6
PANANALIKSIK Pagpapakahulugan Pagtuklas at paglinang ng mga bagong teorya at kaalaman; pagbeberipika o pagmomodipika ng dati nang kaalaman para sa kapakinabangan ng tao. Matiaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisisyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan. Katangian ng Pananaliksik 1. Orihinal na akda ang pananaliksik. 2. May sistema ang pananaliksik. 3. Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag-aaralan. 4. Hindi magastos ang paksa. 5. Ideyal ang pananaliksik kung ang mga datos ay abot-kamay. 6. Makatotohanan ang pananaliksik. 7. Ang pananaliksik ay pagsusuri o maaaring kwantitatibo o quantitative at kwalitatibo o qualitative. Katangian ng Mananaliksik 1. Matiyaga 11. Magaling sa komunikasyon 2. Masipag 12. Obhetibo 3. Masigasig 13. May pag-iisip na kritikal 4. Masinop 14. Pagiging bukas 5. Masistema 15. Pasensyoso 6. Mapamaraan 16. Lohikang pag-iisip 7. Magaling magsiyasat 17. Ethical 8. May pananagutan 18. Maingat 9. Disiplinado 19. Analitikal 10. Mahalubilo 20. Matapat Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik 1. Magkaroon ng panimulang kaalaman kung paano isinasagawa ang pananaliksik. 2. Alamin at pumili ng napapanahong paksa para sa pananaliksik. 3. Mabigyang kahulugan ang suliranin ng pananaliksik. 4. Pumili ng informasyong kailangan at mahalaga sa ikalulutas ng mga suliranin. 5. Kumilala ng mga palagay/hinuha na may kinalaman sa suliranin ng pananaliksik. 6. Kakayahang gumawa ng makabuluhang konklusyon mula sa mahahalagang informasyon. 7. Kakayahang lumikha ng makabuluhang palagay o hinuha. 8. Sanay manghusga sa katumpakan ng mga ginagamit na pamamaraan patungo sa pagbuo ng konklusyon. 9. Maalam sa pagtataya ng kahalagahan ng nabuong kongklusyon. Pangkalahatang Uri ng Pananaliksik 1. Basic research o theoretical research Ito ay pananaliksik na para lamang sa pangkaragdagang kaalaman. Ayon kina Graziano at Raulin (2000), ito ay nadisenyo para madagdagan ang pang- unawa sa mga dating kaalaman ngunit walang partikular na layong praktikal. Ang pangunahing layunin ng basic research ay para masubok o makabuo ng teorya na ang adhikain ay para makapagtatag ng prinsipyong pangkalahatan.

pananaliksik-studcopy

Embed Size (px)

DESCRIPTION

For Studying

Citation preview

PANANALIKSIK

Pagpapakahulugan

Pagtuklas at paglinang ng mga bagong teorya at kaalaman; pagbeberipika o pagmomodipika ng dati nang kaalaman para sa kapakinabangan ng tao. Matiaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisisyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.Katangian ng Pananaliksik

1. Orihinal na akda ang pananaliksik.

2. May sistema ang pananaliksik.

3. Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag-aaralan.

4. Hindi magastos ang paksa.

5. Ideyal ang pananaliksik kung ang mga datos ay abot-kamay.

6. Makatotohanan ang pananaliksik.

7. Ang pananaliksik ay pagsusuri o maaaring kwantitatibo o quantitative at kwalitatibo o qualitative.Katangian ng Mananaliksik

