50 Pesos Isang Oras

  • View
    70

  • Download
    7

Embed Size (px)

DESCRIPTION

50 Pesos Isang Oras. Isinalin sa Wikang Pilipino ni Ou Myu. Isang araw, may isang lalaking gabi na umuwi ng bahay na pagod na pagod at naiinis, nang maratnan niya ang kaniyang maliit na anak na naghihintay sa kanya sa may pintuan. “Tatay, puwede po bang magtanong?” - PowerPoint PPT Presentation

Text of 50 Pesos Isang Oras

  • 50 Pesos Isang OrasIsinalin sa Wikang Pilipino ni Ou Myu

  • Isang araw, may isang lalaking gabi na umuwi ng bahay na pagod na pagod at naiinis, nang maratnan niya ang kaniyang maliit na anak na naghihintay sa kanya sa may pintuan.

  • Tatay, puwede po bang magtanong?Sige, ano yon? tugon ng ama.

  • Tatay, magkano po ba ang kinikita ninyo sa isang oras?Wala ka na roon bat ka ba nagtatanong pa ng ganyan, ha? galit na sinabi ng ama.Gusto ko lang po kasing malaman sige na po, pakisabi nyo na po kung magkano po ba ang kinikita ninyo sa isang oras? ang paki-usap ng paslit.

  • Kung kailangan mo talagang malaman ay nakaka-50 pesos ako isang oras.

    Ah, tugon ng paslit habang nakayuko at lumingon paitaas sa kanyang ama upang sabihin

    Tatay, puwede po bang maka-utang sa inyo ng 25 pesos?

  • Lalong nagalit tuloy ang ama.Kung ang dahilan lang ng pangungutang mo ay para makabili ka ng walang kwentang laruan o walang katuturang ibang bagay, mabuti pa pumunta kang diretso sa kwarto mo at matulog ka na, at isipin mo kung bakit ka nagiging makasarili.Nagpapakahirap akong magtrabaho araw-araw, wala akong panahon sa ganitong pambatang kalokohan.

  • Tahimik na nagtungo ang bata sa kanyang silid at isinara ang pinto.Naupo ang lalaki na lalong nagalit tungkol sa mga tanong ng paslit.

  • Lintik na bata yon ah, magtatanong ng ganun para lang makakuha ng pera.

    Makalipas ang higit sa isang oras, ang lalaki ay nahimasmasan at nagsimulang mag-isip na masyado naman yata siyang naging marahas sa kaniyang anak.

    Siguro mayroon talagang importanteng bagay siyang bibilihin sa halagang 25 pesos... Kung sa bagay, bibihira naman siyang manghingi ng pera, eh.

  • Kung kayat ang lalaki ay nagtungo sa silid ng kanyang anak at binuksan ang pinto nito.

    Tulog ka na ba, Anak? tanong niya.

    Hindi pa po, Tatay. Gising pa po ako. tugon ng bata.

    Ini-isip ko na sobra naman yata ako sa yo kanina, eh, ang sinabi ng lalaki.

  • Medyo napagod kasi ako maghapon, kung kayat ikaw tuloy ang nabalingan ko... O, heto na ang 25 pesos na hinihingi mo.

    Naupo kaagad ang paslit habang nakangiting kinuha ang pera at malakas na nagsabing, Salamat po, Tatay!

    Pagkatapos ay mayroong ina-abot ang paslit sa ilalim ng kanyang unan, at saka binunot ang mga gusut-gusot na pera

  • Nang makita ng ama na ang kanyang anak ay mayroon na palang mga pera, nagsimula na naman itong magalit.

    Samantalang dahan-dahan naman binibilang ng paslit ang kabuuang perang hawak na niya, at saka lumingon sa kanyang ama.

    Bakit gusto mo pa ng pera, eh, marami ka na pala? ang siya naman angal ng ama.

  • Kasi po ay kulang pa po ang pera ko kanina Pero, ngayon po ay kumpleto na po, ang tugon ng paslit.

    Tatay, mayroon na po akong 50 pesos ngayon Puwede na po bang bayaran ko na lang po ang isang oras ninyo para po umuwi po kayo ng maaga bukas, kasi po, gusto ko pong magkasabay naman po tayong kumain kahit po sana sa hapunan, eh.

  • Ipamahagi ang kuwentong ito sa mga taong nais ninyo ngunit mas mabuti pang ibahagi ninyo ang 50 pesos na halaga ng inyong panahon sa mga taong mahal ninyo.

  • Ito ay isang munting paalala para sa inyong lahat na labis na abala sa paghahanap ng ikabubuhay.Hindi natin dapat hayaan pang makawala sa ating mga kamay ang mga oras, nang hindi man lamang natin nabibigyan ng panahon ang mga taong malapit sa ating puso.