23
Pagsulat ng Liham- Pangangalakal

Liham pangangalakal

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Liham pangangalakal

Pagsulat ng Liham-

Pangangalakal

Page 2: Liham pangangalakal

Liham Pangangalakal

Ang bawat mag- aaral ay kinakailangang matutong sumulat ng liham- pangangalakal kahit na siya ay nasa ikaanim na baitang pa lamang. Nararapat lamang na magamit niya ang wastong sangkap ng isang liham- pangangalakal.

Page 3: Liham pangangalakal

Liham- PangangalakalUmoorder ng mga bagay

Humihingi ng tulong

Nag- aaplay ng trabahonagtatanong

Page 4: Liham pangangalakal

Ang liham- pangangalakal ay isinusulat kung umuorder bg ga bagay na gagamitin o ititinda, humihingi ng tulong, nag- aaplay ng trabaho, o nagtatanong.

Page 5: Liham pangangalakal

Liham- Pangangalakal vs Liham- PangkaibiganLiham- Pangangalakal Liham- Pangkaibigan

Pormal ang tono ng pananalita Impormal o magaan ang pananalita

Sinusulat upang makapag- ugnayan sa mga tanggapan o opisina

Isinusulat kung umoorder na mga bagay na gagamitin o ititinda, humihingi ng tulong, nag- aaplay ng trabaho, o nagtatanong.

Karaniwan na nagbabatian, nangungumusta, nag- aanyaya

Deretso ang pagsulat Paligoy- ligoy

Page 6: Liham pangangalakal

Iba’t- Ibang Uri ng Liham- Pangangalakal

1. Liham na humihingi ng gawaing mapapasukan2. Liham ng sukripsiyon o order ng mga magasin o

aklat sa tindahan3. Liham na bumibili o nagbibili ng produkto

Page 7: Liham pangangalakal

Ang mga mag- aaral sa Mababang Paaralan ng Kanlurang Sentral ay nagkasundo na magpalabas ng unang isyu ng pahayagang pampaaral, Ang Tinig. Nagtutulong- tulong silang makabuo ng isang liham na ipapadala sa isang palimbagan. Hangarin nilang humingi ng pahintulot na makamasid at makakuha ng mga kaalamang kakailanganin sa paglulunsad ng isang pahayagang pampaaralan.

Ang Tinig

Page 8: Liham pangangalakal

Mababang Paaralan ng Kanlurang Sentral

Poblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos SurIka- 23 ng Pebrero, 2016

G. Liham PatnugotEditor-in-ChiefCentral Publishing HouseCol. SF Reyes AvenuePob. Norte, Sta. Maria

Ginoong Patnugot:Ang bumubuo po ng Samahan ng Diwa at Panitik ng aming paaralan

ay interesadong magkaroon ng kaalaman sa ilang bagay tungkol sa paggawa ng pahayagan. Nais po naming humingi ng kapahintulutang bumisita sa inyong palimbagan upang makita ang ilang bagay tungkol sa paglilimbag ng pahayagan. Kayo na po ang bahalang magtakda ng araw at oras kung kailan kami maaaring magtungo riyan.

Lubos na gumagalang,

Mikael Ruiz Kalihim

pamuhatanpatunguhan

bating panimula

katawan ng liham bating pangwakas

lagda

Page 9: Liham pangangalakal

Anong uri ng samahan ang “Samahang Diwa at Panitik”?

Anong proyekto ang ilulunsad ng samahan?

Sa palagay mo, ano- anong kaalaman ang maaring matutuhan ng mga bata sa pagbisita sa palimbagan?

Makatutulong ba sa mga bata ang pagbisita sa palimbagan?

Magalang ba ang pagkakasulat ng liham? Patunayan.

Basahing muli ang liham. Ano- anong bahagi ang sangkap nito?

