49
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Citation preview

Page 1: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

MGA BATAYANG KAALAMAN

SA PAGSULAT

Page 2: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

“Kapag tumigil sa pagsulat ang isang tao, tumitigil na rin siya sa

pag-iisip.”

7/21/2014

Page 3: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ang PAGSULAT ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na

mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbulo at ilustrasyon ng isang tao mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang /kanilang kaisipan.

ANO ANG PAGSULAT?

Page 4: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ito ay kapwa isang pisikal na aktibiti na ginagawa para sa iba't ibang layunin.

Ito rin ay mental na aktibidad sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya

ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at pattern ng organisasyon at sa isang istilo ng

gramar na naayon sa mga tuntunin ng wikang ginamit.

ANO ANG PAGSULAT?

Page 5: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

MGA PANANAW SA

PAGSULAT

Page 6: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ayon kina Xing at Jin:

“ang pagsulat ay isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng wastong

gamit,talasalitaan,pagbubuo ng kaisipan,retorika at iba pang mga

elemento.”

Page 7: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Sinabi ni Badayos:

“ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin

maging ito'y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.”

Page 8: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ayon kay Keller:

“ang pagsulat ay isang biyaya,isang pangangailangan at isang kaligayahan

ng nagsasagawa nito.”

Page 9: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ayon kay Donald Murray:

“Writing is rewriting”.Paglalarawan ni Murray sa mabuting manunulat –

“A good writer is wasteful”.Metapora ni Murray:

He saws and shapes and cuts away,discarding wood… The writer cannot build

a good strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw materials.

Page 10: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ayon kay Donald Murray:

“ang pagsulat ay isang eksplorasyon-pagtuklas sa kahulugan,pagtuklas sa porma at ang manunulat ay nagtatrabaho nang pabalik-

balik nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at

kung paano niya iyon maipapahayag nang episyente.”

Page 11: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat:

“Ang pasulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang

tao mula sa kanyang pakikinig,pagsasalita at pagbabasa.”

Page 12: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA

PAGSULAT

Page 13: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

SOSYO – salitang tumutukoy sa lipunan ng mga tao.

KOGNITIB – anumang tumutukoy sa pag-iisip.Nauugnay rin ito sa mga empirikal o paktwal na kaalaman.

Page 14: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

SOSYO-KOGNITIB NA PANANAW SA PAGSULAT

Ang SOSYO-KOGNITIB na pananaw sa pagsulat,ay isang paraan ng pagtingin sa

proseso ng pagsulat. Ang pagsulat ay kapwa isang mental at sosyal.

7/21/2014

Page 15: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonnal at interpersonal.

Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na tulad ng:

1. Ano ang aking isusulat? 2. Paano ko iyon isusulat? 3. Sino ang babasa ng aking isusulat? 4. Ano ang nais kong maging reaksyon ng babasa sa aking isusulat?

Page 16: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

PAGSULAT BILANGMULTI-

DIMENSYONAL NA PROSESO

Page 17: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ang pagsulat ay isang biswal na pakikipag-ugnayan.Ito ay isang

gawaing personal at sosyal. Anuman ang layunin sa

pagsulat,mahalagang maunawaan na ang pagsulat ay isang multi-dimensyonal na proseso. Dalawang dimensyon sa pagsulat:

1. Oral Dimensyon2. Biswal na Dimensyon

Page 18: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

1.ORAL NA DIMENSYON

Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong

isinulat,masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.

Ang pagsulat ay isang pakikipag-usap sa mga mambabasa.

Page 19: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

2. BISWAL NA DIMENSYON Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa

mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na inilalahad ng mga nakalimbag na simbulo.

Sa dimensyong ito,kailangang maisaalang- alang ang mga kaugnay na tuntunin sa pagsulat upang ang mga simbulong nakalimbag na siyang pinakamidyum ng pagsulat ay maging epektib at makamit ang layunin ng manunulat.

Page 20: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat

Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat

Page 21: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Mga Yugto ng Proseso ng Pagsulat

Ang Pabalik-balik na Mubment ng Proseso ng Pagsulat

Page 22: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Proseso ng PagsulatPrewriting

Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga

materyales bago sumulat ng burador ay nakapaloob sa yugtong ito.

Page 23: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Mungkahing pre-writing activitiesPagsulat sa Dyornal

BrainstormingQuestioningPagbabasa at PananaliksikSounding-out FriendsPag-iinterbyuPagsasarbeyObserbasyonImersyonPag-eeksperimento

Page 24: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Proseso ng PagsulatAng Unang Burador/ Writing Stage

Sa puntong ito, ang iyong mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminari ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende kung gaano mo kinakailangan.

