15
MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Isang Malusog na Bibig LEARNING TOOLS 1. Artikulo - Ang Isang Malusog na Bibig ay Isang Masayang Bibig 2. Spring 2014 Newsletter - Pagpapanatili ng Malusog na Bibig 3. Mabilis na mga Tip sa Pagtulong sa mga Indibidwal para Magpanatili ng Malusog na Bibig 4. Mabibilis na Tip para sa Pagkakaroon ng Malusog na Bibig 5. Healthy Bigib Checklist 6. Plan ng Malusog na Bibig 7. Mga Video ng Malusog na Bibig: Isang Pagpapatingin sa Dentista Pagsisipilyo ng Ngipin Pagpo-floss ng Ngipin Bakit Magsisipilyo at Magpo-floss Plan sa Ngipin at Survey ng Malusog na Bibig PANGKALAHATANG IMPORMASYON Ang SafetyNet Learning Tools ay idinisenyo para tumulong sa pagbibigay ng impormasyon sa isang partikular na paksa at para gamitin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. Ang Learning Tools na ito ay maaaring gamitin sa panahon ng isahang pakikipag-usap sa isang indibidwal, o sa maliit at malalaking grupo. Bago mag-umpisahan ang sesyon ng pag-aaral, dapat repasuhin ng tagapagtanghal ang lahat ng SafetyNet Learning Tools na nasa paksa. Makakakita ang tagapagsanay ng karagdagang materyales sa loob ng mga link na ibinibigay sa SafetyNet Article at Newsletter. BAGO ANG PAGSASANAY Ang tagapagtanghal ay dapat: Isaayos ang sapat na oras at kumportableng espasyo para sa pagsasanay at talakayan. Isaayos ang anumang kagamitang kinakailangan, tulad ng laptop at projector. I-set up ang kinakailangan na kagamitan. Mag-print o magpa-photocopy nang sapat na mga materyales para sa bawat indibidwal para magkaroon ng sarili nilang kopya. PAGSASANAY Ang tagapagtanghal: Ipinapakita ang slide show. Pinamumunuan ang mga talakayan ng nilalaman at hinihikayat ang bukas na komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay ang impormasyon sa bawat isa ng mga handout. Nagtatanong ng mga katanungan para alamin ang pagkakaunawa. Nagpa-follow up sa karagdagang repaso at talakayan kung kinakailangan. Nagkakaloob ng pagsasanay sa maramihang sesyon para matiyak ang sapat na nasasaklawan at pagkakaunawa sa paksa.

MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING TOOLS Paksa: Isang Malusog na Bibig

LEARNING TOOLS

1. Artikulo - Ang Isang Malusog na Bibig ay Isang Masayang Bibig 2. Spring 2014 Newsletter - Pagpapanatili ng Malusog na Bibig 3. Mabilis na mga Tip sa Pagtulong sa mga Indibidwal para Magpanatili ng Malusog na

Bibig 4. Mabibilis na Tip para sa Pagkakaroon ng Malusog na Bibig 5. Healthy Bigib Checklist 6. Plan ng Malusog na Bibig 7. Mga Video ng Malusog na Bibig:

Isang Pagpapatingin sa Dentista Pagsisipilyo ng Ngipin Pagpo-floss ng Ngipin Bakit Magsisipilyo at Magpo-floss Plan sa Ngipin at Survey ng Malusog na Bibig

PANGKALAHATANG IMPORMASYON

Ang SafetyNet Learning Tools ay idinisenyo para tumulong sa pagbibigay ng impormasyon

sa isang partikular na paksa at para gamitin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman.

Ang Learning Tools na ito ay maaaring gamitin sa panahon ng isahang pakikipag-usap sa

isang indibidwal, o sa maliit at malalaking grupo.

Bago mag-umpisahan ang sesyon ng pag-aaral, dapat repasuhin ng tagapagtanghal ang

lahat ng SafetyNet Learning Tools na nasa paksa. Makakakita ang tagapagsanay ng

karagdagang materyales sa loob ng mga link na ibinibigay sa SafetyNet Article at

Newsletter.

BAGO ANG PAGSASANAY

Ang tagapagtanghal ay dapat:

Isaayos ang sapat na oras at kumportableng espasyo para sa pagsasanay at talakayan.

Isaayos ang anumang kagamitang kinakailangan, tulad ng laptop at projector. I-set up ang kinakailangan na kagamitan. Mag-print o magpa-photocopy nang sapat na mga materyales para sa bawat

indibidwal para magkaroon ng sarili nilang kopya. PAGSASANAY

Ang tagapagtanghal:

Ipinapakita ang slide show.

Pinamumunuan ang mga talakayan ng nilalaman at hinihikayat ang bukas na komunikasyon.

