2
Setyembre 20, 2019:Araw ng paglaban sa berdugo, korap at tutang rehimeng Duterte Noong Setyembre 21, 1972, idineklara ng diktador na si Ferdinand Marcos ang Batas Militar upang sugpuin ang umano’y banta ng rebelyong komunista at Moro. Subalit ang nangyari,winasak niya ang anumang gayak ng demokrasya tulad ng masmidya, Konggreso at hudikatura upang ipataw ang isang pasistang diktadura. Ang 14 na taon sa ilalim ng pasistang diktadurang US-Marcos ang isa na sa pinakamadilim na yugto ng ating kasysayan. Sa ngayon, 47 taon na ang nakalilipas, nanganganib na maulit ang mapait na kasaysayang ito sa ilalim ng rehimen ni Rodrigo Duterte. Katulad ni Marcos, panunupil at ultimo walang pakundangang pagpatay ang sagot ni Duterte sa pinalaking banta, diumano, ng ilegal na droga, rebelyon at terorismo. Subalit ang kanyang mga hakbang ay nagbabadya ng panibagong diktadura. Namamayagpag sa kanyang administrasyon ang mga militarista, korap at kawatan, mga ganid sa kapangyarihan at tuta ng dayuhan. #LabanBayan! Inhustisya at diktadura, wakasan! Sa araw na ito, itanghal natin at pasiglahin ang ating pakikibaka para sa demokrasya, karapatang pantao, hustisyang panlipunan, pambansang soberanya, at kabuhayan. Pambansang araw ng protesta ang paggunita sa Martial Law ni Marcos at paglaban sa diktadura ni Duterte. Kaya’t sumama sa protesta at magsuot ng itim bilang pakikiisa! Sumama sa pagkilos sa Mendiola at Luneta! Labanan ang panunumbalik ng diktadura! Itakwil ang lahat ng uri ng panunupil! Tumindig para sa demokrasya, hustisya, kabuhayan, at soberanya! Katarungan para sa lahat ng biktima ng Batas Militar noon at ngayon! Marcos, Duterte, walang pinag-iba! Parehong tuta, diktador, pasista! bagong alyansang makabayan www. bagongalyansangmakabayan.org @BAYANnational Guhit ni Renan Ortiz Larawan ni Efren Ricalde

Sumama sa pagkilos sa Mendiola at Luneta! · paglaban ng mamamayan, na sinasagot naman ng panunupil ng estado. Napakahalaga kung gayon na sariwain natin sa darating na Setyembre 20

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sumama sa pagkilos sa Mendiola at Luneta! · paglaban ng mamamayan, na sinasagot naman ng panunupil ng estado. Napakahalaga kung gayon na sariwain natin sa darating na Setyembre 20

Setyembre 20, 2019:Araw ng paglaban sa berdugo, korap at tutang rehimeng DuterteNoong Setyembre 21, 1972, idineklara ng diktador na si Ferdinand Marcos ang Batas Militar upang sugpuin ang umano’y banta ng rebelyong komunista at Moro. Subalit ang nangyari,winasak niya ang anumang gayak ng demokrasya tulad ng masmidya, Konggreso at hudikatura upang ipataw ang isang pasistang diktadura. Ang 14 na taon sa ilalim ng pasistang diktadurang US-Marcos ang isa na sa pinakamadilim na yugto ng ating kasysayan.

Sa ngayon, 47 taon na ang nakalilipas, nanganganib na maulit ang mapait na kasaysayang ito sa ilalim ng rehimen ni Rodrigo Duterte.

Katulad ni Marcos, panunupil at ultimo walang pakundangang pagpatay ang sagot ni Duterte sa pinalaking banta, diumano, ng ilegal na droga, rebelyon at terorismo. Subalit ang kanyang mga hakbang ay nagbabadya ng panibagong diktadura. Namamayagpag sa kanyang administrasyon ang mga militarista, korap at kawatan, mga ganid sa kapangyarihan at tuta ng dayuhan.

#LabanBayan! Inhustisya at

diktadura, wakasan!

Sa araw na ito, itanghal natin at pasiglahin ang ating pakikibaka para sa demokrasya, karapatang pantao, hustisyang panlipunan, pambansang soberanya, at kabuhayan.

Pambansang araw ng protesta ang paggunita sa Martial Law ni Marcos at paglaban sa diktadura ni Duterte.

