13

TATA SELO - Pagsusuri

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: TATA SELO - Pagsusuri
Page 2: TATA SELO - Pagsusuri

PANIMULA

Naranasan mo na bang maagawan ng isang bagay na napakahalaga sa iyo? Hindi ba’t gusto mo itong bawiin dahil kailangan mo ito? Pero paano kung sadyang ipinagkakait ito sa iyo? Anong gagawin mo kung lahat na ng paraan ay ginawa mo na pero wala pa ring nangyari? Ipaglalaban mo pa ba ang dapat ay nasa sa iyo o susuko na lamang dahil alam mo nang wala kang magagawa?

Lahat ng mga tanong na ito ay may kinalaman sa ating maikling kwentong isinulat ni Rogelio Sikat na may pamagat ng “Tata Selo”. Ito ay isang kwento na tumatalakay sa isang magsasaka nagngangalang Tata Selo, na pinagkaitan ng karapatan na magsaka sa lupang sinasabi nyang pag-aari niya noon. Nagpaliwanag siya sa Kabesang Tano para hindi siya paalisin sa sakahang iyon ngunit hindi siya pinakinggan. Hindi na nakuha ng magsasaka ang lupang ito kaya ginusto na lamang niya itong siya ang magsaka nito kahit na hindi niya ito pag-aari ngunit wala pa ring nangyari sa pakiusap niya kay Kabesang Tano kaya tinaga niya ang Kabesa.

Matutukoy sa kwentong ito ang higit pang karimarimarim na katotohanan sa buhay: walang hustisya sa mga anakpawis, malalakas ang maykapangyarihan, at ang mga hikahos ay babawian hanggang sa maging "walang-wala."

TALAMBUHAY NG MAY-AKDA

Rogelio Sikat

Siya ay isinilang sa San Isidro, Nueva Ecija noong 1940. Dito na siya lumaki ngunit nagpaysya siyang lisanin ang San Isidro, Nueva Ecija noong 1950’s para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging campus writer at literary editor ng The Varsitarian, tinuloy niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na pioneers ng Panitikang Pilipino sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga "Western Writers".

Page 3: TATA SELO - Pagsusuri

Ang mga gawa ni Sikat, na nagpabangon sa nakagawiang literatura natin at nagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na Liwayway. Nakakuha siya ng parangal sa Palanca awards noong 1962, at noong 1965 lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto , sumunod sa mga magagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya sa literary history bilang fictionist, playwright at professor, at ang pagiging dean sa University of the Philippines Diliman.

"Impeng Negro" at "Tata Selo", parehong gawa ni Sikat na isinadula sa isang pelikula, ay ilan lamang sa mga ginawa ni Sikat. Ang iba pa niyang mga gawa ay: Dugo sa Bukang-Liwayway , Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , at ang dula "Moses, Moses".

Marami nang mga parangal ang kaniyang natanggap ngunit mas nakilala siya sa kaniyang akdang “Impeng Negro”, na nanalo sa kategoryang maikling kwento sa Gawad Carlos Palanca noong 1962. Marmain sa kaniyang pinakamagagandang kwento ay unang lumabas sa Liwayway. Si Lilia Quindoza-Santiago, na isang primyadong manunulat, ay humanga sa mga akda ni Sikat.

Si Sikat ay isang propesor at dekano sa College of Arts and Letters, sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman magmula 1991 hanggang 1994. Ang isang propesor sa U.P. College of Mass Communication na si Angelito Tiongson ay gumawa ng isang pelikulang hango sa akda ni Sikat na Tata Selo at pinamagatan itong Isang Munting Lupa. Si Auraeus Solito naman ay gumawa rin ng isang pelikula at hango naman ito sa akdang Impeng Negro noong 1999. Namatay si Sikat noong 1997, pero pinarangalan siya sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng National Book Award noong sumunod na taon para sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J. Pomeroy na pinamagatang: "Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas."

BUOD

Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo. Ito ay sa kadahilanang napatay ni Tata Selo si Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni niya. Madaming tao ang halos nagsisiksikan, nagtutulakan at naggigitgitan para lamang makita si Tata Selo ngunit hindi sila pinapapasok ng mga pulis sa tanggapan.

Page 4: TATA SELO - Pagsusuri

Halos lahat ng mga tao doon ay hindi makapaniwala na nagawa iyon ni Tata Selo kay Kabesang Tano.

Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi ito. Pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa, paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa alkalde at maging sa hepe ng pulis na pawang mga kakilala ng Kabesa. Ngunit lahat sila ay hindi nakinig sa paliwanag ni Tata Selo. Hindi daw sapat na dahilan iyon para tagain ni Tata Selo ang Kabesa pro patuloy pa rin ang matanda sa pagpapaliwanag na kanila ang lupang iyon at sinasabi pa niya na malakas pa siya kaya hindi siya dapat paalisin doon. Sa pagpapaliwanag nito ni Tata Selo, pinagmalupitan siya nh hepe ng pulis. Sinapok at sinukmuraan niya ang kaawa-awang matanda. Sa pagkakasuntok ng hepe sa sikmura nito ay kitang-kita na ang nkakaawang kalagayan nito.

Kinabukasan, sinabi ng alkalde kay Tata Selo na siya ay dadalhin sa kabisera at doon siya ikukulong. Dagdag pa nito ay habambuhay na pagkakulong ang ibibigay na parusa sa kanya. Ngunit sagot ni Tata Selo ay patayin na lamang daw agad siya. Sa araw ding ito ay dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa. Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa. Ngunit pinatawag si Saling nang alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito. Dumating din noong araw na iyon ang bata, anak ng magsasaka na dumalaw sa kanya kahapon at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde at yayain umiwi si Saling. Subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata. Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".

Page 5: TATA SELO - Pagsusuri

BANGHAY

SIMULA

Sa pagtaas ng araw, kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano ni Tata Selo.

Madaming tao ang nagkakagulo para lamang makalapit sa istaked. Hindi makapaniwala ang lahat sa nagawa

Patindi nang patinding kawilihan

Dumating ang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque at nagpaliwanag si Tata Selo sa binata na inaagaw ang kanyang saka at wala iyon

lamang ang bumubuhay sa kanila. Dagdag pa nito ay kanila daw ang lupang ito, kung hindi man niya ito mabawi, gusto ng

matanda na siya na lamang ang

Kasukdulan - Dumating ang alkalde kasama ang hepe at pinasiya nito na mag-usap sila ni Tata Selo sa tanggapang ito. Tinungkod daw ng tinungkod ng kabesa si Tata Selo

habang nagmamakaawa kaya biglang nataga ng matanda ang si Kabesang Tano. Sinabi pa ng matanda na malakas pa siya at kaya pa niyan magsaka kaya hindi siya dapat paalisin sa bukid. Ngunit hindi pinansin ng alkalde ang paliwanag ni Tata Selo. Nang

makaalis ang alkalde, naiwan si Tata Selo sa hepe. Muli ay nagpaliwanag ang matanda ngunit bigla na lamang sinuntok, sinikmuraan at binatukan ng hepe ang matanda. Hindi

Kakalasan

Sa ikalawang araw sa istaked ni Tata Selo, sinabi na ng alkalde na siya ay

dadalhin sa kabesera at doon makukulong nang panghabambuhay. Ngunit sinabi na lamang ni Tata Selo

Wakas

Dumating ang anak nitong si Saling at ang isang bata na

animo’y nagpapalakas ng loob ni Tata Selo, ngunit pinapauwi na lang ni Tata Selo ang dalawa.

Ikaapat na ng hapon at habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay

Page 6: TATA SELO - Pagsusuri

PAGSUSURI

A.Tauhan a. Tata Selo

Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na siyang tumaga at nakapatay kay Kabesang Tano sa kadahilanang pinapaalis na siya sa sakahan nito.

Si Tata Selo ay nakahawak ng mahigpit sa rehas ng istaked at parang nakatingin palagi ito sa malayo sa simula pa lamang ng kwento. Ang mga mata ng matanda ay may kaunting luha na nakasilid sa mga mata nito. Batay dito, nakikita ko na si Tata Selo ay medyo palaban kahit sa ganoong kalagayan at naniniwala siya na may katwiran siya para gawin ang pagtaga sa kabesa.

Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Ipinakita lamang ni Rogelio Sikat ang katuyuan ng matanda sa buhay. Kitang kita ang hirap na pamumuhay ng matanda sa kwento bilang magsasaka. Kaya nga nang siya ay pinapaalis na ni Kabesang Tano sa sakahan nito ay nagmakaawa ito dahil ito lamang ang kanyang ikinabubuhay. Sinabi din sa kwento na ang lupang iyon ay pagmamay-ari dati nina Tata Selo ngunit naisangla lamang ito at hindi na nabawi. Sa panganagtwiran ni Tata Selo na paalisin siya sa bukid, nakikita ko ang pagpupursigi ng matanda na sakahin ang lupang dating pagmamay-ari nila. Labis na pinapahalagahan ni Tata Selo ang lupang iyon kaya naman gusto niya na siya na lamang ang magsaka doon.