Nirerepaso at tinatalakay ang impormasyon sa bawat isa ng mga handout.

Nagtatanong ng mga katanungan para alamin ang pagkakaunawa.

Nagpa-follow up sa karagdagang repaso at talakayan kung kinakailangan.

Nagkakaloob ng pagsasanay sa maramihang sesyon para matiyak ang sapat na nasasaklawan at pagkakaunawa sa paksa.

Page 2: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

ANG MALUSOG NA BIBIG AY ISANG MASAYANG BIBIG !

Kapag may malusog kang bibig, maganda ang pakiramdam mo tungkol sa iyong bibig – sa iyong mga ngipin at gilagid – at tungkol sa iyong sarili!

Ang malusog na bibig ay:

Maganda ang pakiramdam!

Maganda ang panglasa!

Maganda ang amoy!

Magandang tingnan!

Kapag ikaw ay may hindi malusog na bibig, maaari kang magkaroon ng:

Mabahong hininga

Sumasakit na mga ngipin

Nahihirapang ngumuya

Masamang panlasa sa iyong bibig

Mga gilagid na sumasakit, mapupula, o nagdurugo

Sira, umuuga o nangingitim na mga ngipin

Ang isang hindi malusog na bibig ay kadalasang may isang bagay na tinatawag na ‘plaque’ (sinasabing parang "plak"). Ang plaque ay dumidikit sa iyong mga ngipin. Binubuo ito ng mga mikrobyo na nananatili sa ibabaw at pagitan ng iyong mga ngipin at gilagid. Kadalasang hindi mo ito nakikita, ngunit masama ito sa mga ngipin at gilagid. Mas matagal na nananatili ang plaque sa mga ngipin mo, mas nakakapinsala ang nagagawa nito.

Kailangan mong panatilihing malinis at walang plaque ang iyong mga ngipin at gilagid. Kung madumi ang iyong mga ngipin at may plaque, magkakaroon ka ng hindi malusog na bibig.

Para magkaroon ng malusog na bibig, sundin ang tatlong simpleng hakbang na ito:

1. Sipilyuhin ang iyong mga ngipin nang dalawang beses kada araw

2. I-floss ang iyong mga ngipin minsan sa isang araw; at

3. Magpatingin sa iyong dentista nang kahit minsan sa isang taon

Page 3: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

2

1. Sipilyuhin ang iyong mga ngipin nang dalawang beses kada araw

Ang regular na pagsisipilyo ng ngipin ay nakakatulong panatilihing malinis at walang plaque ang iyong bibig. Para sipilyuhin ang iyong mga ngipin, kakailanganin mo ng: Isang malambot na sipillyo. Dapat kang bumili

ng bagong sipilyo sa tuwing tatlong buwan. Toothpaste na may fluoride para tulungang

gawing mas malakas ang iyong mga ngipin.

Sipilyuhin ang iyong mga ngipin nang dalawang beses kada araw; sa umaga at bago matulog.

Kapag sinisipilyo ang iyong mga ngipin:

Hugasan ang iyong mga kamay nang sabon at tubig.

Basain ang sipilyo.

Gumamit ng kasing-gisantes na dami ng toothpaste sa iyong sipilyo.

Simulan ang sipilyo nang nasa linya ng gilagid.

Igalaw ang sipilyo nang paikot sa bawat ngipin.

Sipilyuhin ang panlabas, panloob at ang ibabaw ng bawat ngipin.

Sipilyuhin ang iyong mga ngipin sa loob ng 2 minuto.

Pagkatapos mo, banlawan ang iyong bibig ng tubig.

Kahit na may iilan o wala kang ngipin, sipilyuhin ang iyong mga gilagid para panatilihing malusog ang iyong bibig.

2. I-floss ang iyong mga ngipin nang minsan sa isang araw

Ang pagpo-floss ay nakakatulong panatilihing malinis at walang plaque ang iyong bibig. Hindi maabot ng iyong sipilyo ang plaque na nakokolekta sa pagitan ng iyong mga ngipin o sa kahabaan ng linya ng iyong gilagid. Kailangan mong mag-floss para makuha ang plaque sa pagitan ng iyong mga ngipin.

Para i-floss ang iyong mga ngipin, kakailanganin mo ng floss sa ngipin: Mag-floss nang hindi bababa nang isang beses kada araw sa gabi bago sipilyuhin ang iyong mga ngipin at bago matulog.

Page 4: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

3

Kapag pino-floss ang iyong mga ngipin:

Magsimula sa isang kasinghaba ng kamay na floss (mga 18 pulgada).

Ibilot ang mga dulo ng floss sa paligid ng hinlalato ng bawat kamay.

Hawakan nang mahigpit ang floss sa pamamagitan ng iyong mga hinlalaki.

