Click here to load reader

Ang Liga ng mga Barangay at ang korapsyon sa sistema ng

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of Ang Liga ng mga Barangay at ang korapsyon sa sistema ng

Ang Liga ng mga Barangay at ang korapsyon sa sistema ng barangayAng Liga ng mga Barangay at ang Korapsyon sa sistema ng mga Barangay [Mekanismo sa pagpigil o paglaganap ng korapsyon sa mga Barangay] Steven Charles R. Ruiz 2008-60254
Panimula: Korapsyon sa barangay
Ang korapsyon ay isang problemang laganap na nangyayari sa iba’t ibang mga
bansa sa Asya, ngunit ang korapsyon sa Pilipinas ang may pinaka-politikal na
katangian o aspeto (PERC, 2008). Dahil sa pagiging struktural ng korapsyon sa
Pilipinas, maari lamang itong maintindihan at mabigyang lunas kung titingnan ito sa
konteksto ng sosyal, ekonomikal at politikal na gawain at mga institusyon na nagbibigay
ng mga kondisyon upang ito ay lumaganap (Ocampo, S., 2007)1. Ayon sa maraming
mga organisasyon at mga grupo, ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka-korap na bansa sa
buong Asya.
Layunin ng pagaaral na ito ang pagtukoy sa ugnayan ng mga problema sa mga
barangay at ang struktural na pagkukulang ng Liga ng mga barangay bilang paraan ng
pagpigil ng korapsyon. Nais nitong saguting ang katanungan: Paano nakakapigil ang
Liga ng mga Barangay sa korapsyon na nagaganap sa lokal na antas ng pamahalaan,
partikular ang mga barangay?
Sa pinakabagong survey na isinagawa ng Transparency International ukol sa
korapsyon, ang Corruption Perception Index o CPI, pang-apat ang Pilipinas na may
pinaka-korap na gobyerno sa Timog-Silangang Asya, kasunod ng Cambodia, Laos, at
Burma (TI, 2010). Ito ay tumutugma din sa pag-aaral na ginawa ng PERC o Political
and Economic Risk Consultancy ukol sa pananaw ng mga tao sa korapsyon, na
binanggit sa papel na ginawa ng Transparency and Accountability Network (TAN,
2011). Sa survey ng Social Weather Stations (SWS, 2008), 56% ng mga mamayanan
sa bansa, o tatlo kada limang katao, ay nagsasabing laganap ang korapsyon sa
pampublikong sektor ng bansa.
1 Ayon sa PERC, ang korapsyon sa Pilipinas ang may pinakapolitikal na korapsyon, o korapsyon na nagiging
parte na ng isang sistema o istruktura. Ayon naman kay S. Ocampo (2007), ang ganitong korapsyon, o 'struktural'
na korapsyon, ay hindi dapat tingnan bilang isang problema ng mga indibidwal sa isang sistema o struktura, kundi
bilang isang problema ng struktura mismo.
Sinasabi din ng Global Corruption Barometer 2010, isa pang pag-aaral ng
Transparency International, na sa nakaraang tatlong taon mula ng isinagawa ang
survey na ito, 69% ng kanilang mga tinanong ang nagsabing tumaas ang korapsyon sa
bansa. Inalam din kung anong partikular na sektor ng lipunan ang pinaka-korap sa
paningin ng mga tao. Ang dalawang pinaka korap ayon sa mga taong napagtanungan
ng survey, ay ang mga Pulis at mga Pulitikal na mga Pangkat o Political Parties,
sumunod ang Lehislatura at ang mga Pampublikong Opisyal o mga sibil na
manggagawa (TI, 2010).
