6
Binti ko, mahal ko! Kaalaman tungkol sa Peripheral Artery Disease (PAD) Asian-Pacific Society of Atherosclerosis and Vascular Disease

Kaalaman tungkol sa Peripheral Artery Disease (PAD)

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kaalaman tungkol sa Peripheral Artery Disease (PAD)

Binti ko, mahal ko!

Kaalaman tungkol saPeripheral ArteryDisease (PAD)

Asian-Pacific Society ofAtherosclerosis and Vascular Disease

Page 2: Kaalaman tungkol sa Peripheral Artery Disease (PAD)

Ang Peripheral Artery Disease (PAD) ay isang sakit na nagmumula sa pagkabarado ng mga ugat o daluyan ng dugo. Mas madalas itong maapektuhan ang mga daluyan ng dugo sa hita, binti at paa. Ang pagkabarado ng mga daluyan ng dugo ay epekto ng atherosclerosis o pagsira ng dingding ng ugat at nagdudulot ng pagbuo ng "plaque" na dala ng mga kondisyon gaya ng dyabetes, mataas na presyon, mataas na kolesterol sa dugo, pagsisigarilyo at iba pa.

Kapag nagbabara ang mga daluyan ng dugo, kukulangin ang dugo na aabot sa mga hita, binti at paa at hindi na sapat ang dala nitong "oxygen" at nutrisyon na kailangan ng katawan sa mga bahaging ito.

Maliban sa hita, binti at paa, maari ring magkaroon ng baradong ugat sa puso at utak. Ito ang mas delikado at dapat iwasan sapagkat maaring atakihin sa puso, stroke, o mamatay ang taong may baradong ugat.

Ano ang PAD?

Gaano kalaganap ang kondisyon na PAD?Noong 2010, may 201 milyong tao sa buong mundo ang nakakaranas ng PAD.• 54.8 milyon sa South East Asia• 45.9 milyon sa Western Pacific Region

Maaaring mam-atay ang kalam-nan ng binti kapag naku-langan ng daloy ng dugo

Maaaring maraming mga ugat ang may barado

Sapat ang pagdaloy ng dugo sa ugat na walang barado

Ang pagbuo ng "plaque" sa ding-ding ng ugat ay nagdudulot ng pagkabarado ng ugat.

2

Page 3: Kaalaman tungkol sa Peripheral Artery Disease (PAD)

Oo, kung ikaw ay may isa o higit pa sa mga ito:• Kapag ikaw ay nagkakaedad na, lalo na’t kung ikaw ay higit 50 taong gulang na• May dyabetes• May mataas na kolesterol• May mataas na presyon• May sakit sa bato• Nakaranas na ng atake sa puso o stroke• Aortic aneurysm o "paglobo" ng pinakamalaking ugat sa katawan• Naninigarilyo o dating naninigarilyo• May kamag-anak na may PAD, inatake sa puso o na-stroke

Maaari ba akong magkaroonng PAD?

• Kapag nagsisimula pa lang ang PAD, maaaring wala pang sintomas ito• Pananakit ng binti - Parang may kumikirot, o nangangalay na sakit - Sumasakit kapag lumalakad subali't nawawala kapag tumigil sa paglalakad• Hindi gumagaling na sugat o pangingitim ng paa na madalas mag-umpisa sa mga daliri, kapag malala na ang PAD

Ano ang mga palatandaan osintomas ng PAD?

Gangrene o pagkabulok ng kalamnan ng bahagi ng paa na nawalan ng daloy ng dugo

3

Page 4: Kaalaman tungkol sa Peripheral Artery Disease (PAD)

Ano ang dapat gawin para makumpirma kung mayroong PAD?

• Medical history at check-up; isama sa pagkonsulta ang pagsusuri sa pulso• Ankle-brachial Index (ABI) – isang pagsusuri na gumagamit ng ultrasound at sinusukat ang presyon ng dugo sa braso at paa

4

Ankle-brachial Index

Page 5: Kaalaman tungkol sa Peripheral Artery Disease (PAD)

• Mawalan ng kakayahang maglakad• Pagkaputol ng paa at kamay• Mas mahinang kalusugan• Mas mataas na panganib makaranas ng atake sa puso, stroke o kamatayan

Ano ang maaaring mangyarikapag lumala ang PAD athindi naagapan?

Ano ang nais nating makamit sa paggamot ng PAD?Sa paggamot ng PAD, nais natin na:1) Maibalik ang kakayanang makapaglakad2) Maiwasan maputulan ng paa at braso3) Maiwasan ang paglala ng atherosclerosis4) Maiwasan ang atake sa puso, stroke, at kamatayan

MASAKIT

WALANG PULSO

HINDI MAIGALAW

MAPUTLA WALANG PAKIRAMDAM O MANHID

MALAMIG

5

Page 6: Kaalaman tungkol sa Peripheral Artery Disease (PAD)

Ano ang wastong paggamot ng PAD?• Uminom ng niresetang gamot: ∙ Statin o mga gamot na nakakapagpababa ng kolesterol ∙ Gamot na anti-hypertensive para maging normal ang presyon ng dugo ∙ Gamot para maging normal ang sugar level sa mga may dyabetes ∙ Gamot na nakakapawi ng sakit o kirot ng paa at binti kapag naglalakad• Uminom ng niresetang gamot na nakakabawas ng panganib ng pamumuo ng dugo sa mga ugat na maaaring magdulot ng atake sa puso, stroke, at pagkaputol ng paa• Sundin ang payo tungkol sa tamang pag-ehersisyo ng paa para mabawasan ang sakit o kirot ng paa habang naglalakad• Kung kinakailangan, "endovascular procedure" o operasyon na magdudulot ng pag-alis ng bara o mapabuti ang daloy ng dugo para sa mga taong mayroong sobrang sakit ng binti, hindi gumagaling na sugat, at "gangrene"o pangingitim ng paa

• Huwag manigarilyo• Kumain ng mga pagkaing masustansya at nakakabuti sa puso: bawasan ang maalat, mataba at matatamis na pagkain at inumin. Dagdagan ang pagkain ng “whole grain,” gulay at isda• Ugaliing mag-ehersisyo ayon sa payo ng doktor• Kumonsulta sa doktor• Uminom ng gamot para sa sakit ng puso, dyabetes at kolesterol ayon sa payo ng doktor

Paano ba maiiwasan ang PAD?

6