12
Setyembre 2010 Naging matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2010 ng Departamento ng Filipino (FilDept) sa Pamantasang De Salle- Maynila na may temang “Sansiglong Lasalyano para sa Sigla’t Sigasig ng Wikang Filipino.” Sa buong buwan ng Agosto, naging abala ang FilDept sa pagsasagawa ng mga gawaing kaugnay ng wika, media, at kulturang Pilipino. Pinasimulan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2010 sa pamamagitan ng isang misa sa Pearl Chapel noong ika-2 ng Agosto 2010. Narito ang iba’t ibang gawaing inilunsad at pinamahalaan ng Fildept kaugnay ng Bu- wan ng Wika 2010. Gawad La Sallian sa Filipino Isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagdiri- wang ng Buwan ng Wika ay ang pagbibigay ng Gawad La Sallian sa Filipino. Sa taong ito, pinagkalooban ng gawad sina Bro. Armin A. Luistro FSC, Dr. Genevieve L. Asenjo, at Adrian Joseph M. Garcia. Ipinag- kaloob ang gawad noong ika-20 ng Agosto 2010. Ginawaran sina Bro. Luistro, Dr. Asenjo, at G. Garcia sa kanilang pagtulong sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Narito ang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon: Si Bro. Luistro “dahil sa kaniyang konsistent na paggamit ng wikang Filipino upang patuloy na umunlad at malinang ang Pambansang Wika sa pamamagitan ng kaniyang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng Departamento ng Filipino, at sa kaniyang aktuwal na paggamit ng wikang Filipino sa mga pagtitipon sa loob at labas ng Pamantasan tungo sa makabuluhang pagbabagong panlipunan.” Si Bro. Luistro ay kasalukuyang Kalihim ng Departament of Education. Si Dr. Genevieve L. Asenjo “dahil sa kaniyang masigasig na paggamit ng wikang Filipino sa malikhaing pagsulat, iskolarling pananaliksik at publikasyon sa larangan ng panitikan at kultura, na sadyang maituturing na napakahalagang kontribusyon sa patuloy na kultibasyong kinakailangan tungo sa intelektuwalisasyon ng Pambansang Wika.” Si Dr. Asenjo ay kasalukuyang nagtuturo sa Literature Department ng DLSU-M. Awtor siya ng nobelang ”Lumbay ng Dila.” At Adrian Joseph M. Garcia ”dahil sa kaniyang sigla’t sigasig sa paggamit ng wikang Filipino bilang Punong Patnugot ng Ang Pahayagang Plaridel na lunsaran ng makabuluhang pamamahayag sa Pamantasan upang patuloy na umunlad at malinang ang wikang Filipino sa pamamagitan ng kaniyang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng Departamento ng Filipino at sa kagyat na intelektuwalisasyon ng Pambansang Wika.” Si G. Garcia ay kasalukuyang Punong-Patnugot ng Ang Pahayagang Plaridel. Saloy 2010: Kumperensiya ng mga Estudyante ng Filipino Naisagawa ang taunang Saloy noong ika-27 ng Agosto. Dinaluhan ito hindi lamang ng mga estudyante ng DLSU-M kundi maging ng ibang mga guro at estudyante buhat sa ibang pamantasan, tulad ng Pamantasan ng Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay! Tomo 3, Bilang 2 AMBAG SALITA: alinápog png [Ilk]: alikabok mula sa nabubu- lok na kahoy, la- man, at iba pa. (Pinagkunan: UP Diksiyonaryong FILIPINO) Ang mga binigyan ng Gawad La Sallian sa Filipino: Dr. Genevieve L. Asenjo, G. Redg De Vera kumatawan kay Bro. Armin A. Luistro FSC , at Adrian Joseph M. Garcia, kasama sina Dr. Dominador F. Bombongan Jr., Pangalawang Dekano ng Malalayang Sining, Dr. Josefina C. Mangahis, Tagapangulo ng Departa- mento ng Filipino, at ang mga Fakulti ng FilDept.

Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

  • Upload
    hanhu

  • View
    430

  • Download
    9

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

Setyembre 2010

Naging matagumpay ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2010 ng Departamento ng Filipino (FilDept) sa Pamantasang De Salle-Maynila na may temang “Sansiglong Lasalyano para sa Sigla’t Sigasig ng Wikang Filipino.” Sa buong buwan ng Agosto, naging abala ang FilDept sa pagsasagawa ng mga gawaing kaugnay ng wika, media, at kulturang Pilipino. Pinasimulan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2010 sa pamamagitan ng isang misa sa Pearl Chapel noong ika-2 ng Agosto 2010.

Narito ang iba’t ibang gawaing inilunsad at pinamahalaan ng Fildept kaugnay ng Bu-wan ng Wika 2010.

Gawad La Sallian sa Filipino

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagdiri-wang ng Buwan ng Wika ay ang pagbibigay ng Gawad La Sallian sa Filipino. Sa taong ito, pinagkalooban ng gawad sina Bro. Armin A. Luistro FSC, Dr. Genevieve L. Asenjo, at Adrian Joseph M. Garcia. Ipinag-kaloob ang gawad noong ika-20 ng Agosto 2010.

Ginawaran sina Bro. Luistro, Dr. Asenjo, at G. Garcia sa kanilang pagtulong sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Narito ang pagkilala sa kanilang mga kontribusyon: Si Bro. Luistro “dahil sa kaniyang konsistent na paggamit ng wikang Filipino upang patuloy na umunlad at

malinang ang Pambansang Wika sa pamamagitan ng kaniyang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng Departamento ng Filipino, at sa kaniyang aktuwal na paggamit ng wikang Filipino sa mga pagtitipon sa loob at labas ng Pamantasan tungo sa makabuluhang pagbabagong panlipunan.” Si Bro. Luistro ay kasalukuyang Kalihim ng Departament of Education. Si Dr. Genevieve L. Asenjo “dahil sa kaniyang masigasig na paggamit ng wikang Filipino sa malikhaing pagsulat, iskolarling pananaliksik at publikasyon sa larangan ng panitikan at kultura, na sadyang maituturing na napakahalagang kontribusyon sa patuloy na kultibasyong k i n a k a i l a n g a n t u n g o s a intelektuwalisasyon ng Pambansang Wika.” Si Dr. Asenjo ay kasalukuyang nagtuturo sa Literature Department ng DLSU-M. Awtor siya ng nobelang ”Lumbay ng Dila.”

At Adrian Joseph M. Garcia ”dahil sa kaniyang sigla’t sigasig sa paggamit ng wikang Filipino bilang Punong Patnugot ng Ang Pahayagang Plaridel na lunsaran ng makabuluhang pamamahayag sa Pamantasan upang patuloy na umunlad at malinang ang wikang Filipino sa pamamagitan ng kaniyang patuloy na pagsuporta sa mga programa ng Departamento ng F i l i p i n o a t s a k a g y a t n a intelektuwalisasyon ng Pambansang Wika.” Si G. Garcia ay kasalukuyang Punong-Patnugot ng Ang Pahayagang Plaridel. Saloy 2010: Kumperensiya ng mga Estudyante ng Filipino Naisagawa ang taunang Saloy noong ika-27 ng Agosto. Dinaluhan ito hindi lamang ng mga estudyante ng DLSU-M kundi maging ng ibang mga guro at estudyante buhat sa ibang pamantasan, tulad ng Pamantasan ng

Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

Tomo 3, Bilang 2

AMBAG SALITA: alinápog png [Ilk]: alikabok mula sa nabubu-lok na kahoy, la-man, at iba pa. (Pinagkunan: UP Diksiyonaryong FILIPINO)

Ang mga binigyan ng Gawad La Sallian sa Filipino: Dr. Genevieve L. Asenjo, G. Redg De Vera kumatawan kay Bro. Armin A. Luistro FSC , at Adrian Joseph M. Garcia, kasama sina Dr. Dominador F. Bombongan Jr., Pangalawang Dekano ng Malalayang Sining, Dr. Josefina C. Mangahis, Tagapangulo ng Departa-mento ng Filipino, at ang mga Fakulti ng FilDept.

Page 2: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

Malaking problema ng bansa kawalan ng mga Pilipinong may pagtingin at tunay tuma-tangkilik sa sariling kalinangan. Hindi mara-rating ng Pilipinas ang kaunlarang ekonomiko hangga’t nanatiling malabnaw ang pagka-makabayan ng maraming Pilipino.