Madalas nangyayari, at nailalathala sa balita, ang korapsyon sa mga matataas
na opisyal ng gobyerno at proyekto ng gobyerno para sa bansa. Ayon sa Philippine
Public Transparency Reporting Project (PPTRP, 2010), kada taon, nawawala ang
dalawampung porsyento (20%) ng kabuuang budget ng bansa, dulot ng korapsyon. Ito
ay posibleng nagaganap dahil sa kawalan ng tamang pag-uusisa, o Good
Transparency, dala ng pagiging lihim ng mga detalye ng mga proyektong ito sa publiko
(World Bank, 2007). Tinatayang halos tatlumpung porsyento (30%) ng lahat ng kontrata
sa mga proyekto ng gobyero ay napupunta sa korapsyon kada taon (TAN, 2011). Isang
halimbawa nito ay ang nakaraang kontrobersiya sa ZTE Broadband Deal, na kung saan
nagkaroon ng mga anomalya sa proyekto, na kung kaya’t napilitang itigil ng dating
pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nasabing proyekto. Kasama sa mga
allegasyon ang iilang mga matataas na opisyal sa gobyerno tulad ng pinuno ng
Commission on Elections na si Benjamin Abalos sr. at ang asawa ni president Gloria
Macapagal Arroyo, si Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo (GMA News, 2011). Marami itong mga
implikasyon sa nasyonal at lokal na antas ng pamahalaan, sa larangan ng pag-unlad at
pagbibigay ng serbisyong panlipunan.
Ngunit, para sa karaniwang mamayanan, pinaka-nararanasan ang korapsyon sa
lokal na sektor ng lipunan. Ang isa sa mga pinaka-karaniwang nararanasan at pinaka-
nakikitang uri ng korapsyon sa bansa ay ang pagsuhol o ang pagbibigay ng ‘lagay’ sa
mga manggagawa ng sibil na sektor (PCIJ, 2007). Ito ay ginagawa upang makaiwas sa
multa o upang mapabilis ang proseso sa pagkuha ng lisensya at iba pang mga serbisyo
mula sa gobyerno (TI, 2010). Kung kaya’t makikita na ang pinakamalalang problema ng
korapsyon sa bansa ay hindi lamang makikita sa nasyonal na antas ng gobyerno, kundi
sa lokal na pangkat ng lipunan din.
Sa India, ang mga ‘Panchayat’ nila ang nagsisilbing pinakamaliit na elemento ng
gobyerno nila, na katumbas ng silbi ng mga barangay sa bansa natin (Alsop, Krishnal &
Joblom, 2000). Katulad ng Pilipinas, ang India ay may malaking problema pagdating sa
isyu ng korapsyon kumpara sa ibang mga bansa (N. Charron, 2009). Maraming mga
tao ang nagsasabi na dahil sa pagkakaroon ng mataas na lebel ng korapsyon at sa
kawalan ng pampublikong paguusisa, naniniwala sila na wala silang mapapala sa mga
serbisyo nito at wala silang inpluwensya sa pamamalakad ng komunidad nila (Alsop, et
al., 2000). Bukod sa kawalan ng pampublikong paguusisa ng kilos ng mga Panchayat,
maari din maging sanhi ng korapsyon ang kakulangan sa pondo, mababang edukasyon
sa komunidad at ang lebel ng pagasa ng mga Panchayat sa mga gobyerno para sa
pondo nito. Bukod din sa hindi maayos na pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan,
nagiging hadlang din ang korapsyon sa Panchayat sa paglaki ng ekonomiya,
nagtatanggal din ito ng tiwala sa gobyerno, at nag-aambag din sa patuloy pamumulitika
(N. Charron, 2009).
Sa Afghanistan naman, pinaka-nararamdaman din ng mga mamayanan ang
korapsyon sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyong panlipunan; ang pagkuha ng
mga dokumento, ID, lisensya o kahit anong bagay o serbisyo mula sa gobyerno ay
nangangailangan ng kaukulang pagsuhol o lagay. Ang sinasabing sanhi ng korapsyon
dito ay malawakang kakulangan sa Transparency, o paraan ng pampublikong
paguusisa at kawalan ng inpluwensya ng pampublikong sektor (IWA, 2011). Isa pang
halimbawa ng korapsyon na nagdudulot ng malawakang problema sa serbisyong
panlipunan ay ang kaso ng korapsyon sa Burma. Ang Burma ay tinalagang isa sa mga
pinaka-korap na bansa sa mundo, ayon sa survey ng Transparency International (TI,
2010). Laganap ang korapsyon sa lokal na bureaukrasya ng Burma sa porma ng
pagbabayad ng suhol para sa anu mang serbisyo mula sa gobyerno, na tinatawag
nilang ‘Tea Money’. Ito ay sanhi ng kawalan ng Transparency, kababaan ng sweldo at
pondo ng mga LGUs, at ang kabulokan sa sistema ng gobyerno sa pag-organisa ng
mga gawain (U4 Anti-Corruption Resource Center, 2009). Sa madaling salita, ang
korapsyon ay madalas na nangyayari dahil sa problema sa sistema, at sa kakulangan
sa partisipasyon ng publiko sa pamamalakad ng gobyerno, sa lahat ng antas.