Dahan-dahang padausdusin ang floss sa pagitan ng iyong mga ngipin hanggang sa maabot ng floss ang linya ng gilagid.

Igalaw nang pataas at pababa ang floss at pabalik-balik.

Kung magkagutay-gutay ang floss, gumamit ng bagong piraso.

Para ilabas ang floss, hilahin itong pataas at palayo sa mga ngipin.

Iba pang bagay na malaman tungkol sa pagpo-floss:

Subukan ang iba't ibang klase ng floss o mga tulong sa pagpo-floss para malaman kung ano ang pinakagusto mo.

Ang pagpo-floss ay hindi madali. Kinakailangan ito ng maraming pasensya.

Tandaang hugasan ang iyong mga kamay bago at pagkatapos linisin ang iyong mga ngipin.

3. Magpatingin sa iyong dentista nang kahit minsan sa isang taon

Magpatingin sa isang dentista nang kahit minsan sa isang taon Susuriin ng iyong dentista ang iyong mga gilagid at ngipin. Tatanungin ng dentista kung mayron kang pananakit sa iyong bibig. Maaaring kumuha ng mga larawan (mga x-ray) ng iyong mga ngipin ang dentista. Aayusin ng dentista ang iyong mga

ngipin kung may isang bagay na problema. Maaaring hindi matapos ayusin ng dentista ang iyong mga ngipin sa unang pagpapatingin at maaaring kailangan kang bumalik.

Lilinisin ng isang hygienist (hi-gen-ist) sa ngipin ang iyong mga ngipin. Makakatulong itong maalis ang plaque at mga mikrobyo na nagiging sanhi ng mga cavity. Ipapakita sa iyo ng hygienist sa ngipin ang pinakamagandang paraan para magsipilyo at mag-floss.

Kung nakakaramdam ka ng pananakit sa isang ngipin, tumawag para magpatingin sa dentista. Kung maghihintay ka nang matagal, lalala ang pananakit.

Panoorin ang video na “Why Brush and Floss” para malaman kung bakit mahalagang sipilyuhin ang iyong mga ngipin.

Page 5: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

4

Kumain ng malusog na diyeta

Ang maasukal na meryenda o inumin ay masama sa iyong kalusugan. Masama rin ang mga ito sa iyong mga ngipin at gilagid. Pinapanatili ng asukal ang plaque at mga mikrobyo sa iyong mga ngipin. Narito ang ilang tip para sa isang mausog na diyeta:

Iwasan ang candy at soda pop.-{}-

Kumain ng mga meryenda tulad ng mga mani, prutas, at gulay.

Uminom ng gatas, tubig, tsaa, at iba pang inumin na walang-asukal. Kung kakain ka ng maasukal na meryenda, sipilyuhin ang iyong mga ngipin o

banlawan ng tubig ang iyong bibig.

Papaanong Tumulong Mga Plan ng Suporta sa Pangangalaga ng Ngipin. Ang mga indibidwal ay dapat mayroong isang plan sa pangangalaga ng ngipin na may mga hakbang na kailangan para magpanatili nang malusog na bibig. Dapat kasama sa plan ang:

Pagsisipilyo, Pagpo-floss,

Taunang pagpapatingin o kung kinakailangang pangangalaga hinggil sa ngipin, at

Pagkain ng malusog na diyeta. Ang bawat indibidwal ay dapat tinutulungan at sinusuportahan para linangin at sumunod sa isang plan sa pangangalaga ng ngipin. Mga mungkahi mula sa pangkat ng ngipin, ang dentista at hygienist sa ngipin ay dapat isama sa plan ng isang tao.

Kailangang malaman ng kalipunan ng suporta ng isang tao ang plan ng ngipin ng indibidwal. Ang mga tagasuporta ay kinakailangang regular na tingnan kung tama ang progreso at trabaho sa indibidwal para makatulong baguhin ang plan kung kinakailangan. Ang bawat indibidwal ay kakailanganin ng iba’t ibang klase ng suporta para masunod ang kanilang plan. Bilang halimbawa, ang ilang tao ay maaaring kailanganin ng buong tulong sa pagsisipilyo at pagpo-floss ng kanilang mga ngipin. Ang ibang tao ay maaaring kailangan ng ilan o walang tulong sa pagsisipilyo at pagpo-floss. Gayunman ang ibang tao ay kakailanganin ng pagsasanay at impormasyon para malaman kung papaano at kung bakit magsisipilyo at magpo-floss. Ang layunin ay para tulungan ang indibidwal na maging kasing nakapagsasarili hanggat maaari.

Kamalayan. Tulungan ang indibidwal na magpatingin sa kanilang dentista nang kahit isang

beses kada taon. Gawing bahagi ng regular na mga talakayan ang malusog na bibig tungkol sa

panlahatang kalusugan.