Kailangan ang re-edukasyon ng mga Pili-pino. Linangin at gamitin ang sariling kul-tura at wika nang hindi naman nagiging sarado sa ibang impluwensiya. Sa ganitong pamamaraan, higit na matutuklasan at ma-pagyayaman ang ating kalinangan. Maka-pagpapataas din ito sa pagtingin ng mga Pili-pino sa kanilang sarili.

Maraming paraan upang maipakita ang pagmamahal sa sariling wika at kultura. Bakit hindi gawin ng ating kinatawan sa mga pan-daigdigang pageant gaya ng Miss Universe na gumamit ng wikang Filipino at magkaroon na lamang ng interpreter gaya ng ginagawa ng mga taga-Amerika Latina? Maaari ring gamitin ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino Jr. ang wikang Filipino sa kaniyang talumpati sa mga internasyunal na kumperen-siya gaya ng ginagawa ng ibang bansa. Isa-gawa ang lahat sa wikang Filipino nang tayo muna ang magkaintindihan at magkaisa.

Ang paggamit ng sariling wika sa mga pandaigdigang pagtitipon ay tiyak na maka-pagpapakilalala at makapagpapatibay sa ating pambansang identidad. Tiyak din mag-kakaroon ng respeto ang ibang lahi sa atin bilang mga Pilipino dahil nakikita nila kung paano natin inirerespeto ang ating sariling wika.

EDITORYAL

2 Alinaya

Bilang bayang sakop, ang unang itinuro sa ’ti’y ang pagtingala sa panginoon. Pinapaniwala tayong naparito sila alang-alang sa ’ting kabutihan. Pinapaniwala rin tayong ang lahat ng dala at lako nila’y siyang mabuti para sa ’tin. Ang kanilang wika, ang kanilang negosyo, ang kanilang sistema sa buhay, pati ng kanilang bisyo. Ang Pilipino’y naging mabuting matsing, eksperto sa pangga-gaya. Ang kalintikan nga lamang, karamihan ng ginaya nati’y ang masama. - Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit

Maraming Pilipino ang nadismaya at nagpahayag ng negatibong reaksiyon sa munting pagkakamali sa balarila o grammar ni Maria Venus Raj, ang ki-natawan ng bansa sa prestihiyosong Miss Universe Pageant.

. Nakalimutan yata ng maraming Pili-pino na ang wikang Ingles ay isang wi-kang banyaga at hindi katutubo sa atin kaya naman normal o pangkaraniwan lamang na magkamali ang isang Pilipino sa paggamit nito. Sa tindi ng pagiging kanluranin o westernized ng mga Pili-pino, naging sukatan na ng kahusayan ang pagiging matatas sa wikang Ingles. Ang magaling mag-Ingles ay madalas na inaakalang “matalino” o kaya ay “mahusay” na kaagad. Madalas na itinu-turing na mas “edukado” ang mga Ingle-sero kaysa magaling magsalita ng wi-kang Filipino.

Maraming Pilipino ang nagbunyi nang marinig ang pag-awit ni Charice Pem-pengco sa banyagang musical na Glee. Ang tagumpay ni Charice Pempengco ay sinukat dahil sa pagkakapasok nito sa nabanggit na serye, at hindi dahil sa kung paano niya ipakilala sa mundo ang kaniyang pagka-Pilipino. Naipapakilala nga kaya ni Charice ang Pilipino sa mundo sa palabas na Glee? O pinatutu-nayan lamang niya kung paanong niya-kap ng mga Pilipino ang kulturang Ameri-kano?

Ilan kaya sa mga Pilipino ang mag-bubunyi kapag naglabas ng bago o reun-ion album ang mga bantog na bandang Pilipino gaya ng Juan dela Cruz Band, ASIN, Buklod, o Eraserheads?

Sa larangan ng pelikula, karaniwan nang mas pinapanood ng mga Pilipino ang mga banyagang pelikula. Katu-nayan, bawat taon ay pababa nang pa-baba ang bilang ng mga pelikulang Pilipi-nong nalilikha dahil sa pababa rin nang pababa ang mga Pilipinong nanonood nito. Kung tutuusin, aminin man natin at hindi ay mas tinatangkilik natin ang wika at banyagang kultura kaysa sariling wika at kabihasnan.

Makikita sa kasalukuyan ang resulta ng edukasyong ipinagkaloob ng mga Amerikano sa mga Pilipino. Matagal na silang wala sa Pilipinas, ngunit nanatili sila sa puso at isipan, sa panlasa at pananaw, at sa lahat ng bagay na ti-natangkilik ng mga Pilipino.

Punong-Patnugot: Genaro R. Gojo Cruz Kontribyutor: Emma A. Basco, Nonon Villaluz Carandang, Josefina C. Mangahis, David Michael M. San Juan, Dolores R. Taylan, Voltaire M. Villanueva. Lay-out: Genaro R. Gojo Cruz Pamuhatan: Departamento ng Filipino, Rm. 401 William Hall, 2401 Taft Avenue,

De La Salle University / Telepono: (02) 5244611 lokal 509 / Email: [email protected] Ang isyung ito ng ALINAYA ay nailathala sa tulong na ipinagkaloob ng Vibal Foundation.

Major, Major na Suliranin: Malabnaw na Pag-ibig sa Bayan

Page 3: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

Panawagan para sa ISANGDAAN

3 Tomo 3, Bilang 2

BALITA

Taylan, Binigyan ng Gawad Mag-aaral

Bagong Aklat ni Garcia, Ginawaran ng Pagkilala Ang gawad ay ibinigay sa mga full-time faculty na nakapaglathala artikulo, aklat o salin na nagtataglay ng mataas na kalidad ng iskorlarsyip, orihinal na kontri-busyon sa kaalaman sa disiplina o mga kaugnay na disiplina, at kahalagahang-panlipunan ng isinagawang pag-aaral. Bilang gawad sa natatanging nalatha-lang salin sa Filipino ngayong 2010, tinanggap ni Dr. Garcia ang dalawang proyektong pananaliksik na popondohan ng URCO at ang halagang PhP10,000. Ang gawad ay ipinangalan kay St. Miguel Febres Cordero na kinilala dahil sa kaniyang katalinuhan bilang guro at iskolar. Ang kaniyang mga pananaliksik ukol sa panitikan at wika ay nakaimplu-wensiya nang malaki sa mga iskolar sa buong mundo na naging dahilan upang kilalanin siyang miyembro ng National Academies ng Ecuador at Spain. Siya ay ipinanganak noong ika-7 ng Nobyem-bre 1854 at naging santo noong ika-21 ng Oktubre 1984.

Binigyan ng St. Miguel Febres Cordero Research Award ang salin ni Dr. Lakangiting C. Garcia sa wikang Filipino ng nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal. Ang St. Miguel Febres Cordero Re-search Award ay isang pagkilala o ga-wad na ibinigay sa mga fakulting naka-paglathala ng mga natatanging iskolar-ling artikulo o aklat sa Filipino o Ingles, at salin ng mga akda sa Filipino. Ang gawad ay dumaraan sa nominas-yon na ipinapasa sa College Research Councils (CRCs) na inisyal na magsusuri ng isinumiteng nominasyon batay sa mga itinakdang pamantayan. Pagkaraan nito, dadalin sa opisina ng VCR ang nominasyon at muli itong ipasusuri sa tagalabas na evaluator. Ang komite na bumubuo sa gawad ay ang Academic Deans, Direktor ng URCO Director, at ang VCR na magsasagawa ng pinal na desisyon ukol sa mga nag-wagi.

bubuti at ikauunlad ng organisayong ginagabayan nito. Sa taong ito, ang Gawad Mag-aaral ay may temang “Lasalyano: Sabay-Sabay Tungo sa Sandaang Paglalakbay. Ayon kay Br. Narciso S. Erguiza FSC, pangulo ng DLSU-M, “Sa mga humu-hubog sa ating mga kabataan, lagi nawa ninyong isaloob na ang lahat ng ating gawain ay atas sa atin ng Panginoon. Ang inyong paghuhubog sa kanila ay isang misyong ibinigay sa atin. Tayo ay mga daluyan lamang ng pagkalinga ng Diyos sa mga kabataan.” Unang nakamit ni Dr. Taylan ang Ga-wad Obispo Felix Paz Perez, Pinakama-husay na Tagapayo ng Organisasyong

Pang-mag-aaral noong Agosto 2009. Sa kasalukuyan, siya ang tumatayong Technical Adviser ng Ang Pahayagang Plaridel. Full-time Associate Professor siya sa FilDept. Ang Gawad Mag-aaral 2010 ay pina-mamahalaan ng Tanggapan ng Gawaing Pangmag-aaral. Ipinangalan kay Bishop Felix Paz Perez ang gawad dahil sa kaniyang ipinakitang pagmamalasakit sa pagpapabuti ng mga organisasyong pang-estudyante.

