BARANGAY PONON ATIMONAN, .pamumuhay ng mamamayan sa barangay. ... Ganyan kahirap ang tiniis ng ating mga ninuno. Lumipas ang maraming araw, lingo, buwan, at mga taon. Malawak na

  • View
    256

  • Download
    7

Embed Size (px)

Text of BARANGAY PONON ATIMONAN, .pamumuhay ng mamamayan sa barangay. ... Ganyan kahirap ang tiniis ng...

  • BARANGAY PONON

    ATIMONAN, QUEZON

  • SOCIO-ECONOMIC PROFILE

    BARANGAY PONON

  • Prepared by:

    ARNEL M. ALCANTARA Municipal Planning & Development Coordinator

    CECILIA T. DE TORRES Assistant Municipal Planning & Development Coordinator

    MAY MODELO-SORNITO Project Development Officer II

    2015 December

  • Republika ng Pilipinas BARANGAY NG PONON

    Bayan ng Atimonan Lalawigan ng Quezon

    * * * * *

    TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

    MENSAHE

    Ang Sangguniang barangay ng Ponon ay patuloy na magsisikap na

    maitaas ang antas ng pamumuhay sa aming barangay. Layunin naming

    magkaroon ng mamamayan na may matatag na hanapbuhay, may respeto sa

    karapatan ng kapwa at may takot sa Diyos. Magkaroon ng isang pamayanan na

    may maayos, Masaya at may organisadong kapaligiran. Maipaabot sa bawat

    mamamayan ng barangay ang pangunahing pangangailangan nila.

    Patuloy din susubaybayan ang mga kabataan upang tahakin ang tamang

    landas patungo sa matatag na bukas. At sa patnubay ng Poong Lumikha at

    pagkakaisa ng bawat mamamayan ng barangay ang adhikain ng Sangguniang

    Barangay ay magkaroon ng katuparan. Barangayanihan susi ng kaunlaran.

    ERNESTO A. VILLASIN Punong Barangay

  • Republika ng Pilipinas BAYAN NG ATIMONAN Lalawigan ng Quezon

    * * * * *

    TANGGAPAN NG PUNUMBAYAN

    MENSAHE

    Mahalaga ang kamulatan ng mamamayan sa mga impormasyon ukol sa

    bawat barangay ng Atimonan. Ang magbigay ng konkreto at angkop na mga

    datos ang layunin ng Socio-Economic Profile ng mga Barangay. Ito rin ang

    magsisilbing matibay na batayan upang mabalangkas ng Pamahalaang Bayan

    ang mga programang pangkaunlaran na ang mamamayan ang higit na

    makikinabang.

    Ang ating mamamayan ang salamin ng kaunlaran ng bayan kaya ang

    progreso ng apatnaput dalawang barangay ay pinapahalagahan ng Lokal na

    Pamahalaan ng Atimonan. Ang Socio-economic Profile ang testimonya na patuloy

    ang pag-unlad ng ating bayan.

    Sama-samang magsimula,

    Walang Maiiwan sa pag-unlad ng ATIMONAN!

    JOEL M. VERGAO

    Punumbayan

  • KATANGIAN AT INTERPRETASYON SA OPISYAL NA LOGO NG BARANGAY

    Ang opisyal na sagisag (logo) ay binubuo ng dalawang hugis bilog, isa(1) sa loob at isa

    sa labas. Ang espasyo sa gitna ng dalawang (2) hugis bilog ay nakasulat ang mga

    sumusunod:

    BARANGAY PONON pangalan ng barangay at nakalagay sa itaas na bahagi ng

    hugis bilog.

    ATIMONAN, QUEZON pangalan ng bayan at probinsyang nakakasakop sa

    Barangay at nakalagay sa ibabang bahagi ng hugis bilog.

