Click here to load reader

BARANGAY SAN RAFAEL ATIMONAN, · PDF file1. HISTORICAL BACKGROUND KASAYSAYAN NG BARANGAY SAN RAFAEL Ang barangay San Rafael ay may tatlong kasaysayan batay sa pagsasalaysay ng mga

  • View
    293

  • Download
    5

Embed Size (px)

Text of BARANGAY SAN RAFAEL ATIMONAN, · PDF file1. HISTORICAL BACKGROUND KASAYSAYAN NG BARANGAY SAN...

  • BARANGAY SAN RAFAEL

    ATIMONAN, QUEZON

  • SOCIO-ECONOMIC PROFILE

    BARANGAY SAN RAFAEL

  • Prepared by:

    ARNEL M. ALCANTARA

    Municipal Planning & Development Coordinator

    CECILIA T. DE TORRES Assistant Municipal Planning & Development Coordinator

    MAY MODELO-SORNITO Project Development Officer II

    2015 December

  • Republika ng Pilipinas

    BARANGAY NG SAN RAFAEL Bayan ng Atimonan

    Lalawigan ng Quezon

    * * * * *

    TANGGAPAN NG PUNONG BARANGAY

    MENSAHE

    Isang mapagpalang pagbati! Ikinalulugod ko pong ilahad ang BARANGAY SOCIO-ECONOMIC PROFILE.

    Nakapaloob po dito ang kalagayan ng BARANGAY SAN RAFAEL sa anim na aspeto ng pamamahala: Mga sistema at Paraang Pampangasiwaan (Administrative System and Procedures), Mga serbisyong Panglehislatibo (Legistative Services), Lawak ng Pakikilahok ng Komunidad (Extent of Community Participation ), Serbisyong Panlipunan (Social Services), Kaunlarang Pang ekonomiya (Economic Development) at pamamanihala ng kapaligiran (Environmental Management).

    Ang Barangay Socio-Economic Profile na ito ang magsisilbing batayan ng ating pagbalangkas ng mga programa at proyektong higit na tutugon sa pangangailangan n gating Barangay. Ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan.

    Layunin din ng Barangay Socio-Economic Profile na ito na ipabatid ang higit na pangangailangan n gating Barangay sa lahat ng mga kinauukulan, para sa nararapat na pakikipag-ugnayan at kooperasyon, tulad ng National Govrnment Agencies (NGAs), mas mataas na Local Government Units (LGUs) bayan/lungsod / lalawigan, mga Pribadong Sektor at iba pa.

    Ngunit higit sa lahat, layunin ng Barangay Socio-Economic Profile na ito na, ipabatid sa ating mga kabarangay ang tunay na kalagayan ng ating Barangay para sa kanilang kabatiran at higit na pakikipagtulungan.

    Gayundin, nais kong ipaabot sa Tanggapan ng Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) ang taos pusong pasasalamat sa paglulungsad ng Barangay Socio-Economic Profile.

    Mabuhay po tayong lahat!

    BERNARDO G. TUNDAG Punong Barangay

  • Republika ng Pilipinas BAYAN NG ATIMONAN Lalawigan ng Quezon

    * * * * *

    TANGGAPAN NG PUNUMBAYAN

    MENSAHE

    Mahalaga ang kamulatan ng mamamayan sa mga impormasyon ukol sa

    bawat barangay ng Atimonan. Ang magbigay ng konkreto at angkop na mga

    datos ang layunin ng Socio-Economic Profile ng mga Barangay. Ito rin ang

    magsisilbing matibay na batayan upang mabalangkas ng Pamahalaang Bayan

    ang mga programang pangkaunlaran na ang mamamayan ang higit na

    makikinabang.

    Ang ating mamamayan ang salamin ng kaunlaran ng bayan kaya ang

    progreso ng apatnaput dalawang barangay ay pinapahalagahan ng Lokal na

    Pamahalaan ng Atimonan. Ang Socio-economic Profile ang testimonya na patuloy

    ang pag-unlad ng ating bayan.

    Sama-samang magsimula,

    Walang Maiiwan sa pag-unlad ng ATIMONAN!

