46
Mga Dahilan at Paraan ng Kolonyalismong Kanluranin sa Asya Modyul 15

Modyul 15 mga dahilan at paraan ng kolonyalismong kanluranin sa

Embed Size (px)

Citation preview

Mga Dahilan at Paraan ng Kolonyalismong Kanluranin sa Asya

Modyul 15

Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pagtungo ng mga Kanluranin sa Asya

• Maunlad ang Asya dahil patuloy na pinagyaman at pinagbuti ng mga Asyano ang mga ambag ng sinaunang kabihasnan na siyang nakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

• Masagana ang pamumuhay sa kontinente dahil sa mga likas na yamang matatagpuan dito.

• Nakatulong ito sa mga Asyano dahil dito sila kumukuha ng mga produktong kanilang ikinakalakal.

• Nakarating ang mga produktong Asyano sa Europe sa pamamagitan ng kalakalan.

Mga Sinaunang Ruta ng Kalakalan

• Hilagang Ruta– Peking (kasalukuyang Beijing) sa China– Mga disyerto sa Gitnang Asya– Samarkand at Bukhara sa Uzbekistan– Caspian Sea– Black Sea– Constantinople

• Gitnang Ruta– India– Strait of Hormuz– Persian Gulf– Antioch, Aleppo, at Damascus sa Turkey

• Timig na Ruta– India– Indian Ocean– Arabian Peninsula– Red Sea– Cairo o Alexandria sa Egypt

• Noong una ay dumaraan lamang sa mga sinaunang ruta ang mga Asyano patungo sa Europe.

• Hinangad ng mga Kanluranin na marating ang iba pang lupain sa Asya.

Mga Pangyayaring Nagbunsod sa Pagtungo ng mga Kanluranin sa Asya

• Paglulunsad ng Krusada• Paglalakbay ni Marco Polo• Paghahanap ng Bagong Rutang Pangkalakalan• Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas• Paniniwala sa Merkantilismo

Paglulunsad ng mga Krusada

• Inilunsad mula 1096 hanggang 1273 dahil sa pananawagan ni Pope Urban II sa mga Kristiyanong kabalyero.

• Layunin na mabawi ang Jerusalem, ang banal na lupain ng mga Kristiyano, na nasakop ng mga Muslim.

• Sa paglalakabay sa Asya, nakita nila ang karangyaan at kagandahan ng kontinente.

• Ang kanilang mga kada tungkol sa Asya ay nakarating sa Europe.

• Nahikayat ang mga Europeo na maglakbay a Asya.

Paglalakabay ni Marco Polo

• Si MARCO POLO, anak ni Niccolo, isang mangangalakal mula sa Venice Italy.

• 1620 – naglakabay ang mag-ama kasama si Matteo, kapatis ni Niccolo, patungo sa Silangan.

• 1265 – narating nila ang China na noon ay pinamumunuan ni Kublai Khan ng Imperyong Mongol.

• Naging magkaibigan sina Marco Polo at Kublai Khan.

• Binigyan ng pagkakataon si Marco Polo na maglinkod sa pamahalaan.

• Nasaksihan niya ang karangyaan at kagandahan ng kabihasnang Tsino.

• Namangha siya sa kultura, mga gawaing pangrelihiyon, at masaganang likas na yaman ng bansa.

• Nagbalik sa Europe noong 1295.• Nang sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Venice

at Genoa noong 1298, nagtungo sila sa Venice upang harapin ang mga kaaway.

• Nabihag at ikinulong ng mga taga-Genoa si Marco Polo.

• Habang nasa kulungan, ikinuwento niya ang kaniyang mga paglalakbay sa kapuwa niya bilanggong si Rustichello.

• Makalipas ang ilang taon ay inilathala ang aklat na pinamagatang The Travels of Marco Polo.

• Tungkol ito sa kagandahan at karangyaan ng China at iba pang lugar sa Asya na narating ni Marco Polo.

• Nahikayat ang mga Europeo na maglakbay patungo sa Asya upang mapatunayan kung totoo ang mga inilahad ni Marco Polo.

Paghahanap ng Bagong Rutang Pangkalakalan

• Naging tanyag sa Europa ang mga prokduktong Asyano tulad ng mga pampalasa, seda, at mga mamahaling bato tulad ng ginto, diyamante, at ruby.

