33
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules Talaan ng Nilalaman Introduksyon 3 Basahin Natin 4 Sagutin Natin 6 Aralin 1: Pagsusuri ng Mitolohiyang Kanluranin…………………… 7 Layunin Natin 7 Pag-aralan Natin 7 Sagutin Natin 10 Subukan Natin 10 Isaisip Natin 11 Pag-isipan Natin 11 Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Collocation…………………………… 12 Layunin Natin 12 Pag-aralan Natin 12 Sagutin Natin 15 Subukan Natin 15 Isaisip Natin 16 Pag-isipan Natin 16 Aralin 3: Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon…………………... 17 Layunin Natin 17 Pag-aralan Natin 17 Sagutin Natin 20 Subukan Natin 20

FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

  • Upload
    others

  • View
    49

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

FILIPINO Baitang 10 Yunit 7

Ang Paglalakbay ni Hercules

Talaan ng Nilalaman Introduksyon 3 Basahin Natin 4 Sagutin Natin 6 Aralin 1: Pagsusuri ng Mitolohiyang Kanluranin…………………… 7 Layunin Natin 7

Pag-aralan Natin 7 Sagutin Natin 10

Subukan Natin 10 Isaisip Natin 11 Pag-isipan Natin 11

Aralin 2: Kahulugan ng Salita: Collocation…………………………… 12 Layunin Natin 12

Pag-aralan Natin 12 Sagutin Natin 15

Subukan Natin 15 Isaisip Natin 16 Pag-isipan Natin 16 Aralin 3: Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon…………………... 17 Layunin Natin 17

Pag-aralan Natin 17 Sagutin Natin 20

Subukan Natin 20

Page 2: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Isaisip Natin 20 Pag-isipan Natin 20 Aralin 4: Paghahambing ng Mitolohiyang Kanluranin at Mitolohiyang Pilipino……………………………………….….. 21 Layunin Natin 21

Pag-aralan Natin 21 Sagutin Natin 25

Subukan Natin 25 Isaisip Natin 26 Pag-isipan Natin 26 Gawin Natin 27 Rubrik sa Pagtataya 27 Paglalagom 28 Dapat Tandaan 29 Pagyamanin Natin 30 Susi sa Pagwawasto 30 Sanggunian 31

Page 3: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 10 | YUNIT 7

Ang Mitolohiya

Ang mitolohiya, alamat, kuwentong-kababalaghan, at mga kuwentong-bayan ay higit pa sa mga kuwentong nagbibigay lamang ng aliw sa mga taong nakapakikinig o nakapagbabasa ng mga ito. Ang mga kuwentong ito ay sumasalamin sa mga unang hakbang ng sinaunang tao na bigyang-buhay ang mundo, lalo na noong mga panahong hindi pa kilala ang anumang uri ng teknolohiya. Sa pamamagitan ng malawak na imahinasyon ng tao, tinangkang bigyang-kasagutan ang mga naglalarong tanong sa kanilang mga isip ukol sa kung ano at saan ba nagmula ang iba’t ibang bagay sa kanilang paligid. Sa yunit na ito, itutuon natin ang pag-aaral sa mitolohiyang kanluranin at ang pag-uugnay at paghahambing nito sa mitolohiya ng lahing Pilipino. May iba’t ibang bersiyon ang mga mitolohiya sa buong daigdig, ngunit nananatiling nakaugnay pa rin ito sa iisang paniniwala. Ang mitolohiya na tuwirang nakaugnay sa relihiyon at pananampalataya ay nagkakaroon lamang ng pagkakaiba-iba batay sa kung saang lugar ba ito pinatutungkol. Direkta rin itong nakaugnay sa kultura ng isang partikular na lipunan, kaya naman malimit na lumilikha ng mga mitolohikal na karakter ang mga tao depende sa kung paano ba nila ginagawa ang kanilang pagsamba at pananampalataya. Isang magandang halimbawa rito ang pagkakaroon ng dalawang bersiyon ng klasikal na mitolohiya—ang mitolohiyang Griyego at mitolohiyang Romano.

Pindutin ang Home icon para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Page 4: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Basahin Natin

Ang Paglalakbay ni Hercules

agsimula ang kuwento ni Hercules sa kuwento ng kaniyang ama na si Zeus, ang diyos ng kalawakan. Si Zeus na diyos din ng mga diyos ay mayroong asawang si Hera, na kaniya ring

kapatid. Dahil imortal, inakala ni Zeus na maaari niyang makuha ang lahat ng babaeng kaniyang nanaisin. Sa tuwing nababalitaan ni Hera ang pakikipagsiping ni Zeus sa iba’t ibang babae, hindi masukat ang galit nito. Isa sa mga babaeng nagustuhan ni Zeus ay nagngangalang Alcmene, isang mortal. Nagbunga ng kambal ang pakikipagsiping ni Zeus sa tao. Ngunit ang kambal na ito’y hindi magkatulad ng anyo. Ang isa’y iniluwal na kasinlaki nang anim na buwang bata at may kulay pulang buhok, pinangalanan siyang Hercules. Pinaniwalaan ng lahat na si Hercules ay tunay na anak ng isang diyos. Nang lumaon, nabalitaan ni Hera ang tungkol kay Hercules. At sa paniniwalang anak ito ng kaniyang asawang si Zeus, nagpuyos sa galit si Hera. Sa tulong ng kaniyang kapatid na si Poseidon, binalak niya itong patayin sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga ahas-dagat sa kuwarto ng mga bagong silang na sanggol. Ngunit hindi nila alam na mayroong taglay na kakaibang lakas si Hercules kaya napatay niya ang mga ahas-dagat na ito upang maipagtanggol ang sarili at ang kaniyang kapatid. Nabalian ng ilang tadyang ang kaniyang kapatid dulot ng insidenteng ito ngunit si Hercules ay wala ni isang galos sa katawan. Nanibugho si Hera nang malamang hindi siya nagtagumpay. Muli siyang nagplano ng patibong para sa kamatayan ni Hercules ngunit pinalipas niya muna ang mahabang panahon upang hindi magduda ang kaniyang asawang si Zeus. Nang malaon na’t may sarili nang pamilya si Hercules, pinuntahan siya ni Hera upang lansiin ang kaniyang isip sa pamamagitan ng hipnotismo. At dahil wala sa katinuan bunga ng salamangka ni Hera, napatay ni Hercules ang kaniyang asawa’t mga anak. Nang bumalik ang kaniyang huwisyo’t nakita ang walang buhay na pamilya, tinangka niyang paslangin ang sarili dala ng pagsisisi

