2. Napahigpit ang hawak ni Mang Doro sa binabasang pahayagan
nang makita niya ang larawan ng isang babaing nakatoga. Tinitigan
niya ang larawan.
3. Hindi siya maaaring magkamali. Si Lita iyon. Binasa niya ang
nakasulat sa ibaba ng larawan: Angelita M. Robles, FEU fifth place.
Iyon ay tungkol sa kinalabasan ng pagsusulit sa pagkakontador.
4. Napuno ng kagalakan ang dibdib ni Mang Doro. Tapos na ang
kaniyang anak! Mayroon na siyang maipagmamalaki sa kanilang mga
kanayon.
5. Ngunit bigla siyang natigilan. Ang kagalakan ay nahalinhan
ng isang bagong damdamin: pangamba. Isang katanungan ang umukilkil
sa kaniyang isipan: May bahagi ba siya sa tagumpay na iyon ng
kaniyang anak?
6. Hindi sila mayaman. Karaniwan lang ang buhay nila. Gayon pa
may pinilit niyang masunod ang layaw ng kanilang dalawang anak ni
Aling Sela: sina Paz at Lita.
7. Pilit niyang itinaguyod ang pag-aaral ng mga ito sapagkat
buung-buo ang kaniyang pag-asa na ang mga ito ang hahango sa kanila
sa kahirapan.
8. Mataas ang kaniyang pangarap, para sa mga anak, lalo pa ngat
alam niyang kapwa naman matalino ang dalawa. Nang makatapos sa
mataas na paaralan si Paz, ipinasya niyang sa Maynila na ito
pagpatuluyin ng pag-aaral. Katig sa kaniyang balak ang asawa, gayon
din naman si Paz.
9. Anak, wika niya kay Paz bago ito umalis patungong Maynila,
alalahanin mong katakut-takot na hirap ang titiisin namin para ka
lang mapaaral. Huwag ka sanang magpapabaya. Pilitin mong makatapos,
at para sa iyo rin yan.
10. Hayaan niyo hot hindi ko kayo bibiguin, pangako naman ni
Paz. Lalo niyang pinag-ibayo ang pagsisikap. Hindi pa man sumisikat
ang araw ay nasa bukid na siya at kung umuwi siya ay sibsib na.
Ayaw niyang magkulang ng pagpapadala si Paz sa Maynila.
11. Batid niyang pera ang laging kailangan ng isang nag-aaral
sa lungsod. Pati na nang bahaging dapat na iukol niya kay Lita na
noon ay nasa ikatlong taon ng mataas na paaralan ay madalas na
napapaukol pa rin kay Paz.
12. Pasensiya ka na anak at ikaw naman e dito lang sa nayon
nag- aaral, may himig pakiusap ang sabi niya kay Lita nang minsang
humiling ito ng bagong damit.
13. Huwag mong isiping mas mahal namin ang ate mo kaysa sa iyo.
Kaya nga lang e dapat na maging mapagparaya ka muna sa kanya habang
hindi nakatatapos ng pag-aaral. Pasasaan bat makatatapos din ang
kapatid mo, at ikaw ay magpapatuloy rin ng pag-aaral sa
Maynila.
14. Nang tumuntong sa ikalawang taon sa pamantasan si Paz nasa
huling taon naman ng mataas na paaralan si Lita. Ngunit hindi na
nakatapos si Paz sa kaniyang pag- aaral.
15. Isang araw ay tumanggap sila ng liham buhat dito na
nagsasabing sumama itong magtanan sa lalaking nagugustuhan.
Matinding panlulumo ang nadama ni Mang Doro.
16. Sayang!, magkahalong poot at panghihinayang ang gumigiyagis
sa kaniya. Ni hindi na niya naisip kung gaano ang ikinapal ng aking
palad para lamang sa kaniya. Kung alam ko lamang na ganito ang
mangyayari.. Kung alam ko nga lang.
17. Nawala ang kaniyang dating pagsisikap; sa palagay niyay
wala na siyang dapat paghandaan ng isang kinabukasan. Pati na ang
inihanda niyang balak para kay Lita ay pinilit niyang buwagin sa
kanyang isipan.
18. Naisip niyang kung ano man ang pagsisikap na gagawin niya
para sa anak ay mawawalan din ng kabuluhan, mag-aasawa rin ito,
tulad ni Paz. Ito ang naging katwiran niya ng minsang lumapit sa
kaniya si Lita at hininging maipagpatuloy ang pag-aaral sa
Maynila.
19. Pagkakagastahan ka, pag-aaralin, pag-uukulan ng pawis at
panahon. At pagkatapos, mag- aasawa lang!, puspos- kapaitan na
nawika niya sa anak.
20. Hindi ko ho gagawin iyon, Tatang, nakiusap si Lita.
Nangangako ako sa inyo! Nangako rin si Paz! Kung hindi ako
makatupad, saka niyo ako sumbatan, patuloy na pakiusap ni
Lita.
21. Bakit hindi natin siya bigyan ng pagkakataon?,
pakikisangkot ni Aling Sela. Ngayon naman siguroy hindi na tayo
mabibigo! Bigyan ng pagkakataon?!, at nagtagis ang mga ngipin ni
mang Doro. Hindi bale sana kung sa pagkakataong ibibigay natin sa
kaniya ay nakatitiyak ngang hindi nya tayo bibiguin.
22. Pero kung patay tayo sa hirapat saka naman siya nakakaisip
na lumayo! Ano ang magiging kabuluhan ng ating paghihirap? Hayaan
mong ako ang magpuno sa pagkukulang ni ate, tatang!
