12

Click here to load reader

Banghay-Aralin sa Batayang Kaalaman sa Komunikasyon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Masusing banghay-aralin tungkol sa mga batayang konsepto ng komunikasyon.

Citation preview

Mischelle D. MarianoIsang Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 1I. Mga Tiyak Na LayuninA. Natatalakay ang kahulugan ng komunikasyon.B. Natutukoy ang ibat ibang salik sa proseso ng komunikasyon.C. Naibibigay ang kahalagahan ng komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay ng tao.D. Natataya ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa komunikasyon at mga salik nito.

II. Paksang Aralin: Komunikasyon at ang mga Salik na Bumubuo sa Proseso NitoKagamitan: Slideshow Presentation, Laptop, ProjectorSanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Filipino I), pahina 14-19

III. PamamaraanGawaing GuroGawaing Mag-aaral

A. Pangganyak

Magandang araw, mga mag-aaral!

Mayroon akong mga ipapakitang larawan sa inyo. Ano ang nakikita niyo sa unang larawan?

Magaling! Ang pagtetext nga ang isa sa pinakagamiting paraan ng pakikipag-usap ngayon, hindi ba?

Pero kung minsan, hindi lubos na nagkakaintindihan ang nag-uusap sa text dala na rin ng ibat ibang salik, hindi ba?

Ano naman ang nasa ikalawang larawan?

Tama! Sa tingin niyo, ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng maraming Likes?

Oo, at kung minsan nga ay nagiging sukatan na rin ang daming Likes ng Facebook status ng isang tao, lalo na sa inyong mga kabataan. Tama ba?

Oo. Ngayon, ano naman ang nakikita niyo sa ikatlong larawang ito?

Magaling! Ano sa tingin niyo ang paksa ng liham niya? Para kanino kaya ito?

Tama! Ano ang pagkakapare-pareho ng tatlong larawang ito?

Mahusay! Ang tatlong larawan ngang ito ay nagpapakita ng ibat ibang paraan ng komunikasyong ginagamit ng mga tao, una ay ang pagtetext, ang paggamit ng Social Networking Site gaya ng Facebook at ang mas lumang paraan, ang pagsusulat ng liham.

B. Paglalahad

Sa araw na ito ay ating ngang pag-aaralan ang mga batayang kaalamang pangkomunikasyon- ang kahulugan nito, at ang mga salik sa proseso ng komunikasyon. Handa na ba kayong makinig?

C. Pagtatalakay

Kapag sinabing Komunikasyon, ano ang mga salitang unang pumapasok sa iyong isip?

Magaling! Lahat ng inyong sinabi ay mayroon ngang kaugnayan sa Komunikasyon. Tingnan natin ang kahulugang ibinigay ng ilang eksperto.

Una ay ang sinabi ni Rothfuss na ang komunikasyon ay isang prosesong resiprokal. Ano ang ibig sabihin ng resiprokal?

Tama. Kung gayon, ilan kaya ang taong kasangkot sa komunikasyon kung sinasabing may nagpapalitan o nagbabahaginan?

At ang mga kasangkot na ito ay ang tinatawag na tagahatid at tagatanggap. Mas pagtutuunan pa natin ng pansin iyan sa mga salik ng komunikasyon.

Sinabi naman ni Revell na ang komunikasyon ay pagpapalitan ng mga ideya, impormasyon, o damdamin ng mga kalahok sa pamamagitan ng mga simbolong berbal at di-berbal.

Ano ang simbolong berbal?

Tumpak! At ano naman ang mga simbolong di-berbal?

Tama, lahat ng simbolong maaaring gamitin maliban sa salita.

Ang pangatlong nagbigay ng kahulugan ay si Verderber. Sinabi niya na ang komunikasyon ay dinamiko, tuluy-tuloy at transaksyunal.

Ano ang ibig sabihin ng dinamiko?

Tama, kung gayon, paano nagbabago ang komunikasyon?

Magaling! Isa nga iyang patunay na nagbabago at aktibo ang komunikasyon. Sa paanong paraan pa?

