28

Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

  • Upload
    nhiecu

  • View
    5.476

  • Download
    47

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola
Page 2: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Kabanata 9 Paglalakbay ni Rizal sa Europa Kasama si Viola

Page 3: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola
Page 4: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

• Dr. Maximo Viola

Potsdam, Berlin(pinasikat ni Frederick ang Dakila)Nagsimula ang Paglalakbay• Madaling araw ng Mayo 11, 1887

lumisan sila Rizal at Viola lulan ng tren.

• Malapit na ang tagsibol at nagsisimula ng ang pamumulaklak sa buong Europa.

• Kasama sa bagahe ni Rizal ang lahat ng liham mula sa kanyang pamilya at kaibigan.

Page 5: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Dresden • ang kanilang destinasyon• isa sa pinakamagandang lungsod sa Alemanya• Rehiyonal na eksposisyon ng mga bulaklak• Pag aaral ni Rizal ng iba’t ibang uri ng mga

halamang may kakaibang ganda at laki• Pagdalaw kay Dr. Adolph B. Meyer• Pagbisita sa Museo ng Sining

Prometheus Bound

Page 6: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

• Pagkakakita kay Dr.Jagor na nagpayo kila Rizal na telegramahan muna si Blumentritt bago ito dalawin• Teschen ang sunod na pupuntahan nila Rizal at Viola pag-alis ng Dresden

Page 7: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Unang Pagkikita nina Rizal at Blumentritt• Mayo 13, 1887 ala una y media ng hapon,

narating ng tren ang estasyon ng Leitmeritz, Bohemia

• Unang pagkakataong pagkikita ng dalawang iskolar (Rizal at Blumentritt) na nagkakilala sa pamamagitan ng sulat

• Blumentritt - isang mabuting Austriyanong propesor at itinuring si Rizal na tunay na anak sa una pa lamang pagkikita

Page 8: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

• Tinulungan ni Blumentritt sina Rizal at Viola na makakuha ng kuwarto sa Hotel Krebs na kinalauna’y dinala din nya sina Rizal sa kanyang bahay upang makilala ng mga ito ang kanyang asawa at pamilya• Tumigil sila Rizal at Viola sa Leitmeritz mula Mayo 13 hanggang Mayo 16, 1887

Page 9: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Magagandang Alaala ng Leitmeritz• Rosa na asawa ni Blumentritt at mga anak na sina Dolores, Conrad at Fritz• Pag-anyaya ni Blumentritt kila Rizal sa beer garden at pakikipagkilala sa burgomaster (alkalde ng bayan)• Pag-anyaya ng Samahang Turista ng Leitmeritz kila Rizal at pagbigkas ng talumpati ni Rizal sa wikang Aleman• Pagguhit at pagbigay ni Rizal ng larawan ni propesor Blumentritt bilang regalo

Page 10: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

• Pagkakakilala ni Rizal sa bantog na siyentipikong Polano na si Dr. Carlos Czepelak at bantog na naturalistang si Propesor Robert Klutschak• Paghandog ng hapunan ni Rizal at Viola kay Blumentritt bilang pagkilala, pasasalamat at pamamaalam na din sa kanilang otel• Mayo 16, 9:45 ng umaga ng lisanin ni Rizal at Viola ang Leitmeritz lulan ng tren

Page 11: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

• Mayo 24, 1887, sa sulat ni Rizal kay Blumentritt ay nagpahayag ito ng pag-alala nila ni Viola sa karamdaman ni Dora na anak na babae ng propesor :

“Nalulungkot kami ni Viola dahil ang aming munting kaibigang si Dora ay may

sakit. Naaalala pa namin ang kanyang maliliit na asul na mata; parang naririnig pa namin ang masaya niyang halakhak,

at nakikita namin ang maliliit niyang ngipin. Kawawang Dorita! Nakita ko pa

siyang humabol sa tren ng kami’y papaalis! Taos-puso kong idinadalangin

ang kanyang paggaling.”

