58
LINGGO 1 Unang Araw 1. LAYUNIN: Sa pagtatapos klase ang mga mag-aaral ay inaasahang: A. Naihahambing ang pagkakaiba ng bata noon at ngayon. B. Naiintindihan ang salitang “ Pagkabata”. C. Nalalaman ang karapatan ng bawat bata. 11. PAKSANG ARALIN: Susuriing akda : BATANG – BATA KA PA May Akda: Apo Hiking Society Kagamitan: Music video, Mga larawan at Laptop 111. PAMAMARAAN: A. Panimulang Gawain: Gawaing Guro Gawaing Mag- aaral a. Panalangin b. Pagtala ng liban B. Pangganyak: (10 minuto) Magpakita ng larawan ng bata noon at ngayon

Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 7

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Unang Kwarter

Citation preview

LINGGO 1

Unang Araw

1. LAYUNIN:Sa pagtatapos klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Naihahambing ang pagkakaiba ng bata noon at ngayon.B. Naiintindihan ang salitang “ Pagkabata”.C. Nalalaman ang karapatan ng bawat bata.

11. PAKSANG ARALIN:

Susuriing akda : BATANG – BATA KA PA

May Akda: Apo Hiking Society

Kagamitan: Music video, Mga larawan at Laptop

111. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

a. Panalanginb. Pagtala ng liban

B. Pangganyak: (10 minuto)

Magpakita ng larawan ng bata noon at ngayon

.

NOON NGAYON

Anong pagkakaiba ang napansin nyo mula sa mga larawan?

Ma’am!

Ok, Anne. Ang napansin kop o na pagkakaiba ay ang Paglalaro nila. Ang unang larawan po ay masayang

Naglalaro kasama ang ibang mga bata sa labas ng Bahay. Samantalang ang pangalawang larawan ayNaglalaro gamit ang gadgets.

Magaling!Ang napansin ni Anne na pagkakaiba ngDalawang larawan ay ang kanilang paglalaro.Sa labas ng bakuran naglalaroang mga bata Sa unang larawan. Samatalang ang pangalawa nglarawan ay nagpapakita ng pagkamodernosa paglalaro.

Sino ang maaaring makapaghambing ng Pagkakaiba ng bata noon at ngayon?

Lannie? -Ang mga bata noon ay simpleng manamit. Samantalang ang mga bata ngayon ay moderno sila at maporma.

Bata

Noon Ngayon

Simple Mabait Maporma Mapusok

Pagkabata

Magaling !May iba pa bang kasagutan? Ang mga bata noon ay mababait samantalang ang

ibang mga bata ngayon ay mapupusok.

C.Paglalahad sa paksang aralin: (15 minuto)

Ang tatalakayin natin ngayon ay may kaugnayan sa mga nabanggit ninyong mga sagot sa paghahambing ng mga bata noon at ngayon.

Ngayong umaga pagaaralan natin ang Isang awiting bayan na may pamagat na “ Batang- Bata Ka Pa”. ng Apo Hiking Society Bago natin talakayin ang awiting ito, ano ang Unang pumapasok sa isip ninyo kapag narinig ang salitang “Pagkabata”

D.Pagtalakay sa paksang aralin: (20 minuto)

Panoorin at iparinig sa mga bata ang music video“Ng awiting Batang-Bata”

WalangPakialala

m

Musmos

Naglalaro

Masayahin

Egocentric Inosente

1. Ano ang pamagat ng awitin? -Batang-Bata Ka Pa2. Tungkol saan ang awit na ito? - Ang awiting Batang-Bata Ka Pa ay

tungkol sa pagkabata.3. Paano inilalarawan ng awit na ito

ang pagkabata? - Ang pagkabata ay isang kamusmosa /pagiging

inosente sa anumang katotothanan sa kanyang kapaligiran.

4. Sumasangayon ka bas a sinasabi nito? - Opo.5. Ano sa tingin mo ang tinitukoy ng awit

na “karapatan kahit bata pa”? - Karapatang mabuhay. - Karaptang makapaglaro

- Karapatang mamuhay sa malinis at tahimik na kumunidad.-Karapatang mapangalagaan at mabigyan protekyon ng magulang .-karapatang makapag aral.-Karapatang habang bata pa imulat na ng

mga agulang sa tunay na buhay na ang buhay ay hindi munting paraiso lamang.

6. Ano kaya ang mga bagay na hindi pa nalalaman ng mga bata ayon sa awit? -Na ang buhay ay may kaakibat na mga suliranin

at responsibilidad7. Matapos marinig at mabasa ang awit

na ito, may nagbago ba sa pagtinginmo sa pagkabata? Ibahagi kung mayroon. -Mayroon po. Ang pagkabata ay napakasayang

panahon at karanasan sa buhay ng mga bata.

8. Masasabi mo bang tama ang paglalarawanng awit na pagkabata? Bakit? O Bakit hindi?-Opo. Dahil ang pagkabata ay marami pang

hindi nalalaman sapagkat hindi pa gaanong mature mag-isip at yon ang mga panahong na hindi pa tayo marunong mag-isip para sa ating mga sarili. At ito rin ang panahon na kailangan ang patnubay at gabay ng mga magulang.

9. Kung ikaw ay magpapayo sa masbatasayo tungkol sa pagkabata, ano ang sasabihin mo tungkol sa kanya? -Makinig at sundin ang payo ng magulang at

nakatatada.

10. Kung mabibigyan ka ng pagkakataongbaguhin ang isang bahagi ng awit, anongbahagi ang babaguhin mo at bakit itoang nais mong baguhin? -Ganyan talaga ang buhay lagi kang

nasasabihan……. Ito ang nais kong baguhin na bahagi ng awit, sapagkat mahirap ang at hindi maganda ang palagiang napagsasabihan ang mga bata sa edad na 2-7 taong gulang sapagkat hindi pa nila batid na may ideya rin ang ibang tao sa sitwasyo.Bagamat kailangan lang ng mahabang pasensya at gabay ng mga magulang ang mga bata.

E.Pagpapalawig(10 minuto)

Natalakay na natin ang awiting” Batang-Bata Ka Pa”na Apo Hiking Society, ngayon magkakaroon tayo ng pangkatang Gawain.

Pangkat 1-3Magbigay ng limang bagay na nagagawa ng mga bata noon at ngayon at ipaliwanag ang mga ito.

Mga bagay na nagagawa ng mga bata

F.Pag-uulat ng bawat pangkat: (5 minuto)G.Pagbibigay sentises ng guro:

Maraming salamat. Magaling! Bigyan ng palakpakan ang bawat grupo.

