175
1 UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang-unawa: Naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto at kahalagahan ng pagkilala sa bansa kaakibat ang pang- unawa sa katangiang heograpiko nito. Pangunahing Katanungan: Bakit kailangang malaman ang katangiang heograpikal ng ating sariling bansa? Paano makatutulong ang kaalaman natin sa globo at mapa sa pang-araw-araw nating pamumuhay? Aralin 1 – Kahulugan ng Bansa I. Mga Layunin 1. Naipaliliwanag ang mahahalagang mga kaalaman at konsepto ukol sa kahulugan ng bansa at mga katangian nito; 2. Nakapaglalarawan ng iba’t ibang mga magagandang lugar at tanawin sa bansa na nakita at napuntahan ng mga mag-aaral; at 3. Napahahalagahan ang natatanging katangiang heograpikal ng bansa at sariling pagkakakilanlan.

UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

  • Upload
    others

  • View
    28

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

1

UNANG MARKAHANANG AKING BANSA

Pangunahing Pang-unawa:

Naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto at kahalagahan ng pagkilala sa bansa kaakibat ang pang-unawa sa katangiang heograpiko nito.

Pangunahing Katanungan:

Bakit kailangang malaman ang katangiang heograpikal ng ating sariling bansa? Paano makatutulong ang kaalaman natin sa globo at mapa sa pang-araw-araw nating pamumuhay?

Aralin 1 – Kahulugan ng Bansa

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang mahahalagang mga kaalaman at konsepto ukol sa kahulugan ng bansa at mga katangian nito;

2. Nakapaglalarawan ng iba’t ibang mga magagandang lugar at tanawin sa bansa na nakita at napuntahan ng mga mag-aaral; at

3. Napahahalagahan ang natatanging katangiang heograpikal ng bansa at sariling pagkakakilanlan.

Page 2: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

2

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bansa ay binubuo ng teritoryo na may tiyak na hangganan, may laki at lawak, at binubuo ng iba’t ibang anyong tubig at lupa. Ito ay nagiging tirahan ng mga mamamayan nito, maaaring sa siyudad, bayan, o lalawigan at may sinusunod na pamahalaan, may sariling kultura, at nakagisnan.

B. Paksang-aralin

Kahulugan ng Bansa

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 2–11

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga gawain sa “Maglaro Tayo!!” at “Mag-isip Tayo!!” sa pp. 2–3. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

Page 3: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

3

2. Talasalitaan

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 3–4. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mahahalagang salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang sandali ang mga mag-aaral upang sagutan ang maikling pagsasanay.

b. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano sa mga salitang nabilugan ang kanilang kayang bigyang kahulugan. Ipakilala ang lahat ng mga salitang nabilugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payak na pagpapakahulugan. Gumamit ng mga halimbawa o sitwasyon upang lalong maunawaan kung kinakailangan.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang mga pangunahing salita tulad ng teritoryo, anyong lupa, anyong tubig, populasyon, pangulo, probinsiya, lungsod, bayan, kontinete, at rehiyon. Magsagawa ng isang Gallery Walk kung saan ang bawat mag-aaral ay magtatala ng anumang bagay na kanilang alam ukol sa mga salitang nakapaskil (maaaring sa pagsulat sa pisara o flashcards na

Page 4: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

4

nakadikit). Siguraduhing may pagitan ang bawat isa upang may espasyo na pagsusulatan ng mga mag-aaral ng kanilang mga sagot.

b. Pabuuin ang mga mag-aaral ng mga pangungusap gamit ang mahahalagang salita. Magbigay rin ng karagdagang konsepto at pagpapaliwanag upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang mga paksa.

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng isang laro. Bigyan ang mga mag-aaral ng isang Ph list. Inaasahan ang mga mag-aaral na magbigay ng tigtatlong halimbawa sa sumusunod na konsepto na natalakay. Ang unang sampung mag-aaral na makatatapos sa kanilang Ph list ay mabigyan ng gantimpala.

Tatlong Kontinente Tatlong Pangulo ng Pilipinas

1.2.3.

1.2.3.

Tatlong Probinsiya sa Pilipinas

Tatlong Yamang Lupa (Tourist Attraction sa

Pilipinas)1.2.3.

1.2.3.

Page 5: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

5

Tatlong Lungsod sa Pilipinas

Tatlong Yamang Tubig(Tourist Attraction sa

Pilipinas1.2.3.

1.2.3.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 4–5. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang bahaging ito at pagkatapos ay isagawa ang pagtatama.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang kontinente ng Asya at ang ilang mga bansa na matatagpuan dito. Ibigay ang mga sumusunod na halimbawa ayon na rin sa pagsasanay na ibinigay. Talakayin sa mga mag-aaral ang ilan sa mga katangiang heograpikal ng mga bansa na nasa Asya kasama na ang Pilipinas.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang kahulugan o ang konsepto ng pagiging isang bansa.

Page 6: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

6

Sa pamamagitan ng estratehiyang dugtungan, pagbigayin ang bawat isang mag-aaral ng kanilang nalalaman ukol sa salitang bansa. Padugtungan ang sumusunod na mga panimulang salita.

i. Row 1 – Ang salitang bansa ay hango sa _______.

ii. Row 2 – Para maituring na isang bansa, ito ay ______.

iii. Row 3 – Ang mga halimbawa ng bansa ay _______.

iv. Row 4 – Ang ating bansa ay _________________.

b. Magkaroon ng talakayan pagkatapos maibigay ng mga mag-aaral ang lahat ng impormasyon ukol sa kahulugan ng bansa.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 7–8. Isunod ang pagwawasto at tanungin ang mga mag-aaral kung mayroon silang kaalaman ukol sa mga bansang nabilugan. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral sa pagbabahagi.

Page 7: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

7

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Magpakita sa mga mag-aaral ng mapa ng Pilipinas. Tanungin ang mga mag-aaral kung paano nila ilalarawan ang itsura at iba pang katangian ng bansa ayon sa nakikita nila sa ating mapa.

b. Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga sagot sa kanilang kapwa mag-aaral sa pamamagitan ng estratehiyang Think-Pair-Share.

2. Talasalitaan

a. Magpakita ng flashcards na naglalaman ng sumusunod na salita: sistemang politikal, mamamayan, at kalayaan. Tanungin ang mga mag-aaral ng kanilang sariling pagpapakahulugan ukol sa mga salitang ito.

b. Mula sa sagot ng mga mag-aaral, ipaliwanag ang kahulugan ng bawat salita at ipasagot ang sumusunod:

i. Ano ang iyong masasabi sa pulitika sa ating bansa sa kasalukuyan?

ii. Ano ang iyong masasabi sa mga mamamayang Pilipino? Magtala ng tatlong katangian ng mga ito.

iii. Paano naipakikita ang pagiging malaya ng isang tao?

Page 8: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

8

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng isang graphic organizer gamit ang iba’t ibang katangian na mayroon ang isang bansa. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at hayaang magpakita ng iba’t ibang paraan ng presentasyon ukol sa mahahalagang pang-unawa nila sa mga katangian.

i. malikhaing pag-awit ii. sabayang pagbigkas ng tula iii poster at paggawa ng islogan iv. pag-arte o role-playing

b. Pagkatapos ng laro ay ipaliwanag ang mahahalagang konsepto na nilalaman ng graphic organizer at isa-isahin ang mga katangian ng isang bansa. Magbigay ng mga halimbawa upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Sa pamamagitan ng exit pass ay ipasulat sa mga mag-aaral ang kanilang mga natutuhan. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang kasagutan.

Page 9: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

9

5. Pagtataya

Ipasagot ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 9–10. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang mga gawain sa “Gumawa Tayo!” sa pp. 10–11.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 2)

8 TitikMalaysia11 Titik

Philippines

5 TitikChina5 TitikJapan

Alam mo ba? (pp. 3–4)

Page 10: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

10

Natuklasan mo na ba? (pp. 4–5) 1. Singapore 4. Hongkong/Hapon2. Pilipinas 5. Cambodia3. Tsina Tuklasin Mo

(p. 7)

Singapore Italya BrazilNew Zealand AustraliaTsina Saudi ArabiaTaiwan Pransya

(p. 8)

1. Bohol 2. Bicol3. Manila4. Palawan5. Batangas

Pagtataya

A. (p. 9) B. (pp. 9–10)

1. B 6. B 1. Estados Unidos 2. L 7. B 2. Hapon 3. B 8. L 3. Pilipinas 4. L 9. B 4. Pransiya 5. L 10. L

Page 11: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

11

Aralin 2 – Ang Globo at ang Mapa

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang mahahalagang mga kaalaman at konsepto ukol sa globo at mapa;

2. Nakagagawa ng mapa at nailalahad ang mga katangian ng iba’t ibang uri ng mapa;

3. Napahahalagahan ang naidudulot na magagandang bagay ng pag-unawa ng isang tao ukol sa mapa at globo.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mapa at globo ay mahalagang representasyon ng ating mundo. Ang pang-unawa sa mahahalagang elemento nito ay makatutulong upang maunawaan ang iba’t ibang katangiang pisikal at heograpikal ng bawat bansa kabilang na ang ating bansang Pilipinas.

B. Paksang-aralin

Ang Globo at ang Mapa

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 12–24

Page 12: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

12

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 12–13. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa pp. 13–14. Sa bahaging ito ay inaasahang makikilala ng mga mag-aaral ang ilang mga salita na matatalakay sa buong aralin. Bigyan ng ilang minuto upang mahanap at mabilugan ng mga mag-aaral ang mga sagot.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang mga mag-aral sa limang pangkat. Bigyan sila ng tigdadalawang salita mula sa nabilugang mga salita. Pagawain ang bawat pangkat ng graphic organizer na magbubuod ng kanilang pang-unawa at pagpapakahulugan sa mga salitang naatas sa kanila.

Page 13: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

13

i. unang pangkat – mapa at globo ii. ikalawang pangkat – ekwador at

grid iii. ikatlong pangkat – eskala at

direksiyon iv. ikaapat na pangkat – parallel at

meridian v. ikalimang pangkat – absolute at

bisinal

b. Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang ihanda ang kanilang organizer. Papiliin ang bawat pangkat ng tagapag-ulat. Pagkatapos ay tawagin ang bawat tagapag-ulat upang ibahagi ang sagot ng grupo.

4. Pangwakas na Gawain

a. Ipadikit sa mga mag-aaral ang lahat ng organizer sa pisara. Ibuod ang mga isinagot ng mga mag-aaral upang maibigay ang pangunahing kahulugan ng sampung terminolihiya.

b. Bigyan ng puntos ang organizer na ginawa ng mga mag-aaral.

B. Ikalawang Araw:

1. Pagganyak

a. Isagawa ang larong fill up the facts. Gamitin ang sumusunod na halimbawa:

Page 14: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

14

i. 100 L of a N – 100 leaves of a notebook

ii. 8 R of the S – 8 rays of the sun iii. 10F of theH – 10 fingers of the

hand iv. 2 H of the C – 2 hands of the clock v. 7 C of the W – 7 continents of the

world vi 8 P of ths S S – 8 planets of the

solar system

b. Pagkatapos ay iugnay ang mga sagot na ito sa paksa na bahagi ng pag-aaral.

2. Talasalitaan

Balikan ang “Natuklasan mo na ba?” sa bahaging ito ng aklat.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang pagkakaiba ng mapa sa globo.

b. Magpakita ng organizer ang ukol sa kahalagahan ng mapa.

Page 15: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

15

c. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng mapa sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng mga mag-aaral sa organizer na ipinakita.

4. Pangwakas na Gawain

Magpapanood ng video ukol kay Mercator at sa kasaysayan ng paglikha at paggamit ng mapa. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang mahalagang natutuhan ukol sa video.

C. Ikatlong Araw (Pokus: Mahahalagang Elemento sa Mapa)

1. Pagganyak

Magpakita ng globo sa mga mag-aaral at pagkatapos ay ipalarawan ang globo. Ipahanap at ipatukoy sa ilang mga mag-aaral ang mga babanggiting bansa sa globo.

2. Talasalitaan

a. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahulugan ng grid. Talakayin din sa kanila kung paano mabilis na matutukoy ang kinalalagyan ng lugar sa pamamagitan ng grid.

b. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay ukol sa grid sa “Tuklasin Mo” sa p. 20.

Page 16: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

16

3. Panlinang na Gawain

a. Magsagawa ng larong concept bingo. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.

G L O B O1 2 3 4 56 7 8 9 10

11 12 13 14 1516 17 18 19 20

b. Maghanda ng 20 tanong na may kinalaman sa paksa ukol sa aralin kasama na rito ang tungkol sa grid. Ang unang pangkat na makabubuo ng bingo pattern sa mga naitama nilang tanong ang makakukuha ng karagdagang puntos.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 22–23. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

5. Pagtataya

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 24.

Page 17: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

17

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 12)

1. Ilocos Norte 4. Lanao del Norte2. Bicol 5. Palawan3. Benguet 6. Davao del Sur

Alam mo ba? (pp. 13–14)

Natuklasan mo na ba? (p. 14)

1. GREENWICH 4. VIETNAM2. LONGHITUD 5. TAIWAN3. EKWADOR

Tuklasin Mo (p. 20) Pagtataya

1. Ospital A. (p. 22) 2. Plasa3. Palengke 1. Greenwich 4. Tama5. Restawran 2. Tama 5. 0 digri6. Mall 3. Tama

Page 18: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

18

Aralin 3 – Pangunahin at Pangalawang Direksiyon

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng pangunahin at pangalawang direksiyon;

2. Nakagagawa ng clay map ng iba’t ibang mga uri ng mapa; at

3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng pang-unawa sa direksiyon at kung paano ito magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang globo at mapa ay mahalaga upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar. Ginagamit natin ang mga pangunahin, pangalawa, at relatibong lokasyon upang matagpuan at mailarawan kung saan naroon ang isang partikular na lugar. May mga uri rin ang mapa na nagpapakita ng katangian ng mga lugar maaaring pisikal man ito o pang-ekonomiya. Gumagamit rin ng mga simbolo at eskala para maging mabisang batayan ng lokasyon at distansiya sa isang mapa.

B. Paksang-aralin

Pangunahin at Pangalawang Direksiyon

Page 19: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

19

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 25–41

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 25–26. Iproseso ito sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga ibinigay na kasagutan ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipabasa sa mga mag-aaral ang bahaging “Alam mo ba?” sa pp. 26–27. Pagkatapos ay ipaliwanag sa mga mag-aaral ang konsepto na kanilang nabilugan at hingan sila ng opinyon ukol sa mga salitang naipakilala. Magbigay ng simpleng kahulugan ng mga salitang ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay tungkol sa pangunahin at pangalawang direksiyon.

Page 20: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

20

sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 27–28. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang pagsasanay.

b. Magsagawa ng isang laro. Tumawag ng mag-aaral at itanong ang sumusunod na prosesong tanong ng laro.

i. Sino ang nasa iyong hilaga? ii. Sino ang nasa iyong silangan? iii. Sino ang nasa iyong kanluran? iv. Sino ang nasa iyong timog?

c. Tumawag ng mag-aaral pagkatapos ay magtanong naman ukol sa pangalawang direksiyon.

i. Sino ang nasa inyong timog silangan?

ii. Sino ang nasa inyong timog kanluran?

iii. Sino ang nasa inyong hilagang silangan?

iv. Sino ang nasa inyong hilagang kanluran?

4. Pangwakas na Gawain

Pagawin ng acrostic ang mga mag-aaral gamit ang salitang direksiyon. Ipatala sa bawat titik ang kahalagahan ng direksiyon sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga mag-aaral.

Page 21: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

21

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Isagawa ang larong jumbled letters. Magpakita ng 10 salita na gulo-gulo ang mga titik. Ang unang 10 mag-aaral na makasasagot nang tama ay makakukuha ng karagdagang puntos.

b. Maaaring gamitin ang sumusunod na salita: politikal, rehiyon, pisikal, pangklima, pang-ekonomiya.

