40
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA BATAYANG KAALAMAN SA

PAGSULAT

Page 2: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao,tumitigil na rin siya sa pag-iisip.”

Dahil sa pagsulat naitatala ng tao ang lahat ng karununungan at kaalaman,mula sa mga pansariling karanasan hanggang sa mga kaalamang pang-edukasyon.

Page 3: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

KAHULUGAN AT KALIKASANAng pagsulat ay pagsasalin sa

papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbulo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang /kanilang kaisipan.

Page 4: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

KAHULUGAN AT KALIKASAN

Ito ay kapwa isang pisikal na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin.Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat hindi maaaring hindi gamitin ang utak sa pagsusulat.

Ayon kina Xing at Jin,ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong gamit,talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang mga elemento.

Page 5: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

KAHULUGAN AT KALIKASAN

Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayang pangwika,inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito. Matuturing na isang mataas na uri ng kominukasyon sapagkat esensyal dito ang napakaraming elemento at rekwayrment ng gramatika at bokabularyo.

Page 6: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

KAHULUGAN AT KALIKASAN

Sinabi ni Badayos na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.

Ito ay nangyayari sa kabila ng maraming taon na ginugugol natin sa pagtatamo ng kasanayang ito.

Sa pagkakataong ito,maaari nating tanggapin na ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap matamo.

Subalit mayroon tayong magagawa....napag-aaralan ng wasto at epektibong pagsulat.

Page 7: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

KAHULUGAN AT KASANAYAN Ayon kay Keller,ang pagsulat ay isang biyaya,isang

pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.

Isang biyaya ito sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at ekslusibo ito sa tao. Isa itong pangangailangan sapagkat kasama ang kasanayang pakikinig, pagbasa at pagsasalita ay may malaking impluwensiya upang maging ganap ang ating pagkatao. Isa itong kaligayahan sapagkat bilang isang sining,maaari itong maging hanguan ng satispaksyon ng sinuman sa kanyang pagpapahayag ng naisasaisip o nadarama.

Page 8: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

KAHULUGAN AT KASANAYAN

Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat:

“Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”

Page 9: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA

PAGSULAT

SOSYO – salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao. KOGNITIB – anumang tumutukoy sa pag-iisip.Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman.

Page 10: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT

Ang sosyo-kognitib na pananaw sa pagsulat,ay isang paraan ng pagtingin sa proseso ng pagsulat.

Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal

Page 11: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal. Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng:

1. Ano ang aking isusulat? 2. Paano ko iyon isusulat? 3. Sino ang babasa ng aking isusulat? 4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng

babasa sa aking isusulat?

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT

Page 12: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

PAGSULAT BILANG MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO

Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang gawaing personal at sosyal.

Anuman ang layunin sa pagsulat,mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso. Dalawang dimensyon sa pagsulat:

1. Oral Dimensyon2. Biswal na Dimensyon

Page 13: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

DALAWANG DIMENSYON SA PAGSULAT

1.ORAL NA DIMENSYON

Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.

Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.

Page 14: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

2. BISWAL NA DIMENSYON

Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.

Sa dimensyong ito,kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.

Page 15: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA PANANAW SA PAGSULATAyon kay Donald Murray, ang

pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan,pagtuklas sa porma- at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente.

Page 16: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA PANANAW SA PAGSULAT Ayon pa kay Murray,ang pagsulat

at isang prosesong rekarsib o paulit-ulit.

“Writing is rewriting”.

Matapos diumanong magsulat,magsisimula na namang panibago ang bagong pagsulat.

Page 17: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA PANANAW SA PAGSULAT

Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat - “A good writer is wasteful”.

Metapora ni Murray: He saws and shapes and cuts

away,discarding wood… The writer cannot build a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.

Page 18: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

PANANAW SA PAGSULAT

Sinabi ni Ben Lucian Burman na I am a demon on the subject of revision.I revise,revise,revise,until every word is what I want.

Page 19: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA LAYUNIN SA PAGSULATAng pagsulat ay personal na gawain

sapagkat ginagamit para sa layuning ekspresib o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama.

Sosyal na gawain naman sapagkat ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.

Ang layuning ito ay tinatawag na transaksyunal.

Page 20: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

Isang halimbawa ng ekspresib na pagsulat ang paggawa ng tula ng mga makata.Samantala,ang pag-gawa ng mga liham-pangangalakal ay isang halimbawa ng transaksyunal na pagsulat.

TATLONG LAYUNIN NG PAGSULAT(Bernales,et.al)1.impormatib2.mapanghikayat3.malikhain

Page 21: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT1.IMPORMATIB NA PAGSULATKilala rin sa tawag na expository writing.Ito

ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.

Halimbawa:Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga

istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes report

Page 22: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT

Kilala sa tawag na persuasive writing.Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor.

Halimbawa:editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng proposal at konseptong papel

Page 23: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

TATLONG LAYUNIN SA

PAGSULAT3. MALIKHAING PAGSULATIto ay ginagawa ng mga manunulat

ng mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o masining na akda.

Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathang-isip,imahinasyon,ideya,damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

Page 24: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MALIKHAING PAGSULAT

Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.

Wika nga ni Arogante(2000), ang malikhaing pagsulat ay isang pagtuklas sa kakayahang pasulat ng sarili (o ng manunulat) tungo sa pakikipag-ugnayang sosyal.

Page 25: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA HAKBANG SA PAGSULAT

Sa mga kasanayan sa komunikasyon,itinuturing ng lalong marami na pinakamahirap ang pagsulat.

Simple ang dahila: sa pagsulat dapat na gamitin ang mga nalalaman sa pakikinig,sa pakikipag-usap at sa pagbabasa.

Page 26: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA HAKBANG SA PAGSULATMGA HAKBANG SA PAGSULAT

1. Pumili ng paksang susulatin.Dapat na makabuluhan o mahalaga ang paksa,

lalo na para sa mga mambabasa.2. Pagkuha ng magagamit na mga

materyales.Maaaring ang mga impormasyon ay kailangang saliksikin sa mga aklat,babasahin,magasin o peryodiko.

Page 27: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA HAKBANG SA PAGSULAT3.Plano ng Pagsulat.

Maaaring buuin muna sa papel o sa isip ang paksang susulatin.Story line ang tawag dito.

4. Aktwal na Pagsulat.May ilang paraan ng pagsulat na

ginagamit ang mga manunulat.May nagsusulat na nagsisimula sa pag-iisip ng gagamiting pamagat ng akdang susulatin.

Page 28: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA HAKBANG SA PAGSUSULAT

5.Pagrerebisa sa Akda.Gaya nang naipahiwatig sa aktwal

na pagsulat,ang rebisyong gagawin ay ukol sa pagtatama sa mga kamalian,pagbabawas sa mga isipang naisama na hindi dapat isama at pagdaragdag sa nakaligtaang ideya habang isinusulat ang teksto.

Page 29: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MGA URI NG PAGSULAT

AKADEMIKPagsulat sa paaralan mula sa antas na primarya hanggang doktoradong pag aaral.Itinuturing ng isang intelektwal na pagsulat.Hal:Kritikal na sanaysay, term paper,lab report, ekspiremento.

Page 30: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

TEKNIKAL

Nagsasaad ng impormasyon na maaaring makatugon sa isang komplikadong suliranin.Nakatuon sa isang espesipik ng audience.

Page 31: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

JOURNALISTIK

Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang journalist.Makikita sa columnar ng dyaryo,tulad ng editoryal,balitang sulatin, lathalain.

Page 32: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

REPERENSYALSulatin na naglalayon magrekomenda ng iba pang mga source o reference.Para sa mas malawak na pag-intindi sa isang paksa.Hal.:

Literatura mula sa awtoridad, thesis sa bahaging mga kaugnay na pag aaral at literatura.

Page 33: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

Propesyonal

Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib sa isang tiyak na propesyon.Hal:

Pulis report, Investigative report, Medical report.

Page 34: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

MALIKHAIN

MasiningPokus ang imahinasyon ng manunulat.Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa.Piksyunal o di-piksunalHal: tula, nobela, maikling kwento, malikhain sanaysay.

Page 35: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

Mga Bahagi Ng Teksto

Panimula : Paksa at Tisis

Ang Panimula ay napakahalagang bahagi ng isang teksto. Sapagkat, nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto.

Page 36: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

Ito rin ang bahagi ng teksto na nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. Iniintrodyus ang topic na iikutan ng teksto at inilalatag dito ang tisis o kaligiran ng paksa.

Ang Panimula ay nagbibigay-ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung ano ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may-akda sa paksang iyon, bukod pa sa nagsisilbi itong pang akit at panawag-pansin

Page 37: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

Katawan: Istraktura, Nilalaman at Order

Ang katawan ay hindi lamang ang kalakhan at pinakamahabang bahagi ng teksto. Ito rin ang pinakamahalagang bahagi ng anumang teksto.

Page 38: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

Samantala, ang istraktura at order ang pinakakalansay ng isang teksto. Kung wala ito, hindi makatatayo sa kanyang sarili ang isang teksto. Kailangan, kung gayon, na mapili ang wasto at angkop na istraktura ng teksto depende sa paksa at mga detalyeng kaugnay nito.

Kailangan ding maisaayos ang nilalaman sa isang lohikal na order.

Page 39: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

Wakas: Paglalagom at Konglusyon

Ang wakas ang panghuling bahagi ng isang teksto. Tulad ng panimula, kailagan din itong maging makatawag-pansin sapagkat, ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito ay ang pag-iiwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mga mambabasa.

Page 40: 1-Batayang Kaalaman sa Pagsulat.ppt

Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling paraan. Samantala, inilalahad naman sa kongklusyon ang inferences, prosisyon o deductions na mahahango sa pagtalakay ng teksto.