Click here to load reader

BARANGAY VILLA CUIZON - · PDF filepang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, ... lansangan, at sa panahon ding ito, ipinagawa ng NIA ang suliraning lumang tulay ng barangay

  • View
    257

  • Download
    21

Embed Size (px)

Text of BARANGAY VILLA CUIZON - · PDF filepang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, ......

  • BARANGAY VILLA CUIZON

    Rodolfo B. Cabanatan Kagawad

    Louie D. Tominez Kagawad

    Christian L. de Paz Kagawad

    Rolando G. Diamsay Kagawad

    Reynaldo N. Lanuza Kagawad

    Dionicio B. Ramilo Kagawad

    Norberto D. Lanuza Kagawad

    Julieta M. Tominez Ingat Yaman

    Rowena V. Cabanatan Kalihim

    Rolly S. Lanuza SK Chairman

    Erlinda L. Jimenez Punong Barangay

  • BARANGAY VILLA CUIZON

    ANG KASAYSAYAN NG BARANGAY VILLA CUIZON

    Ang Barangay Villa Cuizon ay matatagpuan sa may gawing silangan ng Lungsod Agham ng

    Muoz, Nueva Ecija. Ito ay may layong humigit kumulang sa apat (4) na kilometro buhat sa

    kabayanan. Pang-tatlumput pito (37) sa mga barangay, ang Villa Cuizon ang pinakahuling naging

    barangay ng Lungsod Agham ng Muoz. Sa pamamagitan ng isang Kapasyahang pinagtibay ng

    noon ay Sangguniang Bayan ng Muoz at kinumpirma ng Sangguniang Panlalawigan ng Nueva

    Ecija noong Setyembre 6, 1991, ang dating isang sitio lamang ng Barangay Sapang Cauayan ay

    naging isa nang ganap na barangay. Ang Barangay Villa Cuizon ay naipahiwalay bilang isang

    ganap na barangay sa pamamagitan ng idinaos na plebisito noong Enero 25, 1992.

    May kabuuang luwang na 375 hektaryas, humigit kumulang, itoy naliligid ng gaya ng

    sumusunod: sa Timog Pamantasan ng Central Luzon State University; sa Silangan Lungsod ng

    San Jose; sa Hilaga Barangay Maragol at Barangay Sapang Cauayan; at sa Kanluran Barangay

    Bantug.

    Batay sa talang isinagawa noong Mayo 1991, ang barangay ay mayroong 1,034 na mga

    mamamayan, 208 na mga kabahayan.

    Sa pamamagitan ng punyaging isinagawa ng noon ay mga opisyales na sina G. Pedro A.

    Jimenez, Jr. at G. Nicolas Domingo naisakatuparan ang pagiging ganap na barangay ng Villa Cuizon.

  • Una dito, samantalang ang Villa Cuizon ay isa pa lamang sitio ng Barangay Sapang Cauayan, ito ay

    pinamunuan nina G. Apolonio Castillo 1950; G. Macario Lanuza 1950; G. Francisco Orgula

    1965; G. Victoriano Abella 1967; G. Tiburcio De Leon 1970; G. Macario Lanuza 1976.

    Magugunita na noong taong 1945 ang Villa Cuizon ang tinatawag na Sawmill, sa dahilang

    hindi kalayuan dito ay mayroong lagarian ng mga tabla. Tinawag din itong Sapang Bato o

    Dibabuyan.

    Sa bandang huli, sa dahilang ang lupang sa kasalukuyan ay kinatitirikan ng Mababang

    Paaralan ay ipinagkaloob ng mga Pamilya Cuizon, kung kayat dito ipinangalan ang nasabing lugar.

    Kabilang din sa mga nagmamay-ari ng lupain sa nasasakupan nito ang mga pamilya Nortado,

    Castillo, Saranggaya, Garcia, Labagnoy at Domingo.

    Kauna-unahang naging guro ng Mababang Paaralan dito ay si Bb. Bernardina S. Magno sa

    noon ay iilang mag-aaral pa lamang sa Una at Mababang Baitang.