Page 6: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

5

Maging may kamalayan sa mga pagbabago sa bibig ng isang tao, yaong nakikita mo at yoong mga naririnig mo.

Suportahan ang indibidwal na magpatingin sa isang dentista, kung kinakailangan, sa pagitan ng taunang pagpapatingin.

Alamin ang tungkol at maging may kamalayan sa mga bagay na naglalagay sa mga tao sa mas malaking peligro para sa hindi malusog na mga ngipin at gilagid, tulad ng ilang gamot, hindi gumaling-galing na mga sakit, at paninigarilyo. Makakatulong ang dentista o ang manggagamot ng primary care ng tao na kilalanin ang mga peligrong ito. Masasabi rin nila sa iyo ang tungkol sa kung ano ang gagawin para pangalagaan ang mga ngipin at gilagid.

Mga tip. Mga nakatutulong na tip kapag kinakailangan pa ng indibidwal ng suport o buong tulong:

Gawing masayang karanasan ang pagsisipilyo at pagpo-floss. -{}-

Lumikha ng kapaligiran na gumagana para sa indibidwal at sa iyo. -{}-

Maging naaayon at magpatuloy sa isang karaniwang gawain.

Ipaliwanag ang anumang pagbabago para nalalaman ng indibidwal kung ano ang aasahan.

Hikayatin ang indibidwal na lumahok.

Bigyan ang tao nang kasing dami ng kontrol hangga’t maaari para magtayo ng tiwala, dignidad, at respeto.

Maghanap ng mga pagbabago habang nagsisipilyo o nagpo-floss ka.

Alamin kung anong kagamitan o mga pagbabagay ang maaaring nakakatulong. Kapag tumutulong, siguruhin na huhugasan ang iyong mga kamay at magsusuot

ng mga guwantes.

Wastong itago ang mga supply sa pagsisipilyo at pagpo-floss pagkatapos ng bawat paggamit.

Maging positibo at maging matiyaga. MAAARI kang maging matagumpay sa pagtulong sa mga indibidwal na magkaroon ng malusog, masayang bibig!

Pagkuha ng mga Serbisyo sa Ngipin. Ang mga serbisyo sa ngipin ng California Medi-Cal ay tinatawag na Denti-Cal1. Kung ang isang taong sinusuportahan mo ay tumatanggap ng mga pangrehiyong sentrong serbisyo at may Medi-Cal Benefits ID Card, sila ay karapat-dapat para sa Denti-Cal. Kasama sa mga serbisyo ng Denti-Cal ang isang taunang check-up sa ngipin, x-rays at paglilinis ng mga ngipin. Isinasama rin ng Denti-Cal ang mga serbisyo na kinakailangan ng

1 Reference: Denti-Cal Bulletin, June 2012, Volume 28/Number 9, Effective January 13, 2012

Page 7: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

6

dentista para ayusin ang mga ngipin at gilagid. Kung ang isang tao na sinusuportahan mo ay walang dentista:

Pumunta sa website ng Denti-Cal sa www.denti-cal.ca.gov at maghanap ng isang lokal na dentista, o

Tawagan ang Denti-Cal Beneficiary Services Line sa 800-322-6384. Humingi ng referral sa isang lokal na dentista, o

Makipag-usap sa coordinator ng iyong pangrehiyon na sentro ng serbisyo tungkol sa mga lokal na dentista. Marami sa mga pangrehiyon na sentro ay may Dental Coordinator na makakatulong sa iyo maghanap ng dentista.

Para Makakuha Pa ng Impormasyon, Pumunta Sa:

www.ddssafety.net at hanapin ang mga salita na: teeth, dentist, oral health, brushing, or flossing para malaman ang higit pa tungkol sa pangkat hinggil sa ngipin at ang pinakamagandan paraan para magsipilyo at mag-floss ng mga ngipin.

www.dds.ca.gov/DSPT/Student/StudentYear1_7.pdf para sa isang detalyadong talakayan tungkol sa kalusugan sa ngipin at probisyon ng tulong sa mga indibidwal na may mga espesyal na pangangailangan. Ang impormasyon na ito ay makakatulong sa mga tagasuporta na magtayo ng kaalaman, kumpiyansa at abilidad.

www.nidcr.nih.gov/OralHealth/Topics/DevelopmentalDisabilities/DentalCareEveryDay.htm para sa isang gabay sa pang-araw-araw na pangangalaga sa ngipin.

