of 21 /21
Tomo 2 Blg. 1 Hunyo 2009 Pambansang Seminar ‘09 ng departamento, tagumpay Alay-aklat sa kabataan ng SJDM, isinagawa; Garcia, nagbigay ng lektyur sa mga guro Smile. Ang mga miyembro ng fakulti ng Departamento ng Filipino kasama ang mga guro ng Muzon High School sa San Jose Del Monte, Bulacan. Pormal nang ibinigay ng Departa- mento ng Filipino ang mga babasa- hin para sa Muzon High School, isang pampublikong paaralan sa San Jose del Monte, Bulacan, bilang bahagi ng proyektong Alay-Aklat noong Abril 6, 2009. Nilalayon ng proyektong ito na makapag-am- bag sa paglutas sa problema ng kakulangan ng mga aklat sa mga pampublikong paar- alan sa bansa dahil sa mababang badyet na inilalaan ng pamahalaan sa para sa edu- kasyon. Ayon kay Prop. Genaro Gojo Cruz, tagapa- muno ng proyekto, “Ang mga silid-aklatan ng maraming paaralan, hindi lamang sa prob- insya ng Bulacan, kundi sa buong bansa, kakarampot lamang ang libro, at marami pa rito ay luma na. Hindimagiging matagumpay ang proyektong ito kung wala ang tulong ng mga institusyon at indibidwal na sumusupor- ta sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa.” Ipinaabot rin ng buong Departamento ang pasasalamat sa mga sumusunod na nag- bigay ng mga aklat: Adarna House, Inc., Departamento ng Literatura, DLSU-Manila, Embassy of Australia, Embassy of Finland, Embassy of the Kingdom of the Netherlands, Embassy of the Socialist Republic of Viet- nam, Embassy of the Switzerland, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Commis- sion for Culture & the Arts (NCCA), National Historical Institute (NHI), Philippine Educa- tional Theater Association (PETA), Royal Em- bassy of Saudi Arabia, Royal Norwegian Em- bassy, Royal Thai Embassy, at South African Embassy: Manila. Alay Aklat... sundan sa pahina 2 Matagumpay na naidaos ng Departamento ng Filipno ng Pamantasang De La Salle-Maynila ang taunang pambansang seminar-worksyap sa Filipino noong Mayo 6 hanggang 8, 2009 sa CSB International Convention Center (De La Salle Hotel School) na may temang Ekonomiya at Teknolohiya ng Pagtu- turo ng Filipino: Mga Metodo, Estratehiya, at Teknika. Ang pambansang sem- inar-worksyap ay dinaluhan ng mga guro at administrador sa buong bansa. ni Genaro Gojo-Cruz Ang Departamento ng Filipino ay nagtataguyod ng taunang pambansang seminat-worksyap bi- lang gawaing akademiko, panriserts at eksten- syon para sa kapakanan at kagalingan ng mga guro at administrador sa bansa. Pangunahing layunin ng seminar-worksyap ngayong taon ang pagbabahaginan ng mga guro at ng mga pan- gunahing tagapagsalita ng mga pangunahing estratehiya at teknika sa pagtuturo ng pagbasa, wika at panitikang Filipino. Ang seminar-worksyap ay pinasimulan ni Dr. Is- agani R. Cruz bilang Panauhing Tagapagsalita. Tinalakay ni Dr. Cruz ang ukol sa Teknolohiya at Pagtuturo ng Wika at Panitikan. Nagbigay rin ng mga panayam sina Dr. Lydia B. Liwanag ukol sa Pagtuturo ng Wika at Pagbasa sa Elementarya; Dr. Arthur P. Casanova ukol sa Pagtuturo ng Filipino bilang Pangalawang Wika; Prop. Teresa Wright ukol sa Pagtuturo ng Paniti- kan sa Kolehiyo; at Dr. Rolando A. Bernales ukol sa Pagtuturo ng Panitikan sa Hayskul. Nagpak- itang-turo naman sina Prop. Josephine Calam- lam (Elementarya) ng Pamantasang Normal ng Pilipinas; Prop. Cecilia T. Correa (Sekondarya) ng Manila Science High School; at Dr. Lakangiting C. Garcia (Tersyarya) ng DLSU-Manila. Pambansang Seminar... sundan sa pahina 2

Pambansang Seminar '09 ng departamento, tagumpay

Embed Size (px)

Text of Pambansang Seminar '09 ng departamento, tagumpay

  • Alinaya Alinaya

    Tomo 2 Blg. 1 Hunyo 2009

    Pambansang Seminar 09ng departamento, tagumpay

    Alay-aklat sakabataan ng SJDM,isinagawa; Garcia, nagbigay ng lektyursa mga guro

    Smile. Ang mga miyembro ng fakulti ng Departamento ng Filipino kasama ang mga guro ng Muzon High School sa San Jose Del Monte, Bulacan.

    Pormal nang ibinigay ng Departa-mento ng Filipino ang mga babasa-hin para sa Muzon High School, isang pampublikong paaralan sa San Jose del Monte, Bulacan, bilang bahagi ng proyektong Alay-Aklat noong Abril 6, 2009. Nilalayon ng proyektong ito na makapag-am-bag sa paglutas sa problema ng kakulangan ng mga aklat sa mga pampublikong paar-alan sa bansa dahil sa mababang badyet na inilalaan ng pamahalaan sa para sa edu-kasyon.

    Ayon kay Prop. Genaro Gojo Cruz, tagapa-muno ng proyekto, Ang mga silid-aklatan ng maraming paaralan, hindi lamang sa prob-insya ng Bulacan, kundi sa buong bansa, kakarampot lamang ang libro, at marami pa rito ay luma na. Hindimagiging matagumpay ang proyektong ito kung wala ang tulong ng mga institusyon at indibidwal na sumusupor-ta sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

    Ipinaabot rin ng buong Departamento ang pasasalamat sa mga sumusunod na nag-bigay ng mga aklat: Adarna House, Inc., Departamento ng Literatura, DLSU-Manila, Embassy of Australia, Embassy of Finland, Embassy of the Kingdom of the Netherlands, Embassy of the Socialist Republic of Viet-nam, Embassy of the Switzerland, Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National Commis-sion for Culture & the Arts (NCCA), National Historical Institute (NHI), Philippine Educa-tional Theater Association (PETA), Royal Em-bassy of Saudi Arabia, Royal Norwegian Em-bassy, Royal Thai Embassy, at South African Embassy: Manila.

    Alay Aklat...sundan sa pahina 2

    Matagumpay na naidaos ng Departamento ng Filipno ng Pamantasang De La Salle-Maynila ang taunang pambansang seminar-worksyap sa Filipino noong Mayo 6 hanggang 8, 2009 sa CSB International Convention Center (De La Salle Hotel School) na may temang Ekonomiya at Teknolohiya ng Pagtu-turo ng Filipino: Mga Metodo, Estratehiya, at Teknika. Ang pambansang sem-inar-worksyap ay dinaluhan ng mga guro at administrador sa buong bansa.

    ni Genaro Gojo-Cruz

    Ang Departamento ng Filipino ay nagtataguyod ng taunang pambansang seminat-worksyap bi-lang gawaing akademiko, panriserts at eksten-syon para sa kapakanan at kagalingan ng mga guro at administrador sa bansa. Pangunahing layunin ng seminar-worksyap ngayong taon ang pagbabahaginan ng mga guro at ng mga pan-gunahing tagapagsalita ng mga pangunahing estratehiya at teknika sa pagtuturo ng pagbasa, wika at panitikang Filipino.

    Ang seminar-worksyap ay pinasimulan ni Dr. Is-agani R. Cruz bilang Panauhing Tagapagsalita. Tinalakay ni Dr. Cruz ang ukol sa Teknolohiya at Pagtuturo ng Wika at Panitikan.

    Nagbigay rin ng mga panayam sina Dr. Lydia B. Liwanag ukol sa Pagtuturo ng Wika at Pagbasa sa Elementarya; Dr. Arthur P. Casanova ukol sa Pagtuturo ng Filipino bilang Pangalawang Wika; Prop. Teresa Wright ukol sa Pagtuturo ng Paniti-kan sa Kolehiyo; at Dr. Rolando A. Bernales ukol sa Pagtuturo ng Panitikan sa Hayskul. Nagpak-itang-turo naman sina Prop. Josephine Calam-lam (Elementarya) ng Pamantasang Normal ng Pilipinas; Prop. Cecilia T. Correa (Sekondarya) ng Manila Science High School; at Dr. Lakangiting C. Garcia (Tersyarya) ng DLSU-Manila.

    Pambansang Seminar...sundan sa pahina 2

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    BALITA

    Nagbigay ng lektyur-workshop si Prop. Rowie Madula sa taunang pambansnag kumbensyon ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) na ginanap sa Ouans Farm and Resort sa Lucena City, Mayo-17-21.

    Dinaluhan ng mahigit sa 170 mga manunulat at mamamahayag-pangkampus sa kolehiyo mula sa buong bansa, ang CEGP, ang itinu-turing na pinakamalawak at pinakaprestihiyosong organisasyon ng mga pahayagang pangkampus sa Pilipinas at Asya.

    Tinalakay ni Prop. Madula ang paksang Gender Related Literature kung saan kanyang binigyang-pansin ang katangian at kahalaga-han ng mga akdang pampanitikan na tumatalakay sa kasarian at sekswalidad partikular ng mga kababaihan, bakla, at lesbyana. Naging hurado rin siya para sa Gawad Ernesto Rodriguez Jr. (Gawad ERJ) para sa mga kategoryang Magasin, Literary Folio at Alternative Form.

    Naging tagapagsalita rin sa naturang kumbensyon si Joselito de los Reyes, guro ng Southern Luzon State University (SLSU) at kasalu-kuyang mag-aaral ng MA Araling Filipino sa Pamantasang De La Salle-Maynila.

    Prop. Madula sa CEGP Convention

    Pinarangalan sa taunang Faculty Research Recognition Ceremonies sa pangunguna ng University Research Co-ordination Office (URCO) ang dyornal na Malay at si Dr. Teresita Fortunato, sa Marilen Gaerlan Conservatory, ika-27 ng Marso.

    Bahagi ng pagpapalakas sa larangan ng pananaliksik ng buong institusyong De La Salle, kinikilala ang mga mag-aaral, guro, em-pleyado at ang mga publikasyon ng unibersidad na patuloy na nag-sasagawa ng mga pananaliksik na inaasahang makapag-aambag sa balon ng karunungan.

    Kinilala si Dr. Fortunato para sa kanyang pagtatapos ng sabbati-cal project na pinamagatang Isang Eksploratoring Pag-aaral sa Eufemismong Filipino. Samantala, binigyan rin ng natatanging pagkilala ang Malay para sa pinakabinibisita at pinagkukuhanan ng mga artikulo mula sa website na Philippine Journals Online. Ang naturang website ay kung saan matatagpuan ang maraming dyor-nal na inililimbag sa buong bansa. Si Dr. Rhod Nuncio ang tumang-gap ng parangal para sa Malay.

    Si Prop. Rowell Madula ng Departamento ng Filipino ang naging tagapagpadaloy ng naturang programa.

    Malay, Fortunato, pinarangalan

    Si Prop. Madula ay isa sa mga naging hurado ng Gawad Ernesto Rodriguez Jr. para sa pinakamahuhusay na

    pangkolehiyong publikasyon sa bansa na ginanap sa lungsod ng Lucena, lalawigan ng Quezon.

    Kuhang larawan ni Om Narayan Velasco ng Philippine Collegian

    A

    A

    2

    Malaki rin ang pasasalamat ng administrasyon at kaguruan ng Muzon High School dahil makakatulong umano ang mga libro hindi lamang sa kanilang mga estudyante kundi maging sa mga gradweyt nito dahil marami rin sa mga libro ay para sa mga nasa antas kolehiyo.

    Kasabay ng pagkakaloob ng mga aklat, nagsagawa rin ng isang lektyur workshop si Dr. Lakangiting Garcia sa mahigit 30 mga guro ng naturang paaralan ukol sa pagpapaunlad ng mga meto-do at estratehiya sa pagtuturo.

    Alay Aklat...mula sa pahina 1

    A

    presentasyon ng mga natatanging praktika at estratehiya sa pag-tuturo ng asignaturang Filipino ang mga guro. Sila ay sina Edgar V. Ortinez ng Politekniko Estado Kolehiyo ng Antique; Edna C. Fre-gil ng La Consolacion College, Bacolod City; Ramon Ermino Flores ng Pasay City West High School; Dr. Emmanuel Signo Gonzales ng Far Eastern University; at Aurora D. Yumul. Nabigyan din ng pagkakataon ang mga guro na mapanood ang isang Indie Film na may pamagat ni Rolyo ni Alvin Yapan ng Ateneo De Manila University.Tumayong Direktor ng pambansang seminar-worksyap ngayong taon si Dr. Raquel E. Sison-Buban at mga Ko-Direktor naman sina Dr. Dolores R. Taylan at Genaro R. Gojo Cruz.

