Mga Uri ng Liham Pangangalakal

  • Upload
    rs

  • View
    3.453

  • Download
    34

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    1/26

    Liham Pangangalakal

    Isang PagtalakayG. Allan A. Ortiz

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    2/26

    • Basahin ang batayang liham sa PlumaIV p. 95

    • Matapos ay sagutin ang mga tanong sap. 96

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    3/26

    • Ang liham pangangalakal ay liham naginagamit sa mga tanggapan at samundo ng kalakalan. Ito aymahalagang isntrumento ng

    komunikasyon sa pagitan ng mgamangangalakal at ng kanilang mgakostumer o iba pang taong nais

    makipagsapalaran sa kanila.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    4/26

    Bahagi ng Liham

    Pangangalakal• Pamuhatan – nagsasaad ito ng tinitirhan ngsumulat at petsa nang sulatin ang liham.

    • Patunguhan – ito ang tumatanggap ng liham.

    • Bating panimula – ito ay ang magalang na pagbatina maaaring pinangungyunahan ng Ginoo, Ginang,Binibini, Mahal na Ginoo, Mahal na Ginang, oMahal na Binibini. Mahalaga na angkop sa taongpadadalhan ang liham ang bating panimula na

    ginagamit.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    5/26

    Bahagi ng Liham

    Pangangalakal• Katawan ng Liham – ito ay naglalaman ngpinakamahalagang mensahe na nais ipabatid ngsumulat sa sinulatan. Kumbaga sa pagkain, ito angsustansya na mahalagang makuha natin.

    • Bating Pangwakas – kung mayroon batingpanimula, mayroon ding bating pangwakas. Ito ayang bahagi ng pamamaalam ng sumulat. Ito aynagtatapos sa kuwit (,).

    • Lagda – ito ang buong pangalan at lagda ngsumulat.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    6/26

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    7/26

    Mga dapat tandaaan sa

    pagsulat ng liham:• Gamitin/Isulat ang pangalan ng buwan• Halimbawa:• Wasto Disyembre 5, 2009• Mali – 12/05/09

    • Gamitin/Isulat ang petsa sa halip ng ngalan ng araw.• Wasto – Oktubre 5, 2007• Mali - Lunes• Maging maingat sa kawastuhan ng anumang isinusulat na

    liham.• Kinakailangang maging tiyak ang nilalaman ng liham.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    8/26

    Mga dapat tandaaan sa

    pagsulat ng liham:• Kailangang taglay ng liham ang sumusunod na katangian:• Malinaw (clear) – ang pagiging malinaw ng isang liham ay

    nakikita sa kung paano pinagsusunud-sunod ang mga ideya.Ang isang liham ay hindi dapat na maging mahaba omaligoy. Higit na epektibo ang maikling pangungusap.Laging tandaan na ang kasimplehan ay daan sa madalingpagkaunawa.

    • Wasto (correct) – laging isaisip na anumang liham ay dapatmagtaglay ng angkop at tiyak na impormasyon. Mahalaga nawasto ang bawat pahayag o sinasabi ng liham. Kasama rinsa kawastuhan ang tamang paggamit ng mga bantas.

    • Buo ang kaisipan (complete ideas) – buo at sapat ang mgaimpormasyon ng isang liham ay nakatutulong upang magingbuo ang kaisipan at ideya na nais ipabatid nito.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    9/26

    Mga dapat tandaaan sa

    pagsulat ng liham:• Magalang (courteous) – maging magalang sa anumang uri ngliham na isinusulat. Ang mga salitang nagpapahayag ngpaggalang lalo na kung wala kang sapat na kaalaman ohhindi mo gaanong nakikilala ang taong iyong sinusulatan aymahalaga.

    • Maikli (concise) – ang bawat salitang ginagamit sa liham aynakatutulong sa pagbabatid ng nais sabihin. Iwasan angpaglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan at hindinakatutulong sa nais mong sabihin.