Page 8: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

Pagpapanatili ng Malusog na Bibig

Tinutulungan ang mga Indibidwal na Magpanatili ng Malusog na Bibig

Kapag Kailangan Pa ng Tulong sa Dental Care ang mga Indibidwal

Mga plan ng Pangangalaga sa Ngipin. Ang bawat tao na sinusuportahan mo ay dapat mayroong isang plan sa pangangalaga sa ngipin na may mga hakbang na kailangan para magpanatili nang malusog na bibig. Dapat kasama sa plan ang:

o Dalas at suportang kinakailangan para sa pagsisipilyo

at pagpo-floss,

o Suportang kinakailangan para makakuha ng

taunan, o kung kinakailangan, pangangalaga sa

ngipin, at

o Pagkain ng malusog na diyeta. Ang bawat indibidwal ay dapat tinutulungan at sinusuportahan para linangin at sumunod sa isang plan ng pangangalga sa ngipin. Ang ilang tao ay maaaring kailanganin ng buong tulong sa pagsisipilyo at pagpo-floss ng mga ngipin. Ang iba ay maaaring kailangan nang ilan o walang tulong. Ang layunin ay para tulungan ang indibidwal na maging kasing nakapagsasarili hanggat maaari. Para sa isang sampol ng Dental Care Plan pumunta sa www.ddssafety.net. Healthy Mouth Plan, ang Healthy Mouth Survey, at Healthy Mouth Planning na video.

Tulungan ang tao na sundin ang plan sa pamamagitan ng:

1. Pagtulong sa tao na maunawaan kung bakit mahalagang reular na magsipilyo at mag-floss.

2. Pagtulong sa tao na makakuha ng dentista at para magpatingin sa dentista kapag kinakailangan.

3. Gawing bahagi ng isang patuloy na talakayan ang malusog na bibig tungkol sa panlahatang kalusugan.

4. Pagiging may kamalayan sa mga pagbabago sa bibig ng isang indibidwal - yaong mga nakikita mo o yaong mga naririnig mo.

5. Paghahanap ng mga paraan para gawing masayang karanasan ang pagsisipilyo at pagpo-floss.

Maging positibo at maging matiyaga. MAAARI kang maging matagumpay sa pagtulong sa mga indibidwal na magkaroon ng masaya, malusog na bibig!

Narito ang mga nakatutulong na tip kapag

kinakailangan pa ng indibidwal ng suport o buong

tulong:

o Gawing masayang karanasan ang

pagsisipilyo at pagpo-floss. Ipaliwanag sa

indibidwal kung papaano mo silang

tutulungan sa pagsisipilyo ng kanilang mga

ngipin at gilagid. Gamitin ang komunikasyon

na pinaka-umaakma sa indibidwal. Maaaring

kasama dito ang mga simpleng salita, mga

kumpas/senyas, mga larawan o bagay na

matutulungan silang maunawaan.

o Lumikha ng kapaligiran na gumagana para sa indibidwal at sa iyo. Siguruhin na nakapahinga at kumportable ang tao. Tandaan na maaari itong nakakatakot at hindi maganda na sipilyuhin ng iba pang tao ang iyong mga ngipin. Huwag kang mag-apura, dahan-dahang magsipilyo at tumigil para sa mga pahinga.

o Kadalasan, pinakamaganda na tumayo sa likuran at bahagya sa isang panig ng indibidwal. Ang ilang tao ay gustong umupo sa harap ng isang salamin para makita nila kung ano ang nangyayari.

Spring 2014

Page 9: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

Kapag Kailangan Pa ng Tulong sa Dental Care ang mga Indibidwal Mga plan ng Pangangalaga sa Ngipin.

o Tulungan ang indibidwal na sipilyuhin ang kanilang

mga ngipin nang dalawang beses kada araw.

Gumamit ng maliit, malambot na sipilyo at kasing-

dami ng gisantes na toothpaste. Sipilyuhin ang mga

ngipin sa isang mosyon na paikot mula sa mga gilagid

papunta sa mga ngipin. Palitan ang sipilyo nang kahit

tuwing 3 buwan. Maaaring gamitin ang isang de-

kuryenteng sipilyo, ngunit dapat dahan-dahang

simulan.

o Maging naaayon at magpatuloy sa isang karaniwang

gawain. Ipaliwanag ang anumang pagbabago para

nalalaman ng indibidwal kung ano ang aasahan.

o Hikayatin ang indibidwal na lumahok. Bigyan ang tao nang kasing dami ng kontrol hangga’t maaari

para magtayo ng tiwala, dignidad, at respeto.

o Hindi mahalaga kung hindi makapagbabanlaw o makadudura ang indibidwal. Hindi nakakapinsala ang mag-iwan ng ilang tootpast sa bibig.

o Ang mga nagdurugong gilagid ay kadalasang nakakatakot. Magdurugo ang mga gilagid kung ang mga ito ay hindi malusog. Ang tanging paraan para gawing mas mabuti ang mga gilagid ay sipilyuhing palabas ang mga bakterya.