Sa ikalawang pagkakataon, tinanggap ni Dr. Dolores R. Taylan ang Gawad Mag-aaral para sa

Pinakamahusay na Tagapayo ng Or-ganisayong Pangmag-aaral noong Ika-17 ng Setyembre 2010. Ang Gawad Mag-aaral 2010, Gawad Obispo Felix Paz Perez, Parangal para sa Pinakama-husay na Tagapayo ng Organisayong Pangmag-aaral ay iginagawad sa taga-payo ng organisasyong pangmag-aaral na walang sawang sumuporta at nag-pamalas ng tunay na malasakit sa ika-

Kaugnay ng ika-100 Anibersaryo ng Pamantasang De La Salle-Maynila sa taong 2011, sinimulan ng ilang fakulti ng Departamento ng Filipino ang panawagan sa kontribusyon ng mga artikulo para sa mga aklat na ilalathala sa tulong Academic Publishing Office (APO) ng pamantasan. Ang mga aklat ay may kaugnayan sa panitikan, wi-kang Filipino, at pagtuturo. 100 Tula ng 100 Lasalyano

Bukas ito sa buong komunidad ng DLSU-M. Ang aklat-kalipunan ng 100 tula ng 100 Lasalyano. Ipadala ang pi-nakamahusay na tula kay Dr. Lakangit-ing C. Garcia na siyang tumatayong edi-tor ng aklat-kalipunan sa [email protected].

100 Salitang Lasalyano

Sino ang taga-planetang Goks? Na-saan ang Lung Center sa DLSU? Bakit Hepa-lane ang tawag sa Agno St.? Sundan sa pahina 10

Page 4: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

4 Tomo 3, Bilang 2

Marami ang hindi nakababatid ng kaha-lagahan ng pakikinig bilang kasangkapan sa pakikipagtalastasan. Batay sa pag-aaral, limampung bahagdan (50%) ng oras ang ginugugol natin sa pakikinig kaysa sa pagsasalita. Inilarawan ni Riv-ers (1981), na makalawang beses tayong nakikinig kung ihahambing sa pagsasalita at makaapat na beses kung ikukumpara sa pagbabasa at limang beses sa pagsulat. Ang pakikinig ay aktibong pagtanggap at pag-unawa ng mensahe. Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensa-heng nais ipabatid ng tagapagdala. May malaking kaugnayan sa pakikinig ang konsepto at ang paniniwala ng tao. Madali niyang tinatanggap ang mga pa-hayag na naaayon sa kanyang panini-wala at ang paniniwalang ito ay bahagi ng kanyang kultura. Epektibo ang komunikasyon kung wasto ang pag-unawa ng nakikinig sa mensaheng nais ipabatid ng tagapag-padala. Nakapaloob sa kasanayang ito ang pagbibigay kahulugan at pag-unawa sa diin at bigkas, balarila at pagpapaka-hulugan ng nagsasalita. (Howatt at Da-kin,1974). Ang kakayahan sa pakikinig ay mapa-paunlad sa pamamagitan ng wastong paggamit nito. Ang simpleng pakikinig ay isang pisikal na proseso lamang saman-talang nakapaloob naman sa prosesong pisikal at mental ang pakikinig nang may pag-unawa . Tumutugon tayo batay sa ating pag-unawa. Madalas na nagkaka-roon nang hindi pagkakaunawaan na di- nababatid ng dalawang nag-uusap. Natuklasan sa pag-aaral nina Spear-

ritt (1962), Klinzing at Klinzing (1985), na kakaunting panahon lamang ang ginugugol ng tao sa pakikinig kumpara sa kasanayan sa pagsasalita. Batay sa pag-aaral ni Ranking (1928), apatnapu’t dalawang bahagdan ang ginugugol ng tao sa pakikinig sa bawat araw. Higit na pinag-ukulan ng panahon ang pag-aaral sa kasanayan sa pag-basa kaysa kasanayan sa pakikinig. Tinukoy ni Brown (1989), na isa sa mga dahilan ng pagbabale-wala sa ka-sanayan sa pakikinig ay ang kakulan-gan ng materyales na kakailanganin sa pagtuturo. Tinalakay ni Nichols (1948) na may malaking kaugnayan sa aspekto ng katalinuhan ang pakikinig. Sa pag-unawa sa pamamagitan ng pakikinig, nakabuo siya ng mga su-musunod na salik (1) katalinuhan, (2) lawak ng talasalitaan ng nakikinig (3) kakayahang makaunawa at (4) kakaya-han sa pagbabalangkas sa narinig. Binigyang tuon ni Lobitana (1981) sa isinagawa niyang pag-aaral sa listening comprehension ng mga mag-aaral sa Central Mindanao na mas malawak na naunawaan ang paksa at nakakuha ng mataas na marka ang mga mag-aaral na nakinig sa paksang ginamitan ng wikang Filipino kaysa ginamitan ng wi-kang Ingles. Nagsagawa ng pag-aaral si Sarile (1978) sa reading comprehension ng mga mag-aaral sa kolehiyo hinggil sa epekto ng paraan ng presentasyon at pangganyak at natuklasan niyang mas mataas ang marka ng pangkat ng mga mag-aaral na ginanyak kaysa sa gru-

pong hindi ginamitan ng pangganyak sa pagbasa. Kaugnay sa tinalakay ni Nichols na katalinuhan bilang salik, napatunayan sa pananaliksik na ginawa ni Tutolo (1972), na mas mataas ang nakuha ng mga respondents na nagtatataglay ng mataas na IQ sa pagsusulit pagkata-pos marinig ang teksto. Natuklasan naman ni Nartea (1977), na walang makabuluhang kaibahan sa mga iskor sa pag-unawa ng mga nakinig sa aktuwal na nagsasalita at sa mga nakinig sa tape ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos. Ayon kay Willis, may likas na kakayahan sa makrong ka-sanayan sa pakikinig. Ang mga ito ay paghihinuha kung ano ang magiging paksa ng usapan, paghuhula ng hindi kilalang salita o parirala, paggamit ng sariling kaalaman sa paksa tungo sa dagliang pag-unawa, pagtukoy sa mga mahahalagang kaisipan at pagbabale wala ng mga di mahahalagang impor-masyon, pagpapanatili ng mga maha-halagang impormasyon sa pamamagi-tan ng pagtatala o paglalagom at pag-unawa sa mga pahiwatig na impormas-yon tulad ng hangarin o saloobin. Sa apat na kasanayang dapat matamo ng mga mag-aaral, mahalaga na matamong una ang kasanayang sa pakikinig. Ito ang unang hakbang sa pagkatuto ng wika. Hindi matagumpay na maisasakatuparan ang pagtatamo sa sa tatlo pang kasanayan nang hindi ganap na nalilinang ng bawat mag-aaral ng wika ang kasanayan sa pakikinig.

WIKA AT IBA PA

Makrong Kasanayan sa Pakikinig ni Josefina C. Mangahis

Page 5: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

Ang sumusunod na pahayag ay nagmula sa aking mga nabuong kaisipan, puna, kalagayan at obserbasyong minsan kong ipinaskil sa Facebook. Pinili ko ang ilan sapagkat ito ay tipak ng aking sarili at pag-iisip na maaari nating pagsaluhan.

*** Wala kang karapatang magreklamo kung wala kang kakayanang magpaliwanag at mangatwiran.

*** Hindi man marunong magsalita subalit matuturuan sa ibang paraan kung mamarapatin. imposibleng makapagpahayag ang sino mang tumatangging magpahayag kahit pa sa paraang likas sa kaniya.

*** May pagtatangkang sugatan ang isip at latayan ang puso sa tuwing nagsusulat pero dapat tanggapin sapagkat sadyang masokista ang manunulat at sadista ang sining.

*** Wala na akong iisipin kundi ang makibalse sa tinta at makipagtalik sa blankong papel upang magkaroon ng mga obrang supling.

*** Ipamahagi ang magandang balita: ang DADAANIN, isang antolohiya ng daglit, na pinamatnugutan ng inyong lingkod at ni Alwin Aguirre ay opisyal nang ilalathala ng Anvil Publishing para sa pagdiriwang ng Sentenyal ng Pamantasang De La

Salle. Binabati ko ang lahat ng kontribyutor!!!

*** Kahit pa ilang ulit na pumatak at dumampi sa aking balat ang ulan, ikaw lang ang papawi sa uhaw kong puso. umihip man ang hangin at tangayin ang kaluluwa, sa iyo pa rin ito magbabalik. at kung maging alabok, mananatiling sariwa sa akin ang iyong alaala.