    • Kombersasyonal (conversational) – mahusay angpagkakasulat ng isang liham kung ang bumabasa nito ay

    parang personal na kausap ng sumusulat. Upang higit namaging epektibo ang pagkakaunawaan, sinasabi sa paraangnatural ang mga nais sabihin.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    10/26

    Uri ng mga Liham• Liham-Pagtatanong – ay liham na nagtatanong ngmga presyo , akomodasyon, basiko, at panlahatna impormasyon na ipinagkakaloob ng isanginstitusyon, organisasyon, o opisina. Humihingi

    ang liham na ito ng madaliang katugunan.Ang liham na ito ay dapat magtaglay ng ss:- Malinaw at di maligoy na pagtatanong o

    mpagsisiyasat- Paliwanag sa layunin ng pagtatanong o pagsisiyasat

    - Paglakip ng sobreng may pangalan at tirahan nglumihiham

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    11/26

    Uri ng liham

    • Liham na nag-aanyaya sa panauhingpandangal/tagapagsalita

    Ang liham na ito at dapat magtaglay ng ss:

    - Okasyon at layunin ng pagtitipon

    - Paksa o tema ng pagtitipon- Petsa, lugar, oras at namamahala sa okasyon

    (maaaring maglakip ng direksyon ng lugar kung angsusulatan ay hindi pamilyar sa lugar)

    - Dahilan ng pag-anyaya- Paghiling na mabatid angt desisyon ng

    inaanyayahan sa lalong madaling panahon.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    12/26

    Uri ng liham• Liham na humihingi ng pahintulot

    ang liham naito ay dapat magtalay ngss:

    - Ang suliranin o layunin ng humihiling

    - Magiging epekto ng pagtugon sakahilingan

    - Pagpukaw sa damdamin ng hinihilinganupang mapapayag sa kahilingan

    - Pasasalamat

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    13/26

    Uri ng mga Liham• Liham ng pag-aaplay ng Trabaho – kapag sumusulat

    ng liham ng pag-aaplay, mahalagang tandaang maymakasasabay ring liham ng iba pang mga aplikanteang iyong liham. Mababasa ang mga ito ng isangtaong sanay bumasa at sumala ng liham. Mahalaga

    na makuha agad ng liham mo ang kanyang atensyonupang mabigyan ka ng pagkakataong matawag parasa isang panayam o interview.

    • tinatawag din itong cover letter . Ito ay isang liham

    na tila “nagbebebnta ng sarili.” Naglalahad ito kungano ang inyong maibabahagi sa isang kompanya,kung ang naghahanap ng trabaho ay nararapat, okung ikaw ang sasagot sa hinahanap na empleyadong kompanya.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    14/26

    Liham ng pag-aaplay na

    dapat taglayin• Ang titulo ng trabaho o posisyong inaaplayan atkung paaano nalaman ang tungkol sa posisyon

    • Buod ng kwalipikasyon ng taong nag-aaplay:

    - Gulang- Natapos na kurso o antas ng pinag-aralan

    - Paaralan kung saan nagtapos

    - Mga karanasang kaugnay ng inaaplayan

    - Mga nagawang nakalinang sa inyong kakayahan

    - Natatanging galing o kaalaman

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    15/26

    Uri ng Liham• Liham-Kahilingan o Pag-order – isang liahm na nagsasabi kung

    ano ang ino-order o hinihiling sa isang institusyon,organisasyon, o opisina. Mahalaga na ang liham na ito aynagbibigay ng eksaktong deskripsyon ng bagay, laki o dami,kulay presyo, at iba pa. Importanteng isinasaad sa liham angparaan ng pagkuha at paghahatid ng aytem o bagay at kung

    paano gagawin ang sistema ng pagbabayad.• Dapat taglayon ng liham:

    • Suliranin o layunin ng hinihiling

    • Magiging epekto ng tugon sa kahilingan

    • Pagpukaw sa damdamin ng hinihilingan upang mapapayag ito sa

    kahilingan• Pasasalamat.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    16/26

    Uri ng mga Liham• Liham-Karaingan - ito ay isang liham na

    naglalahad ng karaingan o reklamo ng isang taona direktang naapektuhan ng isang pangyayari.