o Maghanap ng mga pagbabago habang nagsisipilyo at

nagpo-floss ka na maaaring magpahiwatig ng hindi

malusog na bibig.

o Subukang pamalagiin ang lahat ng maaasukal na pagkain at inumin sa mga oras ng pagkain. Ang asukal ay nagiging sanhi ng pamumuo ng plaque at mga mikrobyo sa mga ngipin.

o Alamin kung anong kagamitan o pagbabagay ang maaaring nakakatulong.

o Gumamit ng wastong mga pamamaraan sa pagkontrol ng impeksyon, tulad ng paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mga guwantes, at wastong pagtatabi ng pangsipilyo at pang-floss pagkatapos ng bawat paggamit.

o Alamin ang dental health plan ng tao at sundin

ito.

o Pinakamahalaga, maging positibo at maging matiyaga sa pagsuporta sa mga indibidwal para magkaroon ng malusog, masayang bibig!

Bahaging ibinabagay mula sa Greenwich and Oxleas Primary and National Heath Trusts

Maghanap ng Marami Pang Impormasyon sa www.dds.ca.gov/DSPT/Student/StudentYear1_7.pdf

Ang impormasyon sa site na ito ay nagbibigay ng karagdagang tulong sa pangangalaga sa ngipin.

Pagkuha ng mga Serbisyo sa Ngipin Ang mga serbisyo sa ngipin ng California Medi-Cal ay

t inatawag na Denti-Cal. Kung ang taong

sinusuportahan mo ay tumatanggap ng pangrehiyon na

sentong serbisyo at may Medi-Cal Benefits ID Card,

sila ay karapat-dapat sa Denti-Cal. Kasama sa mga

serbisyo ng Denti- Cal ang isang taunang check-up sa

ngipin, mga x-ray at paglilinis ng mga ngipin.

Isinasama rin ng Denti-Cal ang mga serbisyo na ibinigay

ng dentista para ayusin ang mga ngipin at gilagid.

Kung ang isang tao na sinusuportahan mo ay walang dentista:

o Pumunta sa website ng Denti-Cal sa www.denti-cal.ca.gov at maghanap para sa isang lokal na dentista, o

o Tawagan ang Denti-Cal Beneficiary Services Line sa 800-322-6384. Humingi ng isang referral sa isang lokal na dentista, o

o Makipag-usap sa iyong pangrehiyon na sentro ng serbisyo tungkol sa mga lokal na dentista. Marami sa mga pangrehiyon na sentro ay may dental coordinator na makakatulong sa iyo na maghanap ng dentista.

Para sa isang gabay sa pang-araw-araw na

pangangalaga sa ngipin pumunta sa

http://www.nidcr.nih.gov/OralHealth/Topics/Dev

elopmentalDisabilities/DentalCareEveryDay.htm

Page 10: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

Mabilis na mga Tip sa Pagtulong sa mga Indibidwal na Magpanatili ng Malusog na Bibig1

Mga nakatutulong na tip kapag kinakailangan pa ng indibidwal ng suporta o buong tulong:

Gawing masayang karanasan ang pagsisipilyo at pagpo-floss. Ipaliwanag sa indibidwal

kung papaano mo silang tutulungan sa pagsisipilyo ng kanilang mga ngipin at gilagid.

Gamitin ang komunikasyon na pinaka-umaakma sa indibidwal. Maaaring kasama dito ang

mga simpleng salita, mga kumpas/senyas, mga larawan o bagay na matutulungan silang

maunawaan.

Lumikha ng kapaligiran na gumagana sa indibidwal at sa iyo. Siguruhin na nakapahinga at

kumportable ang tao. Tandaan na maaari itong nakakatakot at hindi maganda na sipilyuhin ng

iba pang tao ang iyong mga ngipin. Huwag kang mag-apura, dahan-dahang magsipilyo at

tumigil para sa mga pahinga.

Kadalasan, pinakamaganda na tumayo sa likuran at bahagya sa isang panig ng

indibidwal. Ang ilang tao ay gustong umupo sa harapan ng isang salamin para nakikita nila

kung ano ang nangyayari.

Tulungan ang indibidwal na sipilyuhin ang kanilang mga ngipin nang dalawang beses kada araw. Gumamit ng maliit, malambot na sipilyo at kasing-dami ng gisantes na toothpaste. Sipilyuhin ang mga ngipin sa isang mosyon na paikot mula sa mga gilagid papunta sa mga ngipin. Palitan ang sipilyo nang kahit tuwing 3 buwan. Ang isang de-kuryenteng sipilyo ay maaaring gamitin, ngunit dapat dahan-dahang simulan.