1. Matiyaga

11. Magaling sa komunikasyon2. Masipag

12. Obhetibo3. Masigasig

13. May pag-iisip na kritikal4. Masinop

14. Pagiging bukas5. Masistema

15. Pasensyoso6. Mapamaraan

16. Lohikang pag-iisip7. Magaling magsiyasat

17. Ethical8. May pananagutan

18. Maingat9. Disiplinado

19. Analitikal10. Mahalubilo

20. MatapatTungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

1. Magkaroon ng panimulang kaalaman kung paano isinasagawa ang pananaliksik.

2. Alamin at pumili ng napapanahong paksa para sa pananaliksik.

3. Mabigyang kahulugan ang suliranin ng pananaliksik.

4. Pumili ng informasyong kailangan at mahalaga sa ikalulutas ng mga suliranin.

5. Kumilala ng mga palagay/hinuha na may kinalaman sa suliranin ng pananaliksik.

6. Kakayahang gumawa ng makabuluhang konklusyon mula sa mahahalagang informasyon.

7. Kakayahang lumikha ng makabuluhang palagay o hinuha.

8. Sanay manghusga sa katumpakan ng mga ginagamit na pamamaraan patungo sa pagbuo ng konklusyon.

9. Maalam sa pagtataya ng kahalagahan ng nabuong kongklusyon.

Pangkalahatang Uri ng Pananaliksik1. Basic research o theoretical research

Ito ay pananaliksik na para lamang sa pangkaragdagang kaalaman. Ayon kina Graziano at Raulin (2000), ito ay nadisenyo para madagdagan ang pang-unawa sa mga dating kaalaman ngunit walang partikular na layong praktikal. Ang pangunahing layunin ng basic research ay para masubok o makabuo ng teorya na ang adhikain ay para makapagtatag ng prinsipyong pangkalahatan.

2. Applied research o practical research

Ang layunin nito ay hindi lamang makakalap ng mga kaalaman ngunit ito ay aplikasyon ng mga kaalaman o aplikasyon ng pure research. Tumutulong ang pananaliksik na ito sa paglutas ng mga mabibigat na isyu o suliranin sa lipunan at maisaayos ang mga di kasiya-siyang kondisyon. Maaari din namang kasiya-siya ngunit ika nga sa Ingles Theres always a room for improvement na kung saan mas maisaayos pa ang kondisyong ito.

Ang layunin nito ay maisagawa, masubukan at mabigyan ng ebalwasyon ang paggamit ng teorya o kaalamang nabuo para sa paglutas ng problema. Halimbawa ay ang pag-aaral kung paano makontrol ang populasyon.

3. Aksyong pananaliksik o Action research

Pananaliksik sa mabilisang solusyon ng problema na hindi naman kinakailangang gamitin ang lahat ng prinsipyo ng agham para makahanap ng solusyon sa problema. Sa edukasyon, ang aksyong pananaliksik ay kadalasang ginagamit para mabigyan ng remedyo sa mga problemang pagtuturo-pagkatuto. Ginagamit ang mga hakbanging pang-agham na paraan patungkol sa mga suliranin sa loob ng silid-aralan.

Mga Uri ng Pananaliksik

1. Palarawan (descriptive). Pinag-aaralan ang mga pangkasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan.Halimbawa:Pag-aaral sa mga suliranin ng mga mag-aaral na

naninirahan sa mga boarding houses at ang nagiging epekto nito sa kanilang pag-aaral.2. Eksperimental. Pinag-uukulan dito ng pansin ang hinaharap at kung ano ang mangyayari.Halimbawa:Eksperimentong gagawin ng isang guro upang malaman

niya kung aling paraan ng pagtuturo ang gagamitin upang madaling matuto ang kanyang mga mag-aaral. Susubok siya ng ibat ibang paraan ng pagtuturo.

3. Pangkasaysayan (historical). Sinasaklaw ng uring ito ang nakalipas.Halimbawa:Pag-aaral ukol sa pag-unlad ng ating Pambansang Wika.

4. Pag-aaral sa Isang Kaso (case Study). Ito ay isang malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan, isang pasyente, isang usapin o kaso sa hukuman o kayay isang mabigat na suliranin.Halimbawa:Pag-aaral ukol sa kaso ng isang sugapa sa ipinagbabawal na

gamot na naging dahilan ng pagkapasok niya sa Rehabilitation Center.

5. Genetic Study. Pinag-aaralan at sinusuri nito ang pagsulong at pag-unlad ng isang paksa.Halimbawa:Pag-aaral sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata ng isang

tao.

6. Pamamaraang Nababatay sa Pamantayan (Normative). Inihahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa isang umiiral na pamantayan.Halimbawa:Paghahambing ng nagampanan sa Ingles ng Ikatlong

Baitang sa Elementarya sa isang dibisyon sa Pambansang Pamantayan sa Ingles ng mga nasa Ikatlong Baitang.

7. Hambingang Pamamaraan (comparative). Ginagamitan ito ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos.Halimbawa:Ang pag-aaral ng bunga ng edukasyon sa mga mag-aaral ng

paaralang publiko at paaralang pribado.

