38
Mga Uri ng Tayutay

Mga Uri ng Tayutay

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Uri ng Tayutay

Mga Uri ng Tayutay

Page 2: Mga Uri ng Tayutay

Tayutay Ito ay isang sinadyang

paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

Page 3: Mga Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad(Simile)Paghahambing sa dalawang

magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp. Ginagamitan ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.

Page 4: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a.Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.

b.Ang tao ay gaya ng halamang nararapat diligin

Page 5: Mga Uri ng Tayutay

2. Pagwawangis(Metaphor)

Isang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo atbp.

Page 6: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay.

b. Si Eugene ay isang ibong humanap ng kalayaan.

Page 7: Mga Uri ng Tayutay

3. Pagtatao(Personification)

Nagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay na walang talino. Pandiwa ang ginagamit dito.

Page 8: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. Lumuluha ang liham na natanggap ni Carlo.

b. Ang buwan ay nahiya at nagtago sa ulap.

Page 9: Mga Uri ng Tayutay

4. Eksaherasyon(Hyperbole)

Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao, bagay, pangyayari atbp.

Page 10: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.

b. Nabutas ang bambam ng tainga ni Popot dahil sa ingay.

Page 11: Mga Uri ng Tayutay

5. Paguyam(Sarcasm)

Ito ay mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay, tila kapuri-puring pangungusap ngunit sa tunay na kahulugan ay may bahid na pag-uyam.

Page 12: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil mo ng mga taghiyawat.

b. Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog maghapon.

Page 13: Mga Uri ng Tayutay

6. Paglilipat-wika

Ito ay gumagamit ng pang-uri upang bigyang paglalarawan ang bagay.

Page 14: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. Ang matalinong pluma ni Rizal ang nagbigay sa atin ng kalayaan.

b. Ang kanilang mapagpatuloy na tahanan ay kumanlong ng mga sugatan.

Page 15: Mga Uri ng Tayutay

7. Paglilipat-saklaw(Synecdoche)

Ito ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.

Page 16: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. Hiningi ni Carl ang kamay ng dalaga.

b. Sampung kamay ang nagtulung-tulong sa pag-aararo.

Page 17: Mga Uri ng Tayutay

8. Pagtawag(Apostrophe)

Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao.

Page 18: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. O, tukso layuan mo ako.

b. Pag-asa, halika rito at ako’y nalilito na sa mga problema.

Page 19: Mga Uri ng Tayutay

9. Tanong Retorikal

Isang pahayag na anyong patanong na hindi naman nangangailangan ng sagot.

Page 20: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. Hanggang kailan ba masusupil ang kasamaan na dulot ng ipinababawal na gamot?

b. Hahayaan ba nating malugmok sa kumunoy ng kahirapan ang ating bayan?

Page 21: Mga Uri ng Tayutay

10. Pagpapalit- tawag(Metonymy)

Pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.

a. Dapat nating igalang ang putting buhok.

b. Si Haring Garen ang nagmana ng korona.

Page 22: Mga Uri ng Tayutay

11. Pagdaramdam

Nagsasaad ito ng pangkaraniwang damdamin.

Page 23: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. Kailan lamang ay sumasayaw ka sa kaligayahan at punong-puno ng buhay,ngayon ay isa ka nang malamig na bangkay at ni bakas ng dati mong kasiglahan ay wala na akong makita.

Page 24: Mga Uri ng Tayutay

12. Tambisan(Antithesis)

Pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang mga salita.

Page 25: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :Siya ay isang taong sala sa

init,sala sa lamig ayaw ng tahimik ayaw rin ng magulo,nayayamot sa mayaman at nayayamot din sa mangmang,isang nakalilitong nilalang.

Page 26: Mga Uri ng Tayutay

13. Paghihimig(Onomatopoeia)

Naipahihiwatig dito ang kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.

Page 27: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. Dumagundong ang malakas na kulog na sinun dan ng pagguhit ng matatalim na kidlat

b. Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak.

Page 28: Mga Uri ng Tayutay

14. Pag-uulit(Alliteration)

Ang uting ito ay gumagamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit pang salitang ginagamit sa isang pangungusap.

Page 29: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa : a. Napalayo siya at naligalig sa nagawa

niyang napakabilis na pagpapasyang nakalikha ng pagkabalisa sa pusong umiibig.

b. Lumingap si Romy sa kapaligiran, lumakad ng ilang hakbang, lumingon sa pinanggalingan at nagdudumaling lumabas sa lumang gusaing mahabang panahon ding naging bilangguan ng kanyang yayat na katawan.

Page 30: Mga Uri ng Tayutay

15. Pagtanggi(Litotes)

Gumagamit ang pagpapahayag ng salitang “hindi” uapng maipahiwatig ang lalong makahulugang pagsangayon sa sinasabi ng salitang sumusunod.

Page 31: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a. Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit ipinamalita niya ang pagtatapat sa kanyang lihim ng matalik niyanng kaibigan.

b. Si Raul ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan.

Page 32: Mga Uri ng Tayutay

16. Salantunay(Paradox)

Pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.

Page 33: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a.“Kapagka ang tao sapul na ay tamad”

b. “Madaling tahakin landas ng pag-unlad”

Page 34: Mga Uri ng Tayutay

17. Pangitain(Vision imagery)

Naglalarawan sa mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita sa nagsasalita.

Page 35: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa :

a.“ Sa sinapupunan ng konde Adolfo

b. “Aking natatanaw si Laurang sinta ko”

Page 36: Mga Uri ng Tayutay

18. Paghahalintulad(Analogy)

Tambalan ng pagtutulad; ipinahahayag ng paghahalitulad ng magkatulad ng isang kaugnayan.

Page 37: Mga Uri ng Tayutay

Halimbawa:

a.“Ang tingin ng paruparo sa bulaklak

b.“Damdamin ng binata sa dalaga ang katulad”

Page 38: Mga Uri ng Tayutay

THE END