2
ANG WIKANG FILIPINO AY PANLAHAT, ILAW AT LAKAS SA TUWID NA LANDAS ni Jennifor L. Aguilar Kalayaan! Kalayaan! Kalayaan! Isinisigaw, inihihiyaw, ipinaglalaban Buhay man ang maging kabayaran Ibubuwis, ibibigay, maangkin yaring katubusan. Tayo’y mga Ilayano, na bininyagan ng Pilipinong ngalan! Nagmula sa matatapang na liping Silangan Mga Dayak Ibaloy, Kayan, Itneg, Andamanes, Negrito, at Semang Sinaunang lahing likas ang katapangan! Lumaban, Naghimagsik, dugo’t buhay ay inalay! Sina Tanday Lupa Lupa, Agustin Lumandag, Dagohoy, Andres Malong, Mamangkal, Tamblot, Raha Kandole, Datu Puti, Datu Sumakwel, Diego at Gabriela Silang, at mga paring Gomburza, Mga dugo nila’y humihiyaw, sumisigaw ng KALAYAAN! Tatlongdaang taong mahigit na nakikipaglaban Sa paghahangad makamit ganap na kasarinlan Sa iba’t ibang panig ng bansa’y nakikipagpatayan Ngunit pawang kay ilap makamit ang inaasam Iisang pangarap tanging hinahangad Tuluyang makalaya sa mga Mestizong Tamad, ganid, mapagsamantala’t diyos ang inilalantad Ngunit tila hadlang, kawalan ng wikang panlahat! Sinikap buuin wikang maaaring lahat ay mag-aangkin, Magigiting na katipunero’y Tagalog isinulong at idiniin Maging pangulong Quezon, paniniwala’y ganoon din Wikang ito’y magbibigkis sa puso ng Pilipinong naninimdim Pinatatag ng pambansang wika, pwersa ng Katipunan Pinalakas ang damdamin, pinag-alab ang kamalayan Gulok, buho, pistola, puso at wika ang kasangkapan Laban sa malalakas na sandata ng mga dayuhan Ngunit Pambansang wika’y pilit pinabansot, di-pinagamit, ibinabaon sa limot

Ang Wikang Filipino Ay Panlahat

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Wikang Filipino Ay Panlahat

ANG WIKANG FILIPINO AY PANLAHAT, ILAW AT LAKAS SA TUWID NA LANDASni Jennifor L. Aguilar

Kalayaan! Kalayaan! Kalayaan!Isinisigaw, inihihiyaw, ipinaglalabanBuhay man ang maging kabayaran

Ibubuwis, ibibigay, maangkin yaring katubusan.

Tayo’y mga Ilayano, na bininyagan ng Pilipinong ngalan!Nagmula sa matatapang na liping Silangan

Mga Dayak Ibaloy, Kayan, Itneg, Andamanes, Negrito, at Semang Sinaunang lahing likas ang katapangan!

Lumaban, Naghimagsik, dugo’t buhay ay inalay! Sina Tanday Lupa Lupa, Agustin Lumandag, Dagohoy, Andres Malong, Mamangkal,

Tamblot, Raha Kandole, Datu Puti, Datu Sumakwel, Diego at Gabriela Silang, at mga paring Gomburza, Mga dugo nila’y humihiyaw, sumisigaw ng KALAYAAN!

Tatlongdaang taong mahigit na nakikipaglabanSa paghahangad makamit ganap na kasarinlan

Sa iba’t ibang panig ng bansa’y nakikipagpatayanNgunit pawang kay ilap makamit ang inaasam

Iisang pangarap tanging hinahangadTuluyang makalaya sa mga Mestizong Tamad, ganid, mapagsamantala’t diyos ang inilalantad

Ngunit tila hadlang, kawalan ng wikang panlahat!

Sinikap buuin wikang maaaring lahat ay mag-aangkin,Magigiting na katipunero’y Tagalog isinulong at idiniinMaging pangulong Quezon, paniniwala’y ganoon din

Wikang ito’y magbibigkis sa puso ng Pilipinong naninimdim

Pinatatag ng pambansang wika, pwersa ng KatipunanPinalakas ang damdamin, pinag-alab ang kamalayanGulok, buho, pistola, puso at wika ang kasangkapan

Laban sa malalakas na sandata ng mga dayuhan

Ngunit Pambansang wika’y pilit pinabansot,di-pinagamit, ibinabaon sa limot

ng lahing Amerikanong sumunod na sa ati’y sumakopwika nila’y pumainbulog, wika nati’y bumulusok

Palibhasa’y wika’y makapangyarihan na tunaySa dugo ng bawat Pilipino’y nananalaytay

Nang kasarinlan sa ati’y naibigayNaging matuwid ang bayan patunay diyan, Pangulong Magsaysay

Page 2: Ang Wikang Filipino Ay Panlahat

Ngunit nang muling dumilim pahina ng kasaysayanLumitaw pagkaganid ng pinuno sa kapangyarihanPambansang Wika’y naging ilaw ng mamamayan

Muling pinalaya’t, binigyang ilaw nang matahak ang tuwid na daan

Ngayo’y dumako na sa panahong Malaya at sumubra na sa talino At kung sinu-sino ang naghahangad na makapamunoHindi nagkakaisa’t kani-kaniyang puna at kuru-kuro

Lahat gagawin, para sa kapangyariha’t pagluklok sa pwesto

Bayan ngayo’y nalulumbay, kumukulimlim, nauubusan ng lakasMuling naghihiwa-hiwalay, kanya-kanya na naman nang nais ipamalas

Dalangin namin sa iyo Bathala na siyang tunay na magpapamalasGamitin yaring wikang Panlahat na maging ilaw at lakas sa tuwid na Landas