    Pambansang Seminar...mula sa pahina 2

    A

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    TAMPISAW.Ang ilang fakulti ng Departa-

    mento ng Filipinosa outing ng De La Salle

    University-Manila Faculty As-sociation na ginanap noong

    Abril 22-23, 2009 sa White Rock Beach Resort sa Subic,

    Zambales.

    Eksena

    Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatatag ng Departa-mento ng Filipino, isinagawa ang regular na workshop sa Bro. Connon Seminar Room, Abril 15.

    Dinaluhan ng mga full-time at part-time na fakulti, ang workshop ay nagbigay ng pagkakataon sa mga guro upang suriin ang ilang mga programa at proyekto ng Departamento.

    Hinati ang mga guro batay sa mga kursong ibinibigay ng Departa-mento tulad ng Filkomu, Fildlar at Wikakul. Gayundin, nagkaroon rin ng maliit na pang-grupong talakayan ang mga gurong kabahagi ng Paaralang Gradwado at Andergradweyt ng Departamento.

    Ang ikalawang bahagi ng workshop ay ipinagpatuloy sa Faculty As-sociation outing na ginanap sa White Rock Beach Resort noong Abril 22-23.

    Workshop ng departamento, isinagawa

    Nakibahagi ang mga guro ng Departamento ng Filipino sa taunang outing at workshop ng mga guro ng Paman-tasang De La Salle-Maynila sa pangunguna ng Faculty Association (FA) sa White Rock Beach Resort sa Subic, Abril 22-23.

    Ang mga dumalo mula sa Departamento ng Filipino ay ang taga-pangulong si Dr. Josefina Mangahis, Prop. Ramil Correa, pangala-wang-tagapangulo, at mga full-time na fakulti na sina Prop. Van-gie Encabo, Dr. Teresita Fortunato, at mga part-time na sina Prop. Rowie Madula, Prop. Genaro Gojo Cruz, Dr. Ruby Alunen, Dr. Felicitas Herrera, at Dr. Eriberto Astorga.

    Sumali ang mga guro sa mga inihandang palaro ng FA tulad ng bowling tournament sa hapon, at isang pa-bingo sa gabi. Nagwagi rin sa patimpalak na Little Miss and Mr. FA ang mga anak ni Prop. Encabo na nagpakita ng mga talento at talino sa question and an-swer portion.

    Fakulti ng Filipino sa White Rock

    Paano ba Sasabihin ang Katotohanan? Isang sosyoling-gwistiks na Pag-aaral sa Eufemismo sa mga Kontempo-raryong Tabloid.

    Ito ang pamagat ng papel na binasa ni Dr. Teresita Fortunato para sa kanyang Panayam Profesoryal Cecilio M. Lopez sa Wika at Panitikang Filipino sa Bulwagang Ariston Estrada, Abril 7.

    Nagsimula ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni Dr. Lakangiting Garcia, na sinundan ng Pambansang Awit. Si Prop. Rowell Madula ang nagbigay ng pambungad na pananalita na siya ring nagpakilala kung sino nga ba si Cecilio M. Lopez.

    Si Cecilio M. Lopez ang kinikilalang kauna-unahang linggwistikang historical sa Pilipinas at dean ng mga lingwistang Pilipino. Ang kan-yang mayamang pag-aaral at karanasan sa pagtuturo ay nag-ambag nang malaki sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Siya ay pinaran-galan ng Pambansang Samahan ng Linggwistikang Filipino (PSLF) bilang Ama ng Linggiwstikang Pilipino noong 1970.

    Ipinakilala naman ni Dr. Dolores Taylan, na siya ring tagapagdaloy ng programa, ang tagapanayam na si Dr. Fortunato sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga naging ambag niya sa Departamento at sa Kolehiyo ng Malalayang Sining bilang Pangalawang Dekano . Si Dr. Fortunato ay kinikilala sa kanyang kahusayan sa larangan ng wika, panitikan, pagsasalin, linggiwstiks, at bilang guro ng una at pangala-wang wika.

    Sa kanyang panayam, tinalakay ni Dr. Fortunato ang naging bunga ng kanyang mahabang panahon ng pag-aaral sa wika ng tabloid. Ipi-nakita niya ang ilang mga salita at pahayag na matatagpuan sa ibat ibang tabloid sa Pilipinas, na nagpapakita ng eufemismo.

    Nagbigay naman ng kanyang reaksyon si Dr. Imelda P. De Castro, Pakultad ng Sining at Panitik, Pamantasan ng Santo Tomas. Ang tagapangulo ng departamento na si Dr. Josefina Mangahis ang nag-bigay ng pangwakas na pananalita.

    Fortunato, nagbigay ng Panayam Profesoryal Cecilio M. Lopez

    BALITA

    A

    A

    A

    3

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    OPINYON

    Sa Wika at iba pa

    DR. JOSEFINA MANGAHISTagapangulo

    Departamento ng Filipino

    Metakognitiv na Pagbasa

    A

    Isa sa mahahalagang konsepto sa paglinang ng kahusayan sa pagbasa ay tinatawag na kamalayang metakogni-tiv. Nagbigay sina Baker at Brown (1980) ng depinisyon sa metakognitiv na kasanayan ng mga estudyante. Ayon sa kanila, ito ay tumutukoy sa kaalaman at pagkontrol sa sariling pag-iisip at mga gawain sa pagkatuto ng mga estudyante.

    Hinati naman nina Jacobs at Paris (1987) sa dalawang kategorya ang metakognisyon: (1) sariling pagtataya at (2) sariling pamama-hala. Katulad ito ng kategorya nina Baker at Brown na tinatawag na kaalaman at kontrol. Kasama sa sariling pagtataya ang pagpapahayag ng kaalaman tungkol sa kognisyon. Kasama rin dito ang kaala-man sa pamamaraan o kaalaman kung paano ginagawa ang bagay, kondisyunal na kaalaman o kaalaman kung bakit at kailan mahalaga ang partikular na es-tratehiya. Ang sariling pamamahala na-man ay tumutukoy sa pagpaplano, pag-tatasa at pag-aayos ng estratehiya.

    Ang pinakamahalagang proseso sa ka-malayang metakognitiv na ginagamit ng mambabasa upang makuha ang kahulugan ay ang pagmomonitor ng sariling pag-unawa para malaman kung tagumpay o bigo siya. Alam ng mahusay na mambabasa kung naintindihan nila o hindi ang kanilang binasa at alam din nila kung ano ang kanilang ga-gawin kung hindi nila ito naintindihan. Kasa-ma rin sa paggunita sa pagbasa ang sadyang pagpili ng proseso sa muling pag-alala gaya ng pagbubuod, pag-aayos at pagpapabuti ng paglalapat ng maraming proseso na tradi-syunal na tinatawag na kasanayang pam-pag-aaral: pagkuha ng mga tala, pagsasanay at pagbabalik-aral.

    Ang batayan ng metakognitiv na estratehiya ay:

    1) pag-uugnay ng bagong impormasyon sa dating kaalaman- Matapos matamo ang bagong kaalaman mula sa mga impor-

    masyong nakalap at natutuhan, iniuugnay ito sa dating kaalaman at may pagkakataon na

    iwasto ang dating kaalaman mula sa bagong impormasyon na natutunan.

    2) sadyang pagpili ng estratehiyang pangkai-sipan- Nabubuo ang sariling pagpapasya sa pagpili ng estratehiyang pangakaisipan na angkop sa pagbuo ng kaisipan.

    3) pagpaplano, pagmomonitor at pagtataya sa prosesong pangkaisipan- Gamit ang napil-ing estratehiya, isinasagawa ang pagpaplano sa pamamagitan ng paggamit ng sistema-tikong pamamaraan at pagsisiyasat kung akma at wasto ang proseso.

    Ang pagkatuto sa tiyak na impormasyon at paggamit ng impormasyong ito para maga-wa ang ilang gawain ang nagiging hangarin o layunin ng pagbasa. Ang ganitong uri ng pagbasa ay kasama sa ilang masalimuot na gawain gaya ng pag-unawa at paggunita sa pangunahing ideya ng seleksyon, pag-momonitor sa pag-unawa at pagkatuto at

    pag-alam kung kailan at paano gagamitin ang metakognitiv na estratehiya kapag hindi

    naunawaan ang binasa.

    Ang metakognitiv na estratehiya ay binig-yan ng kahulugan na pinatnubayang pa-mamaraan ng pagkatuto para maisaloob ang bagong impormasyon at magampan-an ang pamamahala sa pinakamataas na antas ng kaisipan (Ciardiello 1998).

    Si Morrow at iba pa (1999) ay nagmung-kahi ng metakognitiv na estratehiya sa pa-glinang ng pag-unawa sa tekstong binasa. Gumamit dito ng kwento at pinatnubayan ang pagbasa. Maliban dito, ipinakilala

    rin ang ibat ibang estratehiya sa mga mag-aaral gaya ng muling pagpapakwento ng kwentong binasa, muling pagpapabasa ng kwento, muling pagtingin sa teksto, pag-bibigay ng hinuha, pagbuo ng kongklusyon, at pagpapakita ng kaalaman sa estruktural na elemento o sangkap ng kwento.

    Si Maclellan (1997) ay nagmungkahi na na-katutulong sa mga mag-aaral sa kanilang metakognitiv na pagbasa ang mga estrate-hiyang gaya ng muling pagsasaad ng pan-gungusap, paglalagom, pagtatala at pag-sagot sa mga tanong. Ayon pa kay Maclellan, kung hindi pa rin makaunawa ang mag-aaral sa kanyang binasa, kailangan niyang gu-mamit ng metakognitiv na pagbasa gaya ng paglikha ng sariling mga tanong, muling pagtingin sa teksto, pagbibigay ng hinuha at iba pang metakognitiv na estratehiya.

    Ang pagkatuto sa tiyak na impormasyon at paggamit ng impormasyong ito para maga-wa ang ilang gawain ang na-giging hangarin o layunin ng

    pagbasa.

    4

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    OPINYON

    A

    5

    Usapang Berde

    PROP. RAMILITO CORREAPangalawang TagapanguloDepartamento ng Filipino

    Ang Nakakatakot na Influenza AH1N1

    Isa sa mga pamantasang unang nagbukas ng klase ang ating mahal na Pamantasang De La Salle noong Mayo 25, 2009. Sa unang araw pa lamang ng pasukan ay naging abala na ang bawat estudyante, propesor at administrador sa kani-kanilang gawain. Lalo pa nga at pinaghahandaan ng ating pamantasan ang PAASCU Accreditation sa unang linggo ng Agosto.

    Bagamat ang bawat mamamayan ng DLSU ay mulat sa kaganapan tungkol sa nakakata-kot na sakit na Influenza A (H1N1), hindi na-man gaanong nababahala ang bawat isa lalo pa ngat hindi naman nagkukulang ang De-partment of Health (DOH) at ang administra-syon ng pamantasan tungkol sa mga babala

    rito at kung paano ito maiiwasan.

    Subalit noong Miyerkules ng hapon, Hu-nyo 3, 2009, sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan, isang memorandum ang ipinadala sa bawat tanggapan ng DLSU mula kay Bro. Armin Luistro, FSC, Pangulo at Tsanselor ng Pamantasan na simula kinabu-kasan nito, Hunyo 4 hanggang Hunyo 14, 2009 o sa loob ng sampung araw ay isasara muna ang buong pamantasan upang mag-self quaratine ang bawat indibidwal na mi-yembro ng pamayanang Lasalyano.

    Ito ay dahil sa isang 17 taong gulang na babaeng Japanese exchange student ang

    postibong tinamaan ng sakit na Influenza A H1N1 na kilala sa dating tawag na swine flu. Habang sinusulat ko ang kolum na ito ay mahigt tatlumpu na ang kaso ng A(H1N1) na naitala sa Pilipinas.

    Noong Mayo 21, 2009, unang pumasok ang balitang may A(H1N1) na sa Pilipi-nas mula sa babaeng nanggaling sa Estados Unidos noong Mayo 18. Sinuri ng Research Institute for Tropi-cal Medicine (RITM) ang kanyang throat speci-men at natuklasang positibo siya sa sakit na ito. Subalit ayon kay Dr. Eric Tayag ng DOH, may nauna pang kaso sa kanya.

    Mula naman ito sa isang sampung taong gulang na batang babaeng nasa

    Estados Unidos na bumisita sa Canada.

    Mula sa isang babaeng Japa-nese exchange student ng DLSU ay nadagdagan pa ang kaso ng mga estudyanteng Lasalyano na may A(H1N1). Kabilang dito ang kasama nito sa dormitoryong isa namang lalaking Hapones, at isa pang labimpitong taong gu-lang na Lasalyanong estudyante na hindi naging kaklase ng dala-wang naunang Hapones.

    Naway maagapan ang lahat ng

    Bagamat ang bawat ma-mamayan ng DLSU ay mu-lat sa kaganapan tungkol sa nakakatakot na sakit na Influenza A (H1N1), hindi naman gaanong na-babahala ang bawat isa lalo pa ngat hindi naman nagkukulang ang Depart-ment of Health (DOH) at ang administrasyon ng pa-mantasan tungkol sa mga babala tungkol dito at kung paano ito maiiwasan.