NOON NGAYONNakapaglalangoy sa ilog Nakapanonod ng telebisyon

Nakakaakyat sa mga punong kahoy Naglalaro ng mga gadgets

Nakakapamitas ng mmga prutas na ligaw Nakapupunta sa mga pasyalan

Nanghuhuli ng mga ibon Gumagamit ng computer

Masayang nakapaglalaro sa labas Nakakapag-aral sa pribadong eskwelahan

Ngayong nalaman na ng bawat grupo ang mga bagay na nagagawa ng mga bata noon at ngayon at naipaliwanag na. Kumuha ng kalahating papel at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1V. EBALWASYON:

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot sa papel.

1. Alam mo na may_____________ang bawat nilalang.A. Kamalian B. karpatan C. katotohanan

2. Nais ko sanang malaman ang____________sa katotothanan.A. batid B. mali C. tama

3. Ang pamagat ng awit ay:A. batang-bata ka pa B. may bukas pa C. pusong bato

4. Ano ang may akda ng awitin?A. Aegis B. apo hiking society C. sreet boys

5. Tungkol saan ang ibig sabihin ng awit?A. Magulang B. pamilya C. pagkabata

V. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN:

Bumuo ng islogan o kawikaang maiuugnay sa diwa ng awit. Ilagay ito sa isang buong papel.

Ikalawang Araw

a. Presentasyon/Paglalahad sa Paksang Aralin: (15 minuto)

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Ang tatalakayin natin ngayong araw ay ang tungkol sa tuntunin at kayarian ng talata ng “Batang-Bata Ka Pa”

Ngayong umaga basahin at pag-aralin natingmuli ang bawat talata ng awit.

Tuntunin:

1. Saan-saan ginamit ng may-akda ng awitAng mga palugit sa talata? -Sa simula, gitna at wakas

2. Anong bantas ang ginamit sa bawat talatang awit? -palugit at kuwit

Sa pagbabaybay ng wasto, sabayan natin sa pag-awit ang papatugtugin kong music videong “Batang-Bata Ka Pa.”

b. Pagpapayaman: (30 minuto)

Sa tulong ng ginawa ninyong Matrixng mga bagay na nagagawa ng mga bata noon at ngayon, sumulat ng dalawahanggang tatlong talata tungkol sa mga bagay na nagagawa ng mga bata noonat ngayon. Ang gagawing talata ay naaayon sa napag-aralan natingtuntunin at kayarian ng talata.

c. Pag-uulat ng napiling estudyante sa kanilang isinulat:d. Pagbibigay ng komento ng guro o mga kaklase:e. Pangwakas na pagtataya: (15 minuto)

Ngayon kukuha ako ng limang mag-aaral mula sa aking talaan. Ang matawag kong pangalan ay pupunta sa unahan at iababahagi ang kanyang natutuhan sa tinalakay nating awit na “Batang-Bata Ka Pa”.

Maraming salamat. Magaling. Bigyan natin sila ng isang “pasabog”

Ikatlong Araw:

a. Pangganyak: (30 minuto)

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Maganda ang diwa at hated ng awit sa mgamagulang at mga bata.Una para sa mga magulang dapat ay magkaroon ng mahabangpagpapasensya sa mga bata at paggabay sakanila.Pangalawa, Para sa mga bata. Kailangang mamulat sila sa katotohanangang pagiging bata ay pansamantala lamang.Ipinahihiwatig din ng awit ang pagsunod ng mga bata sa payo ng kanilang mga magulangat maibigay sa mga bata ang kanilang karapatan.

Talakayin natin isa-isa ang sumusunod nakatanungan:1) Ano ang mga payong ibinibigay sainyo ng mgamagulang ninyo? -maging mabuti sa kapwa

-mag-aral ng mabuti-sumunod sa payo ng mga magulang-maging mapagbigay at matulungin-magkaroon ng takot sa Diyos.

2) Nasusunod nyo ba ito? Bakit? O Bakit hindi? -opo dahil lahat ng payo nila ay para sa

Kabutihan ng aking sarili.3) Pareho ba ang mga payo nila noong kayo

ay bata at hayiskul na? kung hindi paanoito nagkakaiba? -Hindi po. Ang madalas na naipapayo

noong bata pa ako ay maging mabait na bata, huwag magpasaway, mag- iingat dahil baka madapa o baka mahulog o masaktan. Samantalang ngayon ay mag-aral ng mabuti, huwag muna magpapaligaw at huwag magpapagabi sa labas.

b. Pangwakas: (30 minuto)

Sa pagtatapos ng paksang aralin natin bibigyan ko kayo ng makukulay na papel, pandikit atgunting na gagamitin ninyo sa paggawa ng larawan o representasyon ng isang bagay na maaring sumimbolo sa buhay haysikul.

Maaaring gawin ito sa loob ng 10 minuto lamangat ang nalalabing 20 minuto ay ilalaan para sa pagpapaliwanag kung bakit ito ang kanilang napili.

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Unang Markaha

LINGGO 2

Unang Araw

I. LAYUNIN:Sa pagtatapos klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:1. Magamit ang mga salita tungkol sa mga kontekswal na pahiwatig.2. Maipakita ng tama at naaayon sa sa pagganap ng mga tauhan sa “Sundalong

Patpat” sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Reader’s Theater.3. Naiugnay ang buod at diwa ng kuwento sa sariling buhay.4. Napapayaman ang talasalitaan.

II. PAKSANG ARALIN:

Susuriing Akda: Ang Sundalong PatpatSusuriing Genre: KuwentoMga Kagamitan: Papel, kopya ng kuwento, laptop, video ng Sundalong Patpat

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

a. Panalanginb. Pagtala ng liban

B. Pangganyak: (10 minuto)

Ngayon bumunot kayo ng papel na hugis Patak-ulan. Bawat patak-ulan ay may bilangna isa hanggang lima. Magugrupo ang mag-kakatulad na bilang at bi bigyan ko kayo ng kopya ng kuwento at magkakaroon tayo ng sampung minutong paghahanda para sa Reader’s Theater.

C. Presentasyon: (20 minuto)

Ngayon magkakaroon tayo ng Reader’s Theatersa kuwentong ating pag-aaralan na may pamagat

na ang Sundalong Patapat.

Maaari ng mag-umpisa.

D. Pagpapayaman: (20 minuto)

Pagtalakay sa Paksang Aralin1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? -Sundalong Patpat2. Sino ang kaniyang kasama? -kabayong payat3. Ano ang hinahanap niya? -ulan4. Bakit kaya niya ito hinahanap? -para magkaroon ng tubig5. Sino-sino ang mga napagtanungan niya? -sampalok,manok,bundok,ulap,dagat6. Kung ikaw ang sundalong patpat maniniwala

Ka baa gad sa mga sinabi nila? -maaring hindi at maaring oo.7. May mga bagay din ba kayong hinahanap?