2. Talasalitaan

a. Magpakita ng mga larawan sa mga mag-aaral.

i. niyebe sa ibang bansa, disyerto sa ibang lugar

Sagot: klima ii. NCR, ARMM, CAR Sagot: rehiyon

b. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang pagkakaiba-iba ng bawat mapa.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpadala ng kagamitan (illustration board, clay, marker, at iba pang pangkulay) sa paggawa ng clay map.

Page 22: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

22

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagkatapos ay talakayin sa mga mag-aaral ang konsepto ng iba’t ibang uri ng mapa. Magpagawa ng mapa gamit ang mga materyales na ipinadala.

i. unang pangkat: mapang politikal ii. ikalawang pangkat: mapang

panrehiyon iii. ikatlong pangkat: mapang pang-

ekonomiya iv. ikaapat na pangkat: mapang

pangklima v. ikalimang pangkat: mapang

pisikal

4. Pangwakas na Gawain

Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang ipakita sa kapwa mag-aaral ang kanilang mga ginawa sa paraang gallery walk.

5. Takdang-aralin

Magpadala ng illustration board at iba pang pandikit at pangkulay at ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 41.

Page 23: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

23

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Tanungin ang mga mag-aaral ukol sa konsepto nila ng eskala at palalimin ang kaalaman nila rito.

2. Talasalitaan

Magpakita ng mga simbolo at tanungin ang mga mga-aaral ukol sa nais ipahiwatig ng mga ito. Tanungin din ang mga mag-aaral kung ano ang kahulugan at kahalagahan ng paggamit ng mga simbolong ipinakita.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang konsepto ng absolute at relatibong lokasyon.

b. Balikan ang mahahalagang konseptong natutuhan ng mga mag-aaral sa buong aralin.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 38–39.

Page 24: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

24

5. Pagtataya

a. Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 40–41.

b. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Magsaliksik at basahin ang susunod na paksa tungkol sa lokasyon ng Pilipinas. Ipatala ang mahahalagang datos at konsepto upang magamit sa mga darating na pagsasanay.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 25)

1. Tarlac2. Batangas 3. Isabela4. Quirino5. Bulacan

Alam mo ba? (pp. 26–27)

Page 25: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

25

Natuklasan mo na ba? (pp. 27–28)

1. a. Mandaluyong 2. a. Pasig b. Pateros b. Manila c. Pasay d. Taguig

Tuklasin Mo (pp. 38–39)

1. a. brown 2. a. silangan b. pula b. timog silangan c. violet c. timog silangan d. green

Pagtataya (pp. 40–41)

A. 1. sulat 2. palikuran 3. taxi/cab/transport 4. ospital 5. simbahan

B. 1. Mapang Politikal 2. Eskala 3. Kartograpo 4. Pangalawang direksyon 5. Relatibong lokasyon 6. Mapang Pisikal 7. Mapang Pangklima 8. Riles ng Tren 9. Kahon na may bandila 10. Hilagang silangan

Page 26: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

26

Aralin 4 – Ang Lokasyon ng Pilipinas

I. Mga Layunin

1. Naipaliliwanag ang mahahalagang elemento at impormasyon ukol sa lokasyon ng Pilipinas sa daigdig;

2. Nakagagawa ng isang advertisement poster tungkol sa sariling bansa at ang mga nakapaloob dito; at

3. Napahahalagahan ang mga magagandang tanawin at likas na yaman na mayroon ang sariling bansa.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang Pilipinas ay isang bansa sa Timog Silangang Asya na binubuo ng maraming mga pulo na may iba’t ibang yaman na nakatutulong sa mga taong naninirahan dito. Ang lokasyon ng bansa ay nakaaapekto sa katangiang pisikal nito gayundin sa pamumuhay ng mga naninirahan dito.

B. Paksang-aralin

Ang Lokayon ng Pilipinas

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 42–51

Page 27: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

27

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 42–43. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 43–44. Ipakilala sa mga mag-aaral ang mahahalagang terminolohiya na naipakilala sa bahaging ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipanood sa mga mag-aaral ang video ukol sa lokasyon at teritoryo ng Pilipinas.

b. Gawing batayan ang sumusunod na tanong:

i. Magtala ng mahahalagang bagay na nasabi sa video na inyong napanood.

ii. Ano ang sinasabi nito ukol sa lokasyon at teritoryo ng Pilipinas?

Page 28: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

28

c. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng kartolina at marker. Ipabahagi sa bawat pangkat ang mahahalagang impormasyon na kanilang naitala ukol sa video. Magpagawa sa mga mag-aaral ng buod at graphic organizer o simbolismo ukol sa video. Pumili ng isang tagapag-ulat.

4. Pangwakas na Gawain

Isa isang magbibigay ng presentasyon ang mga mag-aaral. Pagkatapos ay bigyan ng grado ang ginawang output ng bawat pangkat.

5. Takdang-aralin

Pagsaliksikin ang mga mag-aaral ukol sa Spratlys at sa iba pang pinag-aagawang teritoryo ng Tsina at Pilipinas. Ipa-print ito at paghandain sa pagbabahagi ang buong klase.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa p. 45. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang pagsasanay.

Page 29: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

29

2. Talasalitaan

Gamit ang akrostik na LOKASYON at HANGGANAN, pabuuin ng ilang salita ang mga mag-aaral. Ipakonek ang mga salita sa aralin.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ipatala sa bawat pangkat ang kanilang opinyon kung ang mga teritoryong ito ba ay bahagi ng Pilipinas o ng Tsina. Ipasulat sa tsart na may format gaya ng nasa ibaba.

SPRATLYSIto ay sa Pilipinas dahil... Ito ay sa Tsina dahil...

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang magawa ang pagsasanay. Pagkatapos ay ipabahagi sa bawat pangkat ang kanilang ginawa.

Page 30: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

30

c. Pagkatapos ay ipabuod at ipatala ang mga direktang datos sa tunay na mga angking teritoryo ng Pilipinas.

4. Pangwakas na Gawain

Talakayin sa mga mag-aaral ang lokasyon ng Pilipinas upang maunawaan nila ang mga bahaging kasama sa lupain at teritoryo ng bansa.

5. Takdang-aralin

Magpasaliksik sa mga mag-aaral ukol sa iba’t ibang katubigan na makikita sa Pilipinas. Mayroong pangkat na sa Luzon, ang iba naman ay Visayas, at ang iba ay sa Mindanao.

B. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasulat sa pisara ang ilan sa mga nasaliksik ng mga mag-aaral na katubigan na matatagpuan sa Pilipinas. Gumawa ng paghahati sa pisara: Luzon, Visayas, at Mindanao. Pagkatapos ay pabilugan at iproseso ang ilan sa mga mahahalagang sagot na naibigay ng mga mag-aaral.

Page 31: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

31

2. Talasalitaan

a. Magpakita ng flashcards at tanungin ang mga mag-aaral ukol sa kahulugan ng mga salita ipinakita.

b. Gamitin ang sumusunod na salita: Bashi Channel, Karagatang Pasipiko, South China Sea, Celebes Sea, Dagat Sulu, at kalapit bansa

c. Hayaan ang mga mag-aaral na bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga salitang ibinigay.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang katubigang nakapalibot sa Pilipinas at mga kalapit bansa nito.

b. Magpanood ng isang video ukol sa paksa at pagkatapos ay magbigay ng ilang prosesong tanong mula rito.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Tuklasin Mo” sa p. 48. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot at isagawa ang pagwawasto.

5. Pagtataya

a. Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 49–50.

Page 32: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

32

b. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 51.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 42)

TAIWAN VIETNAM MARIANAS SILANGAN PASIPIKO CELEBES INDONESIA MALAYSIA PALAU

Alam mo ba? (pp. 43–44)

1. Batanes2. Pasipiko3. Sulu4. Spratly’s5. Y’ami

Natuklasan mo na ba? (p. 45)

TAIWAN VIETNAM KARAGATANG PASIPIKO MALAYSIA INDONESIA

Page 33: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

33

Pagtataya

A. (pp. 49–50)

1. Tama 2. Tama 3. Mali 4. Mali 5. Mali 6. Mali 7. Mali 8. Mali 9. Tama 10. Tama

B. (p. 50)

1. South China Sea 2. Sulu/Tawi Tawi 3. 4°21’-21°25’ 4. Malaysia o Indonesia 5. Saluag

Page 34: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

34

Aralin 5 – Ang Klima ng Bansang Pilipinas

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang mahahalagang konsepto ukol sa klima ng Pilipinas;

2. Nakagagawa ng pagsasatao ukol sa dapat gawin sa panahon ng tag-ulan o bagyo; at

3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng mga pagsasanay upang mapaghandaan ang ilang mga kalamidad at bagyong dumarating sa Pilipinas.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal. May apat na uri ng klima na nararanasan ng bansa na maaaring tag-ulan o tag-araw. Kumpara sa ibang bansa na may apat na uri ng panahon, ang lokasyon ng Pilipinas sa mundo na nasa ekwator ay naging sanhi upang makaranas ang bansa ng mga malalakas na bagyo at matinding tagtuyot na sa ating kasaysayan ay puminsala na ng maraming beses. Ang pang-unawa sa klima at temperatura ng bansa ay makatutulong upang maiwasan ang hindi magandang maaaring maidulot nito at makagawa ng paraan upang mapakinabangan ang mabuting idinudulot nito sa ating bansa lalo na sektor ng agrikultura.

Page 35: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

35

B. Paksang-aralin

Ang Klima ng Bansang Pilipinas

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 52–63

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 52–53. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipakita ang salitang bagyo. Paglistahin ang mga mag-aaral ng limang salita na maaari nilang maisip na maiuugnay sa salitang bagyo. Bigyan sila ng ilang minuto upang mag-isip at pagkatapos ay tumawag ng mag-aaral upang magbahagi ng kasagutan.

Page 36: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

36

3. Panlinang na Gawain

1. Magpakita ng isang video ukol sa iba’t ibang uri ng lakas ng bagyo na nararanasan sa Pilipinas. Sabihin sa mga mag-aaral na magtala ng ilang mahahalagang datos na makukuha nila mula sa video. Tumawag ng mag-aaral upang magbahagi ng mga natutuhan.

2. Ipaliwanag at ipalarawan sa mga mag-aaral ang nararanasan tuwing mayroong iba’t ibang signal ng bagyo sa bansa.

4. Pangwakas na Gawain

1. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mainam na gawin ng mga tao kapag mayroong bagyo.

2. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 54–55.

b. Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang masagutan ang pagsasanay at pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto.

Page 37: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

37

2. Talasalitaan

a. Magsagawa ng larong picture puzzle. Magpakita ng mga larawan at ipahanda naman sa mga mag-aaral ang kanilang flashcards. Ang mga ipakikitang larawan ay ang sumusunod:

i. Baguio (pine tree at Lion’s Head) ii. Tagaytay (pinya at Taal Volcano) iii. snow (puti at winter garments) b. Pagkatapos ay ipatukoy sa mga mag-

aaral kung ano ang kaugnayan ng mga ito sa paksa ukol sa klima na mayroon sa Pilipinas.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng video ukol sa iba’t ibang uri ng klima sa mundo at sa bansa. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto ukol sa klima at temperatura sa Pilipinas

b. Gawing batayan ang ilan sa mga prosesong tanong na ipaliliwanag ng mga mag-aaral:

i. Ano-ano ang mga uri ng klima sa Pilipinas?

ii. Ano ang nararanasan sa bawat uri ng klima?

Page 38: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

38

iii. Paano nila mailalarawan ang temperatura na mayroon ang Pilipinas?

iv. Bakit nagkaroon ng pagbabago sa temperatura ng Pilipinas at ng daigdig sa kabuuan sa kasalukuyan?

4. Pangwakas na Gawain

Magpalabas sa mga mag-aaral ng isang bahagi mula sa pelikulang Happy Feet, kung saan ay nagkakaroon ng suliranin ang mga penguin dahil nawawalan na sila ng pagkain. Hingan ng opinyon ang mga mag-aaral ukol sa pelikulang ito at ang kaugnayan nito sa paksa.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng isang video clip ukol sa pananalanta ng malalakas na bagyo sa Pilipinas gaya ni bagyong Yolanda. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang nakuha nila mula sa video na kanilang napanood.

2. Talasalitaan

Isulat sa pisara ang salitang bagyo. Hikayatin ang mga mag-aaral na magsulat

Page 39: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

39

ng anumang bagay na may kinalaman sa naranasang bagyo sa Pilipinas. Magpasulat sa mga mag-aaral ng mga pangungusap gamit ang mga salitang kanilang ibinigay.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ituro muna sa mga mag-aaral ang konsepto ng bagyo sa Pilipinas. Pagkatapos noon ay bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang gumawa ng isang pagsasadula kung ano ang mga dapat gawin ng mga mamamayan bago at tuwing may nagaganap na mga kalamidad. May ilang grupo na magpapakita ng gagawin kung may bagyo at iba naman ay kung may flash flood, mudslide, o rockslide.

b. Ipasagawa sa mga mag-aaral ang kanilang presentasyon pagkatapos ng ilang minutong paghahanda.

c. Bigyang buod ang mahahalagang konseptong dapat tandaan tungkol sa bagyo at lindol sa Pilipinas.

4. Pangwakas na Gawain

Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang uri ng hangin na nakakaapekto sa klima at temperatura sa bansa at gayundin ang nagiging dulot ng klima sa pananim ng

Page 40: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

40

mga Pilipino sa bansa sa iba’t ibang lugar. Tanungin din ang mga mag-aaral kung nakaranas na ba silang ma-bagyo. Ano ang kanilang karanasan at naramdaman. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng sagot.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 61–62. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 63 at ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 65–68.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 52)

Page 41: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

41

Pagtataya

A. (p. 61)

1. f 2. h 3. e 4. c 5. b

Markahang Pagsasanay

A. Sagutan (pp. 65–66)

1. c 2. d 3. b 4. a 5. d 6. c 7. d 8. d 9. a 10. d

Page 42: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

42

IKALAWANG MARKAHANPAMBANSANG PAGKAKAISA

Pangunahing Pang-unawa: Nasusuri ang iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan batay sa heograpiya at mga oportunidad at hamong kaakibat nito tungo sa pag-unlad.

Panguahing Katanungan:

Paano nakaaapekto ang heograpiya sa iba’t ibang rehiyon at lalawigan ng bansa?

Aralin 1 – Ang mga Rehiyon sa Pilipinas

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang heograpikong katangian ng iba’t ibang rehiyon na bumubuo sa Pilipinas;

2. Nakagagawa ng PowerPoint presentation ang mga mag-aaral tungkol sa iba’t ibang mga rehiyon sa Pilipinas; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pang-unawa sa iba’t ibang kaibahan sa kultura ng mga taong naninirahan sa Pilipinas bilang epekto ng heograpiya.

Page 43: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

43

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang Pilipinas ay binubuo ng 17 rehiyon na may iba’t ibang mga lalawigan, may sariling kultura, at paniniwala na maaaring nagkakaiba-iba sa diyalekto, relihiyon, at iba pa ngunit nasa iisang bansa na sumusunod sa iisang pangulo at sumusunod sa iisang saligang batas.

B. Paksang-aralin

Ang mga Rehiyon sa Pilipinas

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 70–100

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 70–71. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng mga tumpak na kasagutan.

Page 44: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

44

2. Talasalitaan

a. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng rehiyon? Itanong din sa kanila ang implikasyon o epekto ng pagkakahati ng Pilipinas sa iba’t ibang rehiyon.

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang makabuo ng kanilang mga sagot at tumawag ng mag-aaral na magbabahagi ng kasagutan.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 71–73. Dito ay matutuklasan ang ilang mga lugar na matatagpuan sa bawat rehiyon.

b. Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang masagutan ang pagsasanay at pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto. Pagkatapos ay itanong sa mga mag-aaral kung alin na sa mga lugar na ito ang kanilang napuntahan. Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang karanasan sa mga lugar na iyon.

