30

Yunit 2 kasaysayan ng wikang filipino

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino
Page 2: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

A. Kasaysayan ng Pag-unlad ng Wikang Pambansa

1935 Sa Saligang Batas ng Pilipinas,

nagtadhana ng tungkol sa wikangpambansa: “…Ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sapagpapaunlad at pagpapatibay ng isangwikang pambansa na batay saisa sa mga umiiral na katutubongwika.” (Seksyon 3, Artikulo XIV)

Page 3: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1936 (Oktubre 27) - Itinagubilin ng

Pangulong Manuel L. Quezon sakanyang mensahe sa AsembleaNasyonal ang paglikha ng isang Surianng Wikang Pambansa (SWP) na gagawang isang pag-aaral ng mga wikangkatutubo sa Pilipinas, sa layuningmakapagpaunlad at makapagpatibay ngisang wikang panlahat na batay sa isangwikang umiiral.

Page 4: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1936 (Nobyembre 13) Pinagtibay ngBatasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg.184 na lumilikhang isang Surian ng WikangPambansa at itinakda ang mgakapangyarihan at tungkulinniyon.

Page 5: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

Ang mga naging tungkulin at gawain ngSurian ng Wikang Pambansa ay ang mgasumusunod:1.Pag-aaral ng mga pangunahing wika na

ginagamit ng may kalahating milyongPilipino man lamang;

2.Paggawa ng paghahambing at pag-aaralng talasalitaan ng mga pangunahingdayalekto;

Page 6: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

3. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino;

4. Pagpili ng katutubong wika na siyangmagiging batayan ng wikang pambansa nadapat umaayon sa (a) pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) ang wikangtinatanggap at ginagamit ngpinakamaraming Pilipino.

Page 7: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1935 (Enero 12) - Hinirang ni PangulongManuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuong Surian ng Wikang Pambansa alinsunod satadhana ng Seksyon 1, Batas KomonweltBlg.184, sa pagkakasusog ng Batas KomonweltBlg.333.

Jaime C. Veyra (Visayang Samar), Tagapangulo

Cecilio Lopez (Tagalog), Kalihim at Punong Tagapagpaganap

Page 8: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

Santiago A. Fonacier (Ilokano), Kagawad

Filemon Sotto (Visayang Cebu), Kagawad- di nakaganap ng tungkulin dahil sa kapansanan

Felix Salas-Rodriguez (Visayang Hiligaynon), Kagawad

Casimiro F. Perfecto (Bikol), Kagawad

Hadji Butu (Muslim), Kagawad – di nakaganapng tungkulin dahil sa maagang pagkamatay.

Page 9: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon angmga sumusunod na kagawad:

Lope K. Santos (Tagalog)

- pinalitan ni Iñigo Ed. Regalado

Jose I. Zulueta (Pangasinan)

Zoilo Hilario (Kapampangan)

Isidro Abad (Visayang Cebu)

Page 10: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1937 (Nobyembre 9) Bunga ng ginawang pag-aaral at

alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg.

184., ang Surian ng Wikang Pambansa ay

nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y

ipinahahayag na ang Tagalog ay siyang halos

lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas

Komonwelt Blg. 184, kayat itinagubilin niyon sa

Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang

saligan ng wikang pambansa.

Page 11: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1937 (Disyembre 30) - Bilang pag-alinsunod sa

tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg.

184, sa pamamagitan ng Kautusang

Tagapagpaganap Blg.134 ay ipinahayag

ng Pangulong Quezon ang Wikang

Pambansa ng Pilipinas na batay sa

Tagalog.

Page 12: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1940 (Abril 1) –Sa pamamagitan ng KautusangTagapagpaganap

Blg. 263 ay binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang

Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at

itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro

ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan

at pribado sa buong bansa. Inatasan din ang Kalihim ng

Pagtuturong Pambayan na maglagda, kalakip ang pagpapatibay

ng Pangulo ng Pilipinas, ng mga kinakailangang tuntunin at

patakaran sa pagpapaunlad ng kautusang ito.

Page 13: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1940 (Abri 12) – Pinalabas ng Kalihim Jorge

Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang

Kautusang Pangkagawaran: ito’y sinundan ng

isang sirkular (Blg. 26, serye1940) ng Patnugot

ng Edukasyon Celedonio Salvador. Ang

pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan

muna sa mataas at paaralang normal.

Page 14: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1940 (Hunyo 7) – Pinagtibay ang Batas ng

Komonwelt Blg. 570, na nagtatadhana,

bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika

ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng

Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940.

Page 15: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1954 (Marso 26) - Nilagdaan ng Pangulong

Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na

nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng

Wikang Pambansa simula sa Marso 29-

Abril 4 taun-taon sang-ayon sa tagubilin ng

SWP. Napapaloob sa panahong saklaw ng

pagdiriwang ang araw ni Balagtas (Abril 2).

