13
Tarlac College of Agriculture Institute of Education Kontemporaryong Panitikan ng Pilipinas Tula: Pelikula: Ang mga Kagila-gilalas na Mga Munting Tinig Pakikipagsapalaran ni JUAN dela CRUZ ni Jose F. Lacaba ni Gil M. Portes

Pagsusuri sa Tula at Pelikula

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pagsusuri sa Tula at Pelikula (Mga Kagila-gilalas na pakikipagsapalaran ni Juan dela Druz at Mga Munting Tinig)

Citation preview

Page 1: Pagsusuri sa Tula at Pelikula

Tarlac College of AgricultureInstitute of Education

Kontemporaryong Panitikan ng Pilipinas

Tula: Pelikula: Ang mga Kagila-gilalas na Mga Munting Tinig Pakikipagsapalaran ni JUAN dela CRUZ

ni Jose F. Lacaba ni Gil M. Portes

Sinuri ni: Loreto C. Morales BEED IV-A General

Ipinasuri ni: Gng. Cecile L. Lapitan

Page 2: Pagsusuri sa Tula at Pelikula

Guro

BALANGKAS NG PAGSUSURI(Pelikula)

I. Pamagat ng Akda: Mga Munting Tinig

Page 3: Pagsusuri sa Tula at Pelikula

II.May-Akda: Gil M. PortesAng Manunulat at Direktor na si Gil M. Portes ay tanyag sa paggawa ng pelikula at

ang “Mga Munting Tinig” ay pang dalawampu’t lima (25) na sa mga makabuluhang pelikulang kanyang mga naggawa. Ito ay ang opisyal na isinali ng Pilipinas sa Academy Awards at Golden Golbes noong 2003.

Siya ay nag-aral sa Universidad ng Sto. Tomas at nakatanggap n isang degree master sa teatro mula sa Brooklyn Coolege sa New York.

Dahil sa kanyang paggawa ng mga pelikulang tumatalakay sa kontrobersyal na aspeto ng pulitika at iba pang interesanteng paksa kaya siya nakakuha ng ibat-ibang parangal. Ilan sa kanyang mga sikat na gawa ay ang mga sumusunod:• SARANGGOLA, 1999• GATAS… SA DIBDIB NG KAAWAY, 2001• BUKAS MAY PANGARAP, 1994• MARKOVA: COMFORT GAY

At ngayon siya ay sumisikat nanaman sa linya ng pagiging direktor, sabi pa nga ng isang reporter sa Amerika, “His camera catches de Rossi in sparse, beautifully lit images.”

III.Mga Tauhan:

1. Melinda (Alessandra) isang batang guro na pilit hinahanap ang lugar na kanyang kahihimlayan. Pilit na inaabangan ang araw na pakikinggan na siya ng kanyang ina.

2. Mrs. Pantalan (Dexter) Ang Principal o ang Officer-in-Charge ng Mababang Paaralan ng Malawig. May dalawang anak sa Maynila na kanyang pinag-aaral. Nagbebenta ng ice candy sa mga mag-aaral upang magkaroon ng dagdag na kita.

3. Chayong (Gina Alajar) ang ina ni Pilar. Ang may-ari ng tahanang tinitirhan ni Melinda.4. Luz (Amy) ang nanay nina Obet at Popoy. Tanging magulang na naniwala sa kakayahan ng

mga estudyante.5. Popoy (Bryan) kapatid ni Obet. May talentong musical ngunit hindi nakasali sa patimpalak

dahil sa isang masalimuot na pangyayari.6. Obet (Pierro) kapatid ni Popoy. Ayaw maparis sa amang NPA. Naulila sa ama at kapatid

dahil sa isang pangyayari.7. Fe (Irma) isa sa mga guro ng Mababang Paaralan ng Malawig. Nagtuturo ng asignaturang

Ingles. Dumalo ng ibat-ibang pulong upang makatulong sa kanyang pagtuturo subalit walang epekto sa kanya, siya’y nanatiling kulang ang kaalaman.

8. Solita (Malou) isang guro rin sa Mababang Paaralan ng Malawig. Pinaglilinis ng kanyang bahay ang kanyang mga estuduyante.