Malaki ang epekto ng korapsyon sa nasyonal na larangan ng lipunan, ngunit ang
pagsusuring ito ay mas bibigyang pansin, at iikot, sa usapin ng korapsyon sa lokal na
sektor ng lipunan, partikular ang tungkulin ng pinakamaliit na elemento ng gobyerno sa
pagbibigay ng serbisyong panlipunan, ang barangay. Dahilan nito ay, pinaniniwalaang
ang korapsyon ay pinaka-nakaaapekto at nararamdaman ng mga mamayanan sa lokal
na sektor, base sa mga nabanggit na mga datos at isyu sa Pilipinas at sa iba’t ibang
mga bansa. Pinaniniwalaan ng ilang mga iskolar na ang kadahilanan ng malawakang
korapsyon na nagaganap sa bansa ay naguugat sa kakulangan ng mga institusyon at
mga grupo na maaaring magbigay ng tamang kapasidad na ilantad sa publiko ang
gawain sa loob ng gobyerno, at ang abilidad na balansehin ang kapangyarihan na
hawak ng mga opisyal sa loob ng gobyerno. Ang tawag sa mga ito ay mga Watchdog
Entities, na maaaring manggaling at pamunuan ng mga tao mula sa pribado at
pampublikong sektor ng lipunan (Treisman, 1998; Amundsen, 1999; Fjelde & Hegre
2006) Bagama’t mayroon din naman mga mekanismo ang Pilipinas laban sa korapsyon,
tulad ng pagpapatupad ng “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials
and Employees, Anti Graft and Corrupt Practices Act, kasama ang Ombudsman Act, at
iilang mga NGOs (T. Angeles, 1999), gustong malaman ng pagsusuring ito, kung ang
Liga ng mga Barangay, bilang pinakamalaking organisasyon ng mga LGU sa bansa, at
isang potensyal na Watchdog Entity, ay maaari din bang kumilos bilang isang
epektibong mekanismo laban sa korapsyon.
Ang pagkilos ng isang ‘liga’ ng mga organisasyon sa gobyerno bilang isang
Watchdog ay hindi malabong mangyari. Katulad ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas
na isang organisasyon ng mga barangay sa bansa, ang League of Provinces naman ay
isang organisasyon na kinasasapian ng mga gobernador ng bawat probinsya sa bansa
na nagsisilbing lugar na kung saan magpag-uusapan at mabibigyang lunas ang mga
isyu na kinakaharap ng bawat rehiyon sa bansa. Sa kasalukuyan, nakapagsagawa na
ng ilang mga programa ang nasabing organisasyon sa pagpapa-unlad ng kalidad ng
serbisyong panlipunan sa mga probinsya, at sa pag-sasagawa ng mga habkang sa
pag-pigil sa paglaganap ng korapsyon. Makikita ito sa kanilang mga programa tulad ng
Merit/Recognition Awards Scheme, STANCE Program (Strengthening Corporate Nature
of Provinces), Education Exchange Programs, at ang Provincial Sharing Program, kung
saan ang lahat ng ito ay nagbibigay diin sa importansya ng transparency at
accountability sa gobyerno(zambales.gov.ph).
Ang League of Vice-Governors naman, o liga ng mga bise gobernador ng
Pilipinas, ay may mga programa na tumutukoy sa pagpapalaganap ng Accountability at
Transparency sa lokal na antas ng pamahalaan, kasama ang malapit na pakikipag-
ugnayan sa Development Academy of the Philippines. Halimbawa ng mga ito ang
pagbibigay ng nararapat na edukasyon ukol sa tamang pamamahala ng mga opisyal ng
gobyerno, sa porma ng mga educational seminars at governance training, at ang
pagkakaroon ng Feedback Mechanism, o paraan upang mabigyan ng boses ang
kanilang mga pinagsisilbihan ukol sa kanilang pamamahala (lvgp.gov.ph). Dito makikita
ang pagkukusa ng League of Vice Governors sa pag-ako at sa pagbubukas nila ng
kanilang mga kilos sa publiko. Ang e-Governance Program din ng League of
Municipalities in the Philippines, o Liga ng mga Alkalde (Mayor) ay isang halimbawa din
ng mga programang naglalayunin na pataasin ang antas ng Transparency at
Accountability sa pamamagitan ng pagpapasigla ng partisipasyon ng mga mamayanan
sa Decision-making Process o ang proseso ng pagsasagawa ng mga desisyon sa loob
ng gobyerno (lmp.org.ph).