*** Napakasarap ng mainit na kape habang nakikipagkuwentuhan sa minamahal at nakikinig ng awit ng malamig na hangin at ritmo ng patak ng ulan.

*** Kung may pagkukulang, sikaping punan at ’wag nang dagdagan pa ng panibagong pagkukulang.

*** Sa klase ko, palaging hinihintay at hinihingan ko ang lahat ng saloobin at kaisipan. sila ang mga estudyanteng maaaring higit pa ang kaalaman, kakayahan at sensibilidad hambing sa pinakamatalas na awtoridad ng anumang larangan. may kahinaan din ang dalubhasa na maaaring punan ng matalas, payak at inosenteng pag-iisip.

*** Hindi masamang masintunado, kung ang pipintas ay nasa tamang tono.

*** Mangilan-ngilan ang hindi magbibigay halaga sa iyong

ginawa, subalit marami ang naniniwala at pumupuri sa mga bagay na pinaghirapan at pinag-isipan. ang mangilan-ngilang ito ay yaong walang nagawa, mangmang at nalulunod sa panibugho.

*** Ito ang dapat malaman ukol sa akin: malikot ang aking isip, hindi maitakda ang direksyon at kadalasang nagiging bahagi ng isang malaking kathang minamaneobra ng lohika at imahinasyon. malikhain, mapagmatyag at humuhulagpos patungo sa mga posibilidad.

*** Ang lahat ay para sa iyo kung pagsusumikapan mong tapatan ito ng tiyaga, tumbasan ng kabutihan at tambalan pa ng pagmamahal. nagkakaiba lang ang halaga ng bawat isa sa pagtitiyaga, kabutihan at pagmamahal kung kaya't may napapasakanya at napapasaiyo.

*** Sikapin mong ’wag kalimutan ang aral ng lumipas. pahalagahan ang biyaya ng kasalukuyan. at tuparin ang mga kaligayahang pangako ng hinaharap. ikaw lang ang makagagawa nito para sa iyong sarili.

*** Ngayon ko lang napapahalagahan ang katahimikan. sa kawalan ng walang kahulugang ingay at anumang nakagugulo at nakililitong pahayag. sa katahimikan matatagpuan kadalasan ang kadalisayan ng katotohanan.

Mga Tipak ng Aking Mukha at Pahina ni Nonon Villaluz Carandang

5 Alinaya

IMAHNEYO

Page 6: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

6 Tomo 3, Bilang 2

Mga Taong-Robot sa Taft Avenue ni Dolores R. Taylan

Power has only one duty—to secure the social welfare of the People. - Benjamin Disraeli, Sybil He who controls others may be powerful, but he who has master himself is mightier still. - LAO TZU, The Book of the Way Bakit kaya may mga taong kung ano la-mang ang sinabi sa kanila o itinakda sa kanilang gawin nila, iyon lamang talaga ang gagawin at hindi na gagamitin ang damdamin at isip sa pagdedesisyon? Nagmimistula silang robot nakaprograma ang mga dapat at hindi dapat gawin, mga walang puso at utak.

Sa panahong ito na halos ang lahat ng tao ay naghahangad ng kalayaan partiku-lar sa kalayaan sa sariling pagpapasya at pagdedesisyon, nakapagtatakang may mga tao pa ring nananatiling sunud-sunuran, nakapagapos sa mga utos, at walang sariling pagpapasya. Ganito ang naranasan naming mag-iina sa mga tau-han ng Supreme Court na nagbabantay sa Bar Exam sa De La Salle University-Manila.

Galing kami sa Book Fair sa SMX Con-vention Center sa Mall of Asia. Marami at mabigat ang dala naming libro na ang karamihan ay hardbound coffee table books at educational books para sa dalawa kong anak – ang isa’y labinlimang taon at ang isa’y anim na taon.

Iniiwasan ko talagang umalis kapag araw ng Linggo tuwing buwan ng Setyem-bre dahil sa Bar Exam pero may school activity nang nagdaang Sabado ang aking anak kaya Linggo na lamang kami nag-punta pagkatapos naming magmisa sa St.

ang boses ng aking kausap. “O kaya, kung ayaw nyong umikot, hintayin nyo na lang matapos ang bar exam mamayang alas singko. Pag naglabasan na ang mga nag-e-exam, puwede na kayong dumaan.” Dagdag pa nito.

“Di po ba sa Bantay Bata inuuna rin ang kapakanan ng mga bata?” Tanong ko sa aking kausap. “Dalawang menor de edad po ang kasama ko na dapat ay binibigyan din ninyo ng proteksiyon gaya ng pagprotekta ninyo sa mga barista. Bakit po dapat kaming magdusa dahil sa Bar Exam? Sana naman payagan ninyong makadaan ang mga nakatira sa EGI Taft Tower. Mabubuti kaming tao at karamihan sa amin ay mga guro at estudyante ng La Salle. Sana ay payagan ninyong makaraan kahit man lang ang mga bata,” paliwanag ko.

Pero nanatiling bingi ang aking mga kausap at .nauwi sa wala ang pakiusap ko. Naaawa man ako sa aking mga anak, niyaya ko na silang maglakad sa kahabaan ng Agno Street paikot sa Fidel Street para makauwi. Bitbit namin ang mabigat na libro.

Habang naglalakad kami sa Castro, narinig kong sinabi ng anak kong anim na taon, “Ang so mean naman ng mga policeman na ’yun, Mommy!” Kapag narinig ko ang sinuman sa aking mga anak na nagsabi ng masama sa kaniyang kapwa, palagi kong sinasabi sa kanila na hindi tamang magsabi ng masamang bagay laban sa kapwa. Pero nang mga sandaling iyon, wala akong sinabi sa aking anak. Ni hindi ko siya pinagbawalan sa pagsasalita. Sundan sa pahina 10

PERSONAL

Benilde. Nagkataon namang huling araw na iyon ng Book Fair.

Hindi pa sana kami uuwi bandang alas tres ng hapon at magpapagabi na lamang para tapos na ang Bar Exam pag-uwi namin pero nagyaya nang umuwi ang bunso ko. Pagod at inaantok na raw siya. Nagsisimula na ring kumulimlim ang langit at tila nagbabadya ang pagbuhos ng ulan. Nag-alala akong baka abutan kami ng ulan at mahirapan sa pagsakay ng taxi pauwi kaya nagpasya akong umuwi na kami.

Nakatira kami sa EGI Taft Tower na katabing-katabi lamang ng De La Salle University- Manila. Pagbaba namin ng taxi malapit sa EGI Taft Tower, hinarang kami ng mga nagpakilalang tauhan ng Supreme Court at sinabihang kailangan naming umikot sa Castro at Reyes Streets papunta sa EGI Taft Tower. Napakalapit na namin sa EGI Taft Tower. Kung susukatin, wala pang dalawampung hakbang ang layo namin sa aming uuwian mula sa binabaan naming taxi. Nakiusap ako sa mga humarang sa amin kung puwedeng payagan kaming makadaan dahil bukod sa marami at mabigat ang mga libro naming dala, may kasama pa akong pagod at inaantok na bata. Sinabi kong ilang hakbang na lamang kami. At mag-iina lamang naman kami kaya hindi naman kami makaaabala o malaking banta sa mga kumukuha ng bar exam. Puwede rin nila kaming samahan sa paglakad papuntang EGI.

“Sumusunod lang kami sa utos ng Supreme Court. Kung gusto nyo, pumunta kayo sa Supreme Court at doon kayo makiusap.” Makapangyarihan at matigas

Page 7: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

7

Isa ako sa masugid na tumatangkilik sa Original Pilipino Music (OPM) bagamat di rin naman ako talagang sarado sa musikang nilikha ng mga Kanluranin.

Masasabing kaawa-awa ang kasaluku-yang kalagayan ng OPM. Unti-unting pinapatay ng teknolohiya at ng piracy ang industriya ng musika sa kasalukuyan. Noong dekada 70 hanggang 90, maitutur-ing na isang maunlad na industriya ang OPM sa Pilipinas. Maraming awiting Pili-pino ang nalikha noon at naging maha-lagang bahagi ng buhay Pilipino. Malinaw rin ang kasaysayang pinagmulan ng mga awiting ito, kung kaya nalikha ang mga awiting may bansag na “Manila Sounds” noong dekada 70 at “Tunog Kalye” naman noong dekada 90.