N

Page 5: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

sa kaniyang nagawa ngunit napigilan siya ng kaibigang si Theseus. Dinala siya nito sa Athens upang litisin ngunit nahatulang walang sala dahil hindi naman niya nalalaman ang detalye ng pagkamatay ng kaniyang pamilya. Sa halip, pinadala siya ng babaylang si Delphi sa tagapag-utos na si Eurytheus, ang hari ng Mycanae. Nang mabalitaan ni Eurytheus ang paglapit sa kaniya ni Hercules, ihinanda na niya ang mga utos para dito. Sa loob ng mahabang panahon, hindi pa rin magawang patawarin ni Hera ang anak ni Zeus na hindi naman nanggaling sa kaniya, kaya kinasabwat ni Hera si Eurytheus na pahirapan si Hercules hanggang sa ito’y mamamatay. Binigyan ni Eurytheus ng labindalawang utos si Hercules at dito nagsimula ang kaniyang paglalakbay sa mapanganib na daigdig. Natapos ni Hercules ang labindalawang utos na ito sa loob ng labindalawang taon. Buo ang loob na tinanggap niya ang mga utos na ito kahit na ang katumbas nito’y panganib para sa kaniyang buhay. Bukod sa mga utos na ito’y nagkaroon din ng iba pang paglalakbay at hamon si Hercules nang makipagkasundo siya kay Haring Augeas. Napagtagumpayan ni Hercules ang hamong ibinigay ng hari ngunit hindi nito tinupad ang kaniyang pangako kay Hercules. Sa galit ni Hercules, muli siyang nagbalik sa kaharian upang tanggalin dito ang kapangyarihan at ipalit sa posisyon ng pagiging hari ang anak nitong lalaki. Kasama si Hercules, ipinagdiwang ng buong kaharian ng Elis ang pagkakaroon ng panibagong hari. Sa kaniyang paglalakbay, nakahanap si Hercules ng kaniyang magiging bagong asawa, si Deianeira na prinsesa ng Calydon. Lingid sa kaalaman ni Hercules, mayroong masugid na

manliligaw ang prinsesa, ang diyos ng mga ilog na si Achelous. Dahil sa pagiging sawi sa pag-ibig, nagkatawang-toro si Achelous upang kalabanin si Hercules sa palakasan ngunit hindi ito nagtagumpay. Sa huli, kasama ni Hercules si Deianeira na umalis sa kaharian ng prinsesa. Habang naglalakbay ang dalawa, naging bihag ni Nessus, isang kalahating-tao’t kalahating-kabayong nilalang, si Deianeira. At dahil nakita ni Hercules ang panganib para sa asawa, agad niya itong iniligtas sa pamamagitan ng pagpana niya kay Nessus. Bago pa man mamatay si Nessus ay binigyan niya si Deianeira ng gayuma mula sa kaniyang dugo. Ayon sa

Page 6: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

kaniya, makatutulong ito upang hindi na tumingin sa iba pang babae si Hercules, kinuha at itinago naman ito ni Deianeira. Ayon sa ibang kuwento, muling nabighani sa ibang babae si Hercules, sa katauhan ni Viola na isang nakabibighaning dilag. Ninais ni Hercules na pakasalan ang dalaga ngunit hindi pinahintulutan ng ama nito. Upang makatakas, napilitan si Hercules na patayin ang ama ni Viola at sabay silang lumayo sa lugar ng dalaga. Nakarating ang balitang ito kay Deianeira at sa takot niyang tuluyang mawala sa kaniya si Hercules ay ginamit niya ang gayumang ibinilin sa kaniya ni Nessus. Ngunit hindi alam ni Deianeira na ang gayumang ito ay susunog sa katawan ni Hercules. Habang naghuhumiyaw sa sakit si Hercules ay kinitil ni Deianeira ang sarili dahil sa labis na pagsisisi. Nang mamamatay si Hercules, sinunog ng kaniyang kaibigang si Philoctetes ang kaniyang labi sa kabundukan ng Oeta. Pinaniniwalaang ang bahagi ng kaluluwa niyang mortal ay napunta kay Hades, at ang kabilang bahaging imortal ay umakyat sa Olympus, ang lugar para sa mga diyos.

~Wakas~

Sagutin Natin

1. Ano-ano ang mabuti at di-mabuting katangian ni Hercules?

2. Bakit nagalit ang diyosang si Hera sa mortal na si Hercules?

3. Ano ang aral na nais ikintal sa mambabasa ng kuwento?

Page 7: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

Aralin 1 Pagsusuri ng Mitolohiyang Kanluranin

Pag-aralan Natin Mahalaga sa pagpapahalagang panitikan ang matamang pagsusuri ng mga sinaunang akda. Layunin nitong tuklasin ang kasaysayan ng pinagmulan nito at ang mga katangiang nagbibigay-rikit dito. Sa araling ito, susuriin natin ang isang kuwento mula sa mitolohiyang kanluranin–Ang Paglalakbay ni Hercules.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakapagsusuri ng isang

mitolohiyang kanluranin.

