19
SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE) 8 Filipino Unang Markahan – Modyul 6 Napauunlad ang Kakayahang Umunawa sa Binasa GLYDELL P. CALAGO MARILOU B. TAPALES A Joint Project of the SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

  • Upload
    others

  • View
    16

  • Download
    2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

SUPPORT MATERIAL FOR INDEPENDENT LEARNING ENGAGEMENT (SMILE)

8 Filipino

Unang Markahan – Modyul 6

Napauunlad ang Kakayahang

Umunawa sa Binasa

GLYDELL P. CALAGO MARILOU B. TAPALES

A Joint Project of the

SCHOOLS DIVISION OF DIPOLOG CITY and the

DIPOLOG CITY GOVERNMENT

Page 2: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

Filipino – Ikawalong Baitang Support Material for Independent Learning Engagement (SMILE) Unang Markahan – Modyul 6: Napapaunlad ang Kakayahang Umunawa sa Binasa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX - Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Telefax: (065) 212-6986

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Glydell P. Calago at Marilou B. Tapales

Editor: Ronna B. Laranjo

Tagasuri: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagalapat: Riela Angela C. Josol, EPS – Filipino

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent

Jay S. Montealto – Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID

Nur N. Hussien – Chief, Education Supervisor SGOD

Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS

Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS

Page 3: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

1

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-

unawa sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon.

Nabubuo ang isang makatotohanang

proyektong panturismo.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)

A. Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

1. Epikong Bantugan Mga Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: MELC

Napauunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)

Inaasahan din na ikaw ay:

a. Nakikilala ang kahulugan ng mga salita ayon sa kasingkahulugan at kasalungat nito. b. Nakapagbibigay ng sariling pananaw hinggil sa kaisipang nahuhubog sa

epiko. c. Nakakabuo ng isang pagsusuri sa nilalaman ng epiko; mga tauhan at mahahalagang pangyayari.

Page 4: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

2

Subukin

PANIMULANG GAWAIN: PAGTATAYA

Paalala: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago sagutan ang bawat

bilang.

Para sa Bilang 1-3.

Panuto: Ibigay ang kasalungat ng mga salitang may diin sa bawat bilang. Isulat ang

inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Umalis si Prinsipe Bantugan dahil naramdaman niya ang pagkamainggitin

ng kanyang kapatid.

a. kontento c. masayahin

b. magagalitin d. seloso

2. Nang malaman ni Haring Miskoyaw ang pagkamatay ni Prinsipe Bantugan.

Agad silang lumusob at nagkaroon ng digmaan.

a. kaguluhan c. pagkakaunawaan

b. kasiyahan d. pagkakaisa

3. Dumating ang mga kawal ni Haring Miskoyaw at sumalakay sa kaharian ng

Bumbaran.

a. umabante c. umuwi

b. umatras d. umalis

Para sa Bilang 4-6.

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may diin sa bawat bilang.

Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

4. Ang naging hari sa kanilang palasyo ay si Madali.

a. bahay c. kaharian

b. hangganan d. tahanan

5. Nabuhay si Prinsipe Bantugan habang siya ay nakaburol. a. namatay c. pagkabuhay b. nalibing d. pinaglamayang patay

6. Nawalan ng lakas si Bantugan at siya ay naging bihag ni Miskoyaw. a. bilanggo c. kriminal b. kalaban d. kasamahan

Para sa Bilang 7-15. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang

titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga

sagot.

7. Anong uri ng akdang pampanitikan na nagsasalaysay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao laban sa mga kaaway na halos hindi kapani paniwala?

a. alamat c. nobela b. epiko d. mitolohiya

Page 5: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

3

8. Sino ang pangunahing tauhan sa Epikong Bantugan? a. Bantugan c. Madali b. Datimbang d. Miskoyaw

9. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan? a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw

araw na pamumuhay. b. Kwentong bayan na maaaring kathang-isip na pumapaksa kung paano

malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay. c. Ito’y pasalindilang tradisyon, tungkol sa pangyayaring supernatural o

kabayanihan ng isang nilalang. d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala sa paglikha sa daigdig at iba pa.