• Mataas din ang pangangailangan sa asin dahil ginagamait ito bilang pampreserba ng pagkain.

• Nasakop ng mga Seljuk Turk ang malakong bahagi ng silangang rehiyon ng Mediterranean, kabilang ang Constantinople.

• Nakontrol nila ang mga rutang pangkalakalan mula sa Asya patungo sa Europe.

Mga Pangyayaring Bunsod ng Pagkontrol ng mga Seljuk Turk sa Constantinople

• Monopolyo ng mga Italian– Isinara ng mga Seljuk Turk ang mga sinaunang

rutang pangkalakalan. Halos nahinto ang malayang kalakalan sa pagitan ng Asya at Europe. Tanging ang mga mangangalakal sa ilang lungsod-estado sa Italy ang pinahintulutang makipagkalakalan sa mga Seljuk Turk. Ang mga mangangalakal mula sa Venice, Genoa, at Florence ay pinahintulutang mamili sa mga daungang konrolado ng mga Seljuk Turk.

• Pagtaas ng Presyo ng mga Bilihin– Bunga ng mga monopolyong Italian, lubhang

tumaas ang presyo ng mga bilihin sa Europe. Ang mga mangangalakal mula sa Italy ang nagdala ng mga produktong Asyano mula sa Constantinople at iba pang sentro ng kalakalan patungo sa Portugal, Spain, France, Netherlands, at England. Dahil walang kakompetensiya at sa mataas na pangangailangan ng mga Europeo, ipinagbili ng mga Italian ang mga produktong Asyano sa mas mataas na halaga.

• Paghahanap ng Bagong Ruta– Ninais ng iba pang bansa sa Europe na masira ang

monopolyo ng mga Italian. Hindi nila nagustuhan ang patuloy na pakikinabang ng Italy dahil sa ugnayn nito sa mga Seljuk Turk. Bunga nito naghangad ang Portugal, Spain, England, France, at Netherlands ng ibang ruta patungo sa India at China. Sa ganitong paraan, maiiwasan nila ang mga Seljuk Turk at tuwirang mabibili ang mga produktong Asyano sa mas mababang halaga.

Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas

• Nagsimula noong 1450 at nagtapos noong 1650.

• Panahong kung kailan nagsimulang maglakbay ang mga Europeo upang tumuklas ng mga bagong lupain at mga bagong rutang pangkalakalan.

• Nagkaroon ng ideya ang mga Europeo na sakupin ang mga bansang kanilang narating upang mapakinabangan ang mga likas na yaman nito.

• Ito ang nagbigay-daan sa isa pang mahalagang yugto sa kasaysayang Asyano – ang kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin.

• Lalo pang sumigla dulot ng pag-unlad sa sistema ng paglalayag.

• Nagsimula ito sa Portugal sa pamumuno ni Prinsipe Henry.

• Nagpatayo siya ng navigation school sa Sagres Point sa Portugal upang sanayin ang mga Portuguese sa larangan ng paglalayag.

• Tinipon niya ang mahuhusay na cartogrpher upang gumawa ng mapa, at pinaunlad ang mga kagamitan sa paglalayag.

• Sa pamumuno ni Prinsipe Henry, narating ng mga manlalayag na Portuguese ang mga lupaing hindi pa napupuntahan ng mga Europeo.

• 1488, narating ni Bartolomeu Dias ang dulo ng Africa noong 1488.

• Tinawag itong Cape of Good Hope bilang tanda ng mataas na pag-asang makamit nila ang layuning makatuklas ng mga bagong lupain.

• Natulasan ni Vasco de Gama ang bagong ruta patungo sa Asya noong Mayo 27, 1498.

• Narating niya ang Calicut (kasalukuyang Kerala) sa kanlurang baybayin ng India.

Paniniwala sa Merkantilismo

• 16 na siglo, naging batayan ng kanluran ng isang bansa ang merkantilismo.

• Tumutukoy ito sa paniniwalang ang tunay na panukat sa kayamanan ng isang bansa ay ang kabuuang dami ng ginto at pilak na mayroon ito.

• Nangalap ng ginto at pilak ang mga bansang Europeo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng higit na produktong iniluluwas kaysa inaangkat.

• Naging mahalaga ang pagkontrol ng pamahalaan sa kalakalang panlabas upang matiyak ang seguridad ng estado.