Ang mitolohiya o mito ay isang uri ng naratibong tuluyan (prose) na may layuning magpaliwanag kung ano ang pinagmulan ng daigdig at ng tao. Ang salitang mito ay mula sa salitang Latin na mythos, na hinango naman sa salitang Griyego na muthos ay kapuwa nangangahulugang kuwento o pagkukuwento. Ayon sa Amerikanong kuwentistang si William Bascom:

“Myths…are considered to be truthful accounts of what happened in the remote past…Their main characters are not usually human beings, but they have human attributes; they are animals, deities, or culture heroes whose actions are set in an earlier world…”

Page 8: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

Gaya ng nabanggit, ang mga mito ay batay sa katotohanan ngunit nagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon dahil na rin sa iba’t ibang danas ng mga taong may sinasambang iba-ibang diyos-diyosan.

Sa kuwento ng paglalakbay ni Hercules, nakilala ang iba’t ibang mitolohikal na karakter maging ito man ay mortal o imortal. Naririto ang halimbawang pagsusuri sa ilang karakter/tauhan sa kuwento.

Karakter/Tauhan Katangian

Zeus

Siya ang hari ng mga diyos. Lubos siyang makapangyarihan kaya’t lahat ng naisin niya ay dapat na masundo. Siya rin ang tagapagparusa sa mga nagkakasala.

Hera

Kapatid at asawa ni Zeus. Mapanigbuhong sa maraming bagay. Kasiyahan niya ang makapaghiganti gamit ang kaniyang kapangyarihan.

Alcmene Isang magandang mortal na inakit ng isang diyos. Ina ni Hercules.

Hercules Pangunahing tauhan sa kuwento na naging matagumpay sa pagsasagawa ng labindalawang utos.

Eurytheus Ang dakilang tagapag-utos sa kaharian ng Mycanae.

Deianeira Napangasawa ni Hercules ngunit siya ring nagtaksil at pumatay rito.

Nessus Tusong nilalang na nagbigay ng lason kay Deianeira upang makapaghiganti kay Hercules.

Maaari kang magdagdag ng iba pang personal na pagsusuri sa katangian ng mga karakter na ipinakilala sa kuwento. Tandaan lamang na mahalagang nasusuri ang bawat karakter sa kung ano ang kanilang ginampanang tungkulin sa kuwento. Maaaring magsimula sa pagsusuri ng pisikal nakaanyuan, ugali, at kilos batay sa ginampanan nitong karakter.

Pagsusuri ng Tauhan sa Mitolohiya

Page 9: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

Bukod sa karakterisasyon ng mga tauhan, mayroon ding malalim na pinagmulan ang mga mitong ito. Ang mitolohiyang Romano na tuwirang hinalaw sa mitolohiyang Griyego ay nagkakaroon ng kaibahan batay sa politikal na pagtingin nito. Naririto ang ilang salik na ipinagkaiba ng dalawang klasikal na mito at ang kanila ring pagkakatulad.

Mitolohiyang Griyego Pagkakatulad Mitolohiyang Romano

• Nakatuon sa perpektong pisikal na kaanyuan.

• Kinikilala ang ugnayan ng mga diyos sa tao at pinahahalagahan ito.

• Halaw sa epikong Iliad na isinulat ni Homer na patungkol sa kasaysayan at pakikipaglaban ng mga Griyego.

• Hindi kilala kung saan nagsimula ang mga karakter ng diyos at diyosang binuo sa kuwento.

• Labis na nagpapahalaga sa kasiningan kaysa sa paggawa.

• Kapuwa tumutukoy sa kuwento ng mga karakter ng diyos at diyosa.

• Kapuwa mayroong pinaghalawang literatura.

• Kapuwa nakaugnay sa mga gawain at pamumuhay ng tao.

• Kapuwa tumatalakay sa kasaysayan ng kaniya-kaniyang lugar.

• Walang tiyak na paglalarawan ng pisikal na kaanyuan.

• May malaking usapin ng kapangyarihan kaya’t kinikilala lamang nila ang kapuwa diyos na may kapangyarihan.

• Halaw sa librong Aeneid na isinulat ni Virgil upang ilahad ang kasaysayan ng sinaunang Roma.

• Hinalaw sa mitolohiyang Griyego ang karakter ng mga diyos at diyosa ngunit iniba lamang ang ibang ngalan.

• Labis ang pagpapahalaga sa mga natapos na gawain kaysa sa sining ng paggawa nito.

Bukod sa dalawang itinampok na klasikal na mitolohiyang ito, marami pang ibang mitolohiya ang pinaniniwalaan sa iba’t ibang panig ng daigdig. Naririyan ang Egyptian Mythology, African Mythology, at ang samu’t saring Asian Mythology. Ang bawat relihiyon na may iba’t ibang pananampalataya ay lumilikha rin ng kaniya-kaniyang diyos at diyosang sinasamba, gaya nating mga Pilipino. Sapagkat, ang mga kuwentong ito ang nakaugat pa rin sa danas at kultura ng bawat pangkat ng taong tumatangkilik at naniniwala rito.

Paghahambing sa Mitolohiyang Griyego at Romano

Page 10: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Subukan Natin

Magsaliksik ng iba pang mitolohikal na karakter mula sa kanluran. Gamiting gabay ang tsart sa ibaba, itala ang pangalan ng karakter/tauhan at ang katangian nito. Magtala ng hindi bababa sa 10.

Mitolohikal na Karakter/Tauhan Katangian at Kapangyarihan

Sagutin Natin

1. Ano-ano ang mahalagang salik na dapat tingnan sa pagsusuri ng karakter na

nililikha ng isang mitolohiya? 2. Mayroon bang aral na makukuha sa kuwento ng paglalakbay ni Hercules?

Ano-ano ito? 3. Bakit nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang mga mitolohiya at iba pang

kuwento sa buong daigdig?