Bagama’t nakasaad sa mga layunin ng mga ‘liga’ na ito ang paglaban sa
korapsyon sa paraan ng pagpapatupad ng mga proyekto at programa na umiikot sa
konsepto ng pagbubukas ng mga gawain sa gobyerno sa publiko, pag-ako ng mga
gawain at proyekto, at pagbibigay importansya sa partisipasyon ng mga mamayanan sa
pamamahala, limitado lamang ang datos ukol sa tunay na epekto ng mga nasabing
proyektong ito, at ang mismong impluwensya na din ng mga institusyon na ito sa bawat
pangkat na kanilang pinanghahawakan. Naipapakita sa mga nabanggit na datos na ang
mga liga na ito ay nakapagsagawa ng mga programa at polisiyang maaaring pumuksa
ng korapsyon sa loob ng kanilang sistema, subalit sa lahat ng mga ito, wala halos datos
na makukuha sa tunay na epekto ng mga programang ito at kung ito ba ay talagang
nakakapigil ng korapsyon. Sa ganitong larangan, bibigyang pansin at iikot ang
diskusyon sa kaso ng Liga ng mga Barangay. Ang pagkukulang sa impormasyon o
datos ukol sa ugnayan ng korapsyon sa lebel ng mga Barangay, at ang istruktura ng
Liga ng mga Barangay bilang punong organisasyon ng lahat ng mga barangay, ang
magiging pinaka-sentro na problema na nais bigyang lunas ng pag-aaral na ito.
Madami na ang mga isyu ukol sa korapsyon sa antas ng Kongreso at
pagkapangulo, at iba’t ibang mga sektor ng lipunan ang nailaladha at nagiging pokus ng
pag-aaral ng maraming mga iskolar. Ngunit nais malaman ng mananaliksik kung ang
Liga ng mga Barangay bilang isang pormal na organisasayon ng gobyerno na
kinasasapian ng mga ulo ng mga Barangay ay maaring kumilos bilang isang
mekanismo laban sa korapsyon at kung ito din mismo ay pupuwedeng maging lungga
para sa korapsyon. Sa kalakihan ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, hindi malabo
na magkaroon din ng malaking partisipasyon ang mga punong opisyal nito sa
pagmomobilisa at pagtataguyod ng mga ilegal na gawain, lalo na at ang barangay ang
primaryang nagtataguyod ng serbisyong panglipunan sa komunidad natin at ang
pinakamalapit sa araw-araw na aktibidad ng bawat komunidad.
Ang Barangay, bilang pinaka-maliit na elemento gobyerno, ay ang nagsisilbing
pangunahing aktor sa pagsasagawa ng mga proyekto, polisiya, programa, plano at iba
pang mga aktibidad ng gobyerno sa kaniya-kaniyang mga sektor. Dito din dinadala at
ipinipapahiwatig ng mga tao ang kanilang mga hinaing at pagmamatwiranan o
pagtatalo. Ito’y nagsisilbing paraan ng pagpapalaganap ng kaunlaran at pagpapanatili
ng seguridad sa komunidad. Binibigyang hugis din ng Local Government Code ng
bansa ang istruktura ng Barangay; ang bawat Barangay ay pamumunuan ng isang
punong Barangay, pitong sangguniang barangay, isang sangguniang kabataan
Chairman, isang tigaingat-yaman at isang secretarya (1991 Local Government Code of
the Philippines).
Ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas ay ang pinakamalaking pormal na
organisasyon ng mga LGU sa buong bansa. Ito ay kumakatawan sa lahat ng mga
barangay sa buong bansa na umaabot sa 42,000 ang bilang ng mga miyembro. Ang
pamunuan ng Liga ay binubuo ng mga halal na opisyal; ang Presidente, Bise-
Presidente at limang Board of Directors. Ang pagbuo nito ay nakasaad sa Section 495
ng Local Government Code ng Bansa, bilang isang paraan upang mapagusapan,
mabigyang halaga at maresolba ang mga isyu tungkol sa pagpapatakbo ng mga
barangay. Ito rin ay paraan upang malaman ng gobyerno ang kalagayan ng bawat
isang Barangay sa bansa. Bukod sa pagdidinig sa iba’t ibang mga isyu ng mga
barangay, ang Liga din ay may mga kaukulang kapangyarihan; pagbibigay suporta sa
lokal na mga proyekto ng mga barangay, pagpapalaganap ng edukasyon para sa
partisipasyon ng mga mamayanan sa komunidad, at pagtataguyod ng mga ‘partnership’
sa iba’t ibang mga sektor o grupo sa lipunan para sa kabutihan ng mga barangay
(ULAP.org).
