of 13 /13
Cyril D. Religioso Grade 12- Fidelity Ang Paglalakbay na may Kasamang Tagumpay sa Baguio, City Maaring nagtataka kayo sa titulo ng akdang ito, hayaan niyong ikwento ko sa inyo ang aking karanasan sa lugar na ito. Ika-11 ng Pebrero 2017 ng maglakbay ako patungo sa Baguio City para sa 14 th National Science Quest. Alam naman natin na ang Baguio,City ay tinaguriang summer capital of the Philippines dahil sa klima na meron dito. Labis akong humanga sa mga tanawin ang nasaksihan ng aking mapuntahan ang lugar na ito. Halina’t ating tangkilikin ang ganda ng Baguio, City sa pamamagitan ng mga larawang ito tunghayan ang kwento sa bawat larawan na inyong makikita. Unang destination Camp John Hay, Ala- sais ng umaga ng makarating kami dito kitang kita ang ganda ng umaga sa ganitong klaseng tanawin.

Ang Paglalakbay na may Kasamang Tagumpay sa Baguio, CityAng Paglalakbay na may Kasamang Tagumpay sa Baguio, City Maaring nagtataka kayo sa titulo ng akdang ito, hayaan niyong ikwento

  • Author
    others

  • View
    10

  • Download
    0

Embed Size (px)

Text of Ang Paglalakbay na may Kasamang Tagumpay sa Baguio, CityAng Paglalakbay na may Kasamang Tagumpay sa...

  • Cyril D. Religioso

    Grade 12- Fidelity

    Ang Paglalakbay na may Kasamang Tagumpay

    sa Baguio, City

    Maaring nagtataka kayo sa titulo ng akdang ito, hayaan niyong ikwento ko sa inyo ang aking karanasan sa lugar na ito. Ika-11 ng Pebrero 2017 ng maglakbay ako patungo sa Baguio City para sa 14th National Science Quest. Alam naman natin na ang Baguio,City ay tinaguriang summer capital of the Philippines dahil sa klima na meron dito. Labis akong humanga sa mga tanawin ang nasaksihan ng aking mapuntahan ang lugar na ito. Halina’t ating tangkilikin ang ganda ng Baguio, City sa pamamagitan ng mga larawang ito tunghayan ang kwento sa bawat larawan na inyong makikita.

    Unang destination Camp John Hay, Ala- sais ng umaga ng makarating kami dito kitang kita ang ganda ng umaga sa ganitong klaseng tanawin.

  • Sa aking paglalakad sa overpass ng Baguio nabighani ako ng kalinisan at kaayusan ng pangtrapikong kalagayan ng mga sasakyan dahil una sa

    lhat hindi ako sanay na makakita ng mga sasakyang

    nagbibigayan ng daan sa isa’t isa para makadaan ang lahat

    at mapanatili ang kaayusan.

    Break time muna ng makita ko si kuya manong na nasigaw ng strawberry tahoooo!!!! Nagulat ako nung nakinig ko yun kasi

    sanay ako sa probinsya na taho lang na ang kalimitang

    rekados at pulot at sago. Iba nga talaga ang Baguio. Taho

    na may strawberry pa na

    sobrang tamis.

  • Ikalawang destinasyon Mines View Park isa nanamang makapagpigil hininga na tanawin. Dito mo mararanasan ang tunay na kagandahan ng kalikasan. Mararamdaman mo ang bawat hampas ng malamig na hangin sa iyong balat at ang amoy ng isang natural na hangin. O kay ganda talaga ng mga nilikha ng maykapal.

  • Sa tuwing tinitingnan ko ang mga larawang ito natatandaan ko lahat ng mga masasayang memorya na ginawa naming sa lugar na ito. Maaring sa iba simpleng larawan lang to munit sa akin napakamakabuluhan ng larawang mga ito dahil sila ang mga kaibigan ko na hindi nawala sa aking tabi sa mga

    panahong kailangan ko sila.

  • Ikatlong destinasyon, ang Botanical Garden kung saan sinasabi na maraming makasaysayang pangyayari meron ang lugar na ito. Dito makaka-kita ka ng ibat ibang klaseng bulaklak at matatagpuan rin dito ang isang kweba o mas kilala sa tawag na Japanese Tunnel in the heart of Baguio City. Sa tunnel na ito makikita mo kung paano nabuhay ang mga hapon sa ating bansa at kung paano sila guma wa ng

    hideout sa mga kalaban.

  • Ang mga litratong ito ay nagpapakita na kailangan nating pahalagahan ang mga nasa paligid natin dahil hindi lang ang ating sariling kagandahan ang lilitaw sa mga litrato lilitaw din ang mga magagandang likha ng ating Maykapal na kinakailangan nating pangalagaan at ingatan upang mas marami pang tao ang makakita ng kagandahan ng kalikasan.

  • \

  • Ito ang pinaka masayang pangyayari sa buhay ko. Tama nga sila na ang mga bagay na hindi inaasahan yun ang magbibigay sayo ng mas masayang

    tagumpay.

    Isa ito sa pinakamahalagang pangyayari sa aking buhay ang umuwi ng Quezon na nanalo mula sa nationals dati pangarap ko lang na marating ang national level sa mga competition pero ngayon naabot ko na at may bonus pa

    na first price. Isa lang ang masasabi ko, Salamat po Lord.

  • Isa sa mga pinakamasayang

    larawan na gusto kong balik-balikan. Ramdam

    na ramdam ko ang aking pagkabata sa

    pagsakay sa bisikleta ito. Nagpapaunahan

    kami sa pagpadyak na akala mo ay nasaisang

    competition.

  • Marami pang destinasyon ang maaring puntahan sa Baguio ngunit hindi lang ang ganda nito ang bibitbitin mo pauwi kundi ang mga magagandang alaala na nabuo mo habang nanirahan ka ng saglit dun. Ngayon ang Baguio ay isa na sa pinaka mahalagan lugar sa buhay ko dahil

    dito ko nakamit ang isa sa mga pangarap ko. Dito ko rin mas napahalagahan ang kalikasan sa aking paligid at higit sa lahat mas napalalim ang ugnayan ko sa aking mga kaibigang

    nakasama ko sa paglalakbay na ito.