Page 11: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

Isaisip Natin

Gaano kahalaga na mabigyan ng pagsusuri ang mga mitolohiya partikular ang mga tauhan nito?

Pag-isipan Natin

Tukuyin kung tama o mali ang pangungusap batay sa pagsusuri sa salitang may salungguhit. Kung mali ang pahayag, isulat ang angkop na salita upang maitama ang kabuuang kaisipan.

1. Ang mitolohiya ay isang uri ng naratibong tuluyan.

2. Mayroong dalawang uri ng lokal na mitolohiya.

3. Si Zeus ang kinikilalang pinakamataas na diyos ng Griyego.

4. Ang pinaniniwalaang anak ni Zeus sa isang diyosa ay si

Hercules.

5. Si Hera at Zeus ay magkapatid.

6. Halaw sa epikong Iliad ni Homer ang mitolohiyang Griyego.

7. Nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng mundo at tao ang epiko.

8. Ang mitolohiyang Griyego ay tuwirang hinalaw sa

mitolohiyang Romano.

9. Nagtataglay ng iba’t ibang kapangyarihan ang mga mortal sa mitolohiya.

10. May iba’t ibang bersiyon ang mitolohiya sa buong daigdig.

Page 12: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Aralin 2

Kahulugan ng Salita: Collocation

Pag-aralan Natin

May mga pagkakataon na maging ang mahuhusayna tagapagsalita ay nagkakaroon ng suliranin sa pakikipagtalastasan. Marahil dulot ito ng pagkakaiba sa antas ng pagbuo ng mensahe ng tagapaghatid (sender) at ng tagatanggap (receiver). Sa ganitong punto, mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng tagatanggap sa mabisang pag-unawa sa mensahe, maging ito man ay literal o matalinghaga. Ang paggamit ng mga talinghaga o di-lantad na kahulugan ng isang salita o parirala ay katumbas ng pagbuo ng isang puzzle, pangangailangandito ang mas malalim na pag-iisip at pag-uugnay-ugnay sa mga salik at pahiwatig na nilalaman ng pahayag. Sa araling ito, pag-aaralan natin ang isang paraan ng pagbibigay-kahulugan sa malalalim na salita o pahayag.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy ang kahulugan

ng isang salita gamit ang kolokasyon.

Page 13: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Suriin ang halimbawang pangungusap:

Tingnan kung paano ginamit ang pariralang hindi masukat ang galit. Nagbigay ito ng dagdag na bigat sa salitang “galit”, na kapag sinabi nating galit alam natin na ang kahulugan nito’y kabaligtaran ng natutuwa. Ngunit nang ginamit sa pariralang hindi masukat ang galit, nagkaroon naman ng pagpapalalim o pagdaragdag sa depinisyon sa salitang galit. Ang tawag sa pamamaraang ito ay kolokasyon.

Sa tuwing nababalitaan ni Hera ang pakikipagsiping ni Zeus sa iba’t ibang babae, hindi masukat ang galit nito.

Ang kolokasyon ay isa sa pamamaraan ng pagbibigay-kahulugan kung saan higit na binibigyan ng detalye ang isang salita sa pamamagitan ng pagsasama nito sa iba pang mga salita. Ang isang karaniwang salita ay dinadagdagan ng mga salitang naglalarawan upang makapagdagdag ng damdamin o makapagpasidhi sa kahulugan nito.

Page 14: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Naririto ang iba pang halimbawa ng mga parirala na maaaring bigyang-kahulugan sa pamamagitan ng kolokasyon, halaw mula sa kuwento ng paglalakbay ni Hercules.

Subukin nating gamitin ang ilang parirala sa pangungusap.

Ang pangngalang sanggol ay dinagdagan ng paglalarawang bagong silang upang ibigay ang detalye na kalalabas pa lamang nito sa sinapupunan ng kaniyang ina.

➢ bagong silang na sanggol ➢ wala ni isang galos sa katawan ➢ patibong para sa kamatayan ➢ lansiin ang kaniyang isip ➢ wala sa katinuan ➢ buo ang loob ➢ paglalakbay at hamon ➢ lingid sa kaalaman ➢ labis na pagsisisi

Kolokasyon ng mga Salita

Pangngalan o Pandiwa

Pang-uri o Pang-abay

Namalas ng mga mamamayan ang kakaibang lakas ang bagong silang na sanggol kaya naniwala silang anak ito ng isang diyos.

Page 15: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Ang pangngalang pagsisisi ay dinugtungan ng pang-uring labis upang mapalutang ang kasidhian ng damdamin. Subuking suriin ang iba pang halimbawa batay sa sariling persepsiyon. Bukod sa kolokasyon, mayroon pang ibang pamamaraan sa pagbibigay ng kahulugan. Maaari mo itong saliksikin upang makatulong sa pagpapalawak ng iyong bokabularyo. Tandaan, ang pagbibigay ng kahulugan sa isang salita ay hindi sumasalamin sa kabuuang kahulugan ng pangungusap. Mahalagang matukoy ang paksa ng pangungusap sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita at ideya sa loob nito.

Subukan Natin

Gamitin ang mga karakter na itinala sa tsart sa Aralin 1. Ilarawan ang katangian ng bawat isa sa pamamagitan ng kolokasyon ng mga salita.

Sagutin Natin

1. Ano ang kolokasyon? 2. Sa papaanong paraan nabibigyan ng kahulugan ang isang salita gamit ang

kolokasyon? 3. Bakit mahalagang malaman at gamitin ang ganitong paraan ng pagbibigay-

kahulugan?

Labis ang pagsisisi ni Deianeira sa ginawa niyang pagtataksil sa kaniyang pinakamamahal na asawa.

Page 16: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Isaisip Natin

Paano nakatutulong ang kolokasyon at iba pang pamamaraan ng pagbibigay-kahulugan sa masining na pag-unawa sa isang pahayag?

