Upload
jonathan-paranada
View
646
Download
3
Tags:
Embed Size (px)
Citation preview
Mga Batayang Kakayahanpara sa Baitang 7 Filipino
Ani Rosa Almario
Language Area Team
Mga Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards)
Pag-unawa sa NapakingganPagsasalitaPag-unawa sa BinasaPagsulatTatasPakikitungo sa Wika at PanitikanEstratehiya sa Pag-aaral
Pag-unawa sa Napakinggan
Mabisang makilahok sa mga makubuluhang gawain sa pakikinig, na naaayon sa kanilang antas
Pagsasalita
Magkapagsalita/makapagpahayag nang naaayon sa iba’t ibang nakikinig para sa iba’t ibang layon
Pag-unawa sa Binasa
Makagamit ng iba’t ibang kakayahan at estratehiya sa pagbibigay ng kahulugan sa iba’t ibang tekstong pampanitikan, tekstong nagbibigay-impormasyon, at popular na babasahin
Pagsulat
Makagamit ng iba’t ibang kakayahan at estratehiya upang epektibong makapagsulat para sa iba’t ibang layon
Tatas
Nagagamit nang wasto ang wika, pabigkas man o pasulat
Pakikitungo sa Wika at Panitikan
Makapagpahayag ng mga makabuluhang tanong at ideya sa iba’t ibang paraan, para sa iba’t ibang sitwasyon
Estratehiya sa Pag-aaral
Makagamit ng iba’t ibang kakayahan at kasangkapan bilang tulong sa pag-aaral
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
Unang Markahan
A. Nahihinuha ang konteksto ng pinakikinggan ayon sa lugar, kausap, at paksa
B. Naisasaayos ang mga ideya o impormasyong napakinggan
C. Naiiintindihan ang epekto ng diin, intonasyon, bilis, phrasing, at mga di-pasalitang palatandaan (non-verbal cues) sa kahulugan at mensahe ng tekstong pinakikinggan
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
Ikalawang Markahan
A. Nakalilikom ng mahahalagang impormasyon mula sa media (radyo, telebisyon, pahayagan,at iba pa)
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
Ikatlong Markahan
A. Natutukoy ang kaangkupan ng ginamit na tono, antala, haba, at diin sa napakinggang diskurso at teksto
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
Ikaapat na Markahan
A. Naipapahayag sa sariling pamamaraan ang mga napakinggang pahayag, mensahe, at teksto
PAGSASALITA
Unang Markahan
A. Nakabubuo ng mga pahayag na naglalarawan, nagsasalaysay, naglalahad, at nangangatwiran
B. Nagpapahayag ng damdamin, ideya, opinyon, at mensahe gamit ang malilinaw na pangungusap
PAGSASALITA
Ikalawang Markahan
A. Nakapagsasalita nang may maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari/ideya
B. Nagpapamalas ng organisadong pag-iisip sa pagsasalita
PAGSASALITA
Ikatlong Markahan
A. Nakapagbibigay katwiran kaugnay ng napapanahong isyu o paksa
B. Nakapaglalahad nang may kaayusan, kaisahan, at kabuuan
PAGSASALITA
Ikaapat na Markahan
A. Nakapag-uulat tungkol sa nasaliksik
B. Nakapanghihikayat sa pamamagitan ng pananalita
C. Gumagamit ng simbolismo para pagyamanin ang mga ipinahahayag
PAG-UNAWA SA BINASA
Unang Markahan
A. Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa mga kaisipan sa teksto at akdang pampanitikan
B. Nasusuri ang mga elemento ng alamat at kuwentong bayan
C. Nakapaglalahad ng mungkahing solusyon, kongklusyon, paniniwala, at epekto ng akda sa sarili
PAG-UNAWA SA BINASA
Ikalawang Markahan