9. Pilar (Lailani) dating guro ng paaralan subalit tumungong Singapore upang doon mamasukan ngunit nalinlang ng ahensyang kanyang pinasukan. Anak ni Chayong. Kagaya ni Melinda na nagbibigay inspirasyon sa mga bata

Page 4: Pagsusuri sa Tula at Pelikula

IV. Buod/Lagom ng Katha

Mga Pangarap ang iniwang alaala ni Melinda noong araw na linisan niya ang baryo ng Malawig. Nang dumating ang batang guro, ay tumambad sa kanya ang mga lupain na tinatamnan na palay at buko, at mga taong tila wala nang pag-asa sa buhay. Kahirapan ang dahilan kung bakit naging tamad ang mga tao, at tinanggap na lamang ang kanilang kinakaharap na masalimuot na buhay, habang ang ilan naman ay umaakyat sa kabundukan upang ipaglaban ang nais makamit na pagbabago. “Tanging ang mga mayayaman lang ang maaring mangarap, at tayong mahihirap ay hindi.” Mga simpleng salita mula sa isang bata ang nagtulak kay Melinda upang ipaliwanag sa mga mamamayan ng lugar na hindi kahirapan ang dahilan kung bakit lumalabas na biktima ang tao. Ang Pag-asa ay importante at ang bawat pangarap ay maaring abutin. Laban sa hindi pakikinig ng taong – bayan, isinali parin ni Melinda ang mga bata sa isang simpleng patimpalak sa pag-awit. Ang kanilang mga tinig ay tumayo laban sa kadiliman, laban sa kahirapan, kamatayan, at kalungkutan. Ang kanilang awit ang gumising sa maliit na apoy ng pag-asa sa bawat puso ng taong-bayan. Isang pag-asa na nagbigay sa kanila ng lakas upang mangarap, lakas upang ipaglaban ang kanilang mga pangarap. Si Melinda ay lumisang naniniwalang nasa bawat isa ang kapangyarihan upang gumawa ng pagbabago, na nasa atin ang isang tinig ng pag-asa na nag-aantay marinig.

V. Pagsusuri

1. Panahong KinabibilanganAng pelikulang ito ay nabibilang sa mobernong panahon dahil may mga ganitong

pangyayari pa rin ngayon sa ating lipunan.

2. Sariling Puna Ang bawat isa, kahit ang mga bata, mahirap man o mayaman ay may karapatang

mangarap sapagkat ang bawat isa sa atin ay binayayaan ng talino at talentong dapat gamitin. Sa ating lipunan ay karaniwan mo nang makikita ang mga taong nambibiktima ng kapawa nila. Gagawin ang lahat makalamang lang sa iba. Karaniwan mo naring makikita ang mga taong uupo na lang sa isang tabi upang tanggapin ang kanyang kalagayan, hindi man lamang magsusumikap upang abutin ang kanyang mga pangarap dahil sa nawalan na sila ng pag-asa. Ilan lamang ito sa mga katotohanang matutunghayan sa pelikulang “ Mga Munting Tinig.” Kung ang lahat sa atin ay ganito mag-isip at makipagkapwa – tao, anong lipunan ang ating tinitirhan? Sino pa ang maiiwang naniniwala? Sino pa ang maiiwang kikilos para sa isang kaunalaran? Ang pelikulang ito ay kapupulutan niyo ng aral at magbibigay sa inyo ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang buhay ng buo ang loob at nasa tama.

3. Values/Aral na Nakapaloob sa KathaAng Kahirapan ay hindi hadlang sa ating mga pangarap, pangarap na minimithi ng bawat

isa. Ang lahat ay nagtataglay ng biyayang talento na ipinagkaloob ng Maykapal upang gamitin sa tama na ikauunlad ng bawat isa at hindi lamang para sa sariling kapakanan. Dapat nating gamitin ang ating mga munting tinig na sumisigaw ng isang malinis na pagbabago. Ang kaalaman at paniniwala ng kabataan ay hindi maaring ikumpara sa mga matatanda. Dapat ay maging bukas ang ating kaisipan sa lahat ng aspeto ng buhay.

Page 5: Pagsusuri sa Tula at Pelikula

Bawat nilalang, bata, matanda, babae o lalaki ay may paninindigan na dapat marinig ng buong mundo. Walang sinuman ang may karapatang hadlangan makapagpahayag ng kanyang damdamin. Kahit na munti man ang ating tinig kapag pinag-isa ay maaring makapagdulot ng malaking epekto sa lipunan.

4. Mungkahi

Ang pelikulang “Mga Munting Tinig” ay napakaganda. Ang musika, iskrip, mga tauhan, ang pagganap, at ang direksyon ay pawng napakahusay dahil ito’y nabuo ng may masining na kakahayan, ngunit kinalulungkot kong sabihin, na lagi itong nakaliligtaan sa maraming pelikulang Pilipino. Ang mga tunog na ginamit, lalo na ang musical score at ang kanilang tamang punto, ay tama lang dahil nadama ng mga manonood ang mensahe nito. Sa katunayan, pinanood namin ito, siguro dalawang taon pa lang kami sa kolehiyo, talagang nakakaiyak at masasabi kong ito’y isang makabagbag-damdaming pelikula.