4. Pangwakas na Gawain

a. Mula sa mga ibinahagi ng mga mag-aaral ay ibuod ang mga magagandang

Page 45: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

45

lugar na nabanggit nila. Maaaring magamit ang sumusunod:

i. Maraming magagandang tourist

spots ang makikita sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.

ii. Ang tourist spots na ito ay maaaring likas na yaman kabilang ang yamang lupa at yamang tubig na mayroon sa iba’t ibang lugar sa bansa o gawang tao katulad ng mga museum at iba pa.

iii. Ang bawat rehiyon ay may mga natatanging pagkain at ang mga tao ay may iba’t ibang diyalekto.

iv. Ito ay dahil sa ang bawat rehiyon ay may angking sariling kultura na maipagmamalaki.

v. Ang pagdalo sa mga kapistahan ng iba’t ibang lugar ay isang paraan upang makilala ang mga rehiyon sa Pilipinas.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 73–75. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ang mga pangkat ay inaasahang sabay sabay na magbabasa ng tigdalawang pangungusap mula sa laman ng diary.

Page 46: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

46

Isagawa ang dugtungang pagbabasa. Pagkatapos ay ipabahagi sa mga mag-aaral ang kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang Batas 773 ni Pangulong Marcos na naghahati sa Pilipinas sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Ipakilala sa kanila ang mahalagang nilalaman nito at kung bakit ito ginawa noong mga panahong iyon. Tanungin ang mga mag-aaral ukol sa kanilang opinyon ukol dito.

3. Panlinang na Gawain

a. Pagawain ang mga mag-aaral ng malikhaing presentasyon ukol sa mga sumusunod na rehiyon sa Luzon:

i. Rehiyon I at II: paraang primetime newscast

ii. Rehiyon III at CAR: paraang game show

iii. Rehiyon IV-A at IV-B: paraang travel show

iv. Rehiyon V at NCR: paraang magazine show

b. Bigyan ng ilang minutong paghahanda ang bawat pangkat at pagkatapos ay ipagawa ang kanilang presentasyon.

Page 47: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

47

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang mahahalagang nabanggit ng mga mag-aaral ukol sa rehiyon sa Luzon at pagkatapos ay bigyan ng marka ang ginawang presentasyon ng mga mag-aaral.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Talakayin sa mga mag-aaral ang datos sa “Tuklasin Mo” sa p. 95.

2. Talasalitaan

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang islogan ng Kagawaran ng Turismo na “It’s More Fun in the Philippines.”

b. Itanong sa mga mag-aaral kung bakit sa tingin nila ay ito ang ginawang islogan ng kagawaran.

c. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral at pagkatapos ay iproseso ang kanilang kasagutan.

3. Panlinang na Gawain

Magpakita ng blangkong concept map. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at ang bawat pangkat ay gagawa ng pagbubuod ng mahahalagang datos ukol sa mga lugar sa rehiyon ng Visayas at Mindanao. Magtalaga ng isang tagapag-ulat.

Page 48: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

48

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang mahahalagang impormasyon ukol sa rehiyon sa Visayas at Mindanao.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 96–99. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 100.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 70)

TARLAC CAGAYAN BICOL PALAWAN BUKIDNON Alam mo ba? (pp. 71–72)

1. ILOCOS2. LAMBAK NG CAGAYAN3. GITNANG LUZON4. CALABARZON5. MIMAROPA6. BICOL

Page 49: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

49

7. KANLURANG VISAYAS8. GITNANG VISAYAS9. SILANGANG VISAYAS10. TANGWAY NG ZAMBOANGA11. HILAGANG MINDANAO12. DAVAO

Pagtataya

A. (p. 96)

1. X 6. VII 2. I 7. VI 3. III 8. CAR 4. IVB 9. 4-A 5. CARAGA 10. II C. (pp. 98–99)

1. IV-B 2. V 3. XI 4. VI 5. VII

D. (p. 99)

1. 2. 3. 4. 5.

Page 50: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

50

Aralin 2 – Yamang Lupa ng Pilipinas

I. Mga Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mga produkto na ibinibigay ng yamang lupa sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas;

2. Nakabubuo ng isang pang-ekonomiyang mapa ng iba’t ibang rehiyon gamit ang mga larawan o clay; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng yamang lupa sa ekonomiya ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas ay may iba’t ibang produktong biyaya ng lupa, kabundukan, at kagubatan na napapakinabangan ng mga tao hindi lamang sa pang-araw-araw nilang pamumuhay kundi sa kabuhayan at kalakalan ng bansa sa kabuuan. Karamihan sa mga produkto ay hindi lamang sa Pilipinas nadadala at nagagamit kundi maging sa ibang bansa. Ang bawat rehiyon ay may kilalang produkto katulad ng strawberry ng Baguio, durian at suha ng Davao, at pinya ng Cavite at Bukidnon. Naipoproseso rin ang mga produktong ito upang makalikha pa ng mga produkto na mas magtatagal sa pamilihan at higit na mapagkakakitaan ng mga mamamayan.

Page 51: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

51

B. Paksang-aralin

Yamang Lupa ng Pilipinas

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 101–119

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 101–102. Pagkatapos ay isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 103. Dito ay makikilala nila ang mga salitang bundok, lambak, bulkan, papel, at bigas o kanin. Tanungin ang mga mag-aaral sa kanilang kaalaman ukol sa mga salitang nabanggit. Bigyang paliwanag ang mga salita.

Page 52: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

52

3. Panlinang na Gawain

a. Isagawa ang larong cross the bridge. Maghanda ng mga tanong ukol sa paksa na yamang lupa sa Luzon.

b. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Papilahin ang bawat pangkat na parang isang tulay. Ang tagasulat ng sagot ay nasa likod at ang magbabasa ng tanong ay nasa unahan. Kapag nakatama ng sagot ay lilipat sa unahan ang miyembro bilang patunay ng pagtawid nito sa tulay. Kung mali ay mananatili ang miyembro na iyon hanggang sa makuha niya ang tumpak na sagot.

c. Magpapatuloy ang ganitong paraan hanggang sa may maunang makatapos na pangkat.

4. Pangwakas na Gawain

Ipabuod sa mga mga-aaral ang mahahalagang impormasyon ukol sa mga yamang lupa ng iba’t ibang mga rehiyon sa Luzon. Maaaring magpakita ng video upang mas mabilis itong matalakay at maiproseso nang maigi upang maunawaan ng mga mag-aaral.

Page 53: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

53

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 104–105. Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang sagutan ang pagsasanay. Isagawa ang pagbabahagi ng kasagutan at pagwawasto.

2. Talasalitaan

Ipakilala at talakayin sa mga mag-aaral ang ilan sa mga pinag-aagawang isla sa Pilipinas na nakasulat sa” Tuklasin Mo” sa pp. 114–115. Ibigay ang dahilan sa pagbibigay ng mga pangalan nito katulad ng Pag-asa, Kalayaan, at iba pa.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa araw na ito ang mga yamang lupa mula sa Visayas at Mindanao. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at magpagawa sa bawat pangkat ng isang tula o likhang awit ukol sa mga produkto at yamang lupa na mayroon sa mga pangunahing rehiyon.

i. unang pangkat: Rehiyon VI, VII, at VIII

Page 54: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

54

ii. ikalawang pangkat: Rehiyon IX at X

iii. ikatlong pangkat: Rehiyon XI at XII

iv. ikaapat na pangkat: ARMM at CARAGA Region

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang mabuo ang kanilang presentasyon at pagkatapos ay iparinig ito sa buong klase.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang paksa ukol sa yamang lupa ng Visayas at Mindanao.

5. Takdang-aralin

Pagdalahin ng kagamitan (1/2 illustration board, larawan ng mga yamang lupa ukol sa rehiyong naiatas sa kanila, clay, pentel pen, pandikit, gunting, pangkulay, plastic cover, at iba pa) ang bawat pangkat.

B. Ikatlong Araw

1. Pagganyak at Talasalitaan

a. Magpakita ng isang halimbawa ng pang-ekonomiyang mapa ng Pilipinas. Dito ay nakabuod ang iba’t ibang mga mahahalagang produktong

Page 55: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

55

maipagmamalaki ng bawat lalawigan sa Pilipinas. Hatiin ang klase sa anim na pangkat at bawat isa ay pagawain ng mapang pang-ekonomiya ng tatlong rehiyon na maiaatas sa kanila.

i. unang pangkat: Rehiyon I, II, at CAR

ii. ikalawang pangkat: Rehiyon III, NCR, IVA

iii. ikatlong pangkat: Rehiyon IV-B, V, at VI

iv. ikaapat na pangkat: Rehiyon VII, VIII, at NIR

v. ikalimang pangkat: Rehiyon IX, X, at XI

vi. ikaanim na pangkat: Rehiyon XII, ARMM, at Caraga

2. Panlinang na Gawain

1. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang gawin ang kanilang economic map. Pagkatapos ay papiliin ang bawat pangkat ng tagapag-ulat upang maibuod at maipakita ang kanilang ginawa.

2. Pabalutan ng plastic cover ang ginawa ng mga mag-aaral at gawing isa sa kanilang mini-performance tasks ang output.

Page 56: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

56

3. Pangwakas na Gawain

Sa pamamagitan ng isang maiksing sanaysay ay pagawain ang bawat mag-aaral ng isang pangako kung paano niya matutulungan at mapangangalagaan ang mga yamang lupa na mayroon ang lugar o lalawigan na kaniyang kinabibilangan. Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot at pangako.

4. Pagtataya

Ipasagot ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa p. 116–118. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

5. Takdang-aralin

Pasagutan sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 119.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 101)

Page 57: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

57

Alam mo ba? (p. 103)

1. bundok2. lambak3. bulkan4. papel5. bigas o kanin

Pagtataya

A. (p. 116)

1. Rehiyon I 2. Bukidnon 3. Laguna 4. Rehiyon I 5. Muscovado 6. Guimaras 7. Cebu 8. Davao 9. Cagayan 10. Spratlys

Page 58: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

58

Aralin 3 – Yamang Tubig ng Pilipinas

I. Layunin

1. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang iba’t ibang yamang tubig ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas;

2. Nakagagawa ng isang egg mosaic painting na nagpapakita ng mga yamang tubig sa Pilipinas; at

3. Nauunawaan ang responsibilidad ng mga mamamayan sa pangangalaga sa yamang tubig at katubigan sa bansa.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang yamang tubig ng Pilipinas ay malawak at hindi lamang mga anyong tubig ang napakikinabangan ng bansa kundi maging ang iba’t ibang biyaya nito lalo na ang pagkain. Ang Pilipinas ay napalilibutan ng mga karagatan at mas malaking porsiyento sa teritoryo ng Pilipinas ay tubig kaya hindi nakapagtataka na isa ang pangingisda sa sentro ng kabuhayan ng mga Pilipino. Hindi nagtagal ay may iba’t ibang industriya na isinakatuparan sa mga lalawigan upang magamit ang katubigan na ito katulad ng paggamit nito bilang enerhiya at pagproseso sa mga yamang dagat.

Page 59: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

59

B. Paksang-aralin

Yamang Tubig ng Pilipinas

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 120–137

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 102–121. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 121–122. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa sumusunod na salita: dagat, talon, ilog, at bukal. Tanungin din sila kung ano ang kahulugan at pagkakaiba-iba ng mga anyong tubig na ito. Pagbigayin ang mga mag-aaral ng mga halimbawa ng anyong tubig na matatagpuan sa Pilipinas.

Page 60: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

60

3. Panlinang na Gawain

a. Magpanood ng dalawang music video. Ang isa ay Paraiso at ang isa naman ay Anak ng Pasig. Hingan ng reaksiyon ang mga mag-aaral tungkol sa video.

b. Pagawain ang mga mag-aaral ng isang tula tungkol sa nakuha nilang mensahe mula sa pinapanood na video. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang ihanda ang tula.

c. Pagkatapos ay tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang nagawang tula.

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Natuklasan mo na ba?” sa p. 123.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magsagawa ng isang pretest. Magpakita ng mga larawan ng mga natatanging yamang tubig ng Pilipinas at ipatukoy sa mga mag-aaral kung saang rehiyon ito matatagpuan. Isagawa ang pagwawasto sa pagsasanay.

Page 61: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

61

2. Talasalitaan

Ipakita sa mga mag-aral ang salitang pangingisda. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang alam ukol sa salitang ipinakita at kung paano ito nakatutulong sa mga tao. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Sa format ng programang Ang Pinaka, magpalista sa mga mag-aaral ng 10 natatanging yamang tubig na matatagpuan sa rehiyon na maiaatas sa kanila. Pagawain sila ng magandang presentasyon kung paano nila ipakikita ang kanilang Pinaka List.

i. unang pangkat: Rehiyon I, II, at CAR

ii. ikalawang pangkat: Rehiyon III, NCR, at IVA

iii. ikatlong pangkat: Rehiyon IVb, V, at VI

iv. ikaapat na pangkat: Rehiyon VII, VIII, at NIR

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang pag-usapan at ihanda ang kanilang listahan at presentasyon.

Page 62: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

62

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang presentasyong ginawa ng mga mag-aaral. Gumawa ng pagbubuod ukol sa yamang tubig na mayroon ang Luzon at Visayas.

5. Takdang-aralin

Magpadala sa apat na pangkat ng balat ng itlog, pangkulay, pandikit, dalawang 1/8 illustration board, plastic cover, at tape para sa gawain sa susunod na araw.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Magpalabas ng isang maiksing video ukol sa yamang tubig ng Mindanao. Bigyan ng ilang prosesong tanong ang mga mag-aaral:

i. Ano-ano ang mga anyong tubig na matatagpuan sa Mindanao?

ii. Paano napakikinabangan ng mga tao sa Mindanao ang iba’t ibang yamang tubig ng kanilang rehiyon?

b. Iproseso ang mga napanood na video upang mabuod ang talakayan ukol sa mga yamang tubig ng mga rehiyon sa Mindanao.

Page 63: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

63

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang konsepto ng kalikasan at polusyon. Tanungin ang mga mag-aaral sa kanilang pang-unawa sa salita. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng salitang ito at kung paano makaaapekto sa isang tao ang hindi pag-aalaga nang maayos sa ating kalikasan at paglala ng polusyon dahil sa kapabayaan ng marami.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Gamit ang mga ipinadalang materyales ay pagawain ang mga mag-aaral ng dalawang egg mosaic painting. Isa para sa anyong tubig at isa naman para sa yamang tubig ng Pilipinas. Pakulayan ito gamit ang iba’t ibang uri ng pangkulay katulad ng poster paint o water color.

b. Pabigyan ng pamagat at maiksing caption ang mosaic at pagkatapos ay palagyan ng plastic cover.

4. Pangwakas na Gawain

Ipabahagi sa klase ang ginawang egg mosaic painting at markahan ang ginawa ng mga mag-aaral.

Page 64: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

64

5. Pagtataya

Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 134–135. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa pp. 136–137.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 120)

1. ilog 2. lawa 3. bukal4. talon5. look

Alam mo ba? (pp. 121–122)

1. dagat2. talon3. ilog4. bukal5. llawa

Page 65: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

65

Pagtataya A. (p. 134)

1. j 2. i 3. h 4. g 5. e 6. f 7. d 8. c 9. b 10. a

B. (p. 135)

1. tama 2. mali 3. mali 4. tama 5. tama

Page 66: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

66

Aralin 4 – Yamang Tao ng mga Rehiyon

I. Layunin

1. Naipaliliwanag kung paano nakaaapekto ang mga mamamayan sa pag-unlad ng isang rehiyon;

2. Nakabubuo ng isang malikhaing presentasyon na nagpapakita ng iba’t ibang kakayahan ng yamang tao sa iba’t ibang rehiyon ng bansa; at

3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng mga mabubuting katangian at pag-alam sa mga kahinaan upang lalong mapagyabong ang kakayahan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

1. Maituturing ang bansang Pilipinas bilang isang bansa ng mga bayani dahil na rin sa katapangan na ipinakita ng bawat yamang tao ng bansa mula sa iba’t ibang rehiyon. Hindi lamang naipakita ito sa pamamagitan ng pagsupil sa mga dayuhang mananakop kundi ang walang katapusang pakikipaglaban ng mga ito sa kahirapan at iba pang pagsubok na pinagdaraanan ng bansa.