Hindi maihihiwalay sa kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas ang pangka-buuang kalagayan ng industriya ng musika sa kasalukuyan. Kung ang Pilipi-nas ay nagsisilbing bagsakan ng mga sobrang produkto at taga-konsumo ng makabagong teknolohiyang nilikha ng mayayamang bansa, ganito rin ang nan-gyayari sa larangan ng musika. Sa halip na gumawa ng mga bagong awitin ang isang kompositor o mang-aawit na Pili-pino, nagre-revive na lamang ng mga awiting banyaga. Kaya sa halip na matuklasan ang yaman ng kulturang Pili-pino sa pamamagitan ng mga awitin, nauuwi sa panggagaya o pangongopya ang mga ito. Nawawalan ng sariling tatak o estilo ang awiting Pilipino dahil sa laging pagsisikap nitong maging kasingtunog ng orihinal o pinaghiraman.

Nang mapakinggan ko ang “Upuan” ni Gloc 9, nabuhayan ako ng loob. Kinaki-taan ko ng pag-asa ang lugmok na kala-gayan ng OPM sa kasalukuyan. Sana ay may sumunod sa paglikha ng mga bagong awitin ni Gloc 9. Magandang pa-nimula ng taong 2010 ang “Upuan” upang maibangon ang OPM. Higit pa rito, dahil sa awiting ito, nagkaroon ng anyo at itsura

ang lipunang Pilipino.

Nang Ako’y Maupo sa “Upuan”

Nang una kong mapakinggan ang “Upuan” sa isang programa sa telebisyon na aking pinapanood, parang iniharap sa akin ni Gloc 9 ang isang painting o mating-kad na larawan ng lipunang Pilipino sa ila-lim ng panunungkulan ni Gloria Macapagal-Arroyo, na alam nating hindi naging tapat sa kaniyang pagkandidato at panunungku-lan bilang pangulo ng ating bansa. Sa loob ng siyam na taon, nasaksikan ng mga Pili-pino ang lantarang paggamit ng mga politik-ong nakaupo sa kanilang posisyon upang maigiit ang kanilang taglay na kapangyari-han.

Mahusay ang paggamit ni Gloc 9 ng mga pahiwatig sa awiting “Upuan.” Suriin ang unang bahagi ng awit:

Tao po nandyan po ba kayo sa loob ng Malaking bahay at malawak na bakuran Mataas na pader pinapaligiran At nakapilang mga mamahaling sasakyan Mga bantay na laging bulong ng bulong Wala namang kasal pero marami ang Nakabarong Lumakas man ang ulan Ay walang butas ang bubong Mga plato’t kutsara na hindi kilala ang tutong Ang kanin ay sing puti ng gatas na nasa kahon At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may Hamon ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan Na pag may pagkakatao’y

pinag-aagawan Kaya naman hindi niya pinakakawalan Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan ng Malinaw na ang Malacañang ang kaniyang tinutukoy na “malaking bahay,” may “malawak na bakuran,” “mataas na pader,” at “pinapaligiran at nakapilang mga mamahaling sasakyan.”

Buong-tingkad na inilarawan sa ba-haging ito ng awitin ang karangyaan ng buhay ng “Tao po” sa loob ng malaking bahay—“Mga plato’t kutsara na hindi kilala ang tutong,” “Ang kanin ay sing puti ng gatas na nasa kahon,” “kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon.” Ang “Tao po” rin ang siyang nagmamay-ari rin ng isang “upuan” na pinag-aagawan ng marami. May mga bahagi rin ng awiting isang babae ang tila nanawagan sa mismong “Tao po” na nakaupo sa upuan:

Kayo po na nakaupo Subukan nyo namang tumayo At baka matanaw At baka matanaw ninyo Ang tunay na kalagayan ko Direktang kinakausap ang “kayo” o ang taong nakaupo. Ang siste sa bahag-ing ito, magalang pa rin ang paraan ng pagpapaalis sa taong nakaupo sa upuan. Isang paraan ng tila pakikiusap na di kailangang magmakaawa at nambabas-tos sa pinaaalis sa posisyon o upuan. Pansinin din ang paggamit ng “po.” Ang ganitong uri ng pakikiusap ng babae ay lalong nagpatingkad sa pagkagahaman sa kapangyarihan ng taong pinatatayo o pinaaalis sa upuan.

Sa ikalawang bahagi, ipinakita ni Gloc 9 ang kabaligtaran ng lahat ng kani-yang sinabi sa unang bahagi ng awit.

Mawalang galang napo sa taong nakaupo Alam nyo bang pantakal ng bigas namin ay Di puno ang dingding ng bahay namin ay Pinagtagpi-tagping yero Sa gabi ay sobrang Init na tumutunaw ng yelo Na di kayang bilhin Upang ilagay sa inumin Pinakulong tubig Sundan sa pahina 12

Pakiusap Po sa Taong Nakaupo ni Genaro R. Gojo Cruz

Alinaya

Rebyu

Page 8: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

Lathalain

8 Alinaya

Filibusterismo, Banaag at Sikat, Re-publikang Basahan at marami pang iba, ang mga nabanggit na akda ay pawang panunuri sa pamumuhay, pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa kinabibilangang lipunan. Hangarin nitong maglarawan sa isipan at bu-muhay sa damdamin ng mamama-yan ng bansa ng iba’t ibang kama-layan at pagpapahalaga. Sinasabi sa ating kasaysayan na bago pa man dumating ang mga dayuhan ay mayroon na tayong sariling kultura at makikita rin ito sa ating panitikan na maaaring magpa-hayag ng ating pinanggalingang kul-tural. Noon pa’y may sarili nang paniniwala ang mga katutubo na tinatawag na animism. Ayon sa Primitive Culture (1871) ni Tylor, ang animism ay ang pangkalahatan at pangkaraniwang paniniwala sa mga spiritual being at maituturing na pi-nakamababang uri ng relihiyon. Bini-gyan niya ng diin na dito nagsimula ang lahat ng uri ng relihiyon, payak man o masaklaw. Naniniwala ang mga katutubo na ang ispiritu o kalu-luwa ang nagbibigay buhay sa tao, na maaaring sumanib sa ibang tao, sa mga pananim, hayop, at sa mga bagay na walang buhay. Subalit ang mga teoryang ito ni Tylor ay pinuna ni Robert R. Marett, isang British anthropologist. Sinabi niyang baga-mat sila’y katutubo at ipinalalagay na kulang sa kaalaman tiyak pa rin na may malalim silang dahilan sa pagkakaroon ng relihiyon, na maaar-ing emosyonal o mental. Pinabubu-laanan niyang naniniwala ang mga katutubo sa teoryang ang lahat ng bagay ay may buhay. Naniniwala si Marett na noon pa man, may posi-bilidad na malay na ang mga katu-

tubo sa kaisipang may mga bagay na walang buhay at nagtataglay ang mga ito ng kakaibang katangian at kasinghi-waga ng mga bagay na may buhay. Naniniwala rin ang anthropologist na hindi pa kayang isipin ng mga katu-tubong nagkakaroon ng buhay ang mga bagay sapagkat sumasanib dito ang ispiritu. Oo nga’t kinikilala nila ang mga bagay na walang buhay bilang buhay, may damdamin, at may sariling kaisipan subalit hindi naman sila nagbigay ng paliwanag na ang kaluluwa o ispritu ang sumasanib upang mabigyang buhay ang mga bagay. Tinawag ni Marett na ani-matism o preanimism ang ganitong uri ng pananaw at ipinalalagay niyang dito nagmula ang animism. Kaugnay ng ani-mism ang pagsamba sa ninuno at iba pang paraan ng pagsamba sa kalikasan. Sa matandang ritwal ng mga pagano, may mga awiting panrelihiyong inaawit ang mga guro (pari) na tinatawag na mga dalit (hymns) na kung awitin ay si-nasaliwan ng sayaw, at tugtog ng agong at kumpiyang. Ang dalawang halimbawa rito ay mula sa Kabisayaan. Ang mga “baylan” o ang mga paring babae (priestesses), ang pangalawa ay ang Panawagang-Panalangin (Invocation). Laganap ang mga awiting bayan sa buong Pilipinas. Ang mga naninirahan sa bulubundukin maging sa kapatagan ng Luzon, Bisaya’t Mindanao ay may kanya-kanyang awiting bayan. Ang awit-ing bayan ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook. Maraming uri ang mga awitin: may mga awit na tungkol sa pag-dakila sa kanilang Bathala, awit sa pag-sisisi sa kasalanan, pag-awit upang su-magana ang ani, pag-awit sa pakikipag-

