Click here to load reader
View
9.885
Download
109
Embed Size (px)
Slide 1
Mga Paraan ng Pagsugpo ng Peste at Sakit ng Halaman Ang mga pesteng kulisap ay ang sumisira at pumapatay ng mga punong halaman. Kinakain ang dahon na nag-iiwan ng mga butas. Sinisipsip ang katas ng halaman kaya nangungulubot ang mga dahon. Kinakain din ang mga bulaklak at bunga at nagdadala ng mga mikrobyo papunta sa ibang halaman.Ang mga pesteng kulisap ay nasusugpo sa pamamagitan ng paraang mekanikal, kemikal at bayolohikal. Ito ay sa pamamagitan ng pag-aalis ng kamay o paggami ng kemikal, pagpapasingaw, pagpapausok o pag-aalis o pagpuputol ng may sakit na bahagi ng halaman.Mga pamamaraang bayolohikal pagsugpo sa mga pesteng kulisap.1. Bunutin ang damo sa paligid ng mga tanim2. Patubigan ang taniman bago at pagkatapos magtanim3. Pumili ng halamang tatagal sa pesteng kulisap4. Ibaon o sunugin ang mga bahagi ng halaman na may sira.5. Sunugin ang mga tuyong dahon sa ibabaw ng taniman. 6. Lagyan ng organikong pamuksa o mga solusyong ginawa mula sa ibat-ibang halaman.
Mga pesteng kulisap na namumuksa o sumisira sa mga punongkahoyMango Fruit Fly sinisira nito ang prutas kapag nahihinog sa puno
Ring borer malaking gamu-gamo. Mapupuksa gamit ang methyl at parathion.
Mealy bug dalawa ang uri nito, mahaba at maiksi ang buntot.
Armored scale ito ay mapaminsala sa mga punongkahoy at sa prutas na sitrus
Unarmored scale softscale na nagdadala ng maruming pulut-pukyutan at amag na tumutubo sa halaman.
Citrus rust mite pinipinsala nito ang kahel at ubas. Sinisipsip nito ang katas ng dahon ng halaman.
Melon aphid sinisira ang mga punongkahoy na namumunga. Ang dahon ay nangungulubot o nakukulot.
White grub inaatake nito ang ugat ng punong atis
Sphinx moth mapupuksa ito sa pagwiwisik ng sevin at malathion.
Tipaklong sinisira nito ang mga murang buko ng halamanMga sakit na umaatake sa mga punongkahoy.
Canker batik-batik na mantsa sa mga tangkay, dahon at bunga na nakikita sa kalamansi, suha or kahel.
Dieback natutuyo ang mga tangkay
Gummosis nagkakaroon ng sustansyang tulad ng gummy ang puno at sanga ng punongkahoy.
Downy at powdery mildew
Leaf spot inaatake nito ang mga dahon.
Inflorescent rot
Scab- sakit na namiminsala sa mga punong namumunga. Isang bakterya na mahirap sugpuin na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng crustlike spots sa apektadong bahagi ng halaman.