Balankas ng Pag-aanalisa
Ang korapsyon sa gobyerno ay maraming hugis at antas ng pagtatanyag. Malimit
ito ay nagaganap sa isang posisyon na may kakulangan sa pondo o mababa lamang
ang kinikita ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan at sa mga sektor ng gobyerno na
meron lamang kaunti o walang transparency sa mga pondo nito. Ang pagiging mababa
ng sweldo ng isang opisyal sa gobyerno ay mas may layunin upang maging korap
upang dagdagan ang mababang kita(G. Montinola, R. Jackman, 2002).
Ang isa na sa pinakamalimit na nangyayaring uri ng korapsyon ay ang Bribery o
ang pagsuhol. Madami pang ibang klase ng korapsyon tulad ng Fraud o ang panloloko
upang makamit ang isang bagay, Embezzlement o ang pangnanakaw ng pondo o
kagamitan na inilaan o ipina-asikaso, Extortion o ang pag-gamit ng kapangyarihan
bilang isang opisyal sa sapilitang pagkuha ng pera o kagamitan sa ibang tao o
organisasyon, Favoritism o ang pagbibigay ng espesyal na pagtrato sa mga personal
na kakilala sa trabaho, Nepotism o ang pagbibigay ng espesyal na pagtrato sa mga
kapamilya sa trabaho, at iba pa(N. Guwa-Ngamlana).
Pinaka-nababalitaan din ang korapsyon sa kapanahunan ng eleksyon. Malimit sa
panahon na ito nagkakaroon ng mga isyu ng korapsyon, at malaki din ang potensyal ng
mga barangay, at lalo na ang Liga ng mga Barangay na masangkot dito. Ang
koneksyon ng korapsyon at kapanahunan ng eleksyon ay mayroong malalim na kultural
at istruktural na pag-uugat, na kung kaya’t maari din nating sabihin na ang problema ng
korapsyon ay dapat tingnan bilang isang institutional na problema (E. Gyimah-Boadi,
2004). Malaking elemento ang kawalan ng transparency o ang pagiging bukas sa
publiko ng mga gawain ng gobyerno, sa paglaganap ng korapsyon, ayon kay Dr.
Johann Graf Lambsdorf (2001). Mas lalo na itong makikita sa mga gobyerno na may
imahen ng pagiging maksarili at mapaglihim (Shleifer-Vishny), tulad ng sa gobyerno ng
Pilipinas. Isa pang importanteng elemento sa paglaganap ng korapsyon sa gobyerno ay
ang kawalan din ng Accountability sa pagsasagawa ng korapsyon na may kaugnayan
sa mga pampublikong mga proyekto (J. Lambsdorf, 2001).
Dahil sa kakulangan sa mga elementong nabanggit, ang sistema ng korapsyon
sa gobyerno ay nagiging cyclical o pa-ulit ulit, at patuloy na lumalawak (J. Sison, 1961).
Ayon kay Montinola at Jackson (1999), upang maiwasan ang paglaganap ng ganitong
klaseng korapsyon sa isang sistema ng lipunan, dapat magkaroon ng mga epektibong
mekanismo ng pagkontrol, ng pagbibigay ng parusa at ng paguusisa sa iba’t ibang
sektor ng lipunan, na tinatawag na mga Watchdog Bodies. Isang halimbawa ng
paggamit ng isang Watchdog Body, ay ang pagsasagawa ng isang Executive Control
Organ, o isang administratibong institusyon na maaaring kumilos bilang isang taga-
balanse at taga-pagsuri ng mga kilos at gawain sa isang partikular na sektor ng
gobyerno mula sa itaas (Amudsen, Inge 1999). Sa ganitong larangan, ang mga ‘Liga’
na tinatawag ay may mga katangian na pinaka-sumasalamin sa isang Central
Coordinating Organ2, bilang isang Watchdog Entity laban sa korapsyon.