Ano ang mga ito? -mayroon po.

E. Pangwakas na Pagtataya: (10 minuto)

Panuto: Bigyan ng katumbas na salita ang mga kontekswal na pahiwatig mula sa kuwento. Piliin ang sagot sa Hanay B at isulat sa patlang.

Hanay A. Hanay B.

____1. Umimbulog a. Inihagis

____2. Nakatinghas b. Lumipad pataas

____3. Tinigpas c. Malakinh banga

____4. Sumubad d. Mabilis na umalis

____5. Ipinukol e. Nakatindig

____6. Gusi f. Pinutol gamit ang patalim

g. Pumiglas

Ikalawang Araw

A. Presentasyon: (20 minuto)

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Pumuli ng ilangmag-aaral na maaring gumanapBilang mga tauhan sa Sundalong Patpat. Gawin

ito ng (15minuto) labing limang minuto at ang natitirang (5minuto)limang minute ay ang pagtalakay sa sumusunod na tanong.

1. Saan kaya naganap ang kuwento? -sa kalawakan2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? -sundalong patpat,kabayong

payat,sampalok,manok,bundok, dagat, pugita

3. Ano ang nagging suliranin sa kuwento? -ang nawawalang ulan4. Paano ito nalutas? -sa diterminasyon at katapangan ng

Sundalong Patpat na makuha o Makita ang ulan

B. Pagpapayaman: (25 minuto)

Matapos ang pagsasadula ng mag-aaral sa Sundalong Patpat. Bumuo ng dalawang grupoNg mag-aaral at magkaroon ng pagdedebateTopic:Sangayon ba kayo sa ginawa ng Sundalong Patpat sa paghanap sa nawawalang ulan?

Unang Grupo: Sangayon Pangalawang Grupo:Di-sangayon

C. Pangwakas na Pagtataya: (15 minuto)

Tatawag ng ilang mag-aaral at magbibigay ng mga halimbawa na nagpapatunay na dinadasalan nga ang pagdating ng ulan. Ma’am!

Ok. Carmela. -umaalay ng itlog sa simbahan ang mga magsasaka kapag panahon ng tag- init.

Magaling! Ang mga magsasaka ay nagaalay ng itlog sa panahon ng tag-init kapag kina- kailangan nila ng tubig sa palayan.

Sino pa ang magbibigay ng patunay na dinadasalan nga ang pagdating ng ulan?

OK. Izagani. -tuwing tag-tuyot ang mga tao ay nagdadasal para humingi ng ulan.

Ikatlong Araw

A. Pagpapalawig: (15 minuto)Tatalakayin natin ngayon ang mga bagay na gustoninyong makuha.1. Ano ba ang gustong-gusto mo na bagay

magkaroon ka at makapagpapasaya saiyo? -2. Paano mo ito pinagsisikapang makuha? -3. Kung sakaling makuha mo na ang gusto

mong bagay, gaano mo ito pinapahalagahan? -

B. Pagpapalawig: (30 minuto)

Sa pamamagitan ng tinalakay natin tungkol sa mga bagay na nais nating makuha. Sumulat ng isang bagay na nakuha ninyo na at sabihin kung paano mo ito pinahahalagahan. May pagkakaparehas ba ito sa kuwento ng Sundalong Patpat kung paano sumubok sa mga nakaharap niya para malaman kung nasaan ang ulan?

C. Pangwakas na Pagtataya (15 minuto)

Ang bawat mag-aaral ay magbahagi ng kanilang Isinulat sa klase tungkol sa isinulat nilang mga bagay na gusting-gusto nilang makamit o makuha

sa buhay at sabihin din kung paano ito pinahaha- lagahan.

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

Unang Markahan

LINGGO 3

Unang Araw

1. LAYUNIN:Sa pagtatapos klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:1. Naihahambing ang pagkakaiba ng mga talento ng bawat tao.2. Nagagamit at napahahalagahan ang pakikinig sa sinasabi ngbiba.3. Nakakasulat ng pangungusap na ginagamit ang pang-uri at pang-abay.

II. PAKSANG ARALIN:

Susuriing Akda: “Isang Dosenang Klase ng High School Students”

Mga Kagamitan: Mga larawan

Halagang Pangkatauhan: Hindi lahat ng mag-aaral ay iisa at parepareho ang talent.

kailangang mahubog sila sa kanikanilang mga talent.

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain)

Gawaing Guro Gawaing Mag-aarala. Panalanginb. Pagtala ng liban

B. Pangganyak: (15 minuto)Magpakita ng larawan ng “Isang Dosenang Klase ng High School Students”.

Ano ang napansin ninyo mula sa ipinakita kong larawan? -Ma’am!

Ok. Carmela. -napansin ko po na hindi lahat ng Mag-aaral ai iisa at parepareho ang Talent at interes sa buhay.

Magaling! Tama angniyong napansin sapagkat kung mapapansin nyo ang mga nasa larawan iba-iba ang ipinapakitang interes at talent.

C. Presentasyon: (20 minuto)

Bawat mag-aaral ay bibigyan ko ng Akdaat basahin ito ninyo ng tahimik.

D. Pagpapayaman: (25 minuto)

ngayon papangkat-pangkatin ko kayo salabing dalawa. Bawat pangkat ay isasadula ang isa sa “Isang Dosenang Klase ng Highschool Student.” Bumunot kayo ng papaelna may pamagat ng Isan Dosenang Klase ng High School Students.

E. Takdang aralin:

Isulat sa kuwaderno kung saang pangkat ka nababagay at ipaliwanag kung bakit ito ang napili mo. Ibahagi sa klase sa susunod na lingo.

Ikalawang Araw

A. Pagpapalawig: (20 minuto)

Pagpili ng sampung mag-aaral na magbabahagi ng isinulat na takdang aralin.Kumuha ng reaksyon mula sa nakikinig na mag-aaral at tanungin.

1. Sangayon ba kayo sa isinulat at sinabi niya? -opo sangayon po kami.

2. Ano ang stereotyping? -naglalarawan ng imahe ng isang tao Halimbawa:Pagsinabing Ama ng tahanan ito ay naglalarawan ng

Isang lalaki, makisig at matapang.

B. Sintesis: (40 minuto) Bawat mag-aaral ay gumuhit sa papel ng isang bagay na sumusimbulo sa kanilang sarili. Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili ninyong bagay at ibahagi ito sa klase isa-isa.

Ikatlong Araw

A. Pangwakas na Pagtataya: (60 minuto)

Ngayong umaga balikan natin ang ginawanoong nakaraang araw. Maaari bang pumunta ng unahan ang tatawagin kong mag-aaral at sabihin sa dalawa o tatlongpangungusap lamang ang natatandaanninyong ibinahagi ng inyong kaklase tungkol sa bagay na sumisimbolo sa kanila.