• Kabilang dito ang pagkakaroon ng maraming kolonya, pagbabawal sa mga kolonyang makipagkalakalan sa iba pang bansa maliban sa kanila at pagpapayaman sa pamamagitan ng pag-iipon ng ginto at pilak.

• Malaki ang bahaging ginampanan ng mga kolonya sa merkantilismo.

• Inaasahang magiging kapaki-pakinabang ang mga ito para sa mga bansang Europeo sa pamamagitan ng pagdaragdag ng yaman mula sa mga minahan ng ginto at pilak.

• Mahalaga rin ang mga produktong tulad ng mga rekado o pampalasa mula sa mga kolonya sa Asya.

Mga Dahilan ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

• Nakita ng mga Europeo na maaari nilang mapakinabangan ang likas na yaman at mga produkto ng mga Asyano.

• Pumasok ang Europe at Asya sa panahon ng imperyalismo.

• Nahahati ang imperyalismo sa Asya sa dalawang yugto.

Unang Yugto ng Imperyalismo sa Asya

• Naganap noong ika-16 at ika 17-siglo.• Nagkaroon ng tuwirang kompetisyon sa

pagitan ng mga nag-aagawang Spain, Portugal at Grear Britain, Netherlands at France para sa mga lupain sa Asya.

• Tinawag na kolonyalismo ang anyo ng imperyalismong naganap sa Asya sa panahong ito.

• KOLONYALISMO – tumutukoy sa proseso ng pamamalagi ng mga Europeo at pagkakaroon ng kapangyarihang politikal sa malaking bahagi ng daigdig, kabilang na ang America, Australia, at bahagi ng Africa at Asya.

• Ang mga kolonyalista ay nakapagtakda ng mga patakaran at nakapangyari sa mga tao at lugar na kanilang sinakop – ang kolonya.

• Nagawang baguhin ng mga Europeo ang estrukturang panlipunan, pangpamahalaan, at pang-ekonomiya ng kanilang mga kolonya.

• Nangingibabaw ang kanilang karapatan at interes kaysa sa kapakanan ng katutubong populasyon ng mga kolonya.

Mga Layunin ng Kolonyalismo sa Asya

• God (Pagpapalaganap ng Relihiyon)– Layunin ng mga Europeo na palaganapin ang

Kristiyanismo. Sa Spain, ang pananakop ng mga lupain ay bahagi ng Reconquista o 500 taon na pakikibaka ng mga Kristiyano na palayain ang katimugan ng Spain mula sa mga Muslim.

• Gold (Pagpapaunlad ng Ekonomiya)– Mapakikinabangan ng mga europeo ang mga likas

na yaman sa mga lupian ng kanilang nasasakop. Maipagbibili rin nila ang kanilang sobrang produkto sa kanilang mga kolonya. Sa ganitong paraan, maaaring umunlad ang kanilang bansa.

• GLORY (Pagpapalawak ng Kapangyarihan)– Ang pananakop ng lupain ay isang patunay sa

pagkakaroon ng malakas na pwersang pandigma. Higit na naging makapangyarihan ang mga Europeo dahil lumawak ang kanilang mga nasakop na teritoryo.

Mga Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

• Naganap noong ika-18 at ika-19 na siglo.• Napasailalim din sa imperyalismo ang iba’t-

ibang bahagi g Asya.• Industralisasyon– Rebolusyong Industriyal – tumutukoy sa

maramihang paggawa ng produkto gamit ang mga makina.

– Nagsimula ito sa England at lumaganap sa iba pang bansa sa Europe at South America.

– Higit na naging malaki ang pangangailangan ng mga Kanluranin sa mga hilaw na sangkap na matatagpuan sa Asya.

– Bunga nito, namayani ang kapitalismo.– KAPITALISMO – tumutukoy sa sistemang pang-

ekonomiya kung saan ay may pribadong pag-aari ng kapital at malayang kompetisyon sa pamilihan.

– Ang tunggalian ng mga Kanluranin sa isa’t-isa ay naging hamon sa ibayong paghahanap ng mga bagong mapagkukunan ng hilaw na sangkap.

– Dahil mayaman ang Asya sa hilaw na sangkap, ipinagpatuloy ng mga Kamluranin ang pagkontrol sa kanilang mga kolonya sa nasabing kontinente.

– Naimbento ng James Hargreaves ang Spinnong Jenny noong panahon ng Rebolusyong Industriyal. Napabilis nito ang paghahabi ng tela.