Page 10: Liham pangangalakal

Sangkap ng Liham- Pangangalakal

a. Pamuhatanb. Patunguhanc. Bating panimulad. Katawan ng lihame. Bating pangwakasf. Lagda

Page 11: Liham pangangalakal

1. Pamuhatan- ito ang bahaging katatagpuan ng tirahan o tanggapan ng sumulat at petsa kung kailan isinulat.

Mababang Paaralan ng Kanlurang SentralPoblacion Sur, Sta. Maria, Ilocos SurIka- 23 ng Pebrero, 2016

Malaking Titik BantasSimula ng ngalan ng bayan/lalawigan/lungsod at ngalan ng kalye

kuwit (,)sa pagitan ng bayan at lalawigan; distrito at lungsod

kuwit (,) sa pagitan ng petsa at taon

Page 12: Liham pangangalakal

2. Patunguhan- naglalarawan ito ng tirahan o lugar ng sinusulatan, ang pangalan ng bahay- kalakal, ang kalye, lungsod at bilang ng zipcode

G. Liham PatnugotEditor-in-ChiefCentral Publishing HouseCol. SF Reyes AvenuePob. Norte, Sta. Maria

Malaking Titik Bantas

Simula ng magagalang na pantawag sa tao; tanging ngalan ng tao; katungkulan at ang address

tuldok (.)sa dinaglat na magalang na pantawag sa tao.

kuwit (,) sa pagitan ng bayan, lalawigan at lungsod.

Page 13: Liham pangangalakal

3. Bating panimula- isinusulat sa kaliwang gilid sa ibaba ng patunguhan. Gumagamit ng pormal na magagalang na salita tulad ng G., Gng., at iba pa

G. Patnugot:

Malaking Titik Bantas

Simula ng magagalang na pantawag sa tao

tuldok (.) sa dinaglat na magalang na pantawag sa tao.Tutuldok (:) pagkatapos ng bating panimula

Page 14: Liham pangangalakal

4. Katawan ng Liham- ito ang naglalaman ng mensahe. Nasa pagitan ng bating pambungad at bating pangwakas

Ang bumubuo po ng Samahan ng Diwa at Panitik ng aming paaralan ay interesadong magkaroon ng kaalaman sa ilang bagay tungkol sa paggawa ng pahayagan. Nais po naming humingi ng kapahintulutang bumisita sa inyong palimbagan upang makita ang ilang bagay tungkol sa paglilimbag ng pahayagan. Kayo na po ang bahalang magtakda ng araw at oras kung kailan kami maaaring magtungo riyan.

Malaking Titik Bantas

Simula ng bawat pangungusaptuldok (.) sa dulo ng bawat pangungusap.

Simula ng bawat bagay na iordertuldok (.) sa kasunod ng bilang sa talaan ng inorder

Page 15: Liham pangangalakal

5. Bating Pangwakas- ito ang pamamaalam ng sumulat. Gumagamit ng pormal na pananalita tulad ng Lubos na gumagalang, Lubos na gumagalang, Lubos na nagpapasalamat, Sumasainyo.

Lubos na gumagalang,

Malaking Titik Bantas

Simula ng bating pangwakas kuwit (,) sa dulo ng bating pangwakas

Page 16: Liham pangangalakal

6. Lagda- pagpapakilala kung sino o kanino nanggaling o nagsimula ang liham. Minsan inilalagay ang katungkulan ng sumulat.

Mikael Ruiz Kalihim

Malaking Titik BantasSimula ng pangalan ng sumulatSimula ng katungkulan ng sumulat

Page 17: Liham pangangalakal

Basahin ang sumusunod ng liham- pangangalakal. Alamin ang uri at tukuyin ang mga bahagi/sangkap nito.