Pag-isipan Natin

Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga parirala. Tiyaking angkop at mabisa

ang diwa ng pangungusap na mabubuo.

1. Kababaang loob

_________________________________________________________________

2. Mataas na pagpupugay

_________________________________________________________________

3. Kumapit sa patalim

_________________________________________________________________

4. Kalayaan sa pagpili

_________________________________________________________________

5. Nasa bingit ng kamatayan

_________________________________________________________________

6. Gulong ng palad

_________________________________________________________________

7. Anak ng bayan

_________________________________________________________________

Page 17: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

8. Bulong ng tadhana

_________________________________________________________________

9. Pinagulong na hustisya

_________________________________________________________________

10. Tinakasan ng malay

_________________________________________________________________

Aralin 3

Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon

Pag-aralan Natin Mahalaga sa pag-aaral ng Gramatikang Filipino ang pagkilala sa mga bahagi ng panalita (parts of speech). Ang bawat isang bahagi ng panalitang ito ay may kaniya-kaniyang tungkuling sa pagbuo ng isang makabuluhang pangungusap para sa isang mabisang pakikipagtalastasan. Maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa diwa ng pangungusap kung hindi angkop ang salita na iyong napiling gamitin.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nagagamit nang wasto

ang pokus ng pandiwa sa pagsulat ng paghahambing.

Page 18: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

Sa araling ito, pagtutuonan ang isang bahagi ng panalit –ang pandiwa. Kung paano ito angkop na ginagamit sa isang pangungusap. At kung paano ito nagiging mahalaga sa pagtukoy sa paksang pangungusap.

Ayon sa Makabagong Balarila ni Santiago (2013), ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita. Nagkakaroon ng iba’t ibang impleksiyon ang pandiwa batay sa relasyon nito sa simuno o paksa ng pangungusap, dito pumapasok ang pagbibigay-pokus ng pandiwa sa pangungusap. Ayon sa mga lingguwista, mayroong pitong (7) pokus ang pandiwa. Ilan dito ay ang pokus sa tagaganap at pokus sa layon.

Ang pandiwa ay nasa pokus na tagaganap kapag ang paksa ng pangungusap ang tagaganap (doer) ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang mga pangunahing panlaping nasa pokus tagaganap ay mag- at um-/-um-. Halimbawa:

Naghanap si Hercules ng kaniyang magiging bagong asawa.

Makikita sa pangungusap na ang ginamit na pandiwa ay “nakahanap” at ang paksa ng pangungusap na sumasagot sa tanong na “Sino ang naghanap ng kaniyang magiging bagong asawa?” ay si Hercules. (Isa sa pinakamadaling paraan ng pagtukoy sa paksa ng pangungusap ay ang pag-iiba sa anyo nito, mula sa anyong pasalaysay tungo sa anyong patanong.) Si Hercules na paksa ng pangungusap ay siyang gumanap (tagaganap) ng kilos (pandiwa).

Page 19: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

Naririto ang iba pang halimbawang pangungusap. ➢ Nabalian ng tadyang ang kaniyang kapatid. ➢ Pumunta si Hera kay Hercules upang lansiin ang isip nito. ➢ Nagtagumpaysi Hercules sa hamong ibinigay ni Haring Augeas.

Iba pang halimbawang pangungusap: ➢ Sinunog ni Philoctetes ang labi ng yumaong kaibigan. ➢ Binalak ni Hera na patayin si Hercules. ➢ Ipinagdiwang ng buong kaharian ng Elis ang pagkakaroon ng panibagong hari.

Tandaan, ang pinakamadaling paraan sa pagtukoy sa pokus ng pandiwa ay ang patukoy sa pandiwang ginamit at ang pagbuo ng tanong mula rito upang tukuyin ang paksa.

Halimbawa: Pangungusap : Naglalaro sila Athena ng habulan. Pandiwa : Naglalaro Tanong : Sino ang naglalaro ng habulan? Paksa : sila Athena

Nasa pokus sa layon ang pandiwa kung ang layon (pakay) ang mismong paksa ng pangungusap. Matutukoy ang layon ng pangungusap batay sa kung ano/sino ang tumanggap ng pagkilos. Ang mga panlaping ginagamit sa pagpapahayag ng pokus sa layon ay i-, -an, ipa-, at –in. Halimbawa:

Hinanap ni Hercules ang kaniyang magiging bagong asawa.

Upang mas maging madali ang pag-unawa, gamitin na lamang natin ang naunang pangungusap. Mapapansin ang pag-iiba ng paglalapi sa pandiwang naghanap na naging hinanap, dito pa lamang makikita na kung ano ang kaibahan sa kontruksiyon ng pangungusap at kung ano na ang paksa ng pangungusap. Muli nating gawing patanong, “Ano ang hinanap ni Hercules?” Sa puntong ito, ang paksa ng pangungusap ay ang naging layon (pakay) ng kilos (pandiwa).

Page 20: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Subukan Natin

Bumuo ng limang pangungusap na nagsasaad ng paghahambing sa katangian ni Hercules at ng iba pang mortal. Tukuyin ang pokus ng pandiwa ng bawat isang pangungusap.

Isaisip Natin

Bakit mahalaga ang angkop na pagpopokus ng pandiwa sa isang pangungusap?

Pag-isipan Natin

Tukuyin kung ang pokus ng pandiwa sa bawat pangungusap ay ang layon o ang tagaganap. Salungguhitan nang isang beses ang pandiwang ginamit, at salungguhitan nang dalawang beses ang paksa ng pangungusap. 1. Kumain si Jonas ng maraming saging kaya sumakit ang kaniyang tiyan. 2. Sa lamesita inilapag ni Marc ang dala-dala niyang isang bilaong puto.

Sagutin Natin

1. Ano ang kahulugan ng pokus ng pandiwa? 2. Paano matutukoy kung ang pokus ng pandiwa ay sa tagaganap? 3. Paano matutukoy kung ang pokus ng pandiwa ay sa layon?