    Nakakatakot ang sakit na ito dahil sa mabilis na pa-ghawa nito sa ibang tao at mabilis nitong sinisira ang immune system ng ating katawan. Mag-ingat tayo sa sakit na ito.

    Lasalyano at Pilipinong kinakitaan ng gani-tong klase ng sakit. Patuloy nating sundin ang mga tagubilin at babala ng DOH kung paano maiiwasan ang sakit na ito.

    Nakakatakot ang sakit na ito dahil sa mabi-lis na paghawa nito sa ibang tao at mabilis nitong sinisira ang immune system ng ating katawan. Mag-ingat tayo sa sakit na ito.

    Hanggang sa susunod na kolum.

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    ni Dr. Rhoderick V. Nuncio

    Sa dinami-dami ng sinulat ni Lumbera, sigurado akong marami na rin tayong mapupulot para itaguyod ang isang kritikang Filipino. Sa malawak na karanasan niya bilang guro at alagad ng sining, alam kong marami na siyang ta-gasunod na ginagawang inspirasyon ang mga turot akda niya. Marangal kong sasabihin na isang bigating intelek-tuwal ng ating panahon si Lumbera. Isang bigating iskolar ng sining at lipunan na tumatagos ang impluwensiya at presensiya sa ibat ibang institusyong panlipunan at pangkultura sa bansa. Sa ganang akin, isang dambuhalang mohon si Lumbera sa mga larangan tulad ng panitikang pambansa, teatro, pelikulat kulturang popular at kritika. Para sa okasyong ito, pinili ko ang larang ng kritika para itampok ang mga kritikal na akda at texto ni Lumbera hing-gil sa nabuo/mabubuong praktis/pamantayan ng pagbasa ng panitikan at kultura batay sa mga kaisipan/pananaw/teorya niya. Itatampok ko rito ang tatawagin kong Kritikang MakaLumbera.

    Sa mahigit limang dekada, nagningning ang mga ideya ni Lumbera sa maraming usaping pangkultura at panlipunan na kinaharap/kinahaharap din ng ibang mga manunulat, guro, kritiko, kultural na manggagawa, ar-tista, at ng mamamayan sa kabuuan. Sa ma-habang panahon ng danas at diwa, nakaluk-lok siya bilang tinitingalang intelektuwal ng ating bansa. Kung kayat may pangangailan-gan na tanawin ang kanilang kontribusyon, usisain at pag-ukulan ng masusing pag-aaral kagaya ng ginagawa sa mga kritiko/pilosopo sa mundo ng kritika/teorya/pilosopiya. Pag-aaral sa kritiko at kanyang kritika ang ka-buuang tunguhin ng papel na ito. Mahalaga sa pag-aaral na ito ang pag-abang at pagsub-aybay sa mga kritikal na akda, kung alin sa

    mga ideya niya ang konsistent sa pilosipiya niya bilang kritiko/iskolar. Kung ano sa mga ito ang nabago, tinalikdan at alin pa ang ini-hahaing bago? Nais kong ihapag sa inyo ang mga puntos na tatalakayin ko:1) Pagtatangkang pagbuo ng isang kriti-kang Filipino batay sa kritikang makaLum-bera; at 2) Paglilinaw sa pagbasa/panunuri/kri-tikang makaLumbera ayon sa proyekto ng kanyang pagsulat/panulat sa mahabang pa-nahon (abot-tanaw, revalwasyon, pag-akda ng bansa) Moda ng pagbasang MakaLumbera, yug-to-yugto, cyclical

    1. abot-tanaw (aproksimasyon, pook-lu-nan-sityo, espasyo)

    Ang abot-tanaw ay inisyal na tumu-

    tukoy sa pook, espayo o tindig ng bumabasa/kritiko. Bilang

    pook, lokalidad ito ng ki-nagisnang kultura na nag-didirehe sa pagbulwak ng pananagisag ng isang kri-tiko. Ibig sabihin sa mata ni Lumbera, ito ang paksa-ing bayan, ang paksaing pambayan o sa sariling

    bayan. Abot-tanaw ng isang kritiko ang wika ng pananag-

    isag sa mga akdang likha ng

    mga Filipino sa konteksto ng aktuwal na mga kondisyon sa lipunang Filipino (2000: 210). Ibig sabihin, kailangan nating unawain ang isang akda dahil unang-una, malapit ito sa ating mga sarili at ikalawa inululuwal tayo ng mga kondisyong humuhubog sa atin bilang mga tao sa lipunang ito. Kailangan nating lumikha ng sariling pamantayang umiikot sa pagtataya ng akda at sa pag-unlad ng ating kritika. Malinaw na ipinaliwanag ni Lumbera (Breaking Through and Away) ang sanhi at bunga ng kontradiksyon ng gahum ng Kan-luraning teorya/kritika at kung bakit hindi maaaring gamitin sa lahat ng pagkakataon upang basahin/suriin ang ating mga akdang pampanitikan. Malaki ang ambag ng sanaysay na dating: panimulang muni sa estetika ng panitikang Filipino sa tunguhin ng isang maka-Lum-berang pagbasa sa panitikan. Maraming kaisipan, paniniwala, katawagan, praktis, tradisyon ang maaring gawing sangkalan sa pag-usisa sa masining na paglikhat pag-akda ng mga Pinoy. Naniniwala akong abot-tanaw ng kritiko ang mga kasangkapang teoretikal/intelektuwal kung lilingon lamang tayo pabalik, kundi man papunta, sa sariling bayan. Sabi nga ni Isagani R. Cruz, isa ring kritikong makaLumbera, dapat na maging kasangkapan ng paglaya at hindi ng kanlu-raning gahum ng mga naghaharing uri ang kritikang Pinoy(2003: 11). Siya ring nagsa-bing mas mayaman ang ating wika kaysa banyagang wika dahil mas marami tayong salitang maitutumbas sa konseptong lang-

    *

    LATHALAIN

    6

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    LATHALAINyan ang mga sanaysay na Towards a revised history of Philippine Literature, problems in philippine film history, the nationalist literary tradition, at iba pa. b) Pag-alingaw-ngaw ng makabayan, makaFilipinong tilamsik/himagsik ng diwa. (makulit, nakapanliligalig na diwa). Usapin ito ng pagbalikwas sa ideolohiya ng kolony-alismo ang mga tinuring galamay ng pa-nanakop, anino man o pisikal, na kumuku-long sa isipan at katawan ng mga Filipino magpahanggang-ngayon. Isa na rito ang lisyang edukasyon. Bago o dagdag na pers-pektibo rin ang inihahatid ng revalwasyon, katulad ng pagsasabing ang kulturang pop-ular ay politikal, at ang pag-uusigang, kaya ba tayong palayain ng pelikula? Sa sanaysay na pelikula bilang mapagpalayang sining, (2000:307), kapangyarihan ng mambabasa/manonood. c) Pagragasa ng patuloy na bisyon (abot-tanaw) at rebisyon (revalwasyon). Katahi palagi ang patuloy na problematisasyon ng nasyonalismo, wika, panitikan, kultura, sin-ing, kamalayan, at halos lahat na maaaring paksain natin sa pag-aaral ng ating mga sari-li (kaakuhan) at ng ating bansa. Nandyan ang paalala, tagubilin, paanyaya sa mga kritiko, dalubwika, manunulat, makata, historyador, pilosopo, social scientist na tahakin ang lan-das sa makabayan at makaFilipinong pag-aaral. Masasabi kong tagapangunang palai-sip si Lumbera sa mga larangang tinatahak ngayon ng mga iskolar ng bansa. 3. pag-aakda ng bansa (kasaysayan ng bansa, ang pagsulat ay metapora (ang sarili, diwa at ang bansa)

    a) ang bansa ay metapora, ang pag-aakda/pagsulat ay isang proyekto tungo sa imahi-nasyon ng bansa. The revolution as transformation continues. We, Lumbera seemingly suggests, have yet to achieve our nation. His works as poet, scholar and librettist bear witness to the es-sential Lumbera: Lumbera writes the nation, the nation is written in Lumbera. (www.lum-bera.ph) Ibig sabihin patuloy nating itampok ang bayan/bansa sa ating mga gawain bilang akademiko. Hindi natin masasagot marahil kung kailan ganap na mabubuo ang bansa, subalit sa ating maramihang pakikisangkot, sa ating aktibong pakikilahok sa usapin ng ating sining, ng ating paninindigan bilang akademiko, at katuwang ng mamamayan sa paglayat pag-unlad, unti-unti nating iginu-guhit sa ating imahinasyon ang ibat ibang

    hibla ng pagkabansa. Sa ganang akin, pag-sibol ito ng binhi sa kaisipan tungkol sa sarili at sa bansa. Pagpapatatag ito ng haligi ng karunungang Filipino at pagsasanga-sanga ng matatayog na puno ng kalinangang Fili-pino. Pagdami ito ng mga hitik na prutas ng diskursot praktika, hanggang maging bin-hi, ang mga buto, mulit muli, para sa mas malalim at mas malawak na larangan sa loob at labas ng ating sarilit bansa.(Nuncio at Morales-Nuncio, 2004:3) Sa anumapang tunguhin at tungkulin natin, bilang mga kri-tiko at alagad ng sining, inaakda natin ang bansa. Malay man tayo o hindi sa ganitong proyekto, kabahagi tayo sa bisyong maka-Lumbera. 4. pag-aakda ng sarili (paninindigan, politika, sabjektiviti) (biograpiya bilang kritika) buhay na kritika.

    Ang mga dambuhalang intelektuwal sa Euro-pa at Amerika ay nakikibakat humihimok sa iba para sa panlipunang pagbabago, una sa posisyon nila bilang mga publikong intelek-tuwal, at ikalaway pagturing sa kritika/pi-losopiya bilang buhay na kritika. Ito ang poli-tiko ng sarili, ang biograpiya bilang kritika.

    Alam na natin na malaki ang kontribusyon ni Foucault sa gay rights movement, ang pakikisangkot ni Giddens sa pagbubuo at pa-glilinaw ng pilosopiya ng labor party ni Tony Blair, ang makabuluhang komento ni Chom-sky sa buhay-politika ng Estados Unidos at marami pang iba. Sa mga nakakakilala kay Lumbera, hindi ko na iisa-isahin, ang aktibo niyang pakikilahok sa usapin ng politika. Bil-ang kritiko, bahagi ito ng pag-aakda ng sarili. Simple lang naman ang ipinapahiwatig nito sa atin, naniniwala ako na tayong mga mag-aaral, iskolar, guro, kritiko at iba pa na nasa akademya ay may responsibilidad sa bayan. Sa mga landas na tinahak ni Lumbera, maaari nating piliin ang ating kalalagyan sa mundo ng kritika at sa mundo ng makaFilipi-nong pag-aaral.

    Maaari rin tayong magsimula ng bagong tun-guhin, bagong pananaw, na lagpas at lalayo sa nasimulan ni Lumbera. Hindi malayong mangyari ito. Subalit dahil sa makabuluhang mga diskurso at dalumat tungkol sa kaaku-han, kalinangan at bansa ang ipinupukol sa ating isipan ni Lumbera, mahirap, kung inyong tatanggapin, ang kumalas sa Maka-Lumberang pagbasa. Sa bansang tulad ng

    Kritikang...sundan sa pahina 23

    yaw (2003: 84). Bilang dating estudyante ni Lumbera, dala-dala ni IRC bilang kritiko ang kahalagan ng sariling konsepto sa sariling wika para sa kritikang Filipino. Ang wikang Filipino, samakatuwid, ang isang komunikat-ibong espasyo na abot-tanaw ng ating mga kritiko.