UNANG BAHAGI Mahirap halungkatin ang tunay nating identidad, dahil sa haba ng panahong napasailalim tayo sa kapangyarihan at impluwensya ng mga dayuhan. Hinubaran nila tayo, hindi lang ng kalayaan pati na ng ating identidad at dinamitan ng kanilang sarili. Subalit umaasa pa rin tayo na sa patuloy nat-ing pag-aaral, pagpapahalaga, at panunuri ng literatura na itinuturing nat-ing salindiwa ng ating kultura, umaasa tayong matutukoy natin ang ating tunay identidad. Laging sariwang alaala ng isang lahi ang panitikan, ayon kay Bisa (1987). Nababakas sa mga nababasang akda ang mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, tradisyon, kabihasnan, at mga pangarap ng isang lipunan sa kani-kanilang mga panahon. Sapagkat ang mga nabanggit ay malimit na pinapaksa ng literatura, ma-sasalamin natin ang buhay at uri ng pamumuhay ng mga mamamayan sa partikular na lipunan. Sa pamamagitan ng kritikal na pagsisisyasat, hindi lang sa matunton natin ang ating pinagmu-lan at mabatid kung ano ang impluwen-syang panlipunan, unti-unti rin nating mauunawaan ang uri ng panitikan sa kanilang kapanahunan. Kaya nga’t hindi maaaring maihiwalay ang paniti-kan sa kasaysayan. Ang mga akdang pampanitikan ayon kay Belvez, (2004) ay hindi lamang nagpapahayag ng mga kaisipan at damdamin ng tao kundi nagsusuri rin at nagbibigay kahulugan sa mga nagaganap sa daigdig. Ang panitikan ay isang sining ng pagsusuri sa kabuuan ng tao, ng kanyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at maging pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya. Tulad ng ilang obrang Noli Me Tangere, El

Ang Mga Bikolano, Dalit, at Pamimintakasi ni Emma A. Basco

Sundan sa pahina 9

Page 9: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

nobena, awit, at tula, gayon din ang mga akdang panrelihiyon ng Bisaya gaya ng Lagda na siyang pinagbata-yan ng mga paring Kastila sa kanilang pagtuturo ng pananam-palatayang katolisismo. At ang mga akdang panrelihiyon sa Bikol, maraming nasulat na mga akdang panrelihiyon si Mariano Perfecto tulad ng mga talambuhay ng mga santo, dasal at nobena, (Salazar, et al, 1995). Isinulat din ni Francisco Borondia ang Novena kay Sto. Do-mingo de Guzman. Sa mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon, Marinduque at Mindoro ay ugali hanggang ngayon, kung Bu-wan ng Mayo, ang pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na Birhen at sinabayan ang pag-aalay na ito ng pag-awit ng mga dalit na handog sa Birheng Maria. Ang mga Dalit ay mga tulang panrelihiyon na may dalawang bahagi: ang talindaw at pabinian. Isinulat ito ni P. Mariano Sevilla na sumilang sa Tundo noong Nob. 12, 1832, at nabuhay nang mahabang panahon hanggang sa panahon ng mga Amerikano. Noong 1865 ay humalaw siya sa mga awit na Italyano ni Muzzarelli, “II Mese de Maggio” (Ang Buwan ng Mayo). Ang mga halaw ni P. Sevilla ay pinama-gatang “Flores de Mayo” at siyang naging gamitin ng maraming tao kung buwan ng Mayo. Ginagawa nang may sagutan ng namumuno at ng mga batang kasali. Ang paksa ng mga awit ay pagpuri at pagpaparan-gal sa Mahal na Birhen. Ang mga ilang inaawit sa prusisyon na ka-sama ang karosa ng Mahal na Bir-hen at mga sagala. Hanggang ngayon ang Flores de Mayo ay gina-ganap sa bayan-bayan. Isa pa sa mga dalit na laganap na hindi nala-laman kung saan natagpuan ay ang

digma, pag-awit sa tagumpay, pagpa-patulog ng bata, sa kasal, pagpuri sa kanilang mga ninuno. Halimbawa ng mga awit: oyayi, suliranin, kumintang, diona, kundiman at dalit. Nang dumating ang mga kastila, na-mahinga ang dating panitikan habang nanasok sa isip at puso ang Kristiyan-ismo. Napakalakas ng impluwensya ng kanilang relihiyon sa ating panitikan Naging paksa ng mga akda ang relihiyon kaya’t tinawag nating itong panahon ng “religious literature” (Maramba,2006). Karamihan sa mga akda ay tungkol sa relihiyon at moralidad. Ang panahon ng mga Kastila ay panahon ng panunulad sa mga anyo at paksang Kastila, pagka-baguhan sa kaisipang kanluranin ngunit pagkagising sa doktrina ng pag-ibig ng pagkakristiyano. Napakalaki nang nag-ing impluwensya ng pananakop ng mga kastila sa larangan ng relihiyon magpa-hanggang sa ngayon. Sa kabuuang populasyon ng Pilipino sa kasalukuyan, 93% ay Kristyano, Katoliko o Protes-tante. Sinasabing ang Pilipinas lamang ang tanging Kristiyanong bansa sa Asya.(Zaide, 2002). Nasulat noong 1600’s ang mga unang tulang Ladino, nakasulat sa wikang kastila at Tagalog. 1700’s naman nasulat ang kauna-unahang tula gamit ang Tagalog. Karaniwang paksain ay relihiyon, karamihan ay leksyong-katikitekal, panalangin at tula kay Maria, sermon at nobena (Maramba,2006). Nakilala ang sanaysay na Urbana at Feliza ni P. Modestro de Castro, Pasyon na isinalin sa Tagalog nina de Belen (1704), Guiuan (1750), Pilapil (1814), at dela Merced (1852). Nakilala rin ang mga dulang panlasangang tulad ng Panunuluyan, Salubong, Alay, Pangan-galuluwa, at Hosanna, gayundin ang mga dulang panrelihiyong Cenaculo, Tibag (Santacruzan at Flores de Mayo). Dagdag pa rito, ang mga akdang panrelihiyon sa Ilokano tulad ng mga

“Paalam Na Dakilang Senorang Ina Natin”. Isinulat ni P. Mariano V. Sevilla at isinalin ni Dr. Jose V. Panganiban. Gayon din si P. Francisco Salazar ay sumulat ng Meditasyon sa Kastila noong 1643 at isinalin sa Tagalog ni P. Pedro de Herrera noong 1645. Samantalang ang mga nobena na-man ay katipunan ng mga panalangin na kailangang ganapin sa loob ng 9 na araw, maaring sunud-sunod o isang araw sa loob ng isang lingo, batay sa santo o santo ng namimintakasi. Kung tutuusin, ang mga ritwal ng mga katu-tubo ay isa ring uri ng pagnonobena sapagkat may mga araw rin silang binibilang sa pagdaraos ng kanilang mga pagdiriwang na may kaugnayan sa kanilang pasasalamat sa magandang ani, o paghingi ng ulan, pagpapaalis ng sakit na nananalasa sa kanilang tribu, pagpapaalis ng sakit ng kapamilya o paglilibing.(Casanova, 2001) Ang nabanggit na pagdiriwang ay kasama sa mga tradisyong patuloy na ginagawa ng mga Bicolano. Sa kasalu-kuyan nagsasagawa pa sila ng pag-aalay sa mga kinikilala nilang mga santo at santa sa pamamagitan ng mga makukulay na kapistahan. Nagnono-bena, naghahanda, at nagtitira ng pag-kaing inilalagay sa altar o sa harap ng imahe ng santo/santa. Gawi rin nila ang paggalang sa kanilang mga ninuno. Kinikilala, pinapahalagahan at iniinga-tan nila ang kanilang alaala. Dagdag pa rito ay ang su-ob, isang ritwal sa pang-gagamot. Ginagawa ang sinaunang pagsusu-ob sa pamamagitan ng pagsa-sayaw (ng kanilang kinikilalang pari) sa saliw ng isang masiglang tugtugin at pag-aawit ng kanilang kinaugaliang panalangin. Hinihiling ng kanilang pina-kapari sa kanilang anito ang mabilis na paggaling ng isang may sakit. Nanini-wala silang mapapagaling ng isang manggamot ang sinumang nagkasakit.

9 Tomo 3, Bilang 2

Ang Dalit...mula sa pahina 8

Itutuloy sa susunod na isyu ng Alinaya

Page 10: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

10 Tomo 3, Bilang 2

“Oo nga,” sabi naman ng isa ko pang anak. “Hindi sya mapakiusapan. Ang lapit-lapit na natin sa EGI pinaikot pa tayo. May utos nga sila from Supreme Court, pero di ba Mommy, lagi namang may exception to the rule?”