Kaya’t sumama sa protesta at magsuot ng itim bilang pakikiisa!

Sumama sa pagkilos sa Mendiola at Luneta!

Labanan ang panunumbalik ng diktadura!Itakwil ang lahat ng uri ng panunupil!

Tumindig para sa demokrasya, hustisya, kabuhayan, at soberanya!

Katarungan para sa lahat ng biktima ng Batas Militar noon at ngayon!

Marcos, Duterte, walang pinag-iba! Parehong tuta, diktador, pasista!

bagong alyansang makabayan

www. bagongalyansangmakabayan.org

@BAYANnational

Guhit ni Renan OrtizLarawan ni Efren Ricalde

Page 2: Sumama sa pagkilos sa Mendiola at Luneta! · paglaban ng mamamayan, na sinasagot naman ng panunupil ng estado. Napakahalaga kung gayon na sariwain natin sa darating na Setyembre 20

Partikular na nakababahala ang mga sumusunod:

1. Ang malawakan at sistematikong paggamit ng extrajudicial killings laban sa mga hinihinalang adik at pusher, mga aktibista’t kritiko, at mga pinaghihinalaang kasapi o tagasuporta ng CPP-NPA-NDFP;

2. Ang pagsampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga miyembro ng oposisyon, taong simbahan, masmidya, mga aktibista, peace advocates, human rights defenders at iba pang nais busalan ng administrasyon dahil sa pagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga kabulastugan ng gobyerno;

3. Ang pag-abuso ng kapangyarihan at kurapsyon sa pagpapalaya ng mga malalaking kriminal gaya ng pagpapalaya sa mga drug lords at muntik pa ngang pagpapalaya sa convicted rapist at killer na si ex-mayor Antonio Sanchez na nagpapakita ng kahungkagan ng buong kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad;

4. Ang paglaki ng pork barrel ng mga alyado ni Duterte sa Konggreso lalo na ang pinalobong presidential pork na may kagilagilalas na P2.5 bilyon confidential and intelligence funds na hindi dadaan sa pag-audit at pihadong gagamitin sa panunupil at korapsyon;

5. Ang pag-amyenda at pagpapalawak sa Human Security Act (anti-terror law) na sasagasa sa ating mga batayang karapatan, ang pagbabalik ng Anti-Subversion Law, militarisasyon ng mga paaralan, mandatory Reserve Officers Training Course (ROTC), pagbalik ng parusang kamatayan, pagbaba ng minimum age of criminal responsibility, at iba pang mapanupil at;

6. Ang patuloy na pag-iral ng Batas Militar sa Mindanao, pagkansela sa usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDFP, at pinaigting na militarisasyon sa iba pang bahagi ng bansa sa ilalim ng Executive Order No. 70 at Memorandum Order No. 32, kaakibat ng pagtalaga ng napakaraming opisyal ng militar at pulis sa matataas na pusisyon ng mga ahensyang sibilyan. Ang EO 70 ang pinalawak na programa laban umano sa rebelyong komunista subalit tinatarget ang mga di-armadong sibilyan at progresibong samahan. Ang MO 32 ay nagtatalaga ng dagdag na pulis at sundalo sa Negros, Samar at Bicol kung kayat umigting doon ang mga extrajudicial killing at iba pang paglabag sa karapatang pantao;

7. Ang pangangayupapa ng gobyerno sa mga dayuhan, lalu na sa China na unti-unting sinasakop ang West Philippine Sea at ang patuloy na panghihimasok ng US sa ngalan ng “anti-terror” at “counter-insurgency”; at

8. Paglalim at paglala ng krisis sa ekonomiya (kawalan ng regular na trabaho at sapat na kita, pagkawasak at pagpatay sa kabuhayan ng mga magsasaka) na nagbibigay dahilan sa

paglaban ng mamamayan, na sinasagot naman ng panunupil ng estado.

Napakahalaga kung gayon na sariwain natin sa darating na Setyembre 20 ang makasaysayang paglaban ng mamamayang Pilipino sa diktadura ni Marcos makalipas ang 47 taon.

Magsama-sama tayo upang labanan ang iba’t ibang porma’t paraan ng ng panunupil at paglabag sa karapatang pantao na sistematikong pinatutupad ngayon ng rehimeng Duterte.