    Idagdag pa sa abot-tanaw bilang moda ng pagbasa, ang demokratisasyon ng espasyo ang pag-akay, hanggat maaari, sa lahat bilang kabuuan o ang lahat bilang kasama sa tinatanaw na kabuuan. Sa ganitong pali-wanag, nilalansag ni Lumbera ang distink-syon o ang pagtatalabang baynaryo katu-lad ng panitikang pambansa vs. panitikang vernakular, mataas na kultura vs. kulturang popular, sining vs. politika, paksain vs. es-tetika, at marami pang iba. Sa kanya, ang lahat ng ating panitikan mula sa ibat ibang rehyon ay panitikang pambansa, walang dis-tinksyon. Isa pa, may puwang sa kritika ang pagbasa hindi lamang ng mga dakilang obra, kundi pati ang Valentines Card, Zuma, Bake-kang, Captain Barbell na laman ng komiks, rock opera at mga pelikula. Katulad ng ka-tanungang laging sumasagi sa isip ni Lum-bera, para kanino ang panitikan? Ano ang kapangyarihan nito para mabago ang kala-gayan ng mamamayan? May implikasyon din ito sa kritika. Kailangan din nating tanawin at abutin, at sagutin hindi ang nag-iisang kata-nungang deal or no deal o pagkompromiso sa pagbasat pagsuri, kundi ito: para kanino ang kritika? Ano rin ang kapangyarihan nito sa buhay ng ating sarilit bansa? 2. revalwasyon

    Katulad ng abot-tanaw, ang rebalwasyon ay isa ring moda ng pagbasa. a) Pagpapakinang sa binaon o nilimot na halaga/saysay ng akda/texto/diskurso. Kasa-ma sa proyekto ng revalwasyon ang pagbab-alik-muli sa nakaraan, sa kasaysayan. Ito ang premis ng naratibo, dito nakasandig ang ka-pangyarihan ng texto upang ipaunawa sa atin ang kinalalagyang abot-tanaw (ang tindig, at ating posisyon). Kay Lumbera napakahalaga ng kasaysayan, kaugnay nito, napakahalaga ring tukuyin ang punto de bista ng pagsulat ng kasaysayan. Sa mga nasabi nang tala ng mga kritiko/iskolar tungkol dito, malaki ang naging impluwensya ng ating mga historya-dor lalong-lalo na si Renato Constantino kay Lumbera. Sa ganitong maalab at marubdob na pagbabalik-tanaw, tiniyak ni Lumbera na ang kanyang kritika at lahat ng produksyong pampanitikan/pangkultura ay nakaangkla sa pagtanaw sa kasaysayang Filipino. Nari-

    7

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    OPINYON

    Kapag papel ni Marcos gawin nating bangkang papel. Kapag papel ni Cory gawin nating eroplano. Pebrero 1986 noon. Hindi ko alam kung nasaan ang tatay ko lalong hindi ko rin alam kung nasaan ang nanay ko. Pero isang impor-masyon lang ang nagdulot sa akin ng kaba. Sabi ng katulong namin huwag daw akong lalabas at baka tamaan ako ng bala ng tora-tora. Kahit na ganoon tuwang-tuwa pa rin ako sa pagtutupi ng mga flyers nina Marcos at Cory.

    Noong pinalayas si Marcos sa Malacaang halos wala rin akong alam o hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit dahil apat na taong gulang pa lang ako noon. Pero ang magulang ko parehong galit sa bagong administrasyon. Mas gusto raw nila ang pa-mamalakad ni Marcos dahil sa Martial Law at sa pagiging disiplinado ang mga tao. Pero hindi lahat ng Tsinoy ay sang-ayon sa paniniwala ng mga magulang ko. May mga maka-Cory rin pero sa palagay mo mas kakaunti sila.

    Pero kung gagamit tayo ng mikroskopyo upang tingnan ng malaliman at malapi-tan ang koneksyon ni Ninoy sa mga Tsinoy at ni Cory at kay Marcos. Ano ba ang ib-inigay ni Marcos sa aking mga magulang at sa iba pang Tsinoy upang magkaroon sila ng malaking utang na loob sa dating pangulo? Sa kaso ng mga Aquino at Mar-cos ito ay agawan ng kapangyarihan.

    Sa panonood ko ng telebisyon tuwang-tuwa kong pinagmamasdan ang mga tao sa EDSA na naka-dilaw at sumesenyas ng letrang L. Pati ang mga madre at pari ay naroon din sa EDSA. Ewan ko ba kung ano ang kinala-man nito sa aking buhay bastat ang alam ko lang mapanganib kapag akoy lumabas ng bahay.

    Pagkatapos ng EDSA People Power 1986 nagkaroon ng konseho sa aming bahay. Ano na raw ang mangyayari sa amin dahil si Cory na raw ang namumuno. Nag-alala rin ang mga Tsinoy lalo na ang mga pinanghahawa-kan nilang negosyo. Kaya marami pa ring Tsinoy na magpahanggang ngayon ay loyalis-

    ta pa rin kay Marcos.

    Sa aking pagsasaliksik sa aklat ni Teresita Ang See at sa panonood ng rin ng mga peli-kulang Mano Po ng Regal Films. Ang LOI (Let-ter of Instruction) 270 noong 1975 pala ang nagbigay ng malaking pagkakataon sa mga residentrng Tsinoy maging Filipino ang pag-kamamamayan. Ayon kay See ginawa ito ni Marcos hindi para maging Pilipino ang mga

    Tsinoy kundi para magkaroon ang Adminis-trasyong Marcos sa Tsina.

    Sa salaysay ni Vero Go ng Mano Po 1: My Family: kung sino ang nasa posisyon dun kami kumakampi ang aming angkan. Nang mapasok ni Angkong (Lolo) ang kopra trad-ing at sinuwerte, naging mabango siya sa mga opisyal. Hati ang Chinese community sa pro-Taiwan at sa pro-Mainland China. Pero kami noon kasama kami sa mga wa-lang kinilingan. Nagpalit ng mga presidente nagbago ang takbo ng buhay sa bansa, pero ganoon pa rin kami. Nakikibagay, nakikiayon sa kagustuhan ng kung sinoman ang nasa posisyon. Ganon din ang ginagawa ng mga

    Chinese-Filipino dahil ito lang ang nakikita nila para makasurvive ang Chinese Commu-nity sa Pilipinas.

    Sa kaso ng Pamilya namin, palihim kaming maka-Marcos. Ayon sa aking ina hindi ko mabibili ang mga laruan at iba pang luho ko kung hindi kami binigyan ng pagkakataon ni Marcos na maging mamamayang Pilipino. Naalala ko pa na noong bata pa ako halos

    mabali na ang takong ng nanay ko mag-karoon lang sila ng picture ni Imelda Marcos. Dagdag pa niya muntik na raw siyang hindi maging Filipino Citizen dahil hinarang daw ng hipag niya ang sulat na galing sa city hall.

    Sa aking pananaliksik at pagsipat ng mga sapantahat kuro-kuro ng mga tao, pare-pareho lang tayo na may sariling kagustu-han o interes. Sa palagay ko, hindi tama si Vera Go dahil puro makikibagay at pakikisama ang ginagawa niya. Eh paano

    kung masama na ang pamahalaan masisik-mura mo ba ito? Kaya mo bang makibagay rito? Mas maganda pa rin kung ipaglalaban natin ang tama.

    Marami na rin akong kilalang mga Tsinoy na nag-migrate sa USA, Australia, at Canada. Pero kami, sa hirap at ginhawa mananatili kami sa Pilipinas. Muli, gaya ng sabi ni Vera Go: umalis man ako dala ko pa rin Pilipinas. Kaya bakit ko pa aalisan ang hindi ko lubu-sang matakasan..

    A

    Sabi nga ni Vera Go: umalis man ako dala ko pa rin Pilipi-nas. Kaya bakit ko pa aal-isan ang hindi ko lubusang

    matakasan.

    8

    Tsinoy

    LESTER VINCENT G. TAN

    Si Ninoy, Si Tsinoy, at Si Cory... Sa Pagsipat ng isang Tsinoy

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    Ang Basilan

    Bayang Hikahos

    PROP. GENARO GOJO-CRUZ

    Malimit kong marinig at mabasa sa mga pahayagan ang lalawigan ng Basilan. Takot ang madalas kong nararamda-man kapag naririnig ko ang Basilan. Ilang guro na ba ang nakidnap sa lalawigang ito? Buo sa aking loob na hinding-hindi ko pupuntahan ang lalawigang ito kailanman. Pero dumating ang isang imbitasyon. Di ko alam kung bakit ako umoo. Bago pa man dumating ang araw ng aking pagpunta sa Basilan, napag-usapan na ang dapat na gawin.

    May kasama ako sa pagbibiyahe. Pero ang problema, di siya nakasama sa flight na da-pat naming sasakyan. Biglang napuno ito.

    Ako na lang ang kanyang pinauna. Lalong tumindi ang aking takot. Ang tanong ko sa kanya, "Sino ang susundo sa akin pagdating ko ng Zamboanga." Ang sagot niya, meron daw. Tinanong ko ang pangalan, ang sabi niya, di raw sila nagbibigay ng pangalan. Kaya nga sa unang pagkakataon, takot ang nararamdaman ko sa aking paglalakbay na iyon, di tulad ng mga unang kong paglalak-bay. Sa ganitong pagkakataon pala, tala-gang lahat ay maaaring paghinalaan. Nawa-lang bigla ang aking tiwala sa tao. Paglapag ko ng Zamboanga, nakatanggap agad ako ng mensahe sa aking cellphone.

    Ganito ang nakasaad: Sir si Police Tanhaji magsndu sau and2 me nktayo s lbas nka uni-form gren my pngalan s armalite PNP. Sino

    ang di mangangamba sa ganitong mensahe? At mula noon, sa loob ng halos apat na araw di na ako iniwan ni Tanhaji. Sa aking silid, sa pagpun-ta sa Basilan, sa mga araw ng aking paglelektyur, sa aking pagpunta sa CR, pagkain, pagpapaload, at iba pa.

    Halos 700 guro buhat sa iba't ibang bayan ng Basilan ang nakinig sa aking 2 araw na lektyur sa Filipino at Social Sciences. Nakita ko ang ka-nilang masidhing kagustu-hang matuto ng maraming bagay ukol sa wikang Filipino at mga paksang may kaug-nayan sa Agham Panlipunan. Mula sa gurong nagsidalo, staff, janitor, registration at

    iba pa, ay nagrereview din para sa Licensure Exam for Teachers (LET). Marami sa kanila ang di permanente sa kanilang pinagtuturu-ang paaralan dahil di pa sila mga LET pass-er.

    Mabagal ang aking pagsasalita. Alam kong di nila gamay ang wikang Tagalog. Nagsim-ula ako sa basic. Maingat na maingat ako sa pagbibigay ng mga halimbawa. Kahit nga sa pagwawasto ng mga test item, sa halip na Baboy para sa B, ginawa kong BATA. Alam kong madumi at nakadidiri ang baboy sa kanila. Lahat ng sinabi ko ay isinusulat nila. Kahit araw ng Biyernes at panahon ito ng

    Sa aking halos tatlong araw na paglagi sa Basilan, nala-man kong di totoo ang lahat ng balita sa TV at radyo. May mga bahagi pa rin ng Basilan ang payapa tulad ng Isabela.

    pagdarasal sa mga Muslim, talagang inuna muna nila ang pag-aaral. Walang umaalis hanggat di ako natatapos. Kung bakit kasi iginigiit sa kanila ang wikang Tagalog? Paki-ramdam ko, hiwalay na hiwalay ang Basilan sa Pilipinas.

    Sa aking halos tatlong araw na paglagi sa Basilan, nalaman kong di totoo ang lahat ng

    balita sa TV at radyo. May mga bahagi pa rin ng Basilan ang payapa tulad ng Isabela. Sa huling araw ko sa Basilan, nananghalian ako sa bahay ng Governor kasama pa rin ang lagi kong kasama at iba pa. Kumain ng mga pagkain ng Muslim.

    Di tulad noong papunta ako, walang anu-mang takot akong nadama nang lisanin ko ang Basilan. Sa aking pag-uwi, nabuo ang isang pagnanais na sana ay muli akong makabalik ng Basilan at makaharap ang mga gurong laging gustong matuto.

    Halos 700 guro buhat sa ibat ibang bayan ng Basilan ang nakinig sa aking 2 araw na lektyur sa Filipino at Social Sciences. Nakita ko ang ka-nilang masidhing kagustu-hang matuto ng maraming bagay ukol sa wikang Filipino at mga paksang may kaug-nayan sa Agham Panlipunan.

    A

    OPINYON

    9

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    TULI SA PUKPOK: KULTURANG PILIPINO, TRADISYONG PAGBILAWIN

    Marahil kakaunti pa lamang ang mga nagawang pag-aaral tungkol sa tuli. Sa kulturang Pilipino nagsisimulang mag-patuli ang mga bata sa edad 10 pataas o iyong mga nasa elementarya pa lamang. Mga batang nagsisimula ng magbinata. Alam naman nating lahat na sa kulturang Pilipino ang pagpapatuli ay isang mahalagang bagay na dapat pagdaanan ng mga batang nasa ganoong edad. Ito ay maituturing na isang oryentasyon upang maihanda ang mga batang Pilipino sa pagiging isang ganap na lalaki. Sa Pilipinas, mayroon tayong tradisyunal na pamamaraan ng pag-tutuli. Para sa mga Pilipino malaki ang gampanin ng pagpapatuli sa pisikal at sikolohikal na bahagi ng pagkatao ng isang indibidwal. Kabuuang layunin ng pag-aaral na ito ang malaman ang pisikal at sikolohikal na sanhi at bunga ng pagpapatuli sa tradisyunal na pamamaraan para sa mga Pilipinong lalaki na nakaranas nito. Gayundin, ang rason kung bakit marami pa ring mga Pilipino ang naniniwala sa pamamaraang ito ng pagtutuli.

    Paglalahad

    Sa pag-aaral na ito nanatili ang mananalik-sik sa bayang ng Pagbilao sa loob ng limang araw upang makakuha ng mga impormasyon sa kanyang isinasagawang pag-aaral. Min-abuti ng mananaliksik manuluyan muna sa tahanan ng kanyang lola kung saan doon din sya lumaki.

    Unang tinanong ng mananaliksik ang kan-yang lola at ina. Ipinabatid niya ang kanyang pakay bukod pa para makita o madalaw sila. Doon ipinaliwanag niya ang kanyang pag-aaral na nais isagawa. Malugod naman na-kinig at nagbigay ng impormasyon ang kan-yang ina. Nagbigay ang kanyang lola at ina ng mga posibleng sasagot sa ilang tanong ng mananaliksik na may kinalaman sa pag-aaral. Naging positibo naman ang lahat.