23. Hindi ko na kailangan. Kung mag-aasawa ka, mabuti pa ngayon
na. Huwag nyo nang hayaang mamatay pa ang katawan ko sa
pagtataguyod sa inyo. Tama na sa akin ang minsang pagkauntog!
24. Naging matigas siya sa kaniyang pagpapasya. Tuwing makikita
niya ang kaniyang lipak-lipak na palad ay lalo namang tumutindi ang
kapaitang nadarama niya. At isang umaga, nagisnan na lamang nilang
mag-asawa ang isang sulat na iniwan ni Lita bago ito umalis.
25. Ipinasya kong gumawa ng sarili kong hakbang kahit na alam
kong daramamdamin ninyo. Alam kong wala na akong pagkakataon pang
makuha ang pagtitiwalang tulad ng ibinigay ninyo sa ate.
26. Ngunit ibig ko rin namang ipakita sa inyo na taos sa puso
ko ang paghahangad na makatapos ng pag- aaral. Ako ang magbabangon
ng pag-asa ninyo na tuluyan nang namatay nang mag-asawa si
ate.
27. Huwag ninyo kong alalahanin. Kaya kong pangalagaan ang
aking sarili. Pansamantala muna akong titira sa mga Tiya Tinay. At
nangangako akong hindi ako babalik hanggat hindi ninyo ako
maipagmamalaki.
28. Papano ngayon ang anak natin?, nag-aalalang tanong ni Aling
Sela. Puntahan ko kaya kina Ditseng Tinay. Hayaan mo sya! Matigas
niyang wika noon. Hindi ilang ulit na nagpadala ng sulat si Lita,
ngunit hindi man lamang niyang tinangkang buksan.
29. Laging si Aling Sela ang nagbubukas ng mga liham na
dumarating buhat sa Maynila. Pumapasok pala ang anak mo ngayon sa
pabrika, at nag-aral naman sa gabi. Komersiyo raw ang kinukuha niya
pagbabalita sa kanya ni Aling Sela
30. Kung tumatanggap sila ng balita tungkol sa mabuting
kalagayan ni Lita sa trabaho at sa pamantasang pinaasukan ay may
isang damdaming lagi nang lumulukob sa kanya. Walang tiyak na
hugis,ngunit batid niyang hindi pagkapoot.
31. Malapit ngang matapos si Lita, wika sa kanya ni Aling Sela
isang araw. Hindi siya sumagot. May kurot siyang naramdaman sa
dibdib. Noon pay inamin na niya sa sarili na nagkamali siya.
32. Makatatapos na si Lita, ngunit sa pagtatapos nito ay wala
siyang maituturing na naging bahagi siya. Batid niyang tutuparin ni
Lita ang sinabi nitong pagbabalik.
33. At tuwing maiisip niya iyon ay magkahalong pananabik at
pangamba ang nadarama niya na may maisusumbat si Lita sa kaniya.
Nakita ni Mang Doro na papasok na si Aling Sela sa kanilang
tarangkahan.
34. Hindi pa rin niya binibitawan ang hawak na pahayagan. anu
bat mukhang pinakyaw mo ng lahat ang paninda sa palengke?, biro
niya sa asawa.
35. Ngayon lamang niya ito nakitang namili ng gayon karami. Ku,
e minsan lang naman tayong makapag-ulam ng marami, e. Kung araw
lang naman ng linggo. tumawa lamang si Mang Doro, ngunit hindi
sumagot.
36. Muling ni Mang Doro ang hawak na pahayagan. Hinabol niya ng
tingin ang asawang nagtuloy na sa kusina. Nais niyang itanong kung
alam na ni Aling Sela ang tungkol sa pagkakapasa ni Lita sa
pagsusulit na ibinigay ng pamahalaan.
37. Ngunit nagtimpi siya. Kung ilang ulit na lamang siyang
napalunok. May nadarama siyang kakaibang damdamin:pananabik,
paghihintay kay Lita.
38. Naramdaman niya ang kung ilang ulit na pagpasok ni Aling
Sela sa kabahayan. Nakita niya sa sulok ng kaniyang mga mata ang
pagtatanaw tanaw nito sa landas na pinagbubuhatan ng mga sasakyang
nagyayaot dito.
39. Waring may hinihintay itong darating. May hinihintay ka
bang bisita?, hindi na niya natiis na usisa sa asawa. Kangina ka pa
tingin ng tingin sa labas ng bintana e, ngunit wala siyang narinig
na tugon.
40. Muling lumabas si Aling Sela at hinarap nito ang pagluluto.
Natanaw niya ang pagdating ng isang karitela. Huminto ito sa tapat
ng kanilang tarangkahan.
41. Isang babaeng may bibit na maleta ang umibis. Si Lita!
Hindi siya nakakilos sa pagkakaupo. Hindi siya nakita ni Lita
sapagkat nasasanggahan siya ng malagong halamang gmagapang sa
bintana.
42. Narinig niya ang masayang pagsasalita ng asawang nasa
labas. Naku, ang akala koy hindi ka na darating e! Medyo nga ho ako
naatraso, inay e Ang Tatang ho?
43. At biglang humina ang tinig ni Lita. Hindi niya narinig ang
sagot ng asawa. Napapikit siya. At maya- mayay naramdaman niyang
may humawak sa kaniyang kamay. M-mano po, Tatang bahagyang paos ang
tinig ni Lita.
44. Kaawaan ka ng Diyos,anak! At naiyak si Mang Doro. Paano
namay nakadarama rin siya ng kagalakan at batid niyang lubos ang
kagalakang iyon kung nagkaroon siya ng bahagi sa tagumpay ng
anak.