Maging naaayon at magpatuloy sa isang karaniwang gawain. Ipaliwanag ang anumang

pagbabago para nalalaman ng indibidwal kung ano ang aasahan.

Hikayatin ang indibidwal na lumahok. Bigyan ang tao nang kasing dami ng kontrol hangga’t

maaari para magtayo ng dignidad, tiwala, at respeto.

Hindi mahalaga kung hindi makapagbabanlaw o makakadura ang indibidwal. Hindi

nakakapinsala ang mag-iwan ng ilang tootpaste sa bibig.

Maaaring nakakatakot ang mga nagdurugong gilagid. Magdurugo ang mga gilagid kung ang mga ito ay hindi malusog. Ang tanging paraan para gawing mas mabuti ang mga gilagid ay sipilyuhin ang bakterya.

Maghanap ng mga pagbabago habang nagsisipilyo at nagpo-floss ka na maaaing

nagpapahiwatig ng hindi malusog na bibig.

Subukang pamalagiin ang lahat ng maaasukal na pagkain at inumin sa mga oras ng

pagkain. Ang asukal ay nagiging sanhi ng pamumuo ng plaque at mga mikrobyo sa mga

ngipin.

Alamin kung anong kagamitan o mga pagbabagay ang maaaring nakakatulong.

Gumamit ng wastong mga pamamaraan sa pagkontrol ng impeksyon, tulad ng

paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mga guwantes, at wastong pagtatabi ng pangsipilyo at

pang-floss pagkatapos ng bawat paggamit.

Alamin ang dental health plan ng tao at sundin ito.

Pinakamahalaga, maging positibo at maging matiyaga sa pagusporta sa mga indibidwal para magkaroon ng malusog, masayang mga bibig!

Page 11: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

Mabibilis na Tip sa Pagkakaroon ng Malusog na Bibig MAAARI kang magkaroon ng malusog na bibig.

1. Sipilyuhin ang iyong mga ngipin nang dalawang beses kada araw

Ang regular na pagsisipilyo ay nakakatulong panatilihing malinis ang iyong bibig. Ang malinis na bibig ay nangangahulugan na walang plaque (plak) at mga mikrobyo sa iyong mga ngipin. Mga bagay na tatandaan bago mo sipilyuhin ang iyong mga ngipin:

Kailangan mo ng malambot na sipilyo.

Ang toothpaste na may fluoride ay nakakatulong maging mas malakas ang iyong mga ngipin.

Bumili ng bagong sipilyo tuwing tatlong buwan.

Magsipilyo sa umaga pagkatapos ng agahan at sa gabi bago matulog.

Kapag sinisipilyo ang iyong mga ngipin:

Hugasan ang iyong mga kamay nang sabon at tubig.

Basain ang sipilyo.

Gumamit ng kasing-gisantes na dami ng toothpaste sa iyong sipilyo.

Simulan na nasa linya ng gilagid ang sipilyo.

Igalaw ang sipilyo nang paikot sa bawat ngipin.

Sipilyuhin ang panlabas, panloob at ang ibabaw ng bawat ngipin.

Sipilyuhin ang iyong mga ngipin sa loob ng 2 minuto.-{}-

Pagkatapos mo, banlawan ang iyong bibig ng tubig.

Kahit na may iilan o wala kang ngipin, mabuting sipilyuhin ang iyong mga gilagid para magpanatili ng malusog na bibig.

2. I-floss ang iyong mga ngipin nang minsan sa isang araw

Ang pagpo-floss ay nakakatulong panatilihing malinis at walang plaque ang iyong bibig. Ang iyong sipilyo ay hindi maaabot ang plaque na nakokolekta sa pagitan ng iyong mga ngipin o sa kahabaan ng linya ng iyong gilagid. Kailangan mong mag-floss para makuha ang plaque sa pagitan ng iyong mga ngipin.

Kailangan mo ng floss sa ngipin para linisin ang iyong mga ngipin. Mag-floss nang kahit isang beses kada araw sa gabi bago sipilyuhin ang iyong mga ngipin at bago matulog.

Page 12: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

Kapag pino-floss ang iyong mga ngipin:

Magsimula sa isang kasinghaba ng kamay na floss (mga 18 pulgada).

Ibilot ang mga dulo ng floss paikot sa hinlalatong daliri ng bawat kamay.

Hawakan nang mahigpit ang floss sa pamamagitan ng iyong mga hinlalaki.

Dahan-dahang padausdusin ang floss sa pagitan ng iyong mga ngipin hanggang sa maabot ng flos ang linya ng gilagid.-{}-

Igalaw nang pataas at pababa ang floss at pabalik-balik.

Kung magkagutay-gutay ang floss, gumamit ng bagong piraso.