Page 16: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1955 (Set. 23) – Nilagdaan ng Pangulong

Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na

nagsusog sa Proklama Blg. 12 serye 1954

na sa pamamagitan nito’y inilipat ang

panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng

Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-

13-19 ng Agosto.

Page 17: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1959 (Agosto 13) – Pinalalabas ng Kalihim

Jose E. Romero ng Kagawaran ng

Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran

Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma’y

tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang

salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.

Page 18: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1967 (Okt. 24) – Naglagda ang Pangulong

Ferdinand E. Marcos ng isang kautusang

Tagapagpaganap Blg. 96, na nagtatadhana

na ang lahat ng gusali, edipisyo, at

tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan

sa Pilipino.

Page 19: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1968 (Marso 27) – Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap

Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na

nagbibigay-diin sa pagpapairal ng Kautusang

Tagapagpaganap Blg. 96 bilang karagdagan ay iniaatas

din na ang mga letterhead ng mga kagawaran,tanggapan,

at mga sangay na pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa

Pilipino, kalakip ang kaukulang texto sa Ingles. Iniaatas din

na ang formularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga

pinuno at empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino

gagawin.

Page 20: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1971 (Hulyo 29) – Memorandum Sirkular Blg.

488 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng

pamahalaan na magdaos ngpalatuntunan sa

pagdiriwang ng Linggo ng Wikang

Pambansa, Agosto 13-19 (na ngayon ay

“Buwan ng Wika”, Agosto 1-31).

Page 21: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1978 (Hulyo 21) Nilagdaan ng Kalihim Juan L

Manuel ng Edukasyon at Kultura ang

Kautusan Blg. 22, 1978, bilang karagdagan

sa Kautusang Pangkagawarang Blg.25, na

nagtatadhana na ang Pilipino ay bahagi

na nang Kurikulum na pangkolehiyo.

Page 22: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

Simula sa unang semestre ng taong 1979-1980, ituturo anganim (6) na yunit ng Filipino sa Kolehiyo; maliban sa kursongpagtuturo na 12 yunit.

Filipino 1 (3 yunit) Sining ng Pakikipagtalastasan

(Communication Arts)

Filipino II (3 yunit) Panitikang Filipino; Pahapyaw na

Kasaysayan at mga Piling Katha (Surveys and

Readings of Literature in Pilipino)

Page 23: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1987(Pebrero 2) – Pinagtibay ang Bagong Konstitusyonng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-9, nasasaadang mga sumusunod:

Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang ito, ay dapatpayabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral nawika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Page 24: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayagsa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mgapangunahing wikang panrehiyon, Arabik at Kastila.

Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isangKomisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ngmga kinatawan ng iba’t – ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.

Page 25: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1990 (Marso 19) - Pinalabas ngKalihim Isidro Cariño ngDepartamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan angKautusang PangkagawaranBlg. 21 na nagtatagubilin nagamitin ang Filipino sa Pagbigkas ngPanunumpa ng Katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan natin.

Page 26: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1996 Pinalabas ng Commission on Higher Education ang CHED Memorandum Blg. 59 na nagtatadhana ng siyam (9) na unit na pangangailangan sa Filipino sapangkalahatang edukasyon at nagbabagosa deskripsyon at nilalaman ng mga kursosa :

Page 27: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

Filipino I (Sining ng Pakikipagtalastasan) -Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t-Ibang Disiplina)Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Filipino 3 (Retorika)

Page 28: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

1997 (Hulyo) Nilagdaan at ipinalabas ni Pang. Fidel

V. Ramos ang Proklama Blg. 104 na nagtatakda na

ang Buwan ng Agosto taun-taon ay magiging Buwan

ng Wikang Filipino at nagtatagubilin sa iba’t-ibang

sangay/tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan

na magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang

pagdiriwang.

Page 29: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

2001 Tungo sa mabilis na istandardisasyon

at intelektwalisasyon ng Wikang Filipino,

ipinalabas ng Komisyon sa Wikang Filipino

ang 2001 Revisyon ng Ortograpiyang

Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang

Filipino.

Page 30: Yunit 2  kasaysayan ng wikang filipino

2006 Sa okasyon ng pagdiriwang ng Buwan ngWikang Filipino, ipinagbigay alam ng Komisyonsa Wikang Filipino ang pagsususpinde sa 2001 Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino at samantalang nagsasagawa ng mga pananaliksik, pag-aaral, konsultasyon at hanggat walangnababalangkas na mga bagong tuntunin sapagbabaybay, magsisilbing tuntunin angPatnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ngtaong 1987.