Carmela. -Magandang umaga. Ibinahagi ni Clara noong nakaraang araw na

bulaklak ang iginuhit niyang bagay na sumisimbolo sa kanya dahil isa siyang babae, maayos at malinis sa sarili.

Ok. Magaling!

Roberto. -puno ang iginuhit ni Izagani na sumisimbolo sa kanya sapagkat siya raw ay isang lalaki na makisig, matapang at malakas.

Ok. Salamat! Palakpakan natin si Carmela atRoberto dahil mayroon silang natandaan sa Ibinahagi ng kanilang mga kaklase.

Ngayon sumulat kayo ng tatlo-limang talatabawat talata ay binubuo ng 4 na linya na gumagamit ng pang-uri at pang-abay.

Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 7

Unang Markahan

LINGGO 4

Unang Araw

I. LAYUNIN1. Napapapyaman ang talasalitaan2. Nakapaglalahad ng sariling opinyon tungkol sa mga pangyayari sa kwento.3. Nakapag-uugnay ng ilang sitwasyon sa totoong buhay4. Nakapagmamalas ng sariling damdamin tungo sa pangunahing tauhan

II. PAKSANG AralinPaksa: “Sandaang Damit“Konsepto: DiskriminasyonKakayahan:

III. PAMAMARAANA. Panimulang Pagtataya (10 minuto)

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaralPumili sa mga salita na bubuo sa mga pangungusap.a. Teheras f. pupitreb. Paanas g. abaloryoc. Mapapakagat-labi h. pagyayabangd. Pambubuskae. Walang-imik

1. Madalas na nag-iisa sa isang sulok at____________ang batang babae.2. Mahina at_____________pa kung ito’y magsalita.3. Kung minsa’y di bahagyang sulyapan ang mga pagkaing nasa ibabaw ng ___________ng

kaniyang mga kaklase.4. Tumindi ang___________at panlalaitng mga kaklase sa batang babae.5. Punong-puno ng maliliit, makikinang, at makukulay na______________ang damit ng

batang babae.6. Nakadispley sa______________ang sari saring damit ng batang babae.

B. Pangganyak (5 minuto)

Pagpapakita ng larawan ng bullying at pagtatanong:

1. Alam ba ninyo na kung ano ang bullying? -Opo. Ito’y isang gawain na nagdudulot ng sakit pang pisikal o sa kalooban ng isang tatao na nagging biktima nito. Halimbawa: pang-aasar sa kaklase, panghihingi ng baon,pag-uutos na may pananakot kung hindi sususndin, at marami pang iba.

2. Mayroon naba sainyong nakaranas nang -Opo Ma’am. ma-bully?

C. Presentasyon at Pagpapayaman ng Teksto (25 minuto)

Basahin natin ang akdang tatalakayin sa araw na ito at sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang iyong nagging damdamin sa -Nalungkot at natuwa. Nalungkot dahil wakas ng kwento? Bakit ganito ang sa pagtrato sa batang babae ng kanyang mga iyong naramdaman? kaklase at natuwa dahil sa bandang huli ay

natanggap at nabigyang pagkakataong na maging kaibigan nila ang batang

babae .

3. Alam ba ninyo kung ano ang -Ang diskriminasyon ay ang panlalait sa diskriminasyon? Iugnay ninyo ito isang bagay, tao, o grupo . batay sa kwentosa kwento. Ito’y panlalait sa isang batang babae na iba

ang estado sa buhay.

Diskriminasyon – ay ang hindi pantay na pagtingin sa karapatan, lahi, kulay, relihiyon, o kultura ng isang tao.

Pangalawang Araw

I. LAYUNIN1. Nakapagsasadula ng iba’t-ibang uri ng diskriminasyon sa lipunan.2. Pag-unawa sa paksang aralin

II. PAKSANG AralinPaksa: “Sandaang Damit“Konsepto: DiskriminasyonKakayahan:

III.PAMAMARAANGawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Pangkatang GawainMagkaroon ng apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay magdududla-dulaan sa iba’t-ibang uri ng diskriminasyon sa lipunan:Grupo 1 – Diskriminasyon sa kulay/lahiGrupo 2 – Diskriminasyon sa katayuang sosyoekonomiko(mahirap)Grupo 3 – Diskriminasyon sa relihiyonGrupo 3- Diskriminasyon sa kasarian (bakla, tomboy)

B. Sintesis Magbigay ang klase ng isang pangungusap na nagpapahayag ng mga magagandang kaisipan mula sa binasa at tinalakay.

Ikatlong Araw

I. LAYUNIN1. Malaman ang kahulugan ng idioma at makapagbigay ng halimbawa nito.

1. Pagbibigay respeto sa tao anumang katayuan sa buhay

2. Pantay-pantay na pagtatrato sa kapwa.

3. Maging mapagkumbaba

4. Maging mapag-bigay sa kapwa

2. Matutuhan ang kahulugan ng simili at metapora at makapagbigayn ng mga halimbawa nito.

II. PAKSANG AralinPaksa: “Sandaang Damit“Konsepto: DiskriminasyonKakayahan:

III. PAMAMARAAND. Panimulang Pagtataya (10 minuto)

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. PresentasyonPagtuturo ng Idioma

Gumuhit ng T-Chart sa pisara. Sa unang kolum isulat ang sampong (10) halimbawa ng idioma at sa pangalawang kolum na bakante isulat ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga nakasulat na idioma.

Idioma - Ang idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan. 

Mga Idioma Mga Kahulugan

1. Buto’t balat Paya’t na payat

2. May pakpak ang balita mabilis kumalat ang balita

3. Anak araw maputi 

4. Nagmumurang kamatis nagpapabata

5. Amoy lupa matanda

6. Babaeng mababa ang lipad bayarang babae

7. Pasan ang daigdig maraming problema

8. Namumula ang pisnge kinikilig

9. Nangangamote di makaisip ng maayos

10. Naglahong bula di na nagpakita

Pagtuturo ng Simili at Metapora

Balikan natin ang inyong mga nabuong pangungusap kanina: ikumpara ang inyong sarili sa isang bagay. Italakay ang simili at metapora.

1. kasing ganda niya ang rosas. 2. parang ibon siya kung kumanta. 3. para siyang leon kung magalit. 4. Ang mga mata mo ay tulad ng mga bituin. 5. Kasingkintab ng diyamante ang iyong mga luha. 6. Ang iyong labi ay tila rosas sa pula. 7. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagniningning. 8. Ang mga kamay mo ay kasing kinis ng tela.

