Click here to load reader

Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

  • View
    746

  • Download
    47

Embed Size (px)

DESCRIPTION

FIL10

Text of Metalingguwistikong Pagtalakay Sa Wika at Wikang Filipino

METALINGGUWISTIKONG PAGTALAKAY SA WIKA AT WIKANG FILIPINO

METALINGGUWISTIKONG PAGTALAKAY SA WIKA AT WIKANG FILIPINOKAHULUGAN NG WIKAMasistemang istruktura ng sinasalitang tunogSintaks, may kaayuan, at pagkakasunod-sunodIsang sistema o kaparaananNagbabago at may pagpapalitKaugnay ang kalinangaan ng lugar na pinanggagalinganKailangan sa pagkakaunawaan(Pagbasa/Pagsulat)Binubuo ng piling sagisag at mga kaugalian/kulturaPagbigkas, kaya kailangan ang pagsasanayANG WIKA, KATUTURAN, AT KATANGIANAyon kay Webster (1974), ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbolo.Ayon kay Gleason (Tumangan, et al., 2000) sa wika. Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.KATANGIAN NG WIKAANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS- Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog.PONEMA Tumutukoy sa makabuluhang tunog ng isang wika.PONOLOHIYA Makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog.MORPEMA Pinakamaliit na yunit ng salita.MORPOLOHIYA Makaagham na pag-aaral sa mga morpema ng isang salitaSINTAKS Tumutukoy sa palabuuan ng mga sugnay, parirala, at pangungusapSEMANTIKS Pag-aaral ng kahulugan ng isang wikaPRAGMATIKS Pag-aaral ng aktwal na pagsasalitaANG WIKA AY SINASALITANG TUNOG- Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nililikha natin at kung gayoy kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. Maaaring tunog na nililikha sa bawat titik o letra at nililikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nangagaling sa baga o ang pinanggagalinagang lakas o enerhiya na lumilikha ng tunog.ANG WIKA AY ARBITRARYO- Pinagkasunduan ng isang grupo ng taong gumagamit ng wika gayundin, ang bawat wika ay may kakaibang katangiang nabubukod sa iba pang wika.Hal. BAHAY WIKANG FILIPINO HOUSE WIKANG INGLES BALAY WIKANG ILOKANOANG WIKA AY NAKABUHOL SA KULTURA- Pinatutunayan lamang na walang superyr na wika sapagkat ang bawat wika may sariling kakanyahang kultural. Ibigsabihin, hinuhubog ng wika ang kultura at hinuhubog naman ng kultura ang wika. (Sapir at Whorf, w.p)ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA- Naaayon ang kanilang wika batay sa kanilang kultura, ginagamit nila ito sa kung anong pagbabago ang nagaganap sa kanilang kultura at sa kanilang wika ngunit may mga bansa na limitado lamang ang bokabularyo.Hal. WIKANG INGLES ICE WIKANG FILIPINO YELO O NYEBEPero sa iba ay GLACIER, ICEBERGS, FROST, HAILSTORM, at iba pa.WIKANG INGLES RICEWIKANG FILIPINO PALAY, BIGAS, KANIN, BAHAWDahilan sa kung kayat marami tayong tawag sa RICE dahilan ang AMERICA ay Industriyal samantalang ang PILIPINAS ay Agrikultural ANG WIKA AY DINAMIKO/DAYNAMIKO- Nagbabago ang wika batay sa nagbabagong panahon. Nagkakaroon ng mga bagong salita at nakapaglilinang din ng bagong pagpapakahulugan batay sa sumusulong na panahon.

ANG WIKA AY MALIKHAIN- Paggamit ng wika sa sariling kaparaan at batay sa sumusulong na mga pangkast ng taong may itinatampok na identidad. Binibigyang-diin nito ang pagiging distinct na anyo ng ekspresiyon o paggamit ng wika sa pagpapahayag ng damdamin, saloobin o naiisip.Hal. Pamamaraan ng JEJEMON at BEKIMONANG WIKA AY MAKAPANGYARIHAN- Ginagamit ang wika sa pagtatamo ng impluwensya para makapagpabago ng pananaw, makaimpluwensiya ng kaisipan, makabuo ng mga bagong ideya, makapaapekto ng mga pamamaraan at polisiya at higit ay makapagpakilos.ANG WIKA AY NANGHIHIRAMWalang wikang nagtataglay ng kaniyang sariling galing. Ang pag-unlad ng isang wika ay likas o natural. Ayon sa Resolusyon 96-1 KWF (1996) na ang Filipino ay dumanaranas ng ibat ibang proseso ng pag-unlad sa pamamagitan ng panghihiram.KAPANGYARIHAN NG WIKA- Makapangyarihan ang wika. Sa ano mang lipunan, kultura at lahi, kinikilala ang hindi matatawarang kapangyarihan ng wika. Wika ang pinakaprominenteng behikulo ng paghahatid ng mga imahe, positibo man o negatibo. Kung baga sa digmaan, ang wika ay isang armas o sandata na panggapi o gagapi sa mga kalaban o kayay sandata upang lumaya.