Kaugnayan ng Rebolusyong Industriyal sa Kabuuang Yugto ng Imperyalismo sa Asya

• May malawak na plantasyon ng bulak sa mga bansang Asyano. Ang bulak ay isang halimbawa ng hilaw na sangkap.

• Dinadala ang mga hilaw na sangkap, tulad ng bulak, sa Europe at North America.

• Gamit ang makinarya, napabilis ang paggawa ng mga produkto.

• Dinadala ang mga produktong gawa sa bulak sa Asya.

• Nagsisilbing pamilihan ang mga kolonya sa Asya ng mga labis na produkto ng mga bansang may sakop sa kanila.

• Pamumuhunan– Sa ilalim ng kapitalismo, itinuring ang Asya bilang

mahalagang mapagkukunan ng pakinabang o tubo.

– Ang labis na kapital ay ginamit nilang kapital sa mga pataniman at minahan sa Asya upang lumago at magbigay sa kanila ng mas maunlad na pamumuhay.

• White Man’s Burden– mataas ang tingin ng mga Kanluranin sa kanilang

sarili.– itinuring nila ang kanilang kabihasnan bilang higit na

mahusay, mabuti, at nakaaangat kaysa sa kabihasnan ng mga Asyano.

– Natanim sa kanilang isipan na tungkulin nilang palaganapin ang kanilang kabihasnan sa daigdig.

– Maisasakatuparan nila ang tungkuling ito sa pamamagitan ng pananakop ng mga lupain.

– Nagpadala ang mga Kanluranin sa kanilang mga nasasakupan ng mga guro, pari, manggagamot, at tagapangasiwa upang tuparin ang tungkulin ng tinawag ng makatang English na si Rudyard Kipling na white man’s burden.

– Ginamit ng mga Kanluranin na katuwiran ang white man’s burden upang makapanakop ang mga basa sa Asya.

Iba’t-ibang Anyo ng Imperyalismo

• Kolonyalismo – tuwirang pakontrol ng dayuhang bansa sa sinakop na bansa.

• Imperyalismong Ekonomiko – pagkontrol na malalaking pribadong samahang pagnenegosyo ng dayuhang bansa sa isang hindi pa lubusang mauunlad na bansa.

• Pagkakaroon ng Protektorado – pagpapaubaya ng dayuhang bansa na manungkulan ang mga katutubong pinuno ng mas mahinang bansa kasabay ng pagpapanatili ng kontrol sa gayong mga pinuno.

• Pagpapanatili ng Sphere of Influence – pagpapanatili ng dayuhang bansa ng nakapangingibabaw na impluwensiyang politikal o ekonomiko sa isang bansa o rehiyong heograpikal.

Paraan ng Pagkontrol

• Tuwirang Pagkontrol– Ganap na pinangasiwaan ng mga dayuhang

mananakop ang bansa. Pinatalsik nila ang mga katutubong pinuno sa paniniwalang walang kakayahan ang mga ito na pamunuan ang sarili. Pinakialaman nila hindi lamang ang pamahalaan kung hindi maging ang aspektong pang-ekonomiya, panlipunan, at pangkultura ng kolonya. Gayundin ay pinalaganap nila ang kanilang kultura upang maimpluwensiyahan ang mga katutubo. Halimbawa ng tuwirang pagkontrol ay ang kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas.

• Hindi Tuwirang Pagkontrol– Pinanatili ang pangangasiwa sa bansa sa mga

katutubong pinuno. Nanatili sila sa ilalim ng kapangyarihan ng mga dayuhan. May karapayan sila sa pagpapasiya, kontrolado naman ng mga dayuhan ang aspektong pangkabuhayan ng bansa tulad na sa paglinang sa likas na yaman. Ito ay upang mapalinabangan ng mga dayuhang mananakop ang kolonya. Sa ganitong uri ng paglontrol, ipinalagay na tinutulungan ng mga dayuhan ang mga katutubong pinuno upang matuto silang pamahalaan ang sarili. Halimbawa ng ganitong uri ng pangangasiwa ang ginawa ng Dutch Esat Asia Company sa Indonesia.

• Hindi agarang tinanggap ng mga Asyano ang pananakop ng mga dayuhan.

• Hindi nila nagawang maipagtanggol ang kanilang mga lupain dahil sa mas malakas na puwersang pandigma ng mga mananakop.