    Ang gitnang bahagi ng nasa loob ng bilog ang mga sumasagisag sa

    pagkakakilanlan ng barangay ay ang mga sumusunod:

    BUGHAW NA KALANGITAN ang kulay ng kapayapaan, pag-asa at pagiging

    maka-Diyos ng mga mamamayan na naninirahan sa barangay.

    PALAY sumisimbolo sa anyong lupa na kung saan ang mga mamamayan ay dito

    kinukuha ang pangunahing ikinabubuhay.

    KABUNDUKAN sumisimbolo sa Likas na Yaman na makikita sa barangay.

    PAMILYANG MAGKAKAHAWAK KAMAY sumisimbolo sa mga unang pamilya na

    unang nanirahan sa barangay.

    PUNO NG PAHO AT NIYOG ang puno ng Paho na sumisimbolo sa pook tagpuan

    at hintayan ng unang pamilyang nanirahan sa barangay para mag bugta at ang

    Puno ng Niyog na sumisimbolo sa isa sa pinag kakakitaan ng mga taong

    naninirahan dito.

    LUNTIANG KAPARANGAN na sumisimbolo sa matiwasay at mapayapang

    pamumuhay ng mamamayan sa barangay.

    Ang pagkilala ay ibinibigay sa mga nag-ambag para sa pagsasa-ayos ng opisyal

    na sagisag (logo) ng barangay at ito ay ang mga sumusunod:

    KGG. ERNESTO A. VILLASIN Punong Barangay; Nagpatupad at Nagdesinyo ng

    Logo.

    G. EDWIN VILLASIN Kasalukuyang Kagawad ng Barangay; nagpatupad.

    G. RYAN PAUL C. MARQUEZ Kalihim ng Barangay; huling nagsaayos ng

    sagisag ng barangay (logo).

  • VISION

    Isang Barangay na mayroong matatag na hanapbuhay,

    mga mamamayan na may takot sa Diyos, may malusog at

    masayang pamilya na namumuhay sa isang maunlad at

    malinis na pamayanan.

    MISSION

    Mangunguna sa pagsasagawa ng mga programang

    pangkabuhayan at pangkaunlaran, mga mamamayan na

    nangangalaga sa likas na yaman at may paggalang sa

    karapatan ng bawat isa tungo sa isang maunlad na

    komunidad.

  • 1. HISTORICAL BACKGROUND

    KASAYSAYAN NG BARANGAY PONON

    Noon ang bayan ng Atimonan ay pinamamayanan lamang ng ilang ulo ng pamilya.

    Bagamat sila ay may sarili nang sibilisasyon at kultura na turo ng mga Kastila ay

    masasabing sila ay talagang salat pa sa kaalaman. Bihira sa mga Pilipino noon ang

    nakapag-aral. Noon ay wala pa ring transportasyon kaya wala ring maunlad na negosyo. Ang

    mga tao noon ay walang ikinabubuhay maliban sa pagtatanim. Inakala nila na habang

    panahon ay ganyan na lamang ang buhay. Noon ay salat sa karangyaan subalit sagana

    naman kung pagkain ang pag-uusapan.

    Ang mga barangay na sa ngayon ay bumubuo ng bayang Atimonan, noon ay gubat

    pa. Walang may-ari at ang lahat ay malayang maaangkin upang bugtain. Ang bawat ulo ng

    pamilya ay walang ibang ambisyon kundi magbugta ng gubat o magkaingin upang lumawak

    ang kanilang taniman para sa kanilang mga anak.