Sa pagbasa ng kwentong ito, nakita ko naman na iginagalang ni Tata Selo ang kabesa. Mahinahon ang bawat pahayag ni Tata Selo habang nagmamakaawa ito na siyang magsaka sa bukid. Ngunit tinungkod siya ng kabesa nang paulit. Galit ang namayani sa matanda kaya nagawa nitong tagain ang kabesa.

Page 7: TATA SELO - Pagsusuri

At habang siya ay nagpapaliwanag sa binatang anak ng isang prominenteng pamilya at sa alkalde, kitang kita na ang katauhan ni Tata Selo bilang palaban at gusto niyang ipaglaban kung ano ang nasa sa loob niya. Subalit, kahit na patuloy niyang ipinapaliwanag ang kanyang saloobin ay patuloy pa rin ipinapakita ng matanda ang paggalang sa mga opisyal ng pamahalaan at pati na din sa mga taong nakatataas sa kanya.

Ngunit sa pagtakbo ng kwento ay unti-unting pinanghinaan ng loob si Tata Selo dahil sa nagawang kasalanan. May katwiran man ang kanyang dahilan, hindi pa rin ito tama at wala na siyang magagawa para mabawi ang isang bagay na nawala sa kanya.

b. Kabesang Tano

Siya ang may-ari ng lupang sinasaka ni Tata Selo. Pero isang araw ay sinabihan na lang niya ang matanda na umalis na ito sapagkat may iba nang magsasaka dito. Hindi nya inisip ang mararamdaman ng isang masipag na magsasaka sa ginawa niyang desisyon. Nagawa pa nitong pagpapaluin ng tungkod ang matanda nang ito ay nagmamakaawa na huwag paalisin sa bukid. Ngunit dahil sa pagiging gahaman at malupit ng kabesa, nataga at napatay siya ni Tata Selo.

c. Alkakde

Siya ang alkalde ng bayan ng San Roque na isa sa kumausap kay Tata Selo tungkol sa pagtaga ng matanda kay Kabesang Tano. Sa mga pahayag ng alkalde habang tinatanong si Tata Selo, napansin ko ang pagiging arogante at ang pagiging mapagmataas nito. Kahit na siya ang mayor sa bayang iyon, nakalimutan niya na mas matanda sa kanya ang kausap niya. Nawawalan siya ng paggalang sa matanda. Ngunit, bilang isang opisyal ng pamahalaan, hindi siya nawawalan ng oras para sa mga kaso at krimen na nangyayari sa kanyang nasasakupan.

Page 8: TATA SELO - Pagsusuri

d. Hepe

Siya ang kasama ng alkalde noong kinausap nila si Tata Selo tungkol sa kaso nitong pagtaga kay Kabesanmg Tano. Sa aking pagsusuri, mayabang at mapagmataas siya. Kinakawawa niya si Tata Selo. Wala din siyang galang sa matanda. Alam na naman niyang matanda at mahina na si Tata Selo ay nagawa pa din niya itong suntukin at sikmuraan. Kitang kita sa pagkakalad ng kwento na ginagamit ng hepe ang kanyang kapangyarihan sa maling paraan.

e. Isang Bata

Kahit na hindi siya gumanap ng isang mahalagang tauhan sa kwento, makikita sa batang ito ang pagkakaroon nga pag-asa sa kabila ng mga pagsubok na dumarating. Sa murang edad ay naiintindihan nya ang kalagayan ni Tata Selo. At kahit na hindi niya lubusang kakilala ang matanda, parang pinapagaan niya ang loob nito. A napansin ko ito sa pahuling bahagi ng kwento habang niyayaya na nyang umuwi si Tata Selo ngayong ayos na din ang kalagayan ng kanyang anak. Kahit na hindi siya pinapansin ng matanda ay patuloy pa rin ito sa pagyayaya nito pauwi.

f. Saling

Siya ang nag-iisang anak ni Tata Selo na namamasukan bilang isang katulong sa bahay ni Kabesang Tano. Kahit na hindi siya nakapunta sa mismong araw ng pag-aresto kay Tata Selo, ay ramdam na ramdam sa kwento ang pananabik na makita niya ang kanyang ama. Ang mga mahigpit na yakap ni Saling sa kanyang ama ay nagpapakita ng pagmamahal para sa ama.

B.Tagpuan

Sa simula pa lamang ng kwento ay nakakulong na agad si Tata Selo dahil sa nagawang kasalanan. Ang istaked na ito ay maliit at maalikabok habang sinasaraduhan ng mga rehas na bakal. Ang tagpuang ito ay kakikitaan ng lugar na kalalagyan ng

Page 9: TATA SELO - Pagsusuri

taong nagkakasala. Sa istaked namamayani ang labis na pagkalugmok ng pangunahing tauhan sa kasalanang ginawa. Matindi ang init ng araw sa kwento, nagpapakita lamang ito ng palabang pagkatao ni Tata Selo sa kwento.