    JOEL M. VERGAO

    Punumbayan

  • KATANGIAN AT INTERPRETASYON SA OPISYAL NA LOGO NG BARANGAY

    Ang opisyal na sagisag (logo) ay binubuo ng dalawang hugis bilog, isa(1) sa loob at isa sa labas. Ang espasyo sa gitna ng dalawang (2) hugis bilog ay nakasulat ang mga sumusunod:

    BARANGAY SAN RAFAEL pangalan ng barangay at nakalagay sa itaas na bahagi ng hugis bilog. ATIMONAN, QUEZON pangalan ng bayan at probinsyang nakakasakop sa Barangay at nakalagay sa ibabang bahagi ng hugis bilog.

    Ang gitnang bahagi ng nasa loob ng bilog ang mga sumasagisag sa pagkakakilanlan ng barangay ay ang mga sumusunod:

    KULAY DILAW nakapaikot sa loob at labas ng logo, sumisimbolo na sa pagbubukang liwayway ang magandang sinag nito na kulay dilaw na siyang tumatama s barangay.

    KULAY ORANGE NA AKLAT O LIBRO sumisimbolo na dito nakasulat ang mga taong namuno nagpa-unlad at nagbigay ng pangalan ng barangay, laki ng barangay dami ng taong naninirahan dito at maging ang mga pangkabuhayan ng barangay ay dito makikita at maging iba pang mahahalagang bagay.

    KULAY ASUL NA BILOG mga kabataan ito na sumisimbolo na mahilig sa mga paligsahan, tumutulong upang maging masaya ang barangay.

    NIYOG sumisimbolo ito na isa sa pangunahing pangkabuhayan ng mga tao sa pamayanan.

    BUKID sa pagsikat ng haring araw ang mga kabukiran ay isa sa binibigyang biyaya nito, upang ang mga tao ay patuloy na magkandili sa kanilang palayan.

    LUNTIANG DAHON sumisimbolo sa luntiang kapaligiran at kalinisan ng barangay.

    KULAY DILAW SA LASO nakapailalim sa kabuohang bahagi ng logo na

    nagsasaad ng For God and For Country na sumisimbolo sa isang pamayanang bahagi na nilikha ng diyos at ipaubaya ang lahat ng pasasalamat at katagumpayan sa Poong Lumikha.

    Ang pagkilala ay ibinibigay sa mga nag-ambag para sa pagsasa-ayos ng opisyal na sagisag (logo) ng barangay at ito ay ang mga sumusunod:

    KGG. ALFONSO C. MANALO Dating Punong Barangay; na nagpatupad ng pagkakaroon ng opisyal na sagisag ang barangay. G. VICTOR LOPEZ Dating Kalihim ng Barangay; sa pagdesinyo at pagguhit ng sagisag. SANGGUNIANG BARANGAY (KASALUKUYAN) - sa pagbibigay ng kahulugan ng sagisag.

  • VISION

    Isang Barangay na Maka-Diyos, Mapayapa at Nagkakaisa

    Mamamayan, upang makamit ang maunlad na kinabukasan.

    MISSION

    Maiangat ang Antas ng Edukasyon, Pamumuhay ng mga

    Mamamayan at Manatili ang Katahimikan at Kapayapaan

    para sa Ikauunlad ng Pamayanan.

  • 1. HISTORICAL BACKGROUND

    KASAYSAYAN NG BARANGAY SAN RAFAEL

    Ang barangay San Rafael ay may tatlong kasaysayan batay sa pagsasalaysay ng mga

    naunang tao sa baarangay.

    Sang-ayon sa salaysay ni Don Luis Manalo, isa sa mga itinturing na mayayaman at anak

    ng unang naninirahan sa lugar na ito, na ang lugar na ito ay isa sa sitio ng Barrio Inalig na kung

    tawagin ay Sitio Kabubuot. Na ang ibig sabihin ay kadluan o pinagmumulan ng tubig. Ito ay

    isang napakahabang lugar na sa gitna ay may lawa ng tubig na wlang labasan. Sa tuwing darating

    ang tag-ulan, ito ay napupuno ng tubig at sa panahon ng tag-araw ay agad namang nakakatihan.