1.Ang kanyang mga mata ay bituin sa langit 2.Siya ay isang leon sa galit 3.Siya ay posporo sa nipis 4.Ang bahay ay palasyo sa laki 5.Animo makopa sa pula ang pisngi ng dalaga 6.Kawangis mo ang hina ng isang ibong wala pang bangis 7.Ga-santol ang laki ng bukol sa ulo mo 8.Paris na masel mo'y matigas na metal 9.Sintamis ng tsiko ang ngiti ng bata 10.Sintigas ng bato ang puso ng galit na ama

Simili – payak at lantad na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamit ang mga salitang "tulad ng", "paris ng", "katulad", "magkasim" o "sing-" 

Halimbawa: Ang mga tao ay tulad ng rosas, mamatay sila kung hindi mo sila bibigyan ng tubig. 

Metapora - direktang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na hindi ginagamit ang mga salitang "tulad ng", "paris ng", "katulad", "magkasim" o "sing-" 

Halimbawa: Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibaba, minsan nasa itaas

Simili

Metapora

Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 7

Unang Markahan

LINGGO 5

Unang Araw

I. LAYUNIN1. Nakapagbibigay ng masining at payak na paglalarawan sa mga salitang nasa kwento.2. Makabuo ng sariling kwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay na nasasagot ang mga

tanong na Bakit: Bakit umuulan? Bakit mataas ang langit?3. Nakauunawa sa kwentong binasa.II. PAKSANG Aralin

Paksa: “Kung Bakit Umuulan”Konsepto:Kakayahan:

III. PAMAMARAAN

Panimulang Pagtataya (10 minuto)

Gawaing Guro Gawaing Mag-aara

A. Panimulang Pagtataya (20 minuto)

Magbigay ng halimbawa ng payak at masining na paglalarawan gamit ang salitang hangin. Pagkatapos himukin ang klase na subuking magbigay ng kanilang sariling halimbawa ng payak at masining na paglalarawan para sa nasabing salita.

Hatiin ang klase sa limang grupo. Bigyan ang bawat grupo ng limang salitang ito: Langit, Araw, Ulap, Buwan, at Ulan.Bawat grupo ay maglilista ng mga payak na paglalarawan ng salitang naiatas sa kanila

Mga halimbawa ng payak at masining na paglalarawan sa (Ulap)

Payak

Parang bulak Mahaba Kulay puti kapag hindi umuulan at medyo kulay itim kung umuulan Nagbibigay kulay sa kalangitan Parang usok

Masining

Napakaganda Napakaputi Simbolo ng kapayapaan May namumuong pagsubok

B. Pagganyak (10 minuto)Alam ba ninyo na hindi lamang pagalalarawan ang kinailangan ng mga tao ukol sa mga bagay sa paligid nila.sinasagot ng paglalarawan ang tanong na ano, kalian, saan, at paano.

Ngayon kinakailangan ninyo ring bumuo ng mga kwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay upang sagutin ang tanong na bakit: Bakit umuulan? Bakit mataas ang langit?

Pagbabahagi ng ginawang kwento:

C. Presentasyon (10 minuto)Ikuwento sa klase ang “Kung Bakit Umuulan”

Tauhan

Tagpuan

Panimula

Tagpuan/Suliranin

Tunggalian Kasukdulan Wakas ng kwento

Pamagat

Sino-sino ang mga tauhan Katangian ng mag Tauhan

Saan naganap ang kwento Kailan naganap

Banghay

Simula

Gitna

Wakas

Tungkung-Langit Alunsina

Inaasahan[Type a quote from the

document or the

[Type a quote from the

document or the

[Type a quote from the document or

the summary of an

[Type a quote from the document or

the summary of an

C. Pagpapayaman (20 minuto)Ngayon aalamin natin kung ano ang opinion ninyo sa kwento?

1. Ilarawan ang relasyon ni tungkung--

Langit at alunsina.

2. Ano-ano ang inaasahan ng bawat tauhan sa kanilang kabiyak?

3. Paano tinugunan ng magkarelasyon -ang mga inaasahang ito? Makatarungan ba ang kanilang pagtugon?

4. Sino sa tingin ninyo ang may higit -na makatarungang ikinilos? Bakit?

Ikalawang Araw

I. LAYUNIN1. Nakapagsasadula ng iba’t-ibang uri ng diskriminasyon sa lipunan.2. Pag-unawa sa paksang aralin

II. PAKSANG AralinPaksa: “Kung Bakit Umuulan”Konsepto:Kakayahan:

III. PAMAMARAANPapayaman

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Pagpapayaman (30 minuto)

Relasyon

Ngayon magkakaroon tayo ng pangkatang talakayan. Narito ang mga tanong na maaari nating gamitin sa ating talakayan.1. Magbahagi ng ilang karanasan na kung -

saan maroon ayaw ipagawa sa inyo dahil sa inyong edad., ngunit nakatitiyak kayo na sapat na ang inyong kakakyahan o karanasan upang magawa ito.

2. Ano ang inyong naramdaman sa karanasang -iyon.

3. Ano ang inyong naging tugon sa karanasang - iyon?

Isulat sa loob ng bawat hahon ang sagot sa mga sumusunod na kataningan.

Karanasan Damdamin Naging tugon

1.

2.

1. 1.

B. Pagpapalawig (30 minuto)Ngayon bibigyan ko kayo ng mga materyales para sa paggawa ng isang poster. Dapat Makita sa ginawang poster ang inyong mga kasagutan sa nakaraang talakayan ng mga karanasan,damdamin, at naging tugon ninyo dito.

Bawal gumamit ng internet.. “yan ang palaging sinasabi ni

mama.

Ikatlong ArawI. LAYUNIN

1. Nakapagpapakita ng kakayahan sa paggawa ng poster ayon sa tinalakay n kwento.

2. Nakapagmamalas ng sariling damdamin tungo sa pangunahing tauhan.3. Nakapag-uugnay ng ilang sitwasyon sa totoong buhay 4. Nailalahad ang mga mahahalagang pangyayari sa kwento batay sa

mga nabuong larawan.5. Nasasanay makisangkot nang buong husay sa talakayan at sa mga

gawain.

II. PAKSANG ARALINPaksa: “Kung Bakit Umuulan”May Akda:Kagamitan:

III.PAMAMARAANA. Pagpapalawig (10 minuto)

Bigyan ang mga grupo ng maigsing oras upang puliduhin ang kanilang mga poster na ginawa noong ikalawang araw, at upang maghanda sa pagbababahagi ng kanilang ginawa sa klase.

B. Sintesis (30 minuto)Ngayon lahat ng grupo ay magbabahagi ng kanilang ginawang poster at pati narin ng ilan sa inyong mga napag-usapan sa talakayan.