A. Nasusuri ang mga elemento ng kuwento B. Napaghahambing ang iba’t ibang panitikang
rehiyonal
PAG-UNAWA SA BINASA
Ikatlong Markahan
A. Naiisa-isa ang katangian ng relasyon ng tao sa lipunan na inilalahad sa akda
B. Nasusuri ang mga elemento at sosyo-historikal na konteksto ng binabasang akda
PAG-UNAWA SA BINASA
Ikaapat na Markahan
A. Nagpapahalaga sa mga anyo ng panitikan alinsunod sa isang payak ngunit malinaw na kasaysayang pampanitikan ng Filipinas
PAGSULAT
Unang Markahan
A. Natutukoy ang kaibahan ng pasalita at pasulat na paraan ng wika na may tuon sa kani-kanilang katangian
B. Nakasusulat ng isang payak at masining na paglalarawan
C. Nagpapahayag ng damdamin, ideya, opinyon, at mensahe gamit ang malilinaw na pangungusap
D. Nakasusulat ng simple at organisadong talata
PAGSULAT
Ikalawang Markahan
A. Nakasusulat ng tekstong nagsasalaysay
PAGSULAT
Ikatlong Markahan
A. Nakasusulat ng sanaysay na may kaayusan, kaisahan, at kabuuan
PAGSULAT
Ikaapat na Markahan
A. Nakasusulat ng suring papel sa isang akda
B. Nagagamit nang epektibo ang nasaliksik sa pagsulat
TATAS
Alam ang pinagkaiba ng pormal at impormal na Filipino
Nasusuri ang mahahalagang detalye ng napanood, napakinggan, o nabasang impormasyon (media literacy)
Natataya kung ang napakinggan, napanood, o nabasa ay may kabuluhan at kredibilidad
Gagap ang gramatika at bokabularyong Filipino
PAKIKITUNGO SA WIKA AT PANITIKAN
Nagpapakita ng likas na interes at kasabikan sa pagbuo at pagsagot ng mga tanong at puna sa panitikang nabasa o napakinggan
Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral ng wika at panitikan
ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL
Nakahahanap ng mga angkop at sari-saring batis ng impormasyon upang mapagtibay ang mga pinaninindigan, mabigyang-bisa ang mga pinaniniwalaan, at makabuo ng mga kongklusyon
Alam ang pinagkaiba ng mga primarya at sekondaryang batis ng impormasyon
HALIMBAWANG PAMANTAYANMAHUSAY PUWEDE NA KULANG PA
WASTO ang balarila. Wala o halos walang mali. May ilang pagkakamaling hindi labis na nakaaapekto sa bisa ng sulatin.
May mga pagkakamaling nakaaapekto sa bisa ng sulatin.
IISA ang tinutungo ng bawat pangungusap. Walang pangungusap na sablay sa paksa.
Wala o halos walang mali. May ilang pagkakamaling hindi labis na nakaaapekto sa bisa ng sulatin.
May mga pagkakamaling nakaaapekto sa bisa ng sulatin.
MAAYOS ang daloy. Lohikal ang pagkakasunud-sunod ng pangungusap.
Wala o halos walang mali. May ilang pagkakamaling/ pagkukulang na hindi labis na nakaaapekto sa bisa ng sulatin.
May mga pagkakamaling/ pagkukulang nakaaapekto sa bisa ng sulatin.
MADULAS basahin. Gumamit ng mga angkop na pandugtong na salita.
Wala o halos walang mali. May ilang pagkakamaling/ pagkukulang na hindi labis na nakaaapekto sa bisa ng sulatin.
May mga pagkakamaling/ pagkukulang nakaaapekto sa bisa ng sulatin.
MABISA ang pagkakapahayag sa damdamin at nilalaman ng mensahe sa madlang pinag-uukulan.
Di-malilimutan ang sinabi dahil nakaaantig sa damdamin at tumatatak sa isip.
May mga pagkakataong tumatalab sa damdamin at tumatatak sa isip ang sinabi.
Madaling malimutan ang sinabi dahil wala o halos walang talab sa damdamin at hindi tumatak sa isip.