26
Mga Uri ng Pananaliksi k

Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

Mga Uri ng Pananaliksi

k

Page 2: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•May iba’t ibang uri ng pananaliksik ayon sa layunin. Maaari itong mauri sa tatlong kategorya: (1) basic, (2) action, at (3) applied na pananaliksik.

•Basic ang tawag sa agarang nagagamit para sa layunin nito. Makakatulong din ang resulta nito para makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan.

Page 3: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

Halimbawa ng basic research:

•Pananaliksik tungkol sa epekto ng haba ng oras na inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa kanilang paligid.

•Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga vandals sa Metro Manila

•Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na hinahangaan ng mga kabataan sa isang barangay.

Page 4: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Action research ay ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikasyong problema o masagot ang mga espesipikong problema o masagot ang mga espesipikong mga tanong ng isang mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan. Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng pananaliksik.

Page 5: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

Halimbawa ng basic research:

•Pananaliksik sa pinaka-epektibong bilang ng mga miyembro tuwing may pangkatang gawain ang inyong klase sa Filipino upang masigurong ang lahat ay tumutulong o nakikibahagi at natututo sa mga gawain

•Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng mga eksta-kurikular na mga gawain ng mga estudyante sa inyong paaralan sa kanilang academic performance

•Pananaliksik kung may epekto ba ang pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng mga estudyante sa ikalabing-isang baiting sa inyong paaralan.

Page 6: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Applied Research ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon

Page 7: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

• Halimbawa ng basic research:

•Pananaliksik kung paano nagaganap ang bullying sa isang paaralan

•Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baiting sa isang paaralan

•Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang mga kabataan sa isang komunidad.

Page 8: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

Mga Tip o Paalala

sa Pagpili ng Paksa

Page 9: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik. Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng matagumpay na sulating pananaliksik.

•Mahabang panahon ang ginugugol sa pangangalap ng datos kaya naman makabubuting napag-isipang mabuti ang paksang tatalakayin bago pa magkaroon ng pinal na desisyon.

Page 10: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo. Mahaba at mabusisi ang proseso ng pagbuo ng sulating pananaliksik. Kakain ito ng maraming oras mo at magiging mahalagang bahagi ng sumusunod na mga araw, lingo, at buwan sa iyong buhay. Kaya naman, mahalagang gusto mo o malapit sa iyong puso ang paksang pipiliin mo upang mapanatili ang interes at pagpupunyagi mong matapos ang sinimulan mo gaano man ito kabusising gawin.

Page 11: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Paksang marami kang nalalaman- May mga kabutihan ang pagpili ng paksang may malawak ka nang kaalaman sapagkat batid mo na kung saan ka kukuha ng mga gamit na kakailanganin mo sa pagbuo nito tulad ng mga aklat, datos, o mga taong eksperto sa nasabing paksa bago pa man simulan ang pananaliksik.

Page 12: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Paksang gusto mo pang higit na makilala o malaman- Madalas, may mga tao kang higit na gusto pang makilala o mga bagay na hindi gaanong alam at gustong-gusto mo sanang higit pang malaman o makilala.

Page 13: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Paksang napapanahon- Maraming kabutihang maidudulot ang pagpili ng mga paksang napapanahon. Magiging makabuluhan ang anumang magiging resulta ng iyong pananaliksik sapagkat magagamit ito ng nakararami dahil angkop o tumutugma ito sa kasalukuyang pangangailangan.

Page 14: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng mapipiling paksa ng mga kaibigan mo- Malaking bagay kung bago o naiiba ang mapipili mong paksa para maging kapaki-pakinabang ang mga bagong kaalamang ilalahad mo mula sa iyong mga bagong matutuklasan sa halip na pag-uulit lang sa kung anuman ang natuklasan ng ibang mananaliksik.

Page 15: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon- Tulad ng naunang nabanggit, sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay hindi dapat sa aklatan at sa Internet lang mangalap ng kagamitan at impormasyon.

Page 16: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Maaaring matapos sa takdang panahong nakalaan- Gaano man kaganda ang paksang napili mo kung hindi naman ito matatapos sa takdang panahon ay mawawalan din ng kabuluhan. Nararapat na alam ng mananaliksik ang haba ng panahong nakalaan para sa kabuoan ng gawain at saka niya ito hati-hatiin sa bawat bahagi upang matagumpay na matapos at maisumite ang gawain sa takdang araw ng pagpasa.

Page 17: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

Mga Hakbang sa

Pagpili ng Paksa

Page 18: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatinBago pa man simulan ang pagpili ng iyong paksa ay mahalagang malaman mo muna ang layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik para maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin.

Page 19: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Ang layunin ng gawaing ito ay maipamalas o ang kasanayan sa pananaliksik sa Filipino batay sa kaalaman sa oryentasyon, layunin gamit, metodo, at etika ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagbuo ng sulating pananaliksik patungkol sa mga paksang napapanahong magagamit ng mga guro at administrador ng paaralan sa pagpaplano at pagpapabuti ng mga programa at serbisyo ng paaralan para sa mga mag-aaral.

Page 20: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik- May mga gurong nagbibigay ng mga paksang maaaring pagpilian ng mga mag-aaral. Ang mga paksang ito ay nakaugnay sa mgal layunin.

Page 21: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

Pagsusuri sa mga itinalang ideya•Alin-alin sa mga ito ang magiging kawili-wiling gawin o saliksikin para sa iyo?•Bakit ka interesado?•Alin ang posibleng makatulong sa iba kapag naihanap ito ng kasagutan?•Alin ang alam na alam mo na? Alin ang gusto mo pang lalong makilala o mapalawak ang iyong kaalaman?

Page 22: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Alin ang maaaring mahirap ihanap ng kagamitang pagkukunan ng impormasyon?•Alin ang masyadong malawak at mahirap gawan ng pananaliksik?•Alin naman ang masyadong limitado o maliit ang sakop?•Alin ang angkop sa iyong antas at kakayanin mong tapusin sa itinakdang panahon?

Page 23: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Pagbuo ng tentatibong paksaMula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay matutukoy mo kung alin sa mga nakatala sa iyong papel ang maaari mong ipursige bilang paksa ng iyong sulating pananaliksik.

Page 24: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Paglilimita sa paksaMaaaring sa una’y malawak ang paksang mabubuo mo kaya’t kakailanganin mong limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin mong pananaliksik. Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi na matatapos sa takdang panahon at hindi maihahanap ng angkop na kasagutan.

Page 25: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Malawak o Pangkalahatang PaksaLabis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral

•Nilimitahang PaksaMga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko

• Lalo Pang Nilimitahang PaksaMga Dahilan sa Labiis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang Epekto Nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko

Page 26: Mga uri ng pananaliksik "filipino11"

•Malawak o Pangkalahatang PaksaPersipsiyon sa mga taong may tattoo sa katawan

•Nilimitahang PaksaPersipsiyon ng kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan

•Lalo Pang Nilimitahang PaksaPersipsiyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa katawan