2. Bagaman may iba’t ibang diyalekto at kultura ang mga naninirahan sa kapuluang gaya ng Pilipinas ay nagiging katuwang ang bawat isa sa pag-unlad dahil sa pagiging produktibo.

Page 67: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

67

B. Paksang-aralin

Yamang Tao ng mga Rehiyon

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 138–161

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at ‘’Mag-isip Tayo!” sa pp. 138–139.

b. Pagkatapos ay ibigay ang mga prosesong tanong na makikita sa mga pagsasanay.

c. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga ito at tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 140–141. Ipakilala sa mga mag-aaral ang Itneg, Ibaloi, Ibanag, Ifugao, Aeta, Dumagat, Mangyan, Agta, Sulod, Magahat,

Page 68: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

68

Badjao, Tausug, Yakan, Manobo, at T’boli. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang tawag sa mga ito sa kabuuan. Mula rito ay ipakilala ang salitang pangkat etniko at ipaliwanag ang konseptong ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpanood ng isang maikling video ukol sa iba’t ibang pangkat etniko na matatagpuan sa Luzon. Magbigay ng gabay na tanong na magagamit ng mga mag-aaral para sa pangkatang gawain:

i. Paano mailalarawan ang populasyon ng rehiyon?

ii. Paano ito nakaaapekto sa kabuhayan ng mga tao roon?

iii. Sino-sino ang mga kilalang tao na nanggaling sa rehiyong ito?

vi. Paano mailalarawan ang mga magagandang katangian at kahinaan ng mga taong naninirahan sa rehiyong ito?

b. Mula sa prosesong tanong na ito ay magpagawa ng malikhaing presentasyon sa mga mag-aaral. Ibibigay nila ang sagot sa katanungang ito sa pamamagitan ng sumusunod na paraan ng presentasyon:

Page 69: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

69

i. unang pangkat: Rehiyon I at II (paraang pagbabalita)

ii. ikalawang pangkat: Rehiyon III at CAR (paraang talk show)

iii. ikatlong pangkat: Rehiyon IVA at IVB (paraang magazine show)

iv. ikaapat na pangkat: Rehiyon V at NCR (paraang travel show)

4. Pangwakas na Gawain

Pagkatapos ng lahat ng presentasyon ay isagawa ang pagbubuod sa mahahalagang naibigay na impormasyon ng mga mag-aaral. Gawing batayan ang mga prosesong tanong sa pagbubuod na isasagawa.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 141–142. Bigyan ng prosesong tanong ang mga mag-aaral:

i. Ano-anong mga lalawigan sa Pilipinas ang may pinakamalaking bilang ng tao?

ii. Sa inyong palagay, ano ang magiging epekto ng pagkakaroon ng maraming bilang ng tao sa isang lugar?

Page 70: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

70

iii. Ano-ano ang kabutihan at di-kabutihang dulot nito?

b. Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang konsepto ng populasyon. Para magawa ito, guluhin ang mga titik ng salitang ito at pagkatapos ay hayaan ang mga mag-aaral na bumuo ng mga salita gamit ang gulo-gulong titik. Pabuuin ang mga mag-aaral ng pangungusap mula sa mga salitang kanilang nabuo. Bigyan ng karagdagang puntos ang mag-aaral na makakukuha ng salitang populasyon.

3. Panlinang na Gawain

a. Katulad ng estratehiyang ginawa sa unang araw, magpakita muna ng video ukol sa yamang tao ng Visayas. Kailangang magtala ang mga mag-aaral ng mahahalagang datos para sa kanilang pangkatang gawain.

b. Gamit ang katulad na estratehiya noong Unang Araw, paikutin ang paraan sa bawat pangkat upang magkaroon ng patas na pagkakataon ang klase sa ibang uri ng presentasyon.

Page 71: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

71

i. unang pangkat: Rehiyon VI (travel show)

ii. ikalawang pangkat: Rehiyon VII pagbabalita

iii. ikatlong pangkat: Rehiyon VIII (tak show)

iv. ikaapat na pangkat: NIR (magazine show)

4. Pangwakas na Gawain

a. Magpakita ng isang graphic organizer upang ibuod ang mga pangunahing konsepto ng mga yamang tao mula sa Visayas.

b. Ipapuno sa mga mag-aaral ang graphic organizer. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasanay na ito.

5. Takdang-aralin

Magpasaliksik sa mga mag-aaral ukol sa yamang tao ng Mindanao. Paghandain sila para sa pangkatang gawain.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Magsagawa ng picture puzzle. Hatiin ang klase sa limang pangkat at bigyan ang mga ito ng whiteboard at marker. Magpakita ng mga putol na larawan at

Page 72: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

72

pahulaan sa mga mag-aaral kung sino ang mga ito. Itanong din kung saang lalawigan o rehiyon galing ang mga nasa larawan.

b. Ang pangkat na makakukuha ng maraming tumpak na sagot ang mananalo sa pagsasanay.

2. Talasalitaan

a. Gamitin ang salitang yamang tao. Magpalista sa mga mag-aaral ng 10 yaman o kalakasan ng isang tao na sa tingin nila ay kanilang taglay. Tumawag ng mga mag-aaral at ipabahagi sa klase ang kasagutan.

b. Magbigay ng prosesong tanong kung ano ang magiging epekto kung hindi gagamitin ng isang tao ang kalakasang naipagkaloob sa kanya.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin sa limang pangkat ang klase. Pagawain sila ng sarili nilang presentasyon at ipalatag sa mga mag-aaral ang yamang tao, kilalang tao, at pangkat etniko ng mga rehiyon sa Mindanao.

i. unang pangkat: Rehiyon IX ii. ikalawang pangkat: Rehiyon X iii. ikatlong pangkat: Rehiyon XI

Page 73: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

73

iv. ikaapat na pangkat: Rehiyon 12 v. ikalimang pangkat: CARAGA

Region

4. Pangwakas na Gawain

a. Magpapanood sa mga mag-aaral ng isang video ukol sa kasaysayan ng ARMM. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang suliranin sa lugar na ito at ang patuloy na kaguluhan sa Mindanao dahil sa hindi pagkakaisa at hindi pagkakasundo. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang saloobin at kung ano ang sa tingin nila ay dapat na gawin ng mga tao sa rehiyon.

b. Tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot.

5. Pagtataya

Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 159–160. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 161.

Page 74: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

74

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 138)

1. BIKOLANO 6. BISAYA2. ILOKANO 7. MANOBO3. TAGALOG 8. CEBUANO4. PAMPANGO 9. ILONGGO5. MARANAW 10. IVATAN

Alam mo ba? (pp. 140–141)

Pagtataya

A. (p. 159)

1. IV-A 6. IV-A 2. I 7. I 3. III 8. I 4. VII 9. IV-A 5. NCR 10. VII

Page 75: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

75

Aralin 5 – Ang Rehiyon sa Pilipinas

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang magagandang tanawin na matatagpuan sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas;

2. Nakagagawa ng isang travel brochure ang mga mag-aaral ukol sa iba’t ibang magagandang lalawigan sa Pilipinas; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagmamahal sa sariling bayan sa pamamagitan ng pagsuporta sa magagandang tanawin na matatagpuan sa sariling bansa.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mga rehiyon sa Pilipinas ay may mga magagandang tanawin na nakatutulong sa turismo sa lalawigan at kabuhayan ng mga mamamayan. Pinalalakas sa pamamagitan ng iba’t ibang mga programa ng pamahalaan at ng mga lokal na namumuno upang pangalagaaan ang mga tanawing iyon, gumawa ng mga produktong likas sa rehiyon, at ipakilala ang magagandang tanawin sa nakararami. Ang pagsuporta sa sariling atin ay isang mahalagang gampanin upang lalong makilala ang mga magagandang lugar sa Pilipinas.

Page 76: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

76

B. Paksang-aralin

Ang Rehiyon sa Pilipinas

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 162–191

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tay!” sa pp. 162–163.

2. Talasalitaan

a. Ipakita sa mga mag-aaral ang salitang tourist spot. Tanungin sila kung ano ang kanilang pang-unawa sa salita at pagbigayin sila ng ilang halimbawa ng mga tourist spot sa ibang bansa at sa Pilipinas na kanila nang napuntahan. Ipalista ang mga ito sa pisara sa pamamagitan ng estratehiyang gallery walk.

b. Iproseso ang mga sagot ng mga mag-aaral. Bilugan ang mga tourist spot sa Pilipinas. Pansinin kung mas marami ba ang nagpupunta sa mga tourist

Page 77: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

77

spot sa Pilipinas o mas marami ang nagpupunta sa ibang bansa. Tukuyin kung alin sa mga naisulat ang paulit-ulit na naisulat sa pisara. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang mayroon sa lugar na iyon at bakit ito laging pinupuntahan ng mga tao. Mula sa kanilang sagot ay bigyan ng kahulugan ang tourist spot.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita sa mga mag-aaral ng isang travel brochure ukol sa magandang tourist spot sa Pilipinas. Halimbawa ay ang Underground River. Basahin ang review ukol sa tourist spot na ito. Bigyan ng rating ang lugar na ito at bigyan din ng review ang kalakasan at kahinaan ng lugar bilang isang tourist spot. Ito ang halimbawa ng pangkatang gawain ng mga mag-aaral.

b. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at pagawain sila ng tourist spot review sa sumusunod na mga magagandang tanawin sa rehiyon sa Luzon:

i. unang pangkat: Rehiyon I at II ii. ikalawang pangkat: Rehiyon III at

CAR iii. ikatlong pangkat: NCR at Rehiyon V iv. ikaapat na pangkat: Rehiyon IV-A

at IV-B

Page 78: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

78

c. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral upang gawin ito at pagkatapos ay isa-isang magpakita ng kanilang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

a. Markahan ang ginawang presentasyon ng mga mag-aaral.

b. Ibuod ang magagandang tanawin na matatagpuan sa Luzon sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng mga ito at pagtalakay sa mga mag-aaral.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipabasa sa mga mag-aaral ang isang artikulo ukol sa Sagada na isang tanawin na matatagpuan sa Luzon. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga katanungan sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 164–165.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang kahulugan ng salitang Shangrila. Ipaliwanag na ito ay isang halimbawa ng mga salita na iniuugnay natin sa isang lugar ayon sa natatanging mga katangian at pagkakatulad nito. Halimbawa na rin ay

Page 79: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

79

ang pagtukoy sa Enchanted Kingdom bilang Disneyland ng Pilipinas. Tanungin ang mga mag-aaral kung bakit gumagamit ng ganitong pagkakaugnay para maipakilala ang ilang magagandang tanawin sa Pilipinas. Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot.

3. Panlinang na Gawain

a. Mula sa pagbibigay ng halimbawa sa talasalitaan ay pagawain ng ilang pag-uugnay at paglalarawan ang mga mag-aaral ukol sa iba’t ibang mga magagandang tanawin sa Visayas at Mindanao. Ipalagay sa kanila ang mga titulo ng bawat magandang lugar sa kanilang rehiyon sa isang kartolina. Bigyan sila ng panahon para maghanda at pagkatapos ay isa-isang ipabahagi sa kanila sa klase.

i. unang pangkat: Rehiyon VI at VII ii. ikalawang pangkat: Rehiyon VIII

at IX iii. katlong pangkat: Rehiyon X at XI iv. ikaapat na pangkat: Rehiyon XII,

ARMM, at CARAGA

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng five minute writing exercise kung saan ilalagay ng mga mag-

Page 80: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

80

aaral ang kahalagahan ng pagmamalasakit natin sa magagandang tanawin sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpunta sa mga ito kaysa pagpunta sa iba’t ibang bansa upang bumisita ng katulad na lugar na mayroon sa Pilipinas.

B. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Magpapanood sa mga mag-aaral ng isang video na nagpapakita ng iba’t ibang pagkain at produkto na makikita sa iba’t ibang mga lalawigan sa buong Pilipinas. Bigyan ng prosesong tanong ang mga mag-aaral upang maging batayan ng kanilang panonooring video:

i. Ano-ano ang mga natatanging

produkto na matatagpuan sa mga lalawigan sa Pilipinas?

ii. Paano nakatutulong ang mga produktong ito sa ekonomiya ng lalawigan sa kabuuan?

2. Talasalitaan

Talakayin ang kahulugan ng salitang pagmamalasakit sa mga mag-aaral. Magbigay ng ilang mga halimbawa ng sitwasyon kung saan naipakikita ito.

Page 81: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

81

Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng ilang halimbawa kung saan naipakikita ang pagmamalasakit. Ipabahagi sa ang kanilang naging sagot sa kanilang ginawang writing exercise.

3. Panlinang na Gawain

Gamit ang mga natutuhan sa mga ginawang pagsasanay nitong mga nakaraang mga araw, pagawain ang mga mag-aaral ng kani-kanyang brochure. Papiliin ang bawat isa ng lalawigan sa Pilipinas at magpagawa ng travel brochure. Ipalarawan ang magagandang katangian ng napiling lalawigan.

4. Pangwakas na Gawain

Pagkatapos ng paggawa ng brochure ay hikayatin ang mga mag-aaral na ipakita ang kanilang likha sa klase.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 190–191.

6. Takdang-aralin

Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 191.

Page 82: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

82

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 162)

Alam mo ba? (pp. 163–164)

Pagtataya

A. (p. 190)

1. Ilocos Sur , Rehiyon 1 2. Lanao del Norte, Rehiyon X 3. Laguna, Rehiyon I-A 4. Manila, NCR 5. Tagaytay, Rehiyon IV-A 6. Legazpi, Rehiyon V 7. Zambales, Rehiyon III

Page 83: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

83

8. Cavite, Rehiyon IV-A 9. Laguna, Rehiyon IV-A 10. Palawan, Rehiyon IV-B

B. 1. Miag-ao 2. Strawberry 3. Mayon 4. Baluarte 5. Dakak

Page 84: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

84

Aralin 6 – Mga Hakbang Tungo sa Kaunlaran ng mga Rehiyon

I. Layunin 1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang elemento na

makatutulong sa pag-unlad ng iba’t ibang mga lalawigan at rehiyon sa Pilipinas;

2 Nakagagawa ng isang poster ang mga mag-aaral ukol sa napili nilang lalawigan sa Pilipinas na itinuturing nilang maunlad; at

3. Napahahalagahan ang naitutulong ng makabagong teknolohiya at industriyalisasyon upang mapaunlad ang maraming lalawigan sa bansa.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang lahat ng lalawigan at rehiyon ay nagnanais na maging maunlad kaya naman ginagamit ng mga ito ang kanilang angking yaman at malaki rin ang papel na ginagampanan ng mga tao sa paglinang ng resources sa higit nilang kapakinabangan.

B. Paksang-aralin

Mga Hakbang Tungo sa Kaunlaran ng mga Rehiyon

Page 85: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

85

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 192–205

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa p. 192.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 193. Dito ay maipakikilala sa mga mag-aaral ang salitang impraestruktura. Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kahulugan ng salitang ito at pagkatapos ay pagbigayin ang mga mag-aaral ng ilang halimbawa.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng iba’t ibang mahahalagang estruktura na mayroon sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas. Magpakita rin ng iba’t ibang larawan upang maipakita ito sa mga mag-aaral at mailarawan sa kanila kung paano ito naging mahalaga.

Page 86: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

86

b. Maaaring gamiting halimbawa ang sumusunod na mahalagang impraestruktura:

i. San Juanico Bridge na nagdurugtong sa dalawang probinsiya sa Visayas, ang Samar at Leyte

ii. Paggawa ng mahahalagang daan sa mga bulubunduking lugar katulad na lang sa Baguio

iii. Mga matatayog na gusali sa Makati at Taguig na nagpapakita ng malusog na ekonomiya

iv Mga overpass v. Mga paliparan at daungan

c. Tanungin ang mga mag-aral ng kanilang opinyon ukol sa mga impraestrukturang ito.