10. Anong katangian ang ipinapakita ni Haring Madali? a. desperado c. makasarili b. magalaitin d. walang pakialam

11. Ano ang pinapakita ni Bantugan?

a. takot sa Hari

b. tunay na gumagalang sa Hari

c. walang kapangyarihan

d. walang pakialam sa mga kanyang responsibilidad

12. Anong bahagi ng banghay matatagpuan ang pangyayaring nasa itaas? a. simula c. wakas

b. gitna d. tauhan

13. Ano ang mahihinuha sa ginawang desisyon ni Prinsesa Datimbang? a. malilituhin

b. maingat sa kanyang pagdedesisyon c. hindi makapagdesisyon sa kanyang sarili d. walang tiwala sa kanyang sarili

14. Sino sa mga tauhan sa Epikong Bantugan ang may taglay na kakisigan at kabaitan?

a. Bantugan c. Miskoyaw b. Datimbang d. Madali

15. Sa anong aklat nagmula ang Epikong Bantugan? a. Darangan c. Iliad at Homer b. Odyssey d. Marangan

Pinagbawalang makipag-usap ni Haring Madali kay Prinsipe Bantugan ang

kanyang mga nasasakupan dahil sa sobrang inggit.

Dahil sa utos ni Haring Madali ay lumayo si Prinsipe Bantugan sa

Kaharian ng Bumbaran.

Nang malamang patay na si Prinsipe Bantugan ay lumipad sa langit si

Haring Madali upang bawiin ang kaluluwa nito.

Nagulumihanan si Prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari

kaya’t nakipagpulong sila sa konseho.

Page 6: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

4

Modyul

6 Napauunlad ang Kakayahang

Umunawa sa Binasa Bantugan (Epiko ng Mindanao)

Ang mga mamamayan sa Mindano ay mayroon ding mayamang panitikan. Nagpapatunay nito ang Katipunan ng aklat na nagtataglay ng Epikong pinamagatang “Darangan” ang mga epikong ito ay binubuo ng 25 na kabanata. Ito ay naglalaman ng kabayanihan, kagitingan at kahanga-hangang gawain ng mga Merañao.

Sa araling ito ay matutunghayan mo ang isa sa tatlong mahalagang akda ng Darangan- ang Bantugan, na orihinal naitala sa wikang Merañao na sinasabing isang wikang Malayo-Polynesian. Ito ay buong tiyagang inilagay sa katitikan ni Dr. Frank Laubach noon lamang 1930 na nagpapasalin-salin lamang sa isip at bibig noon. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag Et. Al, pahina 52

Balikan

Sige nga! Tignan natin kung naalala mo pa ang nakaraang

talakayan sa modyul. Bibigyan kita ng maikling gawain ukol sa sanhi

at bunga. Handa ka na ba?

Gawain A: IBA-BALITA MO!

Manood o makinig ng isang balita ng iba’t ibang balita (video clip) at

magbigay ng mga pangyayari mula dito. Magtala ng isang pangyayari at

isulat ang mga sanhi at bunga nito.

Sagot:

Page 7: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

5

Gawain A: ANG PABORITO KONG SUPERHERO! Panuto: Alam kong mayroon ka ring paboritong superhero na iyong sinusubaybayan. Ngayon gamit ang grapikong nasa ibaba nais kong isulat mo sa sagutang papel ang iyong napiling superhero. At ang dahilan kong bakit ito ang napili mo. Handa ka na bang ipagmayabang ang iyong superhero?

Gawain B: KAPE-REHAS TAYO!

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang magkapares na salita sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

1. sigaw a. kalapit

2. pinakamagaling b. kasiyahan

3. natamo c. nagkakagusto

4.protesta d. nobya

5. matapang e. hiyaw

6. bitak f. pinakamahusay

7. nahuhumaling g. nakuha

8. nagdiwang h. alyansa

9. karatig i. magiting

10. katipan j. lamat

k. bukambibig

Tuklasin

https://www.canva.com/design/DAECm6S9ivA/QWa8Y4KBTdP_fk43HLqTqw/view?utm_content=DAECm6S9ivA&

utm_campaign=designshare&utm_medium=link&utm_source=publishsharelink

Page 8: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

6

Ngayon basahin mo nang tahimik at isapuso ang mensaheng nais ipabatid ng

Epikong si Bantugan. Simulan na ang pagbasa at higit sa lahat huwag kalimutan

ang mga hakbang sa pagbasa ng tahimik. Maligayang paglalakbay ng iyong isipan!

Bantugan (Buod ng Epiko)

May isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang

anak na lalaki. Ang nakakatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si

Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng

magagandang katangiang higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe

Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan

ay napakatalino. Mabilis siyang matuto kahit sa paggamit ng espada at palaso.

Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-

manong labanan.

Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang

mapatay niya mag-isa ang isang malaking buwayang pumatay sa ilang taong bayan.

Hindi makapaniwala ang mga taong bayan sa kanilang Nakita pagkatapos ng

pagtutuos.

“Napakalakas niya!” ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang

patay na buwaya.

Paano na kaya ng isang taong ganito kabata na patayin ang buwaya?

“Sinasapian siguro siya ng mga Diyos!” sabi naman ng isa.

“Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay sa halimaw!” sabi ng

pinuno ng bayan.

Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging

pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga

sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang

kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit

na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kahariang nangahas kumalaban sa kanila.

Kapayapaan at pag-unlad ang naghari sa kaharian dahil sa natamo nilang respeto

at pagkilala ng mga kalapit na kaharian.

Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakakatandang kapatid na si

Prinsipe Madali ang hihirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga nasa

ranggo. Nais nilang si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari kahit ang mga

ordinaryong mamamayan ay nagsasabing si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-

dapat maging hari sa dalawang Prinsipe.

“Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas. Kaya niya tayong protektahan

laban sa mga kaaway!” sabi ng isang matanda sa pamilihan.

Page 9: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

7

“Sang-ayon ako sa’yo!” sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni

Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapat-dapat na

tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa.

Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.

“Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-

aralan na niya kung paano magpatakbo ng gobyerno,” sabi niya sa kapwa niya

sundalo at mga ministro sa kaharian. “Alam niya kung paano ang pamamalakad sa

ugnayang panlabas. At marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang

buhay ng bawat mamamayan!”

Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng

isang bitak sa pagitan nina Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si

Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at malakas siya rin ay napakakisig.

Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang

mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na Prinsipe na si Madali ay sumuko sa

kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit nagpahayag ang hari ng kautusan. “Hindi

ko gusto na nakikipag-usap ang na kahit sino sa aking kapatid na si Prinsipe

Bantugan. Sino man ang makitang nakikipag-usap sa kanya ay ipakukulong o kaya

ay paparusahan nang malubha.”

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya

ang sariling parang may nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit

ang mga kababaihan. Kahit ang taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap

sa kanya sa takot na baka makulong at maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya

matagalan ang mga ito, nagpasya ang Prinsipeng lisanin ang kaharian.

Sa kanyang paglalakbay ay nagkaroon siya ng matinding sakit at inabot siya

ng kamatayan sa pintuan ng kaharian ng Lupaing Nasa Pagitan Ng Dalawang Dagat.

Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsisa Datimbang ay naguluhan. Hindi nila

kilala si Bantugan. Tumawag sila ng tulong ng mga tagapayo.

Habang pinapagpupulungan ng konseho ng hari kung ano ang kanilang

gagawin, isang loro ang biglang pumasok sa bulwagan at nagsabing ang nakaburol

ay si Prinsipe Bantugan, ang magbunyi at balitang Prinsipe ng Bumbaran.

Pagkatapos ibalita ng loro ang tungkol kay Prinsipe Bantugan, bumalik naman siya

sa Bumbaran upang ibalita kay Haring Madali, ang kanyang kapatid, ang

pagkamatay ni Prinsipe Bantugan. Nang malaman ni Haring Madali ang nangyari

kay Prinsipe Bantugan ay nanaig ang pagmamahal niya rito at naalis ang kinimkim

niyang inggit sa kapatid. Agad na lumipad sa langit ang hari kasama ang isang

kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Samantala’y ang

bangkay ni Bantugan ay dinala naman ni Prinsesa Datimbang sa Bumbaran.

Pagbalik ni Haring Madali ay pilit na isinauli ang kaluluwa ni Bantugan sa kanyang

katawan at muling nabuhay si Prinsipe Bantugan. Nagdiwang ang lahat at bumalik

ang dating mabuting pagtitinginan ng magkapatid.

Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, ang dating kaaway ni Haring Madali

na si Bantugan ay namatay ay dagli silang nagdala ng maraming kawal na

sandatahan upang salakayin ang Bumbaran. Nang sumalakay sina Haring

Miskoyaw ay kasalukuyang nagdiriwang ang lahat dahil sa pagkabuhay ni Prinsipe

Bantugan.