Sa pagsulat ng burador, iminumungkahing sundin mo ang iyong balangkas nang bawat seksyon. Palawigin mo ang iyong mga parirala sa pangungusap.

Page 25: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Proseso ng Pagsulat

Sa pagsulat ng unang burador, importanteng hindi mawala ang momentum sa pagsulat. Kung gayon, mas mabilis mong maisasalin sa papel ang mga salita ng mas mabuti. Dahil nais mong makasulat nang mabilis sa yugtong ito, huwag mo muna alalahanin ang pagpili ng mga salita, istraktura ng pangungusap, ispeling at pagbabantas. Pagtuunan na lamang ito ng pansin matapos maisulat ang buong unang burador.

Page 26: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Proseso ng PagsulatMaaaring akalain na matapos maisulat ang unang

burador ay tapos na ang proseso ng pagsulat. Ngunit maging mga batikang manunulat ay nangagkakaisa sa pagsasabing maging sila’y nagkakamali rin sa pagpili ng mga salita, pag-oorganisa ng pangungusap, pagbabaybay o pagbabantas kahit paminsan minsan. Paulit-ulit pa rin nilang binabasa ang kanilang unang burador, ineebalweyt ang kanilang akda at hinahamon ang kanilang sarili na mapabuti pa ang presentasyon ng kanilang mga ideya. Dito pumapasok ang yugtong rebisyon at editing.

Page 27: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Proseso ng PagsulatRevising

Ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at

paghuhubog ng dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng mga pangungusap at

lohika ng presentasyon. Maaaring ang isang manunulat ay nagbabawas o nagdaragdag dito ng ideya. Maaari ring may pinapalitan siyang pahayag na sa palagay niya’ y kailangan

para sa pagpapabuti ng dokumento.

Page 28: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Proseso ng Pagsulat

Editing Ito ang pagwawasto ng mga posibleng

pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.

Page 29: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Teknik sa Pagrerebays ng isang SinulatPag-eedit at Pagrerebays ng

sariling draft.-isinasagawa ito isa o ilang araw matapos ang draft.Peer Editing-maaaring ipabasa sa mga kaklase o kaibigan ang draft.Professional Editing-pagpapa-eedit ng draft sa mga propesyunal tulad ng mga editor at guro

TANDAAN: sa Peer Editing at Professional Editing, ang isang

manunulat ay kailangang maging bukas sa mga puna, mungkahi at

pagwawasto.

Page 30: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Bakit Tayo Nagsusula

t?

Page 31: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

“Sa pagsusulat hindi tayo makapagpapanggap.”

Bilang isang MAG-AARAL.Bilang MANUNULAT.

Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay.

Bakit Tayo Nagsusulat?

Page 32: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Bakit Tayo Sumusulat?Ang kakayahan sa pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na dapat malinang sa isang indibidwal. Sa pagsulat, hindi tayo makapagpapanggap. Hindi katulad sa pakikinig, tumangi lamang sa nagsasalita o tumangu-tango ay masasabing nakikinig na kahit iba ang iniisip at hindi nahahalata; sa pagbabasa, makisabay lang sa pagbabasa ng iba o tingnan ang libro, iisiping nagbabasa na rin; sa pagsasalita, malimit ang mga katagang “ah…eh… ma’am/sir nasa dulo na po ng dila ko, hindi ko lang po masabi eh!”, at mangingiti lang ang guro…lusot na. Sa pagsulat, malalaman ng iyong isip kung ano ang nararamdaman mo…ito ang mababasa. Wala kang maililihim…walang maitatago.

Page 33: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Bakit Tayo Sumusulat?Sa isang mag-aaral,ginagawa niya ang pagsulat

sapagkat ito ay bahagi ng kanyang pangangailangan sa paaralan upang siya ay makapasa.

Gayundin naman, ang isang manunulat ay nagsusulat dahil ito ang pinagmulan ng kanyang ikabubuhay. Kung walang tulad nila, walang pahayagan na magtatala ng mga nagaganap sa lahat ng sulok ng daigdig. Wala ring libro na magpapalawak ng ating kaalaman at magbibigay paliwanag sa tama at mali na gagabay sa atin tulad ng mga batas. Wala ring magasin na madalas nating piliing paglibangan.