4. Pangwakas na Gawain

Sa isang bond paper ay pagawain ang mga mag-aaral ng isang uri ng impraestruktura na sa tingin nila ay makatutulong ng malaki sa kanilang lalawigang kinabibilangan. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang tapusin ang gawain. Tumawag pagkatapos ng ilang mag-aaral upang maipakita ang kanilang ginawa sa klase.

Page 87: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

87

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpakita ng iba’t ibang kapistahan o festival na ginagawa sa iba’t ibang panig ng bansa katulad ng Panagbenga Festival sa Baguio. Ipalarawan sa mga mag-aaral ang Panagbenga ayon sa kanilang napanood sa video.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang salitang festival. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kahulugan nito at pagbigayin sila ng mga halimbawa. Pagbigayin din ang mga mag-aaral ng iba pang festival na kanilang nadaluhan at ang naging pagkakaiba nito sa iba pang pagdiriwang sa bansa.

3. Panlinang na Gawain

a. Pagawain ang mga mag-aaral ng poster ukol sa iba’t ibang mahahalagang pagdiriwang na mayroon sa ating bansa. Maaaring pumili ang bawat pangkat sa iba’t ibang rehiyon at lalawigan sa Pilipinas.

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang gawin ang kanilang poster. Pagkatapos ay tawagin ang bawat pangkat upang ipakita ang kanilang ginawang poster.

Page 88: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

88

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod at talakayin ang iba pang pagdiriwang na hindi natalakay ng mga mag-aaral.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Magsagawa ng isang laro para sa mga mag-aaral. Magpakita ng iba’t ibang natatanging uri ng transportasyon at ipatukoy sa mga mag-aaral kung saang bansa maaaring matagpuan ang mga transportasyong ipinakita.

b. Ibigay ang sumusunod na halimbawa:

i. jeep – Pilipinas ii. bullet train – Japan iii. rickshaw – Tsina iv. tuk tuk – Thailand

2. Talasalitaan

Mula sa naunang pagsasanay ay ipakilala sa mga mag-aaral ang tranportasyon at komunikasyon. Ipagamit sa mga mag-aaral ang mga salitang tranportasyon at komunikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pangungusap na tumatalakay sa kahalagahan ng mga ito sa isang bansa.

Page 89: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

89

3. Panlinang na Gawain

a. Sa pamamagitan ng graphic organizer ay talakayin sa mga mag-aaral ang sumusunod na mga elemento sa pag-unlad ng isang bansa:

i. heograpiya ii. resources iii. transportasyon at komunikasyon iv. yamang tao v. industriya vi pakikipagkalakalan vii. impraestruktura

b. Pagbigayin ang mga mag-aaral ng halimbawa ng bawat isa.

4. Pangwakas na Gawain

Ipakita sa mga mag-aaral ang listahan ng pinakamauunlad na lalawigan at siyudad sa kasalukuyan. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano sa tingin nila ang naging dahilan ng pag-unlad ng mga lugar na ito gamit ang kanilang natutuhan ukol sa elemento ng pag-unlad ng isang bansa.

5. Pagtataya

Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa p. 204. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

Page 90: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

90

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 205 at ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 208–211.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 192)

PANAGBENGA KADAYAWAN PAHIYAS SINULOG SINGKABAN

Alam mo ba? (p. 193)

Pagtataya

A. (p. 204)

1. Cebu, Rehiyon VII 2. Baguio, CAR

Page 91: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

91

3. Pangasinan, Rehiyon I 4. Davao, Rehiyon XII 5. Iloilo, Rehiyon VI 6. Bulacan, Rehiyon III 7. Quezon, Rehiyon IV-A B. (p. 204)

1. Bicol 2. Cebu 3. Pinya 4. Barter 5. San Juanico Bridge 6. Cebu 7. Davao 8. Pampanga 9. Business Process Outsourcing 10. Makati

Markahang Pagsasanay

A. (pp. 208–209)

1. a 6. c 2. b 7. c 3. c 8. a 4. a 9. b 5. d 10. c

Page 92: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

92

IKATLONG MARKAHANPAMBANSANG PAGMAMALAKI

Pagsasabuhay ng Mithiin:

Naipamamalas ang pang-unawa sa pagkakakilanlang Pilipino batay sa pagpapahalaga sa kulturang namana na dapat ingatan ng mga mamamayan at ng buong bayan sa kabuuan

Pangunahing Katanungan:

Paano naiiba ang kulturang Pilipino sa kultura ng ibang nasyon? Bakit mahalaga ang kultura sa isang bansa?

Aralin 1 – Kultura ng Sinaunang Pilipino

I. Mga Layunin

1. Naiisa-isa at nailalarawan ang iba’t ibang katangian ng sinaunang kulturang Pilipino;

2. Nakagagawa ng isang pagkukumpara sa kultura ng Pilipino noon sa mayroon tayo sa kasalukuyan; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pangangalaga sa magagandang kulturang Pilipinong nakagisnan na sa mahabang panahon.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mga Pilipino noon pa man bago dumating ang mga mananakop ay may angkin

Page 93: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

93

ng sariling kultura. Mula sa iba’t ibang uri ng kanilang tahanan at maging sa pananamit, sining, edukasyon, at panitikan ay makikita ang pagiging malikhain at likas na magaling ng mga Pilipino. May mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon din ang mga sinaunang Pilipino na nagpapakilala sa kaibahan natin bilang iisang lahing Pilipino. Upang mapangalagaan ang kultura ay nagtatag ng sariling pamahalaan ang mga Pilipino na tinawag na barangay at sultanato naman sa mga taga-Mindanao.

B. Paksang-aralin

Kultura ng Sinaunang Pilipino

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 213–231

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 213–214. Bigyan ng ilang minuto upang masagutan ito ng mga mag-aaral at pagkatapos ay iproseso ang kasagutan.

Page 94: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

94

2. Talasalitaan

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 214–215. Talakayin sa mga mag-aaral ang kahulugan ng sumusunod na mga salita:

i. kultura ii. alibata iii. baro at saya iv. datu v. hele

b. Magbigay pa ng ilang halimbawa upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang mga salitang ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Ang magiging pokus sa unang araw ay ang uri ng tahanan at damit ng mga sinaunang Pilipino. Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang tahanan at kasuotan ng mga sinaunang Pilipino.

b. Sa uri ng sinaunang tahanan, tanungin ang mga mag-aaral ng mga prosesong tanong:

i. Ano-ano ang mga uri ng tahanan ng mga sinaunang Pilipino?

ii. Ano ang dahilan sa pagtatayo ng mga Pilipino ng bahay sa ibabaw ng mga puno? sa ibabaw ng tubig?

Page 95: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

95

iii. Paano nagkaroon ng pagkakaiba ang bahay ng mga Pilipino pagdating ng mga dayuhan?

c. Sa uri ng pananamit, gamitin ang sumusunod na prosesong tanong:

i. Paano ninyo mailalarawan ang mga uri ng damit na ginamit ng mga Pilipino noon?

ii. Paano nagkakaiba-iba ang damit ng mga Pilipino ayon sa rehiyong kanilang kinabibilangan?

4. Pangwakas na Gawain

Sa pamamagitan ng isang Venn diagram o kaya naman ay talahanayan, pagawain ng isang pagkukumpara ang mga mag-aaral sa kaibahan ng mga bahay noon at damit noon sa mayroon tayo sa kasalukuyan.

5. Takdang- aralin

Magpadala sa klase ng kartolina at marker para sa susunod na pagsasanay.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipabasa sa mga mag-aaral ang paksa sa “Natuklasan mo na ba” sa p. 215. Dito ay

Page 96: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

96

ipaunawa sa mga mag-aaral ang tungkol sa baybayin o alibata. Magpakita sa mga mag-aaral ng maikling video ukol sa baybayin upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang konseptong ito ng ating kultura.

2. Talasalitaan

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang sumusunod na mahahalagang konseptong maaaring matalakay sa susunod na pokus:

i. kasangkapan ii. tattoo iii. datu iv. timawa v. alipin vi. kuwentong bayan/bugtong

b. Magbigay ng paliwanag at halimbawa para sa mga nabanggit.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang mga mag-aaral ng presentasyon na magpapaliwanag sa sumusunod:

i. unang pangkat: kagamitan at kasangkapan ng mga sinaunang Pilipino

Page 97: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

97

ii. ikalawang pangkat: sining at panitikan ng sinaunang Pilipino

iii. ikatlong pangkat: edukasyon ng sinaunang Pilipino

iv. ikaapat na pangkat: antas ng pamayanang Pilipino

v. ikalimang pangkat: pamahalaan ng sinaunang Pilipino

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang ayusin ang kanilang presentasyon ukol sa paksang naiatas sa kanila. Pagkatapos ay bigyan ng pagkakataon ang pangkat na ibahagi ito sa klase.

4. Pangwakas na Gawain

Ipaliwanag sa mga mag-aaral kung ano ang kaibahan ng uri ng pamahalaan noon at uri ng pamahalaan sa kasalukuyan. Tanungin ang mga mag-aaral kung paano nagkatulad at nagkaiba ang pamahalaan ng Pilipinas noon at ngayon.

5. Takdang-aralin

Talakayin sa mga mag-aaral ang paksa tungkol sa paniniwala, kaugalian, at tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Paghandain ang klase para sa pangkatang gawain.

Page 98: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

98

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Magpakita ng flashcards sa mga mag-aaral. Tanungin ang mga mag-aaral ukol sa sumusunod na salita:

i. pagmamano ii. paggamit ng po at opo iii. pagsisimba tuwing Linggo

b. Pagbigayin ang mga mag-aaral ng iba pang natatanging katangiang Pilipino.

2. Talasalitaan

Ipabasa sa klase ang “Tuklasin Mo” sa p. 228. Ipakilala sa mga mag-aaral ang ilan sa mga salita na nakuha ng mga Pilipino mula sa mananakop. Magbigay ng mga halimbawa na hindi nabanggit sa aklat.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Gamit ang mga konsepto ukol sa paniniwala, tradisyon, at kaugaliang Pilipino, magpasagawa ng isang pagsasatao o role playing sa bawat pangkat. Dito ay maipakikita ng mga mag-aaral ang kaibahan ng kulturang Pilipino noon at ngayon.

Page 99: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

99

b. Pumili ng isang mag-aaral para maging annotator na siyang magpapaliwanag sa presentasyong gagawin.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang mga mahahalagang konsepto ukol sa mga kaugalian, paniniwala, at tradisyon ng mga Pilipino.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 228–230. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa pp. 230–231.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 213)

Page 100: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

100

Pagtataya

A. (pp. 228–229)

1. bahay kubo 6. Biag ni Lam-ang 2. datu 7. bayanihan 3. balangay 8. magulang 4. sultanato 9. bothoan 5. timawa 10. baybayin

B. (p. 229)

1. pagsisimba tuwing Linggo 2. pagmamano 3. bayanihan

Page 101: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

101

Aralin 2 – Impluwensiya ng mga Dayuhan sa Kulturang Pilipino bago Dumating ang mga Espanyol

I. Layunin

1. Nababatid at naipaliliwanag ang naging impluwensiya ng mga dayuhan bago pa man dumating ang mga Espanyol;

2. Nakagagawa ng isang collage ukol sa iba’t ibang mga naging ambag ng mga Arabe, Hindu, Intsik, at Hapon sa mga Pilipino; at

3. Napahahalagahan ang impluwensiyang naibigay ng mga dayuhan sa ating kultura.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

1. Maging noong panahon ng mga sinaunang Pilipino ay may nagaganap nang mga pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga karatig bansa sa Asya. Ang pakikipagkalakalan na namagitan noon ang nagdala hindi lamang ng produktong dayuhan kundi maging ng kanilang impluwensiya sa ating kultura at pamumuhay.

2. Ang mga Asyano katulad ng mga Intsik, Hindu, Arabe, at Hapon ang nagbahagi ng kanilang kultura sa ating mga ninuno.

Page 102: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

102

B. Paksang-aralin

Impluwensiya ng mga Dayuhan sa Kulturang Pilipino bago Dumating ang mga Espanyol

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 232–246

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 232–233. Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot sa mga pagsasanay.

2. Talasalitaan

Pasagutan at ipakilala sa mga mag-aaral ang mga salita sa “Alam mo ba?” sa p. 234.

3. Panlinang na Gawain

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 235–236. Bigyan ng ilang minuto

Page 103: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

103

ang mga mag-aaral upang sagutan ito. Pagkatapos ay iproseso ang mga tamang kasagutan at itala ang marka ng mga mag-aaral sa pagsasanay.

4. Pangwakas na Gawain

Ipagawa ang pagsasanay sa pagguhit. Sa isang buong bond paper ay ipaguhit sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng simbolo ang kanilang pagsasalarawan sa mga sinaunang kulturang Pilipino bago pa man dumating at maimpluwensiyahan ng mga dayuhan.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpakita ng iba’t ibang larawan ng mga banyagang pagkain na madalas na kinakain ng mga Pilipino. Maaaring gamitin ang mga larawan ng sumusunod:

i. spaghetti ii. pizza iii. cake iv. siomai v. sushi vi. maki vii. hamburger at French fries

Page 104: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

104

b. Tanungin ang mga mag-aaral kung saang bansa maaaring nagmula ang mga pagkaing ito at ano ang ipinagkaiba nito sa ilang kilalang pagkaing Pilipino. Alamin din kung bakit higit na kinakain ng mga mag-aaral ang mga nabanggit kaysa sa mga pagkaing Pilipino.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng salitang impluwensiya. Hingin ang opinyon ng mga mag-aaral kung ano ang kahulugan nito at itanong kung paano nakabubuti at nakasasama ang salitang ito.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin sa pangkat ang klase at magpahawa ng makulay na graphic organizer sa bawat pangkat.

i. unang pangkat: impluwensiya ng India (flower organizer)

ii. ikalawang pangkat: impluwensiya ng Intsik (plant organizer)

iii. ikatlong pangkat: impluwensiya ng Arabe (bahagi ng katawan ng tao)

iv. ikaapat na pangkat: impluwensiya ng mga Hapon (bahagi ng puno)

Page 105: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

105

b. Ipalagay sa mga mag-aaral ang sagot sa kanilang organizer at pagkatapos ay bigyan ng ilang minuto ang bawat pangkat na ibahagi sa klase ang kanilang ginawa.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang ginawang pag-uulat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtalakay sa mahahalagang kontribusyon ng mga Hindu, Arabe, Tsino at Hapones sa kulturang Pilipino.

5. Takdang-aralin

Pasagutan sa mga mag-aaral ang “Tuklasin Mo” sa p. 244.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganayak

Ipabahagi sa mga mag-aaral ang nasaliksik nilang kasagutan.

2. Talasalitaan

a. Ipakilala ang konsepto ng Islam at ang mga haligi nito sa Pilipinas:

i. Shahadah ii. Zakat

Page 106: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

106

iii. Salat iv. Pag-aayuno v. Haj

b. Magbibigay ng ilan pang halimbawa upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa apat na pangkat at magpagawa sa bawat pangkat ng collage at tagline. Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang tapusin ang gawain.

b. Ipabahagi sa bawat pangkat ang kanilang nagawang collage.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang ginawang presentasyon ng mga mag-aaral at ibigay ang kanilang marka at feedback.