Page 6: Pagsusuri sa Tula at Pelikula

Ang mga KAGILA-GILALAS na PAKIKIPAGSAPALARAN ni JUAN dela CRUZ

ni Jose F. Lacaba

Isang gabing madilimpuno ng pangambang sumakay sa bus

si Juan de la Cruzpusturang-pustura

kahit walang laman ang bulsaBAWAL MANIGARILYO BOSS

sabi ng konduktoraat minura

si Juan de la Cruz.

Pusturang-pusturakahit walang laman ang bulsa

nilakad ni Juan de la Cruzang buong Avenida

BAWAL PUMARADAsabi ng kalsada

BAWAL UMIHI DITOsabi ng bakodkaya napagod

si Juan de la Cruz.

Nang abutan ng gutomsi Juan de la Cruz

tumapat sa Ma Mon Lukinamoy ang mami siopao lumpia pansit

hanggang sa mabusog.Nagdaan sa Sine Dalisay

Tinitigan ang retrato ni ChichayPASSES NOT HONORED TODAY

sabi ng takilyeratawa nang tawa.

Dumalaw sa Konggresosi Juan de la Cruz

MAG-INGAT SA ASOsabi ng diputado

Nagtuloy sa Malakanyangwala naming dalang kamanyang

KEEP OFF THE GRASSsabi ng hardinerosabi ng sundalo

kay Juan de la Cruz.

Nang dapuan ng libogsi Juan de la Cruz

namasyal sa Culiculiat nahulog sa pusali

parang espadang bali-baliYOUR CREDIT IS GOOD BUT WE NEED

CASHsabi ng bugaw

sabay higop ng sabaw.

Pusturang-pusturaKahit walang laman ang bulsa

naglibot sa Deweysi Juan de la Cruz

PAN-AM BAYSIDE SAVOY THEY SATISFY

sabi ng neon.Humikab ang dagat na parang leon

masarap sanang tumalon peroBAWAL MAGTAPON NG BASURA

sabi ng alon.

Nagbalik sa Quiaposi Juan de la Cruz

at medyo kinakabahanpumasok sa simbahanIN GOD WE TRUST

sabi ng ObispoALL OTHERS PAY CASH.

Nang wala nang malunoksi Juan de la Cruzdala-dala'y gulok

gula-gulanit na ang damitwala pa ring laman ang bulsa

umakyatsa Arayat

ang namayatna si Juan de la Cruz.

WANTED DEAD OR ALIVEsabi ng PC

at sinisiang walanghiyang kabataan

Page 7: Pagsusuri sa Tula at Pelikula

kung bakit sinulsulan ang isang tahimik na mamamayanna tulad ni Juan de la Cruz

BALANGKAS NG PAGSUSURI(Tula)

I. Pamagat ng Akda: Ang mga KAGILA-GILALAS na PAKIKIPAGSAPALARAN ni JUAN dela CRUZ

Page 8: Pagsusuri sa Tula at Pelikula

II. May-Akda: Jose F. Lacaba Kilala din sa pangalang Pete Lacaba, pinanganak siya sa Cagayan de Oro City noong ika-25 ng Nobyembre 1945. Isa siyang makata at manunulat ng iskrip. Sina Jose M Lacaba Sr. at Fe Flores ang kanyang mga magulang. Napangasawa niya si Marra PL. Lanot, isang makata at mananaysay, kung saan nagbunga ng isang lalaking anak.. Hindi niya natapos ang pagaaral ng Ingles sa Ateneo d Manila University upang magtrabaho bilang isang mamamahayag. Noong 1974 naaresto siya kasama ang mandudulang si Bonifacio Ilagan at maunulat na si Dolores Stephens-Feria. Bago siya palayain noong 1976, napatay ng mga hukbong sandatahan ng gobyerno sa Mindanao ang kapatid niya na si Emmanuel. Naging patnugot siya ng mga magasin na Pilipino Free Press, Asia-Philippines Leader, National Midweek at ang pinakahuli ay ang Pilippine Graphic. Noong 1970 ay naging parte ng mga kilusang estudyante-aktibista si Lacaba para sa Philippine Free Press kung saan nabuo ang ilan sa mga pinakamahusay na sanaysay ukol sa tinatawag na First Quarter Storm. Nang lumaon ay nilikom ang mga ito at ipinalimbag bilang Days of Disquiet, Nights of Rage, noong 1982. Ang unang kalipnan ng kanyang mga tula, Mga Kagilagilalas na Pakikipagapalaran ay nalimbag noong 1970 at sinundan ito ng isa pang kalipunan ng mga tula, Sa Panahon ng Ligalig, na nilimbag noong 1991. Noong 1979 sa pakikipagtulangan niya kay Ricardo Lee ay nabuo nila ang iskrip para sa pelikulang Jaguar ni Lino Brocka. Ang ilan pa sa mga kilalang screenplay na ginawa niya na mayroong kinalaman sa mga ordinaryong tao na biktima ng kahirapan at kawalang-hustisya ay ang mga sumusunod: Angela Markado noong 1980, Sister Stella L. noong 1984, Bayan Ko: Kapit sa Patalim noong 1985 at Orapronobis noong 1989. Nabigyan ng unang gantimpala ang tula ni Lacaba na may titulong sa Panahon ng Ligalig sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1983. Ang awiting Aling Pag-ibig Pa? ay nanalo sa Best Theme Song category ng Catholic Mass Media Awards noong 1984 ay isinulat din ni Jose Lacaba.