Nakisali sa aking mga anak ang isang may gulang nang babae ng naglalakad kasabay namin. May dala itong malaking bag. Gamit daw ng anak niyang nag-aaral sa La Salle at nagdo-dorm sa EGI Taft Tower.

”Oo nga, sobrang higpit nilang magban-tay, akala mo laging may magpapasabog ng bomba sa mga barrister na ’yan. Masyado silang inaalala at inaalagaan pero pag mga abogado na, lalo na ’pag nasa gobyerno na, corrupt naman ang karami-han dyan!” Galit ang kaniyang tono nang magsalita.

Natawa ako sa kaniyang sinabi. ”Hindi nga po kami pinayagang makadaan kahit nakiusap na ako,” ang tanging naisagot ko sa kanya. Pinagmasdan ng babae ang bunso kong anak na hinihila na ang mga paa sa paglakad. ”Kawawa naman...” sabi nito.

Nang nasa bahay na kami at nagpa-pahinga, inisip ko ang nangyari sa amin. Sa mga oras na iyon, nagtatalo ang aking isip tungkol sa pagsunod at hindi pagsunod sa utos. Sa isang banda, nakatutuwang malaman na mayroon pa ring mga taong marunong sumunod sa iniutos sa kanila. Pero sa kabilang banda naman, nakalulungkot isiping may mga taong nagpapakulong at nagpapatali sa kung ano lamang ang iniutos sa kanila at hindi marunong dumama, mag-isip, at magdesisyon ayon sa hinihingi ng sitwasyon.

Nang ikuwento ko sa aking asawa ang naranasan namin, ang sabi niya, kung military men o mga trained na pulis ang nakausap ko, hindi nila talaga ako pagbibigyan sapagkat tungkulin nila ang sumunod sa utos. Sinanay silang sumunod sa utos at huwag tumalikod sa inutos sa kanila kahit anuman ang mangyari at

sinuman ang nakataya. Maaaring may katwiran ang aking asawa. Subalit naisip ko na may judgement call naman ang bawat tao. Iyon nga lang, ang malungkot, ang naging judgement call ng aking mga kausap ay manindigan sa pagsunod sa utos sa kanila at hindi ang judgement call na pagbigyan ang aming pakiusap na para sa akin ay isang pagpapasya na higit na makatao.

Naisip ko rin na may talinong ipinagkaloob sa atin para gamitin sa pagtimbang sa mga bagay-bagay at para maunawaan natin kung ano ba ang makabubuti at makasasama sa ating kapwa. Tal ino na magagamit nat in sa pagpapasyang sumuway o tumalikod sa utos kung kinakailangan sang-ayon sa dikta ng ating konsensya. Sayang naman kung hindi natin gagamitin ang biyaya ng talino sa mga pagkakataong dapat nating gamitin ito.

Pinagkalooban din tayo ng puso na dapat tumibok at dumama para sa kapakanan at kabutihan ng ating kapwa. Higit pa sa isip, naniniwala akong mas dapat manaig sa tao ang kaniyang damdamin sapagkat ito ang pinagbubukalan ng pag-ibig na itinuturing na pinakadakilang handog sa sanlibutan.

Alam kong pinipilit sundin ng mga tauhan ng supreme ang utos sa kanila. Nauunawaan ko ring gusto nilang magampanan nang maayos at tama ang kanilang trabaho. Subalit para sa akin, may mga pagkakataong maaari naman tayong lumihis sa itinakda sa atin kung kinakailangan lalo na kung kapakanan ng ating kapwa ang nakataya at kung may sangkot na isang bata. Maaari nating gawin ito kung wala namang masamang maidudulot ang paglihis sa utos, kung walang masasaktan, kung hindi ito lilikha ng malaking kaguluhan, at hindi naman natin susuwayin nang buong-buo ang itinakda sa atin.

Halimbawa, kung pinagbigyan kaming makadaan sa napakaigsing lalakaran namin, malaking problema kaya ang idudulot nito sa bar exam? Manganganib kaya ang buhay ng mga barista sa pagdaan namin na hindi

naman tatagal ng isang minuto? Matatanggal kaya sila sa kanilang trabaho? Alam kong ”HINDI” ang sagot sa lahat ng ito. Hindi kami malaking banta at wala kaming dalang panganib sa aming pag-uwi sa EGI. Ito sana ang naisip ng mga tauhan ng supreme court sa panahong nakikiusap ako sa kanila subalit hindi nila nakayang gawin. Patunay lamang na wala silang pakialam at bingi sila sa pakiusap at sa pangangailangan ng kanilang kapwa.

Naisip ko rin ang homily ng paring nagmisa sa St. Benilde Chapel nang umagang iyon. Ang sabi niya, ”dapat manaig sa tao ang kapangyarihan ng pagmamahal sa kapwa at hindi ang pagmamahal sa kapangyarihan.” Sa kaso ng mga tauhan ng Supreme Court, malinaw na ang nanaig sa kanila ay ang pagmamahal sa kapangyarihang magpatupad ng utos at hindi ang kapangyarihan ng pagmamahal at pag-unawa sa kapwa.

Sa ganito, nagmistula silang mga taong-robot na walang puso at pakiramdam. Makikita silang palakad-lakad sa Taft Avenue sa kanto ng Vito Cruz hanggang Quirino tuwing araw ng Linggo sa buwan ng Setyembre.

Mga Taong-Robot sa Taft Avenue...mula sa pahina 6

pa ba ang TL? Takot ba kayo sa D.O. o sa checker? Sino ang nakaisip ng ThinkClient? Ipaliwanag ang katuturan at kahulugan ng salita na hindi sosobra sa 100 salita. Ipadala ang kontribusyon kay Dr. Rhoderick V. Nuncio sa [email protected].

100 Epektibong Estratehiya sa Pagtu-turo sa DLSU-M

Inaanyayahan ang lahat ng guro sa pamantasan na magsumite ng pinaka-epektibong estratehiya na ginagamit sa pagtuturo sa DLSU-M. Kailangang na-kasulat sa wikang Filipino at hindi hihigit sa dalawang pahina sa anyong patalata ang artikulo. Ipadala kay Dr. Josefina C. Mangahis ang kontribusyon sa [email protected].

Isangdaan...mula sa pahina 3

Page 11: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010...mula sa pahina 12

Kundiman ang karamihang inawit ng Mabuhay Singers sa konsiyerto. Isa sa mga inawit nila ay ang “Kundiman at Luha” na tumatalakay sa sakit na nadarama ng isang tao dahil hindi niya nakamit ang pag-ibig ng kaniyang minamahal. Naging matagumpay ang konsiyerto na dinaluhan ng mga estudyante ng DLSU-M at ng ilang mga bisita buhat sa labas ng pamantasan. Naniniwala ang Mabuhay Singers na ang pag-awit ay isang mabisang paraan upang mapag-isa ang nagdaan at kasalukuyang henerasyon. Tasahan at Kapihan Inimbitahan sa Tasahan at Kapihan noong ika-17 ng Agosto ang dalawang kinikilalang direktor at scriptwriter ng mga Indie Film na sina Sheron Dayoc, sumulat at nagdirek ng dokumentaryong “Halaw” at si Jerry Gracio, na sumulat ng pelikulang “Astig” at “Muli.” Nagkaroon ng pagkakataon ang mga estudyante ng DLSU-M na makaharap at makausap ang dalawang kinikilalang direktor at scriptwriter na kapwa pinarangalan ng Cinemalaya. Patimpalak sa Pag-awit ng OPM

Idinaos noong ika-12 ng Agosto ang kauna-unahang Patimpalak sa Pag-awit ng Original Pilipino Music (OPM). Naging masigla ang pagtugon ng mga estudyante. Labing-apat ang lumahok sa patimpalak. Ang lupon ng inampalan ay binuo nina Dr. Lakangiting C. Garcia,

11 Alinaya

Dr.Josefina C. Mangahis at Ge-naro R. Gojo Cruz. Layunin ng patimpalak na itaas ang antas ng pagpapahalaga ng mga estudyante sa musikang Pili-pino at maitanghal ang talento ng mga Lasalyano sa paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng pag-awit.

Itinanghal si Kevyn Joseph R. Reyes bilang Kampeon para sa kaniyang mahusay na interpre-tasyon kantang “Ikaw” na pinasi-kat ni Sharon Cuneta. Ikalawang Gantimpala sina Kiana Valenciano na umawit ng “Kailan” na inawit ng grupong Smokey Mountain at Pauline Jannina Mangubat. Nakamit naman ni Yves Mateo ang Ikatlong Gantimpala at nina Julie Ann Garcia at Danica Rayos ang Una at Ikalawang Karangalang Banggit.