5. Pagtataya

a. Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 245–246.

b. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

Page 107: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

107

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 246.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 232–233)

Tsino Hindu Tsino Arabe Hapones

Alam mo ba? (p. 234)

Natuklasan mo na ba (pp. 235–236)

1. Arabe – Hapones2. Monogamy – Polygamy3. Abu Bakr – Mohammad4. Bibliya – Koran

Page 108: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

108

5. Salat – Zakat6. Shahada – hajj7. Okoy – tikoy8. Trumpo, sungka – Tsino9. Paggawa ng armas – Tsino10. alamat – pabula

Pagtataya

A. (p. 245)

1. Arabe 6. Tsino 2. Tsino 7. Tsino 3. Hapones 8. Tsino 4. Hindu 9. Arabe 5. Tsino 10. Hindu

Page 109: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

109

Aralin 3 – Impluwensiya ng mga Espanyol sa Kulturang Pilipino

I. Layunin

1. Natatalakay ang mahahalagang ambag at impluwensiya ng mga Espanyol sa mga Pilipino;

2. Nakagagawa ng tula ukol sa mga pamana ng mga Espanyol sa Pilipinas; at

3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng pag-ibig sa sariling bayan sa kabila ng pananakop ng mga dayuhan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pananakop ng mga Espanyol ay hindi naglaon nagdulot ng maraming pagbabago sa ating kultura at sa lipunang Pilipino lalo na sa larangan ng edukasyon, relihiyon, sining, at panitikan. Bagaman maraming masalimuot na pangyayari na naganap sa higit tatlong daan taong pananakop ay hindi maikakaila na ang panahon na iyon ay halimbawa rin ng pag-unlad ng bansa sa iba’t ibang aspeto. Ang pagbibigay ng pagkakataon sa ibang mga Pilipino ay nagbigay ng pagkakataon upang sila ay matutong tumayo, mag-isip, at manindigan lalo na sa sariling kultura na mayroon sila wala pa man ang mga Espanyol.

Page 110: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

110

B. Paksang-aralin

Impluwensiya ng mga Espanyol sa Kulturang Pilipino.

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 247–265

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 247–249. Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 250–251. Makikilala ng mga mag-aaral ang sumusunod na terminolohiya: relihiyon, sentralisado, alcaldia, parokyal, at cariñosa.

b. Magbigay ng ilang halimbawa upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto.

Page 111: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

111

3. Panlinang na Gawain

a. Sa pamamagitan ng isang video ay ipakita sa mga mag-aaral ang ekspedisyong Magellan.

b. Gamitin ang mga prosesong tanong para sa magiging talakayan:

i. Sino si Ferdinad Magellan? ii. Saan siya nagmula at anong

papel ang gagampanan niya sa kasaysayan ng Pilipinas?

iii. Itala ang mahahalagang impormasyon ukol sa ekspedisyong Magellan sa bansa.

iv. Itala ang mahahalagang impormasyon ukol sa ekspedisyong Legazpi.

v. Paano nakaapekto ang mga ekspedisyong ito sa ating bansa sa kabuuan?

vi. Paano nakaapekto ito sa mga Pilipino?

4. Pangwakas na Gawain

Pabuuin ang klase ng akrostik gamit ang salitang ekspedisyon. Ipatala sa kanila ang mahahalagang salita na may kinalaman sa paglalakbay at pananakop na ginawa nina Magellan at Legazpi sa Pilipinas.

Page 112: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

112

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Talakayin sa mga mag-aaral ang paksa sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 251–253.

2. Talasalitaan

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang salitang visita iglesia. Tanungin ang mga mag-aaral kung alam na nila ito at kung ilan sa kanila ang gumagawa nito tuwing Mahal na Araw. Magpakita ng ilang larawan upang maalala ng mga mag-aaral ang konsepto at ginagawa sa pamanang ito ng mga Espanyol.

b. Mula rito ay iuugnay na ang pinakapangunahing ambag ng mga Espanyol sa Pilipinas ay ang relihiyong Kristiyanismo.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Sa paraang pag-uulat o iba pang malikhaing presentasyon ay ipatalakay sa mga mag-aaral ang iba’t ibang naging impluwensiya ng mga Espanyol sa sumusunod na aspekto.

i. unang pangkat: impluwensiya sa relihiyon

Page 113: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

113

ii. ikalawang pangkat: impluwensiya sa tahanan

iii. ikatlong pangkat: impluwensiya sa pananamit

iv. ikaapat na pangkat: impluwensiya sa pagkain

v. ikalimang pangkat: impluwensiya sa sining

vi. ikaanim na pangkat: impluwensiya sa edukasyon

Ang unang apat na grupo ay mag-uulat sa araw na ito at ang dalawang natitira naman ay sa susunod na araw.

b. Bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang makapaghanda at maipakita ang kanilang mga presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Ipabuod sa mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto ukol sa impluwensiya ng mga Espanyol sa larangan ng relihiyon, tahanan, pananamit, at pagkain.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ni Jose Rizal at ang kanyang mga

Page 114: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

114

naiambag. Maaaring ipakita ang larawan ng Noli me Tangere at El Filbusterismo ngunit ang babasahin sa mga mag-aaral ay ang tulang naisulat ni Rizal, Sa Aking mga Kabata. Tanungin ang mga mag-aaral sa pangunahing mensahe ng tula.

2. Talasalitaan

Ipakilala naman sa mga mag-aaral ang literal na kahulugan ng Noli me Tangere at El Filibusterismo. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang naging batayan ni Jose Rizal sa paggamit ng mga ganitong titulo sa kanyang mga akda.

3. Panlinang na Gawain

a. Ibahagi sa klase ang impluwensiya ng mga Espanyol sa larangan ng edukasyon, sining, at panitikan. Magpakita rin ng maiksing video na naglalaman ng iba’t ibang ambag ng mga Espanyol sa larangang ito lalo na ang pagtatayo ng maraming paaralan na nakatulong nang malaki sa maraming mga Pilipino.

b. Magpagawa sa mga mag-aaral ng tula na ayon sa pangunahing tema na pamana ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na panahon para tapusin at pagandahin ang kanilang mga tula.

Page 115: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

115

4. Pangwakas na Gawain

a. Ipabahagi sa klase ang ginawang tula ng piling mag-aaral.

b. Iproseso ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at pagkakaroon ng sariling pagkilala sa pagiging isang Pilipino sa kabila ng mga impluwensiya at pamana ng mga dayuhan.

5. Pagtataya

a. Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 262–265.

b. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 265.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 247–248)

1. KRISTIYANISMO 2. SOMBRERO3. UNIBERSIDAD 4. MENUDO5. CARIÑOSA 6. SENAKULO

Page 116: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

116

Alam mo ba? (pp. 250–251)

1. Relihiyon2. Carlos3. Legazpi4. Parokyal5. Cariñosa

Pagtataya

A. (pp. 262–263)

B. (p. 263)

1. R 6. R 2. E 7. R 3. SP 8. E 4. SP 9. E 5. R 10. SP

Page 117: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

117

Aralin 4 – Impluwensiya ng mga Amerikano sa Kulturang Pilipino

I. Layunin

1 Natatalakay ang iba’t ibang mahalagang ambag ng mga Amerikano sa mga Pilipino;

2. Nakagagawa ng isang editoryal at editorial cartoon tungkol sa naging impluwensiya ng mga Amerikano sa mga Pilipino; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagiging self-reliant at independent.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang mga Amerikano ay nag-iwan ng maraming impluwensiya sa kulturang Pilipino. Ang malayang kaisipan ay nakatulong rin upang makahinga ang mga Pilipino sa mahigpit na pamamahala ng mga Espanyol. Pinakamalaking ambag nila ang edukasyon gayundin ang pagbabago sa pananamit, pagsasalita, at maging sa pagkain at transportasyon sa Pilipinas.

B. Paksang-aralin

Impluwensiya ng mga Amerikano sa Kulturang Pilipino

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 266–279

Page 118: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

118

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 266–267. Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang basketball. Tanungin ang mga mag-aaral kung paano ba nila ito nilalaro at kung sino-sino ang kanilang idolo sa larangan ng basketball.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa pp. 267–268. Mula dito ay makikilala ng mga mag-aaral ang ilan sa mga konsepto na may kinalaman sa aralin ukol sa ambag ng mga Amerikano: Thomasites, homestead, stateside, Protestantismo, wikang Ingles, eroplano, telegram, public school, damit na Amerikana, at soda o softdrinks.

Page 119: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

119

b. Talakayin ang mga salitang nabanggit. Pagkatapos ay magpapanood sa mga mag-aaral ng isang video tungkol sa kasaysayan ng pagdating ng mga Amerikano sa Pilipinas upang maunawaan ng mga mag-aaral ang mga kagyat na dahilan kung bakit tayo naimpluwensiyahan ng mga Amerikano.

4. Pangwakas na Gawain

Mula sa napanood na video ay magpalista sa mga mag-aaral ng limang mahahalagang natutuhan nila sa paksang natalakay.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Ipabasa sa mga mag-aaral ang bahaging “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 268–269. Talakayin sa mga mag-aaral ang pangyayaring ito at hingin ang kanilang mga opinyon ukol sa pangyayaring ito sa ating kasaysayan.

b. Ibigay rin ang sariling opinyon.

2. Talasalitaan

a. Ipakilala sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng salitang komonwelt.

Page 120: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

120

Talakayin ang pangunahing layunin nito para sa ating bansa: kalayaan at pagsasarili.

b. Tanungin ang mga mag-aral kung gaano kahalaga ang pagiging malaya, ang pagtayo sa sariling paa, at paggawa ng tamang paraan para sa sarili.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Sa pamamagitan ng pagpili ng isang awit ay ipapatong nila rito ang mahahalagang konsepto ukol sa mahahalagang ambag ayon sa sumusunod na aspekto.

i. unang pangkat: pamana sa edukasyon

ii. ikalawang pangkat: pamana sa pananamit

iii. ikatlong pangkat: pamana sa relihiyon

iii. ikaapat na pangkat: pamana sa pamahalaan

iv. ikalimang pangkat: pamana sa panitikan at sining

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang mga ipinakitang presentasyon ng mga mag-aaral upang hindi nila makaligtaan ang mahahalagang

Page 121: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

121

konsepto ukol sa pamana ng mga Amerikano sa mga Pilipino.

5. Takdang-aralin

Pagdalhin ang mga mag-aaral ng oslo paper at charcoal pencil o ordinaryong lapis para sa gawain sa susunod na araw.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak Talakayin sa mga mag-aaral ang

“Tuklasin Mo” sa p. 276. Dito ay nakatala ang iba’t ibang mga paaralan na naitatag noong panahon ng mga Amerikano. Mas mabuti kung mayroong mga larawan ng mga paaralang ito. Balikan din sa mga mag-aaral na ang unang pormal na edukasyon ng mga Pilipino ay mula sa mga sundalong Amerikano na tinawag na Thomasites at nagpakilala sa pampublikong edukasyon para sa mga Pilipino.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang konsepto ng food chain. Magpakita ng ilang sikat na mga food chain na pinakilala ng mga Amerikano. Tanungin ang mga mag-aaral kung bakit naging mabilis ang pagdami ng mga ganitong uri sa ating bansa.

Page 122: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

122

3. Panlinang na Gawain

a. Magpanood sa klase ng video ukol sa naging impluwensiya ng mga Amerikano sa ating pang-araw- araw na pamumuhay. Gumawa ng pagbubuod para mas maunawaan ito ng mga mag-aaral.

b. Pagkatapos ay pagawain ang mga mag-aaral ng isang simpleng editoryal at paglalarawan sa pamamagitan ng simbolo ukol sa kanilang saloobin sa naging impluwensiya ng mga Amerikano sa atin.

4. Pangwakas na Gawain

Tumawag ng mga mag-aaral upang ipakita at ibahagi ang kanilang mga ginawa.

5. Pagtataya

a. Pasagutan ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 277–278.

b. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 279.

Page 123: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

123

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 266–267)

Alam mo ba? (pp. 267–268)

Pagtataya

B. (p. 278)

1. Thomasites 6. John 2. Paaralang Normal 7. Treaty of Paris 3. Protestantismo 8. Manuel Quezon 4. Ingles 9. Fernando Amorsolo 5. Kaisipang Kolonyal 10. Severino Reyes

Page 124: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

124

Aralin 5 – Impluwensiya ng mga Hapones sa Kulturang Pilipino

I. Layunin

1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang ambag ng mga Hapones sa kulturang Pilipino;

2. Nakagagawa ng isang tula ukol sa natutuhang karanasan ng mga Pilipino sa panahon ng Hapones sa Pilipinas; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pangangalaga sa katapatan hindi lamang sa ibang tao kundi lalo sa bayan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Bagaman nabigyan ang Pilipinas ng pagkakataon sa sariling pamamahala, ang relasyon nito sa Estados Unidos ang naging mitsa rin ng panganib sa mga Pilipino dahil sa kaguluhan sa ibang panig ng daigdig. Ang digmaan sa Europa ay nakarating sa Pilipinas hanggang sa mapasailalim ang mga Pilipino sa pananakop ng mga Hapones. Hindi man naging ganap ang impluwensiya ng mga Hapones sa Pilipinas dahil sa maikling panahon ng kanilang pananakop, marami naman silang naipakilalang bahagi ng kanilang kultura.

B. Paksang-aralin

Impluwensiya ng mga Hapones sa Kulturang Pilipino

Page 125: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

125

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 280–290

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 280–281. Iproseso ang mga tumpak na sagot at tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang kasagutan.

2. Talasalitaan

Isagawa ang larong text twist. Gamit ang salitang digmaan, pabuuin ng iba pang salita ang mga mag-aaral mula sa mga titik na ito. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral at tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

3. Panlinang na Gawain

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Alam mo ba?” sa p. 282. Dito ay makikilala ng mga mag-aaral ang ilan sa mga tauhan at mga

Page 126: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

126

konseptong may kinalaman sa panahon ng pamamalagi ng mga Hapones sa Pilipinas.

b. Pagkatapos ay magpapanood ng isang video ukol sa kasaysayan ng pagdating ng mga Hapones sa Pilipinas at kung bakit napasali ang Pilipinas sa digmaan. Mahalagang pahapyaw na matalakay ang bagay na ito upang maunawaan ng mga mag-aaral kung bakit at paano tayo naimpluwensiyahan ng mga Hapones.

4. Pangwakas na Gawain

Pasulatin ang mga mag-aaral ng one minute writing exercise ukol sa kanilang natutuhan sa napanood na video at sa kasaysayan ng pagdating ng mga Hapones sa Pilipinas. Tumawag ng mag-aaral upang ibahagi ang kanilang sagot.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 282–284. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga sagot.

Page 127: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

127

2. Talasalitaan

Tanungin ang mga mag-aaral kung ano para sa kanila ang ibig sabihin ng salitang pagbangon. Mula sa kanilang nabasang tula, pabigyang kahulugan ang salitang ito at pagbigayin sila ng halimbawa kung paano naipakita ng mga Pilipino ang pagbangon ayon sa ibinahagi sa tula.

3. Panlinang na Aralin

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Sa pamamagitan ng isang talahanayan, ipabuod sa mga mag-aaral ang mahahalagang naging impluwensiya ng mga Hapones:

i. unang pangkat: impluwensiya sa nasyonalismong Pilipino

ii. ikalawang pangkat: impluwensiya sa agrikultura

iii. ikatlong pangkat: impluwensiya sa salapi at negosyo

iv. ikaapat na pangkat: impluwensiya sa wika at panitikan

v. ikalimang pangkat: impluwensiya sa pagkain

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang gawin ang pagsasanay at pagkatapos ay magtalaga ng isang tagapag-ulat upang ibahagi ang talahanayan.

Page 128: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

128

4. Pangwakas na Gawain

Gumawa ng pagbubuod ukol sa mahahalagang bagay na tinalakay ng mga mag-aaral.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Talakayin sa mga mag-aaral ang nilalaman ng “Tuklasin Mo” sa p. 288 ukol sa mahahalagang petsa sa pagdating ng mga Hapones sa Pilipinas. Ibigay lamang ang mahahalagang kuwento upang maunawaang mabuti ng mga mag-aaral.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang Mickey Mouse money. Magpakita ng itsura nito at ang kasaysayan kung bakit ito tinawag na ganon. Tanungin ang mga mag-aaral kung bakit nawalan ng halaga ang salapi noong panahon ng mga Hapones

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang mga impluwensiya ng mga Hapones sa mga Pilipino. Ang una sa mga ito ay ang nasyonalismo. Ang pangyayari noong digmaan ukol sa pagtataksil ng kapwa Pilipino ay isang aral din na dapat matutuhan ng lahat.