Page 21: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

3. Sinungkit ni Hanna ng kawayan ang mga hinog na bunga ng punong manga. 4. Muling bumalik sa paaralan ang magkakaibigan makalipas ang dalawang oras. 5. Pinanood ni Marie ang laban ng kaniyang nobyo sa basketball.

Aralin 4

Paghahambing ng Mitolohiyang Kanluranin at Mitolohiyang Pilipino

Pag-aralan Natin Makalipas talakayin sa naunang aralin ang mitolohiyang kanluranin, silipin naman natin ang mitolohiya ng ating lahi. Sang-ayon sa pagtalakay sa kahulugan ng mitolohiya, ang mga mito sa Pilipinas ay nahahati sa dalawang uri: (1) ang mga mito na tumatalakay sa gawain at pakikipag-ugnayan sa atin ng mga diyos at diyosa; at (2) ang mga mito na tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay at nagpapaliwanag ng kahalagahan nito sa mundo. Sa araling ito, susuriin natin ang mahahalagang aspekto ng mitolohiyang kanluranin at mitolohiyang Pilipino. At kung ano-ano ang pagkakaiba at pagkakahawig ng mga ito.

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang nakasusulat ng

paghahambing sa mitolohiyang kanluranin at mitolohiyang Pilipino.

Page 22: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Noong panahon ng katutubo, ang mga Pilipino ay likas na pagano o yaong nananampalataya sa labas ng relihiyong Kristiyano at Islam. Niyakap natin ang konsepto ng animismo kung saan mayroong mga pinaniniwalaan at sinasamba batay sa mga bagay sa ating kapaligiran. Ang mga sinaunang Pilipino ay sumasamba sa diyos ng tubig, diyos ng puno, diyos ng kuweba, at iba’t ibang diyos na nirerepresenta ng mga bagay-bagay na dulot ng kalikasan. Mahalagang malaman na bago pa man tayo masakop ng kanluraning bansa, malawak na ang ating paniniwala sa mga diyos sa kalangitaan na siyang nagbibigay sa atin ng masaganang pamumuhay. Bago pa man ipinayakap sa atin ang Kristiyanismo, mayroon na tayong takot sa sinumang lumikha ng sandaigdigan.

Elemento ng Mitolohiya

1 Tauhan. Ito ay tumutukoy sa mga imortal at mortal na karakter na nilikha sa kuwento. Maaaring nagtataglay ng kakaibang katangian o kapangyarihan ang mga imortal na tauhan. Ito ay mga diyos at diyosa.

2 Tagpuan. Ito ay tumutukoy sa katangian ng pamayanang pinangyarihan ng kuwento. Sumasalamin ito sa kultura ng pamayanang naniniwala sa mitolohikal na karakter.

3 Banghay. Ito ay tumutukoy sa daloy ng kuwentong nilalaman ng mitolohiya. Patungkol ito sa mga paglalakbay ng mortal na karakter at ugnayan nito sa mga imortal.

Page 23: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

Mitolohikal na Karakter/Tauhan

Katangian at Kapangyarihan

Bathala Pinakamakapangyarihang diyos; Ama ng sansinukob; Diyos ng mga diyos

Amanikable Masungit na diyos ng karagatan

Sitan Diyos ng impyerno

Mayari Diyosa ng buwan

Tala Diyosa ng bituin

Dimangan Diyos ng masaganang ani

Dumakulem Diyos ng mga bundok; Tagapagbantay

Idionale Diyosa ng mga mabuting gawain

Amon Tabu Diyos ng hangin at ulan

Mapulon Diyos ng iba’t ibang panahon

Anagolay Diyosa ng mga nawawalang bagay

Lakapati Pinakamabuting diyosa

Ang mga karakter na nakatala sa tsart ay ilan lamang sa kinikilalang diyos at diyosa ng mga Pilipino. Sa kadahilanang ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang pangkat-etniko, nagkakaroon din ng iba’t ibang bersiyon ang mga karakter na ito batay sa danas at paniniwala ng magkakaibang pangkat. Halimbawa, si Bathala ang kinikilala bilang pinakamakapangyarihang diyos sa lahat kung pagbabatayan ang bersiyong Tagalog ngunit mayroong iba’t ibang ngalan ang pinakamakapangyarihan diyos ng magkakaibang pangkat-etniko. Tingnan ang tala sa ibaba.

Bathala — Tagalog Mangetchay — Kapampangan Gugurang — Bikol Lumauwig at Kabunian — Bontoc at Igorot Liddum — Ifugao Mahal Makakaako — Mangyan Laon — Bisaya Magbabaya — Bukidnon Melu — Bilaan Makalindong — Manobo Manama — Manuvu

Pinakamakapangyarihang diyos sa lahat

Page 24: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

Tingnan naman natin ngayon ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiyang kanluranin at mitolohiyang Pilipino, suriin ang tsart sa ibaba.

Mitolohiyang Kanluranin Mitolohiyang Pilipino

• Direktang kaugnay ng relihiyon at pananampalataya.

• Kumikilala sa ugnayan ng tao at sa Manlilikha.

• Nagbibigay ng aral upang makapagpaunlad sa kamalayang panlipunan.

• Kumikilala sa sining na dinudulot ng imahinasyon.

• Mayroong batayang pasulat.

• Naglalarawan sa mga paniniwala, tradisyon, at pananampalataya ng iba’t ibang pangkat-etniko.

• Nagbibigay-daan sa pagbibigay papuri sa Dakilang Lumikha.

• Hinalaw sa panitikang pasalita o pasalindila.

• Kumikilala sa sining ng imahinasyon batay sa pagbuo ng mga kuwento.

Para sa karagdagang halimbawa, subukin nating suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng kilalang karakter sa dalawang bersiyon ng mitolohiya—si Hercules at si Bernardo Carpio.

