15
Pagsulat ng Malikhaing Di- Piksyon na Liham

Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

  • Upload
    scps

  • View
    698

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

Pagsulat ng

Malikhaing Di-

Piksyon na

Liham

Page 2: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

Pamuhatan

Bating Panimula

Katawan ng Liham

Bating Pangwakas

Lagda

Page 3: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

• Nagsasaad ng lugar na pinagmulan ng liham at

ng petsa kung kailan ito isinulat.

#123 Brgy. Puting Tubig,

Gapan City, Nueva Ecija

Enero 14, 2005

Pamuhatan

lugar

petsa

Page 4: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

Bating Panimula• Nagsasaad ng pangalan ng sinulatan.

• Nagtatapos ito sa kuwit.

Halimbawa:

Mahal kong kaibigan,

Mahal kong kapatid,

Mahal kong Ben,

Mahal kong Almira,

Page 5: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

Katawan ng Liham• Dito nakasaad ang nilalaman o nais ipabatid ng

sumulat.

• Dito ipinahahayag ang tunay na dahilan ng pagsulat.

Halimbawa:

Sana masaya ka ngayong kaarawan mo. Saka ko

na lang po kayo bibigyan ng regalo sa pagdalaw ko

dyan. Sana maging masaya ang party kung may party

kayo.

Maligayang kaarawan po.

Page 6: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

Bating Pangwakas• Kakikitaan ng relasyon ng taong sumulat sa

sinulatan.

• Ang huling bati ng sumulat.

• Ito ay nagtatapos sa kuwit.

Halimbawa:

Ang iyong kaibigan,

Ang iyong kapatid,

Nagmamahal,

Page 7: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

Lagda

• Nagsasaad ng pangalan ng sumulat.

• Kung ang ating sinulatan ay isang kaibigan o

dating kakilala, maaaring pangalan o palayaw

na lamang ang ating ilagda.

Halimbawa:

Carlo

Magdalena

Page 8: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham
Page 9: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

•Ang Personal na Liham ay karaniwan na nagbabalitaan, nangungumusta,nag-aanyaya, bumabati sa isang nagwagi o may kaarawan at nakikiramaysa isang namatayan.

Ang Personal na Liham

Page 10: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

•Liham na naglalahad ngmasidhing emosyon ng may akda. Ipinaparating sa taongsinusulatan ang kanyangkasalukuyang nararamdamanat ang mga bagay na kanyangnapagtanto sa buhay.

Liham naPangdamdamin

Page 11: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

• Ito ay uri ng liham na pinakamadalas sulatin. Sa liham na ito ay ating ipinababatid sa mgakaibigan o mahal sa buhay ang mga balita, o anumang pangyayaring nais nating malamannila tungkol sa atin. Nararapat kung gayon namaging masigla, kawili-wili, at parangnakikipag-usap lang ang tono ng liham na ito.

Liham ng Pagbabalita

Page 12: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

• Liham na nagsasaad ng paanyaya sa isangmahalagang okasyon o pagtitipon. Nakalahad sa liham ang mahahalagangdetalye ng okasyon tulad ng kung ano ito, kailan at saan magaganap. Madalasinilalagay rin ang uri ng kasuotanginaasahan gayundin ang direksyonpapunta sa lugar ng okasyon.

Liham Paanyaya

Page 13: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

• Isang mabuting kaugalian ang pagpapadala ng ganitong uri ng liham upang matiyak ng nag-aanyaya kung ilang bisita ang aasahan niya sa pagtitipon. Nakasaad dito ang pagtiyak sa pagdalo at kung ilan silang dadalo.

Liham Pagtatanggap

Page 14: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

• Isa ring kabutihang-asal ang pagpapahayag ng pagtanggi sa isang paanyaya kung sadyang hindi makadadalo upang hindi umasa ang nag-aanyaya na dadalo ang inaanyayahan. Magalang na ilahad ang dahilan sa pagtanggi upang ito’y maunawaan ng nag-aanyaya.

Liham Pagtanggi

Page 15: Malikhaing Di Piksyon na Pagsulat ng Liham

• Liham na nagsasaad ng pakikiisa sakalungkutan o nararamdaman ngsinusulatan. Karaniwan itong isinusulat parasa namatayan.

Liham Pakikiramay

Liham na nagsasaad ng paghingi ng tawad o dispensa sa pagkakamaling nagawa sinasadya man o hindi. Kasabay nito ang pangakong iiwasang maulit pa ang naging pagkakamali.

Liham Paumanhin