Unang pangkat: (Pagbabahagi)

Pangalawang Pangkat: (Pagbabahagi)

Ikatlong Pangkat: (Pagbabahagi)

Ikaapat na Pangkat: (Pagbababhagi)

C. Pangwakas na pagtataya (20 minuto)Pagkatapos magbahagi ng bawat grupo, ipaalala sa kanila ang kwento “kung bakit umuulan” at talakayin ang kaugnayan ng kanilang mga ibinahagi at ang karanasan ni Alunsina

Mga gabay na tanong sa talakayan:

1. Ano-ano ang mga pagkakapareho ng inyong karanasan sa naging karanasan ni Alunsina sa kwento?

[Type a quote from the document or the

summary of an interesting point.

[Type a quote from the document or

the summary of an interesting point.

[Type a quote from the document or

the summary of an interesting point.

[Type a quote from the document or

the summary of an interesting point.

[Type a quote from the document or the

summary of an interesting point.

You can position the

[Type a quote from the document or the

summary of an interesting point.

2. Paano ninyo nilutas ang inyong mga naranasang paghahadlang na iba sa paraang ginawa ni alunsina?

Karanasan ni Alunsina sa KwentoKaranasan ni Alunsina sa Kwento

Karanasan ng Mag-aaral

Solusyon

1.

2.

3.

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

IKATLONG MARKAHAN

LINGGO 21

Unang Araw

2. LAYUNIN:Sa pagtatapos klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasasanay makisangkot nang buong husay sa talakayan.2. Naiuugnay ang mga pangyayari sa kwento sa sariling karanasan.3. Naibubuod ang kwento batay sa nagawang talambuhay ng may akda.

11. PAKSANG ARALIN:

Susuriing akda : (“Pimple” Pugad Baboy 6, pahina 1),“Braces”(Pugad Baboy 6,pahina 3)

May Akda: Pol Medina Jr

Kagamitan:Kopya ng“Pimple”(Pugad Baboy 6,pahina 1,“Braces”(Pugad Baboy6,pahina 3)

111. PAMAMARAAN:

A. Pagganyak (10 minuto)

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Anong impresyon ninyo sa nakita ninyong -Ma’am!

larawan tungkol sa “Pimple” (Pugad baboy )?

Ok, Mara. -ito’y tungkol sa pagiging metikuloso sa katawan/mukha ng mga Filipino

Magaling!

Sino pa ang maaaring magbigay nga impresyon O mga bagay na napapansin ninyo sa larawan?

Grace? - ang napapansin ko sa larawan ay angmaraming matatabang baboy na nagkalat sa maganda at malinis na kapaligiran.

Magaling. May iba pa bang kasagutan? -ang napansin ko ay imbes dumi o tagiawat ang nasa mukha ng isang tao ay sa halip mga matatabang baboy ang ipinakita sa larawan ng manunulat.

B. Presentasyon (30 minuto)Ngayong araw tatalakayin natin ang paksang “Pimple”(Pugad Baboy ni Pol Medina Jr.)At ipakilaa si Pol Medina Jr.

Sa loob ng bahay kubo isulat kung anong uri ng talambuhay mayroon ang manunulat na si Pol Medina.

Ipaliwanag :

Ngayon muli nating balikan ang binasa nating komoks:Gabay na mga tanong sa talakayan:

1. Ano ang napansin ninyo sa binasang akda? =

2. Kung ikukumpara sa mga naunang napag- =aralang akda(tula, maikling kwento, sanaysay),

ano ang naiibang katangian ng komiks?

3. Malinaw ba ang mga detalte sa akda? Paano? =4. Balikan ang mga larawang ginamit sa komiks.

Nakatulong ba ito sa pagkukuwento ng akda?Bakit?

Bilang paghahanda sa sussunod na sesyon, bibigyan ko kayo ngayon ng tig-iisang kopya ng akdang “Braces” ni Pol Medina para basahin ninyo.

“Yun ang bakal na nakabalotSa ngipin para magmukha

Kang mayaman….”“…..Paborito ng mga artista ‘yun

eh!“E, Pa, usokasi ang bracesNgayon eh. Gusto ko lang

Maging ‘in’…..“Gusto ng anak kong

Magpalagay ng braces kahitWalang sungki ang ngipin n’ya.

Status symbol daw ‘yon…..”“’ Yan ang hirap sa ‘ting Pinoy

e…hindi bale ng magutom,basta’t makaporma lang…..”

IKalawang Araw

3. LAYUNINSa pagtatapos klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasasanay makisangkot nang buong husay sa talakayan.

2. Natutukoy at nailalarawan ang mga tauhan, tagpuan at mga isyung panlipunan sa kwento.3. Nakapagbibigay hamon sa mga mag-aaral para gawing positibong ang mga kaugaliang Filipino na nakakasama sa pagtingin ng iba.4. nakabubuod ng mga paksang tinalakay

11. PAKSANG ARALIN

Susuriing akda : (“Pimple” Pugad Baboy 6, pahina 1),“Braces”(Pugad Baboy 6,pahina 3)

May Akda: Pol Medina Jr

Kagamitan:Kopya ng,“Braces”(Pugad Baboy6,pahina 3), kapirasong papel na may nakasulat na tanong.

111. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Pagpapayaman (15 minuto)Magbabalik-aral tayo sa detalying napag-usapan natin at tinalakay sa nakaraang sesyon hinggil sa kahulugan at katangian ng komiks.

Sagutan natin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa braces sa pamamagitan ng pagpabunot sa mga mg-aaral ng tanong na nakasulat sa isang maliit na kapirasong papel.

Sino-sino ang mga tauhan sa komiks? = Saan-saang tagpuan ang ginamit =

sa komiks? Batay sa binasang komiks bakit =

“Braces” ang pamagat?

B. Pagpapalawig (30 minuto)Narito ang ilang isyung panlipunan na isinalarawan sa komiks.

Isulat sa Hanay A ang Opinyon at Katwiran batay sa mga nakasulat na isyu/paksa sa lipunan ng akdang “Braces”

Isyu/paksa Opinyon katwiran

Magmukhang mayamanPamporma ng mga arytista“In”Status symbolKulturang Pinoy

"BRACES"

magmukhang mayaman

"In" Status symbol

Pamporma ng mga artista

Kulturang Pinoy

C. Sintesis (15 minutoBilang paglalahad, bawat grupo ay ibubuod ang mga nagging sagot gamit ang story map.

Bagamat ang akda ay tumutuligsa sa ilang hindi ganoon kagandang kaugalian ng mga Filipino. Ito’y isang hamon sa inyo bilang mga kabataan kung paano magiging positibo ang mgkaugaliang ito at kung paano ninyo ito isasabuhay.