Ang Paglalakbay ni Hercules Ang Alamat ni Bernardo Carpio

• Anak ni Zeus na pinakamakapangyarihan diyos (demigod).

• Nagtataglay ng kakaibang lakas na nakatulong upang matapos ang utos na iniatas sa kaniya.

• Madaling lansiin at mahimok tungo sa isang maling desisyon.

• Itinuring na hangal dahil namatay dahil sa kaniyang makamundong pagnanais.

• Regalong anak sa mag-asawang taga-San Mateo (demigod).

• Nagtataglay ng kakaibang lakas na kaniyang ginamit upang makatulong sa kaniyang kababayan.

• Nilansi ng mga kalaban at nabitag sa ngalan ng kaligtasan ng mga kababayan.

• Itinuturing na bayani.

Pagkakaiba Ng Mitolohiyang Kanluranin Sa Mitolohiyang Pilipino

Page 25: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

Subukan Natin

Gamit ang Venn Diagram, itala ang mga pagkakaiba at pagkakatulad sa katangian ng mitolohiyang kanluranin at mitolohiyang Pilipino.

Sagutin Natin

1. Ano-ano ang katangiang pinagkaiba ng mitolohiyang Pilipino sa

mitolohiyang kanluranin? 2. Bakit nagkakaroon ng iba-ibang bersiyon ang mitolohiyang Pilipino? 3. Paano nagkakaiba sina Hercules at Bernardo Carpio?

Page 26: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

Isaisip Natin

Paano mapahahalagahan ang mitolohiyang kanluranin at mitolohiya ng lahing Pilipino?

Pag-isipan Natin

Tukuyin kung nagsasaad ng katotohanan ang bawat pahayag. Isulat ang wasto kung

makatotohanan ang isinasaad ng pahayag, di-wasto naman kung ito ay kamalian.

1. Kapuwa nanindigan sina Hercules at Bernardo Carpio sa pagtatanggol sa

karapatan ng kanilang mga nasasakupan.

2. Ang mitolohiyang Pilipino ay hinalaw lamang sa mitolohiyaing

kanluranin.

3. Nagkaroon ng iba’t ibang bersiyon ang mitolohiyang Pilipino dahil sa iba-

ibang pangkat-etnikong pinagmulan nito.

4. Kumikilala lamang sa iisang ngalan ng Manlilikha ang mga karakter sa

mitolohiyang Pilipino.

5. Kaugnay ng mga paniniwala at pananampalataya ng isang kultura ang

kuwentong nilalaman ng mga mitolohiya.

Page 27: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

Gawin Natin

Mito-Tanghalan

Ang Mito-Tanghalan ay gagawin sa tulad ng isang fashion show. Ang mga mag-aaral ay pipili ng mitolohikal na karakter na kanilang gagampanan sa pagtatanghal. Sundin ang hakbanging nakatala sa ibaba upang maisakatuparan ng klase ang gawain. 1. Pipili lamang ng ilang mag-aaral na magtatanghal na partikular na karakter sa harap

ng klase. 15 hanggang 25 na karakter ang dapat na maitanghal. 2. Ang mga mag-aaralna hindi mapipili ay maaatasan sa paggawa ng tanghalan

(stage) para sa fashion show. 3. Itatanghal ito ng mga mag-aaral sa silid-aralan. Ipakikilala nila ang karakter na

kanilang ginagampanan at kung ano-ano ang katangian at gampanin nito sa mitolohiya. Maaaring mag-anyaya ng iba pang tagapanood.

Rubrik sa Pagtataya

Lagyan ng tsek ang bilang ng marking nais ibigay. (5 ang pinakamataas, 1 ang pinakamababa)

Pamantayan sa Pagbubuod 1 2 3 4 5

1.Kahusayan sa karakterisasyon.

2.Kawastohan sa pagpapakilala.

3.Pagiging malikhain ng kabuoang pagtatanghal.

4.Organisado ang kabuuang pagtatanghal ng pangkat.

Kabuuang puntos:

Interpretasyon: 16 – 20 : Napakahusay

11 – 15 : Mahusay 6 – 10 : Katamtaman 1 – 5 : Nangangailangan pa ng pagsasanay

Page 28: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

Paglalagom

Pagsusuri ng Mitolohiyang

Kanluranin

Kolokasyon ng mga salita

Pokus ng Pandiwa:

Tagaganap

Layon

Paghahambing ng

Mitolohiya ng Kanluranin

at Pilipino

Page 29: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

Dapat Tandaan

• Ang mitolohiya ay serye ng mga kuwentong direktang pumapatungkol sa

mga pananampalataya at pagsamba sa mga diyos at diyosa. Ito ay maaaring batay sa katotohanan base sa danas ng partikular na pangkat ng mga taong may iisang paniniwala. Gaya ng iba uri ng panitikan, ang mito ay mahalagang nasusuri din batay sa mga karakter/tauhan, tagpuan, at aral na ibinibigay nito sa mga mambabasa. Mahalagang malaman na ang mito ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba batay sa paniniwala, danas, at kultura ng mga tao kung saan ito nagmula.

• Ang kolokasyon ay isa sa mga pamamaraan ng pagbibigay-kahulugan sa mga salita o lipon ng mga salita na nagtataglay ng higit na pagpapalalim. Epektibong binibigyan ng mas malalim na pag-unawa ang salita base sa mga kasama nitong salita sa loob ng pangungusap.

• Ang pagtukoy sa pokus ng pandiwa ay nakabatay sa tamang pagtukoy sa

paksa ng pangungusap. Kung ang paksa ng pangungusap ay siyang tagaganap ng kilos (doer), ito ay nasa pokus sa tagaganap. Samantalang kung ang paksa naman ng pangungusap ay siyang tagatanggap ng kilos (receiver), ito naman ay nasa pokus sa layon. Mahalagang tandaan na ang layon ng pangungusap ay kalimitan bagay na ginagawan ng pagkilos.

