3
PARAAN NG PAGSASALIN May mga uri o paraan ng pagsasalin: a. MALAYANG PAGSASALIN. Ang minamahalaga sa pagsasalin ay ang kahulugan kaysa sa istruktura ng pangungusap. Hindi ito nakakulong sa mahigpit na balangkas ng wikang isinasalin kundi ang mensaheng gustong ipahayag. Halimbawa: I bought a new car. Bumili ako ng bagong kotse. Ako ay bumili ng bagong kotse. Bagong kotse ang binili ko. b.DI-MALAYANG PAGSASALIN. NakaIukob na ang tagasalin sa estruktura ng pangungusap dahil ito ang nagtatakda ng kahulugan sa nais ipahayag. Halimbawa: 1. How do you do? Kumusta ka? (Hindi maaari ang saling, "Kumusta?" o "Paano ka, kumusta?") 2. Give him a hand. Tutungan mo siya. (Hindi maaari ang saling, "Bigyan mo siya ng kamay.") c. ADAPTASYON. Pinakamalaya sa lahat ng paraan na kung minsan ay malayo na sa orihinal Halimbawa:

PARAAN NG PAGSASALIN.docx

  • Upload
    tadashii

  • View
    5.584

  • Download
    12

Embed Size (px)

DESCRIPTION

All about ways of how to translate from Filipino to English.

Citation preview

Page 1: PARAAN NG PAGSASALIN.docx

PARAAN NG PAGSASALIN

May mga uri o paraan ng pagsasalin:

a. MALAYANG PAGSASALIN. Ang minamahalaga sa pagsasalin ay ang kahulugan kaysa sa istruktura ng pangungusap. Hindi ito nakakulong sa mahigpit na balangkas ng wikang isinasalin kundi ang mensaheng gustong ipahayag.

Halimbawa:

I bought a new car. Bumili ako ng bagong kotse.

Ako ay bumili ng bagong kotse.

Bagong kotse ang binili ko.

b.DI-MALAYANG PAGSASALIN. NakaIukob na ang tagasalin sa estruktura ng pangungusap dahil ito ang nagtatakda ng kahulugan sa nais ipahayag.

Halimbawa:

1. How do you do? Kumusta ka? (Hindi maaari ang saling,

"Kumusta?" o "Paano ka, kumusta?")

2. Give him a hand. Tutungan mo siya. (Hindi maaari ang saling, "Bigyan mo siya ng kamay.")

c. ADAPTASYON. Pinakamalaya sa lahat ng paraan na kung minsan ay malayo na sa orihinal

Halimbawa:

But to act that Kundi ang gumawa upang bawat

each tomorrow bukas ay maging mayabong

Find us further Maging mabutaktak at maging

than today mabungang higit kaysa noon

Page 2: PARAAN NG PAGSASALIN.docx

d. MATAPAT. Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na katulad na kahulugang kontekstwal ng orihinal.

Halimbawa:

Where there is hatred, Itulot mong ako’y maghasik ng pag-ibig kung

let me sow love saan may galit

e. IDYOMATIKONG SALIN. Mensahe, diwa, o kahulugan ng orihinal na teksto ang isinasalin. Iniaangkop ang salin sa natural na anyo ng wikang pinagsasalinan.

Halimbawa:

Hand to mouth existence Isang kahig isang tuka

f. SALING SEMANTIKA. Pinagtutuunan ang halagang estetiko gaya ng maganda at natural na tunog.

Halimbawa:

And lights her leafy arms Ang dahumang bisig ay nangakataas sa

to pray panalangin

g. KOMUNIKATIBONG SALIN. Nagtatakda itong maisalin ang eksaktong kontekstwal na kahulugan ng orihinal sa wikang katanggap-tanggap at madaling maunawaan ng mambabasa.

Halimbawa:

I was given poverty Binigyan niya ako ng karalitaan

that I might be wise. nang matuto sa buhay