Nagtanghal muli ang mga nagsipag-wagi at pinagkalooban ng sertipiko sa pangwakas na palatuntunan ng Buwan ng Wika 2010, Programa ng Piyestang Filipino na ginanap noong ika-20 ng Agosto Textula

Inilunsad din ng FilDept ang patimpalak sa pagsulat ng tanaga. Ang tanaga ay isang sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog na binubuo ng apat na taludtod na tugmaan, may sukat na pitong pantig ang bawat taludtod, at nagpapahayag ng isang buong diwa. Bukod sa layuning bigyang-kamalayan ang mga estudyante ng DLSU-M sa pagsulat ng tanaga, nais isulong ng patimpalak ang paggamit ng

teknolohiya tulad ng cellphone upang buhayin ang katutubong pagtula. Ang lahok na tanaga kailangang ipadadala gamit ang cellphone. Nagsimula ang patimpalak noong ika-19 ng Hulyo hanggang ika-13 ng Agosto. May tema ang bawat linggo: Linggo 1 -

Bagong Pangulo, Bagong Pag-asa ng mga Pilipino, Linggo 2 - Magandang Kalikasan, Maunlad na Bayan, Linggo 3 - Tatak Lasalyano, Ipinagmamalaki Ko, at Linggo 4 - Wikang Filipino, Kaagapay sa Pagtataguyod ang mga Lasalyano. Bawat linggo ay pumili ng isang pinakamuhasay na tanaga at tinanghal na Makata ng Linggo. Pinagkalooban ng P500.00 at ng sertipiko ang mga nagsiwagi. Naging hurado ng patimpalak sina Dr. Dexter Cayanes, Genaro R. Gojo Cruz at Prop. David Michael M. San Juan. Narito ang mga nagwaging tanaga: Ang aming kalikasan, ay aming kagandahan. Ang tunay na kariktan ng ating inang bayan. - Andy Medina EI Pagsigaw ng animo, Buong-buo ang puso, Wala talagang biro, Matapang walang suko. - Dickson Stewart, EI Mabilis na panahon, Lasalyano’y naroon, Medalya’y baon-baon, Talino’y ipon-ipon. - Jannel Serrano, LR25 (Ulat nina Genaro R. Gojo Cruz, David Michael M. San Juan, Voltaire M. Villanueva, at Emma A. Basco)

Si G. Kevyn Joseph R. Reyes bilang Kampeon sa Patimpalak sa Pag-awit ng OPM.

Ang mga nagwagi sa Textula: Jannel Serrano, Andy Medina, at Dickson Stewart, kasama sina Dr. F. P.

Demeterio at Dr. D. B. Cayanes

Page 12: Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010, Tagumpay!

Pakiusap po sa taong nakaupo...mula sa pahina 7

Sundan sa pahina 12 Lungsod ng Maynila, Letran College, Lyceum of the Philippines, University of Santo Tomas, Philippine Normal University, at Technological University of the Philippines-Taguig. Ibinahagi at ipinalabas ng ilang estudyante ng DLSU-M na kumukuha ng AB Philippine Studies (AB-PHM) ang

kanilang mga pananaliksik ukol sa wika, kultura, at mass media. Ilan sa mga estudyante ng AB-PHM na nakibahagi sa Saloy 2010 ay sina Claravelle Reah A. Bagsit, Immy Belle E. Rempis, Rachel L. Gutierrez, Ann R. Nolasco, Abdul Rahman M. Macapendeg, Ralph Ivan B. Bragancia, Michelle Ann Sy, Pauline Ann Cruz, Jose Raphael C.

Agoncillo, Kristine Rochel Viray, at Diomer Lloyd M. Budios. Nagbigay naman ng mga aklat ang National Commission for Culture & the Arts at ang National HIstorical Institute sa mga estudyanteng nagbigay ng panayam at sa mga pamantasang dumalo. Ang Saloy ay isang gawaing pinasimulan ni Prop. John Enrico C. Torralba noong 2004. N a g b i g a y n a m a n n g pampasiglang bilang si Jay-Jay

Lozano na umawit ng kantang “Panalangin” na pinasikat ng APO Hiking Society. Si G. Lozano ay miyembro ng bandang Bloom Brothers. Mabuhay Singers Nagtanghal ng isang konsiyerto ang Mabuhay Singers noong ika-21 ng Agosto sa William Shaw Theater. Ang Mabuhay Singers ay isang kilalang grupong nabuo noong pang 1958 sa ilalim ng Villar Recording Company. Ang grupo ay nakapaglabas na ng 100 albums na naglalaman ng mga awiting tradisyunal at makabago. Noong 1973, natanggap nila ang isang parangal buhat sa Philippine Records Association bilang pinakamaraming nabentang

kakasyahin.” Sagad sa buto ang ipi-nakitang kahirapang ito ni Gloc 9 sa kaniyang awitin.

Ang maganda pa, inilalarawan ni Gloc 9 ang kaawang-awang kalagayan ng isang pamilyang Pilipino, di bilang isang tagalabas na nakakakita o isang mang-aawit na nakasaksi lamang. Siya si Gloc 9 isang mang-aawit ang siya rin mismong nakararanas ng kaniyang inilalarawang kahirapan ng mga Pili-pino. Kabilang siya sa mga Pilipinong hindi pinakikinggan at nakikita ng mga nakaupo, at siya lamang ang nagkaroon ng lakas ng loob na magsalita at mag-bunyag ng mga katiwalian ng mga na-kaupo.

Naging matalino rin ang paraan ng ginawang pagwawakas ni Gloc 9.

Huwag kang masyadong halata Bato bato sa langit Ang tamaay huwag magalit Bato bato bato sa langit Ang tamaan ay Huwag masyadong halata

Sa lumang takureng uling uling Gamit ang Panggatong na inanod lamang sa estero Na nagsisilbing kusina sa umaga’y aming Banyo Ang aking inay na may kayamanang Isang kaldero Na nagagamit lang pa gang Aking ama ay sumweldo Pero kulang na Kulang pa rin ulam na tuyo’t asin Ang singkwenta pesos sa maghapo’y Pagkakasyahin Di ko alam kung talagang Maraming harang O mataas lang ang bakod o Nagbubulag-bulagan lamang po kayo kahit sa Dami ng pera nyo Walang doktor na makapag Papalinaw ng mata nyo Sa bahaging ito, inilantad ni Gloc 9 ang lugmok at kaawang-awang kalagayan ng maraming bilang ng mga Pilipino sa labas ng “malaking bahay.” Matingkad na matingkad ang ginawang paglalarawan ni Gloc 9 sa ka-hirapan—“pantakal ng bigas namin ay di puno,” “dingding ng bahay namin ay pinag-tagpi-tagping yero sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo,” “pinakulong tubig sa lumang takureng uling uling,” “panggatong na inanod lamang sa estero na nagsisilbing kus-ina sa umaga’y aming banyo,” “kulang na kulang pa rin ulam na tuyo’t asin,” at “singkwenta pesos sa maghapo’y pag-

Huwag kang masyadong halata Bilang isang mang-aawit na Pilipino na malay sa mga pangyayaring panlipunan sa panahon ng panunungkulan ni Gloria Macapagal-Arroyo, kailangan ding pan-galagaan ni Gloc 9 ang kaniyang sarili. Ipinapaalala ng huling bahagi, na wala namang tiyak na taong pinatutungkulan ang awit. Ito ay patungkol sa lahat ng tao, at kung tamaan man sa kaniyang sinabi ay may paalaalang huwag maga-galit.

Pero sa katotohanan, malinaw na mali-naw sa likod ng ating isipan kung sinong tao at anong upuan ang tinutukoy ni Gloc 9. Alam na alam natin ang naratibo o kuwento sa likod ng upuang kaniyang inilarawan.

Kapuri-puri rin ang kabuuang titulo ng album—“Matrikula.” Kung tutuusin, ang maging Pilipino ay tila pagbabayad ng matrikula. Maraming Pilipino nagbabayad ng matrikula para sa magandang buhay at kinabukasan, ngunit patuloy pa rin itong pinagkakait sa kanila..

Mga Gawain sa Buwan ng Wika 2010...mula sa pahina 1

Ang Mabuhay Singers sa kanilang konsiyerto.

Si G. Ralph Ivan B. Bragancia habang nagbibigay ng kaniyang lektyur ukol sa AGB Nielsen sa Saloy 2010. .