    Gamit ang kanyang abilidad na makisang-kot sa mga taga-Pagbilao, nagtagumpay ang mananaliksik na makakuha ng mga kalahok. Sa pananamit, simple lamang ang kasuotan ng mananaliksik, sa katunayan na-kasuot lamang ito ng tipikal na pambahay na madalas niyang suot subalit sinigurado ni-yang ito ay malinis upang maging kaayaaya sa mga kalahok. Sa panahon/oras tinitiyak ng mananaliksik na ang mga kalahok ay wa-lang gaanong gingawa ng mga oras na iyon. Madalas mga araw ng Sabado at Linggo kung magtungo ang mananaliksik sa mga bahay ng kalahok. Iyong tipong tapos na ang oras ng eskwela o walang klase. Kadalasan matapos ang tanghaliaan. Iyong panahong nagpapahinga na ang mga kalahok o nano-nood ng telebisyon. Kasama niya ang kan-

    yang ina na nagsilbi ring tagapag-ugnay o go between sa mananaliksik at mga kalahok. Nabigyan din ng pagkakataon ang manana-liksik na makumusta ang kanyang mga nag-ing kapitbahay sa bayan ng Pagbilao, dahil dito naging maganda ang pagsang-ayon ng mga kalahok na sumagot sa mga taong ng mananaliksik.

    Bilang mga Pilipino, nagbigay galang ang mananaliksik sa kanyang mga kalahok lalo na sa mga nakatatanda sa kanya. Nagpa-pakilala muli ng sarili sapagkat medyo mata-gal na rin na hindi nakakauwi ang manana-liksik sa kaniyang bayan. Bumabati rin ang mananaliksik sa mga kalahok. Gumamit din ng pakiramdam, upang magkaroon ng ma-husay na tanungan sa pagitan ng tagabatid at mananaliksik. Sa bawat pagtatapos ng tanungan, hindi kinakalimutan ng manana-liksik ang magbigay ng pasasalamat sa mga kalahok.

    Kalahok/Partisipant

    Walo ang kalahok o partisipant ang nakalap na siyang nagbibigay ng mga impormasyon upang makakuha ng sapat na kaalaman ang mananaliksik para sa ikauunlad ng pag-aar-al. Ang mga ito'y lalaki na may edad sampu (10) hanggang labinganim (16). Mga edad kung saan nararapat tulian ang isang Pilipi-nong lalaki. Nagsilbi ring partisipant ang mga magulang ng mga batang ito kung saan nagbigay rin sila ng mga mahahalagang impormasyon na makatutulong sa pagbuo ng papel na

    ito. Gayundin, nagawa ring tanungin ng ma-nanaliksik ang mismong tao na gumagawa ng pagtutuli o manunuli. Lubos na nabigyan ng sapat na kaalaman ang mananaliksik sa puntong ito.

    Ang mga naging kalahok sa pag-aaral na ito ay mga taga-Pagbilao, isang bayan sa lalawigan ng Quezon. Minabuti ng manana-liksik na piliin ito sapagkat siya ay lumaki rito sa loob ng labingwalong taon. Sapat na taon upang malaman niya ang ugali at ory-entasyon ng mga batang naninirahan dito. Mahusay ang ganitong oryentasyon para sa naging pag-aaral sapagkat naging madali sa mananaliksik na makakuha ng mga kalahok na siyang nagbigay linaw sa pag-aaral.

    Kinasapitan

    Sa pag-aaral na ito binigyang pakahulugan ni Manong Romeo Glorioso, 63 taong gulang-isang sikat na manunuli sa bayan ng Pagbi-lao, ang pagtutuli bilang paghahanda sa mga batang lalaki tungo sa pagiging isang tunay na lalaki. Walang pormal na pag-aaral kung bakit natutong magtuli si Mang Romeo. Ayon sa kanya, ang pagmamasid-masid lamang sa pagtutuli ang naging sandata niya upang siya ay matuto ng ganitong tradisyunal na pa-mamaraan. Binanggit din niya na ito ay isang tradisyong Pilipino kung saan nagpasapasa na sa iba't ibang henerasyon. Sa pagtutuli, dito hinihiwa ang lambi (foreskin) ng ari ng isang lalaki upang lumabas ang ulo nito. Sa ating bansa kadalasan tuwing Marso, Abril o Mayo nagaganap ang tradisyunal na pagtutu-li sapagkat ito ang mga buwan kung saan bakasyon (summer vacation) na ang mga

    ni REYNELE BREN G. ZAFRA, MA in Philippine Studies

    SALIKSIKAN

    10

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    bata sa klase. Dinagdag din niya na ang tuli sa pukpok ay isang tradisyunal na pamama-raan ng pagtutuli sa isang bata/binatilyong lalaki sa Pagbilao.

    Proseso sa Tradisyunal na Pagtutuli (Ayon kay Mang Romeo Glorioso)

    1. Ibabad ang ari ng lalaki sa yelo upang ito ay mangimi. Ito ay ginagawa upang maibsan ang sakit na maaring idulot ng pukpok.2. Nguyain ang mga dahon ng bayabas.3. Ilagay ang ulo o dulo ng ari ng lalaki sa lukaw.

    4. Kunin ang labaha at pukpukin ang lambi ng ari ng lalaki upang mahati ang lambi nito at lumabas ang ulo. (Nakasalalay ang bilang ng pukpok, depende sa lambot at kunat ng lambi ng ari ng batang lalaki).

    5. Pagkatapos, lagyan ng mertayulet upang malinis ang sugat.

    6. Matapos, ilagay ang pupot upang maam-pat ang pagdurugo.

    Matapos ang proseso, kailangan gamutin ito upang mabilis na gumaling ang sugat sa ari ng lalaki. Kailangan itong langgasin sa uma-ga at gabi.

    Proseso ng Paglalanggas sa Bagong Tuli (Ayon kay Mang Romeo Glorioso)

    1. Mag-init ng tubig.

    2. Kapag kumukulo na ang tubig, ilagay ang mga sariwang dahon ng bayabas, hayaan kumatas sa tubig.

    3. Matapos ito, hayaang lumamig muna ng sandali ang dahon ng bayabas bago langgasan ang ari ng bagong tuli.

    4. Matapos ang paglalanggas, lagyan ito ng bagay na kinuskos sa bao ng niyog. Magaling itong pampatuyo ng sugat.

    5. Matapos ang lahat, ilagay na ngayong ang malinis na pamputpot.

    Dagdag pa ni Manong Romeo na ang sugat ay maaring gumaling sa loob ng apat hanggang pitong araw. Nang tanungin ng mananaliksik kung bakit mas maganda ang tuli sa pukpok, nagbigay siya ng ilang mga bentahe.

    1. Mahusay ang tuli sa pukpok sapagkat hin-di na ito bumabalik pa sa dating kalagayan (supot) hindi gaya ng tuli gamit ang moder-nong operasyon o surgical operation.

    2. Tanggal din ang kupal. Ito ay isang mabaho o dumi sa loob ng lambi ng ari ng lalaki. Hindi gaya sa makabagong pa-mamaraan na may maaari pang may matirang kupal.

    3. Ito ay praktikal para sa mga or-d inar yong P i l i p i -n o .

    Hindi na kinakailangan pa ng malaking sala-pi (Php 700-1000) para isagawa ito.

    4. Hindi napuputulan ng litid ang ari ng la-laki. Dahil dito naiiwasan ang matinding pag-durugo. Sa loob ng tatlumpot-walong taon niyang pagtutuli, wala pang nadisgrasya si Mang Ro-meo sa pamamaraang pukpok.

    Nang tanungin ang walong bata/binatilyong mga kalahok kung bakit kailangan magpat-uli ang isang batang Pilipino, nagkaisa ang mga ito na upang maging isang ganap at tu-nay silang lalaki. Lahat sila ay sumang-ayon sa ganitong kasagutan. Lumabas din sa pag-

    aaral na isa sa mga dahilan din ng pag-papatuli nila sa pukpok ay upang hindi

    tuksuhin ng mga kaibigan partikular na ang mga kababaihan. Nariyan

    din ang mga paniniwalang ka-pag nagpatuli sila sa puk-

    pok, sila ay tatangkad.

    PHOTO CREDITS:http://monrock.multiply.com/photos/album/44/Biyern

    es?&album=44&view:replies=reverse#5

    11

    SALIKSIKAN

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    Samantala, para sa mga ina ng mga kalahok na bata/binatilyo, ito ay isa ng tradisyong Pilipino. Kinagisnan na at kailangang mag-patuloy. Ayon din sa mga kalahok, pinili nila ang tuli sa pukpok sapag-kat maganda ang tuli dito. Tatlo ang nagsabi sa mga kalahok, na dito mo masusubukan ang tapang sapagkat wala naman itong anes-thesia hindi gaya ng tuli sa lisen-syadong doktor. Samantala lima ang nagsabi na makasisigurado kang mainam ang tuli sa pukpok sapagkat hindi na ito babalik pa sa dati hindi gaya ng tuli sa doktor. Para sa mga magulang, pinatulian naman nila ang kanilang anak sa tradisyunal na pamamaraan sa pagiging praktikal na kadahilanan. Halos lahat binanggit na praktikal ang pagpapatuli sa pukpok, sapag-kat pwede na ang isang kaha ng si-garilyo bilang pampalubag loob sa manunuli. Hindi gaya ng sa doktor na kailangan mong magbayad ng pitong daan hanggang isang libong piso.

    Mga Gamit ni Mang Romeo sa P A G T U T U L I

    Lukaw- ito ay matulis na bagay na karani-wang gawa sa kahoy ng bayabas. Dito isi-nusuot ang dulo ng ari ng lalaking tutulian.Yelo- kung walang ilog o dagat sa lugar na pagtutulian pwede rin ang yelo. Ito nagsisil-bing pangimi sa ari ng lalaki upang hindi maramdaman masyado ang sakit.

    Putpot- isang maliit na telang puti na may karaniwang sukat, may butas sa gitna kung saan dito isinusuot ang ari ng lalaki matapos tulian. Nagsisilbing pang-ampat ng dugo.

    Mertayulet- gamit upang maiwasan ang impeksyon.

    Dahon ng Bayabas- kadalasang nginun-guya ng mga batang lalaking tutulian. Mata-pos nguyain ito ay iluluwa sa mismo nilang ari upang magsilbing gamot.

    Labaha- isang uri ng kutsilyo kung saan ipi-nanghihiwa o pinupukpok sa ari ng lalaki.

    Pampukpok- bagay na gawa sa kahoy. Nag-sisilbing pamukpok sa labaha.

    Mga Bentahe ng Tuli sa Pukpok Para sa mga Naging Kalahok

    1. Nakatitipid sa pananalipi kapag tradisyunal na pamamaraan ang ginamit. Hindi gaya ng tuli, gamit ang modernong operasyon. Magas-tos.

    2. Mas maganda ang pagkakatuli sa pukpok sapagkat mabilis guma-ling ang sugat. Hindi gaya ng tuli, gamit ang modernong operasyon. Tumatagal ng dalawang linggo.

    3. Mahusay ang tuli sa pukpok sapagkat ta-lagang malilinis ang ari ng lalaking tinulian. Tanggal ang kupal o dumi sa ari ng lalaki.

    4. Maayos ang pagkakatuli sapagakat wa-lang sobrang lambi o foreskin. Hindi gaya ng tuli, gamit ang modernong operasyon may lambi pa rin natitira sa ari ng lalaki.

    5. Makasisiguro na hindi na maaaring buma-lik pa sapagkakasupot. Hindi gaya ng tuli, gamit ang modernong operasyon, may mga pagkakataon na maaring bumalik sa pagka-supot.

    Mga Pisikal at Sikolohikal na Pagbabago na Naganap para sa mga Nagpatuli sa Pukpok

    1. Nakaramdam ng pagtangkad.

    2. Lumagong ang kanilang boses.

    3. Nahubog ang kanilang tapang.

    4. Nagkaroon ng tiwala sa sarili na kaya nil-ang lagpasan ang isang bagay.

    5. Hindi na sila nahiyang makipagkwentuhan tungkol sa maseselang bagay. Hindi gaya kung supot pa, maaring tuksuin.

    6. Lumakas ang loob ng manligaw sa isang babae.

    7. Naging ganap at tunay ang pagka-lalaki.

    Interpretasyon Base sa mga sagot ng mga tagabatid, masasabi ng mananaliksik na ang pagtutuli sa tradisyunal na pama-maraan (tuli sa pukpok) ay isang kulturang Pilipino. Kulturang Pagbi-laoin na nagpasalin-salin mula noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Bagamat nauuso na sa kasalukuyang panahon ang pag-tutuli gamit ang modernong paraan (makasiyensya) partikular na sa mga lungsod napatunayan ng pag-aaral na ito na hindi pa rin kumukupas ang tradisyunal na pagtutuli sa mga ka-bataang Pilipino.