Page 129: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

129

b. Mula sa mga konseptong ito, palikhain ng tula ukol sa kahalagahan ng katapatan sa sarili, sa iba, at sa bansa sa kabuuan ang bawat isang mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumawag ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang ginawang tula.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 289–290. Isagawa ang pagwawasto at pagbabahagi ng kasagutan ng mga mag-aaral.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo!” sa p. 290.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (pp. 280–281)

1. JOSE LAUREL2. MANUEL QUEZON3. DOUGLAS MAC ARTHUR4. LUIS TARUC5. MANUEL ROXAS

Page 130: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

130

Alam mo ba? (p. 282)

Pagtataya

A. (p. 289)

1. Douglas Mac Arthur 6. Hiroshima 2. Jose Laurel 7. Nagasaki 3. Emperor Hirohito 8. Mickey Mouse Money 4. Luis Taruc 9. Haiku 5. Nihonggo 10. Jorge Vargas B. (p. 290)

1. T 2. T 3. M 4. M 5. M

Page 131: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

131

Aralin 6 – Pangangalaga sa Kulturang Pilipino

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mga paraan kung paano maaaring mapangalagaan ang kulturang Pilipino;

2. Nakagagawa ng sariling likha upang maipakita ang sariling kagalingan at magbigay ng magandang ambag sa ating kultura; at

3. Napahahalagahan ang kagalingang angkin ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo sa iba’t ibang larangan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang kulturang Pilipino ay napangangalagaan ng mga Pilipino at patuloy na nalilinang sa pamamagitan ng iba’t ibang organisasyon gayundin ng mga ahensiya ng pamahalaan na sumusuporta dito. Ang mga Pilipino naman sa kabuuan ay ipinagdiriwang at isinasagawa pa rin ang mga kaugalian at tradisyon na nagpasalin-salin na sa iba’t ibang henerasyon at panahon.

B. Paksang-aralin

Pangangalaga sa Kulturang Pilipino

Page 132: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

132

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 291–316

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 291–292.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang kahulugan ng heritage site. Ipaliwanag ang ibig sabihin nito at kung bakit nagtatalaga ang UNESCO ng ganitong katawagan para sa ilang mga natatanging bagay o lugar.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng mga larawan ng ilan sa mga natatanging heritage site na matatagpuan sa Pilipinas. Talakayin at ilarawan ang mga ito isa-isa.

b. Bigyan ng mga prosesong tanong ang mga mag-aaral:

Page 133: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

133

i. Ano-ano ang mga heritage site na matatagpuan sa Pilipinas?

ii. Paano sila napabilang sa World Heritage Sites ng UNESCO? Ibigay ang kanilang mga natatanging katangian.

4. Pangwakas na Gawain

Tanungin ang mga mag-aaral kung paano mapangangalagaan ang ganitong mga heritage site sa Pilipinas.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Talakayin sa mga mag-aaral ang “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 296–298. Ito ay tumatalakay sa iba’t ibang mga natatanging simbahan na matatagpuan sa Pilipinas.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang salitang millenial. Bagaman wala sa aklat, talakayin ito sa mga mag-aaral. Ipaliwanag na ito ang tawag sa mga taong isinilang mula taong 2000 hanggang sa kasalukuyang taon. Sila ang masasabing higit na nakasasabay sa mga panahong ito ng modernong teknolohiya.

Page 134: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

134

3. Panlinang na Aralin

a. Hatiin ang klase sa 8 pangkat at paghandain ang bawat pangkat ng malikhaing presentasyon na ayon sa kanilang gusto gamit ang sumusunod na paksa.

i. unang pangkat: tirahan sa kasalukuyan

ii. ikalawang pangkat: pananamit sa kasalukuyan

iii. ikatlong pangkat: pagkain sa kasalukuyan

iv. ikaapat na pangkat: sining at panitikan sa kasalukuyan

v. ikalimang pangkat: wika sa kasalukuyan

vi. ikaanim na pangkat: musika sa kasalukuyan

vii. ikapitong pangkat: relihiyon sa kasalukuyan

viii. ikawalong pangkat: kaugalian at tradisyon sa kasalukuyan

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang ibahagi sa klase ang kanilang presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang mahahalagang konseptong tinalakay sa unang apat na bahagi: tirahan, pananamit, pagkain, at sining.

Page 135: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

135

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Talakayin ang iba pang world heritage sites na matatagpuan sa Pilipinas sa “Alam mo ba?” sa pp. 292–296.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang ibig sabihin ng historical landmark. Talakayin kung bakit nagkakaroon ng mga ganito at bakit mahalaga na makilala ng mga mag-aaral ang mga ganitong bagay.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin ang mga pagbabagong naganap sa ating kultura sa kasalukuyan ayon sa sumusunod na aspekto.

i. wika ii. musika iii. relihiyon iv. kaugalian at tradisyon

b. Pagkatapos ay ibuod ang mahahalagang konseptong natalakay.

Page 136: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

136

5. Pangwakas na Gawain

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 314–315. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo sa p. 316 at ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 318–319.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 291)

1. Tubbataha Reefs Natural Park – IV-B – Palawan2. Banaue Rice Terraces – CAR – Ifugao3. Puerto Princesa Underground River – IV-B – Palawan

Pagtataya

A. (pp. 314–315)

1. pangkat etniko 2. UNESCO 3. Vigan 4. Subterranean River 5. Simbahan ng Immaculate Concepcion 6. Amerikana 7. John Paul II

Page 137: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

137

8. heritage site 9. Banaue Rice Terraces 10. Nihonggo

Markahang Pagsasanay

A. (pp. 318–319)

1. d 2. a 3. a 4. b 5. b 6. b 7. c 8. a 9. d 10. a

Page 138: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

138

IKAAPAT NA MARKAHANKABAHAGI SA PAG-UNLAD

Pagsasabuhay ng Mithiin:

Naipamamalas ang pang-unawa at pagpapahalaga sa karapatan at tungkulin ng bawat mamamayang Pilipino sa pagpapaunlad ng sariling ipinagmamalaking kultura.

Kakailanganing Katanungan:

Paano makikibahagi ang bawat mamamayan sa pag-unlad ng kultura at ng bayan sa kabuuan?

Aralin 1 – Ang Pamahalaan

I. Layunin

1. Natatalakay ang mahahalang elemento ukol sa pamahalaan;

2. Nakagagawa ng pagsasatao ukol sa naging ambag ng mga naging pangulo ng bansa lalo sa larangan ng kultura; at

3. Nauunawaan ang kaugnayan ng tamang pamumuno upang higit na mapaunlad ang kultura at pag-unlad ng bayan sa kabuuan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Nauunawaan na ang pamahalaan ay isang elemento sa bansa na nagiging malaking dahilan

Page 139: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

139

ng kaunlaran ng isang bansa. Nagtatalaga ito ng mga batas na susundin ng mga tao at nangangalaga rin sa karapatan ng bawat mamamayan.

B. Paksang-aralin

Ang Pamahalaan

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 324–352

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 324–325. Pagkatapos ay tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

a. Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa pp. 325–326 kung saan ay makikilala ng mga mag-aaral ang sumusunod na salita: pangulo, barangay captain, bise presidente, cabinet secretary, at senador.

Page 140: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

140

b. Talakayin sa mga mag-aaral ang mga salitang nabanggit.

3. Panlinang na Gawain

Talakayin sa mga mag-aaral ang kasaysayan ng pamahalaan sa Pilipinas simula sa bago dumating ang mga dayuhan, hanggang sa panahon ng republika, at sa kasalukuyan.

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng isang mini quiz bee ukol sa mga natutuhan ng mga mag-aaral ukol sa pamahalaan ng Pilipinas.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahulugan at kahalagahan ng pamahalaan. Tumawag ng mga mag-aaral na maaaring magbigay ng opinyon ukol dito.

2. Talasalitaan

Ipaunawa sa mga mag-aaral ang kahulugan ng salitang demokrasya. Magbigay ng paliwanag at talakayin ang kahalagahan nito.

Page 141: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

141

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag-aaral. Magpagawa sa bawat pangkat ng isang malikhaing pag-uulat ukol sa sumusunod na paksa tungkol sa estruktura ng pamahalaan:

i. unang pangkat: ehekutibong sangay

ii. ikalawang pangkat: lehislatibong sangay

iii. ikatlong pangkat: hudikaturang sangay

b. Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang maghanda at isa-isang magbigay ng presentasyon.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang paksa sa pamamagitan ng isang graphic organizer.

5. Takdang-aralin

Pagsaliksikin ang mga mag-aaral ukol sa pangalan ng mga pinuno sa pamahalaang lokal na kanilang kinabibilangan.

Page 142: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

142

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

a. Magpakita ng flashcards at tanungin ang mag-aaral kung ano ang madalas na ginagawa ng sumusunod.

i. pangulo ng klase ii. kawani ng klase iii. ingat yaman ng klase iv. press relations officer v. sergeant-at-arms b. Ipaugnay sa mga mag-aaral ang mga

gawain ng mga nabanggit sa mga tuntunin ng mga may katumbas na posisyon sa pamahalaang pambansa.

2. Talasalitaan

Pagkumparahin ang pamahalaang lokal sa pambansang pamahalaan. Gumamit ng Venn diagram upang madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mahahalagang konsepto.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang sumusunod:

Page 143: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

143

i. antas ng pamahalaan ii. paghihiwalay ng mga

kapangyarihan iii. paraan ng paghalal ng pinuno ng

bansa

4. Pangwakas na Gawain

Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang kawani na gumaganap ng kani-kanilang mga tungkulin.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 350–351.

6. Takdang-aralin

Pasagutan ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 352.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 324)

Corazon Aquino Ninoy Aquino Ferdinand MarcosManny Pacquiao Maria Lourdes Rodrigo Duterte Sereno

Page 144: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

144

Alam mo ba? (pp. 325–326)

1. pangulo2. barangay captain3. pangalawang pangulo4. kawani5. senador

Pagtataya

A. (p. 350)

1. lehislatibo 2. 8 3. 3 4. 40 5. responsibilidad 6. sea lion 7. 250 8. 24 9. pangulo

10. PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA)

Page 145: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

145

Aralin 2 – Karapatan at Tungkulin ng Mamamayang Pilipino

I. Layunin

1. Naiisa-isa at naipaliliwanag ang iba’t ibang mga karapatan at tungkulin ng mamamayang Pilipino;

2. Nakabubuo ng isang panata ang bawat mag-aaral kung paano nila pangangalagaan ang kanilang karapatan at ang karapatan ng ibang tao;

3. Napahahalagahan ang pagiging responsable at pagtupad sa tungkulin.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pamahalaan ay sumisiguro sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng mga pangunahing bagay na may kinalaman sa kultura sa pamamagitan ng pagpasok nito sa kurikulum. Ang mga karapatan ng bawat mamamayan ay inaalagaan upang matiyak na hindi lamang mabigyan ang bawat mamamayan na makilala ang kanilang kultura, kalinangan, at pagkakakilanlan kundi maging kabahagi sa pag-unlad at paglinang ng kulturang Pilipino.

B. Paksang-aralin

Karapatan at Tungkulin ng Mamamayang Pilipino

Page 146: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

146

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 353–363

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 353–354.

2. Talasalitaan

a. Ipabasa sa klase ang “Alam mo ba?” sa p. 354. Dito ay mauunawaan ng mga mag-aaral ang kahulugan at pagkakaiba ng mga salitang karapatan at tungkulin.

b. Manghingi ng halimbawang pangungusap upang makita kung naunawaan ng mga mga-aaral ang konsepto.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng isang video ukol sa kung paano maging isang Pilipino. Gamitin ang sumusunod na prosesong tanong:

Page 147: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

147

i. Saan maaaring makita ang mga batayan ng pagka-Pilipino ng isang tao?

ii. Ano-ano ang mga batayan para matawag na isang Pilipino?

iii. Ano ang ibig sabihin ng naturalized?

iv. Sino-sino ang matatawag nating mga Pilipino?

4. Pangwakas na Gawain

Sa pamamagitan ng isang graphic organizer ay ibuod ang paksa ukol sa batayan ng pagka-Pilipino at magbibigay ng ilan pang halimbawang sitwasyon sa mga mag-aaral.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

a. Magpakita ng ilang larawan ng sumusunod:

i. mga batang nasa ilalim ng tulay na namamalimos at gusgusin

ii. mga batang nakatayo sa labas ng eskuwelahan dahil hindi sila nakakapag-aral

iii. mga batang biktima ng child labor

Page 148: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

148

b. Tanungin ang klase kung ano ang kanilang saloobin ukol sa larawan. Tanungin din kung bakit sa tingin nila ay mayroong mga batang katulad ng mga nasa larawan sa ating lipunan.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaal ang konstitusyon ng Pilipinas. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang pangunahing gampanin ng isang konstitusyon at ang pag-alam nito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat tao.

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Pagawain ang bawat pangkat ng tableau na nagpapakita ng kanilang interpretasyon sa tig-dalawang karapatan na mayroon ang mga tao. Magtalaga ng isang annotator upang magpaliwanag sa kanilang tableau.

i. unang pangkat: karapatang mamuhay at kalayaan sa pagsasalita

ii. ikalawang pangkat: pagkakapantay-pantay at panlipunan na karapatan

iii. ikatlong pangkat: pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan

Page 149: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

149

iv. ikaapat na pangkat: karapatan sa kultura at sa pagkain

v. ikalimang pangkat: karapatang maghanapbuhay at sa edukasyon

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod at talakayin ang mahahalagang dapat maunawaan ng mga mag-aaral ukol sa karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.

5. Takdang-aralin Magpadala sa klase ng oslo paper at

pangkulay para sa susunod na pagsasanay.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Magkaroon ng pag-alala sa mahahalagang karapatan na dapat natatamasa ng lahat. Gawin ito sa pamamagitan ng isang laro. Magbigay ng halimbawang sitwasyon at ipatukoy sa mga mag-aaral kung anong uri ng karapatan ito.

2. Talasalitaan

Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang kahulugan ng civic efficacy. Tanungin ang mga mag-aaral kung bakit mahalaga

Page 150: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

150

na natatamo ng isang tao ang pagiging produktibo. Pagbigayin sila ng mga halimbawang sitwasyon.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mga tungkulin na dapat gawin ng mga Pilipino. Pasulatin ng isang panata ang mga mag-aaral. Ipasulat kung ano ang kanilang gagawin upang magamapanan nila nang lubos ang mga karapatang maitatalaga sa kanila.

i. row 1: matapat sa bayan at paggalang sa institusyon at sagisag ng bansa

ii. row 2: pakikilahok sa programa at paggalang sa karapatan ng iba

iii. row 3: pagboto at pagbabayad ng buwis

iv. row 4: pagtulong sa nangangailangan at pagsuporta sa produktong lokal

v. row 5: pagpapaunlad sa sarili at pagiging responsable

4. Pangwakas na Gawain

Tumawag ng mga mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga ginawang panata.

Page 151: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

151

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 361–363.

6. Takdang-aralin

Ipasagot sa mga mag-aaral ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 363.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 353)

Tsina Amerika Alemanya South Africa Pilipinas HongKong/China

Pagtataya (p. 361)

1. tungkulin2. tungkulin3. tungkulin4. karapatan5. krapatan6. karapatan7. tungkulin8. karapatan9. karapatan10. tungkulin

Page 152: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

152

Aralin 3 – Pamahalaan at Kulturang Pilipino

I. Layunin

1. Naiisa-isa at natatalakay ang iba’t ibang mahahalagang ginagawa ng pamahalaan upang pangalagaan ang kulturang Pilipino;

2. Nakagagawa ng sariling batas upang mapangalagaan ang mga sagisag at kulturang mayroon ang ating bansa; at

3. Napahahalagahan ang pagiging masunurin sa mga iniuutos at pagsunod sa mga alituntunin.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Upang mapanatili at mapangalagaan ang pamanang kultura ng bansa ay kinakailangan ng suporta at programa ng pamahalaan. Ang mga batas na dapat nilang likhain at ipatupad ay dapat masuportahan rin ng mga mamamayan upang patuloy na malinang at maisabuhay ng lahat sa kabila ng mga pagbabago dala ng panahon.

B. Paksang-aralin

Pamahalaan at Kulturang Pilipino

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 364–376

Page 153: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

153

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 364–365. Tumawag ng mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot.