Page 10: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

8

Hindi alam ni Miskoyaw na nabuhay na muli si Bantugan kaya nagkaroon ng

pagdiriwang. Natigil ang pagdiriwang at ang dalawang kaharian ay naglaban.

Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at sa pamamagitan ng kanyang kampilan

ay pumatay ng maraming kaaway. Buong tapang na lumaban si Prinsipe Bantugan

ngunit nanghihina pa siya dahil kagagaling lang niya sa kamatayan, kaya siya ay

nabihag. Iginapos siya ngunit nang manumbalik ang kanyang lakas, nilagot niya

ang gapos at siya’y nakawala. Buong bangis siyang nakipaglaban hanggang sa

mapuksa ang mga kaaway.

Pagkatapos niyang magtagumpay sa labanang ito ay dinalaw lahat ni Prinsipe

Bantugan ang mga kahariang karatig ng Bumbaran at pinakasalan ang lahat ng

Prinsesang kanyang katipan at umuwi sila sa Bumbaran. Buong galak siyang

sinalubong ni Haring Madali at nag-utos ng panibagong pagdiriwang. Ang buhay ni

Prinsipe Bantugan ay naging maligaya hanggang sa mga huling sandal.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Gawain B: PINOY HENYO! Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba sa iyong sagutang papel. 1. Sino sino ang mga pangunahing tauhan sa akda? Paghambingin ang katangian ng dalawang magkapatid? Sagot:_________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 2. Bakit lumisan si Prinsipe Bantugan sa kanilang kaharian? Sagot:______________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ 3. Kung tuluyang namatay si Prinsipe Bantugan, sa tingin mo ano kaya ang mangyayari sa kanilang kaharian?

Sagot:___________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________ 4. Bakit binalikan ni Haring Madali si Prinsipe Bantugan ng malaman niyang ito ay nabuhay? Sagot:_________________________________________________________________________ _______________________________________________________________________________ 5. Sa paanong paraan naipapakita sa akda ang inggit o selos sa isang relasyon? Sagot:_________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________

Page 11: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

9

Gawain C: KOMIKS-APAN Panuto: Pumili ng isang pangyayari sa Epiko na iyong nagustuhan at bumuo ng isang usapang napapaloob ang inyong sariling pananaw sa napiling pangyayari. Gamitin ang komik strip sa ibaba.

https://www.canva.com/design/DAECm00ISLA/tef3xrBpzy12lwjZ_u6ZGQ/view?utm_cont

ent=DAECm00ISLA&utm_campaign=designshare&utm_medium=link&utm_source=publish

sharelink

Suriin

Sa bahaging ito ng modyul, ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang

tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin.

Page 12: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

10

Magaling at palakpakan ang sarili sa ginawang pagpili sa iyong paboritong

supehero. Alam mo ba na may kaugnayan ito sa modyul na iyong babasahin.

Tungkol sa mga kababalaghan at kapangyarihan ng isang tao. Upang mas lubusan

mong maintindihan kung ano ito. Basahin ng tahimik ang “Alamin Mo”

Alamin Mo!

E P I K O Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan

at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay pawang kababalaghan at di-kapani-paniwala. Isang kuwento ito na punong-puno ng kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay na anyong patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at mithiin ng mga tauhan. Ang haba ng mga epiko ay mula sa 1000 hanggang 5000 na linya kaya’t ang pagtatanghal sa mga ito ay maaring abutin ng ilang oras o araw. Karamihan sa mga rehiyon sa bansa ay may maipagmamalaking epiko.

Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang mga epiko. Bukod sa nagiging aliwan ito, ito rin ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at pangkultura. Kadalasan ang mga epiko ay sumasalamin sa mga ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang maitanim at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.

MAHAHALAGANG ELEMENTO NG EPIKO

Ang epiko ay ginagamitan ng matalinghangang salita o idyoma. Ang mga ito

ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga idyoma.

Ang epiko bilang tulang pasalaysay ay kakikitaan din ng pagkakaugnay-

ugnay ng pangyayari. Ito ay ang banghay. Maari itong payak o komplikado. Makikita rin na maraming mga pangyayari sa epiko ang hindi kapani-paniwala o hindi makatotohanan.

Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa

paksa, sa banghay, at sa tauhan.

Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Page 13: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

11

Pagyamanin

Gawain A: Kilalanin Mo Ko! Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, suriin ang mga tauhan sa binasang epikong

Bantugan.