    Lumabas din sa pag-aaral na ito na ang pagiging isang tunay na lalaki ay isa talagang katangian pinahahala-gahan ng mga kalalakihan sa ating bansa. Tunay na ang isyung ito ay maselan para sa kanila. At ang pag-papatuli ang isa sa mga nakikita ng mga ito (kalahok) bilang pagpapatu-nay na sila ay isang ganap na lalaki. Pero aminin man natin ito o hindi, hindi pa rin sapat na maging basehan ito sapagkat mahigit na dapat nat-ing pahalagahan ang ating ugali at kakayahan para maituring na ganap tayong lalaki. Isang halimbawa nito ay ang pagbuhay ng ating pamilya.

    Batid din ng mananaliksik na kinatat-akutan ng isang batang Pilipino ang hindi pagpapatuli sapagkat maaring sila ay lokohin lalo na ng mga kaba-baihan. Nahihiya sila kapag ganito

    ang nangyari.

    Tunay, mahalaga sa mga Pilipino ang sas-abihin ng iba sapagkat tayo ay may puso at hindi ganoon kaliberal gaya ng kulturang kanluranin. Sa atin, mahalaga ang iniisip ng ating kapwa. A

    SANGGUNIAN

    SIKOLOHIYANG PILIPINO, Teorya, Metodo at Gamit, Rogelia Pe-Pua, 1995./ Sikolohiyang Pilipino: Pamana ni

    Virgilio G. Enriquez, Rogelio Pe-pua at Elizabeth Protacio-Marcelino, 2002/ Lilia F. Antonio et. Al, Sikolohiya ng

    Wikang Filipino, 2003/ David L. Gollaher, Circumcision: A History of the World's Most Controversial Surgery/ http://

    en.wikipedia.org/wiki/History_of_male_circumcision/ http://www.d.umn.edu/~mcco0322/history.htm/ http://medical-

    dictionary.thefreedictionary.com/circumcision

    12

    SALIKSIKAN

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    LATHALAIN100 Pelikulang Filipino

    na dapat ninyong panoorin bago malaos ang DVD!Naging matagumpay ang listahan ko ng 100 Kontemporaryong Aklat na dapat ninyong basahin bago kayo kunin ni Lord! kung kayat ginagaya na ito ng iba (may botohan pa ang isa). Katulad nang naipangako ko, ihahatid ko naman ngayon sa inyo ang listahan ko ng 100 pinakamagagaling at pinakapaborito kong pelikulang Filipino. Siyempre pa bago tumaas ang kilay at magmaktol ang mga kritiko, iskolar, artista, direktor at film outfits, gusto kong linawin na personal ko itong listahan. Ang Insiang ang una sa akin dahil sa maraming dahilan. Hintayin ninyo ang susulatin kong kritikal na papel tungkol sa pelikulang ito. Si Lino Brocka ang para sa akin ang (pinakang-) pinakamagaling na direk-tor na Filipino. 1. Insiang 2. Ganito kami noon, Paano Kayo Ngayon? 3. Tinimbang ka ngunit kulang 4. Himala 5. Mga Munting Tinig 6. Orapronobis 7. Kakaba kaba ka ba? 8. Maynilasa kuko ng liwanag 9. Tanging Yaman 10. Panday (1-4) 11. Sister Stella L 12. Batch 81 13. Oro Plata Mata 14. Magnifico 15. Minsay isang gamo-gamo 16. Kubrador 17. Darna 18. Ang Dalubhasa 19. Bata, bata paano ka ginawa? 20. Bilangin ang butuin sa langit 21. Shake Rattle & Roll 1 22. Scorpio Nights 23. Pasan ko ang daigdig 24. Jaguar 25. Wag kang lilingon 26. Kasal, kasali, kasalo 27. Sakal, sakali, saklolo 28. Bagets 29. Jose Rizal 30. Saan darating ang umaga? 31. Kapag puno na ang salop 32. Ang lalaki sa buhay ni Selya 33. Ang tatay kong nanay 34. The graduates 35. Ligaya ang itawag mo sa akin 36. Captain Barbell 37. John en Marsha 38. Batang Quiapo 39. Anak 40. May minamahal 41. Ina kapatid anak 42. Bituing walang ningning 43. Bayan ko: Kapit sa patalim 44. Ang hiwaga ng Ibong Adarna 45. Dekada 70 46. Working Girls 47. Bagong buwan 48. Scorpio Nights 2 49. Muro ami 50. Relasyon

    ni Dr. Rhod Nuncio

    51. Feng Shui 52. Curacha: ang babaeng walang pahinga 53. Kalabog & Bosyo 54. Babangon akot dudurugin kita 55. Mang Kepweng 56. Kahapon may dalawang bata 57. JOLOGS 58. Spirit Warriors 59. Mano po 1 60. American Adobo 61. Crying Ladies 62. Ang pagdadalaga ni Maximo Oliveros 63. Tatarin 64. Pila balde 65. Machete 66. Annie Batungbakal 67. Mumbaki 68. Dyesebel 69. Inday bote 70. Malikmata 71. Bukas luluhod ang mga tala 72. Isang bala ka lang 73. Madrasta 74. Ang tanging ina 75. Once in a blue moon 76. Milan 77. Ako legal wife: Mano po 4 78. Caregiver 79. Kulam 80. Bulaklak ng Maynila 81. Soltera 82. Dito sa pitong gatang 83. Pik pak boom 84. Pedro Penduko 85. Miguelito: ang batang rebelde 86. City after dark 87. Facifica Falayfay 88. Pare ko 89. A very special love 90. Estudyante blues 91. Ouija 92. Panaghoy sa suba 93. Aishite imasu 94. Natutulog pa ang Diyos 95. Okey ka fairy ko 96. Sarah, ang munting prinsesa 97. Markova: comfort gay 98. Dubai 99. Wansapanataym100. Pinoy Blonde

    13

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    ni MEI ABAYA, AB PHM

    Kung Boracay, Puerto Galera at Puerto Princesa pa lamang ang iyong nalalakbay masasabi kong hindi mo pa talaga natitikman ang kakaibang sayang dulot ng surfing mecca ng Pilipinas. Kung hanap mo ay kakaibang trip kasama ang iyong mga kaibigan o kapamilya. Buong puso kong ipapakilala sa iyo ang isa sa ipinagmamalaki ng ating bansa dahil sa malinis na karagatan at naglalakihang alon na inihahandog nito sa mga surfing aficionado na gaya ko, ito ang surfing capital ng bansa, ang Siargao.

    Tara Na sa SiargaoMula sa Manila, dalawa ang paraan upang marating ang paraisong ito ang una ay ang pagsakay sa eroplano at ang pangalawa na-man ay ang paglalakbay sa karagatan.

    Araw-araw ay may biyahe ang Philippine Air-lines patungong Butuan City na dalawang oras na biyahe ang layo patungong Surigao Del Norte. Kung ikaw naman ay nagtitipid, mayroong mga bus sa Pasay na sumasakay sa Super Ferry patungong Cebu City o deret-song Surigao City. Mula Surigao, maglalakbay ka ng dalawang oras gamit ang ferry upang makarating mismo sa pulo ng Siargao. Kung manggagaling namang Cebu, mayroong bi-yaheng panghimpapawid na patungong Siar-gao. Sa Siargao, kilala ang motorbike at jeep bilang pangunahing midyum ng transporta-syon patungo sa mga ibat ibang destinasyon na nais puntahan ng mga turista.

    Kung iniisip mong surfing lang ang libangan

    sa lugar na ito, marami ka pang dapat mala-man sa mala-paraisong paglalakbay dito.

    Hello Siargao.Matatagpuan sa silangang bahagi ng Pilipi-nas ang Siargao ay nagdudulot ng kakaibang saya para sa mga naghahanap ng bagong trip sa kanilang bakasyon. Kung ikaw ay isang na-ture lover, adventure seeker, beach buddy at surfing aficionado ang Siargao marahil ang isa sa mga lugar na iyong dapat na mapun-tahan. Sa lugar na ito surfing, diving, pang-ingisda, at pamamangka ang ilan lamang sa mga nag-aabang sa iyong pagdating dito.

    Sa pagdayo mo sa Siargao maraming mga re-sort at hotel ang nag-aalay ng magagandang akomodasyon para sa mga turista ngunit hindi ang mga lugar na ito ang dinarayo ng mga turista kundi ang naggagandahang ka-likasan at malilinis na karagatan na tanging sa lugar lamang na ito makikita.

    Ang Siargao ang isa sa mga lugar dito sa Pilipinas na may masaganang karagatan. Dahil dito, ang pangingisda ang pangunahing trabaho ng mga naninirahan dito bukod sa pagtanggap sa mga turistang dumarayo. Ang pangingisda din ang ilan sa gawaing dumad-agdag sa listahan ng libangan ng mga dayo sa Siargao. Dahil sa pangangalaga ng mga Surigaonon sa kanilang karagatan, maram-ing ibat ibang klase ng isda ang mahuhuli dito ilan sa mga iyan ay ang mga kilalang tuna, mackerel, tanigue at mga salmon. At kung hindi naman panahon ng mga isdang ito ay hindi naman mauubusan ang mga turista ng masasaganang isda kung kailan man nitong naisin mangisda.

    Dahil din sa maayos na pangangalaga ng mga taga rito sa kanilang eco-marine sys-tem, isa din sa mga dinadayo dito ay ang snorkelling. Ang Siargao, ang isa sa may mga magagandang coral reefs dito sa Pilipinas na dinadayo talaga ng mga turista. Ang munici-

    LATHALAIN

    14

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    palidad ng Guyam at Dako ng Siargao ang ilan lamang sa mga lugar na pinupuntahan ng mga turistang nagnanais sisirin ang kara-gatan upang makita ang mga kakaibang ka-harian ng mga isda at corales na sa Pilipinas lamang matatagpuan.

    Kung nais mo naman ay isang tuyong pagla-lakbay sa lugar na ito, maaari mong dalawin ang mga ibat ibang tiangge o palengke na nagbebenta ng mga souvenir items na kara-mihan ay gawa sa niyog. Tiyak kong malili-bang ka sa pamimili sa lugar na ito dahil sa murang halaga ng bilihin. Ang mga murang pagkain, damit at mga kagamitang pamba-hay na inilalako dito ay likha at alaga ng mga naninirahan sa Siargao at tiyak kong dito la-mang sa lugar na ito matatagpuan.

    Kung hanap mo naman ay kakaibang aksyon ngunit ayaw mabasa ng tubig alat, nariyan naman ang trekking sa mga kagubatan ng Siargao. Sa mga kagubatan ng Siargao ay lilibangin ka ng mga hayop na dito lamang matatagpuan gaya ng pamosong tarsier ng Visayas at ibat ibang klase ng mga ibon na hindi kilala ng karamihan.

    Ang ilan naman sa mga dayuhan ay pagga-gala ang ginagawang libangan sa kanilang pagdayo sa lugar na ito. Dahil sa malinis na kapaligirang inihahandog nito sa mga dayu-han sapat na para sa mga ito ang makita ang ganda ng kalikasan na sa Siargao lamang mararanasan. Photog-raphy, biking at sight-seeing, ilan lamang din ang mga ito sa nag-bibigay saya at sigla sa mga dumaraming turistang nagpupunta dito sa Siargao.Sa kabila ng mahabang listahan ng mga liban-gan sa paraisong ito, hindi naman tatawag-ing surfing mecca ang lugar na ito ng walang sapat na dahilan.

    Siargao: Surfing Capi-tal ng PilipinasIsa sa mga dinadayo ng napakaraming turista mula sa ibat ibang su-lok ng mundo ay ang naggagandahan nitong mga alon.

    Sa Tuason Point sa General Luna, muni-sipalidad ng Siargao,

    matatagpuan ang mga pinaka-tanyag at kilalang alon sa Pilipinas, na ang ilan lamang ay nailista na sa mga surfing magazines ng ibang bansa. Ang lugar na ito sa General Luna ay nakilala dahil sa mga alon nitong mala-laki at mabibigat kung humampas sa kara-gatan at tanging mga magagaling na surfers lamang ang nakakalagpas. Sinasabi na ang Siargao ang isa sa mga lugar na bumubuo ng perpektong alon gaya ng Cloud 9, na kinilala sa ibang bansa bilang isa mga mahihirap na alon na makakasagupa ng mga surfers kumpara sa mga matatagpuan sa Hawaii. Ilan rin sa mga dinadayong alon dito ay ang Rocky Island, Stimpys at Pacifico. Dahil din sa mga along ito ay nailarawan ang maliit na pulo ng Siargao sa mapa ng buong mundo.

    Dahil kilala ang lugar bilang Surfing Paradise ng Pilipinas, ang ilang mga resorts ay nagha-handog ng mga surfing lessons para sa mga nais matuto na isa rin sa mga dinarayo ng mga turista at first-time surfers. Tuwing ikaapat na linggo naman ng Setyem-bre hanggang Oktubre, hindi pinalalagpas ng mga turista ang ginaganap na Siargao Cup para sa mga surfers mula sa ibat ibang su-lok ng bansa at ng mundo. Dito nagtatagisan ng galing ang mga bihasang surfer sa pag-sugod at pagpapakitang gilas ng kanilang mga estilo sa pagsabay sa alon ng karaga-tan ng Siargao. Isa ito sa mga pinakahihintay na kaganapan sa lugar na ito lalung-lalo na

    ng mga surfers. Dito nagkakatagpo-tagpo ang ibat ibang mga surfers mula sa ibang bansa. Dahil dito ay umuusbong ang turismo sa Pilipinas.