III. Mga Tauhan:

1. Juan dela Cruz – pangunahing tauhan sa tula kung saan nilakbay niya ang komplikaadong mundo ng siyudad

2. Konduktora – binawalan niya si Juan na manigarilyo sa loob ng bus at minura niya ito.3. Hardinero at sundalo 4. Bugaw5. Obispo

Page 9: Pagsusuri sa Tula at Pelikula

IV. Buod/Lagom ng KathaSi Juan de la Cruz ay isang ordinaryong Pilipino. Sa tuwing binabanggit ang pangalang ito

ay naiuuganay agad ito sa mga Pilipino dahil matagal na at madalas nang ginagamit ang pangalang ito sa mga tauhang Pilipino. Sa unang saknong ay makikita na isang probinsyano si Juan na lumuwas patungong siyudad. Tulad ng ibang bagong salta sa Maynila ay pumorma syang mabuti kahit mahirap lamang upang maging katulad ng mga mamamayan sa lungsod. Halata rin na bago sa kanya ang pagpunta sa lugar na ito dahil nabanggit na siya'y kinakabahan. Ang mga ginamit na tagpuan sa tula ay mga kilalang lugar sa Maynilatulad ng Avenida at Quiapo. Maraming pook-pasyalan ang kanyang pinuntahan ngunit mapupuna na hindi niya napasok ang mga ito dahil sa kahirapan. Gustuhin man niyang kumain ay wala naman siyang pambili. Tila maramin ring hadlang sa kanyang paglalakabay. Maraming siyang gusting puntahan ngunit lagi na lamang may pumipigil sa kanya at nagbabawal. Sa bandang huli ng tula nasawi rin si Juan sa kanyang pagtungo sa lungsod. Inilarawan siya bilang isang pulubi at wala man lamang makain. Naipakita sa mga huling saknong na nakasama para sa kanya ang paninirahan sa siyudad. Maaring naging maganda na ang simpleng buhay niya sa probinsya kaya't nagsisi siya na mamuhay sa lungsod.

V. Pagsusuri1. Panahong Kinabibilangan

Ang tula ay naisulat noong panahon nang batas militar subalit napapanahon pa rin hanggang ngayon ang mga pangyayari sa tula kaya nabibilang pa rin ito sa modernong panahon

2.Sariling Puna Sa aking palagay, ang tulang ito ay tumutukoy sa isang probinsyanong Pilipino na hinanap

ang kapalaran sa siyudad ngunit nabigo. Tipikal na ang ganitong kwento lalo na dati na limitado pa ang komunikasyon mula sa mga lalawigan at lungsod. Inaakala ng mga taga-probinsya na maganda ang Maynila at maraming trabaho ang naghihintay sa kanila ditto. Inakala nila na ang mga matataas na gusali ay nangangahulugan na maraming oportunidad ang narito. Maaaring nakita nila ito sa kanilang mga sinuwerteng kababayan na matapos magtrabaho sa Maynila ay bigla na lamang yumaman. Kung kaya't ang kanilang simpleng pamumuhay sa probinsya ay inihantulad nila sa kahirapan.

Para sa akin, mas maganda pa rin ang payak na pamumuhay sa probinsya. Doon ay mas tahimik at payapa na mas masarap tirahan kaysa sa siyudad na magulo at komplikado. Ngunit sang-ayon pa rin naman ako sa mga naglalakas-loob na magahanap ng ikabubuhay sa Maynila dahil hangad lamang nilang umunlad.

3. Values/Aral na Nakapaloob sa KathaMaging kuntento kung anong meron sa atin dahil pag kinainggitan natin ang iba, maaaring

tayo’y bumagsak a lalong bababa ang ating antas ng buhay na meron tayo.Hindi ang pagpunta sa siyudad ang solusyon para yumaman kundi nasa atin din kung

tayo’y magsisikap.4. Mungkahi

Ang tula ay isinulat sa kanyang sariling ekspresyon, ginamitan ng mga salitang Ingles pero napaganda naman niya ang tula sa pamamagitan ng paggamit ng mga ito.

Page 10: Pagsusuri sa Tula at Pelikula