Sa ngayon pag-usapan din natin kung ano pa ang ibang kaugaliang Filipino na karaniwang iniisip na nakakasama, ngunit maaaring gawing positibo.

Ma’am!Ok. Luningning?

“Paggaya ng gamit na nakikita natin sa ibang bansa. Katulad ng mga stateside na mga produkto. Gustong-gusto at ipinagmamalaki ng mga Filipino ang mga produkto na nanggagaling sa ibang bansa kaysa sa sariling atin.”

Magaling! May iba pa bang kasagutan?“ang paggamit ng cellphone sa mga lugar

Saan NaganapMga Tauhan

Naganap:

Simula_________________________________________________________

Gitna__________________________________________________________

Paksang Diwa Ano ang natutuhan mo?

sa maaaring makaistorbo sa mga tao. Halimbawa sa loob ng paaralan, at sa mga pampublikong lugar kagaya ng mga pasyalan, dahil minsan hindi lahat ng tao ay gusting makarinig ng pinag-uusapan ng ibang tao lalo na kung ito’y pampribadong usapan lamang.”

Ok. Magaling! Mayroon pa bang gustong sumagot?Ma’am!

Ok. Izagani.“Ang isa pa pong kaugaliang napapansin ko sa mga tao ngayon lalo na sa mga kabataan ay ang paggamit ng kompyuter at iba pang mga teknolohiya....kadalasan ang iba ay gumagamit nito para magpatay lamang ng oras. Nawawalan na sila ng panahon sa mga magaganda at mahahalagang bagay na nagagawa noon ng mga tao kagaya ng pagkukuwentuhan ng pamilya, pakikipaglaro sa labas ng mga bata at ang masama pa nito ay pwedeng magdulot ng pagseselos ng mga mag-aasawa dahil nawawalan na ng panahon ang taong gumagamit nito sa kanilang mga mahal sa buhay.”

Ok. Salamat at napakaganda ng inyong mga ibinahagi..So paano naman ito maaaring gawing positibo? “Lahat po ng mga nabanggit na kaugaliang

Filipino na nagpapakita ng hindi maganda sa paningin ng iba ay maaari po nating gawing positibo sa pamamagitan ng paggamit nito sa tamang oras at panahon lamang...kahit marami ng biyaya na ibinibigay satin ang teknolohiya kailangan parin magkaroon ng limitasyon sa paggamit ng mga ito na hindi nakakasira sa mga pagsasama at relasyon lalo na sa mga kabataan na siyang unang nagkakaroon ng problema sa kanilang pag-aaral dahil sa maling paggamit ng mga teknolohiya.”

Ikatlong ArawI. LAYUNIN

1. Nakapaglalahad ng sariling opinion batay sa kwento

2. Nakakasulat ng talatang naglalahad ng sanhi at bunga ng bawat binasang komiks.

3. Nakapag-uugnay ng ilang sitwasyon sa totoong buhay

II. PAKSANG ARALINPaksa: (“Pimple” Pugad Baboy 6, pahina 1),“Braces”(Pugad Baboy 6,pahina 3)May Akda: Pol Medina Jr.Kagamitan:

III.PAMAMARAANGawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Pangwakas na pagtataya (35 minuto)

Bilang Bahagi ng Akda Posibleng Nagsasaita at

Katangian Niya

Patunay

1. “Senyorito, ipinatatanong ni Senyorita kung ano ang ulam

natin ngayon….”

2. “E, Pa, uso kasi ang braces

ngayon e, gusto ko lang maging

‘in’…”

3. “Gusto ng ank kong mag-palagay ng

braces kahit walang sungki

ang ngipin n’ya…”

4. “Puro utang na tapos

maghohost pa sa Miss

Universe!!!”

5. “Baliktad ano? Dapat, “We are a

poor country pretending to be

rich.”

6. “Sa Tagalog, Hindi bale ng

magutom, basta’t

makaporma lang. Pwe!”

Matapos iproseso sa klase ang mga sagot, sumunod na ipabasa ang komiks na “The Gwapings’ Ni Pol Medina Jr., Pahina 30, ikalawang kahon. At pagkatapos basahin isulat sa bawat kulom ang hinihingi ayon sa nabasa.

Mga tauhan Paglalarawan sa tauhan Kailan naganap ang mga pangyayari

A. Pagtataya (25 minuto)Pasulatin ang mga mag-aaral ng tig-isang talatang naglalahad ng sanhi at bunga ng bawat komiks na kanilang binasa.

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 7

IKATLONG MARKAHAN

LINGGO 22

Unang Araw

4. LAYUNIN:Sa pagtatapos klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakapagbibigay ng magandang ideya tungkol sa kalayaan2. Nabibigyang pagkakataon ang sarili na makibahagi sa talakayan.3. Nasasanay makisangkot nang buong husay sa talakayan at sa paksang tinalakay.

11. PAKSANG ARALIN:

Susuriing akda : Tutubi-tutubi ‘Wag Kang Magpahuli sa mamang salbahe”

May Akda: Jun Cruz Reyes

Kagamitan: Kopya ng Akda, kopya ng Talasalitaan

111. PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Presentasyon (20 minuto)Gabay sa talakayan:

Ideya ng kalayaan para sa kabataan Pagiging istrikto ng magulang, guro, at gobyerno Pangangailangan ng mga tuntunin- ang pagbigay ng tao sa kaniyang passion na minsan

ay hindi isinasaalang-alang ang proseso.

“Magandang umaga! Ngayong araw ay tatalakayin natin ang mga sumusunod:”

Una, ideya ng kalayaan para sa kabataan…“Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin nito?” Ma’am!

Ok. Marry anne? Ang kalayaan para sa kabataan ay ang kalayaang magawa kung ano ang tama at narararpat lamang para sa kabutihan ng sarili.

Magaling! Ibig sabihin ang kabataan ay malaya Sa kung anumang gustong gawin basta’t ito’y May limitasyon at walang pang-aabuso sa kalayaan.

“Ngayon ano naman ang ibig sabihin ng pagiging istrikto ng magulang, guro at gobyerno? Ma’am!

Carmel? “Tama lang po na maging istrikto ang mga magulang sa kanilang mga anak para sa kabutihan nila. At ang guro dahil sila ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga mag-aaral sa eskwelahan. Ang gobyerno

Kalayaan

[Type a

quot

[Type a

quote [Type

a quote

KalayaanKalayaan

[Type a

quote

[Type a

quote

[Type a

quote

[Type a

quote

[Type a

quote [Type

a quote

[Type a

quote [Type

a quote

sila ang nagpapatupad ng mga rules and regulations sa isang pamayanan.