Page 34: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Bakit Tayo Sumusulat?Sa pang-araw-araw nating pagharap sa buhay,

hindi maitatanggi na may ilang ginagawa tayo na mas mabisang maipapahayag ang sa paraang pagsulat ang higit sa pagsasalita. Katulad sa mga gawaing pagpapautang, pakikipag ugnayan sa mga taong nasa malayong lugar, pagpapatibay sa mga kasunduan, at pagtatapat ng pag-ibig sa taong minamahal na hindi magawang sabihin ay madaling naisasagawa bilang patunay sa pamamagitan ng pagsulat.

Page 35: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Bakit Tayo Sumusulat?

Mula sa ating pagsulat… mula sa sinusulat ng iba, tayo’y natututo. Nagagawa nating sumabay sa takbo ng mundong ito. Nabibigyan tayo ng pagkakataong mapunan ang puwang sa ating pagkatao upang makadama ng kaligayahan.

Page 36: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

Page 37: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Ang pagsulat ay personal na gawain sapagkat ginagamit para sa layuning ekspresib o sa pagpapahayag ng iniisip o nadarama.

Sosyal na gawain naman sapagkat ginagamit para sa layuning panlipunan o kung ito ay nagsasangkot ng pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.

Ang layuning ito ay tinatawag na transaksyunal.

Page 38: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

TATLONG LAYUNIN SA PAGSULAT

Page 39: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

1.IMPORMATIB NA PAGSULATKilala rin sa tawag na expository writing.Ito

ay naghahangad na makapagbigay impormasyon at mga paliwanag.Ang pokus nito ay ang mismong paksang tinatalakay sa teksto.

Halimbawa:

Pagsulat ng report ng obserbasyon,mga istatistiks na makikita sa mga libro at ensayklopidya,balita,at teknikal o bisnes report

Page 40: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

2.MAPANGHIKAYAT NA PAGSULATKilala sa tawag na persuasive writing.

Ito ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang katwiran,opinyon o paniniwala.Ang pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan ng isang awtor.

Halimbawa:editoryal,sanaysay,talumpati,pagsulat ng

proposal at konseptong papel

Page 41: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

3. MALIKHAING PAGSULATIto ay ginagawa ng mga manunulat ng

mga akdang pampanitikang tulad ng maikling katha,nobela,tula,dula at iba pang malikhain o masining na akda.

Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay magpapahayag lamang ng kathang-isip,imahinasyon,ideya,damdamin o kumbinasyon ng mga ito.

Page 42: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

4. PANSARILING PAGPAPAHAYAG

Pagsulat o pagtatala ng mga bagay na nakita, narinig, nabasa o naranasan. Sa layuning ito, ginagawa ang pagsulat bunga ng paniniwalang ito’y mapapakinabangan. Ilan pa sa mga halimbawa nito ang pagsulat ng dyornal, plano ng bahay, mapa at iba pa.

Page 43: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

MGA URI NG PAGSULAT

•Mauuri sa iba’t ibang pangangailangan ng tao sa lipunan.•`~batayan kung bakit nasulat ang tao•Magbigay ng impormsyon•Tumalakay sa isang paksa•Mang-aliw ng mambabasa.

Page 44: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

AKADEMIK

Pagsulat sa paaralan mula sa antas na primarya hanggang doktoradong pag aaral.Itinuturing ng isang intelektwal na pagsulat.Hal:

Kritikal na sanaysay, term paper,lab report, ekspiremento.

Page 45: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

TEKNIKAL

Nagsasaad ng impormasyon na maaring makatugon sa isang komplikadong suliranin.Nakatuon sa isang espesipik ng audience.

Page 46: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

JOURNALISTIK

Uri ng pagsulat na ginagawa ng isang journalist.Makikita sa columnar ng dyaryo,tulad ng editoryal,balitang sulatin, lathalain.

Page 47: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

REPERENSYAL

Sulatin na naglalayon magrekomenda ng iba pang mga sors o reference.Para sa mas malawak na pag intindi sa isang paksa.Hal.:

Literatura mula sa awturidad, thesis sa bahaging Mga kaugnay na pag aaral at literatura.

Page 48: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Propesyonal

Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib sa isang tiyak na propesyon.Hal:

Pulis report, Investigative report, Medical report.

Page 49: Batayang Kaalaman sa Pagsulat

MALIKHAIN

MasiningPokus ang imahinasyon ng manunulat.Paganahin ang imahinasyon ng mambabasa.Piksyunal o di-piksunalHal: tula, nobela, maikling kwento, malikhain sanaysay.