2. Talasalitaan

Ipakitang muli ang salitang Lupang Hinirang na talagang pamagat ng ating pambansang awit na madalas napagkakamalang Bayang Magiliw. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang pinagkaiba ng dalawa at kung bakit dapat gamitin ang una bilang pamagat kaysa sa unang linya nitong pambansang awit.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng video ukol sa kasaysayan ng paggawa ng bandila ng Pilipinas at ang naging pagbabago dito sa paglipas ng panahon.

b. Pagkatapos ay talakayin sa mga mag-aaral ang kasaysayan ng pambansang awit ng Pilipinas at ng pambansang watawat.

Page 154: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

154

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng post test ang guro. Gamit ang parehas na pagsasanay ay ibibigay ng mga mag-aaral ang nawawalang liriko sa ating pambansang awit.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Tanungin ang mga mag-aaral ukol sa mahahalagang alituntunin sa kanilang handbook na sa tingin nila ay pinakamahalaga sa kanila bilang mga estudyante. Ipatukoy ito sa kanila at hingan ng paliwanag kung bakit iyon ang kanilang napili.

2. Talasalitaan

Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kahulugan ng salitang pangangalaga. Paano nga ba maaaring pangalagaan ang isang kultura ng bawat bansa? Paano ito naisasakatuparan?

3. Panlinang na Gawain

a. Hatiin ang klase sa limang pangkat. Ipapaliwanag sa bawat pangkat ang kahulugan at kahalagahan ng batas na maitatalaga sa kanila. Pagawain

Page 155: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

155

ang mga mag-aaral ng talahanayan o organizer para maipakita at maipaalala ang kautusang ito sa kanilang mga kamag-aral.

i. unang pangkat: Kautusan Blg 39 ii. ikalawang pangkat: Proklamasyon

Blg. 1001 iii. ikatlong pangkat: Atas ng Pangulo

Blg. 105 iv. ikaapat na angkat: RA 9072 v. ikalimang pangkat: RA 7355

4. Pangwakas na Gawain

Ipasagawa ang presentasyon ng bawat pangkat at gawan ng buod ang mahahalagang konseptong natalakay.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga impormasyon ukol sa pambansang awit ng Pilipinas sa “Alam mo ba?” sa pp. 365–366.

2. Talasalitaan Tanungin ang klase kung bakit sa

tingin nila ay mahalaga para sa bawat isang Pilipino ang maging isang culture advocate.

Page 156: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

156

Itanong din kung bakit mahalagang mapanatili ng mga Pilipino ang kanilang kultura.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpakita ng maikling video ukol sa bansang Thailand. Ibahagi na sa loob ng mahabang panahon, ito lamang sa buong Asya noon ang hindi masyadong napasok ng mga dayuhan kaya naman napanatili nila ang kanilang kultura.

b. Pagkatapos nito ay talakayin sa mga mag-aaral ang ilan sa mga tanggapan na nangangalaga sa kulturang mayroon tayong mga Pilipino. Gawing batayan ang pagtalakay sa pp. 370–372. Hingan ang mga mag-aaral ng kasagutan kung sila ba ay nakadadalaw o nakapunta na sa mga ito. Iproseso kung anuman ang magiging sagot ng mga mag-aaral.

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ang klase ng sariling batas kung paano nila mapauunlad ang kulturang Pilipino. Ipalagay ang sagot ng mga mag-aaral sa oslo paper.

5. Pagtataya

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 375–376.

Page 157: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

157

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo” sa p. 376.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 364)

1. Perlas ng Silanganan2. Sa dibdib mo’y buhay3. magiting4. pasisiil5. sa langit mong bughaw6. tula7. kislap ng watawat8. Ang bituin at araw niya9. luwalhati’t pagsinta10. Aming ligaya na pag may

Pagtataya

A. (pp. 375–376)

1. Lungsod ng Maynila 2. Corazon Aquino 3. tama 4. tama 5. Corazon Aquino 6. Emilio Aguinaldo 7. Lorenza 8. Jose Palma

Page 158: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

158

9. tama 10. March Filipino Magdalo

B. (p. 376)

1. Ilocos Sur, I 2. Palawan, IV-B 3. Palawan, IV-B 4. Manila, NCR 5. Iloilo, VI 6. Bohol, VII 7. Davao, XI 8. Palawan, IV-B

Page 159: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

159

Aralin 4 – Karapatan ng mga Mamamayan sa Kulturang Pilipino

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mga sagisag ng bansa;

2. Nakaguguhit ng poster na nagpapakita ng pagmamalasakit sa ating kulturang Pilipino; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkilala sa sarili at sa pagiging isang Pilipino.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang pamahalaan ay sumisiguro sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng mga pangunahing bagay na may kinalaman sa kultura sa pamamagitan ng pagpasok nito sa kurikulum. Ang mga karapatan ng bawat mamamayan ay inaalagaan upang matiyak na hindi lamang mabigyan ang bawat mamamayan na makilala ang kanilang kultura, kalinangan, at pagkakakilanlan kundi maging kabahagi sa pag-unlad at paglinang ng kulturang Pilipino.

B. Paksang-aralin

Karapatan ng mga Mamamayan sa Kulturang Pilipino

Page 160: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

160

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 377–390

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa p. 377. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

a. Ipabuo sa klase ang sumusunod upang makakuha ng ideya sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang saloobin ukol sa paksa

i. Ang kultura ay kayamanan dahil ________________.

ii. Kaya dapat ay __________________.

3. Panlinang na Gawain

a. Talakayin sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mga sagisag ng Pilipinas:

Page 161: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

161

i. watawat ii. Lupang Hinirang iii. wikang Filipino iv. nara v. Jose Rizal vi. bahay kubo vii. sampaguita viii. mangga ix. anahaw x. kalabaw xi. agila xii. bangus xiii. baro at saya xiv. arnis xv. cariñosa xvi. litson

b. Tanungin ang mga mag-aaral kung bakit napili ang mga ito bilang mga sagisag ng bansa.

4. Pangwakas na Gawain

Magsagawa ng isang gallery walk. Isulat sa maliit na papel kung sino o ano ang nais ng mga mag-aaral na maging karagdagang sagisag ng ating bansa.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Iproseso ang ginawang pangwakas na gawain. Ibahagi ang mga magagandang

Page 162: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

162

sagot ng mga mag-aaral ukol sa karagdagang simbolo na maaaring maidagdag sa listahan. Tanungin ang mga mag-aaral kung bakit ito ang kanilang napili.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Alam mo ba?” sa p. 378.

3. Panlinang na Gawain

a. Magpasagawa sa klase ng pagsasatao o role playing. Hatiin sila sa limang pangkat at pagkatapos ay pabigyan sa kanila ng interpretasyon ang mga karapatang dapat matamasa ng isang tao na may kinalaman sa kultura.

b. Bigyan ang mga mag-aaral ng ilang minuto upang makapaghanda at pagkatapos ay isagawa ang presentasyon ng bawat pangkat.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod at ipaalaala sa mga mag-aaral ang mahahalagang mga gawain upang mapanatiling napangangalagaan ang karapatang kultural ng mga mamamayang Pilipino.

Page 163: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

163

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Tuklasin Mo” sa pp. 387–388.

2. Talasalitaan

Ipaalaala sa klase na bahagi ng tungkulin ng mga mamamayan ang pangalaagaan ang ating kultura. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano-ano sa mga makabagong salita na ginagamit nila sa kasalukuyan ang hindi na dapat ginagamit upang mapanatili na magandang pakinggan ang ating wika.

3. Panlinang na Gawain

Pagawain ang mga mag-aaral ng isang poster na nagbibigay ng paalala kung paano maaalagaan nating mga Pilipino ang ating kultura. Bigyan ang klase ng ilang minuto upang gawin ang pagsasanay.

4. Pangwakas na Gawain

Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang poster sa klase.

Page 164: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

164

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa p. 389. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo sa p. 390.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 377)

1. karapatang mabuhay2. karapatang makapagpahayag ng damdamin

Pagtataya

A. (p. 389)

1. karapatan sa edukasyon 2. karapatang makilahaok at makisaya 3. karapatan sa relihiyon

B. (p. 389)

1. 4. 2. 5. 3.

Page 165: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

165

Aralin 5 – Tungkulin at Pananagutan ng Mamamayan sa Kulturang Pilipino

I. Layunin

1. Naipaliliwanang ang iba’t ibang mga tungkulin at pananagutan ng mga Pilipino sa kanilang sariling kultura;

2. Nakagagawa ng isang patalastas ang mga mag-aaral upang maipakilala ang kulturang Pilipino sa mga dayuhan; at

3. Napahahalagahan ang pagiging malikhain ng mga Pilipino.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang bawat mamamayang Pilipino ay dapat na makibahagi sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino. Ang ipagmalaki ang pagiging isang Pilipino, pag-aaral nang mabuti, at paglinang ng sariling kakayahan at kagalingan ay ilan lamang sa maaaring gawin ng isang tao upang makatulong sa hangaring ito.

B. Paksang-aralin

Tungkulin at Pananagutan ng Mamamayan sa Kulturang Pilipino

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 391–400

Page 166: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

166

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 391–392. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

Ipakilala sa mga mag-aaral ang Pilipino Muna, isang programa na ipinatupad noong panahon ni Pangulong Carlos P. Garcia na nagbibigay proteksiyon sa mga lokal na produkto ng bansa na noon ay natatalo na ng mga produktong inangkat sa ibang bansa. Magsagawa ng larong dugtungan kung saan ay magbabahagi ng opinyon ang mga mag-aaral kung bakit mahalaga na suportahan ang sariling produkto.

3. Panlinang na Gawain

Talakayin sa mga mag-aaral ang ilan sa mahahalagang ambag ng mga naging pangulo ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng kultura ng Pilipinas.

Page 167: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

167

4. Pangwakas na Gawain

Gamit ang Venn diagram ay pagkumparahin ang dalawang dating pangulo ng Pilipinas na sina Garcia at Magsaysay upang matandaan ng mga mag-aaral ang pinakamahalaga nilang naiambag sa pangangalaga sa kulturang Pilipino.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Magpapanood sa mga mag-aaral ng isang patalastas katulad ng sa Mc Donalds at Jollibee na nagpapaalaala sa magagandang katangiang Pilipino na hindi dapat mawala.

2. Talasalitaan

Ipasagot sa mga mag-aaral ang “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 394–395.

3. Panlinang na Gawain

a. Iproseso ang sagot ng mga mag-aaral sa pagsasanay at talakayin kung gaano nga ba kahalaga ang pagsuporta sa ating sariling produkto.

b. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral at pagkatapos ay pagawain sila

Page 168: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

168

ng isang patalastas na magpapakilala ng isang produkto na nagpapakita ng paglinang sa ating kultura.

4. Pangwakas na Gawain

Iproseso ang ginawang presentasyon ng mga mag-aaral.

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Pasagutan sa mga mag-aaral ang “Tuklasin Mo” sa p. 398.

2. Talasalitaan

Ipaunawa ang kahulugan ng salitang pananagutan. Itanong sa mga mag-aaral kung bakit mahalagang mayroong pananagutan ang bawat Pilipino sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino?

3. Panlinang na Gawain

Talakayin sa mga mag-aaral ang ilan sa mga bagay na dapat nilang gawin upang mapayabong ang kulturang Pilipino. Magbigay ng ilang halimbawa upang lalo itong maunawaan ng mga mag-aaral.

Page 169: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

169

4. Pangwakas na Gawain

Magbigay ng maiksing pagbubuod para sa mas malinaw na pagkatuto ng mga mag-aaral.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang pagsasanay sa “Pagtataya” sa p. 399.

6. Takdang-aralin

Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo sa p. 400.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 391)

1. pagsisimba tuwing lingo2. pagmamano3. bayanihan

Page 170: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

170

Aralin 6 – Mga Pilipinong Nagbigay ng Ambag sa Kulturang Pilipino

I. Layunin

1. Natatalakay ang iba’t ibang mga Pilipino na nagbigay ng malaking kontribusyon sa kulturang Pilipino;

2. Nakapagpapakita ng sariling kakayahan upang makasunod sa yapak ng mga natatanging Pilipino; at

3. Nauunawaan ang kahalagahan sa paglinang sa sariling mga kakayahan.

II. Nilalaman

A. Paglalahat

Ang lahat ng Pilipino ay kabahagi ng isang bansa na maunlad at pinipilit maging maunlad sa kabila ng mga pagsubok. Ang masasabing maipagmamalaki ng lahat ay ang kalinangan at kulturang nagpasalin-salin sa iba’t ibang panahon ngunit patuloy na sumalamin sa mga Pilipino.

B. Paksang-aralin

Mga Pilipinong Nagbigay ng Ambag sa Kulturang Pilipino

C. Sanggunian

SIGLO 4 (Batayang Aklat sa Araling Panlipunan), pp. 401–411

Page 171: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

171

III. Mga Gawain

A. Unang Araw

1. Pagganyak

Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Maglaro Tayo!” at “Mag-isip Tayo!” sa pp. 401–402. Tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot.

2. Talasalitaan

a. Ipakilala ang mga salitang: i. manlililok ii. manunulat iii. mang-aawit iv. musikero

b. Samahan ang mga mag-aaral sa silid-aklatan upang masagutan nila ang mga tanong sa “Alam mo ba?” sa pp. 402–403.

3. Panlinang na Gawain

Magkaroon ng pagpapaliwanag ukol sa mga taong nag-ambag sa kulturang Pilipino at kung paanong sa iba’t ibang pamamaraan ay puwedeng magbigay ng tulong upang maalagaan ang ating kultura.

Page 172: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

172

4. Pangwakas na Gawain

Pagawain ng isang exit essay ang mga mag-aaral tungkol sa talentong maaari nilang magamit upang maging isa sa mga natatanging Pilipinong nakapag-ambag sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.

B. Ikalawang Araw

1. Pagganyak

Iproseso ang ginawang pangwakas na gawain. Ibahagi ang mga magagandang sagot ng mga mag-aaral at atasan sila na maghanda ng magandang presentasyon para sa isang talent show.

2. Talasalitaan

Ipasagot ang “Natuklasan mo na ba?” sa pp. 403–405. Iproseso ang mahahalagang sagot at impormasyon ukol dito.

3. Panlinang na Gawain

Isa-isang talakayin sa klase ang mga Pilipinong nagbigay ng ambag sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.

4. Pangwakas na Gawain

Ibuod ang aralin tungkol sa mga Pilipinong nagbigay ng ambag sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino.

Page 173: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

173

C. Ikatlong Araw

1. Pagganyak

Balikan ang mga mahahalagang tao na nagbigay ng ambag sa kulturang Pilipino gamit ang kanilang mga kakayahan.

2. Talasalitaan

Pabalikan sa mga mag-aaral ang kahulugan ng kakayahan at iproseso na dapat sa tamang paraan magamit ang mga kakayahang ipinagkaloob ng Diyos.

3. Panlinang na Gawain

Magbigay ng tuntunin ukol sa pagpapakitang gilas ng mga mag-aaral at ibigay ang batayan ng pagmamarka.

4. Pangwakas na Gawain

Bigyan ng pagbubuod ang buong aralin.

5. Pagtataya

Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga pagsasanay sa “Pagtataya” sa pp. 410–411. Bigyan ng ilang minuto ang mga mag-aaral upang sagutan ang mga pagsasanay.

Page 174: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

174

6. Takdang-aralin Ipagawa ang gawain sa “Gumawa Tayo

sa p. 411 at ang “Markahang Pagsasanay” sa pp. 413–417.

Mga Sagot sa Pagsasanay

Maglaro Tayo! (p. 401)

Pagtataya

A. (p. 410)

1. Jose Rizal 2. Eduardo Castrillo 3. Guillermo Tolentino 4. Jessica Sanchez 5. Lea Salonga

Page 175: UNANG MARKAHAN ANG AKING BANSA Pangunahing Pang …

175

Markahang Pagsasanay

A. (pp. 413–414)

1. c 2. c 3. c 4. a 5. a 6. c 7. b 8. a 9. b 10. b