Mahusay! Lahat nga ng tao ay sangkot sa proseso ng komunikasyon.

Bakit naman sinabing ito ay tuluy-tuloy?

Tama! At kahit na natapos na ang pag-uusap ng dalawang tao, hindi pa rin natatapos ang proseso ng komunikasyon, makikita pa rin ito sa mga kilos at ekspresyon ng isang tao at nagkakaroon pa rin ng tinatawag na Intrapersonal na komunikasyon kung saan kausap ng tao ang kanyang sarili. Tama ba?

Ngayon, paano naman nagiging transaksyunal ang komunikasyon?

Magaling! Mayroon silang layuning nais matamo na siyang dahilan ng kanilang transaksyon at nasa kanilang mga kamay kung makakamtan nila ang layuning iyon.

Maliwanag na ba sa inyo ang kahulugan ng komunikasyon? Sino ang makapagbibigay ng kanyang sariling pagpapakahulugan dito?

Mahusay! Upang mas lalo pa nating maunawaan ang proseso ng komunikasyon, talakayin naman natin ngayon ang mga salik na bumubuo sa proseso nito.

Ano ang unang salik?

Tama. At sino ang mga komyunikeytor?

Ano ang pagkakaiba ng tagahatid sa tagatanggap?

Tama! Ngunit ang pagkakaintindihan ng mga komyunikeytor ay maaaring maapektuhan ng ibat ibang salik, hindi ba? Sino ang makapagbibigay ng halimbawa?

Napakahusay ng inyong mga sinabing halimbawa. Ang iba pang makakaapekto ay ang karanasan, motibasyon, ideya, estado, edukasyon, hanapbuhay at iba pa.

Dumako naman tayo sa susunod na salik, ang layunin ng komunikasyon. Ano ang ibig sabihin nito?

Kung gayon, ay masasabing may ibat ibang layunin ang bawat tao sa pakikipagkomunikasyon na maaaring pang-indibidwal o pangkatan.

Maaaring maging layunin sa komunikasyon ang sumusunod:1. Humingi o magbigay-impormasyon2. Humikayat o mag-impluwensiya3. Magbigay-aliw4. Lumutas ng suliranin5. Magpanatili ng relasyon

Sino ang makapagbibigay ng mga halimbawa?

Mahusay ang inyong mga ibinigay na halimbawa. Ngayon naman ay talakayin natin ang ikatlong salik, ang mga tuntuning pangkomunikasyon. Ano ang kahulugan nito?

Tama, ibig sabihin ito ang nagdidikta kung ano ang angkop na paksa o behavior ng mga komyunikeytor ayon sa konteksto at sa kanilang relasyon. Magbigay nga ng halimbawa?

Magaling! Dahil sa nag-iiba-iba ang relasyon ng mga komyunikeytor sa isat isa, nag-iiba rin ang tuntuning pangkomunikasyong dapat nilang sundin.

Ngayon naman, ang susunod na salik ay ang feedback. Ano ang feedback?

Ano ang kahalagahan ng feedback?

Halimbawa nito ay kung pailing-iling ang kausap mo, ibig sabihin hindi sang-ayon o nagdududa. Maliwanag ba?

Ang susunod na salik ay ang mensahe. Ano ang ibig sabihin nito?

Tama. Ito ang kumakatawan sa ano ng komunikasyon. May tatlong salik ang mensahe- ang kahulugan, simbolo, at anyo o paraan. Ano ang kahulugan?

Tama at ang kahulugang ito ay maaaring ihatid sa pamamagitan ng mga simbolo na maaaring maging berbal o di-berbal. May dalawang prosesong kasangkot dito, ang enkowding at dekowding. Ano ang pagkakaiba ng dalawang ito?

Magaling! At ang anyo o paraan naman ay kung paano inihahatid ang mensahe. Maaaring sa pamamagitan ng pagguhit, paglalarawan o paggawa ng krokis.

Dumako naman tayo sa ikaanim na salik, na tsanel o daluyan. Ano ito?