Pangalan ng Tauhan Paglalarawan sa

Tauhan

Ginawa ng tauhan

Prinsipe Bantugan

Haring Madali

Prinsesa Datimbang

Haring Miskoyaw

Gawain B: E-PICK-KO Panuto: Magsaliksik ng mga halimbawa ng mga epiko. Pumili at isulat ang pamagat nito sa tsart sa ibaba.

•_____________

•_____________

•_____________Luzon

•____________

•____________

•____________Visayas

•____________

•____________

•____________Mindanao

Page 14: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

12

Isaisip

Panuto: Itala ang mga kapanipani-wala at di kapanipaniwalang mga pangyayari dito. Isulat sa T-chart ang inyong kasagutan. 1.

2. Kung ikaw ay magiging isang tauhan sa epiko, ano ang pipiliin mong kapangyarihan at bakit? Sagot:____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain A: STORY FRAME

Panuto: Sa pamamagitan ng story frame, ibuod ang napanood/nabasa mong epiko.

Suriin ang epiko batay sa hinihingi sa kahon.

Kapanipaniwala Di-kapanipaniwala

TAUHAN

TAGPUAN

SIMULA GITNA WAKAS

Page 15: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

13

Mga

Krayterya

1 2 3 4

Organisasyon Hindi maayos

ang

organisasyon ng

mga ideya

May lohikal na

organisasyon

ngunit hindi

masyadong

mabisa

Maayos ang

organisasyon,

pagkabuo ng

talata

Mahusay ang

pagkakasunod-

sunod ng mga

ideya sa kabuuan

ng talata

Lalim ng

Refleksyon

Napakababaw na

walang pag-

uugnay ang dati

at bagong

kaalaman

Mababaw at

hindi gaanong

nakikita ang

pag-uugnayan

ng dati sa

bagong

kaalaman

Malalim na

nakikita ang

pag-uugnayan

ng dati sa

bagong

kaalaman

Napakalalim na

nakikita ang pag-

uugnayan ng

dating kaalaman

at karanasan sa

bagong

kaalaman

Paggamit ng

wika at

mekaniks

Kailangang

baguhin dahil

halos lahat ng

pangungusap ay

may mali sa

gramar,baybay

at gamit ng

bantas

Mga kahinaan

dahil maraming

mali sa

gramar,baybay

at gamit ng

bantas

Mahusay dahil

kakaunti

lamang ang

mali sa gramar,

baybay at

gamit ng

bantas

Napakahusay

dahil walang mali

sa gramar,

baybay at gamit

ng bantas may

mayamang

bokabularyo

Presentasyon Mahirap basahin

dahil sa hindi

maayos at

malinis na

pagkakasulat

May kahirapang

unawain ang

pagkakasulat at

ng pangungusap

Malinis ngunit

hindi lahat ay

maayos ang

pagkakasulat

at ang mga

pangungusap

Malinis at

maayos ang

pagkakasulat ng

talata

https://www.slideshare.net/olhen/pagtataya-ng-natutuhan-araling-panlipunan

Tayahin

Paalala: Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago sagutan ang bawat

bilang.

Para sa Bilang 1-3.

Panuto: Ibigay ang kasalungat ng mga salitang may diin sa bawat bilang. Isulat ang

inyong mga sagot sa sagutang papel.

Page 16: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

14

1. Umalis si Prinsipe Bantugan dahil naramdaman niya ang pagkamainggitin

ng kanyang kapatid.

a. kontento c. masayahin

b. magagalitin d. seloso

2. Nang malaman ni Haring Miskoyaw ang pagkamatay ni Prinsipe Bantugan.

Agad silang lumusob at nagkaroon ng digmaan.

a. kaguluhan c. pagkakaunawaan

b. kasiyahan d. pagkakaisa

3. Dumating ang mga kawal ni Haring Miskoyaw at sumalakay sa kaharian ng

Bumbaran.

a. umabante c. umuwi

b. umatras d. umalis

Para sa Bilang 4-6.

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may diin sa bawat bilang.

Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

4. Ang naging hari sa kanilang palasyo ay si Madali.

a. bahay c. kaharian

b. hangganan d. tahanan

5. Nabuhay si Prinsipe Bantugan habang siya ay nakaburol. a. namatay c. pagkabuhay b. nalibing d. pinaglamayang patay

6. Nawalan ng lakas si Bantugan at siya ay naging bihag ni Miskoyaw.

a. bilanggo b. kalaban c. kriminal d. kasamahan

Para sa Bilang 7-15. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang

titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga

sagot.