Mga Proseso sa Pagsasagawa ng Sulating Pananaliksik

1. Pumili at maglimita ng paksa

2. Magsagawa ng pansamantalang

balangkas

3. Magtala ng mga sanggunian o bibliografi

4. Mangalap ng datos

5. Bumuo ng konseptong papel

6. Gumamit ng ibat ibang sistema ng dokumentasyon

7. Bumuo ng balangkas

8. Isaayos ang mga datos

9. Isulat ang burador o draf

10. Isulat ang final na sipi

Mga Mapagkukuhanan ng Paksa

1. Sarili

2. Dyaryo at Magasin

3. Radyo/TV

4. Aklatan

5. Mga awtoridad/kaibigan/guro

Katangian ng Isang Mahusay na Suliranin

a. Dapat na maging libre ito sa legal o moral na balakid.

b. Mahalaga na may interes ka rito.

c. Kailangan ay may kapaki-pakinabang na halaga ito sa iyo, sa iyong paaralan, o komunidad.

d. Dapatay hindi pa ito lubhang nasaliksik.

e. Ito ay dapat na nagtataglay ng bagong kaisipan.

f. Kailangan ay saklaw ito ng iyong karanasan.

g. Dapat na matapos sa loob ng panahong itinakda, halimbawa isang semestre o isang taon depende sa asignatura na nangangailangan nito.

Paglilimita ng Paksa

1. Sakop ng Panahon tiyaking maikling hangganan lamang ng panahon ang sasakupin ng pag-aaral

Hal. Paksa : Ang Kilusang Feminista at Ang Epekto nito sa Karapatan ng

mga Kababaihan

Nilimitang Paksa: Ang Kilusang Feminista sa Dekada 90 at ang Epekto nito sa

karapatan ng Mga kababaihan

2. Sakop ng Edad Ilimita ang paksa ayon sa isang particular na pagpapangkat batay sa edad

Hal. Paksa: Ang Interes sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Elementarya

Nilimitang Paksa: Ang Interes sa Pagbasa ng mga Mag-aaral mula sa edad 6-9 sa

Paaralang Elementarya sa UC

3. Sakop ng Kasarian- tiyakin ang particular na kasarian upang mas lalong malimitahan ang paksa

Hal. Paksa: Ang Profile na Pampersonalidad ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo

Nilimitahang Paksa: Ang Profile na Pampersonalidad ng mga Lalaking Mag-aaral sa

Unang Taon UC

4. Sakop ng Propesyon/Grupong Kinabibilangan ang hanapbuhay, sosyal na pangkat, at propesyon ay maaaring maging batayan ng paglilimita ng paksa.

Hal. Paksa: Ang mga Pilipino at Paniniwala nila sa Paglilibing ng Mga Yumao

Nilimitahang Paksa: Ang Mga Igorot at ang Paniniwala nila sa Paglilibing ng mga

Yumao

5. Sakop ng Anyo/Uri maikling kwento, sanaysay, kalagayang panlipunan, istruktura

Hal. Paksa: Ang Persepsyon ng mga Kalalakihan sa mga Uri ng Pelikula

Nilimitang Paksa: Ang Persepsyon ng mga Kalalakihan sa mga Uri ng Pelikulang

Ingles sa Dekada 80

6. Sakop sa Perspektiba- maaaring ibatay sa ibat ibang lapit, pagtingin at aspekto

Hal. Paksa: Ang Epekto ng Teknolohiya sa Lipunang Pilipino

Nilimitahang Paksa: Ang Epekto ng E-Commerce sa Pamumuhay ng Mga Pilipino

Paano Inilalahad ang Suliranin

Bawat pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin o mga suliranin. Sa simula, ang suliranin na iyong napili ay maaaring napakalawak. Kung sakali, ito ay kailangang gawing tiyak. O, ang pangunahing pangkalahatang suliranin ay maaaring gawing maliliit at tiyak.Bahagi ng Sulating Pananaliksik

Ang mga bahagi ng sulating pananaliksik ay mapapangkat sa tatlo (3) at ito ang mga sumusunod:I. Preliminaring Bahagi

A. Pahinang pamagat

B. Dahon ng pagpapatibay

C. Abstrak

D. Pasasalamat/Pagkilala

E. Paghahandog/Pag-aalay

F. Talaan ng Nilalaman

G. Talaan ng Pigura

H. Talaan ng TalahanayanII. Tampok na Bahagi (Kalakhang Bahagi)

Kabanata I. Ang Suliranin

Sanligan ng pag-aaral (rasyunal, kahalagahan, kaugnay na literature)

Teoretikal/Konseptwal Freymwork (definisyon ng mga termino, paradigm at haypotesis kung kailangan sa pag-aaral)

Paglalahad ng suliranin

Kabanata II. Disenyo at Pamamaraan

Disenyo/pamamaraan ng pag-aaral

Pook at populasyon ng pag-aaral

Instrumentong gagamitin sa paglikom ng mga datos

Pagtrato sa mga datos

Kabanata III. Presentasyon, Analisis at Interpretasyon ng mga Datos

Kabanata IV. Konklusyon at Rekomendasyon

III. Panghuling Bahagi

A. BibliograpiyaB. Apendises

Paglalarawan sa Mga Bahagi ng Sulating Pananaliksik

Mga Preliminaring Bahagi

A. Pahinang pamagat nilalaman ng bahaging ito ang pamagat ng pananaliksik, kung kanino ito ihaharap, ang kurso o asignatura, pangalan ng mananaliksik at petsa ng pagpapasa o kung kelan natapos ang saliksik.