Tama! At ang ginagamit nating tsanel ay ang ating limang pandama. Halimbawa, sa paningin, maaaring magdamit ng nakakaakit ang isang dalaga upang makuha ang atensyon ng isang binata. Sino pa ang makapagbibigay ng halimbawa?

Mahusay! Upang lalong mapaigting ang ating mensahe, gumagamit tayo ng higit sa isang tsanel, ang berbal ay maaaring sabayan ng di-berbal na salita.

Ngayon naman ay ang ikapitong salik, ang konteksto. Ano ito?

Tama at kasama na rin dito ang panahon, temperatura, ayos ng pagkakaupo, ingay sa kapaligiran, pormalidad ng okasyon, bilang ng nag-uusap, itinakdang tuntunin at relasyon ng mga komyunikeytor. Magbigay nga kayo ng halimbawa?

Mahusay! At ang panghuling salik ay ang kinalabasan o resulta. Bakit kailangang malaman ang resulta ng komunikasyon?

At hindi lang iyon, palatandaan din ito kung epektibo silang komyunikeytor o hindi. Ngunit hindi laging basehan ang pagtamo ng layunin sa pagiging mabisa ng komunikasyon, sa halip ay mas mahalagang isaalang-alang pa rin ang kaangkupan ng kaasalan sa pakikipag-usap. Halimbawa, dahil sa gusto mo lamang mapasang-ayon ang isang tao, pipilitin mo na ito kahit taliwas sa kanyang kagustuhan.

Naintindihan niyo ba kung ano ang komunikasyon at ang ibat ibang salik nito?

D. Pagpapahalaga

Kung gayon, para sa inyo, ano ang kahalagahan ng komunikasyon?

Magaling! Kung gayon, masasabing ang komunikasyon ay palatandaan ng buhay sa mundo, hindi ba?

F. Ebalwasyon

Ngayon ay maglabas kayo ng isang buong papel at gawin ang sumusunod. Magtala ng posibleng paksa at pares ng komyunikeytor para sa mga sumusunod na konteksto.

1. sa kantina2. sa mall3. sa klasrum4. sa hospital5. sa kalsada6. sa palengke7. sa simbahan8. sa loob ng husgado

Magandang araw din po, maam!

Mga pag-uusap po gamit ang text.

Opo, maam.

Opo, maam.

Mga Facebook status na maraming Likes.

Ibig sabihin po ay maraming nakauunawa sa saloobin ng sumulat ng status.

Opo, kumbaga mas maraming Likes, mas sikat ka o mas astig!

Mga liham po, maam.

Sa tingin ko po ito ay isang love letter para sa minamahal niya.

Lahat po ng larawan ng nagpapakita ng ibat ibang paraan ng komunikasyon.

Opo, maam.

(Inaasahang ilan sa sagot ng mga mag-aaral ang sumusunod:)

Pakikipag-usapPakikipagtalastasanPagpapalitan ng mga ideyaTeleponoPagtetextPakikipag-chat

Nangangahulugan po itong pagpapalitan o pagbabahaginan.

Maaaring dalawa o higit pa ang taong nagpapalitan ng mga ideya o saloobin.

Ito po ay ang mga salita o pangungusap na sinasabi ng mga komyunikeytor.

Kabilang po rito ang intonasyon, mga kilos o senyas, ekspresyon ng mukha at mata.

Ito ay nangangahulugang nagbabago.

Nagbabago po ang komunikasyon kasabay ng pagbabago ng panahon. Sumasabay ito sa pangangailangan ng mga tao. Gaya ng larawan kanina, noong unang panahon ay puro liham ang ginagamit ngunit ngayon ay umunlad na at ang gamit na ng karamihan ay cellphone at Facebook.

Aktibo rin po ang komunikasyon sa paraang ito ay nagaganap sa pagitan ng ibat ibang tao.

Ito ay tuluy-tuloy dahil wala itong tiyak na simula at wakas. Patuloy itong nagaganap sa pagitan ng mga tao.

Tama po.