    Noong panahong iyon ay si Juez Andres ay siya pang Juez de Sementera dito sa bayan ng

    Atimonan, inisap niya ang paraan upang ang tubig ay maalis sa palayan upang dito ay higit na

    pakinabangan. Lubhang napaka istrikto ng mga opisyales noon, at si Juez Andres Sales ay di naiiba.

    Sapagkat siya ang namamahala sa lahat ng mga magsasaka maging sa mga dapat itanim sa bukirin,

    inatasan niya ang lahat ng mga magsasaka na humukay ng isang malalim na kanal na siyang

    magiging daan ng tubig upang doon maimbak an tubig na dapat kailanganin sa mga bukirin. Ito ay

    isinasagawa sa sapilitang pagtatrabaho. Ang daanang ito ay tinatawag ngayong ilog Lagalag. At sa

    banding huli ang umugnay na sa ilog Palsabangon patungong Lamon Bay. Ang mga lupaing dati ay

    naimbakan ng tubig ay nakatihan kaya pinaghati-hati niya ito sa mga nagtatrabaho sa kanal at

    nagawa nila itong palayan sa buong bayan ng Atimonan. Ang mga mamamayan dito ay umunlad

    sanhi ng magagandang ani sa kanilang palayan.

    Isang araw ay natagpuan ng isang magsasaka ang isang luma at maitim na imahen sa

    bahay ni G. Gregorio Paunil wala ni isa sa mga tao ang nakakabatid kung ano ito na sa huli ay

    tinawag nila itong San Rafael at mula din noon ay tinawag ang sitio Kabubuot ng Sitio San Rafael, na

    kung sasapit ang ika-24 ng Oktubre ay ipinagdiriwang ang kapistahan sa pag-alaala sa santong San

    Rafael ang imaheng ito ay bininyagan noong 1764 na hanggang sa kasalukuyan ay nasa pag-iingat ng

    pamilya Manalo sa katauhan ni G. Ranquilino Manalo.

    Ayon naman kay Cabeza Benito Sales, ang nag-iisang anak na lalaki ni Juez Andres Sales,

    matpos ang mga lupain ng mga nagtatrabaho sa ilog, sila ay nagkaroon ng pulong pangkalahatan

    upang ihiwalay ang sitiong ito sa kabayanan. Walang sapat na ugnayan mula sa bayan at ang

    transportasyon dito ay ang pagsasakay sa kalabaw o kabayo o kaya naman ay sa paragos.Kung ang

    isang tao ay walang ganitong sakayan ay naglalakad na lamang sila. Pinagkasunduan na din nilang

    gawing Patron ang imaheng San Rafael at dahil wala pa ding pangalan ang kanilang inihiwalay na

    sitio ay tinawag na din nila itong San Rafael bilang paggalang sa kanilang itinalagang santo.

    Ayon naman sa isa pang ulat, noong 1963 ang lugar na ito ay tunay ngang isa lamang sitio

    ng Barrio Inalig kung tawagin ay Sitio Kabubuot. Isang nagngangalang Rafael ang dito ay unang

    nanirahan na ang kanyang libangan ay ang panghuhuli ng isdang tabang. Nang panahon noon ay

    naniniwalang sa San Rafel ang patron ng mga mamamalakaya kung kaya marami silang nahuhuling

    mga isda. Nang mamatay si Rafael ay tinawag nila ang sitiong ito na San Rafael bilang parangal sa

    kanilang patron at pagpapahalaga sa unang taong nanirahan sa kanilang lugar.

    Maraming mga ulat ang masasabi sa pagkakalikha ng Barangay San Rafael pasubali ang

    legal na basehan kung paano ito nalikha ay sa pamamagitan ng Republic Act No. 3590.

  • 2. PHYSICAL CHARACTERISTICS Brgy. San Rafael is one of the inner barangays of Atimonan, located about 13-kilometers away from the towns poblacion and about 8-kilometers away from Maharlika Highway bounded on the north by Brgy. Ponon, on the south by Barangay Socorro, municipality of Unisan, on the west by Barangay Mairok, municipality of Unisan and on the east

Search related