Mababang Paaralan ng Santa MariaKalye Burgos, Santa MariaIka- 23 ng Pebrero, 2016

Gng. Florencia SabongFlorence Flower ShopCol. S.F. Reyes AvenueSanta Maria, Ilocos Sur

Gng. Reyes:Mangyari lamang pong padalhan ninyo kami ng sumusunod na mga bulaklak na aming kailangan sa

pagtatapos sa Marso 11, 2016.2 dosenang Gladiolang dilaw2 dosenang putting rosasKalakip po rito ang money order na limandaang piso (Php500.00). Ang karagdagang kabayaran ay

ibibigay po pagkatanggap ng mga bulaklak.

Sumasainyo,

Hermia TanPresidente, Ikaanim na Baitang

1

Page 18: Liham pangangalakal

Brgy. PoblacionKalye Burgos, Santa MariaIka- 23 ng Marso, 2016

G. Roberto S. SebastianBEA Laboratories, Inc.63 Marcos Hi-wayVigan, Ilocos Sur

Ginoong. Sebastian:Nabasa ko po ang inyong patalastas sa pahayagan na nangangailangan kayo ng utility

boy na magdadala ng inyong mga produkto sa ng mga suki ninyong tindahan. Nais ko pong mag- aplay sa posisyong ito ngayong bakasyon. Malaking tulong po sa akin kung tatanggapin ninyo ako sa trabahong ito. Anumang oras ay handa po akong makipagkita sa inyo para sa interbyu.

Kalakip po nito ang aking biodata. Inaasahan ko po ang inyong pagtugon.

Lubos na gumagalang,

Rodel Santiago

2

Page 19: Liham pangangalakal

Ano- ano ang isinulat sa dakong itaas ng kanang bahagi ng liham?Ano- ano ang inilalagay sa itaas ng bating panimula ng liham?Ano ang nilalaman ng talataan pagkatapos ng bating panimula?Paano winakasan ang liham?Paano nagkakaiba ang bating panimula ng liham- pangangalakal sa ibang uri ng liham na iyong nabasa, nagawa o naisulat?Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng bating pangwakas?/bating panimula?Magalang ba ang mga salitang ginamit sa liham?

ALAMIN:

Page 20: Liham pangangalakal

Magbigay ng mga halimbawa ng pahayag na maaaring gamitin sa mga sumusunod na bahagi ng liham- pangangalakal.

SABIHIN:

Bating Panimula Bating Pangwakas1.

2.

3.

Page 21: Liham pangangalakal

Tukuyin kung anong bahagi/sangkap ng liham- pangangalakal ang sumusunod:

1. Lubos na gumagalang,2. Ginoo:3. Sangguniang Kabataan ng Triangulo Triangulo, Lungsod ng Naga Ika- 28 ng Pebrero, 20164. Juan Mendoza Chairman5. Ang Sangguniang Kabataan po ng Triangulo ay nagkaisang magtayo ng isang maliit na silid- aklatan. Upang maisakatuparan ang layuning ito, minarapat po naming humingi ng tulong sa inyo.

Page 22: Liham pangangalakal

6. Dakila Publishing House, Inc. 839 P. Santos Road Lungsod ng Makati7. Lorna P. Sanchez Brgy. Sto. Tomas Alaminos, Pangasinan8. Ginoong Patnugot:9. Kgwd. Honorato Bantay Brgy. Poblacion10. Sumasainyo11. Nais po naming magpadeliber ng sumusunod: 3 kahon ng ballpen

6 kahon ng scotch tape

Page 23: Liham pangangalakal

Pansinin at sabihin kung tama ang pagkakasulat. Kung hindi ay iwasto ang mali.

Paaralang Elementarya ng Sta. MariaPob. Sur, Sta. MariaIlocos Sur

Sumasainyo,Riona SomeraPanguloIkaanim na Baitang

Mangyari pong padalhan ninyo kami ng 100 sipi ng “Wikang Filipino para sa Ikaanim na Baitang, Batayang Aklat.” Ang nasabing aklat ay babayaran pagkahatid sa paaralan.

Ginoo:West Publishing House270 Madison St.Bayan ng santa Maria