    May mga taong nagrereklamo sa produktongnabili, tulad ng pagkain, damit, sapatos, at ibapa; maging s amga programa, komersyal satelebisyon, at sa mga balita sa dyaryo (Liham saPatnugot) Mahalagang magkaroon ng matibay nadahilan at ebidensya sa pagrereklamo.

    • Liham-Pasasalamat – isang liham na naglalahad ngpasasalamat sa isang tao o sa isang institusyon,organisasyon, o opisina.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    17/26

    Pagsasanay 1• Panuto: Isulat kung saang uri ng liham mababasa ang mga

    sumusunod na pahayag. Gawin sa kalahating bahagi ng papel.

    1. Ako po ay labing-anim na taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Mataas na paaralang Magsaysay.

    2. Dito po sa aming pook ay napakaraming mga kabataangtumigil sa kanilang pag-aaral. Kadalasa’y maghapon silangnakaistambay sa kalye kaya hindi maiwasang sila ang karaniwangpinagmumulan ng gulo.

    3. Nais ko pong ipaabot sa inyong tanggapan ang pasasalamatdahil sa pagtalakay ninyo sa karagdagang buwis na nais ipatawng pamahalaan sa mga alak at sigarilyo. Panahon na upangmamulat ang ating mga mamamayan sa iba’t ibang sakit na dulotng mga bisyong ito. Kung mataas nga naman ang presyo’y siguradong magdadalawang-isip na silang bumili.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    18/26

    • 4. Kayo po ang napili naminganyayahan dahil batid po namin ang

    inyong kakayahan at lawak ngkaranasan sa paksang tungkol sa mgabatas sa paggawa.

    • 5. Nais po sana naming magamit angsilid-aralan upang pagdausan nghalalan para sa kinatawan ng

    samahang Gabay ng Wika.

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    19/26

    Anyo ng Liham

    Pangangalakal• Ganap na blak (Full block style) ________ ________ ________

     ________ ________ ________

     ________:

     __________________________ 

     __________________________  __________________________  __.

     ________,

     ______________

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    20/26

    Anyo ng Liham

    Pangangalakal• Semi-blak (Semi-block style) ________ ________ ________

     ________ ________ ________

     ________:

     ______________________ 

     ________________________________  __________________________.

     ________________________________  ________________________________  ________________.

     ________,

     ______________

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    21/26

    Anyo ng Liham

    Pangangalakal• Modifayd blak ( Modified blockstyle)  ________

     ________ ________

     ________ ________ ________

     ________: __________________________  __________________________  __________________________ 

     __. __________________________  __________________________  __________________________  __.

     ________,

     ______________

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    22/26

      Tanza, CaviteMayo 15, 2006

    LibrarianAteneo De Manila UniversityLoyola Hieghts, Quezon City

    Sa kinauuulan:

    Magandang araw.

    Ako po ay mag-aaral ng Elizabeth Seton School nagumagawa ng isang pag-aaral at pananaliksik tungkolsa wika. Humihingi po ako ng pahintulot na makagamitng inyong silid-aklatan upang makapagsaliksik ngilang pag-aaral kaugnay sa aking paksang pinag-aaralan.

    Lubos po akong umaasa na pauunlakan ninyo angaking kahilingan. .

    Gumagalang,

    Marlon Secis

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    23/26

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    24/26

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    25/26

    Paglalagom• Bakit mahalagang matutuhan anghakbang sa pagsuslat ng liham

    pangangalakal?• Bakit kailangang humihingi ng permiso

    sa kinauukulan bago isagawa ang

    pangangalap ng datos para sa sulatingpananaliksik?

    P s s lit

  • 8/9/2019 Mga Uri ng Liham Pangangalakal

    26/26

    Pagsusulit