Ok. Magaling!Ngayon isusulat ko sa pisara ang salitang kalayaanAt bubuo kayo ng Concept web tungkol sa kalayaan.

B. Pagpapayaman (15 minuto)

Sino ang mga taong naisip natin kapag narinig natin ang salitang kalayaan? Ano ang mga lugar na naisip natin kapag sinabi ang salitang kalayaan? May mga pangyayari bang nagpapaalala sa atin ng kalayaan?

C. Pagpapalawig (20 Minuto)Talakayan: Talakayin ang ideya ng kalayaang litaw sa nabuo nilang Concept web.Subukang katasin amng ideya ng kabutihan sa likod ng mga kilos na ito. Linawin na ang ideya ng kalayaan ay umiikot hindi sa kakayahang gawin ang lahat ng maari kung hindi sa ideyang dapat na gawin ang nararapat na akma sa konteksto at sitwasyon. Hindi ito simpleng paggawa ng gusto para sa sarili ; tungkol ito sa magagawa ng sarili para sa nakararami.

Ikalawang ArawI. LAYUNIN

1. Nakapagsasaliksik sa mga lugar sa loob ng paaralan.2. Nakapagsasaliksik tungkol sa sariling bayan.

II. PAKSANG ARALINPaksa: Tutubi-tutubi ‘Wag Kang Magpahuli sa mamang salbahe”

May-akda: Jun Cruz Reyes

Kagamitan:

111. PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Sitesis (40 minuto)Talakayan: 1. “Ayon sa mga napag-usapan natin no’ng nakaraang araw tungkol sa ideya ninyo sa kalayaan. “Ano na ngayon ang ideya “Ang kalayaan ay ang malayang ninyo ng kalayaan?” pagsasagawa ng ninanais ng isang

tao hindi para sa sariling kapakanan kungdi para sa nakararami.

` 2.” Paano mo maisasakatuparan ang konsepto “Sa pamamagitan ng paggawa ng ng kalayaan ngayong ikaw ay mag-aaral kung ano ang tamang gawin na hindi

pa lamang?” lumalabag sa mga alituntunin, at hindi naabuso ang sarili sa paggawa ng mga ninanais.”

Ikatlong ArawI. LAYUNIN

1. Naipapahayag ang sariling ideya tungkol sa kalayaan.2. Napapahusay ang kakayahan sa pagsasalita sa pakiki-ayon sa talakayan.

II.PAKSANG ARALINPaksa: Tutubi-tutubi ‘Wag Kang Magpahuli sa mamang salbahe”

May-akda: Jun Cruz Reyes

Kagamitan:III. PAMAMARAAN:

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Introduksiyon sa pananaliksik (60 minuto)Hatiin ang klase sa grupong may tiglilimang miyembro. Ipakilala sa klase ang mga sumusunod na tanong. Upang Pabunutin sila ng mga tanong na dapat nilang sagutin. Bigyan sila ng 15 minuto upang gawin ang ehersisyong ito.

Mga tanong na gabay sa pagsasaliksik:1. Ilang banyo mayroon ang buong paaralan?2. Ano ang pinakanakabubusog na kombinasyon ng pagkaing mabibili sa

canteen gamit lamang ang sampung piso?

3. Kapayanamin ang isang guro at itanong ang mga sumusunod:A. Ano ang buo nilang pangalan?B. Saan sila nagtapos ng pag-aaral?C. Ano-ano ang itinuturo nilang asignatura?D. Ano ang paborito niyang lugar sa paaralan?

4. Ilang guro mayroon sa Faculty roo?5. Ano ang makikita sa pinakamataas na bahagi ng paaralan?6. Ano ang mga katabing lugar ng paaralan?

Taungin sila kung ano ang ginawa nila.ipaliwanag sa kanila na ang ginawa nila ay isang uri ng pananaliksik. Isa-isahin ang mga hakbang na dinaanan sa pananaliksik.

1. Mga tanong o paksa na gusting masagot.2. Fieldwork

a. pag-ikot upang mahanap ang sagotb. pakikipanayamc. librod. internet

Presentasyon ng saliksik

Ipakilala ang gagawing pananaliksik tungkol sa sariling bayan. Ang inaasahang output ng mga bata para sa proyektong ito ay isang brochure na magpapakilala sa maipagmamalaki ng kanilang bayan sa sumusunod na aspekto.

Mga pagkain Mga kilalang tao Mga pasyalan Mga artifact Mga pagdiriwang Mga produkto

Ikaapat na Araw

I. LAYUNIN1. Napapayaman ang talasalitaan2. Nakapagsasalita gamit ang kakaibang mga salita: Halimbawa: wika noong

Dekada 70, Jejemon o salitang “Beki”, at mga salita ng isang wikang banyaga.II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Tutubi-tutubi ‘Wag Kang Magpahuli sa mamang salbahe”May akda: Jun Cruz Reyes

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Talasalitaan (20 minuto)

Syntax =pagkakaayos ng salita sa loob ng pangungusap

Articulate =pagiging matatas sa paggamit ng wikaSensibility =bilis o talas ng kamalayanSuperficial =pakunwati lamangIntellectual =taong matalinoSarcastic =nanunuyang pahayagProfound =mayroong malalim at dakilang kaalaman, kung sa

tao; bagay na nangangailangan ng malalim na pag- aaral; kung sa ideya o konsepto

Unawa =pag-intindiMatatas =mahusay sa paggamit ng wikaMalimit =hindi madalas, minsanHangad =kagustuhanNagsisikap =nagsisipag

B. Panimulang pagtataya (40 minuto)Pumasok sa klase gamit ang mga kakaibang salita.1. Maaring gumamit ng salita noong Dekada 70 tulad ng repapips, ermats at erpats at

kung ano-ano pa.2. Gumamit ng Jejemon o salitang “Beki.” Halimbawa: Chaka; Tom Jones-Gutom;

Lala- kakain o lalamon; Itey-Ito; siney itey- Sino ito; tohmooh o kurak-Tama; Ditey na aketch- Dito na ako; Gerabells-Go, sige na.

3. Magsalita gamit ang isang wikang banyaga na may halong lokal na wika.Gawin ito sa loob ng 10 minuto at subukang bumuo ng isang diyalogo sa lob ng klase. Subukang suriin ang magiging reaksiyon ng mga bata sa ginawang pananalita. Tanungin ang mga sumusunog pagkatapos ng ehersisyo.1. Bakit ganoon ang inyong nagging reaksiyon?2. Akma ba ang ganitong uri ng pananalita ayon sa ating sitwasyon sa loob ng klase?

kapag kausap ang isang guro? Ang punong guro?3. Maari ba itong gamitin sa pagsulat?4. Naiintindihan ban g buong klase ang ginamit na pananalita?