B. Dahon ng pagpapatibay naglalaman ng pahayag ng gurong tagapayo ng pananaliksik na nagpapahintulot sa pagsasakatuparin ng nasabing sulating pananaliksik. Kalakip nito ang kanyang lagda.

C. Abstrak kabuuan ng pananaliksik

D. Pagkilala/pasasalamat naglalaman ng pangalan ng mga taong nais kilalanin at pasalamatan dahil sa tulong na nagawa nila upang maging matagumpay ang pananaliksik.

E. Paghahandog kanino iniaalay ang pinaghirapang sulatin

F. Talaan ng Nilalaman nakatala ditto ang laman ng pag-aaral at pahina kung saan matatagpuan

G. Talaan ng pigura at talahanayan nakatala dito kung saan matatagpuan ang mga pigura, talahanayan, graf atbp na nakatala ayon sa bilang ng pagkasunud-sunod sa bahagi ng sulatin.

Mga Pangunahing Bahagi

Kabanata I. Ang Suliranin

A. Sanligan/Kaligiran ng Pag-aaral

Nagtataglay ng kaalaman hinggil sa konteksto/kalagayan ng suliranin

Nagpapaliwanag ng malawakang paglalarawan ng pag-aaral at bumabanggit ng mga sitwasyon o pahayag ng mga awtoridad kaugnay ng pag-aaral na isasagawa.

Binabanggit din dito kung bakit isasagawa ang pananaliksik, ang layunin nito at kung ano ang maaaring maitulong ng pananaliksik sa mga babasa nito.

B. Teoretikal / Konseptwal Freymwork

Teoretikal (deduction)

Nagsasaad ng teorya ng mga awtor na pinagbabatayan ng pag-aaral upang maipakita ang kaugnayan ng mga varyabol ng pag-aaral.

Nagpapaliwanag ng teorya na itinuturing na matibay na batayan ng pag-aaral. Ang mga awtoridad na nagbibigay ng mga ideya ay ginagamit na basehan ng pag-aaral.

Konseptwal (induction)

Nagsasaad ng konsepto ng mananaliksik o mga ideya niya hinggil sa pag-aaral na isinasagawa.

Ginagamit ng mananaliksik ang kanyang mahusay na paghihinuha upang ipakita ang tinatawag na batayan (input) tungo sa kalutasan ng anumang suliranin, ang proseso ng pagsasagawa at ang kalutasan o kalalabasan (output)

C. Paglalahad ng Suliranin

Nagsasaad ng direksyon upang masagot ang mga tiyak na katanungan.

Dito hinahati ang pangkalahatang suliraning sa mga ispesipikong suliranin na maaaring ipahayag ng patanong o pasalaysay.

Kabanata II. Disenyo at Pamamaraan

Pamaraan

Tinatalakay dito ang paraang ginamit sa pagsasagawa ng pananaliksik kung ito ay deskriptibo, historical o eksperimental.

Inilalahad din dito ang dahilan ng pagkakapili sa naturang paraan ng pananaliksik.

Pook at Populasyon

Inilalahad dito kung paano pipiliin (palabunutan, ayon sa edad, seksyon o lahat na lang ng madatnan atbp) ang mga respondent/tagasagot sa pag-aaral, gaano kalaki/karami ang bilang na isaalang-alang.

Paliwanag kung saan isasagawa at kung bakit ganoon ang pagkakapili ng mga respondent.

Instrumentong Gagamitin

Inilalahad ang detalye kung paano kolektahin ang mga datos, kung sa pamamagitan ba ng talatanungan, sarbey, panayam atbp.

Pagpapaliwanag sa instrumentong gagamitin at paano ito i-validate, paano ipamudmod.

Pagtrato sa mga Datos

Ipapaliwanag ang paraan ng pag-aanalisa ng mga nkalap na datos kung sa paraang pabahagdan o papuntos. Paliwanag sa ginamit na paraan.

Panghuling Bahagi

Bibliograpiya- Paalpabeto ang entri

Isulat sa tamang bibliographic entri batay sa pinakabagong pamantayan ng APA (American Psychological Association)

Apendiks