    Dayo na sa Siargao. Sa kasalukuyan, hindi pa rin nababago ang pagtingin ng mga turista sa paraiso ng mga naggagandahang alon ng Siargao. Dahil sa maayos na pamamalakad ng mga naninira-han sa lugar na ito, hindi pa rin tumitigil ang paglabas-masok ng mga turista na dumarayo at kumikilala sa gandang taglay ng lugar na ito. Dahil rin sa kakaibang handog ng kara-gatan nito sa mga turista ay kinilala ito bil-ang isa sa mga sampung tanyag na beach ng Pilipinas na talagang sinusugod ng mga turista. Sa natural na kagandahang taglay ng lugar na ito, hindi ka mapapadalawang-isip na subuking dalawin ang ipinagmamalaking lugar na ito ng Pilipinas at dahil sa kinikilala at dinadayong mga alon ng Siargao ay talaga namang karapat dapat ito sa titulong Surf-ing Capital ng Pilipinas. Ang Siargao ang isa lamang talagang mapagmamalaking paraiso ng bansa na nagpapataas ng antas ng turismo at nagpapakilala sa iba pang ka-gandahang mayroon ang bansang Pilipinas. Kaya kung hanap mo ay malinis na karaga-tan, magagandang tanawin, nakakagaan na paglalakbay at kakaibang bakasyon: Dayo na sa Siargao! A

    PHOTO CREDITS http://www.lakbaypilipinas.com/articles/images/siargao_surfing3.jpg

    http://4.bp.blogspot.com/__SqfTnKrViQ/R2CbY5iaJ6I/AAAAAAAAADk/N3NsnezhUuM/s400/Siargao%2Bsurf%2Bkathy%2Bchua3%2Bfinal.jpg

    LATHALAIN

    15

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    Sa ilalim ng pang-akademikong gawain, naririto ang mga lektyurs, workshops at mga film showings. Para sa unang termino magkakaroon ng 3 lektyur na tatalakayin ang mga sumusunod: paraan ng pagsasalin, thesis making at social networks sa mga ka-bataan. Kasama rin dito ang film showing na magbibigay pokus sa pelikula ni Lino Brocka. Magkakaroon rin ng isang publication tour para makatulong sa pagbibigay sa amin ng mga impormasyon na kailangan naming ala-min at matutunan.

    Para naman sa ikalawang termino, mag-kakaroon ng 2 lektyur tungkol sa mga ss: epekto ng mga transgenders at epekto ng komiks na Zsa Zsa Zaturnah sa lipunang

    DANUM, patuloy sa pagdaloyAng mga bagong opisyal ng organisasyong Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral sa Araling Filipino (DANUM) para sa

    taong 2009-2010:

    Pangulo: Lucia Kristina Francesca DavidIkalawang Pangulo: Joanna Marie Becong

    Kalihim: Pauline MartelinoDocumentations Head: Carmina Baron

    Logistics Head: Amanda FernandezIngat-Yaman: Carla May Pajarillaga

    Budget Head: Mary Elizabeth ReantasoTagapangulo para sa Akademiks: Genevieve Acio

    Tagapangulo para sa Publisidad: Philip Adrian Fernandez

    Publications Head: Robin Smith BenitezTagapangulo para sa Panglabas na Ugnayan:

    John Carlos SantosMarketing and Solicitations Head: Lea Lou

    AlgenioTagapangulo para sa Gawain: Jenaira Macapagal

    Special Activities Head: Mac Macapenteg

    Modereytor: Prop. Rowell D. Madula

    Matapos ang matagumpay na taong 2008-2009, napag-usapan ng mga bagong halal na opisyal ng Dalubhasaan ng mga Umuus-bong na Mag-aaral sa Araling Filipino (DANUM) na maging pokus ng organisasyon ang pagsasakatuparan nang maayos sa lahat ng mga gawain at proyektong napagplanuhan at isasagawa. Nahahati ang mga gawaing ito sa apat: pang-akademiko, pang-developmental, socio-civic at fund raising.

    BALITA

    16

    Pilipino. Magkakaroon rin dito ng isang Creative Writing workshop. Para sa ikatlong termino, may isang lektyur tungkol para sa magaganap na eleksyon, Production Man-agement workshop at film showing ng mga indie films.

    Ang sakop naman ng mga pang-developmental na gawain ay ang mga su-musunod: para sa unang termino, kasama dito ang pagkakaroon ng isang on-line website, annual recruit-ment week at Teambuilding

    o Leadership Seminar. Magkakaroon rin ng isang pulong pangkalahatan na gaganapin bawat termino. Para sa ikatlong termino magkakaroon ng isang inter-organizations acquaintance party.

    Para sa gawaing pang-socio civic, ito ay mag-kakaroon ng isang story telling sa St. La Salle Preschool na kanilang isasagawa sa ikala-wang termino. Ito ay magsisilbing paraan ng kanilang paglilibang at pampadagdag ng ka-nilang kaalaman.

    Para sa fund raising na gawain, magkaka-roon ang DANUM ng shirt-selling sa unang termino.

    Inaasahan ng DANUM ang isang mayabong at mabungang pang-akademikong taong 2009-2010.

    ni Lucia Kristina Francesca David

    A

    Ang pamunuan at mga kasapi ng Danum noong pang-akademikong

    taong 2008-2009

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    PANITIKAN

    PAYO SA MGA INIWANGenaro Gojo Cruz

    Talagang walang madaling paghihiwalay.Tiyak na tiyak, may umaalis at may naiiwan.Ngunit may mga paraan upang simulan ang paglimot: Una, kalimutan ang timpla ng kanyang kape,kung matamis at matapang ang kape niya,magtimpla ng maputla at matabang.Inumin itong mag-isa sa gilid ng kama,at magsisimulang mawala ang amoyng kanyang katawan at hininga. Ikalawa, tanggalin ang kanyang mga larawan,sa mga kuwadro, sa photo album, sa wallet,sa desktop, sa puso't isipan.Palitan ito ng larawan ng dagatna pinapangarap puntahano kaya'y ng mga bulaklak na kabubuka pa langat magsisimulang maglaho ang kanyang maamong mukha at pangalan. Ikatlo, magpatugtog nang malakas na malakas,yung mga awiting hinding-hindi pakikinggan,itodo ito hanggang magiba ang dingdingng ngayo'y ulila at maluwag na silid,at magsisimulang maging matatag ang sariliupang magsimulang muli at harapin ang bukas. Ikaapat, ipamigay ang lahat ng kanyang mga naiwanbotelya ng kanyang mga pabango, tsinelas, panyo,damit, sapatos, at lahat-lahat ng may kaugnayan sa kanya,hayaang ang ibang tao na ang magbitbit ng kanyang mga iniwang alaala. At sa huli, ipanalanging di na siyang bumaliknang di na rin bumalik ang dating lasa ng kape,ang kanyang maamong mukha,ang kanyang maruruming damit,at ang kanyang mga bulong sa gabi. Tiyak na tiyak pa ring higit na masakit na gawin ang mga hakbang sa paglimot sa ikalawang pagkakataon.

    BANGUNGOT NA LIGAWRhod V. Nuncio

    Nagpasya akong magising

    Sa hilakbot ng dilim, habangNasa dulo pa ng aking tenga ang naimpit

    kong sigawNang sa malikmatay lumuluha ka ng dugo,Nababalutan ng tinik ang dilang pinatigas,

    Pinaikli, sinabuyan ng kusot at buhangin.

    Namulatan kong humahangos kaWalang saplot, tangan ang banig naWinisikan ng tamod, pawis at sipon

    Niyakap kita nang mahigpit,Inugoy-ugoy sa aking balikat, tumatangis

    Bumubulong, nagmamakaawa:Sa pagpikit ng matay naduwal kang bigla.

    Ngayon, ngayon na, naaalipungatan

    Hubot hubad din ako, nagkikikisay ang kalamnan,

    Bali-bali ang mga buto, basag ang bungoSamantalang sa dulo ng kuweba,

    Naririnig ko ang tinig ng saklolo,Ngunit malayo na ako, malayong-malayo.

    17

    PANITIKAN

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    Manunuri ng Aklat-FilipinoDepartamento ng Filipino

    Kolehiyo ng Malalayang SiningPamantasang De La Salle

    Layunin ng Gawad IRC na parangalan ang mga pinakatatanging awtor, manunulat at iskolar na nagsusulong na payamanin ang kaalaman at diskursong Filipino sa pamamagitan ng pagpa-palimbag ng aklat at diseminasyon nito sa madla. Pinabibilis ng mga aklat na ito ang adhikain para sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino at ang pagbubuo ng intelektuwal na tradisyon sa bansa na nakasalig sa sariling wika, kultura at karunungan. Sa pamamagitan ng gawad na ito, makikilala ang mga dakilang aklat ng ating henerasyon at sa mga susunod pang henera-syon at ang mahuhusay na awtor na nagsusulat, tumatangkilik at taasnoong kumikilala sa wikang Filipino.

    1. Ang gawad ay bukas sa lahat ng aklat na nakasulat sa Filipino at nailimbag mula 2000 hanggang 2008.

    2. Sa pagpapasinaya ng gawad sa taong ito, magkakaroon ng isang pinakamahusay na aklat at dalawang finalist sa bawat kategorya. Hahatiin sa sampung kategorya ang gawad: literatura, wika at pag-sasalin, pilosopiya at kritika, humanidades, agham at agham pan-lipunan, reference, autobiograpiya, journalism, comic bookgraphic novel, at ispiritwalselfhelp book.

    3. Ang mga aklat na papaloob sa sampung kategorya ay susuriin

    batay sa mga sumusunod na pamantayan:

    Orihinalidad at kontribusyon sa larang ng kaalaman 40%Kontribusyon sa intelektuwalisasyon ng Filipino 20%Paggamit ng wika, estilo ng pagsulat at editing 10%Disenyo ng pabalat at kabuuang layout 30%

    4. Maaari pa ring isali ang mga nanalong aklat mula sa ibang gawad o patimpalak.

    Mga Tuntunin:

    PAHATID

    18

  • Alinaya AlinayaAlinaya Alinaya

    a. Literatura antolohiya ng mga tula o maikling kuwento, kuwentong pambata nobela dula, koleksyon ng iskrip pampelikula o pantelebisyon malikhaing sanaysay (creative nonfiction) manwal sa malikhaing pagsulat b. Wika at Pagsasalin manwal sa pagsasalin salin sa Filipino ng aklat ng malikhaing akda salin sa Filipino ng aklat sa ibat ibang disiplina aklatsanaysay sa wikapagaaral ng wika c. Pilosopiya at Kritika aklatsanaysay sa pilosopiya aklatsanaysay sa kritika d. Humanidades iskolarling aklat sa arkitektura, siningbiswal, teatro, sayaw, pelikula, musika, iskultura aklatsanaysay sa sining at kultura e. Agham at Agham Panlipunan kasaysayan, sosyolohiya, antropolohiya, sikolohiya, agham pampolitika matematika, engineering, agham pangkompyuter, general science f. Reference tesauro, diksyonaryo ensayklopidya, atlas, almanac coffee table book g. Autobiograpiya/biograpiya kuwentong buhay, talambuhay (autobiograpiya) koleksyon ng mga interbyu h. Journalism koleksyon ng mga sinulat sa dyaryomagazin (balita, lathalain, kolum, atbp.) investigative journalism i. Comic BookGraphic Novel j. Ispiritwalkontemplatibong aklatselfhelp book

    Klasipikasyon ng mga aklat sa bawat kategorya:5. Hindi maaaring sumali ang limang miyembro ng Komite ng Gawad Lasalyano sa Filipino na magmumula sa Departamento ng Filipino at mga huradong mapipili mula sa labas ng Pamantasang De La Salle. Mayroong tatlong hurado na uupo sa bawat kategorya. Dalawa sa mga ito ay batikang manunulatkritikoawtorrisertser sa Filipino at ang isa naman ay manggagaling sa Komite ng Gawad Lasalyano sa Filipino. Tatawaging Manunuri ng AklatFilipino ang mga huradong uupo sa seleksyon ng mga gagawarang aklat.

    6. Kailangang ipadala ng manunulatawtorpublisher ang tatlong kopya ng aklat para makasali sa gawad. Hindi na isasauli ang mga aklat sa mga manunulatawtor o publisher. Magiging pagmamayari na ng Manunuri ng AklatFilipino at ng Departamento ng Filipino ang mga aklat.

    7. Tatanggap ng plake ang mga mananalong manunulatawtor at tigiisang sertipiko ang mga finalist na igagawad sa Disyembre 11, 2009 sa Pamantasang De La Salle.