    May isang grupo na kinabibilangan ng sampung pamilya ang naghanap ng

    magandang lugar na kanilang bubugtain. Nakakita naman agad sila at ang sampung ito ay

    nagumpisang magbugta. Sa dako ng kanilang binubugta ay may isang malaking puno na

    kung tawagin ay paho at ito ang ginawa nilang hintayan, kung may mahuhuling dumating

    sapagkat sila kung hapon ay umuuwi sa bayan at kung umaga naman ay maagang

    sumasaka sa kanilang kinakaingin. Umaga at hapon ay lumalakad sila ng mahigit na

    sampung kilometro sapagkat noon ay wala pang sasakyan. Ganyan kahirap ang tiniis ng

    ating mga ninuno. Lumipas ang maraming araw, lingo, buwan, at mga taon. Malawak na

    ang kanilang nabubugta. Sapagkat sila ay marami na at malalaki na rin ang kanilang mga

    anak ay minarapat nila na silang sampung pamilya ay doon na magtayo ng bahay sa paligid

    ng malaking puno na naging palatandaan ng kanilang hintayan. Namalas sa mga ninuno

    ang tornohan o mas kilala sa tawag na bayanihan, doon ay sama-samang nagtatrabaho ang

    mga kalalakihan para sa sama samang pag-gawa. Tuwing may pagpupulong o sunog o may

    nais na iparating ay gumagamit sila ng tambuli na yari sa sungay ng kalabaw at hinihipan

    ito bilang hudyat ng pag titipon o mensahe. Buhat noon ang sampung pamilyang ito ay

    maligaya at tahimik na namuhay sa paligid ng malaking puno hanggang sila ay dumami

    nang dumami, umunlad ang lugar at naging isang pamayanan. Kapag mayroong

    nagtatanong sa kanila,saan ba kayo naninirahan pare? Doon sa puno, ang kanilang sagot.

    Ang lugar na ito ay tinawag na puno. PUNO ito ang orihinal ng kabansagang PONON.

  • 2. PHYSICAL CHARACTERISTICS

    Barangay Ponon is one of the inner barangays of Atimonan, located about 10 kilometers

    away from towns poblacion. This barangay is 5 kilometers away from National Highway

    bounded on the north by Barangay Lakip, on the south by Barangay San Rafael, on the east by

    Barangay Kulawit and on the west by Barangay San Jose Balatok.

    It has a total land area of 800.6507 hectares per record of Municipal Assessors Office

    composed of seven puroks- Purok I, Purok II, Purok III, Purok IV, Purok V, Purok VI and

    Purok VII. Topography of the barangay is mostly mountainous. Almost 99 % of its land is

    agricultural. Definitive data were specified below.

    2.1 Location

    Distance from Poblacion : 10 km

    Distance from National

    Highway

    : 5 km

    Boundaries: - North : Barangay Lakip

    - South : Barangay San Rafael

    - East : Barangay Kulawit

    - West : Barangay San Jose Balatok

    Name of Sitios or Puroks: : Purok 1

    : Purok 2

    : Purok 3

    : Purok 4

    : Purok 5

    : Purok 6

    : Purok 7

    2.2 Total Land Area : 800.6507 hectares

    2.3 Topography

    Land Form:

    Type 0-25% 26-60% 61-75% 76-100%

    Mountainous /

    Plain /

    Valley

    Plateau

    Hilly

    Others (specify)

    Bodies of Water

    Type Traversed Sitios Length (m)

    Rivers Purok 1 to 6 2,000 m

    Lakes _ _

    Sea _ _

    Creek

    Purok 5 & Purok 4 750 m

    Falls Purok 5 & Purok 6 500 m

    Others (specify)

  • 2.4 Soil Type

    Type Area in hectares

    Clay

    Loam

    Sandy

    Clay Loam

    Sandy Loam

    Others (specify)

    TOTAL

    2.5 Climate

    Season From (Month) To (Month)

    Dry Season March June

    Wet Season July August

    2.6 Land Use

    Classification Area in

    Hectares Percentage to Total Area

    Residential 1.9581 0.25

    Commercial

    Industrial

    Agricultural 797.9553 99.66

    Educational 0.4994 0.06

    Government 0.1666 0.02

    Total

    3. SOCIO-ECONOMIC SECTOR

    RHU Survey of 2014, showed that Brgy. Ponon had a population of 1367 with a comp