Para ilabas ang floss, hilahin itong pataas at palayo sa mga ngipin.

Iba pang bagay na malaman tungkol sa pagpo-floss:

Subukan ang iba't ibang klase ng floss o mga tulong sa pagpo-floss para malaman kung ano ang pinakagusto mo.

Ang pagpo-floss ay hindi madali. Kinakailangan ito ng maraming pasensya.

Tandaang hugasan ang iyong mga kamay pareho bago at pagkatapos linisin ang iyong mga ngipin.

3. Magpatingin sa iyong dentista nang kahit minsan sa isang taon

Magpatingin sa isang dentista nang kahit isang beses sa isang taon. Susuriin ng dentista ang iyong mga gilagid at ngipin. Tatanungin ng dentista kung mayron kang pananakit sa iyong bibig. Maaaring kunan ng mga larawan (mga x-ray) ng iyong dentista ang iyong mga ngipin. Aayusin ng dentista ang iyong mga ngipin kung may isang bagay na problema. Maaaring hindi matapos ayusin ng dentista ang iyong mga ngipin sa unang pagpapatingin at maaaring kailangan kang bumalik.

Lilinisin ng isang hygienist (hi-gen-ist) sa ngipin ang iyong mga ngipin. Makakatulong itong mag-alis ng plaque at mga mikrobyo na nagiging sanhi ng mga cavity. Ipapakita sa iyo ng hygienist sa ngipin ang pinakamagandang paraan para magsipilyo at mag-floss.

Kung nakakaramdam ka ng pananakit sa isang ngipin, tumawag para magpatingin sa dentista. Kung maghihintay ka nang matagal, lalala ang pananakit. Para malaman pa ang tungkol sa pagpunta sa dentista at tungkol sa pagsisipilyo at pagpo-floss, panoorin ang video na “Why Brush and Floss”.

Page 13: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

May anuman bang bagay ang nagpapahirap sa iyo para pumunta sa dentista?

May anuman bang bagay ang nagpapadali sa iyo para pumunta?

Mangyaring sabihin sa amin kung ano ang kinakain mo sa pagitan ng mga pagkain?

May anupamang bagay ba ang gusto mong sabihin sa iyong dentista tungkol sa pagpapantiling malusog ng iyong bibig:

Healthy Bigib Checklist

Maaari mong punan ito bago ka pumunta sa dentista. Makikipag-usap sa iyo ang iyong dentista tungkol sa kung papaano ka makapagpapanatili ng malusog na bibig. Matutulungan siyang gawing mabuti ang iyong pagpapatingin.

Inangkop mula sa Keeping My Mouth Healthy-

Checklist (Westminster Primary Care Trust)

Page 14: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

Ang Pangalan Mo:

Ano ang pangalan ng dentista mo?

Sinisipilyo mo ba ang iyong mga ngipin nang dalawang beses kada araw?

Oo Hindi

Nagpo-floss ka ba nang kahit isang beses kada araw?

Oo Hindi

Sinisipilyo mo ba ang sarili mong mga ngipin?

Oo Hindi

Kung hindi, anong suporta ang kailangn mo?

Pino-floss mo ba ang sarili mong mga ngipin?

Oo Hindi

Kung hindi, anong suporta ang kailangn mo?

Nagdurugo ba ang iyong mga gilagid kapag sinisipilyo o pino-floss ang iyong mga ngipin?

Oo Hindi

Alin sa mga ito ang nagsasabi sa amin ang tungkol sa iyong bibig: May umuuga akong mga ngipin. Kadalasaang may tuyo akong bibig. May mga gilagid akong nagdurugo. Sumasakit kapag ngumunguya ako. Madalas akong may masamang panlasa sa aking bibig.

Makakapunta ka ba sa dentista nang mag-isa?

Oo Hindi

Kung hindi, anong suporta ang kailangan mo?

Page 15: MGA GABAY SA PAGGAMIT NG SAFETYNET LEARNING · PDF filesa isang partikular na paksa at para gam itin sa isang sari-saring kaligiran ng kaalaman. ... komunikasyon. Nirerepaso at tinatalakay

Ang Aking Plan na Malusog na Bibig Tutulungan ka ng iyong dentista na punan ito.

Kailan ang iyong susunod na pagpapatingin sa dentista?

Kailan mo sisipilyuhin ang iyong mga ngipin? Pagkatapos ng agahan Bago ka matulog

Kailan mo ipo-floss ang iyong mga ngipin? Bago ka matulog

Anong suporta ang kailangan mo mula sa iba para magsipilyo?

Anong suporta ang kailangan mo mula sa iba para mag-floss?

Kailangan mo bang gumawa ng anumang ibang bagay kapag nagsisipilyo o nagpo-floss ka?

Oo Hindi

Kung oo, ano?