    8. Ipadala ang mga kopya ng aklat sa:

    Manunuri ng AklatFilipino, Gawad Isagani R. Cruz Departamento ng Filipino, Pamantasang De La Salle 2401 Taft Avenue, Manila1004 Philippines

    9. Kung may katanungan hinggil sa Gawad IRC maaaring kumontak kay:

    Dr. Rhod V. Nuncio ([email protected]) 5244611 loc. 509 552(fax)

    10. Sa Setyembre 15, 2009 ang deadline ng pagpasa ng mga aklat.

    Kritikang... mula sa pahina 9

    Pilipinas na dumaan sa mahabang panahon ng pananakop, prob-lematiko lagi ang usapin ng sarili, nasyonalismo, panitikan, wika, at iba pa. Kung sa kritikang Filipino (uulitin ko sa kritikang Filipino) natin ito tatalastasin, lagit laging sasagi sa isip natin ang maka-Lumberang pagbasa. Lagit lagi natin itong sasangguniin. Elemento ng kritikang makaLumbera: historikal, kritikal, in-tertextual, estetikong mapagpalaya. Alam kong sasabihin ninyong walang pinagkaiba iyan sa ibang pag-basa o kritikang mula sa kanluranin. Sabi nga ni Soledad Reyes, si Lumbera ay Marxista. Si Isagani Cruz naman, binansagan siyang kritikong postkolonyalista. Marahil ang debate ay hindi sa pag-kakatulad ng mga diskurso, kundi sa usapin ng kaibahan at pag-kakaiba. Ito ang kontexto, texto, ng ating sarilit, diwa at bansa na nakapaloob sa mga kritikal at pampanitikang akda ni Lumbera. Siguro ngay hindi pa tayo sanay na tawagin ang isang dulog o moda

    ng pagbasang makaLumbera o makaCruz at iba pa dahil nasanay ang tenga natin sa pagbasang Marxista, Foucauldian, Feminista at kung anu-ano pa. Ang hangarin koy sentral sa pagsusuri ng sarili nating akdang pam-pantikan at pangkultura. Naniniwala akong sapat na at nasimulan na ang tradisyon ng ganitong pagbasang makabayan, makatao at makaFilipino. Sapat at hinog nang sabihing isa sa maaaring mag-ing uri ng ating pagbasa ang kritikang makaLumbera. A

    *Binasa sa International Book Fair, Pistang Panitik, Pagbibigay-pugay sa Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera, Agosto 30, 2007, World Trade Center, Pasay City.)

    PAHATID/LATHALAIN

    19

  • Alinaya Alinaya

    Alam mong pasukan na dahil muli na na-mang nagbabangayan ang Department of Education at PAGASA kung sino ang dapat sisihin sa late na pagsuspinde ng klase.

    Sasabihin ng PAGASA, uulan. Umaraw na-man. Sabi ng DepEd walang pasok dahil sa malakas na ulan. May mga pumasok dahil huli na nang kanilang malaman na suspen-dido pala ang klase. Sabi ng DepEd, sa PA-GASA sila umaasa kung ano ang magiging lagay ng panahon.

    Mali ba ang forecast ng PAGASA? Wala na atang pag-asa.

    Kaya nga forecast, walang kasiguru-han. Parang forecast sa karera. Hindi naman sinasabi doon kung anong kabayo ang mananalo. Mga POSIBLE lang na manalo. Kung lahat ng forecast na yun ay tama, ang dami na sanang milyornayong karerista ngayon.

    Kaya kapag sinabing weather forecast, ibig sabhin nito ay ito ang posibleng maging lagay ng panahon.

    Noon, taya ng panahon ang madalas gami-tin. Taya? Parang sugal. Tumataya tayo sa lotto para manalo. Ibig sabihin, game of chance. Suwertihan. Only God knows?

    Ang panahon ba ay game of chance? Scien-tific ang approach ng PAGASA. Ibig sabihin may measurement na ginagamit. Hindi nga lang exact. Dahil minsan kapag sinabing uulan, magugulat ang lahat titirik ang araw. Kapag sinabi namang walang ulan, biglang kukulimlim ang kalangitan.

    Babaha. Magagalit ang mga magulang ng estudyante dahil mauulanan ang mga anak

    ALAM mong pasukan na dahil laman na ng mga telebisyon ang ibat ibang bilihan ng gamit pang-eskwela. Sa Divisoria mura ang mga gamit. Sa Recto mura ang mga libro. Sa mga mall dagsa ang mga tao upang mamili ng mga gamit.

    A

    Kolum

    JOEL L. ORELLANA

    Turuan at turuan

    at magkakasakit. Sisisihin ang DepEd. Ang DepEd, ituturo ang PAGASA. Narinig na ba nating itinuro ng PAGASA ang DepEd?Kaya noon, sa pangalan ng babae ipinan-galan ang bagyo. Pabagu-bago raw. Ngayon, may mga bagyong lalaki na ang pangalan. Unisex na ang bagyo. Lahat tayo pabagu-bago na ang desisyon sa buhay kaya minsan nawawalan ng direksyon ang buhay.

    Ang totoo, wala namang dapat turuan. Mga

    Pinoy kasi, kapag may nangyaring hindi ka-nais-nais, awtomatik na may sisihin. Bumag-sak ako sa quiz kasi hindi nakapag-aral. Hin-di ko naipasa ang reaction paper kasi nasira ang printer. Kasi nagka-virus ang computer.

    Speaking of virus, uso ngayon ang A-H1N1. Maging dahilan kaya ito ngayon ng mga estudyante?

    Ang sa akin, dapat may bago tayong matutu-nan sa sitwasyong ito. Panahon ng pasukan. Panahon ng turuan kung may suspensyon ng klase. Balikan natin ang forecast.

    Sa Amerika, walang nakapag-forecast ng sal-antang iiwan ni Hurricane Katrina. Amerika na yan. Bansang tinitingala (pa rin ba?) ng marami sa ating Pinoy.

    Ang cycle ng turuan kung sino ang dapat sisi-hin sa late na pagsuspinde ng mga klase sa paaralan ay magpapatuloy kung hindi tayo tuturuan ng mga dapat magturo na ang pa-nahon ay kailanman nagbabago.

    Sabi nila, dahil sa climate change ito. Posible. Ibig sabihin, buong mundo apektado nito. Nangyayari sa ibang bansa, hindi lang sa Pinas.

    Mahalaga ang DepEd at PAGASA sapagkat sila ang mga institusyong magiging gabay ng mga mag-aaral sa isyung pinag-uusapan natin. May pagkakataon din naman na tama sila. May ilang sablay nga lang. Kaya lang mas madalas, ito ang bino-brodkas ng media.Kaya ayun, kontrabida ang dating ng dalawang institusyon.

    Ipaunawa na ang weather ay pana-panahon. Hindi yang tulad ng mga istasyon sa LRT o MRT na may tiyak na patutunguhan. Forecast nga. Sa Tagalog, taya ng panahon. Maaaring magbago.

    Wala naman tayong matutunan kung lagi nating tatanggapin ang turuan. Turuan na lang nating ipaunawa ang konseptong pinag-usapan natin dahil ito ang turo na maka-bubuti sa lahat.

    Kung dumating ang araw na eksakto na nang malalaman ng PAGASA ang dami ng ulan, ang lakas ng hangin at saan tatama ito, hindi na forecast ang tawag dito. For sure na.

    Wala naman tayong matutu-nan kung lagi nating tatang-gapin ang turuan. Turuan na lang nating ipaunawa ang konseptong pinag-usapan natin dahil ito ang turo na

    makabubuti sa lahat.

    20

    OPINYON

  • Alinaya Alinaya

    Punong PatnugotROWELL D. MADULA

    Tagapamahalang PatnugotJOEL ORELLANA

    Lupon ng mga TagapayoDR. JO MANGAHIS

    PROP. NONON CARANDANGDR. RHOD NUNCIO

    DR. RAKKI SISON-BUBANDR. LHAI TAYLAN

    PROP. RAMIL CORREA

    MGA KONTRIBYUTOR PARASA ISYUNG ITO:

    BB. MEI ABAYAPROP. GENARO GOJO CRUZ

    G. LESTER VINCENT TANG. REYNELE BREN ZAFRA

    DANUM

    DR. GERRY TORRESGERG ANROL CAHILESOM NARAYAN VELASCO

    DEPARTAMENTO NG LITERATURA

    PAMUHATAN

    Departamento ng Fillipino,Room 402, William Hall,

    Pamantasang De La Salle-MaynilaTelepono: (02) 5244611 lokal 509

    Email Address: [email protected]

    PATNUGUTAN

    PASASALAMAT

    Bukas ang A L I N A Y A para sa mgakontribusyon, reaksyon, puna,

    at kritisismo. Mangyari lamang namakipag-ugnayan sa patnugutan.

    Walang anumang bahagi ngpublikasyong ito ang maaaring

    kopyahin o muling ilimbag ng walangpahintulot o tamang pagkilala

    sa mga may-akda.

    PAALALA

    EDITORYAL

    USO PA BA ANG DEMOKRASYA?Ang paghahalal ng pangulo ang isa sa mga pangunahing katangian ng isang demokratikong bansa. Lahat ng nasa tamang edad, nakababasa man o hindi, ay sinasabing may karapatang pumili ng taong magsisilbing kanyang pinuno. Ba-wat isa ay may boses sa bawat botong mayroon siya. Napakagandang isiping pagbibigay-kapangyarihan sa mga mamamayan. Ito ang demokrasya.

    Ilang dekada na ang nakalilipas nang sa isang seremonya ay pinalaya ng Amerika ang Pilipinas sa kolonisasyon. Kasabay ng pagpapalayang ito ay ang institusyunalisasyon ng halalan, ng pagkakaroon ng isang demokratikong sistema ng pamamahala sa bansa. Ang pagkakatatag ng Ikatlong Republika ng Pilipinas ay isang malinaw na manipestasyon ng demokrasya. Ang mga naging pangulo, hanggang sa kasalukuyang pangulo, ang siyang pangunahing produkto ng demokrasya.

    Marami sa kanila ay naging bar topnotcher, may mga negosyante, maybahay, artista, ekonomista at dating guro. Sinasabing ang pagpili ng pangulo sa Pilipi-nas ay ibinabatay ng marami sa popularidad. Papaano ihahalal ang isang taong hindi kilala? Maaari bang maisulat ang pangalan sa balota kung hindi mo pa naririnig ang pangalan ng kandidato? Ano ang kailangang gawin? Ang produk-to ng demokrasya, kinakailangang ipakete upang madaling maibenta. Gaya ng demokrasya.

    Sa paglipas ng panahon, ang demokrasya ay lalo lamang nagpabagsak sa pam-pulitika at pang-ekonomikong kalagayan ng mga Pilipino. Ang mga pangulo, nag-babago lang ang maskarang gamit: isang para sa masa, para sa Pilipino, mayba-hay na magsisilbing ina ng buong bayan, ang inang mgbibigay ng kanin sa bawat mesa, isang galing sa mahirap at umunlad dahil sa pagsisikap. Ano man ang gawin nila, hindi tuluyang nitatago ng kanilang maskara ang tunay na interes nila sa pamamahala. Uso pa nga ba ng demokrasya? Isa sa mga sinasabing biyaya ng demokrasya ang pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga mamamayan. Ang lahat ay may boses at karapatan. Ngunit sa isang mahirap na bansang tulad ng Pilipinas, ang pagkakapantay-pantay ay isa lamang ilusyon.

    Ayon sa librong The 22 Immutable Laws of Branding: How to Build a Product or Service into a World-Class Brand nina Al at Laura Ries, No brand will live for-ever. Euthanasia is often the best solution. Ito ang ika-21 batas sa branding, The Law of Mortality. Ang kasaysayan, ay kasaysayan ng mga tunggalian. Ang lahat ay nahaharap sa mga kontradiksyon. At ang kontradiksyong ito ang nagluluwal ng bagong pagsasakasaysayan. Ang demokrasya bilang isang brand, ay hindi pang-habambuhay. Dito tayo ay nakatitiyak.

    Ang demokrasya ay puno ng kawalang-katiyakan. Iboto man ng lahat ng tao ang isang kandidato upang maging pangulo, hindi pa rin tiyak ang kanyang pagkap-analo. Ang kasaysayan ng halalan sa bansa ay kasaysayan ng mga dayaan. Sino ang mayhawak ng kapangyarihan? Sino ang may kakayahang bumili ng puwesto sa gobyerno. Ang pangunahing produkto ng demokrasya, ang pangulo ng bansa, ay isang produktong sa simulat simula pa lamang ay isa ng pangulong nahalala sa kawalang-katiyakan.

    Mula rito, inaasahan natin ang mga kahinaan ng demokrasya bilang isang brand ng sistema ng pamamahala ay mailalantad rin sa mga mamamayan. Kung kailan, maaaring iluwal ng mga di-maiiwasan at kapansin-pansing kabulukan ng mis-mong sistema. Hindi man natin naaabot-tanaw, maaari naman nating matiyak na ang patuloy na pagkilos ng mga mamamayan ay magpapatindi ng tunggalian, at magpapabilis ng pagkakaroon ng isang bago at mas maunlad na sistema ng pamamahala sa ating bansa. A