• Ang mitolohiyang kanluranin at mitolohiyang Pilipino ay kapuwa

pumapaksa sa paniniwala at pananampalataya ng bawat pangkat ng tao.

Page 30: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

Pagyamanin Natin

Ang sumusunod na mga video links ay maaaring panoorin para sa karagdagang

impormasyon at malalim na talakayan.

• Mitolohiya

https://www.youtube.com/watch?v=MXzULMG9ieU

• The Adventures of Hercules

https://www.youtube.com/watch?v=dFprRniNlqQ

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1

Sagutin Natin 1. Mahalaga sa pagsusuri ng mga karakter/tauhan sa isang kuwento ang pagtukoy sa

mga ginampanan tungkulin nito sa kuwento. At kung paano nakaaapekto ang kilos at ugali nito sa kabuuang daloy ng partikular na kuwento.

2. Mayroon. Ito ay kuwentong tumatalakay sa kahalagahan ng pagiging matapang at pursigido, ipinakikita rin nito ang mga suliraning idinudulot ng mali-maling pagdedesisyon, at itinuturo din nito na walang gawang mabuti ang pagtatanim ng galit sa kapuwa.

3. Sapagkat ang mga mito, alamat, kuwentong-kababalaghan, at mga kuwentong-bayang ito ay nakabatay sa partikular na danas ng pangkat ng mga taong naniniwala rito. At dahil may kaniya-kaniyang paniniwala at pananampalataya ang mga tao, hindi kataka-takang malaki ang pagkakaiba-iba ng mga kuwentong ito.

Isaisip Natin Napakahalaga ng pagsusuri ng mga mitolohikal na karakter na gumanap at nakilala sa mga mitolohiya sapagkat ang mga ito ang representasyon ng kultura at paniniwalang nais palutangin ng kuwento sa kabuoan.

Page 31: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

Aralin 2 Sagutin Natin

1. Ang kolokasyon ay isa sa pamamaraan ng pagbibigay-kahulugan kung saan higit na binibigyang depinisyon ang isang salita sa pamamagitan ng pagsasama nito sa iba pang mga salita.

2. Gamit ang kolokasyon, ang isang salita ay isinasama sa iba pang mga salita sa loob ng parirala upang makapagdagdag ng depinisyon at magbigay ng higit na lalim sa isang pangungusap.

3. Mahalaga sa isang tagatanggap (receiver) na matutong umunawa ng mensahe kahit sa labas ng lantay na kahulugan nito.

Isaisip Natin Nakatutulong ito upang maunawaan ang mga tagong diwa o mensahe ng isang pahayag. Nagagamit ang kolokasyon sa lalong pagpapasining at pag-unawa sa malikhaing pagkakabuo ng mga akda.

Aralin 3 Sagutin Natin

1. Ito ay isa sa kalikasan ng pandiwa kung saan tinutukoy ang bagay na binibigyang-diin ng pandiwa sa isang pangungusap o ang pagkakaroon ng relasyon ng pandiwa sa simuno nito.

2. Matutukoy ito kung ang paksa ng pangungusap ay siyang tagaganap (doer) ng pandiwa.

3. Matutukoy ito kung ang paksa ng pangungusap ay ang layon (receiver) ng kilos sa loob ng isang pangungusap.

Isaisip Natin Mahalaga ang angkop na pagbibigay pokus sa pandiwa sapagkat dito natutukoy ang paksa ng pangungusap. Maaari ding magkaroon ng ibang kahulugan ang diwa ng salita kung mali o hindi angkop ang pokus ng pandiwa.

Page 32: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

Aralin 4 Subukan Natin

1. Ang mitolohiyang Pilipino ay nagkakaroon ng pagkakaiba sa mitolohiyang kanluranin batay sa malawak ng paniniwala nito sa iba’t ibang mga diyos at diyosa. Dahil nagmula sa kulturang pagano, mahigpit ang pananampalataya ng mga Pilipino sa mga diyos sa kalangitan na siyang nagbibigay sa kanila ng masaganang buhay. Hindi tulad sa mitolohiyang kanluranin, nilikha ito sa ngalan lamang ng sining ng imahinasyon at upang makapagpaliwanag lamang sa mga bagay-bagay.

2. Sapagkat ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang pangkat-etniko na mayroong iba-iba paniniwala at pananampalataya.

3. Bagaman kapuwa nagtataglay ng kakaibang lakas, si Hercules at Bernardo Carpio ay nagkakaiba sa prinsipyo nila sa buhay. Si Hercules ay naglalakbay upang may mapatunayan sa sarili at sa ibang tao, samantalang si Bernardo Carpio nama’y ginamit ang lakas upang makatulong at magsilbi sa kaniyang kababayan sang-ayon na rin sa kulturang Pilipino.

Isaisip Natin Mapahahalagahan ang mga mitolohiyang ito kung patuloy itong pag-aaralan, sasaliksikin, at kikilalanin ng mga bagong henerasyon nang sa gayon ay magpasalin-salin ang diwa nito.

Sanggunian

Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. Makabagong Balarilang Filipino. Manila:

Rex Book Store, 1991.

Kintanar, Thelma B. UP Cultural Dictionary for Filipinos (Second Edition). Quezon

City: UP Press, 2009.

“Greek Gods vs. Roman Gods.” Diffen. Nakuha mula sa

Page 33: FILIPINO Baitang 10 Yunit 7 Ang Paglalakbay ni Hercules

Copyright © 2018 Quipper Limited

33

http://www.diffen.com/difference/ Greek_Gods_vs_Roman_Gods

“Hercules.” Gods, Monsters, and Myths. Nakuha mula sa

http://www.starsandseas.com/ SAS_Mythology/hercsite1.htm