Page 12: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

• Mayo 19, 1887, sumulat si Rizal kay Blumentritt mula Brunn, Austria :

“Kayong mga kaibigan sa Leitmeritz ay laging nasa isip ko at sasabihin ko sa sarili: hindi ka nag-iisa, Rizal; sa isang sulok ng Bohemia ay may mabubuti,

mararangal, at palakaibigang kaluluwang kaibigan mo, na kapag nakita ka nila’y natutuwa sila, at kasama mo ring sila

luluha sa iyong mga pagdurusa … ihalik mo ako sa mga bata, batiin mo ang iyong asawa para sa akin, at sa iyong butihing ama at mga kaibigan sa Leitmeritz na

tulad mo’y para ring isang Pilipino sa mga sentemiyento. Naniniwala akong

mananatili sa aking puso ang Austria.”

Page 13: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Prague

• Sunud na binisita nina Rizal at Viola pagkaraan sa Leitmeritz; dala ang rekomendasyon mula kay Blumentritt para kay Dr. Willkomm na nagpasyal sakanila sa mga makasaysayang lugar sa siyudad• Pagbisita nina Rizal at Viola sa libingan ni Copernicus, museo ng likas na kasaysayan, mga laboratoryong bakteriolohikal, bantog na kuwebang pinagkulungan kay San Juan Nepomuceno at tulay kung saan tinapon ang santo

Page 14: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Vienna • Mayo 20 narating nina Rizal at Viola ang lungsod na

kabisera ng Austria-Hungary na nagpabighani kay Rizal dahil sa naggagandahang gusali rito, imaheng panrelihiyon at kakaibang halina na siyang tunay na “Reyna ng Danube.”

• Pakikipagkita nila Rizal kay Norfenfals dala ang liham rekomendasyon mula kay Blumentritt

• Paghanga ni Norfenfals kay Rizal at pagkalipas ng ilang taon ay nakapagsabi ditong “isang henyong hinahangaan nya”

Page 15: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

• Pagtuloy sa Otel Metropole at pagbisita nila Rizal sa mga interesanteng lugar ng siyudad gaya ng mga simbahan, museo, galerya ng sining, teatro at liwasang pampubliko• Pagkakakilala sa dalawang mabuting kaibigan ni Blumentritt na sina Masner at Nordmann (Austriyanong iskolar)

Page 16: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Paglalakbay sa Danube Papuntang Lintz

• Mayo 24 ng nilisan nina Rizal at Viola ang Vienna lulan ng bangka• Papel na napkin na napuna ni Rizal sa mga pasaherong nakain

Page 17: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Mula Lintz Patungong Rheinfall• Nagbiyahe sila Rizal patungong Salzburg patungong Munich at

sandaling tumigil upang tikman ang pinagmamalaki duong pinakamasarap na na alak sa buong Alemanya, ang Munich beer

• Mula Munich ay nagtungo silang Nuremberg na isa sa pinakamatandang lungsod sa Alemanya

• Pagkatapos sa Munich ay nagtungo sila sa Ulm na isang katedral ng lungsod na itinuturing “pinakamalaki at pinakamataas sa buong Alemanya”

• Mula Ulm ay nagtungo sila sa Stuttgart, Baden at pagkaraan ay sa Rheinfall (Talon ng Rhine) “pinakamagandang talon sa Europa”

Page 18: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Pagtawid sa Hangganan Patungong Switzerland• Galing Rheinfall ay tinawid nina Rizal at Viola ang hangganan patungong Schaffhausen, Switzerland mula Hunyo 2 hanggang 3, 1887 at patuloy na naglakbay at nagtungo sa Basel (Bale), Bern at Lausanne

Page 19: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Geneva • Sakay ng bangka ay tinawid nina Rizal at Viola ang maulap na Lawa ng Leman sa GenevaSwisang lungsod na isa sa pinakamagandang lungsod sa Europa• Ang mga taga Geneva ay lingguwista, nagsasalita ng Pranses, Aleman at Itayano• Pagdiwang dito ng ika-26 taong kaarawan ni Rizal noong Hunyo 19, 1887• Nagtigil ng labinlimang masasayang araw sa Geneva sina Rizal at Viola• Hunyo 23 ay naghiwalay na sila, nagbalik na sa Barcelona si Viola habang si Rizal naman ay pinagpatuloy lamang ang kanyang paglalakbay sa Italya

Page 20: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Ikinagalit ni Rizal ang Eksibisyon ng mga Igorot sa