Ayon din kay Daniel Treisman (1998), ang mga politikal na sistema ay mas
bulnerable sa korapsyon kapag ito ay desentralisado, o Decentralized3, sapagkat sa
isang sistema na mayroong sariling awtonomiya ang bawat pangkat, mas kakaunti ang
mga sentralisadong organisasyong, o Central Coordinating Organ, na maaaring
tumutok dito. Pinaniniwalaan din ng marami iskolar na ang korapsyon ay magiging mas
laganap at mas nakabaon sa lokal na lebel ng pamahalaan dahil sa kaliitan ng bawat
2 Isang punong organisasyon na may potensyal na panghawakan ang mga kilos ng mga kinasasapian nito.
Ang isang Central Coordinating Organ ay madalas na binubuo ng mga punong opisyal ng bawat pangkat o
institusyon na pinanghahawakan mismo nito (PCIJ).
3 Tumutukoy sa desentralisasyon, o ang pag-delegado ng kapangyarihan mula sa isang sentro tungo sa
hiwahiwalay na mga pangkat
pangkat at dahil sa madalas na paguugnayan ng mga pampublikong opisyal at mga
pribadong indibidwal (Tanzi, 1995).
Natalakay sa mga kaugnay na literatura ukol sa korapsyon, na ang kawalan ng
ilang mga partikular na elemento ang nagbibigay pagkakataon na lumaganap ang
korapsyon sa isang sektor ng gobyerno, partikular ang Accountability at Transparency.
Sa ganitong paraan titingnan at aanalisahin ng mananaliksik ang Liga ng mga
Barangay, bilang isang Watchdog Body sa porma ng isang Central Coordinating Organ
na tumututok sa mga nabanggit na elemento.
Dahil sa kakulangan sa mga elementong nabanggit, ang sistema ng korapsyon sa
gobyerno ay nagiging cyclical o pa-ulit ulit, at patuloy na lumalawak (J. Sison, 1961).
Ayon kay Montinola at Jackson (1999), upang maiwasan ang paglaganap ng ganitong
klaseng korapsyon sa isang sistema ng lipunan, dapat magkaroon ng mga epektibong
mekanismo ng pagkontrol, ng pagbibigay ng parusa at ng paguusisa sa iba’t ibang
sektor ng lipunan, na tinatawag na mga Watchdog Bodies. Isang halimbawa ng
paggamit ng isang Watchdog Body, ay ang pagsasagawa ng isang Executive Control
Organ, o isang administratibong institusyon na maaaring kumilos bilang isang taga-
balanse at taga-pagsuri ng mga kilos at gawain sa isang partikular na sektor ng
gobyerno mula sa itaas (Amudsen, Inge 1999).Sa ganitong larangan, ang mga ‘Liga’ na
tinatawag ay may mga katangian na pinaka-sumasalamin sa isang Central Coordinating
Organ4, bilang isang Watchdog Entity laban sa korapsyon.
Ang pangunahing teorya na gagamitin sa pagsusuring ito ay ang konsepto ng
Organizational Institutionalism. Ayon kina DiMaggio and Powell (1983, 1991), at Scott
(2009), na binanggit ni Vargas-Hernandez sa kanyang pag-aaral ukol sa pag-o-organisa
ng mga institusyon (2009), ito ay tumitingin sa mga kaakibat na pagbabago na
isinasagawa ng mga institusyon at organisasyon bilang sagot sa presyon ng kabuuang
institusyonal na kapaligiran (Institutional Environment) na ipinapataw sa mga ito. Sa
madaling salita, sinasabi ng teorya na ito na ang mga katangian at kilos ng isang
organisasyon o institusyon ay sumasalamin sa mga kondisyon na ipinapataw dito ng
4 Isang punong organisasyon na may potensyal na panghawakan ang mga kilos ng mga
kinasasapian nito. Ang isang Central Coordinating Organ ay madalas na binubuo ng mga punong opisyal
ng bawat pangkat o institusyon na pinanghahawakan mismo nito (PCIJ).
kabuuang istruktura o kapaligiran na pinagkikilusan nito. Isang kaakibat na konsepto ng
Organizational Institutionalism ay ang papel ng ahensya (Theory of Agency) sa…

Search related