Samantalang ang malinis at makitab na opisina ng alkalde ay nagpapakita ng isang lugar para sa isang taong hindi nakakaranas ng matinding hirap at puro pagpapasarap lamang ang ginagawa. Ang tahimik na paligid sa opsina habang kausap ng alkalde si Tata Selo ay nagpapahiwatig ng kapangyarihan ng alkalde sa lugar na yoon.

C.TunggalianTAO LABAN SA KAPWA

Sa kwentong ito, nakikipagtunggali ang pangunahing tauhan na si Tata Selo sa ibang taong nakapaligid sa kanya upang maipagtanggol niya ang kanyang sarili sa kasong kanyang kinakaharap ukol sa pagtaga at hindi sinasadyang pagkamatay ni Kabesang Tano. Sa simula pa lamang ng kwento ay nakita na agad ang tunggaliang kakaharapin ng pangunahing tauhan sa kwento. Nbagpaliwanag ng maayos si Tata Selo sa mga nagtatanong kung ano ang unay na nangyari. Nailabas nya ng maayos lahat ng gusto niyang sabihin ngunit walang katiyakan kung magwawagi siya sa pakikipagtunggali laban sa ibang tao na nakapaligid sa kanya.

D.Uri ng Kwento

PANGKATAUHAN

Sa ganitong uri ng mailing kwento, ang pinakamahalaga sa katha ay ang tauhan. Sa kwentong ito, makikita natin matinding paniniwala ni Tata Selo na may katwiran ang kanyang ginawa. Masipag at mapagpahalaga sa kanyang trabaho si Tata Selo ngunit dahil sa pinapaalis na siya ni Kabesang Tano sa bukid. Kasabay ng paulit-ulit na pagtungkod sa kanya ng kabesa,

Page 10: TATA SELO - Pagsusuri

nangibabaw ang galit sa kanya na naging dahilan ng pagkakataga niya sa kabesa. ang ipinakitang katangian ni Tata Selo ay nagpapahayag ng normal na damdamin nag isang tao – ang galit na nararamdaman sa oras na maagaw sa kanya ang isang bagay na labis niyang pinapahalagahan. Ngunit ang unti-unting pagsuko ng katauhan ni Tata Selo sa pagwawakas ng kwento ang nagpapakita ng kanyang kahinaan at kawalan ng pag-asa.

Sa ibang tauhan naman, tulad ng binatang anak ng prominenteng pamilya, alkalde at hepe, lahat sila ay nagpapakita ng mataas na pagtingin nila sa kanilang sarili na sumasalalim sa mga ibang mayayaman at kawani ng pamahalaan sa kasalukuyang panahon.

E. Kakintalan a. Bisa sa Isip -

Ang kwentong ito ang nagmulat at nagpa-isip sa akin kung gaano kahirap para sa isang magsasaka ang mawalan ng trabaho lalo’t pagsasaka lamang ang kanyang ikinabubuhay. Kaya nga’t ang trabaho ay isang bagay na hindi talaga dapat ipagkait o mawala sa atin dahil ito ang tanging bagay na siyang magpapasya sa kung anong uri ng buhay ang ating mararanasan.

b. Bisa sa Damdamin -

Sa pagbabasa ng kwentong ito, naghalo-halo ang kalungkutan, galit, at paghihirap ng tauhan sa kanyang kalagayan. Nakaramdam ako nga awa para kay Tata Selo dahil sa siya na nga ang nagpapakahirap magtrabaho sa kabila ng katandaan niya, ay siya pa din ang pagkakaitan ng trabaho at basta na lamang papaalisin nga kabesa sa bukid. Naramdaman ko din yaong galit na naramdaman para sa kabesa dahil sa hindi makatarungang desisyon nitong paalisin ang isang masipag na magsasaka sa kanyang bukid.

Page 11: TATA SELO - Pagsusuri

c. Bisa sa Moral –

May iba’t-ibang uri ng tao sa mundo. May mga taong may posisyon sa lipuan ngunit mali ang paggamit sa kanilang kapangyarihan. May mga tao din namang mahihina na siyang inaapi-api lamang ng may mga maykapangyarihan. Ang mga mahihina, mahihirap at mga hikahos ay babawian hanggang sa maging “walang-wala”.

F. Sanggunianhttp://jhenpitz.multiply.com/http://en.wikipedia.org/wiki/Rogelio_R._Sikathttp://panitikan.com.ph/authors/s/rsicat.htmhttp://khuletzslapshock31.blogspot.com/2008/09/tata-selo-ni-rogelio-sikat.htmlhttp://kingedrah.blogspot.com/2009/03/tata-selo.html