Eksposisyon sa Madrid noong 1887

• Nagkaroon ng Eksposisyon ng Pilipinas sa Madrid, Espanya• Kalunus-lunos na kalagayan ng mga Igorot na ginawang bahagi ng eksibisyon• Liham ni Rizal noong Hunyo 6, 1887 sa kaibigang si Blumentritt dahil sa pagkakagalit nito sa natuklasan

Page 21: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

“Ang aking mga kawawang kababayan (ang mga Igorot - Z) ay naka-eksibit

ngayon sa Madrid at nilalait-lait ng mga pahayagang Espanyol, maliban sa El

Liberal na nagsasabing hindi makatao, at pagyurak sa dignidad ng tao ang itanghal

ng parang mga hayop at halaman. Ginawa ko ang lahat ng maaaring gawin upang mapigil ang ganitong paghamak

sa kalagayan ng aking mga kalahi, ngunit hindi ako nagtagumpay. Ngayo’y isang babae ang namatay sa pulmonya. Ang

mga Igorot ay ibinahay sa isang barraca(bahay na yari sa kawayan, damo

at mga sanga ng puno - Z) At napagtatawanan pa ito ng El Resumen!”

Page 22: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Si Rizal sa Italya• Mula Geneva ay nagtungo si Rizal sa Italya at duo’y

binisita nya ang Turin, Milan, Venice at Florence• Hunyo 27, 1887 ay narating nya ang Roma (“Walang-

hanggang Lungsod” at tinatawag ding “lungsod ng mga Cesar”)

• Inilarawan nya kay Blumentritt ang “karangyaan na siyang Roma” na isinulat nya noong Hunyo 27, 1887

• Pagbisita nya sa Pista ni San Pedro at San Pablo noong Hunyo 29 sa kauna-unahang pagkakataon sa Vatican o “Lungsod ng mga Papa” at kabisera ng Kakristiyanuhan

Page 23: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

• “pagod na pagod ako na tulad ng isang aso,” sulat ni Rizal kay Blumentritt, “ngunit matutulog ako na parang isang diyos.”

• Handa nang umuwi si Rizal sa Pilipinas pagkaraan ng isang linggong bakasyon sa Roma at sumulat sa kanyang ama na siya’y paparating na.

Page 24: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Mga tanong:1.Sino ang kasama ni Rizal sa paglalakbay hanggang Geneva, Switzerland?

Dr. Maximo Viola2. Sinong Dakila ang nagpasikat sa Postdam, Berlin na unang narating nila Rizal?

Frederick ang Dakila3. Madaling araw ng anung petsa lumisan sina Rizal at Viola sa Pilipinas?

Mayo 11, 18874. Siya ang unang dinalaw nila Rizal sa Dresden na pinaka magandang lugar Alemanya.

Dr. Adolph B. Meyer

Page 25: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

5. Nang bumisita sila Rizal sa Museo ng Sining sa Dresden, anong tawag sa larawan na kung saan ay humanga ng husto si Rizal?

Prometheus Bound6. Sinong doktor ang nagpayo kila Rizal na

telegramahan muna si Blumentritt bago nila ito puntahan sa Leitmeritz?

Dr. Jagor7. Siya ay isang mabuting Austriyanong propesor at

itinuring si Rizal na tunay na anak sa una pa lamang pagkikita.

Propesor Blumentritt

Page 26: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

8. Hanggang anong petsa tumigil sila Rizal at Viola sa Leitmeritz?

Mayo, 16 18879. Tatlong anak ni Blumentritt.

Dora, Conrad at Fritz10. Ano ang tawag sa alkalde ng bayan na ipinakilala

ni Blumentritt kina Rizal?Burgomaster

11. Sinong anak ni Blumentritt ang dinamayan nina Rizal dahil sa sakit sa pamamagitan ng sulat?

Dora

Page 27: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

12. Kaninong libingan ang binisita nina Rizal at Viola sa museo ng likas na kasaysayan sa Prague?

Copernicus13. Sino ang humanga at nagsabi kay Rizal na “isang

henyong kahanga-hanga”?Norfenfalz

14. Ano ang ngalan ng isang katedral ng lungsod na itinuturing “pinakamalaki at pinakamataas sa buong Alemanya”?

Ulm15. Ito ang “Walang-hanggang Lungsod” at tinatawag ding

“lungsod ng mga Cesar”.Roma

Page 28: Kabanata9, paglalakbay ni rizal kasama si viola

Prepared by:ERiKA R. ViLLALON