Ito po ay transaksyunal sapagkat ang mga taong kasangkot dito ay parehong responsable sa ikatatagumpay ng kanilang pag-uusap.

Sa aking pagkakaintindi sa mga naibigay na kahulugan, ang komunikasyon po ay isang aktibong proseso ng pagpapalitan ng impormasyon o ideya ng mga tao.

Ang mga komyunikeytor, maam.

Sila po ang mga taong kasangkot sa komunikasyon na maaaring tagahatid o tagatanggap.

Ang tagahatid po ang bumubuo ng mga mensahe samantalang ang tagatanggap ang pumuproseso at nagbibigay-reaksyon dito.

Gaya po ng pagkakaiba ng edad. May mga terminong ginagamit ng mga kabataan ngayon na hindi naiintindihan ng mga mas nakatatanda gaya na lamang ng TTYL, IDK, IKR at marami pang iba.

Nakakaapekto rin po ang pagkakaiba nila ng kasarian. Maaaring ang gustong paksang pag-usapan ng isang lalake ay puro isports o videogames na hindi naman hilig ng kausap niyang babae.

Ang layunin ay tumutukoy sa inaasahang resulta ng pakikipag-usap ng bawat komyunikeytor.

1. Kapag may mga turistang nagtatanong ng direksyon patungo sa isang tourist spot sa Ilocos.2. Kapag panahon ng pangangampanya, ang lahat ng tumatakbong pulitiko ay nanghihikayat sa pamamagitan ng mga diskurso.(Magbibigay pa ng ibang halimbawa.)

Ang tuntuning pangkomunikasyon ang nagsisilbing batayan ng mga komyunikeytor ng kanilang transaksyon.

Halimbawa po iba ang paraan ng pakikipag-usap ng guro sa kanyang mga mag-aaral sa paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa guro.

Iba rin po ang paksa ng pag-uusap sa loob ng klasrum sa paksa ng pag-uusap sa kalsada.

Ito ay ang tugong mental o pisikal sa pag-uusap ng mga komyunikeytor.

Ito ay pahiwatig kung naunawaan ba o hindi ang inihatid na mensahe.

Opo, maam.

Ito ang berbal o di-berbal na simbolong ginagamit ng mga komyunikeytor sa kanilang pag-uusap.

Ito ang mga ideya o damdaming nais iparating nga komyunikeytor.

Ang enkowding ay ang pagpapalit ng mga ideya at damdamin sa mga simbolo samantalang ang dekowding naman ay pagpapalit ng mga simbolo sa mga ideya at damdamin.

Ito ang dinadaanan ng mensahe mula sa isang komyunikeytor patungo sa iba.

Sa panlasa at pang-amoy, ang masarap at mabangong ulam ay maaaring magpahayag ng pagmamahal ng isang ina para sa kanyang pamilya.

(Magbibigay pa ng ilang halimbawa.)

Ito ay tumutukoy sa kapaligiran at lugar na pinangyarihan ng komunikasyon.

Halimbawa, iba ang paraan ng pag-uusap ng mga guro sa loob ng faculty room sa paraan ng pag-uusap ng mga teenager sa mall.

Mahalagang malaman ito dahil palatandaan ito kung naging matagumpay ba o hindi ang naganap na komunikasyon.

Opo, maam.

Ang komunikasyon po ay ang pinakamahalagang proseso sa buhay ng isang tao. Dito natin naipapahayag ang lahat ng ating ideya at mga saloobin. Hindi gagalaw ang mundo kung walang nagaganap na komunikasyon.

Opo, maam.

(Gagawin ng mga mag-aaral ang aktibidad. Pagkatapos ng 10 minuto ay ipapasa nila sa guro ang ginawa.)

IV. Takdang AralinGumuhit ng isang komiks na may tatlong frame tungkol sa paksang hilig ng mga kabataan sa kasalukuyan pagkatapos sa ibaba nito ay tukuyin at ipaliwanag ang mga salik ng komunikasyong taglay nito. Ipasa sa sususnod na klase.