7. Anong uri ng akdang pampanitikan na nagsasalaysay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao laban sa mga kaaway na halos hindi kapani-paniwala?

a. alamat c. nobela b. epiko d. mitolohiya

8. Sino ang pangunahing tauhan sa Epikong Bantugan? a. Bantugan c. Madali b. Datimbang d. Miskoyaw

Page 17: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

15

9. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan? a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw

araw na pamumuhay. b. Kwentong bayan na maaaring kathang-isip na pumapaksa kung paano

malalampasan ang anumang pakikipaglaban sa buhay. c. Ito’y pasalindilang tradisyon, tungkol sa pangyayaring supernatural o

kabayanihan ng isang nilalang. d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala sa paglikha sa daigdig at iba pa.

10. Anong katangian ang ipinapakita ni Haring Madali?

a. desperado c. makasarili b. magalaitin d. walang pakialam

11. Ano ang pinapakita ni Bantugan?

a. takot sa Hari

b. tunay na gumagalang sa Hari

c. walang kapangyarihan

d. walang pakialam sa mga kanyang responsibilidad

12. Anong bahagi ng banghay matatagpuan ang pangyayaring nasa itaas?

a. simula c. wakas

b. gitna d. tauhan

13. Ano ang mahihinuha sa ginawang desisyon ni Prinsesa Datimbang? a. malilituhin b. maingat sa kanyang pagdedesisyon c. hindi makapagdesisyon sa kanyang sarili d. walang tiwala sa kanyang sarili

14. Sino sa mga tauhan sa Epikong Bantugan ang may taglay na kakisigan at kabaitan?

a. Bantugan c. Miskoyaw b. Datimbang d. Madali

15. Sa anong aklat nagmula ang Epikong Bantugan? a. Darangan c. Iliad at Homer b. Odyssey d. Marangan

Pinagbawalang makipag-usap ni Haring Madali kay Prinsipe Bantugan

ang kanyang mga nasasakupan dahil sa sobrang inggit.

Dahil sa utos ni Haring Madali ay lumayo si Prinsipe Bantugan sa

Kaharian ng Bumbaran.

Nang malamang patay na si Prinsipe Bantugan ay lumipad sa langit si

Haring Madali upang bawiin ang kaluluwa nito.

Nagulumihanan si Prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari

kaya’t nakipagpulong sila sa konseho.

Page 18: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

16

Karagdagang Gawain

Gawain A: LIKE, LOVE KO TO!

Manood at pumili ng isang seryeng may kwentong epiko tulad ng Encantadia

o iba pa. Kung LIKE mo ang napanood ay ilahad ang layunin ng serye. Kung LOVE

mo ito ay ipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa Epikong

Bantugan. Gawing gabay ang pormat sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang

papel.

Gawain B: EPIKO-CHALLENGE

Magsaliksik ng mga epiko mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas,

kompletuhin ang chart sa ibaba.

Rehiyon Pamagat Tauhan

https://www.facebook.com/GMAEncantadia

Page 19: Filipino · ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,

17

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Ikalawang Edisyong Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et.al , pahina

51-70

https://www.canva.com/design/DAECm6S9ivA/QWa8Y4KBTdP_fk43HLqTq

w/view?utm_content=DAECm6S9ivA&utm_campaign=designshare&utm_me

dium=link&utm_source=publishsharelink

https://www.canva.com/design/DAECm00ISLA/tef3xrBpzy12lwjZ_u6ZGQ/

view?utm_content=DAECm00ISLA&utm_campaign=designshare&utm_medi

um=link&utm_source=publishsharelink

https://www.slideshare.net/olhen/pagtataya-ng-natutuhan-araling-

panlipunan

https://www.facebook.com/GMAEncantadia

https://www.pngfuel.com/free-png/nmauf

https://www.pngguru.com/free-transparent-background-png-clipart-bbnbe

Tayahin

1.C 2.B 3.A 4.C 5.D 6.A 7.B 8.A 9.C 10.C 11.B 12.A 13.A 14.A 15.B

Subukin

1.C 2.B 3.A 4.C 5.D 6.A 7.B 8.A 9.C 10.C 11.B 12.A 13.A 14.A 15.B