HAL. Mga Akda ni Jose Rizal - El Filibusterismo at Noli Me Tangere- Ang panghihiram ay bahagi ng paglinang sa isang wika para sa mas mabisang pagpapahayag at sa mahusay na pakikipag-ugnayan sa ibat ibang tao sa lipunan.- Ayon kay Alfonso Santiago, ang wikang di nanghihiram ay patungo sa pagkamatay.- Nanghihiram ng salita dahil may pangangailangang dala ng pag-usbong ng teknolohiya.WIKA, KULTURA, AT POLITIKAAng kapangyarihan ang nag-uugnay sa politika at wika. Kung sa politikay kapangyarihan ang bunga ng mabisang paggamit ng wika, sa wika namay kapangyarihan ang dahilan ng impluwensiya ng wika sa ibang tao.Ang kultura ay tumutukoy sa ano mang natutunan at pinagsasaluhan ng mga tao sa lipunan. Kasama rito ang wika. At sa politika ng mga kultura, ang mga nananaig at nananatili ay iyong kulturang makapangyarihan at malakas. Ang mga kulturang naglalaho at napapalitan ay ipinapalagay namang mahina.TUNGKULIN NG WIKA AYON KAY MICHAEL A.K. HALLIDAYINTERAKSYONAL- Ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili, pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan (social beings, not only human beings). Sa pasalitang paraan ang pinakamahusay na halimbawa nito ay mga pormulasyong panlipunan (Magandang Araw, Maligayang kaarawan, Hi/Hello at iba na gamit sa pakikipagkomunikasyon.INSTRUMENTALAng tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos.

HAL.Paggawa ng liham-pangangalakal ay isang halimbawa na pamamaraan upang matugunan ang ating ibat ibang pangangailangan.REGULATORIAng tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggapay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa madaling salita, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin. HAL.Pagbibigay ng direksiyon, paalala o babalaPERSONALTungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito.IMAHINATIBOTungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag, at simbolismo. Gimitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela, at maikling katha.HYURISTIK AT IMPORMATIBOTungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling Impormatibong ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon. Samakatuwid, ang pagtatanong ay hyuristik ay ang pagsagot sa tanong ay impormatibo.ANTAS NG WIKABALBAL O SLANG- Pinakamababang antas ng wika na kadalasang gamit ng mga taong kalye o tambay.

HAL. 1. Siya ang syota ko! 2. Naku! Si ermat padating. 3. Hoy! Dyan na ang mga parak!KOLOKYALItoy mga pang-araw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakatong impormal.

HAL. 1. Paabot ng brush. 2. Ganoon ang cellphone ko. 3. Ang cute niya talaga.LALAWIGANINIto ang mga bokabularyong dayalektal. Mga ibat ibang dayalektong gamit sa ibang lugar.

HAL. 1. Doon ang tirahan namin 2. Si Maria ang aking bana 3. Kahapon ay natayen ang aking alagang aso.PAMBANSAIto ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat na pangwika at wikang tanggap ng marami.

HAL. 1. Saan ka pupunta nanay? 2. Magsumbong ka sa pulis! 3. Nobyo ko yun!PAMPANITIKANIto ang mga salitang malalalim na kahulugan ng mga salita karaniwang ginagamit ng may mataas na pinag-aralan at ito rin ang gamit ng mga manunulat sa kanilang mga akdang pampanitikan.

HAL. 1. Sila ay nag-iibigan. 2. Siya na ang magiging ilaw ng aking nais na tahanan 3. Karapat-dapat silang parangalan!

MGA BARAYI AT REHISTO NG WIKAAng VARAYTI ng wika ay nagsasabi ng isang set ng mga linguistic item (morpema, morpolohiya, at ponema) na may magkaparehong distribusyon sa kaligiran.Ang katangian ng isang varayti ay umaayos lamang sa relasyon nito sa uri ng lipunan, kung sino ang gumagami at kailan ito ginagamit alinsunod sa proseso ng diskurso.

MGA URI NG BARAYTIIDYOLEK Isang tiyak na wikang ginagamit ng isang tao, pansariling wikang na nakabatay sa kanyang pagkatao.

DAYALEKMaituturing itong panrehiyon na wika. Pinapaunlad mula sa rehiyong kinabibilangan ng tao.EKOLEKWikang ginagamit mula sa loob ng tahanan ng isang pamilya.

ETNOLEKNabubuo ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga etnolinggwistikong pangkat ng tao.

SOSYOLEKNabubuo ito dala ng isang malayang talakayang panlipuna, mula sa tiyak na pangkat ng tao. Ito ay di nagtatagal dala ng panahon at pangangailangan.

REGISTERBaryasyon batay o ayon sa gamit. Tinatawag din itong paraan o istilo ng pananalita.

TATLONG DIMENSYON NG REGISTERAYON KAY MICHAEL A.K. HALLIDAY (1978)FIELD Ayon sa layunin ng diskursoMODE Paano maipapahatid ang mensaheTENOR Batay sa relasyon ng mga kalahok ng komunikasyon

Ito ay ang istilo ng paggamit ng wika ayon sa antas ng kausap o lagay sa lipunan.Ang register ng wika ay may kinalaman sa pormal o di-pormal na pananalita (matanda ba ang kausap mo o may mataas na posisyon sa lipunan pormal ang gamit ng wikang ginagamit.

Mula sa sermon sa simbahan, pormal ang register na wikang gamit.HALIMBAWA NG MGA REGISTER NA WIKAWIKA SA PRINT MEDIAWIKA SA BROADCAST MEDIAWIKA SA ELEKTRONIK MEDIAWIKA SA PANGISDAANWIKA SA PAGHABI NG DAMITWIKA SA SEX EDUCATIONWIKA SA MGA PAGKAING KALYEPIDGINSinasabing walang pormal na anyo ng istruktura. Nagkaroon ng pagpapalitan ng gamit sa wikang sinasalita at wi