    Sanhi ng lumalaking bilang ng populasyon sa mga karatig-lugar at sa magandang lugar ng

    Sitio Villa Cuizon, kung kayat sa paglipas ng panahon ay nahikayat ang mga mamamayang

    manirahan dito hanggang sa lumaki ng lumaki ang mga naninirahan dito sa kasalukuyan.

    Noong una ay lubhang mahirap ang paninirahan dito sa kadahilanang walang maayos na

    mga lansangan ang pagpasok at paglabas sa Villa Cuizon. Nanggigilid at nakikiraan lamang sa CLSU

    ang mga taga-barangay. Subalit sa pagiging ganap na barangay nito ay unti unting naisaayos ang

    nasabing mga pampublikong daanan at lansangan.

    Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan dito, bagaman at may iba

    pang pinagkakakitaan gaya ng pagtatanim ng mga gulay, paghahayupan at palisdaan.

    Ang Villa Cuizon ay nahahati sa tatlong (3) mga Purok Purok I, II at III.

    Sa kasalukuyan, ang Barangay Villa Cuizon ay pinamumunuan ng mga opisyales, gaya ng

    mga sumusunod: Punong Barangay, pitong (7) mga Kagawad ng Sangguniang Barangay, Pangulo

    ng Sangguniang Kabataan, Ingat-Yaman at Kalihim.

    Nang mapahiwalay bilang ganap na barangay ang Villa Cuizon, ang kauna-unahang naging

    Punong Barangay ay si G. Pedro Andus Jimenez, Jr. Sa ilalim ng pamumuno ni G. Jimenez na

    tinaguriang tagapagtatag ng Barangay, naipursigi at naipagawa ang mga sumusunod: Gusali ng

    Pamahalaang Barangay, Barangay Outpost, 3 Solar Dryers, napabakuran ang paaralan at Barangay

    Plaza, at sa paligsahan ng Clean and Green na inilunsad ng Pambansang Pamahalaan, ay tatlong

    (3) beses na natanghal na kampeon ito, na dahilan din upang si Punong Barangay Pedro A.

    Jimenez, Jr., ay mapagkalooban ng parangal bilang Most Outstanding Barangay Captain.

    Noong halalang pambarangay ng 1997, nahalinhan at napalitan si G. Pedro A. Jimenez, Jr. at

    ang humalili ay si G. Rodolfo Cabanatan.

    Sa ilalim ng pamumuno ni G. Cabanatan ay naipagpatuloy ang ilang mahahalagang

    pagawain gaya ng pagpapailaw sa Basketball Court, pagpapaaspalto ng ilang bahagi ng mga

    lansangan, at sa panahon ding ito, ipinagawa ng NIA ang suliraning lumang tulay ng barangay.

    Noon halalang pambarangay ng 2002, nahalinhinan at napalitan si G. Rodolfo B. Cabanatan,

    at ang humalili ay si Gng. Erlinda Lanuza Jimenez na kung saan sa ilalim ng kanyang pamumuno ay

    mapursigi nitong pinangasiwaan ang pagpapagawa ng mga sumusunod. Bagong Barangay Hall,

  • public toilet, DepEd Office, Barangay Gym, 6-room school building, street lights, tricycle waiting

    shed, water pumps, pagpapasemento ng kalsada o Farm-to-Market Road, solar dryers,

    pagpapabago ng bakod ng Barangay Plaza, pagpapatayo ng Barangay Chapel, kumpletong

    elektripikasyon at pagkakaroon ng barangay service. Kaagibat niya sa patuloy na pagsusulong sa

    mga programa at paggawa ay ang kanyang kabiyak na si G. Pedro A. Jimenez, Jr. na siya ring

    Pangulo ng Pista Pistejos.

    Sa kabuuan, ang Villa Cuizon ay payapa, maliban lamang sa hindi maiiwasang kaganapan ng

    mga hindi kanais-nais na mga pangyayari , na bahagi lamang ng pag-unlad ng isang pamayanan.